special chapter || pizza
F R I E L L E
WITH SEVEN large boxes of pepperoni pizza in her hand, pinindot ni Kara ang numerong "6" sa gilid ng elevator. Mag-aalas-sais na ng gabi. Kung hindi pa nakauuwi, ang iba sa empleyado ng Santiamos Publishing House ay nasa pantry at maagang kumakain ng hapunan.
Napatunghay si Kara nang may humarang na kamay sa papasarang elevator.
"Ikaw pala 'yan, Kara!" nakangiting bati sa kanya ni Chinna. Malalaki ang kulot ng buhok nito, umakma sa maliit nitong mukha at balingkinitang katawan. "Where are you headed?"
Kara held onto the strap of her leather brown purse. "Sa IT Dept." Itinaas niya ang hawak na mga box. "Idadaan ko lang 'to."
Chinna grinned widely. "Sa Head ba 'yan nila August?"
Tipid na ngumiti si Kara. "Yes, pero hindi niya alam na pupunta ako ngayon." She fixed her ID clipped on the pocket of her cream-colored blazer.
Kara could not help but admire how Chinna seemed so casual with mentioning August. Not that Kara was not comfortable with Karim after being together for eight months. There were just some moments where it felt like he was more. . . open than her.
Sa kanilang dalawa, mas pala-post ito kaysa sa kanya. Ang feed nga nito sa Instagram, puro pictures ni Kara o kaya litrato nilang magkasama. Tuwing kukuha sila ng litrato, malaya siyang ninanakawan ng halik ni Karim sabay pindot ng shutter button ng Polaroid camera niya.
Kara's face always turned candid and epic whenever Karim kisses her for pictures — pero hindi naman din niya pinabubura.
"You look nervous." Chinna gave her a reassuring smile. "Don't worry, mababait naman 'yong mga 'yon."
Nangunot ang noo ni Kara. "Hindi ka ba dadaan do'n?"
"Gusto ko kaso—" Nagpamulsa ito sa suot na slacks. "—hinihintay na kasi ako ni Miss Din. Sabi ko na lang kay August, mag-dinner date na lang kami next week pambawi this week. Kayo ba ni Karim, kumusta?"
"A. . ." Nilaro-laro ni Kara ang dulo ng buhok. "Okay lang naman."
"It's fine kung hindi ka kumportableng mag-share." Maliit siya nitong nginitian.
"Thanks," ang tanging sagot niya kay Chinna. The elevator ding-ed. Nasa sixth floor na pala sila. "May ipapasabi ka ba kay August?"
Umiling si Chinna, ngumiti rin pagkatapos. "Relax yourself, Kara. You have no idea how much they like you already."
Kara waved goodbye before the elevator doors closed. Malalim siyang napabuntonghininga. Meeting new people has always been overwhelming for her, but her first date with Karim was an unexpected exception.
Lumakad siya hanggang sa dulo ng pang-anim na palapag. Huminga muna siya nang malalim bago itulak ang babasaging pinto. Natigilan ang mga empleyado sa loob — mabibilang lang sa daliri ang mga babae.
The IT Department resembled a game room.
Bukod sa mga computer na nakalinya, may malaking TV na nakakabit sa kanang bahagi ng silid. Pati ang mga swivel chair, kalat-kalat at hindi nakaayos nang pa-cubicle.
Kara tried to smile as best as she could. Sumilip muna siya sa siwang ng pinto kahit babasagin iyon at nakita na siya ng iba pang empleyado. "Hi." Tuluyan siyang pumasok. "Nandito ba si Karim?"
Biglang humina ang pagtugtog ng "Daylight" ng Maroon 5 sa makulay na speaker na nakakabit sa magkabilang gilid ng pinto.
Tumayo ang isang empleyado. Si August. "Ikaw si Kara, 'di ba?"
Nag-aalangan siyang tumango.
"Wait for a bit, tawagin ko lang si Sir." Patakbong nilapitan ni August ang nag-iisang cubicle sa dulo, naiwang nakatayo si Kara kahit ilang hakbang lang ang layo. "Sir, may naghahanap sa 'yo." Maraming beses nitong kinatok ang gilid ng cubicle.
Makaraan ang ilang segundo, sinalubong si August ng iritableng si Karim. Halatang bagong-gising dahil magulo ang buhok nito, may kaunti pa ngang hibla na nakatikwas sa likod.
"Sino?" Halos nakapikit (pa rin) nitong tanong.
Humigpit ang hawak ni Kara sa tali ng box. Mukhang naistorbo niya si Karim.
Naging subsob kasi ang boyfriend sa trabaho magmula nang baguhin ang ginagamit na program ng mga computer sa opisina. Pinagsabihan na ito ni Kara tungkol sa gabi-gabi nitong pagpupuyat at pag-uuwi ng gawain pero sadyang matigas ang ulo nito.
Hindi naman niya ito mapagalitan nang paulit-ulit dahil pati siya, nagpupuyat at sumusulat. Tinuloy kasi niya ang freelancing kasabay ng kontrata sa kumpanya.
Halos isang buwan na rin silang ganoon.
Habang sumusulat si Kara para sa mga kliyente online, nilalaro ni Karim ang kamay niya. Sa halip na matulog kapag tapos na sa gawain, hindi siya nito pinababayaang magpuyat nang mag-isa.
Nakangiti munang sumulyap si August kay Kara at saka ito bumaling sa boss. "Girlfriend mo, sir," sagot nito kay Karim, medyo nang-aasar.
Upon hearing his employee's answer, Karim's eyes scanned the place. When he finally saw her, natataranta nitong inayos ang buhok at pababang hinagod. Nagpungas din ito ng mga mata bago tapikin ang balikat ng natatawang si August.
Unang beses na narinig ni Kara sa personal ang kantiyawan ng office mates ni Karim.
Amputa, nakakahiya.
Sinamaan ni Karim ng tingin ang mga nagbubulungan at nang-aalaskang empleyado.
Pinanatili na lang ni Kara ang mga mata sa lalaking papalapit sa kanya. "Sorry," mahina niyang sabi. "I didn't know you were sleeping."
"No, ayos lang." Pasimple nitong inabot ang kaliwang kamay ni Kara bago kunin ang mga box ng pizza. "I was supposed to be wake up ten minutes ago, pero walang nanggising sa 'kin."
Matalim nitong sinipat si August na prenteng nakasandal sa pinto ng cubicle — maliit ang ngiti habang pinanunuod silang dalawa.
Nang mapansing nakatingin si Karim, kaagad na sinuot ni August ang headphones at bumalik sa kaninang puwesto.
Saglit na pinakawalan ng lalaki ang kamay ni Kara. Pinagkrus nito ang mga braso sa ibabaw ng dibdib bago pasadahan ng tingin ang mga katrabahong tumigil sa kani-kanyang gawain. Natatawa man ang iba, nagpatuloy na lang ang mga ito sa pagtipa sa keyboards.
"Why are you being strict?" Nagtatakang tiningnan ni Kara ang boyfriend. "Hindi lang naman para sa 'yo 'tong pizza, e," naiiling niyang sabi.
Bumuga ng hangin si Karim bago tumikhim para kunin ang atensyon ng lahat. "Okay, break time! Fifteen minutes! There's pizza in my office."
Karim introduced Kara to everyone as his girlfriend. Some employees expressed gratitude for the food, while some thanked her for simply being Karim's girlfriend.
After a few more minutes of chatting and mingling, Karim took four slices of pizza. He grabbed table napkins before mouthing something to August. Ismid lang ang sinagot ng huli, ito na naman kasi ang maglilinis ng pinagkainan ng mga kasama.
Pagpasok sa elevator, hinawakan ni Karim ang kanang kamay ni Kara. Saka lang nito pinagsalikop ang mga kamay nila nang tuluyang sumara ang pinto.
"So, what brings you here?"
"You, obviously," she answered.
"Really?" His shoulders slowly relaxed. "You just wanted to bring me pizza?"
She nodded. "Pauwi na 'ko, actually. Naisip ko lang na daanan ka kasi baka hindi ka pa kumakain."
"Hmm. . ." Pinakawalan nito ang kamay niya. Bago pa niya maitanong kung bakit nito ginawa iyon, nakapatong na ang kaliwa nitong kamay sa ulo niya. "Thank you." Mahina nitong tinapik iyon.
"Para saan? Sa pizza?"
"Yep." He took a step back, leaning against the railing of the elevator. "Pati na rin sa pagpunta mo."
Tipid na ngumiti si Kara. "Inaantok ka pa?"
Marahan itong umiling, pinigilan ang paghikab. "Hindi na."
Inagaw niya ang platito ng pizza slices sa kabilang kamay nito, baka kasi mangalay ito. "Gusto mo bang magkape muna tayo sa pantry?"
"What for?" Karim's eyes softened as he looked at her. "Nandito ka naman na. I'm more than awake." He chuckled, then sighed in content.
Without a relaxed smile on his face, he intertwined his hand with hers. The warmth of his hand burned her awkwardness and nervousness – heating her cheeks, churning her insides.
Kara exhaled deeply.
"Why do you keep on sighing?" Karim asked once they finally reached the rooftop. "May problema ka ba?"
Pinauna nitong umakyat si Kara. Nanatiling magkahawak ang mga kamay nila kahit iginiya siya nito pahakbang sa tatlong baitang.
Puno ng railings ang gilid ng rooftop pero hindi naman niyon nabawasan ang ganda ng tanawin sa taas. Dahil hindi pa tuluyang nakalulubog ang araw, kapansin-kapansin ang pagtagos ng mga sinag sa bawat gusaling nakatayo at nakaharang.
Sumalampak ng upo si Kara sa semento bago niya nilapag ang platito ng pizza. "Wala naman, but I'm worried?"
Karim sat beside her – stretching his legs, grazing her left knee a little. "Okay, what are you worried about?" He took one slice and bit its tip off.
Pinigilang ngumiti ni Kara nang hindi nahabol ni Karim ang cheese na nahulog. Parang bata kasi itong sumimangot. Sumulyap din ito sa kanya at ngumiti nang tipid matapos makumpirmang nakatingin nga siya.
"Sa 'yo. Nag-aalala ako sa 'yo." Napansin ni Kara na kukuha si Karim ng tissue sa gilid ng platito kaya inunahan niya ito. "Ako na," bulong niya nang akmang aagawin pa ng lalaki ang papel mula sa kanya. Maingat niyang pinunasan ang gilid ng labi nito.
Agad itong umiwas nang magkasalubong ang mga mata nila. "Thanks." Pasimple din nitong kinamot ang ilong. "Wala ka namang dapat na ipag-alala. Why are you worried?"
"You're overworking. Halos hindi ka na nga natutulog."
"I'm fine, Cinderella." Karim patted her head again – this time, more affectionately. "Worry about yourself first, bago ako." Nilapit nito kay Kara ang slice ng pizza, balak siyang subuan.
Kinuha niya ang slice mula sa kamay nito, binalik niya iyon sa platito. "Hayaan mo naman akong mag-alala sa 'yo. . . hindi 'yong puro ikaw nag-aalala sa 'kin."
Natigilan si Karim. Mukhang nagulat sa sinabi niya. "Sorry." Maya-maya ay ngumiti ito nang maliit, pinigilang lumawak. Pababa rin nitong hinila ang laylayan ng suot na jacket. "Masyado lang akong nasanay na ako 'yong kailangan."
"Alam ko naman 'yon, but like you said, I'm here now. Kung pa'no ka mag-alala sa 'kin, sana gano'n ka rin sa sarili mo."
"Sorry," pag-uulit nito. "Do you want me to take the rest of the week off?"
Kara shook her head.
"If that's what you want, then okay. When we decided to do this, we promised to work together. Hindi ako nagger—" Mahinang natawa si Karim, bahagya pa nitong nasagi ang kaliwa niyang siko. "—alam mo 'yan."
"But I don't want to take a day off." He stretched his legs, like a cat preparing and stretching its bones before sleeping. "Gusto ko lang matulog."
"Dito?"
Marahan itong tumango. "P'wede ba?" tanong nito habang nakatitig sa kaliwa niyang balikat.
"Okay." Umurong si Kara palapit kay Karim. Ilang segundo pa ang lumipas bago ito tuluyang humiga sa balikat niya. Dahil masyado itong matangkad, halos baluktot na ang likod nito pero nagawa naman nitong humilig.
Ramdam ni Kara ang kalmado nitong paghinga sa gilid ng leeg niya. Simpleng t-shirt at blazer pa man din ang suot niya. Bukod pa sa paghinga ng lalaki, halos rinig na ni Kara ang malakas na pagtibok sa dibdib nitong nakadikit sa kaliwang braso niya.
Malakas siyang napasisinghap tuwing tatama ang paghinga nito sa balat niya.
Amputa naman.
Limang minuto ang pinalipas ni Kara bago umayos ng upo.
"Tulog ka na ba agad?" mahina niyang sabi habang nakatitig sa mahahabang pilik ni Karim. Para masigurong tulog na ito, nilapit niya ang mukha sa tungki ng matangos nitong ilong.
Gusto niya kasing mag-unat ng binti, kaso baka matamaan niya ang tuhod ng katabi. Baka magising niya ito.
Napalabi si Kara nang dahan-dahang nagmulat at ngumiti si Karim.
"Not yet," he whispered before reaching for her lips.
Kara could not help but close her eyes as Karim deepened the kiss. That kiss was different.
Karim tasted different. His lips tasted like soft, melted cheese imported from heaven. Kara smiled at the thought. Her lips spread in a thin line, prompting Karim to smile, too.
Kara felt different, too.
He felt more trusting, but she was, too. In that kiss, they were both vulnerable. Kadalasan kasi, si Kara ang humihingi ng suporta. Kadalasan, siya ang natutulog sa balikat nito. Pero sa pagkakataong iyon, si Karim ang nakahawak sa batok niya kahit ito ang nagsimulang humalik sa kanya.
Dalawang minuto ang itinagal ng halik na iyon. Bukod sa pareho silang naghabol ng hininga pagkatapos, pareho rin silang namula na parang nalasing at nalulong sa isa't isa.
Lumabi si Kara, sinubukan niyang kontrolin ang pagpula ng mga pisngi.
Magaang ngumiti si Karim. "Now, I can sleep."
"Sira," natatawa niyang sagot.
Sumiksik ito sa leeg niya, halos dumikit ang mga labi nito sa balat niya. "Thank you," bulong nito.
Inurong ni Kara ang platito ng pizza, tatlong slice pa ang walang bawas. "Hmm?"
Before closing his eyes, Karim heaved a sigh. "I love you," he said in a low voice. He inhaled sharply as if he made an attempt to memorize her scent.
Kara smiled when she felt him kiss her neck before he breathed deeply. Sinubukan niyang silipin ang mukha nitong natatabingan ng buhok. Pinadaan niya ang ilang hibla niyon sa pagitan ng mga daliri. Tuloy, tumikwas ulit ang iba sa mga iyon.
"Mahal din kita."
Inulit-ulit niya ang tatlong salitang iyon – na parang isang uyayi – habang nilalaro ang buhok ng natutulog na si Karim. Paminsan-minsan niyang sinulyapan ang payapa nitong mukha. Maraming beses ding napangiti si Kara habang pinanunuod ang pagpapaubaya at pagsalo ng mga gusali sa sinag ng papalubog na araw.##
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro