Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

IX. Second

"Eerah, Eerah Eriendelle. Iyan ang pangalan ko." saad ko nang nakatitig lang sa mga mata niya.

"An ordinary girl in the mortal world. But suddenly, I just woke up in this world with everyone calling me Victoria." saad ko pa. Sabi ng bata sa akin na huwag kong guluhin ang mga tauhan na nakalagay sa kwento pero wala naman si Nickolas doon.

"Di bale na nga. Hindi mo naman maiintindahan." mahina akong tumawa at naglakad na palayo.

But somehow, I wish he will believe me. Kahit isa lang sa mga tao rito ay paniwalaan ako. I hate being someone I am not. Namimiss ko nang may tumatawag sa real name ko.

The weekend passed and my wound totally healed. Pumasok na rin ako sa paaralan. I did my best to maintain Victoria's academic performance and I somehow succeed.

Ilang araw rin ang lumipas nang hindi pa ako ginugulo ng mga alaala at pangitain ni Victoria. Kapag may naaalala ako, palagi nalang sumasakit ang ulo ko.

Hindi pa rin nahuhuli ang lalaking bumaril sa'kin. Kaya hindi ako pinapayagang lumabas ng palasyo maliban sa paaralan.

"Mauna na ako, Victoria. I have a lot of things to do in the castle." tumango naman ako at nagpaalam na. It's already 4:00 o'clock at abala na ang mga estudyante sa pag-uwi.

Dumaan muna ako sa library para manghiram ng libro. Their lessons and topics are different. It's about potions, spells, and other magical stuffs.

Kinuha ko ang libro ng alchemy sa isang shelves. This world is amazing. In one of our class, I was taught how to turn a stone into a diamond.

Pumunta ako sa librarian's desk para hiramin sana ang libro pero wala ang librarian. 5:00 pm pa nagsasara ang library kaya imposibleng umalis na ito.

Umupo muna ako at naghintay ng ilang minuto. Baka nagcr lang siya. But almost 30 minutes of my time is already wasted.

If I am Victoria, I wouldn't wait for the librarian and will sneek this book out. But I'm not Victoria.

Alas-singko na pero hindi pa rin bumabalik ang librarian. Wala na ring mga estudyante sa hallway. Ibabalik ko na sana sa shelf ang libro at uuwi na nang makarinig ako ng kalabog sa stock room ng library.

Calm down self. Maaga pa para may mag-pakitang multo.

"Sinong nandyaan?" tanong ko at unti unting lumapit sa pinto. Kumalabog ulit kaya dahan dahan ko itong binuksan.

"Ms. Maggie!" saad ko at kaagad lumapit sa kanya. Kaya pala wala siya sa librarian's desk dahil nandito siya.

Nakatali ang mga paa at kamay niya. Mayroon ring pirong ang mga mata. Bakit at sino naman ang gagawa nito.

Ibinaba ko ang libro at aalisin na sana ang tali at piring ni Ms. Maggie nang may marinig akong magsalita sa likuran ko.

"Long time no see, Princess Victoria." napalingon ako sa nagsalita. Katulad nang gabing nabaril ako ay may suot pa rin siyang itim na panaklob. Nanghina ang tuhod ko nang makita ang punyal na hawak niya.

"Nakaligtas ka man noong gabing iyon pero hindi na ngayon." ngumisi siya at unti unting lumapit sa akin.

Nang isasaksak niya na sa akin ang ounyal ay kinuha ko ang alchemy boom na inilapag ko kanina pangharang. Makapal ang libro kaya hindi dito tumagos ang punyal.

Pilit na hinihila ng lalaki ang punyal sa libro pero sinipa ko siya dahilan para matumba. Kinuha ko ang punyal sa libro at itinutok naman sa kanya.

"Sino ka!? Bakit gusto mo akong patayin?" tanong ko at lalo pang inilapit sa leeg niya ang punyal.

"H-Huwag niyo po akong patayin. Napag-utusan lang ako. P-Patawad." saad niya at biglang lumuhod at hinawakan ang paa ko.

Pilit kong inaalis ang paa ko sa pagkahawak niya habang nakatutok pa rin ang punyal sa mukha niya.

Pero napatigil ako nang may pumasok sa isip ko.

"H-Huwag niyo po akong patayin. Napag-utusan lang ako. P-Patawad." pakiusap ng lalaking nagtangka kay Victoria noon ngunit hindi magpatinag si Victoria at inilapit pa lalo ang ounyal sa leeg ng lalaki.

"Sasabihin ko sayo kung sino ang may pakana. H-Huwag mo lang akong patayin." pagmamakaawa nito. Hindi alam ng lalaki na makukuha ni Victoria ang punyal at babaliktad ang sitwasyon.

Ngumisi naman si Victoria at inilapit pang lalo ang punyal sa leeg ng lalaki. Sa pagkakataong ito, may tumutulo nang dugo dito dahil sa talim ng punyal.

"T-Tinakot nila ako. Na k-kung hindi kita papatayin, ang anak ko ang papatayin nila. T-Tulungan mo ako. Sasabihin ko sayo kung sino." muli nitong pakiusap ngunit tila wlaang naririnig si Victoria.

Sabagay, ganap na siyang bingi sa mga hinaing at pagmamakaawa ng mga taong nagawan niya ng kasamaan.

"Hindi ko na kailangan ang sasabihin mo. Dahil kung sino man ang nag-utos sa'yo ay tiyak na mahuhuli ko rin." saad ni Victoria habang hindi pa inaalis ang punyal sa leeg ng lalaki.

"At mangyayari din sa kanya ang mangyayari sa iyo ngayon." saad niya at ginilitan ang leeg ng lalaki.

"Anong tinitingin tingin mo dyaan? Nais mong sumunod?" saad ni Victoria habang nakatingin sa isang lalaki sa tapat ng pinto ng library. Siya lang ang nakasaksi sapagkat wala nang malay ang librarian.

Napahawak ako sa ulo at napaatras. Patuloy pa rin ang pakiusap ang lalaki. "Umalis ka na. Bilis!" sigaw ko dahilan para matigilan siya.

Tumayo na siya at tumakbo palabas. Hinintay ko ang pagbabago ng numero sa kanang pulso ko pero walang nangyari. Nagulat nalang ako nang may humablot sa punyal na hawak ko at hinabol ang lalaki.

"Nickolas, sandali!" sigaw ko tsaka sila hinabol. Wag niyang sabihing balak niyang patayin ang lalaki? Si Victoria dapat ang papatay at siya ang saksi, hindi ba?

"Bitiwan mo ako. Muntik niya nang barilin ang kapatid ko. Kailangan niyang mamatay!" sigaw niya nang hawakan ko siya sa braso. Nakampante naman ako nang makalayo na ang lalaki bago pa lumingon si Nickolas.

"Baliw ka na ba!? Masama ang pumatay!" sigaw ko pero nagulat ako nang tumawa siya.

"Bakit hindi mo sabihin 'yan sa sarili mo, kamahalan." madiin niyang sabi at naglakad na palayo.

At sa pangalawang pagkakataon, nakita kong muli ang galit na sumilay sa mga mata niya kasabay ng isang alaala ni Victoria na pumasok sa isipan ko.

Puno ng hikbi dulot ng paghihinagpis sa paligid. Mga taong nasawi dahil sa sunog ay hilehilerang nakahiga sa lupa.

Luha ang kahirapan ang sumasabay sa buhos ng ulan na pilit na binabasa ako. Ngunit ako'y napapayungan kaya siguro hindi man lang ako makaramdam ng awa.

"Hindi ka ba nakokonsensya?" napalingon ako sa nagsalita. Ganoon pa rin ang kasuotan niya kahapon. May uling pa rin ang katawan ngunit ang karamihan ay marahil na nalinis na ng ulan.

"Hindi ka ba naaawa sa mga taong namatay at namatayan dahil sa ginawa mo?" puno ng galit ang nakatitig niyang mga mata sa akin na tila ba nais niya akong saktan ngunit hindi maaari sapagkat alam niyang kamatayan ang kaparusahan kapag sinaktan mo ang iyong kamahalan.

"Napakaraming buhay ang nawala nang dahil sa'yo... kasama na ang ama ko. Napakasama mo." niyukom niya ang mga kamao na tila ba pilit na pinipigilan ang sarili.

Hindi ko siya pinansin. Bagkus ay naglakad na lamang ako papasok ng karwahe. Ano namang pakialam ng isang prinsesa sa isang simpleng mamamayan katulad ni Nickolas?

Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagtulo ng luha ko. Sa pangalawang pagkakataon ay binigkas kong muli ang salitang hindi man lang nasabi ni Victoria.

'Patawad'

Ngunit katulad nung una, wala pa rin itong saysay sapagkat hindi niya naman ito naririnig.

**********

Storyline entry:

The girl hates being known as the princess. But she can't do anything. It's her fate that lead her to this kind of suffering.

A suffering that can't be told. A suffering that can left her inside dying.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro