IV. At the school
They made me wear a white blouse and a golden ochre skirt. Hanggang hita ko lang ang palda kaya hindi komportable. I'm used in wearing pants when studying.
Nakayuko lang akong naglalakad sa hallway kasabay ni Ashley. Marami ang napapalingon kapag dumaraan kami and I don't like it. I hate too much attention like this.
"Why are they looking at me?" tanong ko kay Ashley pero nakunot lang siya ng noo.
"Hindi ka pa ba sanay? Tsaka di'ba gusto mo rin ang ganitong atensyon?" saad ni Ashley na may halong kaunting inis pero tinago niya iyon.
Ang noo ko naman ang nakunot. I never dreamed of too much attention like this ever in my whole life.
But then, a memory suddenly popped up on my mind.
I was walking elegantly in the hallway. Wearing a white blouse and a golden ochre skirt with no hesitation.
Taas noo akong naglalakad at hindi pinapansin ang mga bulungan sa paligid.
"Ang ganda niya talaga."
"Sana ako nalang siya."
"I want her beautiful face!"
"Pre, liligawan ko yan."
"Pre, huwag ko nga akong agawan!"
Hindi ko pinansin ang mga papuri at iba pang bulungan at naglakad nalang na tila ba walang naririnig.
'Sige, lang. Kainggitan niyo ako. Kahit kailan ay walang makahihigit sa akin.' bulong ko at palihim na ngumiti.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Ashley nang mahilo at muntik na akong matumba.
Tumango naman ako at napahawak lang sa noo. Bakit ko naaalala ang isang alaala na hindi naman sa'kin?
It really feels like the memory is mine. Ako ang gumagalaw, ako ang nagsasalita.
Pero, hindi. Hindi ako iyon. Kailanman ay hindi ko gugustuhin ang ganoong atensyon o kainggitan ako ninuman.
Napailing nalang ako. It's not my memory but Victoria's. Pero bakit ako ang nakakaalala n'on?
Maging sa klase ay binabagabag pa rin ako ng alaala na'yon. How come that memory feels like mine, yet, not really mine. Aish, ang gulo.
This world is full of magic. Siguro ay isa lang 'yong bagay para makatulong sa misyon ko. Pero, bakit parang ako mismo ang gumagalaw as Victoria.
"Ms. Velloire." tawag sakin ng teacher kaya natauhan ako?
"Huh?" napatayo ako bigla
"I've been calling you thrice already. Are you listening?" masungit niyang tanong.
"I'm sorry, ma'am." Sabi ko at yumuko. Aish nakakahiya.
Sinenyasan niya ako kaya naupo na ako.
"Hey, I know you're kinda a hardheaded princess pero ni minsan, hindi ka pa napagalitan dahil sa hindi pakikinig. Ngayon lang, Victoria." sabi sa akin ni Ashlwy habang kumakain kami.
I sighed. I badly wanna tell her that I'm not that hardheaded princess she's calling.
"I'm just not feeling well." sambit ko nalang.
"Should I take you to the clinic?" tanong niya kaya walang atubili akong tumango. Ayoko na makipag-interact sa mga tao at magpanggap na kilala sila.
Pagdating ko sa clinic ay tinanong agad ako ng nurse kung kumusta ang pakiramdam. I just said that my head is aching and I need rest kaya pinainom ako ng isang capsule at pinahiga.
I thought I would be fine and peaceful already. Not until someone spoke from the other bed at my side.
"Tingnan mo nga naman. Nagkakasakit din pala ang mga masasamang damo." kunot noo naman akong tumingin sa gilid ko.
May isang puting kurtina ang nakaharang sa bawat kama kaya hindi ko makita kung sino ang nagsalita. But what I am sure of is that it's a guy's voice.
Hinintay kong magsalita ang kausap niya pero wala namang sumagot. Teka nga, ako ba ang kausap nito?
Umupo ako sa higaan at hinawi ang kurtina upang makita kung sino ang nagsalita pero paghawi ko ay wala namang tao.
"Ay kabayo!" napahawak ako sa puso nang makitang may nakatayo at nakasandal nang lalaki sa kabilang gilid ng kama ko.
"Jusko ka! Aatahihin ako sa gulat sa'yo. Ikaw ba yung nagsalita?" saad ko habang nakahawal pa rin sa tapat ng puso. Pero imbis na sagutin ako ay binato niya lang ako ng matatalim na tingin.
"Princess Victoria Velloire of Winzellia." Madiin niyang sambit habang matalim pa rin ang tingin sa'kin.
Natauhan naman ako sa sinabi niya. Oo nga pala, sa mundong ito ay hindi ako si Eerah. Kilala ako ng lahat bilang Victoria, isang masama at mapagpanggap na prinsesa.
Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko siya masisisi kung bakit napakatalim ng tingin niya sa akin. Siguro, nagawan siya ng masama ni Victoria.
"A-Anong pangalan mo?" nauutal kong tanong dahil sa tingin pa lang ay mukhang gusto niya nang patayin si Victoria. Baka isa siya sa mga nakasulat sa librong Ever After. O kaya naman, kung hindi ay isa siya sa mga misyon ko.
"Hindi mo ako nakikilala?" saad niya at tumawa pa na parang hindi makapaniwala.
"Sabagay, ano nga naman sa'yo ang isang tulad ko." sambit niya at nagkibit balikat. Matalim pa rin ang mga tingin sa akin.
"Ano nga kase para maalala ko!" sigaw ko na ikinagulat niya.
Oo nga pala, ang karakter ni Victoria ay kalmado lang, tahimik, at masungit. Hindi na niya kailangan pang sumigaw sa galit dahil isang senyas niya lang ay pwede niya nang ipatumba ang kaaway niya.
"Ms. Velloire? May problema ba?" narinig kong tanong ng nurse tsaka hinawi ang kurtina sa gilid. Napalingon naman ako kung nasaan nakasandal ang lalaki kanina pero wala na siya.
Napabuntong hininga ako. "Wala po, binangungot lang." saad ko at ngumiti. Nagtaka naman ang nurse pero tumango nalang. Bakit? Hindi ba sila sanay na palangiti si Victoria?
I'm already feeling well. Pero nahiga pa rin ako at hinintay ang dismissal bago lumabas ng clinic.
'Calm down, Eerah. Wala ka nang makakasalubong pa. Uuwi ka na.' bulong ko sa sarili ko habang nililibot ng tingin ang hallway na halos wala nang mga tao.
Pero nahinto ako ng may naalala. 'Hindi ka pala makakauwi. There's no home for you here. It's Victoria's' hindi nga pala sa akin ang mundong 'to.
I was about to go to the Winzellia's carriage when I saw a glimpse of two people at the backyard of the school.
Hinarang ng isang lalaking may badge ng Royalty sa kwelyo katulad ng sa akin ang isang lalaki pa. Hindi ko makita ang mukha ng isa dahil nakatalikod ito sa akin.
Nagtungo ako sa malapit at nagtago sa isang puno upang panuorin sila.
"Anong kailangan ng isang prinsipe sa isang katulad ko?" parang pamilyar ang boses na iyon sa akin. And I confirmed it when I saw his face.
That's the guy in the clinic lately.
May benda pa ang kaliwang kamay niya at may mga galos din pero walang takot niyang hinaharap ang lalaki sa tapat niya na tinawag niyang prinsipe.
Ngumisi lang ang prinsipe at naglabas ng kutsilyo mula sa kanyang bulsa. "Sisiguraduhin kong ito na talaga ang magiging katapusan mo." mahina niyang sambit upang walang makarinig sa malayo.
Pero bago niya pa siya makasaksak ay lumabas ako sa pinagtataguang puno at sumigaw.
"Hoy, itigil mo yan!"
Nawindang ang prinsipe at mabilis na itinago ang kutsilyo sa kanyang bulsa. Ngunit napangisi lang siya nang makita ako.
"Victoria," bati niya at nakangiting tumungo sa akin. Inakbayan niya ako at itinuro ang lalaki.
"Nakikilala mo ba ang lalaking 'yan?" nakangiti niyang tanong na para bang close na close kami. Siguro nga dahil isa siyang prinsipe.
"Oo, kilala ko siya." saad ko naman na para bang close rin kami.
"Hindi ba't siya ang gusto mo ring itumba ngunit hindi natin magawa gawa? Ito na ang pagkakataon, Victoria." sambit niya kaya naman naialis ko ang braso niyang nakaakbay sa akin.
"Anong pinagsasasabi mo dyan!?" sigaw ko na ipinagtaka niya naman. Umayos ako ng tindig. "Naaalala ko." sabi ko pa at tumingin sa lalaki na ngayon ay matalim pa rin ang tingin sa akin.
"Ngunit sa tingin ko ay hindi pa panahon." inakbayan ko ang prinsipe at itinalikod ito sa lalaki. Lumingon naman ako sa kanya at sinenyasang umalis na ngunit nakatingin lamang siya sa amin.
"Pero--" hindi na naituloy ng prinsipe ang sasabihin nang may marinig kaming mga yabag patungo rito.
"Anong kaguluhan ang nangyayari?" nakatayo na kami nang maayos nang dumating ang mga matatanda na sa tingin ko ay mga opisyal ng paaralan.
"Siya!" turo ng prinsipe sa lalaki. "Pinagtatangkaan niya kaming saktan. Hindi ba, Victoria?" saad niya sabay tingin sa akin. Napataas naman ang kilay ko. Magsisinungaling ka nalang mandadamay ka pa. Tsk
"Totoo ba ang sinasabi ni Prince Vincent, Princess Victoria?" tanong sa akin ng matandang lalaki. Lumingon naman ako sa prinsipe na tila sinasabi nitong sumang-ayon ako sa kanya.
Si Prince Vincent. Natatandaan ko siya sa kwento. Siya ang prinsipeng palaging kasama ni Victoria sa paggawa ng masama. Mapagmataas, mayabang, at makasarili. Magkakampi sila ni Victoria ngunit sa huli ay isinuplong niya rin ito.
Alam kong kung si Victoria ang nasa posisyon ko, sasang-ayon siya nang walang pag-aalinlangan.
"Hindi po totoo iyon."
Ngunit hindi ako si Victoria.
************
Storyline entry:
The girl tried to live the life the princess has. But she can never be the princess.
For she's a mere phony.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro