one day After
— ✽ —
F E B R U A R Y 15
NAPABALIKWAS SI Kara ng bangon dahil sa malakas na pagkatok sa pinto. Kinuha niya ang hairbrush sa ibabaw ng coffee table. Mabilis niyang sinuklay ang buhok gamit iyon.
"Delivery po for Miss Kara Anastacio!"
Inayos niya ang pagkakapusod ng buhok. Hinila niya pababa ang laylayan ng ipinantulog niyang itim na pullover. Bahagya nitong natakpan ang hanggang tuhod niyang cotton shorts.
Pinunasan niya ang sulok ng nga labi pati ang mga mata habang lumalakad papunta sa pinto. Malakas siyang tumikhim bago pinihit ang doorknob.
Sumilip siya sa siwang ng pinto. "Yes po?"
Bumungad sa kanya ang maaliwalas na mukha ng nakasumbrerong lalaki. May suot itong gray na cardigan na pinalooban ng isang shirt – may nakaimprentang logo ng isang kilalang flower shop sa Dangwa sa bandang dibdib niyon.
Namilog ang mga mata niya nang makita kung ano ang dala nito para sa kanya. Napalunok siya nang mapansin ang kulay beige na card, nakaipit sa isang stick sa loob ng bouquet.
"Miss. . ." Saglit nitong sinulyapan ang hawak na phone. "Kara Anastacio po? Ikaw po si Ma'am Kara?"
Lumabi siya at tumango. "Bakit po?" Tuluyan siyang lumabas ng unit at saka niya sinarado ang pinto.
Tipid na ngumiti ang lalaki sa kanya. "Flowers for you po, ma'am." Kaswal nitong inabot sa kanya ang mga bulaklak na nakabalot sa puting cotton paper. Manipis at kulay pula ang ribbon na nakatali roon.
Tinanggap niya iyon. "Sir, wait lang po, 'ha?" pagpapaalam niya sa lalaki, nakaabang na kasi ang kamay nitong may hawak na signature pad.
Nang ngumiti ito bilang sagot ay maingat niyang hinila ang stick na pinaglagyan ng nakatuping card. Binuksan niya iyon.
"To Miss Kara:
I do respect your decision, but I hope you respect mine, too. I have realized that I can't be too far away from you. Therefore, I decided to stay close to you until then.
Goodmorning, Cinderella. I hope you slept well.
– KJG"
Nangingiti niyang inamoy ang mga bulaklak kahit na alam naman niyang artificial lang ang scent niyon. Muli siyang lumabi, pinakalma ang sarili.
Pati sa card, napaka-formal.
Nailing na lang siya sa naisip. Malakas na tumikhim ang nag-deliver. Nakangiti itong nakatingin sa kanya, nagtataka na yata sa kinikilos niya.
"Ma'am." Inabot nito sa kanya ang signature pad pati ang itim na wireless pen. "Paki-sign na lang po dito."
Kinuha niya iyon. Medyo nanginig pa siya habang pumipirma, naghalo na yata ang nararamdamang kaba, antok, at pagkailang. "Okay na po ba, sir?" Binalik niya sa lalaki ang signature pad at wireless pen.
"Saglit lang po, ma'am." Sinenyasan siya nitong 'wag gumalaw bago kinuha ang isang phone mula sa bulsa.
Nangunot ang noo niya nang itutok nito sa kanya ang camera ng phone. "Kailangan pa po ba talaga niyan? May pirma naman na po ako as sign na natanggap ko."
"Sorry po, ma'am." Napakamot ito sa ulo. "Policy po kasi sa 'min, e. Para daw ho magkalaman naman 'yong Facebook namin."
Napangiwi siya. "Sige po, okay lang."
Niyakap niya ang bouquet patalikod sa kanya, iniingatang 'wag masira o matupi man lang ang mga talulot ng mga bulaklak. Sumandal siya sa pader ng hallway.
"Okay na po, ma'am?"
Itinaas niya pang lalo ang pagkakahawak sa bouquet. Natakpan man niyon ang ilong at mga labi niya, magaan siyang ngumiti.
Nakangiti siyang tumango sa lalaki. Nakarinig siya ng mahinang shutter tone mula sa hawak nitong phone.
Tipid itong ngumiti sa kanya bago iyon ibaba. Tahimik nitong tiningnan kung ayos lang ang kuha sa phone.
"Thank you po sa delivery, sir." Nahihiya siyang ngumiti. "Umagang-umaga po, naabala pa kayo."
Mahina itong natawa, lalo pang umaliwalas at nawala ang mga mata. "Okay lang po, ma'am. Sa 'yo pa nga po ako dapat magpasalamat."
"Bakit po?"
"Salamat po sa tip." Bahagya itong tumango sa kanya. "Goodmorning po, mauna na po ako."
"Sige po." Magalang siyang ngumiti. "Ingat po kayo, sir."
Inipit muna nito sa kanang braso ang signature pad bago tumalikod at lumakad papunta sa elevator. Napabuntonghininga siya.
Binuksan niya ang pinto at pumasok na sa unit. Pagsara ng pinto sa likod niya ay muli niyang pinagmasdan ang hawak na bouquet. Binuklat ulit niya ang card.
Tahimik niya lang iyong binasa sa pangalawang pagkakataon. "And he said he wasn't romantic," natatawa niyang sabi.
Inalis niya sa pagkaka-charge ang phone niyang nasa ibabaw ng coffee table. Tinanggal niya ang case niyon. Tinupi niya ang card bago iyon inipit sa likod ng phone. Hindi naman makikita ang laman niyon kahit pa clear lang ang phone case niya.
Tinanggal niya sa pagkakapusod ang buhok. Nang buksan niya ang phone ay sandamakmak na messages galing kay Remi ang nakatambak sa notifications niya.
Bumuga siya ng hangin nang makaramdam ng kaunting init sa pisngi dahil sa pang-aasar ni Remi. Pinalis niya ang kaunting pawis sa noo bago tumipa ng mensahe.
Kinuha niya ang puting makapal na tuwalya mula sa loob ng aparador. Sinabit niya muna iyon sa kaliwa niyang balikat. Isang roundneck black shirt ang balak niyang iterno sa asul niyang highwaisted pants. Nilapag niya ang mga iyon sa ibabaw ng kama.
Napabuntonghininga siya nang sunod-sunod na naman ang pagpasok ng text messages ni Remi. Mukhang wala itong balak na tumigil sa pangungulit hanggang hindi niya sinasabing papunta na siya.
Minabuti na lang niyang pumasok ng CR.#
— ✽ —
— ✽ —
"SO WHAT exactly do you want me to write?" nakapangalumbaba niyang tanong sa magkatabing sina Julian at Remi.
Umayos siya ng upo, lalo siyang lumubog sa malambot na brown suede sofa. Babasaging rectangular coffee table ang nasa pagitan nila, sakto lang ang lapad niyon para magkarinigan pa rin sila. Sa ibabaw niyon ay may nakapatong na cactus, kulay puti ang ceramic na paso.
"Mostly description ng sections ng website." Tumikhim si Julian. "For example, isusulat mo 'yong simplest explanation ng mga masasagot ng About Us section."
Tumango siya. "Ilan ba 'yong sections sa website niyo?"
Napaliligiran ng malalaki at makikintab na salamin ang opisina ni Julian. Pinigil niya ang paglibot ng tingin, masyado kasing maaliwalas.
Tipid na ngumiti si Remi. "Hindi pa kasi final, Kaf. Marami pang dagdag-bawas na ginagawa pero by next week, expect the final draft of the design and sections."
Inis siyang nagbuga ng hangin. "Hindi pa naman pala final tapos minamadali mo 'kong pumunta ngayon."
Mahinang natawa si Julian. "Actually, we already need your 'yes'."
"Ha?" Nangunot ang noo niya. "Akala ko ba, hindi pa final 'yong mismong design?"
"We sort of need you to sign a one-year contract as one of our technical writers," pagpapatuloy nito. "Kailangan na kasing simulan 'yong pagsusulat ng descriptions and captions which means, you will be considered one of our writers. Thus, the contract is necessary."
Muli siyang umayos ng upo. "And what about the contract?"
Magaang ngumiti sa kanya si Julian. "We're offering you a contract including health benefits. Your salary will be up to P350, 000 annually. Around P30, 000 naman kapag monthly, you do the math."
Napakurap siya. "Rem, if you're doing this because of what we discussed yesterday—" Napabuntonghininga siya. "—ang dami niyo nang naitulong sa 'kin."
Natatawa lang itong umiling sa kanya. "Kung iniisip mong sa 'yo namin 'to inalok dahil naaawa ako sa 'yo, you're wrong. Hindi ba sapat na dahilan 'yong naniniwala ako sa capabilities mo as a writer?" Magaan itong ngumiti sa kanya.
Maraming beses siyang kumurap para labanan ang panunubig ng mga mata. Suminghot siya. "Sorry, ang OA ko yata. . . salamat talaga sa inyo." Pasimple niyang kinusot ang mga mata.
Tinulak ni Julian papunta sa kanya ang isang black folder. Binuksan nito iyon, hinarap at pinakita sa kanya ang kontratang tinutukoy. "Is that a 'yes'?"
Matipid siyang ngumiti at tumango. Kinuha niya ang inaabot na fountainpen ni Remi.
Pangalawang beses na ang pagpirma niyang iyon. Ang una ay para sa mga bulaklak na galing kay Karim. Napunta naman sa kontrata at bagong trabaho ang pangalawa.
Parehong responsibilidad naman ata iyon. Ang pangalawa ay para sa pamilya niya habang ang una ay para sa sarili niya.
Napabuntonghininga siya sa naisip.#
— ✽ —
— ✽ —
IBINAGSAK NIYA ang sariling katawan sa ibabaw ng malambot at magulo niyang kama. Sinuntok-suntok niya ang puting unan nang maalala ang replies sa kanya ni Remi sa Twitter.
Aminado naman siyang nakalimutan niyang nasa IT department ng kumpanya si Karim. Nawala rin sa isip niyang isang taon silang magkikita at magkakasalubong sa iisang gusali sa oras na pirmahan niya ang kontrata.
Naniniwala naman siyang nagtitiwala ang dalawang kaibigan sa talento niya sa pagsusulat pero hindi talaga niya inasahang may hidden agenda pa rin si Remi.
Tumihaya siya, inalis niya ang tumakip na mga hibla ng buhok sa mukha. "'Di ko alam kung tumutulong ba o nangti-trip lang, e," inis niyang bulong.
Nag-unat siya ng mga binti. Napangiti siya nang maalala ang kaganapan sa araw na iyon. Ipinikit niya ang mga mata – mariin, may kaunting paghiling na masundan pa.
Nagmulat siya at saglit na bumangon. Kinuha niya ang nilapag na purse sa ibaba ng kama. Saktong pagbukas niya niyon ang siyang pag-vibrate ng phone niya sa loob. Mabilis niyang kinalkal ang purse.
Nangunot ang noo niya.
Nagmamadali siyang nag-swipe sa notifications at nagbukas ng Instagram application.
Biglang siyang nahirapan huminga, namawis ang mga kamay niya. Paulit-ulit niyang binasa ang caption, unti-unti siyang kumalma.
Marunong palang mag-somersault ang puso niya.
Ilang beses na niyang nabasa, ilang minuto na rin ang lumipas. Nakailang refresh na rin siya ng post pero walang nagbago roon sa caption. Akala niya kasi no'ng una, joke time lang na papalitan din nito pagkatapos ng lima o sampung minuto.
Nakahinga siya nang maluwag. Pinindot niya ang username nito sa itaas ng post. Dumiretso siya sa profile nito.
Naningkit ang mga mata niya nang mapagtantong nagpalit din ito ng bio. "Hindi ba magagalit 'yong kapatid niya dahil sa bio niya? Para na rin niyang sinabi na 'di interesting si Charlotte," natatawa niyang sabi.
Finally daw. Interesting daw.
Bumuntonghininga siya. Napagdesisyunan niyang 'wag sabihin ang kumento niya tungkol sa bio nito. Bumalik siya sa post nitong naka-mention siya.
Patiently waiting daw.
Napangiti siya nang malawak. Ni-lock na lang niya ang phone. Ni hindi niya ni-like ang post, baka kasi matukso siyang mag-comment.
Baka ang ending ay siya pa mismo ang lumabag sa hiniling na space. Lumunok siya, muli niyang nilapat ang likod sa malambot na kama.
Posible rin palang mag-double backflip ang puso. . . basta sa tamang tao.##
— ✽ —
henlo. gusto ko lang tanungin kung napansin niyo bang "sir" ang tawag ni kara sa nag-deliver ng bouquet?
nawa'y ganun din kayo kasi huhu believe it or not, yung mga nagtatrabaho sa service sector (fastfood staff, cashier, delivery, grab + angkas drivers, security guards, etc), gustong gusto nila yung tinatawag silang "sir, ma'am, boss, miss" kaysa sa "ate/kuya".
think of it as a v small token of appreciation sa serbisyo nila satin even tho karamihan sa kanila ay contractual at underpaid. believe me, maa-appreciate nila yan. ngiti na rin kayo sa kanila kahit na pagod kayo sa commute ganun.
skl, good mood ako habang sinusulat to kasi nanood kami ng kapatid ko ng whats wrong with secretary kim? hay, that pizza scene spoke to me in so many levels.
anyway, please use #eveWP in Twitter just in case maisipan niyong mag-tweet ng reactions and emotions (?? HAHAHAHA).
– floe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro