
XII. Third
"Eerah Eriendelle" rinig kong boses habang may yumuyugyog sa balikat ko.
"Lola?" gulat kong saad nang makita siyang nakaupo sa kama ko. Bumangon ako at inilibot ng tingin ang paligid. Nasa kwarto ako!
"Hija, binabangungot ka yata. Naririnig kitang sumisigaw kanina." sambit ni Lola Esme at hinawi ang buhok kong natatakpan ang mukha.
"Matulog ka na ulit. Babalik na ako sa kwarto ko." pagkaalis ni Lola ay agad kong kinuha ang cellphone ko.
02-02-2020, 4:35 am
February 20 pa rin ngayon? The day when I finished reading Ever After.
Nakita ko sa gilid ang libro at dali dali iyong kinuha. Binuklat buklat ko ito pero wala nang nakasulat ni isa. Nakapagtataka.
Bumangon ako lumabas ng kwarto. Sinilip ko si Lola Esme sa kabila pero mahimbing na siyang nakatukog ulit. Madaling araw pa lang.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig at mahimasmasan. Nakita ko si Camih sa gilid kaya pinuntahan ko siya at niyakap.
"Biruin mo 'yon? Halos dalawang linggo din akong nawala." I said and caressed her fur.
Lumabas ako ng bahay at umupo sa isang putol na puno sa gilid. Madilim pa kaya kitang kita ang mga bituin at ang crescent moon.
Ilamg sandali lang ay unti-unti nang nagpapakita ang liwanag. Umakyat ako sa puno sa bakuran para makita ang bukang-liwayway.
'As the sun rises, a new adventure shall begin'
Naalala ko nang umakyat din ako ng puno sa Winzellia para makita naman ang dapit-hapon. But is that really true?
Bumubtong hininga ako at bumaba na sa puno. It feels like a dream now, yet, realistic.
"Hija, gumayak ka na." Nakunot ang noo ko sa sinabi ni Lola?
"Bakit po? "
"Aba'y hindi ka ba papasok? Lunes ngayon. Batang 'to talaga!" napakamot naman ako ng ulo. Lunes pala ngayon.
Dumiretso na ako sa banyo para maligo. After I wore my uniform, I immediately walked in front of the mirror.
A white blouse with below the knees blue skirt. Mas komportable ito sa golden ochre na maikling palda.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Pero napatalon ako sa gulat nang biglang ngumiti ang pigura ko sa salamin. Sh* t!
Unti-unting nagbago ang suot nitong uniform at napalitan ng isang magarbong bestida.
Isang kulay dilaw ito na may mga kumikinang na gintong sinulid sa baywang at balikat. Tila isa ito s amga pinakamalambot na telang nahabi sa kasaysayan.
Inilahad niya ang kamay sa harap ko. Isinasayaw ng hangin ang mga mahabang manggas nitong lagpas pa sa mga daliri niya.
Tatakbo na sana ako palayo ngunit bigla niya akong hinitak papasok sa salamin.
I closed my eyes as I felt a falling sensation again. Tila ba nahuhulog ako sa isang napakataas na tore. Pamilyar ang pakiramdam na'to.
Bigla akong napabangon at hinabol ang hininga. Panaginip lang pala.
"Gising na si Ate Victoria!"
Linibot ko ng tingin ang paligid. Yellow painted walls, golden ceilings, a soft comfortable silver bedsheets.
"Salamat sa Diyos at gising ka na, anak." saad ng isang lalaki at hinaplos ang buhok ko, the king of Winzellia. Lumapit din sa akin sina Queen Lea at Ariel.
"Sandali at tatawagin ko ang doktor." said the king and rush through the door.
Ilang sandali lang ay tumatakbo papasok ng pinto sina Ashley at Ethan.
"Ayos ka na ba? Pinag-alala mo kami," saad ni Ethan at hinawakan ang magkabila kong balikat. Napataas naman ako ng kilay. Close ba kami?
"Ayos lang. Teka nga, ano bang nangyari?" tanong ko at tiningnan sila isa-isa.
"Girl, you're asleep for almost one week! Akala nga namin hindi ka na magigising." sambit ni Ashley. Nakunot naman ang noo ko. One week? What the!?
"We saw you in the forest left unconscious. May isang lalaki kang kasama n'on kaya sigurado kaming siya ang gumawa sa'yo ng kung ano man para mawalan ka ng malay." saad ni Ethan.
"Teka nga, sino yung lalaking sinasabi nyo?" tanong ko.
"The guy named Nickolas. Dianne's brother. Don't worry, he's already inprisoned for what he have done. If you didn't woke up, he might be punished to death." saad ni Ariel kaya bigla akong napatayo.
"Ano!? Wala siyang kasalanan!" agad akong tumakbo palabas ng kwarto at sinabihan ang isang kawal na dalhin ako sa bilangguan.
"Victoria!" narinig ko pang sigaw ni Queen Lea pero hindi ko na pinansin.
If I was one week asleep, he's in prison for one week? Patay na! Madadagdagan na naman ang kasalanan ni Victoria sa kanya.
Sinundan ko lang ang mga kawal habang binabagtas ang mahabang pasilyo ng bilangguan. Sa mga gilid ay may mga nakaposas at nakakulong na mga lalaki at babae. Lahat sila ay napapatingin ng matalim kapag dumaraan ako. Creepy.
Huminto sila sa isang bilangguan na pang-apat sa dulo. Sumilip ako dito at nakita si Nickolas na nakadukmo sa tuhod niya. May bahid din ng dugo ang damit niya na tila ba nilatigo siya para umamin.
Nang mapansin niya akong nakatayo sa harap ay agad siyang tumayo at humawak sa rehas.
"Buhay ka!" may nasilayan akong ngiti sa labi niya pero hindi ko alam kung masaya ba siya dahil ligtas ako o masaya siya dahil sa wakas ay makakalaya na siya.
"Pakawalan niyo siya." saad ko sa dalawang kawal sa tabi ko.
"Ngunit kamahalan, siya po ang nagtangkang pumatay sa'yo," saad niya at yumuko. Napapikit naman ako sa inis dahil sa kakulangan ng common sense ng isang ito.
"Mukha na ba akong patay!?" sigaw ko kaya nasindak sila at kaagad binuksan ang kulungan ni Nickolas. Kung si Victoria lang talaga ako, sila ang ipapapatay ko.
"Sinaktan ka nila... patawad," saad ko habang pinagmamasdan si Nickolas. Puno ng galos ang katawan niya at may bahid rin ng dugo ang gilid ng labi.
"Kailan pa natutong humingi ng tawad ang prinsesa Victoria?" sambit niya habang nakatitig sa akin ngunit wala na ang talim nito.
Huminga ako ng malalim at tumalikod. "Sumunod ka sa'kin. Ipagamot natin ang mga sugat mo." saad ko bago maglakad.
"Hindi na kailangan." saad niya at nilagpasan ako. Napapikit na lang ako para pakalmahin ang sarili. Siya na nga ang tinutulungan 'e.
Pero nagtaka ako nang bigla siyang huminto sa isang kulungan at matagal na tumitig doon. Lumakad naman ako at sinundan kung saan siya tingin.
"Kilala mo siya?" tanong ko kay Nickolas habang nakatitig sa isang lalaking nakadukmo sa tuhod niya.
Iba ang kulungan niya sa iba pa. Malinis at mayroong higaan sa tabi. Wala ring bahid ng dugo o sugat sa katawan niya.
Hindi sumagot si Nickolas at naglakad na layo. Snobber ang loko.
Bago ako naglakad ulit ay liningon kong muli ang lalaking nakakulong. This time, nakatingin na siya sa akin. Hindi ito kasing-talim ng tingin ng ibang mga preso.
Puno ng kalungkutan at kawalan ng pag-asa ang mga mata niya. Pero hindi lang iyon ang nakita ko kundi isang pangitain.
Maraming tao ang nagkukumpulan sa bayan. Usap-usapan na ngayon ang nakatakdang pagpatay sa nasabing sorcerer na nanggulo at nagtangkang pumatay ng mga inosenteng tao.
Sinasabing taksil ang sorcerer sa kanyang sinumpaang tungkulin na protektahan ang mahikang nasa kanyang pangangalaga.
Iyon ang alam ng lahat.
Ngunit sa likod ng mga nagkukumpulang mga tao ay ang isang dalagang nakaupo sa karwahe at tahimik na nagmamasid.
Alam niya ang katotohanan. Hindi lumabag ang sorcerer sa sinumpaang tungkulin. Bagkus ay siya ang nagbitag dito para mahatulan ng kamatayan.
Isang sakim sa kapangyarihang prinsesa, si Victoria.
"Alam kong maliit lamang na piraso ito ng kapangyarihan ngunit mas mabuti na ito kaysa sa wala." saad ng prinsesa habang pinagmamasdan ang wand ng sorcerer na nasa kamay niya.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit at dali daling naglakad palabas. Nilibot ko ng tingin ang paligid pero wala na si Nickolas.
Tinitigan ko ang numero sa kanang pulso ko. Malakas ang pakiramdam kong ang sorcerer ang pangatlo sa mga misyon ko.
Napag-alaman ko sa mga kawal na bukas na gaganapin ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa sorcerer. Gaganapin ito ng alas nuebe ng umaga.
Hindi si Victoria mismo ang nagpakulong dito pero siya ang nagbayad sa mga saksi para idiin ang sorcerer tsaka nito inutusang magpakalayo-layo.
Sinubukan ko ring gamitin ang posisyon ni Victoria para mapawalangsala ito pero walang nangyari kaya kailangan kong mag-iba ng plano.
Kung hindi ito maidadaan sa santong dasalan, kailangan na ng santong paspasan.
Alas nuebe ng gabi naghahatid ang mga tagapagsilbi ng hapunan para sa mga kawal sa bilangguan kaya bago pa man ihatid ang mga pagkain ay dumaan ako sa kusina.
"Iyan ba ang mga pagkain para sa mga kawal na nagbabantay sa bilangguan?" tanong ko sa isang tagapagsilbi na naghahalo ng sabaw.
"Opo, kamahalan." sagot niya at nagpatuloy. Lumabas naman ako at hinintay na umalis siya sa kusina bago pumasok ulit.
Nilagay ko ang isang pulbos ng pampatulog dito at hinalo. Titikman ko sana para malaman ang lasa kaso naalala ko na pampatulog nga pala iyon. Hayk.
Pagsapit ng alas nuebe ay palihim akong lumabas ng kwarto at nagsuot ng armor katulad sa mga kawal para matakpan ang mukha ko.
Wala nang tao ang nasa labas ng alas nuebe at higit pa dahil sa curfew kaya hindi ako nahirapang lumabas ng palasyo at kumuha ng armor. Medyo mabigat siya pero ayos lang.
May mga kawal na nagbabantay sa pinto ng palasyo kaya naglakad ako na parang siga habang lumalabas.
"Pre, ayos pa ba kayo dyaan?" saad ko sa pinakamalalim kong boses at inakbayan siya.
"Oo, pre, ayos lang." sabi naman ng isa. Inalis ko na ang pagkakaakbay sa kanya at nagtungo na sa bilangguan.
Nakita ko na tulog na ang mga bantay sa labas kaya dali dali akong pumasok. Nagsuot talaga ako ng armor incase na may hindi tablan ng pampatulog at baka makilala ako ng mga bilanggo.
Ang kulungan ng sorcerer ay nakabukod sa iba. Wala itong katabing kulungan o kaharap. Mas mahigpit din ang seguridad dito.
Kinuha ko ang mga susi bantay na nakatoka sa paghawak nito. Marami rami ito pero alam kong ang pinaka-malaki ang susi sa kulungan ng sorcerer.
Ibinulsa ko ang mga susi at nagmamadaling dumiretso sa kulungan dahil sa takot na may magising na kawal.
Pero bago pa man ako makalapit nang tuluyan sa kulungan ng sorcerer ay narinig ko ang pagkaluskos ng isang metal sa bakal na nakapatong sa balikat ko.
Dahan dahan akong napaharap sa isang kawal na nakatutok ang espada sa akin ngayon. Sh* t, mukhang nasa diet ang isang ito.
"Huwag kang kikilos ng masama. Kung hindi ay gigilitan kita." banta niya at inilapit pa lalo ang espada sa leeg ko.
Napabuntong hininga nalang ako dahil no choice na ako kung hindi magpakilala. Inalis ko ang headdress na nakatakip sa buong ulo ko.
Pero imbis na lumuhod at yumuko dahil ako ang prinsesa, nagpalinga-linga siya sa paligid at hinitak ako sa gilid.
"Anong ginagawa mo rito, Victoria?" saad ng isang pamilyar na boses. Nagulat ako nang alisin rin niya ang headdress na suot.
"Nickolas? Anong ginagawa mo rito?"
"Ako ang unang nagtanong ny'an." tugon niya at nagpalinga-linga ulit. Tinitingnan kung may makakakita sa'min.
"Yung sorcerer. Kailangan niyang makatakas." saad ko na ikinagulat naman niya.
"Ikaw ba ang nagpatulog sa mga kawal?" tanong niya kaya napatango naman ako.
"Bakit mo naman gagawin 'yon?" napairap nalang ako dahil ayan na naman siya sa mga taning niya.
Pumunta ako sa gate ng kulungan ng sorcerer para makapasok kami. "Basta, secret."
Nang mabuksan ko na ay agad akong pumasok. Sumunod naman sa akin si Nickolas. Bumangon ang sorcerer nang marinig ang mga yabag namin.
"Sino kayo?" tanong niya. Pero imbis na magsalita ay lumapit ako para tanggalin ang posas niya.
"Kailangan mong makatakas bago ka pa nila patayin." saad ko habang sinususian ang posas niya. Si Nickolas naman ay nagmamasid sa labas kung sakaling may magising na kawal o preso.
"Tara na," saad ko matapos matanggal ang posas pero hindi siya tumatayo at nakatitig lang sa akin.
"Hindi ikaw si Victoria," napahinto ako sa sinabi ng sorcerer. Pati si Nickolas ay natigilan rin. Magsasalita pa sana ako nang may marinig kaming mga yabag na papalapit.
Mabilis akong hinila ni Nickolas palabas at sumunod naman ang sorcerer. Isinuot ulit namin ang heardress armor at nagtago sa isang pasilyo.
"May alam ka bang ibang daan bukod sa harapan?" tanong ni Nickolas pero umiling iling lang ako.
"May alam ako. Sumunod kayo," saad ng sorcerer tsaka naglakad sa kanang bahagi ng bilangguan.
Sa dulo ng pasilyo ay may isang kinakalawang na pintuan. Pinagtulungan nina Nickolas at ng sorcerer na buksan ito. Sinubukan kong sipain 'yon pero sumakit lang ang paa ko.
Ilang minuto rin ang nakalipas bago nila nabuksan ang pinto. Tumambad sa amin ang malawak na damuhan. Tumakbo kami nang tumakbo hanggang sa makarating kami sa isang gubat.
"Tumakas ka na. Siguraduhin mong malayo ka rito." saad ko habang hinahabol ang hininga dahil sa pagtakbo. Ang init pati ng suot ko.
Tumango naman siya at tumakbo na ulit. Pinagmasdan lang namin ni Nickolas ang sorcerer hanggang sa maglaho na ito sa kakahuyan.
Napaupo nalang ako sa damuhan at pinagmasdan ang guhit sa kanang pulso na ngayon ay naging '7' na.
Napangiti ako. Nagtagumpay ako sa ikatlong misyon.
Tumayo na ako at hinubad ang armor na suot ko. Nakasuot pa rin ako ng gown pero tinanggal ko lang ang petikot na nakakabit dito. Doble doble ang suot ko kaya doble doble rin ang init.
Napalingon naman ako kay Nickolas na kanina pa yata ako pinagmamasdan.
"Hep, hep!" nakita kong bumuka ang bibig niya kaya inilagay ko na agad ang hintuturo ko doon. "Huwag mo nang tanungin kung anong eksena na naman 'yon" saad ko at naglakad na pabalik sa palasyo.
"Teka, sandali! Gusto ko lang magpasalamat dahil niligtas mo ang sorcerer." napalingon naman ako sa kanya. "Salamat... Eerah,"
Napangiti ako sa katotohanang naniniwala na siya sa'kin.
|~ ~ ~|
Storyline entry:
The girl is slowly losing her hope not until someone believed her.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro