fourth hour of the Day
— ✽ —
F E B R U A R Y 14
SA LIKOD ng coffee shop nila napiling tumambay at magpalipas ng oras.
Naunang lumakad si Karim. Nilibot naman ni Kara ng tingin ang paligid. Magkakapatong ang mga sirang kahoy, mesa, at upuan sa tabi ng pintuan papasok sa kapehan.
May bakal ding upuan, parang lumang bleachers. Nangangalawang na iyon – halos wala nang bakas ng pintura – at tinambak na lang doon ng kung sino.
Sa harapan nila ay kitang-kita ang tulay, kalsada, at mga ilaw ng sasakyan – parang makinang na langgam lang ang mga iyon sa sobrang layo.
Nilabas niya ang phone mula sa bulsa. Pasimple niyang kinuhanan ng litrato ang kasama. Ang kaso, automatic na nag-flash ang phone niya dahil sa dilim ng paligid.
Nakangiting lumingon sa kanya ang lalaki. "No flash photography, please."
Nangingiti siyang umiling. "Bakit? Artwork ka ba?"
Nalukot ang noo nito. "Hindi ba?"
Mabilis itong tumalikod at dumiretso sa kinakalawang na bleachers. Ni hindi nito nilagyan ng sapin ang upuan.
"Baka bawal d'yan," alanganin niyang sabi, sinubukan lang niya kung makikinig ba ito sa paninita niya.
Inililis pa nito ang suot na hoodie nang hindi iyon malagyan ng kalawang. Nang makaupo ay tumingin ito sa kanya, parang nagtataka. "Ayaw mo bang umupo?"
Napangiwi siya. "Safe ba d'yan?" Pinagkrus niya ang mga braso sa ibabaw ng dibdib.
"I didn't hear any creak yet, so I guess it's safe." Maluwang itong ngumiti bago nilahad ang kaliwang kamay.
Lumingon muna siya sa paligid, baka kasi may manita sa kanila. Bumuga siya ng hangin bago lumapit kay Karim. "'Pag ako nahulog dito. . ." Inabot niya ang kamay nito bago humakbang at umakyat sa isang baitang.
Tumawa muna ito bago siya alalayan sa paghakbang. "Ano naman?" Tumayo ito. "Okay lang mahulog basta makakatayo ka ulit." Umurong ito, pinaupo siya sa espasyo.
Tinapon niya ang tingin sa malayo, umabot ang mga mata sa direksyon ng tulay. "Ikaw, nakatayo ka na ba?"
Narinig niya itong suminghap. "Do you just randomly throw questions like that?" Mahina itong tumawa.
Bumaling siya, umiling. "Totoo 'yong sinabi mo kanina, e. . . automatic na nagre-revise 'yong utak ko para maging metaphorical 'yong tunog ng sasabihin ko." Tipid siyang ngumiti.
"Kung alam mo bang 'di ligtas 'to, aakyatin mo pa rin?" Kalmado ang paghinga nito, naririnig niya dahil sa kabigatan.
Tiningnan niya kung may sandalan ang inuupuang bakal. "'Wag ka ngang gumamit ng metaphor dahil writer ako."
Hindi nito napigilan ang pagtawa. "This is how I talk. Normal 'to, Kara, wala akong listahan ng metaphors kung 'yon iniisip mo."
Nag-unat siya ng mga binti. "Ilan na bang nadaan mo sa pickup lines-slash-metaphors mo?"
Muli itong ngumiti, may kislap sa mata nang humarap sa kanya. "P'wede mo naman akong diretsuhin kung ilan na ex ko."
Pinabayaan niya ang pag-init ng mga pisngi. "Hindi naman 'yon tinatanong ko." Madilim naman, hindi makikita.
"I've had two ex-girlfriends. One year 'yong isa, tapos almost four years 'yong latest." Tumikhim ito. "In case you're wondering how things ended. . . nalunod lang sila sa 'kin."
Napakurap siya sa narinig. "What do you mean? Anong nalunod?"
"Masyado akong naging dependent, e. Para 'kong uhaw na uhaw sa atensyon." Pilit itong tumawa at saka, lumunok. "Well, uhaw naman talaga ako sa atensyon. I'm not a hypocrite to deny that."
Hindi niya napigilan ang pagbuntonghininga. "Parang kailangan talaga nating pag-usapan. . . pa'no ba?"
"Look, Kara, it's not a good story."
"Sinabi ko naman na sa 'yo kanina, marunong din akong makinig. That's one thing I'm actually proud of." Pinigil niya ang pagngiti, parang hindi kasi akma sa sitwasyon.
Umiling ito, umayos ng upo. "And it's not a good story to write either."
Lumabi siya. "Kung gusto mong gumana 'to, kailangan mong magkuwento sa 'kin. And I'm not saying this for me to have something to write about, because this is about you."
Unang beses niya itong makitang maguluhan – nakakunot ang noo, walang binabasa ang mga mata. "Ha? Anong gumana?"
"You said you want me to work with you on this. Two-way 'to. . . I need you to work with me, too, Karim." Mataman niya itong tiningnan nang diretso sa mata.
Napabuntonghininga ito, may lalim. "Fine but I have conditions." Tumayo ito at tumalon pababa ng bleachers.
Nangunot ang noo niya. "Okay. . . ano muna 'yang conditions mo?"
"I'll be back. Wait here." Hindi na nito hinintay ang sagot niya. Tumalikod ito at pumasok sa loob ng coffee shop.
Wala pang sampung minuto ay naaninag na niya ang bulto nito, papalapit sa kanya. Hindi na ito dumaan sa loob ng coffee shop, umikot na lang sa gilid niyon papunta sa likod.
Malawak ang ngiti nito habang lumalakad. Sa kanang kamay ay bitbit nito ang isang supot.
Napailing na lang siya nang marinig ang pagtama ng mga bote mula sa dala nitong plastic bag. "Saan ka naman nakabili niyan?"
"Sa kotse," simple nitong sagot.
"Bakit ka may beer sa kotse? Kabibili mo lang ba niyan o nando'n na 'yan kanina pa?" magkasunod niyang tanong.
Umupo ito sa tabi niya. Sa paanan nito nilapag ang supot ng beer. Kumuha ito ng dalawang bote mula roon.
Inabot nito sa kanya ang isang bote. "Stock ko. Bumibili talaga ako every week, nilalagay ko lang do'n."
Kinuha niya ang bote. "May pambukas ka?"
Umiling ito. "We don't need one." Nilahad nito ang kanang kamay. "Akin na."
Binigay niya rito ang babasaging bote. Pasimple itong tumingin sa kanya bago kagatin ang takip niyon.
Pagkatapos nitong alisin ang takip ay tinaas nito ang suot na hoodie. Sa loob niyon ay may itim itong pang-itaas.
Sumulyap pa ito sa kanya – siniguradong nakatingin siya – bago itaas ang shirt. Muli nitong tinaas ang laylayan niyon para linisin ang tuktok ng bote.
Amputa, ano 'yon? Bakit may pag-gano'n?
Napalunok siya, napaiwas ng tingin.
Inabot nito sa kanya ang bote. "Bakit?"
"Ha?" Kinuha niya iyon at uminom. "Anong tinatanong mo?"
Kinagat din nito ang takip ng hawak na bote. "Ewan, you suddenly seem uncomfortable."
Umiling siya. "Hindi ko lang kasi alam na posible pala 'yon sa totoong buhay. I mean, I've seen Paulo Avelino do that in 'I'm Drunk, I Love You.'"
Natawa ito nang mahina. "I thought you meant something else."#
— ✽ —
— ✽ —
— ✽ —
NAPALABI SI Kara. Muli siyang uminom mula sa bote, malapit nang mangalahati. "Pa'no ko ba sisimulan?"
"I asked about your damage first." Nilapag nito ang bote sa katabing espasyo. "I've heard bits and pieces from Remi, but she didn't tell me the whole story."
Kinalahati niya ang laman ng bote, pampalakas lang ng loob. "Okay." Tumikhim siya. "That seems fair since you asked first."
Maluwang itong ngumiti. "Kahit naman hindi mo sabihin lahat. . . you can leave off some bits and pieces to yourself."
"No, I want to talk about everything." Bumuntonghininga siya. "I've never done that."
"Okay. . . it's your call." Prente itong sumandal pagkatapos uminom mula sa bote.
Tumikhim siya. May naramdaman na siyang lakas ng loob pero hindi niya alam kung saan magsisimula.
Pumangalumbaba siya. "You know how kids aren't supposed to know things?"
Tumango si Karim. "Kadalasan nga, d'yan pa nagmumula 'yong problema."
"They would wait until I'm asleep before fighting. Back then, iniisip kong mas okay kung sinasabi nila sa 'kin kasi ewan ko. . . iniisip kong makakatulong ako sa problema nila." Namungay ang mga mata niya.
Tumungga ito mula sa bote. "S'yempre, gano'n iniisip mo. You were a kid. Kids think they can do better than adults and then, they grow up and realize nothing's easy."
Natatawa siyang tumango. "That is exactly what happened. When I grew up, they stopped hiding their midnight fights. . . harap-harapan na talaga. They would fight about money and cheat on each other. Kung may choice ako, mas okay no'ng hindi ko alam." Inubos niya ang beer. "Tanga man ako, at least hindi ko sila ramdam."
Napalunok si Karim, umayos ng upo. "But you have a job now, malayo ka na rin sa kanila."
"Not really." Nilabas niya ang phone mula sa bulsa at pinakita rito ang text messages mula sa Mama niya. "I'm never free from my responsibilities. And maybe, that's how things are supposed to be. Grateful dapat ako sa kanila for my existence." Nilahad niya ang kaliwang kamay.
Nangunot ang noo nito. "What?"
Natatawa siyang kumuha ng beer mula sa plastic bag. Inabot niya iyon kay Karim. "Pabukas ako."
Nag-aalangan man, muli nitong kinagat at inalis ang takip ng bote. "Here you go." Binigay nito sa kanya ang bote.
"I mean, I'm grateful they didn't get a divorce for me. Iniisip ko lang kung 'yon ba tamang gawin." Tumungga siya ng beer. "And of course, alam ko ding wala akong karapatan mangialam kasi hindi ko naman alam kung ano mga pinagdaanan nila."
Tumango-tango lang ito. Nangunot ang noo niya. Uminom siya ng beer, sinenyasan niya itong ipagpatuloy ang usapan.
Inubos nito ang laman ng hawak. Muli itong nagbukas ng bote. "Sa'n ba 'ko magsisimula?"
Pilit siyang tumawa, baka mabawasan ang bigat ng hangin. "Don't ask me, it's your damage."
Tumikhim ito. "Ah, yes. The day they told me about the divorce, of course. It's the highlight of my childhood, after all." Mapait itong ngumiti sa kanya. "We were eating breakfast together, the first in a while. Lagi kasi silang wala no'n, busy sa trabaho."
Uminom siya ng beer. "E, pa'no pagkain mo no'n? Ikaw din nagluluto para sa sarili mo?"
"May kasama kasi kami sa bahay pero no'ng araw na 'yon, si Mom nagluto. Pagbaba ko ng kuwarto, nando'n na si Dad sa mesa, and then, we had bacon, eggs, and pancakes." Malayo ang tingin nito.
"That sucks," wala sa sarili niyang sabi.
"What does?" mabilis nitong tanong.
Nag-unat siya ng mga binti. "It must have hurt a lot for you to even remember what you had for breakfast."
Matipid lang itong ngumiti, lumunok. "Nagtitinginan lang sila no'ng una tapos, kinuwento nila sa 'kin kung pa'no sila nagkakilala. They told me they thought it was true love, so they got married after two months of being together."
Inobserbahan lang niya si Karim. Mahigpit ang hawak nito sa bote, malayo ang tingin, mabigat ang paghinga. Nilunok niya ang mapait at malamig na beer.
"They told me they were getting a divorce, pinaliwanag pa nila sa 'kin kung ano 'yon. Pag-uwi ko no'ng araw na 'yon, wala na si Dad. I never heard from him ever since." Kinalahati nito ang beer. "Then a few years later, Mom explained to me that they just. . . fell out of love."
"Where is she now?" Sumandal siya at umayos ng upo.
Sinalubong nito ang mga mata niya. "I actually don't know. Palipat-lipat kasi siya dahil sa trabaho niya. I think she's with her new family." Ilang beses itong kumurap. "I mentioned Charlotte, right?"
Tumango siya, bumuntonghininga. Nangalahati na siya sa laman ng bote. "Sorry, I didn't know it was that bad." Kumurap siya nang maramdaman ang namumuong luha sa mata.
Natatawa nitong pinitik ang noo niya, napansing naluluha siya. "It's not your fault that they're humans, too, Kara."
Lumabi siya. "And they fucked us up in the process."
"Right up in the ass," natatawa nitong pagsang-ayon.
Lumagok siya mula sa bote. "The romantic in me wants me to say something like. . . let's be fucked up together."
Napatawa ito nang mahina. "And what does your voice tell you? Sasabihin mo ba 'yang linyang 'yan?"
Umiling siya, napangiti. "No, I don't want to be fucked up anymore. . . not even with you."
"That won't be a healthy relationship, Miss." Idinikit nito ang hawak na bote sa kanya, umingay nang kaunti ang mga bote.
"Amputa naman," bulong niya.
"Why?"
Bumuga siya ng hangin. "Aren't you supposed to comfort me by saying I'm not a fuck-up?"
"Sorry." Itinaas nito ang mga kamay bilang pagsuko. "Let me think of something better to tell you."
Nangingiti siyang umiling bago tumungga sa bote. "Sige lang, apology accepted."
"You're the first person who made me laugh and smile like this in a long time," seryoso nitong sabi, mababa ang boses.
Hindi niya napigilan ang tawa. "That's cheesy."
Magaan itong ngumiti sa kanya. "Do you want to hear something honest and comforting at the same time?"
"Try me," panghahamon niya rito.
"I want to stop being a fuck-up with you. . . not for you, but for myself." Uminom ito mula sa bote. "I want to stop thinking of myself as a fuck-up."
Pumangalumbaba siya. "Why?"
Nag-unat ito ng mga binti. "To be worthy of the possibility of us." Sumandal ito sa kanan niyang balikat, tinago ang mukha.
Bumuntonghininga siya. "You're already worthy, Karim," pinatong niya ang kanang kamay sa tuktok ng ulo nito, "you just don't know you deserve a lot of good things."##
— ✽ —
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro