the day before
— ✽ —
F E B R U A R Y 13
NAG-UNAT SI Kara ng mga binti sa ilalim ng mesa. Dahil alam ni Karim na mabagal siyang kumilos, napagdesisyunan niyang unahan ito sa coffee shop. Dumating siya roon nang mas maaga kaysa sa napag-usapang oras.
Puting pullover ang pinili niyang suotin. May white lace na detalye iyon sa dulo ng magkabilang manggas. Vintage na pares naman ng pantalon ang pang-ibaba niya.
Pagkatapos ay nagsuot siya ng dalawang layer na kuwintas. Lip and cheek tint lang din ang nilagay niya sa mukha para magmukha siyang disente kahit papaano.
Sinadya niyang magmukhang hindi naghanda para hindi nito mahalata ang nerbyos niya.
Sa bandang likod ng coffee shop siya pumuwesto. Nakalapag lang ang phone niya sa ibabaw ng mesa habang nakasabit pa rin sa kanan niyang balikat ang dalang shoulder bag.
Napatingin siya sa phone nang mag-vibrate iyon.
Inayos niya ang pagkakapusod ng buhok. Nang hindi niya iyon naayos at may hibla pa ring kumakawala, pinabayaan na lang niya.
Saktong pag-angat niya ng tingin ay siyang pagpasok ni Karim sa coffee shop. Maingat pa nitong sinara ang sliding door.
Bago humakbang ay iginala nito ang mga mata sa paligid, hinahanap siya.
Hindi siya nagtaas ng kamay. Hinintay niyang ito mismo ang makapansin sa bandang likod.
Magaang ngumiti si Karim nang makita siya. Nang makalapit ito sa kanya, umupo ito sa katapat niyang upuan.
Itim na hoodie na naman ang suot nito, pati pantalon ay itim. Parang hindi ito nauubusan ng itim na damit. Kung hindi naman itim ay puti ang suot nito sa mga picture.
"Before we leave—" Saglit nitong kinamot ang ilong. "—did you tell Remi that we have a date today?"
"Ha?" wala sa sarili niyang sabi, impulse lang.
Ilang beses na kumurap si Karim, pinigilan ang tawa. "Why? Did I forget to mention that this—" Sumenyas pa ito. "—is a date?"
Lumabi siya, sinubukan niyang pigilan ang pamumula ng mga pisngi kahit ramdam na niyang mainit na ang mga iyon. "Wala naman akong sinabi kay Remi, baka nag-assume siya."
"Oo nga, baka nga." Sumandal ito sa sandalan ng leather couch. "Nakakain ka na ba?"
Tumango siya. "Ikaw ba, kumain ka na? Puwede naman akong kumain ulit since lunchtime na."
Umiling ito. "I'm good, let's go." Mabilis itong tumayo.
Nangunot ang noo niya. "What's the rush?"
Napaawang ang labi ni Karim, parang hindi rin sigurado sa mga kinikilos. Malalim itong bumuntonghininga. "Do you really have to question everything, miss?"
Napaismid siya. "Oo na, sige na. You don't have to call me that." Tumayo siya at inayos ang pagkakasabit ng bag sa balikat. "Para kang kumakausap ng spoiled brat, e."
Mahina itong natawa. "Sorry, 'di ko alam na offensive ang dating." Nauna itong lumakad.
Sumunod lang siya rito. "Hindi naman sobrang offensive. It's just the way you say it."
Huminto ito sa paglakad, hinintay siya. "I thought I sounded gentleman-ly." Napangiti ito. "I'll think of a better pet name but for now, let's settle with 'miss,' Miss Kara."
Playful ang tono nito. Muntik pa nga yatang kumindat. . . hindi, pinigilan nitong kumindat.
Nilapitan niya ito. "Ang douche kayang pakinggan, hindi gentleman-ly."
Muli itong tumawa. "Then let's just agree to disagree."
Lumapit ito sa kanya, kinuha ang kanan niyang kamay. Ngumiti pa ito bago ikawit ang kamay niya sa kaliwa nitong braso.
Amputa, Remi, bakit naman ganito?#
— ✽ —
— ✽ —
"KANINA PA 'ko tine-text ni Remi," mahinang reklamo sa kanya ni Karim. "You shouldn't have mentioned me in your story."
"Parang 'di mo naman kilala 'yon." Bumuntonghininga siya. "Concerned lang 'yon. She means well."
"Ano bang gusto mong panoorin?" tanong nito sa kanya habang nakaharap sa mga movie poster.
Nagkibitbalikat siya. "Ikaw bahala."
Nag-angat ito ng tingin, nangunot ang noo. "Are you always like this?"
"Am I always like. . . what?"
Tumikhim ito bago nagpamulsa. "Lagi mo bang pinapasa sa ka-date mo 'yong pagdedesisyon?"
Napakurap siya, napaisip. "E, mas madali kasi kapag gano'n. . . iwas complications."
"You might have avoided the conflict but that means you never get your way, right?" Parang totoong nagtataka ito, hindi napansing atake na ang dating sa kanya.
Umiwas siya ng tingin. "Mas okay nga 'yong gano'n."
"Last night, I told you that I can read you clearly." Binalik nito ang tingin sa magkakatabing movie posters. "Now, I kind of feel guilty about that."
"About what?" Tiningnan niya ang katapat niyang poster.
"Nakaka-guilty kang basahin, e, parang pinapabayaan mo ako. You immediately gave me permission even though I didn't ask for it." Bumuga ito ng hangin.
Mataman niya itong tinitigan. Napalunok siya nang mahuli siya nitong nakatingin.
Nanatili itong nakaharap sa poster, nasa kanya na ang atensyon nito. "I guess I should repeat my question. May gusto ka bang panoorin?"
Muli siyang umiwas ng tingin. Binaling niya ang atensyon sa poster ng isang romantic-comedy. "Downhill" ang pamagat. Tahimik niyang binasa ang detalyeng nakalagay roon.
"It's a horror movie, then." Nakangiti nitong tinuro ang kanina pang tinitingnang poster: "Brahms: The Boy II."
Lumunok siya. Kumurap-kurap siya, pinakalma ang sarili. "Horror para makapangtsansing ka?"
"I'm not that kind of person, miss." Pang-asar pa itong ngumiti.
Tumikhim siya. "Sino nga palang bibili ng pagkain?"
Kinuha nito mula sa bulsa ang brown na wallet. "Ikaw na bahala kung anong bibilhin mo basta, bilhan mo 'ko ng Smart C lemon." Binigyan siya nito ng isanglibong piso.
"Okay. Dito na lang kita hintayin or doon na lang sa may ticket booth?"
Mahina itong natawa. "Dito na lang, mas malapit 'to sa cinema." Tinuro nito ang entrance ng cinema.
Tumango siya. Tinitigan niya si Karim, hinintay niya itong lumakad papunta sa ticket booth. Nanatili siyang nakatayo roon.
Nang mapagtantong pinauuna siya nito, nagmamadali siyang pumunta sa bilihan ng popcorn.
Pagkatapos niyang bumili ng dalawang bucket ng popcorn, isang C2 apple, at Smart C lemon, pumunta na siya sa napag-usapan nilang hintayan. Nakapamulsa ito habang nakatalikod sa kinatatayuan niya.
"Karim. . ." Mahina lang iyon, parang nahihiyang banggitin ang pangalan.
Humarap ito sa kanya at naglahad ng kamay. Nalilito niyang pinatong sa palad nito ang sukli ng isanglibong piso.
Nalukot ang noo nito. "'Yong Smart C kasi—" Nangingiti nitong kinuha mula sa dala niyang plastic bag ang bote ng Smart C. "—but thanks for not keeping the change."
Muli nitong nilabas ang wallet at doon nilagay ang inabot niyang sukli. Nang sinalubong nito ang mga mata niya ay nangunot ang noo nito.
Parang gusto nitong itanong kung bakit nakatayo lang siya.
Matipid siyang ngumiti. "Hinihintay kitang matapos maglagay ng pera kasi madilim sa loob," paliwanag niya.
Malalim itong bumuntonghininga. "Why am I not surprised?" pabulong nitong tanong.
"Ano 'yon? You said something," painosente niyang sabi kahit narinig naman niya ang binulong ng huli.
Marahan itong umiling. "Nothing, let's go inside."
Kaswal nitong inabot ang kaliwa niyang kamay. Tinulungan siya nitong buhatin ang plastic bag. Pilit nitong pinagkasya ang kamay sa butas ng hawakan niyon.
Hindi nito pinagsalikop ang mga daliri nila, magkatabi lang ang mga kamay.
And yet, I'm feeling this way. Amputa naman.#
— ✽ —
— ✽ —
INABALA NIYA ang sarili sa pagsi-search ng synopsis ng pelikulang panonoorin. Hindi kasi siya mapakali. Alam niyang hindi niya kakayanin ang jumpscares sakaling mayro'n man.
Kaunti lang ang tao sa loob ng cinema kahit bisperas ng Valentine's Day. Wala naman kasing gustong matakot sa bisperas ng araw ng mga puso.
Si Karim, gusto yatang matakot.
Napasulyap siya sa malaking screen nang bigla iyong umilaw. Nakahinga siya nang maluwag. Trailer pa lang ang pinalabas doon, hindi pa ang pelikula.
Nag-aalangan siyang tumingin sa katabing si Karim. Seryoso pala itong nakatitig sa kanya habang umiinom ng Smart C.
"Bakit? Anong mayro'n?" Nangunot ang noo niya, baka kasi may dumi siya sa mukha.
Nangingiti itong umiling. "Dinadaya mo 'ko, e."
Mabilis nitong inagaw mula sa kanya ang phone. Tiningnan pa nito ang search results – puro plot at summary ng pelikula. Pagkatapos ay ni-lock nito ang phone niya at ibinulsa.
"Hindi kasi ako mahilig sa horror." Lumabi siya. "May I have that back?"
Umiling lang si Karim. "'Wag na, tara na." Bigla itong tumayo at nagpamulsa.
Nang tuluyan itong umalis at lumabas ng cinema, wala siyang nagawa kundi iwan ang biniling pagkain at sumunod.
Inis siyang nagbuga ng hangin nang makita ang pamilyar na likod ng lalaki. "Big deal ba talaga 'yon?" medyo iritable niyang tanong dito.
Mabagal itong tumango. "There was no point in staying. Alam mo na kung anong mangyayari, e."
"Pero sayang kasi 'yong mga pagkain." Tumuro pa siya sa entrance ng cinema.
"I'll buy you more later." Magaan itong ngumiti pagkatapos iyong sabihin, walang pakialam kung tunog mayabang.
You're weird.#
— ✽ —
"P'WEDE KO na bang tanungin kung bakit ka nainis kanina?"
Nag-ikot-ikot lang sila sa loob ng mall. Tumingin at nagbasa siya ng mga libro sa book store. Kumain sila ng pananghalian. Dalawang pelikula rin ang pinanood nila, parehong si Karim ang nagbayad kasama na ang merienda.
Pambawi raw nito sa biglang pagkainis.
Nang wala nang magawa ay napagdesisyunan nilang magpahinga sa loob ng kotse. Ayos lang naman sa kanya, gusto naman niyang makapag-usapap sila.
Bumaling ito sa kanya. "Sinabi ko na sa 'yo kanina. . . it was pointless staying there. Kailangan mo ba lagi ng paliwanag?"
"Now, you're being deep," natatawa niyang sabi. "Pang-alas dose 'yang gan'yang tanong."
"Pati ba mga tanong, kailangan may paliwanag at schedule?" parang bata nitong tanong.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Okay, binu-bullshit mo na lang ako."
Malakas itong tumawa, buong araw atang inipon. "I don't like clichés. Mas gusto ko ng realistic, 'yong magugulong film na hindi ko maiintindihan sa unang nood. . . katulad ng indie films."
"Kaya ka nainis kasi. . . mahilig ka sa indie films?" Naguluhan siya, pinahalata niya iyon sa tono.
Maliit ang ngiti nito. "Dinaya mo ako, sarili mo, at ang buhay. You like being prepared and rational, but I don't."
"Dahil?" Umayos siya nang upo.
"I like not knowing. As much as possible, sa lahat ng ginagawa ko, gusto ko 'yong sa dulo lang mabubuo 'yong parang magulo sa umpisa." Natawa ito nang mahina. "I know it's confusing and it is confusing most of the time. . . pero 'yon 'yong punto ng lahat."
Napangiti siya. "Mukha lang magulo pero hindi. Nage-gets ko."
Natigilan si Karim, tumitig sa kanya. Ilang segundo lang itong nakatingin sa kanya. Kumurap-kurap ito, umiwas ng tingin. "By the way, are you still going to Remi's party?"
"Bukas?" Tumango siya. "Nakapangako na ako, e, aasa 'yon."
"Anong bukas?" Mahina itong tumawa. "The party's tonight at midnight, Cinderella."
Agad niyang isinantabi 'yong nagbadyang paru-paro sa tiyan. "Hindi naman niya kasi sinabi kung anong oras. . . akala ko mga 8 PM."
Huminga ito nang malalim. "Going back, pupunta ka pa rin ba? Because I have a proposal."
"Proposal tungkol saan?"
"A proposal on how we should spend our Valentine's Day. . . we're supposed to meet there anyway. Kasama naman na kita, so now we have a choice on how we want to spend tomorrow."
"Okay." Tumango-tango siya. "Anong iniisip mo?"
Matipid itong ngumiti, may katiting na kislap sa mata. "Night drive tayo, kung hanggang saan ang abutin ng gas."
Matagal niya itong tinitigan nang diretso sa mata. "That is better than a party. Masyadong maingay do'n, hindi ako makakapag-self pity."
Hindi nito napigilan ang tawa. "So, what do you say?"
"Okay, game." Itinaas niya ang kamay. "Pero dumaan muna tayo sa party ni Remi, kahit magpakita lang tayo."
Saglit itong nagpamulsa, kinuha ang phone niya. Binalik nito iyon sa kanya, tinanggap niya. "Then you got yourself a deal." Mahigpit ang hawak nito sa kamay niya.
Hindi nito pinagsalikop ang mga daliri nila pero mahigpit ang hawak nito sa kanya, parang ayaw bumitaw.
Huminga siya nang malalim, pinakalma ang sarili. Nagbadya na naman ang pagtubo ng mga paru-paro sa tiyan niya.
Pinabayaan niya.##
— ✽ —
hi!! muli, salamat sa pagpatol dito. this is the longest chapter as of today, march 30, 2020. 🥺✊🏻 tulad ng lagi kong sinasabi, wag na kayong magulat kapag biglang gumulo yung pacing. hehe.
thank u for reading!! and stay safe indoors as much as possible. 🥳✌🏻
– floe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro