two days before
— ✽ —
F E B R U A R Y 12
SINUBUKANG PIGILAN ni Kara ang sarili. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang sumulyap sa screen ng phone.
Bumuntonghininga siya nang makitang puro Twitter notifications lang ang nasa screen.
"Ayaw mo ba talagang ikuwento kung ano nangyari kahapon? Nag-sex ba kayo? Hinatid ka ba?" Frustrated na bumuga ng hangin si Remi. "Give me something, Kaf. Para kung may problema, irereto na lang kita sa iba."
Nangunot ang noo niya. "Bakit naman magkakaproblema?"
"Kasi brutally honest si KJ at masyado kang. . . soft?"
"Ba't parang ang dating, e, ako 'yong may problema?" Seryoso niyang tinitigan si Remi.
Napailing ito. "You know that's not what I mean. Ang ibig kong sabihin is iniisip mo na agad na hindi kayo compatible. Kaya kita tinatanong nang paulit-ulit kung may problema kasi kilala kita."
Sumimangot siya. "At ano namang ibig sabihin mo d'yan?"
"Alam ko kung paano ka mag-overthink. And right now, iniisip mong na-realize kong may problema kay KJ kaya tinatanong kita-slash-nilalayo kita sa kanya." Matipid pa itong ngumiti bago sumimsim mula sa baso ng espresso.
Napabuntonghininga siya. Wala nang punto ang pagtatago niya ng iniisip. Halos kabisado na nito ang takbo ng isip niya.
"Ghoster ba 'yon?" Nang-aakusa at nag-aalangan.
Halos magkadikit ang mga kilay ng kaibigan niya. "Ha? Hindi, a."
"E, bakit wala pa ring paramdam?" Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi niya kasi sinasadyang magtunog needy. Isang beses pa lang naman silang nagdi-date, e.
Nakakahiya, amputa.
Mahinang natawa si Remi. "Nakalimutan ko atang sabihin na sobrang low maintenance ni KJ as a person. Lagi siyang nand'yan 'pag kailangan namin siya ni Fritz pero lagi din siyang wala."
"Hindi ko gets." Umayos siya ng upo, medyo umabante para ang anumang sasabihin ni Remi.
"Kalma ka lang kasi. Busy lang 'yon saka, hindi lang siya sanay na—" Saglit itong pumikit, pinigil ang sarili. "—anyway, gusto mo bang pagsabihan ko?"
Mabilis siyang umiling. "Ayokong maging nagger, hindi naman kami. Isang date lang 'yon."
Naningkit ang mga mata nito. "Pero kamusta nga kahapon? Did something happen?"
"Kumain lang kami dito tapos nag-museum kami. Hinatid na niya ako by 9 PM." Maingat ang pagkakasabi niya niyon, ayaw magpahalata.
"Really ba?" Pumangalumbaba ito. "'Yon lang ba? Kasi feeling ko, may tinanggal kang part."
"Nag-usap lang kami, typical first date. And then at the museum, we stared at artworks. We invented a game. Nagbigay kami ng interpretations about the artworks bago namin tiningnan 'yong nasa description."
Nang mapagtantong masyado na siyang naging detalyado, pumikit siya para pigilin ang kadaldalan.
Napangiti lang si Remi. "Sounds like a fun first date."
Tumango siya. "Medyo nagulat nga ako, e. Akala ko kasi, tahimik siya. Nangangapa kami pareho habang kumakain pero no'ng nasa museum na kami—" Hindi niya napigilan ang ngiti. "—he wouldn't shut up."
"Well, that's a first," wala sa sariling kumento nito.
"What is?" patay-malisya niyang tanong.
Bahagya itong umiling. "Wala, may naalala lang ako. Anyway, saang museum kayo pumunta? He brought his car, didn't he?"
"Oo pero. . ."
Sinimot ni Remi ang espresso. "Pero?"
"Medyo nangako kasi kaming hindi namin idedetalye sa'yo 'yong mga nangyari, pati napag-usapan namin."
"You're being secretive. E, 'di may nangyari nga?" Nakataas na ang isang kilay nito, pinasingkit pa ang mga mata.
Inayos niya ang pagkakasipit ng ilang hibla ng buhok sa kanan niyang tainga. "If you're talking about sex, we didn't. Halik lang sa pisngi no'ng hinatid niya 'ko, ayun lang, saka nagpapaka-polite lang 'yon."
"He kissed you?" Medyo umabante pa ito. Diretso ang mga mata, binabasa ang sa kanya.
Umatras siya nang kaunti. "Oo pero sa pisngi lang naman. Masyado kang nag-iisip d'yan."
"Kiss pa rin 'yon! Ano ka ba?" Muntik pa nitong hampasin ang mesa nang malakas.
"Sa pisngi nga lang. He was just being polite." Tinusok niya ang nakahaing tiramisu cake slice sa harap niya. "Nauuna ka pang mag-assume, e."
Natawa ito nang mahina. "Big deal kasi 'yon."
"Sa pisngi nga lang. Ulit-ulit ba tayo dito?" Bumuga siya ng hangin. "Bini-big deal mo kasi agad, e."
"Because it is a big deal. Si KJ 'yan, e." Parang nagdalawang-isip pa kung dadagdagan ng paliwanag.
Pinaikot niya ang mga mata. "Sa pisngi lang nga 'yon. That barely counts as something."
"No, Kaf, something definitely happened." Biglang nag-iba ang ngiti ni Remi, parang may napanalunan sa kung saang lupalop.#
— ✽ —
— ✽ —
HALOS DALAWANG oras na ang lumilipas mula no'ng maghiwalay sila ni Remi sa coffee shop.
Dalawang oras na ang sinasayang niya sa pagtunganga; sa pag-iisip ng sunod na hakbang.
Sa halip na sumulat ng news articles na may perang kapalit, ang dalawang oras na iyon ay napunta kay Karim.
Bumangon siya mula sa pagkakahiga. Kinuha niya ang phone mula sa tote bag sa bandang dulo ng kama. Binuksan niya ang Instagram app.
Inis siyang nagbuga ng hangin. Ni-lock niya agad ang phone, ni hindi na niya pinatay ang mobile data.
Kaya naman pala walang paramdam.
Mariin niyang pinikit ang mga mata. Unti-unti niyang pinakalma ang sarili. Pinabagal niya ang paghinga hanggang sa makatulog siya.#
— ✽ —
— ✽ —
ILANG MINUTO na siyang nakatitig sa mga notification, hindi niya alam kung alin ang uunahin. Nag-unat siya ng binti.
Hindi pa pala siya nakapagbibihis pag-uwi niya galing ng coffee shop. Mabilis siyang kumuha ng pajamas sa drawer. Pagkatapos magbihis ay saka lang siya nagluto ng hapunan.
Napatingin siya sa phone nang mag-vibrate iyon. Text messages na naman mula kay Karim.
Inubos niya muna ang nilutong pancit canton. Sinimot din niya ang kanin. Hinugasan niya muna ang mga pinggan bago binalikan at binasa ang mga message nito.
Uminom muna siya ng isang basong tubig bago nagsimulang tumipa.
Huminga siya nang malalim. Kahit isang beses pa lang silang nagkikita, alam na niyang marunong itong bumasa ng tao.
Kailangan niyang kumalma. Baka kasi mabasa at tumagos sa screen ng phone nito ang pagsisinungaling niya.
Amputa, Kara Frielle, napakarupok naman, oo.
Nahigit niya ang paghinga nang mag-vibrate ang phone niya. FaceTime call iyon, s'yempre si Karim.
Mabuti na lang at nakalimutan niyang maghilamos pagkatapos magbihis. May natira pang tint sa labi niya. Ilang beses niyang sinuklay ang buhok bago sinagot ang tawag.##
— ✽ —
— ✽ —
(in FaceTime)
KARIM: [natatawa] Hi.
KARA: [nangunot ang noo] Hala, bakit ka natatawa? [nangapa sa sahig, parang may hinahanap]
KARIM: [lumunok, magaang ngumiti] Kapatid ko 'yon.
KARA: [may dinampot at itinaas na salamin] Sino? [patay-malisyang nanalamin, baka may dumi sa mukha kaya natawa ang kausap]
KARIM: [sumeryoso ang mukha] Half-sister ko 'yon, si Charlotte.
KARA: [umayos ng upo] A, 'yong sa Instagram ba 'yan?
KARIM: [tumango] Hindi ka nag-follow, e. Hindi ako defensive, 'ha?
KARA: [ngumiti] Wala pa naman akong sinasabi.
KARIM: At baka wala ka talagang sabihin kaya. . . ako na lang magbubukas ng topic.
KARA: [huminga nang malalim] Did Remi ask you to. . . do this?
KARIM: [nalukot ang noo] Ang alin?
KARA: Inutusan ka ba niyang magpaliwanag sa 'kin?
KARIM: No. I just want to try to be open like you told me yesterday. [ngumiti] Saka ikaw na mismo nagsabi sa 'kin kahapon, marunong akong bumasa ng tao.
KARA: [mahinang natawa] 'Wag mo ngang ibalik sa 'kin 'yong mga sinabi ko kahapon. Medyo madaya, e. [nangingiting umiling]
KARIM: [lumawak ang ngiti] Bakit naman bawal?
KARA: [umiling, pinigilang yumuko] Nakakahiya, e.
KARIM: [pumungay ang mga mata] 'Wag kang mahiya kasi tama ka naman, e.
KARA: [napahikab]
KARIM: [sumeryoso ang mukha, lumambot ang tingin] And right now, I can read you clearly, Kara.
KARA: Hmm. [nanubig ang mata, napasinghot] And what can you read?
KARIM: [natigilan, ngumiti] I probably shouldn't keep you up. Halatang antok ka na. [mahinang tumawa]
KARA: [pinigil ang hikab] Hindi pa 'ko inaantok. Kagigising ko nga lang, 'di ba?
KARIM: [lumunok] Gusto mo bang umalis bukas?
KARA: [nanlaki ang mata, umayos ng upo] Pasaan naman tayo?
KARIM: [nangunot ang noo] Wala pa naman akong sinasabi na sasamahan kita. [mabilis na sinuklay ang buhok]
KARA: [umismid, matipid na ngumiti] Okay lang sa 'kin bukas.
KARIM: [kinamot ang ilong] Okay lang ba sa 'yong manood ng sine?
KARA: [lumabi] Akala ko ba, hindi ka kasama?
KARIM: [napangiti] Wala naman akong sinabing 'di ako sasama.
KARA: [nangingiting umiling] Right, *Schrödinger's cat.
KARIM: Uh-huh. A Schrödinger's cat situation. [pumungay ang mga mata] By the way, if Remi asks. . . [kinamot ang ilong]
KARA: [nangunot ang noo] Ha?
KARIM: [umiling] Never mind. I meant to say goodnight. Mukhang antok ka na. [magaang ngumiti]
KARA: Wait lang, anong oras tayo bukas?
KARIM: Sunduin kita sa coffee shop ng mga 11:30. Is that okay with you? Balita ko, mabagal kang kumilos, e. [tumawa]
KARA: Daldal talaga ni Remi. [sumimangot] I'm okay with 11:30.
KARIM: It's a date then. [lumabi] Goodnight and see you, miss.
KARA: Goodnight. [pinigil ang paglawak ng ngiti]
(FaceTime call ended)
##
*Schrödinger's cat
• a hypothetical experiment
• A living cat is placed in a steel chamber along with a hammer, a vial of hydrocyanic acid and a very small amount of radioactive substance. If even a single atom of the radioactive substance decays during the test period, a relay mechanism will trip the hammer, which will turn, break the vial of poisonous gas and cause the cat to die.
• In simple terms, according to Schrödinger, if you place a cat and something that could kill the cat (a radioactive substance) in a box and sealed it, you would not know if the cat was dead or alive until you opened the box so that until the box was opened, the cat was (in a sense) both "dead and alive".
Source: Wikipedia, what.is.com
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro