sixth hour of the Day
— ✽ —
F E B R U A R Y 14
"NAG-REPLY NGA pala si Remi sa tweet ko kanina." Umayos ng upo si Kara. "Tinatanong ako kung bakit 'di tayo nagre-reply sa kanya."
Nalukot ang noo nito. "Anong tweet?" Saglit itong nagpreno at bumusina bago itinawid ang sasakyan sa kabilang kalsada.
Binaling niya ang atensyon sa bintana. "Nag-text ba sa 'yo?" Hindi niya pinansin ang tanong nito. "Wala naman akong na-receive galing sa kanya."
Suminghap ito, tinatalaban na yata ng malamig na hangin. Napagdesisyunan kasi nilang buksan ang bintana ng kotse para mawalang tuluyan 'yong epekto ng beer.
Muntik pa nga silang magtalo dahil ayaw niyang magmaneho si Karim. Katwiran nito sa kanya, wala namang epekto 'yong dalawang bote ng alak.
Marahan itong umiling, nakapokus ang mga mata sa kalsada. "Last na 'yong galing kay Julian kanina. She's probably still hungover."
Nilingon niya ito. "Baka nga. Ang daming typo, e," natatawa niyang sabi.
"There's your answer." Suminghot ito, parang nahihirapan nang huminga dahil sa kalamigan ng hangin.
Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "P'wede naman nating isara 'yong bintana. We're both sober already."
Nalukot ang noo nito. "Why?" Sumulyap ito sa kanya. "Nilalamig ka na ba?"
Umiling siya. "Ikaw kasi." Bumuga siya ng hangin. "Baka magkasipon ka."
Maliit itong ngumiti, tiningnan siya nang diretso sa mata. "Don't worry about me. You can sleep if you want to, though. Mga 30 minutes pa tayo."
May savior complex ba 'to? Amputa, ako pa inalala.
"Hindi naman ako inaantok. Medyo gutom lang." Dumiretso siya ng upo.
Saglit na bumitaw ang kanang kamay nito sa manibela para tumuro sa back seat. "May isang box pa ng pancakes d'yan. . . kainin mo na, sa 'yo naman 'yan."
Muli siyang umiling. "E, pera mo 'yon. Hati na lang kaya tayo?"
"E, para sa 'yo nga 'yan. I intentionally bought two boxes for you, alam kong magugutom ka kasi nga nakatatlong beer ka."
Bumuntonghininga siya. "Pero pera mo pinambili mo no'n, it's only right that we share it."
"Feed me, then," nang-aasar ang tono nito.
Maraming beses siyang kumurap dahil baka mali lang siya ng pagkakarinig. Mabilis siyang pinamulahan ng pisngi. "Pa'no ba?"
Muli itong sumulyap sa kanya. Lumabi ito, pinigilan ang paglawak ng ngiti. "I was just joking." Mahina itong tumawa. "Kainin mo na, sa 'yo naman talaga 'yan."
Hindi niya napigilang sumimangot sa narinig, pabago-bago kasi ito ng isip. "Okay lang naman sa 'kin, since it's your money."
Maliit ang ngiti nito sa kanya. "If it's okay with you, then it's fine with me."
Muli siyang bumuga ng hangin, baka maibsan 'yong init ng mga pisngi niya.
Inalis niya sa pagkaka-lock ang seat belt. Bahagya siyang tumayo para abutin ang take-out bag sa back seat. Umayos siya ng upo bago ikabit ang seat belt.
Pagkatapos niyang buksan ang take-out bag, kinuha at pinatong niya ang box ng pancakes sa ibabaw ng hita. Inangat niya ang takip niyon, nilagyan na rin niya ng butter ang ibabaw gamit ang disposable fork. Tumingin siya sa nagmamanehong si Karim.
Tumikhim siya. "Lalagyan ko ba ng syrup?"
Ilang segundo itong tumitig sa kanya. "Naglalagay ka ba ng syrup?"
"Oo naman." Sinimulan niyang hiwain ang ibabaw na pancake.
"Okay, then, lagyan mo ng syrup." Tumikhim ito, biglang parang hindi mapakali sa kinauupuan.
Mariin niyang tinusok ng tinidor ang kapirasong pancake. Inangat pa niya iyon, siniguradong hindi mahuhulog – pinatagal ang sitwasyon.
Tiningnan niya ito.
Kalmado lang ang mukha nito habang nakatutok ang mga mata sa dinaraanan. Segundo lang ang pagitan ng unti-unting paglawak ng ngiti nito, parang may kung anong iniisip.
Umiwas siya ng tingin nang magkasalubong ang mga mata nila. Malalim itong bumuntonghininga at nagpreno sa sumunod na kanto – hindi pinatay ang makina ng kotse.
Pasimple nitong kinuha ang tinidor mula sa kanang kamay niya. Matipid itong ngumiti bago sinubo ang kapirasong pancake.
"Uy," bulong niya.
"Hmm?" Lumunok ito. "P'wede naman akong kumain kada pipreno ako." Nilapag nito ang tinidor sa loob ng box.
"Are you sure that's okay?" nag-aalangan niyang tanong.
"Yes, it's fine. I was just joking about the, uhm. . ." Napakamot ito sa ilong. "Nagbibiro lang naman ako kanina."
Magaan itong ngumiti sa kanya bago muling pinaandar ang sasakyan. Naiilang pa nitong sinuklay ang buhok bago humawak sa manibela.
Muli siyang bumuga ng hangin. Kinuha niya ang tinidor para tumusok ng kapirasong pancake. Niluwagan niya ang seat belt, inangat ang tinidor.
Umurong siya nang kaunti papunta kay Karim. Napalunok siya. "Open up," bulong niya.
Ilang pulgada lang ang layo ng tinidor mula sa kanan nitong pisngi.
Kumurap-kurap ito, parang nagulat. "Ha?"
"Mas mahirap kasing mag-drive." Lumabi siya. "Ano ba naman 'yong subuan kita, 'di ba?"
Malawak itong ngumiti. "You have a valid point." Bumaling ito sa kanya, inabot at kinagat ang kapirasong pancake sa hawak niyang tinidor.
Kumuha siya ng pancake mula sa box, kinain niya iyon. "Kunin ko ba 'yong iced coffee mo?"
"Sige lang, bawasan mo na rin kung gusto mo," mabilis nitong sagot.
Muli niyang inalis ang lock ng seat belt para kunin ang iced coffee sa back seat. Hinanap pa niya ang straw niyon bago umayos ng upo para mai-lock ang seat belt.
Tinusok niya ng straw ang takip ng baso. "Buti na lang pala humingi ka ng straw." Mahina siyang natawa bago sumimsim ng kape.
Saglit itong tumingin sa kanya. "Painom din ako."
"Sige, wait." Inangat niya ang baso para maabot nito ang dulo ng straw.
Malakas itong tumikhim, nakatingin pa rin sa kalsada. "Lapit ka pa, 'di ko maabot 'yong straw," mababa ang boses nito.
Inalis niya sa pagkaka-lock ang seat belt. Muli niyang itinaas ang baso ng kape bago lumapit kay Karim.
"Is this better?" Napakurap siya nang mapagtantong napakalapit ng mga labi nito sa kaliwa niyang kamay, hindi sa straw.
Kinagat nito ang straw at uminom ng kape. "Yes, it's better." Malawak siya nitong nginitian bago ibinalik ang tingin sa dinaraanan.#
— ✽ —
— ✽ —
NAKAPARADA NA sila sa labas ng kainan. Tahimik lang ang kasama niya, iniisip ata kung anong gagawin sa hoodie nitong natapunan niya ng kape dahil sa kaba.
Inayos niya ang pagkakatali ng buhok. "Wala ka na bang extrang damit dito?"
"I don't know. Let me check." Inalis nito ang seat belt bago tumayo at lumipat sa back seat. Tiningnan nito ang ilalim niyon – may nakatuling puting shirt at jacket doon.
"Mayro'n naman pala, e," naiiling niyang sabi.
Napangiwi si Karim. "E, white shirt 'to."
Hindi niya napigilang matawa sa narinig. "What's wrong with white shirts?"
"Wala naman, dumihin lang." Hinubad nito ang itim na hoodie. "Pumasok ka na kaya sa loob?"
Nangunot ang noo niya. "Bakit?"
Lumabi ito. "Para makakuha ka na ng upuan?" Mukhang nag-iimbento lang ng dahilan.
"Mas alam mo naman ata 'yong mga pagkain do'n, sabay na tayo," pangungumbinsi niya.
"Okay." Nagkibitbalikat ito. "Suit yourself, Miss."
Wala man lang pasabi nitong hinubad ang pang-ilalim na shirt. Medyo nahirapan pa itong hatakin iyon pataas, madikit kasi dahil sa natapong kape.
Napalunok siya, hindi sinasadyang makita ang katawan nito. Agad siyang tumalikod – pilit na binura sa isipan ang malapad nitong balikat – at inabala ang sarili sa pag-alis ng seat belt.
Malakas siyang suminghap nang mapansing kitang-kita pa rin niya ang pagbibihis nito sa side mirror. Binalik na lang niya ang tingin sa unahan.
Umayos siya ng upo. "P'wede mo naman sabihing pinapauna mo 'ko kasi magbibihis ka."
"Pinaghirapan ko naman 'to." Mahina itong tumawa. "I'm never ashamed of my hard work."
Pinalis niya nag namumuong pawis sa noo. "Hindi ko naman sinasabing mahiya ka." Tumikhim siya. "At least, give me a warning."
"A warning for what?" natatawa nitong tanong sa kanya.
Tinanggal niya sa pagkakatali ang buhok. "Hindi ko alam, basta warning."
Malakas itong tumawa, parang aliw na aliw sa diretso niyang sagot. "I like it when you're honest. You can look at me now, tapos na 'kong magbihis."
Muli niyang tinali ang buhok bago bumaling dito. Pati 'yong itim na jacket ay sinuot at pinatong nito sa puting shirt.
"Hindi ka ba maiinitan d'yan?" Tinuro niya ang jacket. "Parang mas makapal 'yan kaysa do'n sa hoodie mo kanina, e."
Ngumiti ito sa kanya, malawak parang nang-aasar. "If you want to see my toned body again, you can just say so."
Sinimangutan niya ito, pinigilan ang pag-init ng mga pisngi. "I'm just concerned. Ang kapal kasing tingnan niyan, parang mainit 'yong tela." Hindi niya sinadyang magtunog defensive.
"I told you, I'm not ashamed of my hard work." Muli itong tumawa, nawiwili yatang asarin siya. "You can just ask and I'll oblige."
Matalim lang niya itong tiningnan bago bumaba ng kotse. Ilang segundo lang ay bumaba na rin ito, tumabi sa kanya.
Bumuga siya ng hangin, hindi makapaniwalang nakatitig sa malaking sign ng pangalan ng kainan: Sisig EXpress. "S'yempre dito sa SEx mo 'ko dinala." Nilingon niya ang katabi.
Mahina itong natawa. "Hindi ko naman kasalanang ito pinakamalapit na sisig."
"Ewan," naiiling niyang sabi.
Umuna siyang maglakad. Bahagya niyang niyakap ang sarili nang umihip ang malamig na hangin.
"Kara!" Napalingon siya nang marinig ang pagtawag nito.
Nagpamulsa siya sa hoodie. "Bakit?"
Nagsimula itong maglakad palapit sa kanya. "Hintayin mo naman ako bago ka mag-SEx." Hindi nito napigilan ang tawa.
Pinaningkitan niya ito ng mata, nanatiling nakangiti. "Para kang bata."
"Maybe." Sinuot nito ang kamay sa kaliwang bulsa ng suot niyang hoodie. "But look at you, Kara, you're smiling."
Magaan ang ngiti nito bago hawakan ang kamay niya sa loob ng bulsa ng hoodie – sabay siya nitong pinakaba at pinakalma.
Hindi man niya alam kung paano, basta posible.##
— ✽ —
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro