XIII. A Witness
The other day, I was happy attending to school knowing that Nickolas already believed that I am Eerah and not the evil princess.
"Bakit mukhang maganda ang gising mo?" tanong ni Ash habang naglelecture kami. Pahiging higing (hum) pa ako habang nagsusulat.
"Nothing," saad ko at ngumiti.
Siguradong nagkakagulo na sa bilangguan ngayon dahil nakatakas ang presong hahatulan sana ng kamatayan.
The time runs fast and it's already lunch time.
I saw Nickolas with his friends at a table far from us. Hindi sila magkaklase ni Victoria dahil nasa higher section siya-- royal section to be exact. May prestigious section kasi for prince and princesses.
I'm with Ethan and Ashley in a table. Ewan ko ba kung bakit sumasabay na si Ethan sa'min.
I am eating the last spoon of my lunch when I almost choke as I heard what the students beside our table are talking about.
"Do you remember the notorious sorcerer who was imprisoned in the Winzellia's jail? Nakawala daw. Ngayon pa nmn siya hahatulan ng kamatayan" said a girl to another girl.
"Ang sabi pa daw ay hindi nila malaman kung sino ang nagpatakas." dagdag pa niya. Nakahinga naman ako nang maluwag.
Tumayo na ako nang matapos kumain at naglakad na. Nagpaalam naman si Ashley na magccr lang kaya naiwan kami ni Ethan na naglalakad sa hallway.
If I am Victoria, I would be super glad being with Ethan alone. But I'm not her. Naaawkward pa nga ako eh.
Tahimik lang kaming naglalakad at wala ni isa ang nagsasalita nang may humarang sa amin na tatlong lalaki.
Akala ko baril ang ilalabas nila sa likod pero napataas lang ang kilay ko nang maglabas sila ng mga bulaklak at tsokolate.
"Prinsesa Victoria, para sa'yo nga pala." saad ng isa sa kanila.
Victoria is a beautiful and popilar princess who have many suitors. Pero hindi niya pinapansin ang lahat dahil kay Ethan. Ni hindi man lang niya tinatanggap ang mga regalo nito.
Ngumiti ako at inabot ang mga dala nila. Good thing is that I'm not Victoria. Perfect ang chocolate para sa dessert.
"Sala--" hindi ko na naituloy ang pagpapasalamat ko nang hinablot sa akin ni Ethan ang mga tsokolate at bulaklak at inabot ulit sa mga lalaki.
"Hindi tatanggap si Victoria ng kahit ano." saad niya at hinitak ako palayo. Bumitaw naman ako at nagkibit-balikat sa kanya.
"Bakit mo binalik? Mukhang masarap pa naman ang tsokolate at mababango ang mga rosas." saad ko at ngumuso dahil sa panghihinayang.
"Mahirap na. Baka nilagyan nila 'yon ng lason." saad ni Ethan at nagpatuloy maglakad.
"Mukha naman silang mababait. Nakakinis naman. Sayang yung binigay nila." sabi ko at napapadyak nalang sa inis. Panira ang prinsipe na'to. Kainis!
"Kung gusto mo ng mga tsokolate at bulaklak, bibigyan na lang kita." saad niya at pumasok na sa classroom. Napahinto ako at napatitig lang sa likuran niya.
Kahit kailan ay hindi binigyan ni Ethan si Victoria ng kahit ano. Ni hindi nga niya ito pinapansin.
Then, what the heck is that scene?
* * *
After the class, bumalik ako sa library para hiramin ang Alchemy book. Buti nalang at wala nang nakataling librarian sa stock room ngayon.
I was walking in the hallway while browsing the book when someone grabbed me and pulled me at the back of the building.
There are two guys wearing a black mask. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga matatalim nilang espadang hawak.
"Long time no see, Princess Victoria," saad ng isa kaya napaatras ako.
"S-Sino kayo?" tanong ko at tatakbo sana sa likod pero biglang humarang ang kasama niya.
"Isang buwan lang tayong hindi nagkita tapos nakalimutan mo na kami?" saad nito at inihagis ang isang espada sa akin pero imbis na saluhin ito ay nagtakip lang ako ng ulo sa takot na tamaan. Narinig ko naman silang tumawa.
Ibinaba ko ang hawak na libro at kinuha ang espada. Itinutok ko sa kanila 'yon. Para silang naghahamon ng sword fighting duel.
Ikinumpas ng isa ang espada niya pero imbis na salubingin yon ay yumuko ako at nagtakip ng ulo.
"Umayos ka nga! Wala kang kwentang kalaban." saad ng isa kaya napaayos ako ng tayo at itinutok sa kanila 'yon. Bakit sa mga palabas ay madali lang humawak ng espada?
"Ay kabayo!" sigaw ko nang hampasin ng isa sa kanila ang espada ko.
"Taym pers!" sigaw ko at nagcross-fingers pa. Ihinagis naman ng isa sa kanila ang hawak niyang espada dahil sa inis.
"Akala ko ba magaling ang prinsesa na 'yan? Wala namang kwentang kalaban. Ituluyan mo na nga!" sigaw ng isa sa kanila.
Hahampasin na sana ako ng espada sa ulo ng kasama niya nang may humarang na espada sa hawak niya at sila ang naglaban.
Nagulat ako nang makita si Nickolas. Sumugod na rin ang isa pa kaya dalawa na ang kinakalaban niya.
Ang ganda ng laban nila. Para akong nanunuod ng isang action movie kung saan si Nickolas ang bida. Matatalo niya ang mga kalaban para mailigtas ang pinakamamahal niya.
Napailing nalang ako sa iniisip. Ang lawak na ng imagination ko. Hayk.
"Hindi ka nga talaga si Victoria. Hindi siya lampa." saad ni Nickolas habang pinapagpagan ang sarili. Natalo niya ang dalawang lalaki kaya no choice sila kundi tumakas.
"Salama ha?" sarkastiko kong saad. Hindi man lang ako tinulungang tumayo. Hmp.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil hindi ako si Victoria o maoofend dahil sinabihan niya ako ng lampa?
"Para kang palaka makipaglaban." sabi niya na halata namang pinipigilan ang tawa. Napataas naman ang kilay ko.
"Aba! Kanina ka pa pala dito at pinapanuod silang hampas-hampasin ako!?" sigaw ko. Tumawa lang siya at naglakad.
Pusang gala pala!
* * *
Nakaupo lang ako sa kama habang ponagmamasdan ang paligid. Kaninang umaga bago ako pumasok, I ordered to change Victoria's wall color into violet with a hint of black at the side. Pinalagyan ko rin ng constellations at stars sa ceiling para bongga.
I opened the door to see Ariel and Ashley outside. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may mga dala silang chocolates.
"Penge!" saad ko at hinablot ang isang basket sa kanila. Inilagay ko iyon sa table at inumpisahang kainin.
"Actually, sa'yo talaga 'yan." saad ni Ashley at umupo sa kama.
"Talaga? Ang sweet naman ng bestfriend ko!" saad ko at piniga ang mga pisngi niya tsaka nagpatuloy sa pagkain.
"Ate, akala ko ba nakadiet ka?" napahinto ako sandali pero nagpatuloy rin kalaunan. I miss chocolates so badly.
"Tulungan mo nalang ako. Say ah!" sabi ko at sinubo sa kanya ang isang piraso.
"Saan niyo nabili ito?" tanong ko. Balak kong bumili ng marami sa susunod.
"Ewan ko kay Ethan," saad ni Ashley kaya muntik na akong mabilaukan. Uminom agad ako ng tubig. Seryoso pala siya na dadalhan niya ako ng chocolates.
"May dala rin pala siyang orchids. Nasa garden na." muntik ko namang maibuga ang iniinom ko dahil sa sinabi ni Ariel.
"Weh?" yun na lang ang naging reaksyon ko.
"Oo nga. Yiee, kinikilig siya!" saad ni Ariel at sinundot sundot pa ang tagiliran ko. Napatingin naman ako kay Ashley na tumatawa rin ngayon.
May pagtingin siya kay Ethan pero dahil ayaw niyang masira ang friendship nila ni Victoria, she chose to hid it. Ethan fell in love with Ashley and that made Victoria furious.
She is indeed a true friend to Victoria. And Victoria is an evil.
* * *
"Welcome to townsville!" nagpalakpakan ang lahat nang simulang putulin ang ribbon.
Inilibot ko ng tingin ang paligid. When I was unconscious for a week, inumpisahan na palang gawin ang mga bahay para s amga nasunugan. And now, it's already done.
"Ms, nakita niyo po sila Dianne?" tanong ko sa isang Ale na kapitbahay nila.
"Ang alam ko po ay hindi sila rito tutuloy, kamahalan." saad niya kaya tumango nalang ako at naglakad na.
"Ate Victoria!" napalingon ako sa tumawag at napangiti nang makita si Dianne na papalapit.
"Sabi ko na hindi ka magagawang saktan ni kuya Nick eh! Ayaw nila maniwala." saad niya sabay yakap sa'kin. Umupo naman ako para magkapantay kami.
"Masaya ako dahil gising ka na," sambit niya na nakapagpangiti sa akin. Hindi ko kailanman pagsisihang iniligtas ko ang batang ito.
Naglakad papalapit sa'min si Nickolas at nagpaalam naman si Dianne na pupuntahan lang ang mga kalaro.
Tumayo ako. Nakatitig lang kami sa isa't-isa na tila pinakikiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Magsasalita sana ako nang may tumawag sa akin.
"Victoria," nilingon ko si Ethan. "N-Natanggap mo ba ang mga tsokolate at bulaklak?" tanong niya at napayuko tsaka napakamot ng batok. Namula naman ako. I haven't deal with something like this ever in my life time.
"Ah, oo. Salamat pala," I said while swaying my hands in the air. Pantanggal ng awkwardness.
"May isang sikat na teatro sa silangan. Gusto mo ba akong samahan manood?" napatigil naman ako sa tanong niya. Naaalala ko ang scene na'to na nabasa ko sa libro.
Pero hindi si Victoria ang inaya niya noon. It's Ashley. Kaya mas lalong nagselos at nagalit si Victoria sa kanilang dalawa.
Pero bakit ngayon, ako ang inaaya niya?
Hinawakan ko si Ethan sa magkabilang balikat at itinalikod sa akin. "Alam mo, mas gusto ni Ashley ang teatro kaya tiyak na sasama siya." saad ko sabay turo kay Ashley na nakikipaglaro ngayon sa mga bata.
"Pero-" hindi na niya naituloy ang sasabihib dahil itinulak ko na siya. "Enjoy!"
Napalingon naman ako kay Nickolas nang mapansing mahina siyang tumatawa. "Oh? Ano na namang problema mo?"
"Hindi ka nga si Victoria. Kung siya 'yon, hindi siya magdadalawang isip na sumama kay Ethan." saad niya at naglakad. Sumunod naman ako sa kanya.
"Ashley likes Ethan. Hindi niya lang 'yon masabi dahil ayaw niyang magalit si Victoria sa kanya." saad ko at bumuntong hininga.
"Ikaw ba? Hindi mo siya nagugustuhan katulad ni Victoria?" tanong ni Nickolas at nilingon ako. Umilong naman ako.
"Ethan is so princely. Medyo mahangin din. Sinabihan ba naman ako noong nakaraan na 'patay na patay' daw ako sa kanya. What the heck!" inis kong saad. Naalala ko na naman ang kayabangan niya. Bahagya namang natawa si Nickolas.
"Gwapo naman siya. Mabait din tsaka maalalahanin. But he's too much for a girl like me."
"Bakit? Maganda ka naman ah?" napahinto ako sa sinabi niya. Bigla yatang uminit. Dapat nagdala ako ng payong. Napansin niya rin ang awkward na atmosphere pero mukhang wala na siyang maisip na topic.
"Bakit nga pala kayo hindi tutuloy dito?" pag-iiba ko ng usapan. Napahinto naman siya at lumingon sa akin.
"Napagdesisyunan kasi namin na tumuloy sa bayan ng yumao kong ama." napayuko naman ako sa sinabi niya. Alam kong hindi ako si Victoria pero kamukha ko pa rin siya. Kamukhang kamukha ko ang babaeng dahilan ng pagkamatay ng tatay niya.
"Narinig mo na ba ang balita? May witness daw na nakakita ng mukha ng nasabing nagtakas sa notorious na sorcerer." rinig naming saad ng isang babae sa asawa niya.
Nagkatinginan naman kami ni Nickolas dahil sa katotohanang nanganganib kaming dalawa.
* * *
"Kamahalan, may naghahanap po sa inyo," katok ng isang tagapagsilbi.
"Sige, susunod na!" sigaw ko at bumaba na ng kwarto.
Pagdating ko ay may mga kawal ang sumalubong sa akin. They aren't just Winzelia's warriors. Mula sila sa pinakamataas na royalty.
Binati ko sila at nginitian pero nawala iyon kaagad nang magsalita ang isa sa kanila
"Magandang gabi, prinsesa Victoria. Nais ka lamang naming makausap patungkol sa nakatakas na sorcerer."
~ ~ ~
Storyline entry:
The girl and the knight is in danger. Who will be the one to save them?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro