Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

second hour of the Day

— ✽ —

F E B R U A R Y  14

        AGAD NA lumabas at bumaba si Kara nang mahanap niya ang film camera. Pati ang powerbank at charger ay sinilid niya sa mas malaking bag.

        Nang makalabas siya ng condominium building ay nakita niyang prenteng nakasandal si Karim sa pinto ng kotse.

        Maluwang ang ngiti nito. "What took you so long?" Pinagbuksan siya nito ng pinto.

        "May kinuha lang." Tipid siyang ngumiti bago pumasok sa sasakyan.

        Maingat na sinara ni Karim ang pinto. Sumakay ito sa sasakyan, umupo sa driver seat at saka, bumaling sa kanya. "Saan mo gustong pumunta?"

        Bahagya siyang tumayo para ilapag ang bag sa back seat. "Ikaw ang bahala, ikaw ang driver, e." Umayos siya ng upo.

        Hindi makapaniwala itong tumingin sa kanya. "Is this confidence I hear?"

        "E, hindi ko naman alam kung sa'n ko gustong pumunta," pagpapaliwanag niya.

        Mahina itong tumawa. "Okay, let's just compromise. Ikaw mag-isip ng gagawin natin tapos ako maghahanap ng lugar."

        Lumabi siya. "Ha? Anong maghahanap?"

        Muli itong tumawa. "So, what do you want to do?"

        "Gusto kong magkape." Bumaling siya sa bintana. "Do'n na lang tayo sa coffee shop."

        Nangunot ang noo nito. "Saan? Kung saan kita sinundo?"

        Tumango siya. "Sakto, parang gusto ko ng blueberry pancakes." Nakangiti pa siyang humarap kay Karim.

        Nakangiwi nitong pinitik ang noo niya. "Doon na naman? Kabisado mo na nga yata pati menu nila, e."

        "Ano naman? E, sanay na 'ko sa pagkain nila, mura pa," pangungumbinsi niya rito kahit alam niyang hindi tatalab.

        Bumuntonghininga ito. "Okay, ako na bahala."

        Kinabit niya ang seatbelt. "E, bakit nagtanong ka pa? Bakit nanghingi ka pa ng suggestion?"

        "Ako driver, so ako ang bahala." Tagumpay pa itong ngumiti bago binuhay ang makina.

        Hindi na siya nagsalita pagkatapos niyon. Pinanood lang niya ang kahit anong madaanan nila. May mangilan-ngilan pa silang sasakyan na nakasalubong.

        Hindi man lang nagpatugtog si Karim. Kumportable yata sa tahimik.

        Ipinikit niya ang mga mata. Inayos niya ang pagkakasandal ng ulo sa bintana. Narinig niyang tumikhim ang kasama.

        Muli siyang nagmulat ng mga mata. "Bakit?"

        "'Wag kang matulog, malapit lang 'yong pupuntahan natin, e," sagot nito, nakatutok pa rin ang mga mata sa kalsada.

        Muli siyang sumandal. "Okay."

        Sinulyapan niya ito nang muli itong tumikhim.

        "What?" tanong nito sa mababang boses.

        "Makati ba lalamunan mo?" tanong niya.

        Saglit itong tumingin sa kanya. "Ha?"

        "May tubig ako d'yan sa bag." Sumulyap siya sa back seat. "Baka gusto mong uminom."

        Malakas na suminghap si Karim. "No, it's fine."

        Nangunot ang noo niya. "Sige, sabi mo, e."

        Mahina itong umubo. Muli niyang sinulyapan.

        Nang magkasalubong ang mga mata nila, alanganin itong umiwas ng tingin. "I just don't get you."

        "Ha?" Pinanatili niya ang mga mata sa bintana.

        "You were almost drugged—" Ramdam niyang tumingin ito sa kanya. "—pero ikaw pa 'tong nag-aalala sa 'kin. Sorry kung pinaalala ko, hindi ko lang kasi maintindihan."

        Nilingon niya ito. "Okay lang, hindi naman nangyari."

        "If you want to talk about what happened earlier, it's okay—" Muli itong sumulyap. "—but I'm warning you, I'm not good at comforting people. I'm a good listener, though."

        Umiling siya. "Sorry, ayoko munang pag-usapan."

        Mahigpit ang hawak nito sa manibela, doon ata binubuhos ang pagkailang. "Okay. Ikaw bahala."

        "Malayo pa ba tayo?" pag-iiba niya ng usapan.

        Pasimple nitong kinamot ang ilong. "I think we're here."

        "Ha? Sabi mo, alam mo kung saan." Humarap siya sa bintana, baka sakaling alam niya 'yong lugar.

        Nangingiti itong umiling. "Ang sabi ko, ako ang bahala. Wala naman akong sinabing kabisado ko kung sa'n tayo pupunta." Kulang na lang ay kumindat ito sa kanya bago patayin ang makina.

        "Seryoso ka ba?" Mabilis niyang inalis ang seatbelt.

        Tinanggal nito ang sariling seatbelt bago humarap sa kanya. "Does it look like I'm joking?"

        Nangunot ang noo niya. Blangko ang mukha nito, wala siyang mabasa. Mukhang hindi sigurado, parang hindi marunong kabahan.

        Napalunok siya. "No, you don't." Kinuha niya ang bag mula sa back seat.

        Bumaba ito ng sasakyan at saka siya pinagbuksan ng pinto. "Kalma ka lang. I know this place. Hindi lang ako sigurado kasi medyo matagal na no'ng huli kong punta."

        "Kahit pa, Karim." Pinigilan niya ang pagsimangot. "Alam mo ba kung anong oras na?"

        Huminga ito nang malalim. "Hmm." Nagpamulsa ito para ilabas ang phone. "It's almost 1:30. Bakit mo tinatanong?"

        Ngumiti pa ito sa kanya nang pang-asar bago tumalikod at nagsimulang lumakad. Nilibot niya ng tingin ang paligid. Nang mapansin niyang medyo nakalayo na si Karim, saka lang siya humakbang.

        Lumingon ito sa kanya. "Alam ko naman 'yong pangalan ng mismong coffee shop." Tinaas at pinakita nito sa kanya ang phone, nakabukas ang Google Maps. "Hindi mo pa oras, kumalma ka."

        Ngumiti pa ito sa kanya, hindi alintana kung gaano ka-morbid ang sinabi. Napabuntonghininga na lang siya. Wala naman siyang magagawa kundi sumunod.

        Wala namang ibang tao roon na puwede niyang pagkatiwalaan.#

— ✽ —

— ✽ —

        LIMANG MINUTO lang naman silang naglakad papunta sa 24/7 coffee shop na binanggit ni Karim. Tama naman ang nasa Google Maps.

        Tama ang kasama niya, wala siyang dapat na ipag-alala.

        Presentable ang coffee shop – pasok na sa aesthetic standards na uso sa Instagram – pero kaunti lang ang tao. Pati ang bantay sa counter, parang napilitan lang na magtrabaho roon.

        Binilisan niya ang lakad, dalawang hakbang na lang ang layo niya mula kay Karim. Muntik pa siyang mabangga sa likod nito.

        Hawak niya sa kanang kamay ang phone habang nakasukbit sa kaliwa niyang balikat ang bag. Sa bandang dulo sila pumunta. Pinauna pa siya nitong umupo bago pumuwesto sa katapat niyang upuan.

        Nilapag niya ang phone sa ibabaw ng mesa. Pagkatapos ay pareho silang um-order ng cappuccino. Agad siyang sumimsim mula sa baso.

        Nakatingin lang si Karim sa kanya. Pinabayaan lang niya. Hindi na yata ito kumportable sa tahimik.

        Saglit niyang nilapag ang baso para kunin ang film camera mula sa bag. Tiningnan niya kung may rolyo ba ng film sa loob niyon.

        Mabilis na sinuklay ni Karim ang buhok. "Hindi mo ba tiningnan 'yan bago tayo umalis?"

        Nag-angat siya ng tingin. "Ha?"

        "Your film camera." Tinuro nito ang hawak niya. "Baka dinala mo, tapos wala namang film roll."

        "May laman pa naman, hindi pa ubos 'yong shots." Itinaas niya ang hawak na camera.

        Nilahad nito ang kanang kamay. "Pahiram nga ako."

        Inabot niya ang camera. "Pasmado ka ba? Baka pasmado ka, a."

        Mahina itong tumawa. "'Wag kang mag-alala, hindi ko sisirain."

        Tinanggal niya ang pagkakatali ng buhok. Bahagya niyang sinuklay iyon gamit ang mga daliri, inayos niya ang pagkakabagsak sa magkabila niyang balikat.

        Saglit niyang tiningnan kung marumi ang mesa bago niya ginawang unan ang mga braso. "'Wag kang magpi-picture, 'ha? Mga 20 shots na lang 'yan, e."

        "Okay, sabi mo, e," bulong nito bago kunin ang sariling phone mula sa bulsa.

        Nanatili siyang nakatingin kay Karim nang hindi pa rin nito binitawan ang film camera niya.

        Nalukot ang noo niya marinig niya ang malakas na shutter tone mula sa phone nitong nakatutok sa kanya. "Uy."

        "What?" tanong nito bago uminom mula sa baso. "Sabi mo, 'wag sa film, e. Hindi naman limited shots 'to." Itinaas pa nito ang phone.

        Nanatili siyang tahimik kahit pa ang dami niyang gustong itanong. Ilang beses na sumulyap sa kanya si Karim, parang may gustong sabihin na hindi matuloy-tuloy.

        "Sorry ulit sa kanina," pabulong niyang sabi.

        Sumeryoso ang mukha nito. "Hindi mo nga kasalanang basura 'yong ugali no'n." Lumunok ito. "Are you sure you don't want to talk about it?"

        "Ha?" Matipid siyang ngumiti. "Parang wala naman kasing dapat pag-usapan. Hindi naman natuloy, e."

        "Kahit na. It's okay to admit that you were scared. Alam mo naman sigurong ayos lang 'yon?"

        Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Alam ko."

        "Ayokong pilitin ka kaso, sorry ka kasi nang sorry." Nailing ito. "You're only avoiding the topic, because you don't know how to address it."

        Atake na naman, amputa.

        Umayos siya ng upo. Lumayo siya nang kaunti sa mesa, nilapat niya ang likod sa sandalan. "Ayokong magmukhang mahina." Tinitigan niya ito nang diretso sa mata. "'Yon lang 'yon."

        "But being scared is not a weakness. Normal lang 'yon," kalmado nitong sabi.

        "Ikaw na mismo nagsabi sa 'kin, e. . . na 'wag 'kong gawing personality 'yong pagso-sorry." Napayuko siya.

        Malalim itong bumuntonghininga. "Sorry, hindi ko alam na gano'n iisipin mo. Insensitive ako, e." Alanganin itong ngumiti. "Sinabihan din ako ni Remi."

        Nangunot ang noo niya. "Sinabihan ka niya? Tungkol saan?"

        "Sinabihan niya 'kong naiintindihan niyang defense mechanism ko 'tong pagiging insensitive ko sa pakiramdam ng iba." Sumimsim ito mula sa baso. "Pero sabi niya, madalas, sumosobra ako."

        "She really told you that?"

        Maliit itong napangiti. "Sorry, hindi ko naisip na baka defense mechanism mo lang din ang pagso-sorry."

        Umiling siya. "Hindi naman, e. . . I consider it as one of my coping mechanisms."

        Pumangalumbaba ito at muling ngumiti. "Will blaming yourself change the situation?"

        Natigilan siya. "No."

        "Exactly." Uminom ito mula sa baso. "Kung alam mo naman palang unhealthy 'yang coping mechanism mo, bakit ginagawa mo pa rin?"

        Nangingiti siyang umiling. "Pang-ilang buhay mo na ba 'to? You talk like a life coach. 'Yon ba trabaho mo?"

        "Head ako ng I.T. department kina Julian. Hindi ba nasabi sa 'yo ni Remi?"

        Muli siyang umiling. "Nakalimutan ko kasing itanong," nakangiwi niyang sabi.

        "I'm no life expert, pero alam kong hassle lang sa buhay ang magkaro'n ng pakiramdam, Kara."

        Hindi niya napigilan ang pagtawa. "Ikaw na ba mismo aamin sa 'kin na fuck boy ka?"

        Pinaningkitan siya nito ng mata. "Do I look like a fuck boy to you?"

        "Honestly, yes." Muli siyang natawa nang sinamaan siya nito ng tingin.

        "I still believe in true love. . . I just don't think we're all going to experience it." Tipid itong ngumiti. "Pili lang sa 'tin ang makakahanap no'n."

        "So, hindi ka naniniwala sa soulmates?"

        Mabilis itong umiling. "No offense meant, but no. I think love and relationships need hard work. Ayokong isipin na mabubuhay ako tapos okay na, sigurado nang sasaya ako balang-araw dahil may soulmate ako."

        Lumabi siya. "Ayaw mo man lang bang isipin na, at least, kahit anong gawin mo, may plano ang mundo para sumaya ka?"

        "Kara." Huminga ito nang malalim. "I've given the universe plenty of times to prove me wrong. . . so far, it's continuously fucking with me." Maluwang itong ngumiti.

        Natatawa siyang umiling. "Ano bang nangyari sa 'yo at gan'yan ang paniniwala mo?" Uminom siya ng kape. "Did your parents get divorced or something?"

        Tumuro ito sa kanya. "Bingo." Umayos ito ng upo. "You could be a therapist for figuring that out."

        Muntik niyang mabuga ang iniinom na kape. "Amputa, sorry, ginawa ko pang joke."

        Nakangiti itong umiling. "No, it's fine. Wait here for a bit."

        "Saan ka?"

        Tumayo ito at bahagyang yumuko para maging kalebel siya. "Would you like some pancakes? Nagluluto na yata sila."

        Kahit naguguluhan ay tumango na lang siya.

        Pinanood niya ang papalayong si Karim. Nagpamulsa pa ito bago lumapit sa counter.

        Kinuha niya ang phone sa ibabaw ng mesa para mag-check ng notifications. Nang buksan niya ang Instagram app ay nalukot ang noo niya.

        Gusto man niyang itanggi sa sarili, alam niyang nakaramdam siya ng kaunting tuwa sa nakita.##

— ✽ —

— ✽ —

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro