Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

XIX. Fifth

"I would rather lose the throne than to lose my daughter," umiling ako. I can't risk their lives.

"I'm sorry but I really need to leave,"

"No one needs to leave," napalingon naman kaming lahat sa lalaking naglalakad ngayon papalapit sa amin. Ethan.

"I was with the royal council for turee days. We review Victoria's case again. And luckily, napagdesisyunan nilang ipawalang-bisa ang parusa." dagdag pa niya.

"How?" hindi ko makapaniwalang tanong.

"Hindi ka naman talaga umamin na pinakawalan mo talaga ang sorcerer at ang matibay na pinanghahawakan lang nila ay ang testimonya ng saksi. Ipinarating ko sa kanila ang nangyaring pagtatangkang pagpatay sa'yo ng mga hindi kilalang tao. They came up with an idea that it was just a set up. Namatay na rin dahil sa katandaan ang testigo kaya hindi na nila masabi kung totoo ba ang sinasabi nito o binayaran lang siya."

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Ethan. Hinawakan naman ng reyna ang dalawa kong kamay at marahang ngumiti. "I told you, everything will be alright."

* * *

"Salamat," I said as the two of us walk in the garden. Napalingon naman siya sa akin.

"Naikwento sa akin ni Ashley na hinanap mo raw ako?"

"Huh?" nakunot ang noo ko sa sinabi niya. The response I expect to get is 'you're welcome'

"I shouldn't have gone for that long. Namiss tuloy ng prinsesa ang gwapo kong mukha," saad niya kaya nasuntok ko ang braso niya.

"Aray! Ngayon lang ako nakakita ng prinsesang nanununtok," reklamo niya habang hinihimas himas ang braso niya.

"Ang hangin hangin mo kase," asik ko.

"Anong magagawa ko? I'm a wind sorcerer, after all. And take note, the only sorcerer in our royal batch." saad niya. Ang yabang talaga.

Siya nga lang talaga ang sorcerer sa batch namin. Kaya nga siya ang pinakaangat. Even Victoria doesn't have magic in her hand. Kaya nga ninakaw niya ang wand ng bilanggong sorcerer bago ito mamatay.

"Kaya nga hindi ako nahirapan sa pagkausap sa royal council," sabi niya pa.

"Edi ikaw na. Hail to the prince!" sarkastiko kong sabi kaya natawa naman siya. I don't know when we became close. Victoria and Ethan have never been this close. Maiinggit sa akin si Victoria.

"Pero hala ka, tatlong araw kang hindi pumasok. Marami kang nalagpasang lessons niyan." takot ko sa kanya. He's known for being an active student. Hindi siya pumapayag na magskip kahit ni isang lesson.

"Sa'yo pa talaga nanggaling na hindi nakapasok ng halos dalawang linggo," napahinto ako dahilan para mauna siya sa paglalakad at nasa likuran niya ako. Napakamot naman ako ng ulo. Mas maraming lessons ang nakatambak sa akin.

"I know that studying is important to you. And mine, I don't even care at all." saad ko. Humarap siya sa akin at ngumiti.

"You're much important to me than anything else, your highness."

* * *

Inanunsyo na nga ng Royal Council ang pagpapawalang sala sa akin. Madali namang sumang-ayon ang mga mamamayan dahil marami rin sa kanila ang naniniwalang walang kasalanan ang sorcerer.

The king will held a party tonight. Isang piging na dadaluhan ng iba't-ibang mga royalty sa twelve kingdoms.

"Winzellia is celebrating the come back of their beloved princess. Not knowing that she's a fake." sinamaan ko naman ang batang babaeng pinaglalaruan ang mga orkidia sa hardin. Ang gabay ng hinaharap.

"As if I want to be a fake," asik ko naman sa kanya.

"Buti nalang talaga at nakagawa ng paraan si Prince Ethan. Kung hindi ay hindi ka na talaga makakauwi."

"Bakit naman?" iniwanan niya ang mga orkidia at lumapit sa bench na inuupuan ko.

"Sa paligid ng palasyo mo mahahanap ang mga tao sa misyon mo. How can you finish it if you're nowhere in here?" napatango naman ako. Napansin ko rin na wala akong kahit anong pangitain o alaala ni Victoria na nakita noong nasa Aspel ako.

Maya-maya lang ay biglang dumating sa hardin ang hari kaya dali daling naglaho si Hina, short for hinaharap. Tumayo naman ako at yumuko bilang paggalang sa hari.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" magalang kong tanong. Napansin ko namang may mga kawal na nakabantay sa kanya bilang proteksyon.

"Nasabi sa akin ng isang tagapagsilbi na nandito ka raw. May gusto akong ipakilala sa'yo." saad ng hari. May lumapit sa kanya na isang lalaki na nakasuot ng kalasag. Iba sa kalasag ng mga kawal na kulay pilak dahil sa kanya ay kulay ginto.

"Maraming kapahamakan ang naghihintay sa'yo sa loob at labas ng palasyo. You should have a knight to protect you everytime." the king said. Tumungo naman sa akin ang kasama niya tsaka yumuko bilang paggalang.

Natigilan ako. Ayoko ng may kasama palagi. I'm too tired pretending to be the princess. Hindi rin pwedeng magpakita sa akin ang mga gabay kapag may iba akong kasama.

"Hindi ko na po kailangan, ama. I can protect myself. I'm good in fighting." pagmamayabang ko. Napangiwi naman ako nang marinig ang mahinang tawa ng lalaki sa loob ng gintong kalasag.

Tinaasan ko siya ng kilay. Wala siyang karapatang tumawa dahil tatlong tao lang naman ang nakakita kung paano ako makipaglaban.

The two guys in the black masks and Nickolas. I can still hear him saying, 'Para kang palaka makipaglaban'

"Mas mabuti na makasigurado akong magiging ligtas ka." saad ng hari. Magsasalita pa sana ako nang may magsalita sa likod ko.

"Hindi na po kailangan ng tagapagbantay ni Victoria, kamahalan." napalingon naman ako kay Ethan na kakarating lang.

"Dahil handa akong ipagtanggol siya hanggang kamatayan."

Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Okay? Ang cheesy n'on.

May kumalabog sa lapag kaya naman naialis niya ang tingin sa akin. Salamat sa espada ng lalaking ginto ang kalasag na nahulog dahil hindi ko alam kung anong magiging reaksyon. Should I smile back? Kikiligin ba ako? O maiinis dahil ang hangin niya? Yung tono niya kasi ay parang sinasabing lampa ako.

* * *

The king didn't agree. Pinasama niya pa rin sa akin yung ginintuang kawal.

"Bakit?" tanong niya nang mapansing huminto ako sa paglalakad at nakatitig sa kanya.

Lumapit ako at kinuha ang braso niya. Kinagat kagat ko ang ginto doon.

"Ano bang problema mo?" asik niya at hinablot ang braso niya mula sa kamay ko.

Hindi ko siya pinansin at tumango tango lang. "Matibay. Mukhang totoo ngang ginto."

"Kung isangla kaya kita?" hindi ko makita ang mukha niya pero siguradong nakakunot ang noo niya ngayon.

Kinuha ko ulit ang braso niya at kinatok ang ginto. "Siguradong malaki ang halaga nito." Sasabihin ko sa pagbebentahan ko na pati siya isama sa ginto. May pera na ako, wala pang nakabuntot sa akin.

Pero kung tutuusin, kailangan ko rin ng tagapagtanggol. Baka matigok ako nang tuluyan dito.

"Umayos ka nga! Para kang baliw." asik niya at hinablot ulit ang braso. Napataas naman ako ng kilay. Aba, walang respeto sa prinsesa. Sabagay, wala akong karapatang magalit dahil peke lang ako.

The night came and the party will start a few minutes after. Isang grupo ng kababaihan ang nag-aayos sa akin sa kwarto ko.

"Huwag niyong kapalan ang make up sa'kin. Baka magmukha akong clown," reklamo ko sa isa. I saw one of Victoria's picture frames. She likes dark red lipstick, long black eyelashes, and extravagant hairstyles everytime there's an event.

After a moment, lumabas na ako ng kwarto. They made me wear a of shoulder pink gown embraided with golden flower threads at the tip. My hair is neatly ponied in a bun with my bangs off my forehead. With rosepink lipstick and blush on.

Bumaba na ako sa hagdan. The golden knight guided my hand. Para namang hindi ko kayang bumaba. He have been in front of my room waiting for me. Hindi kaya siya nabored? Sabagay, it's his work.

There are so many people in the hall. Colorful gowns and suits, an orchestra at the side. There are ladies and men talking to each other everywhere. They seems so elegant... and I feel so outcast.

I'm no princess. I'm just an ordinary girl who's in some unknown reason, needs to pretend to be one. And I feel like I don't belong here.

"They all celebrate like there's no people who suffers in poverty outside." napalingon ako sa kanya.

Even with his golden armor, I can still see sadness and anger in his eyes. He seems to hate the royals and yet, he's here working for them. How ironic. And he talks like someone I knew.

Magsasalita sana ako nang bitawan niya na ang kamay ko. We're already at the royal hall.

Lahat ng mga nakakasalubong ko ay binabati ako. They seem so glad that I'm back. But I heard that some of them hates Victoria.

They seems so happy when I fell and they're also glad when I rose again. Yung totoo, masayahin ba talaga sila?

"I'm glad you're back." bati ni Prince Vincent nang makasalubong ko siya. Pilit naman akong ngumiti. I still remember when he accused Nickolas with somethibg he didn't do. Nagalit pa nga siya sa'kin nung sinabi ko ang totoo sa headmaster.

Naistatwa ako nang may bigpang yumakap sa akin. "Nabalitaan namin ang nangyari sa'yo. I'm glad you're okay." saad ni Prince William nang kumalas siya sa yakap.

Ngumiti naman ako at tumango sa kanya. He's that prince who's so inlove with Victoria.

Nagsimula na ang pagdiriwang sa pangunguna ng hari ng Winzellia. Maya maya pa ay nagsimulang pumunta sa gitna ang mga babae at lalaki. The orchestra also played classical music.

Gulat akong napatayo nang may lumahad na kamay sa harapan ko. Ethan's standing in front of me.

"Can you dance with me?" tanong niya. Napalingon ako kay Ashley na nakatayo sa tabi ko ngayon. Ngumiti siya sa akin pero alam kong nasasaktan siya. She likes Ethan so much even when they were just kids.

Nginitian ko si Ethan at iniabot sa kanya ang kamay ni Ash. "It will be better if the two of you will be the one to dance."

Nagkatinginan silang dalawa pero agad ring nag-iwas. Namumula si Ash habang si Ethan naman ay nakayuko.

"S-Shall we?" nahihiyang tanong ni Ethan kaya naman nahihiyang napatango si Ash. Pumunta na sila sa. gitna at sumayaw.

May pagtingin rin si Ethan kay Ashley pero hindi siya makaamin dahil alam niyang mas importante kay Ash ang pagkakaibigan nila ni Victoria.

"They are so perfect for each other, aren't they?" tanong ko sa golden knight sa gilid ko pero hindi sa kumibo at nanuod lang ng mga nagsasayaw. Snobber tsk.

* * *

The atmosphere became so cheerful, yet, I feel so out of place. This party is for me but I can't enjoy no matter how I try.

I'm wrong. This isn't really for me. It's for Victoria.

I joined the crowd and went out of the palace. Napasimangot naman ako nang makita ang golden knight na nakasunod sa akin.

"Bakit ka lumabas? That's your party." saad niya. Tumalikod nalang ako at bumuntong hininga.

"I felt out of place there,"

I went to the garden and sat in a bench while he's standing beside me. I looked at the full moon.

"Do you know what's my favorite phase of the moon?" tanong ko sa kanya. Liningon niya ako tsaka bumaling sa buwan.

"It's the full moon," saad ko at itinaas ang kamay na para bang inaabot ito. "The half and the crescent moon are lovely but full moon is what I love the most. I admire how she can bravely show herself, despite of being scarred."

"After a long time, she finally gathered enough strength to show who she really is. She showed her real self and in that way, she didn't noticed that she already lighted up the world." ngumiti ako habang pinagmamasdan ang buwan.

Liningon ko siya na ngayon ay nakatitig sa akin and I don't know how long he have been doing that.

The night screams silence away from the cheerful yet lonely atmosphere inside the palace. But the silence shattered when it was ruined with a bang.

Napatayo agad ako nang marinig ang pagsabog. Narinig ko ang ingay at hiyawan sa loob ng palasyo. The golden knight held my hand and we run away.

Pinapasok niya ako sa isang kalesa. "Titingnan ko kung anong nangyayari sa loob. Huwag kang aalis hangga't hindi pa ako bumabalik." saad niya at isinarado ang karwahe upang walang makakita sa akin.

Ilang minuto palang ay biglang umandar ang karwaheng sinasakyan ko. Ang bilis niya naman.

Muntik na akong madukdok dahil sa tulin ng pagpapatakbo niya. "Ano ba!? Dahan dahan naman oh!" reklamo ko kaya agad niyang inihinto ito. Narinig ko pa ang daing ng kabayo.

Lumabas ako sa karwahe pero nagulat ako nang hindi siya ang nakasakay rito at nagpapatakbo.

Isang lalaking nakaputing polo ang nakasakay rito at sa likod niya ay isang babaeng nakakulay dilaw na gown. She looks like a princess.

Gulat itong napaalis sa kabayo nang makita ako. "P-Prinsesa Victoria?" Naaalala ko na, isa siya sa mga bumati sa akin kanina sa royal hall.

Magsasalita pa sana siya nang hitakin siya ng lalaki at tumakbo sila palayo.

"Habulin ang prinsesa at ang lalaki niya!" napalingon naman ako sa sumigaw. There are soldiers running toward their direction. Oh, a runaway princess, huh?

Napahinto sila nang mapansing mali ang dinaanan nila. They ended up running in a cliff.

"Dito ka lang, Rina." saad ng lalaki at tumango naman ang babae. Inilabas niya ang espada at kinalaban ang mga kawal na dumating.

Hibang na siya. It's one versus twelve. Does he thinks that he can defeat them all?

Nagulat ako nang bigla niya akong hinitak at itinutok ang espada sa leeg ko. "Lumapit kayo at mamamatay ang prinsesang ito!" sigaw niya.

"Wait, what!? Bakit ako?" reklamo ko pero hindi niya ako pinansin at lumapit lang kami sa prinsesang tinawag niyang Rina.

"Hayaan niyo kaming makaalis ng sinta ko at maayos na makakauwi ang prinsesa niyo." saad niya kaya naman nagkatinginan ang mga kawal. They are Winzellia's soldiers. Victoria's life is what matters more to them.

Sasagot na sana ang isa sa kanila nang may dumating na lalaki. He wears suit like princes wear.

"Hindi. You can't have Princess Rina!" sigaw nito. Napapikit naman ako sa inis. Pano naman ako!?

Inilapit pa lalo ng lalaki sa leeg ko amg espada. May kinuha siyang pulbos sa bulsa niya at ihinagis sa mga kawal dahilan para lahat sila ay makatulog.

Binitiwan niya ako at lumapit sa prinsipe. Aba, gusto pala ng one on one.

"Pasensya na kung nadamay ka pa, Victoria." saad ni Rina at hinawakan ang mga kamay ko. Pero hindi na ako nakasagot nang may pangitain akong nakita.

Inis na pumasok si Victoria sa karwahe. Lihim siyang pupunta sa gubat upang subukan ang wand na nakuha sa namayapang sorcerer.

"Bilisan mo ang pagkilos kung ayae mong ang pagkamatay mo ang mapabilis." asik niya sa karterong nagpaalam na may kukuhanin lang.

Nagulat siya nang ilang sandali pa lang ay umandar na ang katwahe. Mukha ngang nasindak sa kanya ang kutsero.

"Ihinto mo ang sasakyan!" sigaw ni Victoria sa galit nang muntik na siyang mahulog dahil sa tulin ng pagpapatakbo ng kutsero.

Lumabas siya ng karwahe at napagdesisyonan nang gamitin sa kutsero ang wand ng sorcerer nang makita niya ang pamilyar na mukha ng kaklase.

"Rina," gulat na bati niya sa prinsesa. Gulat na napatayo si Rina nang makita siya. "At sino naman ang lalaking kasama mo?"

Sasagot sana si Rina nang hitakin siya ng lalaking kasama dahil paparating na ang mga kawal na humahabol sa kanila.

Sinundan sila ni Victoria. "Mga hibang sa pag-ibig," bulong niya habang pinagmamasdan ang magkasintahang nasa dulo ng bangin.

Bigla siyang hinitak at ginawang bihag ng lalaki ngunit hindi siya nanglaban. Hinayaan niya lang itong takutin ang mga kawal. She seems to enjoy watching the scene.

Biglang may dumating na prinsipe. Si Prinsipe Primo, ang nakatakdang pakasalan ng Prinsesa Rina. May ihinagis na pulbos ang lalaki dahilan upang makatulog lahat ng kawal. Ang prinsipe nalang ang natira.

Habang naglalaban ang lalaki at ang prinsipe, tahimik namang umiiyak si Prinsesa Rina habang si Victoria ay nanunuod lang sa kanila.

"Huwag ka ngang umiyak. Ikaw ang magdadala sa dalawang iyan sa kamatayan." saad ni Victoria. Umiling iling lang si Rina at tatakbo na sana palapit sa dalawa upang pigilan na ito nang matalisod siya sa baging dahilan upang mahulog siya. Sinubukan niyang kumapit kay Victoria kaya dalawa sila ngayong nasa bingit ng kamatayan.

Kasabay ng pagkakahulog nila ay ang pagtumba ng dalawang naglalaban. Ang prinsipe ay sugatan at ang lalaki naman ay patay. Hindi ito nakita ng dalawa sapagkat nasa dulo na sila ng bingin. Ang pagkapit lamang ni Victoria sa lupa ang dahilan kung bakit hindi tuluyang nahuhulog.

Liningon ni Victoria ang paghuhulugan nila. Napakataas nito at may mga matatalim na bato. Siguradong hindi sila makaliligtas kapag nahulog.

Binaling niya ang tingin kay Rina na nakahawak sa paa niya. Hindi siya makakaahon kung nakakapit ito.

"Abutin mo ang kamay ko, pakiusap." pagmamakaawa ni Rina upang makaakyat siya.

Ngunit taliwas ang ginawa ni Victoria. Sinipa niya ang prinsesa dahilan upang mahulog ito sa bangin at siya naman ay makaahon.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Rina nang mapahawak ako sa ulo ko.

Tumango ako. "Lumayo tayo sa bangin," saad ko at tumango naman siya na ikinagalak ko.

Ngunit bago pa kami makaalis ay biglang bumagsak ang lalaki at ang prinsipe.

Ang prinsipe ay sugatan at ang lalaki naman ay patay.

Nilingon ko si Rina na ngayon ay humahagulhol na. "M-Marco, hindi." sambit niya.

"Rina!" sigaw ko nang humakbang siya paatras dahilan upang mahulog. Inabot ko ang kamay niya ngunit hindi ito kinaya ng pwersa ko dahilan para parehas kaming mahulog sa bangin. Mabuti nalang at nakakapit ako sa lupa.

Pinagmasdan ko si Rina. Patuloy pa rin siya sa pag-iyak habang nakakapit sa paa ko.

"Tulong! May tao ba dyan! Ayoko pang mamataaaay!" sigaw ko dahil dumudulas na ang kamay ko. Halos yakapin ko na rin ang lupa.

Napalingon ako kay Rina na ngayon ay humahagulhol pa rin. Kung ilaglag ko nalang siya? Siya rin naman ang may kasalanan kung bakit kami nandito.

Napailing ako. Hindi ko alam kung bakit pero may nararamdaman akong inis at gusto ko siyang itulak. Napailing ulit ako. What am I thinking?

"Rina, akin na ang kamay mo!" sigaw ko sa kanya. Hindi siya kumibo kaya sapilitan ko na itong kinuha.

Iniangat ko siya hanggang sa makasamoa na siya sa lupa. Napatingin ako sa pulso ko. I accomplished another mission.

Pero kasabay ng pagbabago ng numero 6 patungong 5 ay ang tuluyang pagdulas ng pagkakakapit ko sa lupa.

Naramdaman ko na naman ang isang pamilyar na sensayon. Para bang nahuhulog ako s aisang napakataas na tore.

Ngunit may isang braso na may ginintuang kalasag ang humitak ulit sa akin paahon.

"I told you, I will never be late again to save you."

Nikolas...

~ ~ ~

Storyline entry:

And the girl said, "I want to be like the full moon. Not afraid to show her real self."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro