XV. Town of Aspel
"Sigurado ka ba na pwede ako rito?" tanong ko kay Nickolas habang pinagmamasdan ang harap ng isang bahay.
Madilim na ang paligid ngunit aninag ko pa rin ang sakop ng bahay sa harap ko. Kasing laki siya ng bahay namin ni Lola Esme.
"Hindi sakop ng kahit ano mang kaharian ang bayan ng Aspel kaya ligtas ka rito. Tsaka malayo layo rin ito sa Winzellia." saad niya na hindi nililingon at pumasok sa bahay. Sinenyasan niya akong sumunod kaya pumasok na ako.
Inilibot ko ng tingin ang buong bahay. Di hamak na mas malaki naman ito sa bahay na tinutuluyan nila sa isang baryo sa Winzellia.
"Hindi man ito kasing-laki ng palasyo pero may sobra pang isang kwarto rito kaya ayos lang." saad niya at pinapasok ako sa isang kwarto.
"Magpahinga ka na. Alam na ni Ina at Dianne na nandito ka. Bukas nalang." sabi niya bago isarado ang pinto.
Inilibot ko ng tingin ang kabuuan ng kwarto. Malinis ito at maayos. Umupo ako sa kama. Hindi hamak na mas malambot ang kama ni Victoria pero ayos na ito kaysa wala.
Humiga ako at pumikit pero agad ko ring iminulat dahil nagflaflashback lang ang mga nangyari ngayong araw. Nakakapagod.
Bumangon ako at nag-isip ng pwedeng gawin. Hindi pa ako dinadalaw ng antok.
Napabuntong hininga nalang ako nang maalalang wala nga pala silang ipinadala sa akin na kahit anong gamit. Humiga nalang ulit ako at pumikit. Hinintay na dalawin ng antok.
* * *
"Ayan, hija. Siguradong hindi ka na mamumukhaan ninuman." saad ni Tita Lesly, Dianne and Nickolas' mother.
I stared at myself in the mirror. My slightly curled brown hair was straightened. Tita Lesly also made me a bangs and made me wear an eyeglasses. I'm also wearing a simple pink dress.
Lumingon ako sa kanya at ngumiti. I'm so overwhelmed. Ang swerte ni Nickolas sa kanya. My parents died in a car accident when I was seven.
"Salamat po," ngumiti lang siya at niyakap ako.
"Para na ring anak ang turing ko sa'yo, Victoria. Lalo na nung iniligtas mo si Dianne."
"Ate, ang ganda niyo." namamanghang saad ni Dianne habang hinihimas himas ang buhok ko.
"Mas maganda ka kaya," sambit ko at piniga ang mataba niyang pisngi.
Pumasok sa school si Nickolas kaya wala siya. Ako naman, hindi pwedeng lumabas dahil delikado. Baka may makakilala pa rin sa akin.
Dahil wala naman akong magawa, tinulungan ko nalang si Tita Lesly sa mga gawaing bahay.
"Huwag na, hija. Alam ko namang hindi ka marunong dahil isa kang prinsesa," napatawa naman ako sa sinabi niya.
"Ako po? Hindi marunong? Akala niyo lang po," saad ko. Wala naman siyang nagawa kundi pumayag.
After I washed the dishes and cleaning, I saw Dianne playing at the sala. I went towards ger to confirm something.
"Dianne," tawag ko at umupo sa couch.
"Bakit po, ate?"
"Ilan ang kwarto niyo dito?" tanong ko.
"Tatlo po. Yung isa ay kay Lola, tapos kay Kuya Nick naman ang isa, at doon naman kami ni Mama." saad nito habang tinuturo ang mga kwarto.
Sabi ko na nga ba. There are balls and boy stuffs inside the room where I slept. That must be Nickolas' room. But where did he slept?
* * *
The night came. Simple dinner, simple people. Oh, how I do love simple things.
Pagkatapos kumain ay naghanda na ang lahat sa pagtulog. Sinamahan ko si Dianne na maghilamos. She's so bubbly. Para akong may nakababatang kapatid.
Aakyat na sana ako sa kwarto pero nakita ko si Nickolas na nakatayo sa tapat ng bintana kaya lumapit ako. Sumandal ako sa katabing bintana.
"The whole school talks about Victoria." napalingon naman ako sa kanya. He's just standing still, not taking a glimpse of me.
"That's expected," that's just what I said. Ano pa bang aasahan ko? Isang malaking kahihiyan ang nagawa ko sa Winzellia. Siguradong galit ang lahat sa akin ngayon.
Ilang sandali rin ang katahimikan sa pagitan namin bago siya magsalita.
"You should sleep in the room now," he said, still not looking at me.
"But that's your room."
"Dito ako sa sala matutulog," saad niya at kinuha ang isang banig at unan sa gilid tsaka inilatag.
"Doon ka nalang," sabi ko kaya natigilan siya.
"Hindi ka pwede dito sa sahig matulog," saad niya at nagpatuloy maglatag ng banig.
"Sinabi ko bang dito ako matutulog?" tinaasan ko siya ng kilay pero nawala rin iyon nang marealized ko ang sinabi ko. Pati si Nickolas ay natigilan.
"Saan ka matutulog? Sa tabi ko?"
"Sabi ko nga dyaan ka nalang," saad ko at dali daling umakyat.
Sh* t! Iniisip ba niya na gusto ko siya kasamang matulog? Geez...
* * *
Another day have passed. Tinulungan ko sa paglalaba si Tita Lesly. She even let me buy some dress kaya bilang kabayaran, tumutulong ako.
"Hala, wala na palang tubig sa drum." saad niya. Aspel is almost a forgotten town. Ewan ko ba pero pansin kong napag-iiwanan ito ng sibilisasyon. They don't even have faucets.
"Ako na po ang kukuha sa balon." prisinta ko at kinuha ang timba.
"Sigurado ka ba, hija? Si Nickolas nalang. Siguradong padating na'yon." sambit nito. Alas singko na ng hapon. Gusto ko ring lumabas oara panuorin ang paglubog ng araw kaya nagpresinta na ako.
"Kaya ko na po," saad ko at ngumiti. Wala naman siyang nagawa kundi tumango.
Masigla akong lumabas ng bahay. Nakasuot ako ng kremang bestida at nakalugay ang tuwid na ngayong buhok. Suot ko rin ang eyeglasses ko.
Inilibot ko ng tingin ang paligid. Napakasimple ng pamumuhay rito kaysa sa palasyo. Mga batang naghahabulan sa kalsada, mga nagpapalipad ng saranggola, at mga umaakyat sa mga puno.
Karamihan sa mga bahay rito ay gawa sa pinagsamang kahoy at semento. Malalawak din ang mga bukirin na siyang pangunahing kabuhayan ng mga mamamayan.
Ibang-iba ang bayan na ito sa mga kaharian tulad ng Winzellia. Makikita mo ang paghihirap sa magagaspang nilang mga palad ngunit mamamangha ka sa mga ngiti nilang tila walang iniinda.
Napahinto ako sa paglalakad nang mapansing pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid.
"Isang dayuhan," rinig kong saad ng isang Ale na nakatayo sa tapat ng isang tindahan. Yumuko naman ako at binilisan ang lakad.
Napatigil ulit ako nang may humarang sa akin na isang grupo. Dalawang lalaki at dalawang babae.
"Where are you from?" saad ng isang babae na mukhang mataray.
"Basta, secret." walang gana kong tugon. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Makinis ang balat mo, maputi. Mukha kang maharlika." isa iyong puri pero sa pagkakabigkas niya, para niya akong pinipintasan. Like, being a royal is the most disgusting thing she knew.
Yumuko lang ako at lalagpasan sana sila pero itinulak ako ng babae. "Kinakausap pa kita, hindi ba? Bastos ka!" sigaw nito.
"Pasensya na," susugurin niya pa sana ako pero pinigilan siya ng mga kasama niya. Hindi pa rin sila umaalis sa daanan ko. Geez.
"Hindi siya isang maharlika." napalingon ako sa nagsalita pero agad niyang tinalukbungan ang ulo ko ng isang itim na balabal.
"Kilala mo siya, Nick?" tanong ng pinakamatanglad na lalaki sa grupo.
"Malayo namin siyang kamag-anak. Siya si Eerah, isa sa mga tagapagsilbi ng Wilhem." saad nito na diretso ang tingin sa grupo. Napatango naman silang lahat at lumiwanag ang mga mukha.
Bigla akong hinila ni Nickolas palayo sa kanila. "Hindi ba't sinabi kong huwag kang lalabas?" saad niya habang diretso ang tingin sa daan.
"I'm banished from the kingdom. Pero hindi ako wanted. Bakit ko kailangang magtago?" inis kong sabi at binilisan ang lakad.
"Hindi mo man lang ba naitanong sa sarili mo kung bakit nakabukod ang bayan na'to sa mga kaharian? Because the people here are mad with the Royals. Of their toxic ruling!" sigaw niya na halos mapatakip na ako ng tainga.
Napahinto ako sa paglalakad. Nakatalikod man ako sa kanya, ramdam ko ang galit niya.
Napapikit ako at humawak sa bandang dibdib. Hindi ko alam kung bakit may kung anong sakit akong nararamdan.
Hindi ako ang may kasalanan. Hindi ako nanakit ng sinuman. Pero... bakit palagi akong nadadamay? Ang kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. Why life's so unfair?
Lumingon ako sa kanya dahilan para umiwas siya ng tingin at napabuntong hininga.
"But you're safe here. As long as they don't know that you're a royal."
~ ~ ~
Storyline entry:
The girl was just lost and found herself pretending being the princess. But isn't it unfair how she needs to sacrifice and pay the price of the mistakes she haven't really done?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro