Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I. Victoria

Eerah's POV

"Huwag ka ngang umiyak dyaan. Mapagkakamalan kang baliw. Haynako, Eerah!" Sigaw ni Cara tsaka isinubo ang natitirang piraso ng graham balls na binili niya.

I wiped my tears and looked at my surrounding. Pinagtitinginan nga ako ng mga nasa ibang table dito sa coffee shop.

"Josiah died." I said and cried silently not to catch the attention of anyone around.

"At sino naman si Josiah?" Walang kamuwang muwang na tanong ni Cara.

"Yung kasintahan ng bida sa librong binabasa ko." Sabi ko naman at inilapag ang librong kakatapos ko lang basahin.

"Akala ko naman, boyfriend mo na. Pero wala namang mamamatay if ever, kasi wala ka naman talagang boyfriend. " sabi ni Cara at kumuha pa ng graham balls sa plastic ko.

"Nagsalita ang meron." Sabi ko at sabay isinibuo ang dalawang graham ball dahil baka madukot pa ng magaling kong kaibigan.

"Bakit ba kasi ayaw mo pang magpaligaw? Look, Aries is a popular guy! And take note, he likes you." Cara said kaya napabuntong hininga nalang ako.

"I need to study first, Cara. Kami nalang ni Lola Esme ang nasa bahay at pinapaaral lang ako ni aunt. I don't have time for love." I explained.

I'm a senior high school student taking the STEM strand. Ilang taon nalang, maaari na akong maging engineer like my aunt Lecia.

"Sabihin mo, inlove ka lang talaga sa mga fictional characters sa mga librong nababasa mo." Sabi pa niya kaya naman napataas ako ng kilay.

"Ewan ko sa'yo!" Sabi ko nalang at nagpaalam na ako kay Cara na uuwi na.

Pagpasok ko sa bahay ay binati agad ako ng alaga kong aso na si Camih. Hinanap ko naman si Lola Esme at nakita kong nanunuod ng tv.

"Mano po, Lola Esme." Sabi ko at nagmano. Umupo ako sa sofa para manood din.

It's friday kaya wakas na ng telenobela na sinusubaybayan ni lola. Nagkatuluyan ang dalawang bida at namatay naman ang kontrabida. Some cliché endings that aren't healthy for my eyes kaya naman pumunta nalang ako sa kusina para uminom ng tubig.

I love reading books but I cannot call myself a bibliophile dahil hindi lahat ay fort ko. I hate those books with happy endings. Ewan ko ba kung bakit. Maybe, in my past life, I didn't get one.

Muntik ko nang mahulog ang basong hawak ko nang tumahol si Camih. Sinundan pala ako dito.

"You want food, Camih?" I asked and caressed her fur. Humanap ako ng pwedeng ipakain sa kanya. Kumuha ako ng isang piraso ng chicken lollipop at ibibigay na sana sa kanya pero bigla siyang umalis.

Sinundan ko naman kung saan siya papunta. She headed towards the front of our attic. Tumingin siya sa akin at tumahol ulit.

"Diba, sabi ni lola bawal tayo dyaan? Tara na." Sabi ko at kinuha siya pero agad naman siyang kumawala.

"Nakalock 'yan, Camih. Hindi tayo makakapasok." Sabi ko pa. Yes, talking to a dog, Eerah. You're almost crazy.

Itinulak niya ang pinto at bumukas naman iyon. Siguro, pumasok si lola dito at nakalimutang isara.

Camih and I went inside. Madilim dito dahil walang nakakonektang kuryente sa attic. Pero merong isang nakasinding kandila sa isang lamesa. Malapit na itong naupos. Siguro, sinindihan iyon ni Lola kanina.

Lumapit ako doon at tiningnan kung anong meron. Mayroong isang kahon na nakabalot ng tela sa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko ito at kinalog.

Mukhang may laman kasi mabigat at maingay kapag kinalog. Siguro regalo sa akin ni lola dahil malapit na ang birthday ko. Aw, ang sweet niya talaga.

Nacurious ako kung ano ang laman kaya pinunit ko ng konti ang tela pero kapag minamalas nga naman, napalaki ang butas kaya no choice na ako kundi buksan ng tuluyan.

"Hindi naman siguro magagalit si Lola Esme" bulong ko at tuluyan na ngang binuksan ang kahon.

Maalikabok ang loob nito na para bang nakaimbak na ng mahabang panahon. Sa loob ay may isang lumang libro. Okay? Hindi ba nainform si lola na ayaw ko ng history book?

Di bale. Old books have the most fragrant scent kaya ayos lang. Kinuha ko iyon at inilipat ang mga pahina habang inaamoy.

Napansin ko na may nakaukit na mga letra sa unahan ng libro. Maybe , its title.

'Ever After'

Okay? A mere fairytale with a happy ever after? Pass tayo dya'n. Ibinaba ko na ang libro sa lamesa at akmang aalis na pero naalala ko, hindi pala dapat makita ni lola na nakaalis na ito sa kahon.

Dahil punit na ang tela, no choice ako kung hindi isama paalis ang libro. Inilagay ko sa ilalim ng mesa ang punit na tela at ang kahong pinaglagyan nito.

Itinago ko ang libro sa kwarto ko at dumiretso sa hapagkainan para sabayan si Lola sa pagkain. Pagkatapos kumain ay dali dali akong bumalik sa. kwarto para simulang basahin ang libro.

I opened the first page. There's only two sentences that were written there.

She's wicked. That's why she was cursed to have a tragic ending.

Doon pa lang sa introduction, nahook na kaagad ako. This is going to be great! Another tragic book, I'm coming!

Ginugol ko ang anim na oras ko sa pagbabasa. The story is about an arrogant and selfish princess named Victoria. She's hated by everyone because of her evilness. But because she's strong and powerful, no one dared to disrespect her. Lahat ang gusto niya ay nakukuha niya. A spoiled bratt princess.

Pero may isang tao ang kahit kailan ay hindi niya makukuha. The love of her life, Prince Ethan. He hates the arrogance of the princess kaya hindi niya ito magusto-gustuhan.

Dahil sa galit niya, she killed the prince together with the people around her. Bumagsak ang kaharian nila dahil sa prinsesa. Napakaraming inosenteng tao ang namatay. At the end, narealise niya ang kasamaang ginawa niya at pinagsisihan niya ito. Hoping that her life would be enough to pay her evilness, she killed herself.

I took my cellphone at tiningnan kung anong oras na. 2:00 am. Masyado akong nababad sa pagbabasa kaya hindi ko na napansin ang oras.

Halos isang oras yata ang ginugol ko kakaiyak sa librong binasa ko. I'm not crying because of the princess's death. I'm crying for the innocent people she killed. Napakasama niya. Hindi nila deserve mamatay!

Sumakit na ang mata ko kakaiyak kaya humiga na ako at pumikit. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagod at nakatulog na ako.

"Eerah Eriendelle" I heard my Grandma's voice echoing in my ears. Gusto kong sumagot but I'm in a deep slumber.

"Eerah Eriendelle" she said again. I'm already going to reply but I felt a falling sensation na para bang bumaksak ako sa isang napakataas na tore kaya naman napabalikwas ako ng bangon.

"Victoria, ayos ka lang?"

"Ayos lan--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang mapagtanto ang sinabi ng babaeng nasa harap ko.

I looked at my surrounding. There are trees around and I'm sitting in the ground. Where's my bedroom?!

I felt my head aching and my world spinning around. But before I totally lost my consciousness, I heard her called that name again.

"Victoria!"

**********

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro