
XIV. Fourth
"Are you acusing my daughter!?" the king furiously asked. Yumuko naman ang mga kawal pero hindi pa rin nagpatinag.
"Kailangan lamang po siyang papuntahin sa bilangguan para makita ng presong nakakita sa mukha ng suspek. Nakita siyang nasa labas nang madaling araw. Hindi po ba kahina-hinala iyon, kamahalan?" saad ng pinuno. Susugirin dapat siya ng hari mabuti at napigilan ko.
"Sasama ako," kalmado kong tugon pero sa loob loob ay parang mahihimatay na ako sa kaba.
Pumunta ako sa bilangguan kasama ang apat na kawal sa paligid ko. Gaya ng dati, matatalim pa rin ang mga tingin ng mga preso sa tuwing dumadaan ako.
Huminto kami sa isang kulungan isang metro ang layo mula sa kulungan ng sorcerer.
"Tanda! Ang prinsesa ba ang nakita mo rito na nagtakas sa sorcerer?" tanong ng isang kawal at hinampas ang rehas para makuha nito ang atensyon ng matandang preso.
Pinagmasdan ko siya. Payat na at may katandaan ang lalaki. Puti na rin ang buhok nitong may haba hanggang balikat.
Tumayo siy at pinagmasdan akong maigi. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil sa kaba.
"Anong mapapala ko kung sasabihin ko?" tanong nito sa mga kawal. Hinampas muli ng isang kawal ang rehas ng bilangguan.
"May malaking pabuya kapag nadakip ang salarin. Kaya tingnan mo nang mabuti, tanda!" sigaw nito. Kuminang naman ang mata ng matanda nang marinig ang salitang pabuya.
Napapikit nalang ako. Lagot na.
Lumapit ito ng kaunti sa akin at pinagmasdan ako. Pilit akong tumatayo nang matuwid ngunit nanginginig talaga ang mga tuhod ko.
"Malabo na ang mga mata ko dahil sa katandaan. Hindi ko na maaninag ang binibining nasa harapan ko ngayon." saad niya na nakapagpahinga ng maluwag sa akin.
"Wala ka rin palang kwenta!" sigaw ng isang kawal at hinampas ulit ang rehas. Dahil wala silang makuha sa matanda ay umalis na sila.
Hindi pa rin ako umaalis sa kinatatayuan ko at nakatitig lang sa matanda. Hindi ako naniniwalang malabo na ang mata niya dahil kanina lang ay nagtatahi pa siya ng tela.
"Pasalamat ka dahil hindi kita isinuplong," saad nito at umupo muli para magtahi. Sinigurado ko munang walang makakarinig sa amin bago ako nagsalita.
"Bakit mo ginawa 'yon?"
"Dahil nais kong makipaglaro ng kaunti. Matagal na rin akong nakakulong at nakakabakot iyon." saad nito at ngumisi.
"A-Anong ibig mong sabihin?" nauutal kong tanong.
"Dalawa kayo na nakita kong itinakas ang sorcerer. Nais kong papiliin ka," tugon niya at tinitigan ako sa mata.
"Sino ang nais mong isuplong ko? Ikaw o ang lalaking kasama mo?"
* * *
It's already 11:00 midnight and I'm still awake. Just staring at the stars in my ceiling.
Pinahigpit din ang seguridad dahil sa pagtakas ng sorcerer kaya hindi ako makalabas.
Ipinikit ko na ang mga mata ko pero gising na gising pa rin ang diwa ko. The old man's voice keeps on lingering in my mind.
"Kamatayan ang parusa sa sinumang magpatakas ng bilanggo. Sino ang gusto mong mamatay? Ang lalaking kasama mo o ikaw?"
"Ihaharap ako sa hukuman sa susunod na araw. Mayroon ka pang isang buong araw para makapagdesisyon, binibini."
What the heck!? If only I am Victoria, hindi ako mag-aatubiling isuplong na lang si Nickolas. But I'm not her.
"Mukhang hindi ka makatulog, mahal na prinsesa," napabalikwas naman ako nang bangon at hinarap ang isang bata na ngayon ay nakaupo sa study table ni Victoria.
Ang gabay ng hinaharap.
"Myghad! Buti naman at naisipan ng isa sa inyo na dalawin ako?" saad ko at lumapit sa kanya.
"Dahil batid naming may problema," saad nito at sinuklay ang itim na buhok. Pinagmasdan ko siya. Parang hindi siya pitong taong gulang kung magsalita.
"That old man wanted me to choose. Isa sa amin ni Nickolas ang isusuplong nya. Anong gagawin ko?" tanong ko kaya napataas siya ng kilay habang tinititigan ako.
"You can't die, Eerah. Alam mo 'yan."
"Then, what should I do?" tanong ko kaya pinagmasdan niya ako na para bang alam ko na ang sagot.
"That's insane! Nais mo bang isuplong ko si Nickolas!?" sigaw ko nang marealised ang nais niyang gawin ko.
"Wala si Nickolas sa misyon mo, Eerah. Ayos lang na mamatay siya." I just laughed with disbelief with what she have said.
"If I'll do that, I will be like nothing but Victoria,"
"You wouldn't. I swear,"
* * *
The next day, the old man's voice is still disturbing my mind. Ni hindi man lang ako nakapakinig sa klase.
This isn't an easy decision making. All my life, I was only asked which color do I like? Violet or Pink? Brown or black? Orange or yellow?
But heck, the old man asked me which life shall be saved?
Mine or Nickolas'?
Iba na kapag buhay ang pinag-uusapan.
Someone inside of me keeps on whispering, 'save yourself. " but the memories of Nickolas' burning district and deceased father keeps on triggering my conscience.
"Hey, are you okay?" tumango naman ako kay Ashley.
"Ash, do you mind if I ask umyou a question?" tanong ko habang naglalakad kami sa hallway.
"Sure,"
"A boat is sinking. You're in the boat with someone. One must dive under water and drown. Will you push that person or will you dive yourself?" saad ko. Napaisip naman siya.
"If that's the case, I think, I'll save myself."
"Why?"
"Kung isang hamak na mamamayan lang ang kasama ko, I'll save myself. Malaki ang posisyon ng isang prinsesa sa lipunan." napakunot naman ang noo ko sa sagot niya.
"Victoria, there are only two choices. Just think of the collateral damage once you choose one. Parehas iyong meron pero piliin dapat ang mas kaunti."
"If two bad things get on your way, the best thing to do is to choose the less bad, Victoria." she said that made me sighed.
* * *
After the dismissal, I went again in the library to borrow books. It's already five in the afternoon at wala nang ibang tao sa hallway.
"Ay kabayo!" sigaw ko nang may biglang humitak sa akin sa gilid.
"Huwag ka ngang sumigaw," asik sa akin ni Nickolas. Hinitak niya ako sa likod ng school.
"Kaya mo bang umakyat?" tanong niya nang makasampa siya sa puno at tumalon sa pader. Napangisi naman ako.
"Certified amazona kaya ako," wala akong kahiraprap na umakyat ng puno at bumaba sa pader.
Inilibot ko ng tingin ang paligid. The sky is a combination of orange and pink hues. Matatanaw rin sa guhit-tagpuan (horizon) ang papalubog na haring araw.
Dumaan kami sa pamilihan kung saan abala pa ang mga tao. Maggagabi na kaya't nagsisimula nang magsindihan ang makukulay nilang mga ilaw.
I was too overwhelmed not until someone grabbed the necklace in my neck kaya muntikan na akong matumba.
Isang lalaking nakatakip ng itim na panyo ang tumatakbo ngayon daladala ang kwintas ni Victoria. Agad naman naming hinabol iyon ni Nickolas.
Sinunggaban ito ni Nickolas at lumapit naman ako. Pinagmasdan niya ako nang mabuti tsaka biglang yumuko.
"P-Patawad, mahal na prinsesa. Huwag mo akong ipapapatay." pakiusap niya. Napakunot naman ang noo ko. Ipapapatay agad? Grabe.
May dumating din na Ale at nakiusap na pakawalan na lang daw ang anak niya at isasauli nila ang kwintas.
Lumingon sa akin ang magnanakaw at doon ay nakita ko ang isang pangitain.
Mahalaga kay Victoria ang kwintas na iyon kung kaya't gayon na lamng ang galit niya nang may magtangkang magnakaw nito.
She herself killed the thief in front of his mother. How brutal.
Napailing nalang ako nang kumirot ang ulo ko.
"Let him go," saad ko kay Nickolas kaya nagtaka naman ito.
Kinuha ko ang kwintas sa kamay ng magnanakaw at ibinigay na lang ang ginto kong hikaw. "Just take this and don't ever try to steal again," mariin kong saad at napatango naman ang binata.
"Maraming salamat, kamahalan!" saad ng mag-ina at tuluyan nang lumayo.
Napatingin ako sa kanang pulso nang bigla iyong humapdi. Sa lahat ng misyon na naranasan ko na, ito lang ang madali. Hindi ganoon kadelikado.
"What's in your wrist?" tanong ni Nickolas na nakita rin ang pagbabago ng nunero mula '7' papuntang '6'.
"Something to do with my mission as Victoria," I said. Hindi naman siya kumibo at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko tuloy alam kung naniniwala ba talaga siya sa akin.
Huminto siya sa tapat ng isang bukiran. Tumayo naman ako sa tabi niya at pinagmasdan ang papalubog na araw.
"Bakit mo nga pala ako hinitak papunta rito?" tanong ko. Hindi naman siya lumingon at nagpatuloy lang sa panunuod sa dapithapon.
"Pinuntahan ako ng mga kawal at iniharap sa sinasabi nilang saksi." napalingon naman ako sa kanya. Humarap siya sa akin at tinitigan ako.
"Hindi niya ako isinuplong ngunit batid kong nakita niya talaga ako."
Huminga ako ng malalim at dumampot ng dahon at pinunit punit ito.
"Tama ka, nakita niya talaga tayo pero mukhang gusto niyang makipaglaro." saad ko na nakapagpakunot sa noo niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Isa lang ang nais niyang isuplong. Pinapapili niya ako. Ikaw ba o ako," saad ko habang tinititigan ang mga mata niya. Binabasa kung ano ang magiging reaksyon niya.
At hindi nga ako nagkamali sa hula ko.
* * *
It's already night when I went in the old man's prison. It's time to choose.
"Nakapili ka na, binibini?" agad niyang tanong at sumunggap sa rehas. Napaatras naman ako sa takot. Grabe, baliw na ata ang matandang 'to.
Huminga muna ako ng malalim bago magsalita.
I'm sorry if someone will took this fall for me.
Pero hindi iyon maiiwasan. It's a collateral damage, after all.
* * *
Alas tress ng hapon ay tinipon ang lahat ng mga babae at lalaking napaghinalaan sa pagtakas ng sorcerer.
Nakapalibot kami sa matandang lalaki na ngayon ay binabantayan ng mga kawal.
Napalingon ako kay Nickolas na nakapwesto malayo sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Tulala lang siyang nakatingin sa matandang ilang sandali nalang ay isusuplong na ang isa sa amin.
"Ituro mo na, Tanda!" sigaw ng isang kawal at pinakawalan ang saksi.
Nilibot niya ng tingin ang mga tao sa paligid niya. Napalingon siya sa akin at may ngising sumilay sa labi niya.
Nagpatuloy siya sa paglilibot ng tingin hanggang sa dumapo ang mga mata niya kay Nickolas.
Lumingon din ako sa kanya. Pilit kong binabasa ang mga mata niya pero walang ni isang emosyon dito.
Tila ba sinusuko niya na ang sarili niya. Tanggap niya na ang desisyon kong siya ang isuplong.
Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga tao sa paligid nang tumapat sa direksyon ko ang hintuturo ng matanda.
Tila nagulat din si Nickolas sa itinuro ng saksi. Hindi niya ba akalain na isusuplong ko amg sarili ko para sa kanya?
Nakita ko ang pagpupumiglas ng hari nang pigilan siya ng mga kawal na tumungo sa akin. Nakita ko ang pagkadismaya sa mga mata nila.
Isang malaking kahihiyan ang ginawa ko para sa kaharian ng Winzellia. Lalo na at kilala ako bilalang isang prinsesa.
Pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang magsakripisyo ng buhay ng iba.
* * *
Isang simpleng kulay kremang bestida lang ang suot ko ngayon. Nakalugay ang buhok at walang ni isang alahas sa katawan. Wala na rin ang gintong tiara na pinapamutian ng mga dyamante sa ulo ko.
Natawa nalang ako sa sarili. Victoria is indeed nothing without her crown.
Mabagal lang akong naglalakad sa malawak na damuhan. Naalala ko, dito pala namin pinatakas ang sorcerer.
Huminto ako at lumingon muli sa palasyo ng Winzellia. Hindi ko maiwasang manghinayang pero alam kong tama ang ginawa ko.
Kamatayan ang hatol sa sinumang magpatakas sa isang bilanggo. Ngunit dahil mataas ang posisyon ko, hindi nila ako mahahatulan ng kamatayan. I will just be banished in the kingdom and never to step in there again.
Mas ayos na 'yon kaysa naman may mamatay, hindi ba?
Pinahid ko agad ang luhang pumatak sa mata ko. Naalala ko sina Ariel, ang hari at reyna, si Victor, Ashley, tsaka si Ethan. Kahit halos isang buwan pa lang ako rito, napamahal na sila sa'kin. At ngayon, hindi ko na sila ulit makikita.
Pinahid ko muli ang luha ko at tumalikod na. Hindi sila nawala dahil hindi naman talaga sila sa'kin. They are Victoria's at wala akong karapatang angkinin sila.
The sky is so beautiful. Kulay kahel na ang langit habang malapit nang lumubog ang araw. The sun will meet the horizon again.
Matagal akong tumitig dito. This is the most beautiful sunset I've ever seen. Unfortunately, I've seen it in the saddest moment.
"As the sun sleeps
at the horizon's call,
I was there, watching
how I lost it all." sambit ko at pinunasan ang luhang tumulo na naman sa mga mata ko.
"All the light
will fade as I wept,
And nothing but
darkness will be left." napaluhod na ako sa damuhan at hinawakan ang bandang dibdib. Ang sakit.
I never knew that I will be in this moment. It feels like I'm in cliff with nothing to hold on.
"But even if there
is nothing left but dark,
don't be scared because
there will be a moon
who'll shine and spark." I looked at where the voice came.
I saw Nickolas laying a hand in front of me...
as if telling me that there's still a hand I can hold on to.
~ ~ ~
Storyline entry:
Losing everything is painful but knowing that it isn't really yours to lose is much painful.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro