Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

third hour of the Day

F E B R U A R Y  14

        PASIMPLENG SUMULYAP si Kara kay Karim bago tusukin ang huling piraso ng pancake. Abala ito sa phone, may kung anong kinakalikot.

        Hindi siya nito sinabayang kumain pero nakadalawa na ito ng espresso.

        Nilunok niya muna ang kinakain. "Hindi ka ba talaga kakain?"

        Nag-angat ito ng tingin. "Mamaya na siguro." Pinakita nito sa kanya ang phone. "Julian was just asking for updates."

        "Ayos lang." Sumimsim siya mula sa paubos nang cappuccino. "Okay lang naman kung maaga tayong umuwi, baka maaga ka bukas, e."

        Matipid itong ngumiti sa kanya. "He's not asking about work."

        "Ha?" Ibinaba niya ang baso ng kape.

        "Kinukulit daw siya ni Remi, pinapatanong kung nasa'n tayo," natatawa nitong paliwanag. "Sasabihin ko ba?"

        "Ewan ko, ikaw bahala. Kilala mo naman 'yon." Nag-unat siya ng mga binti sa ilalim ng mesa.

        "Enjoy daw sabi ni Julian." Tumikhim ito. "Okay lang daw kung ma-late ako basta ihatid kita pauwi."

        Malalim siyang bumuntonghininga. "Kaya ko namang umuwi mag-isa. May Grab naman, a?"

        Itinaas nito ang mga kamay, sumenyas. "Okay lang, ihahatid naman talaga kita. I convinced you to go with me, remember?"

        Ilang segundo lang niya itong tinitigan. Lumabi siya, ibinaba ang tingin. "Puwedeng magtanong?"

        "Depende kung tungkol saan." Maliit itong ngumiti.

        "Kung hassle ang tingin mo sa feelings," napalunok siya, "then, what are we doing here?"

        "We're currently spending Valentine's Day." Umayos ito ng upo, bahagyang umabante at lumapit sa kanya. "I suggested we celebrate it this way, because I thought you hated parties."

        "Yes, I do hate parties." Bumuga siya ng hangin. "But I was referring to the, uhm, setting up."

        Napatawa ito nang mahina. "Actually, kanina ko pa nakuha 'yong pinupunto mo, pinatapos lang kita magsalita."

        Huminga siya nang malalim, pinigil ang pag-init ng mga pisngi. "Seryosong tanong kasi."

        Diretso siya nitong tinitigan sa mga mata. "Didn't I also tell you that love and relationships need hard work?"

        Tumango siya. "Oo kaya sabi mo, hindi ka naniniwala sa destiny and soulmates."

        "Well, I'm currently trying to work with you, Kara." Maluwang itong ngumiti.

        Napalunok siya. "Alam ko, pero hindi ko kasi gets."

        Nangunot ang noo nito. "Are you asking me where this—" Tinuro nito ang espasyo sa pagitan nila. "—is going?"

        Nahihiya siyang tumango. "Ang hirap kasing ipaliwanag, pero yes. . . I think that's what I want to know."

        Pumangalumbaba si Karim. "Why are you asking me this?"

        Umatras siya, sumandal siya sa sandalan ng upuan. "Ha? Ano?"

        "We're currently on our second date. Bakit mo biglang tinanong 'yan?" Pinaningkitan siya nito ng mga mata, parang nagbabasa.

        "Bawal na bang magtanong o ma-curious?"

        Lumabi ito. "No, you don't want assurance."

        "I don't need assurance. Tinatanong ko lang talaga kasi parang contradicting sa mga sinabi mo sa 'kin kanina," pagdedepensa niya.

        "I think I got it." Matagumpay itong ngumiti.

        Natawa siya nang mahina. "You think you got what?"

        "Naiintindihan ko na kung bakit mo tinanong 'yon." Ginawa nitong unan ang mga braso, nanatiling nakatingin sa kanya. "Gusto mo ng direksyon kasi hindi mo din alam kung sa'n mo gustong pumunta."

        Napalunok siya, pinilit ngumiti. "Alam mo, nasobrahan ka na yata sa espresso."

        Umiling ito. "You don't want an ultimatum, but you asked me that. Tinanong mo 'yon sa 'kin para kung saan ako, doon ka. . . kung anong gusto ko, sasabihin mong okay lang sa 'yo, susunod ka na lang."

        Napangiwi siya. "Okay, Sherlock, you got me."

        "But you don't even like me that much." Matipid itong ngumiti. "Well, at least, not yet."

        "Nakakahiya kasi, okay?" pag-amin niya. "'Di ko alam kung alam mo na 'to pero nakakahiya kasing ma-reject."

        "Tapos ako 'tong pinagbibintangan mong manipulative," pabulong nitong reklamo.

        Naningkit ang mga mata niya. "Kailan kita tinawag na manipulative?"

        Umayos ito ng upo bago binuksan ang phone. Saglit itong nag-scroll doon at saka, hinarap sa kanya ang screen.

        Screenshot iyon ng Instagram story niya isang oras ang nakalilipas. Dumoble ang nararamdaman niyang hiya.

        "No worries, aminado naman ako. Compliment pa nga 'yan, e," kalmado nitong sabi.

        Pilit niyang nilabanan ang nararamdamang init sa magkabilang pisngi. "Pa'no mo nakita 'yan? Naka-close friends lang 'yan, e."

        Binawi nito ang phone. "May nag-send lang sa 'kin ng screenshot," natatawa nitong paliwanag. "Hulaan mo kung sino."

        "Amputa, nakalimutan ko yatang tanggalin sa close friends list." Inis siyang nagbuga ng hangin.

        Umayos ito ng upo. Tahimik nitong binasa ang nasa phone. "Do you still think I'm strange?"

        "Well. . ." Napalunok siya. "No'ng una lang naman."

        Muli itong pumangalumbaba, seryoso ang mga mata. "What changed your mind?"

        Sinalubong niya ang mga mata nito. "Everything you told me when we got here."

        Nangingiti itong umiling, parang natuwa sa sagot niya. "Remi was right about you."

        Nangunot ang noo niya. "Look, assumptions lang naman karamihan sa mga sinasabi ni Remi."

        "No, she was right about me." Lumunok ito. "And she's definitely right about you."

       "Ha? Ano na naman bang sinabi niya sa 'yo?"

        "She told me that you're a romantic and that you often draft lines in your head." Natatawa nitong pinitik ang noo niyang nakakunot. "Writer ka daw kasi, kaya pinaplano mo muna 'yong mga gusto mong sabihin. And somehow, you can't resist the urge to revise and make them sound. . . romantic."

        Bumuga siya ng hangin. "You could be a therapist for figuring that out," naiiling niyang sabi.

        "We could be each other's therapists for free." Napatawa ito nang mahina. "But then, we won't be allowed to date."

        Natatawa siyang tumango. "Oo, kasi bawal mag-date ang patient at therapist. That's against their code of ethics."

        Natawa na lang si Karim sa sinabi niya.

        Maya-maya pa ay pareho silang natahimik. Sabay silang napalingon sa direksyon ng pinto nang may pumasok doon.

        Nang nagkasalubong ang mga mata nilang dalawa ay agad niyang binawi ang tingin.

        Nanatiling nakatitig sa kanya si Karim, nagbabasa. Tumikhim ito. "So, where do you think this is going?"

        Napaawang ang mga labi niya. Binalik lang naman nito sa kanya ang tanong niya kani-kanina lang.

        "We're only on our second date. Bakit mo tinatanong 'yan?" pag-uulit niya ng sagot nito sa kanya.

        Hindi nito napigilan ang tawa. Ilang segundo ring nagtaas-baba ang mga balikat nito, pinipigil ang paglakas ng tawa. "You know what, Kara?"

        Ginawa niyang unan ang sariling mga braso. "Ano na naman, Sherlock?"

        "I like you already," nangingiti nitong sabi. "Because you know how to keep a conversation flowing. And maybe you're right."

        Napangiti siya. "Tama ako tungkol saan?"

        "Remi's assumptions. . . sabi niya kasi sa 'kin, hindi ka makakilos nang walang sinusunod na plot o outline." Muli nitong inunan ang mga braso, lumebel sa mga mata niya. "Look at you right now. You don't have an outline and yet, you're free-falling with me."

        "Papunta saan naman?"

        Nagkibitbalikat ito. "I don't know yet."

        "Ako rin, hindi ko pa alam," pagsang-ayon niya. "Okay lang ba 'yon?"

        Tumango ito. "I'm fine with that as long as we both know that we're free-falling towards something."#

— ✽ —

— ✽ —

— ✽ —

— ✽ —

        "SIGURADO KA ba? pangatlong beses niya nang tinanong iyon kay Karim.

        Inayos niya ang pagkakasabit ng bag sa kaliwa niyang balikat. Hawak naman ni Karim sa kanang kamay ang phone.

        Natatawa itong tumango. "Oo nga, hoodie lang naman 'yan. It's no big deal."

        "Sabi mo 'yan, a," bulong niya bago nagpatuloy sa paglakad.

        Napagkasunduan nilang 'wag muna umalis ng coffee shop. Wala pa kasi silang maisip na puntahan. Naglibot-libot sila sa loob niyon.

        May mga magazine sa kabilang dulo at posters na nakapaskil sa dingding. Marami ring naka-frame na mga painting. Pinabayaan lang sila ng staff na tumayo roon.

        Nang lumingon siya sa direksyon ni Karim, nakatitig ito sa isang sirang painting. Parang naulanan iyon – hindi na naisalba ang mga kulay. Nakakunot ang noo nito, malalim ang iniisip.

        "What's your damage?" Pagbitaw ng tanong ay matipid itong ngumiti sa kanya.

        Binaling niya ang tingin sa sirang painting. "Hindi ko alam."

        Natawa ito nang mahina. "You're obviously lying."

        "Pa'no mo naman nasabi?" Magaan siyang ngumiti.

        "Sabi mo, coping mechanism mo ang pagso-sorry, e. Hindi mo naman aaminin sa sarili mong may coping mechanism ka kung 'di mo alam 'yong damage mo."

        Lumabi siya. "I'm too responsible, masyado akong by the book. 'Yon ata."

        Hindi nito napigilan ang tawa. "Para ka namang nasa job interview, Kara."

        Nangunot ang noo niya. "Ha?"

        "Hindi ko naman tinanong kung ano weaknesses mo." Nagpamulsa ito. "I'm asking about your damage."

        Bumuntonghininga siya. "That is my damage. . . masyado akong responsable. Inaako ko lahat kahit hindi naman dapat."

        Saktong paglingon niya ay ang pagtunog ng shutter ng phone ni Karim. "Kung alam mong hindi mo naman dapat saluhin, bakit ginagawa mo pa rin?" nakangiti nitong tanong.

        "Kasi kailangan," simple niyang sagot.

         Muli siya nitong kinuhanan ng litrato sa phone. "At sino namang nagsabi sa 'yo na kailangan?"

        "'Yong sitwasyon. Masyado akong responsable para hintayin pang manggaling sa iba." Huminga siya nang malalim. "That's just how I'm wired."

        "Are you okay with having responsibilities you didn't ask for?" Ibinulsa nito ang phone.

        Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Does that even matter? Kahit naman hindi ayos sa 'kin, kailangan ko pa ring saluhin."

        Nakakunot ang noo nito, nalilito ang mga mata. "Who made you feel that way?"

        "Walang mangyayari kung iaasa ko sa kanila, so better me than them." Bumuga siya ng hangin.

        Magaang ngumiti si Karim. "You're just too kind. You should try being kind to yourself, too."

        "Life guru, ampota," bulong niya.

        "I'm not an expert in this mess we call life." Napatawa ito nang mahina. "I already told you, the universe has fucked me too many times. . . kaya marami na 'kong alam."

        Napangiti siya. "Pag-uusapan na ba natin 'yong damage mo?"

        "What damage?" naiiling nitong tanong.

        "Your parents' divorce? Ewan ko. Magaling din akong makinig."

        "Should we go outside then?" pag-iiba nito ng usapan.

        Nangingiti siyang napailing. "Don't avoid the topic just because you don't know how to address it." Lumawak ang ngiti niya. "O, 'di ba? Kaya ko rin."

        Hindi nito napigilan ang pagngiti. "Alright, but let's go outside."

        "Bakit? Anong mayro'n?" Nilibot niya ng tingin ang paligid.

        Hinawakan ni Karim ang laylayan ng suot niyang hoodie. "Akala yata, may ninakaw tayo dito."

        Dahan-dahan nitong hinawakan ang palapulsuhan niya. Iniwasan niyang tumingin sa mga mata nito, ayaw niyang makita nito ang namumula niyang pisngi.

        Maingat siya nitong iginiya palabas ng coffee shop. At gaya ng nakasanayan, nagpatianod siya.##

— ✽ —

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro