Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

four days before

— ✽ —

F E B R U A R Y  10

        ILANG BESES na kumurap si Kara. Minuto ang pinalipas niya bago abutin ang naka-charge na phone sa ibabaw ng nightstand.

        Nagising kasi siya sa vibration niyon – tumama sa kahoy, lumikha ng malakas na ingay.

        Malinis naman siya sa gamit. Tinatamad nga lang minsan kaya may mga nagkalat pa ring damit sa kung saan-saan. Hindi rin niya maintindihan kung bakit tamad na tamad siyang magtupi ng bagong-labang mga damit.

        Tatlong buwan na lang naman at mabibili na niya 'yong condo. Good investment daw kasi ang property sabi ni Remi kaya. . . pinagtitiisan niya ang trabaho.

        Matagal niyang tinitigan ang notification. Nakalimutan na nga niyang nag-install siya ng Tinder. Buwan na kasi ang lumipas mula no'ng huli niyang binuksan ang application.

        Nagpaalam pa nga siya nang maayos doon sa mga nakausap niya. Sinabi niyang magha-hiatus siya kahit ang totoo, e, tinamad siyang makipag-usap.

        Katamad naman na kasing magbuhat ng usapan.

        Naningkit ang mga mata niya nang makita ang profile ng naka-match niya.

        Pumalatak siya. "Hindi man lang verified 'yong profile. Ano ba naman 'to?" Malalim ang pinakawalan niyang buntonghininga. "Nag-swipe right ba talaga ako dito?"

        Ni-lock at binalik niya ang phone sa ibabaw ng mesa.

        Muli siyang humiga sa kama, tumihaya. Dalawang beses siyang kumurap bago pumikit.

        Nagmulat siya ng mga mata nang malakas na nag-vibrate ang phone niya. Kinuha niya iyon. Si Remi.

        Hinilot niya ang sentido ng ulo niya, inalala niya ang desisyong binitawan bago matulog. Hindi niya sigurado kung desisyon nga ba iyon pero may kabigatan; nauwi pa sa pagsakit ng ulo niya.

        Pinindot niya ang "answer."

        "Goodmorning," pabulong niyang bati rito. Halatang bagong-gising, hindi na niya sinubukang itago.

        "Hu-hu, Kara!" Suminghot na parang bata si Remi. "I can't believe it, ikaw magfi-first move sa kanya? Nakaka-proud naman!"

        Napangiti siya. "Hinihingi ko lang naman phone number. Hindi ko pa sure kung ite-text ko."

        "Kahit pa! Ayaw mo bang hintayin siyang mag-chat? Binigay ko Facebook mo, e."

        Nangunot ang noo niya. "Bakit Facebook ko 'yong binigay mo? Amputa, magla-log out nga ako sa lahat ng accounts ko."

        Malakas ang pang-asar na tawa ni Remi. "Pati Instagram mo, binigay ko para wala kang takas."

        "Remi naman, e. . ." ungot niya. "Buong araw tuloy akong kakabahan."

        "Kung ayaw mong kabahan, e, 'di unahan mo na. 'Yon lang naman solusyon d'yan. Don't you want to leave a strong impression?"

        Nagbuga siya ng hangin. "Gusto pero malamang, hindi ko mami-maintain. Alam mo namang lulubog-lilitaw ako sa mga bagay-bagay."

        "Right, Pisces ka nga pala, 'no?" Humalakhak ito sa kabilang linya. "Text him. Ifo-forward ko sa 'yo number niya."

        "Ayokong mangako na ite-text ko. Baka tamarin ako." Nag-unat siya ng mga binti.

        "Baka tamarin o natatakot ka lang na hindi mag-reply?"

        "Amputa, Remi naman, ang aga pa para d'yan."

        Napatawa ito nang mahina. "Sorry, next time warning-an kita para makailag ka." Tumikhim ito. "By the way, merienda tayo mamaya?"

        "Mga anong oras ba? Maghahabol pa 'ko ng isang article sa site." Saglit niyang binaba ang phone, tiningnan niya ang oras sa lockscreen.

        Ilang segundong hindi umimik si Remi sa kabilang linya. "Mga 3 na lang siguro? Do'n na lang tayo magkita sa coffee shop, papahatid ako kay Fritz."

        Napangiti siya. "Ikaw lang talaga p'wedeng tumawag sa kanya ng 'Fritz,' 'no?"

        "Malamang! Anyway, ba-bye muna, 'ha? Pero ifo-forward ko na sa 'yo 'yong phone number ni Friend ko. Kapag hindi nag-reply, 'wag kang mag-panic. Tulog pa kasi 'yon ng ganitong oras."

        "Okay, ikaw bahala. See you later."

        Tinupad ni Remi ang sinabi. Pagkatapos ng tawag ay agad nitong iti-next ang phone number ng napag-usapang kaibigan.

        Bumalikwas siya ng bangon.

        Kinopya niya ang number diretso sa contacts. Napapikit siya sa inis nang mapagtantong nakalimutan niyang itanong kay Remi ang pangalan no'ng lalaki.

        Gayunpaman, pinabayaan na lang niyang "Unknown" ang pangalan nito sa contacts niya.

        Tinitigan lang niya ang number. Pinaningkitan niya ng mata. At muling tinitigan.

        Hindi rin niya alam kung may inaasahan siyang mangyari. O kung may dapat bang asahan at hintayin. Malakas siyang tumikhim na para bang may naghihintay na pagaanin niya ang nakaiilang na hangin.

        Namatay ang ilaw ng screen ng phone. Masyado siyang matagal na nag-isip. Muli niyang pinailaw iyon at in-unlock.

        "Amputa, bahala na." Inis siyang nagbuga ng hangin.

        Pinindot niya ang maliit na sobre kalinya no'ng phone number. Ilang beses siyang tumipa at nagbura pero. . . isang salita lang talaga ang kaya niyang pakawalan.

        Malakas siyang suminghap. Isang salita lang iyon pero malaking bagay na para sa kanya. Sanay naman siyang makipag-usap (lalong-lalo na dahil sa Tinder) pero iba ang pakiramdam niya rito.

        Hindi niya maipaliwanag pero basta, may iba.

        Nag-vibrate ang phone niya. Bigla siyang nahirapang huminga. Naghalo na ang excitement, kaba, at katiting na pag-asa.

        "Amputa. Ano daw?" Nakagat pa niya ang pang-ibabang labi dahil sa kalutungan ng binitawang mura.

        Pinakalma niya muna ang sarili. Sinubukan niyang paalisin ang nararamdamang kaba, inis, at hiya.

        Seen lang?

        "Baka naman namali ng number na binigay si Remi?" Maraming beses siyang kumurap, nag-isip ng dahilan.

        Nang muli itong hindi nag-reply, napagdesisyunan niyang tanungin si Remi. Baka kasi namali lang talaga ito ng number na binigay. . . o baka masungit lang talaga 'yong lalaki; baka hindi siya type.

        Binalikan niya 'yong message conversation nila ni "Unknown." Panigurado kasing kukulitin ito ni Remi.

        Napakurap siya nang makita ang tatlong malalaking ellipsis. Baka nainis; baka lalong nainis.

        "Nagsungit na nga, nang-atake pa."

        Muli siyang humiga – hawak pa rin ang phone – bago ito sagutin.

        Tunog matalino. Hindi, tunog matalinong-matalino. Halatang may sense ito kausap. May pagkaseryoso pero. . . sapat lang.

        Sapat na para kay Frielle ang pagkamisteryoso nito. Kumbaga sa kanta, tamang-tama na 'yong timpla ng ritmo para hintayin niya ang paparating na liriko ng chorus.

        Paulit-ulit niyang binasa ang balak niyang i-send. Wala namang mali, baka lang masyado pang maaga.

        "Sabi na, e." Napangiti siya. "Masyado pang maaga para itanong 'yon."

        Nalukot ang noo niya matapos niyang basahin ang reply ng lalaki. Pa'no ba naman kasi. . . walang kahirap-hirap nitong ibinalik sa kanya ang tanong.

        Napalunok siya. Saglit siyang bumangon para ipatong ang phone sa ibabaw ng mesa. Muli siyang humiga at mariin na pumikit.

        Isang warning iyon, malinaw na malinaw. Nakadepende na lang sa kanya kung pakikinggan ba niya ang warning na iyon.#

— ✽ —

        "KAF, NAKIKINIG ka ba sa 'kin?"

        Napalingon siya kay Remi. "Ha?"

        Biglang nanumbalik 'yong ingay ng mga tao sa coffee shop. Parang kusang nag-mute ang utak niya kaiisip sa sinabi no'ng kaibigan ni Remi.

        Kahit pa text lang iyon, nagkusang mag-imbento ng boses ang utak niya kaya. . . paulit-ulit tuloy niyang naririnig ang sinabi nito.

        "Tinatanong kita kung nag-reply si Friend." Pumangalumbaba si Remi. "Okay ka lang ba?"

        Tumango siya. "Nag-reply pero ano—" Sumimsim siya mula sa straw ng biniling iced coffee. "Gano'n ba talaga 'yon?"

        "Paanong 'gano'n' ba 'yang tinutukoy mo?" Tinusok nito ng tinidor ang biniling red velvet cake slice.

        Tumikhim siya. "Medyo masungit, e."

        Mahinang natawa si Remi. "Ano bang sinabi sa'yo?"

        "Nag-'hi' lang ako tapos question mark lang ang sagot. Gano'n ba talaga 'yon?"

        Umayos ito ng upo, bumaba ang mga balikat. "Classic KJ. . . 'yon pa lang ba sinabi sa 'yo?"

        "After no'n, nag-sorry ako kasi akala ko namali ka ng bigay ng number." Tumusok siya ng kapiraso ng chocolate cake slice. "'Tapos ano, sabi niya hindi raw personality ang pagso-sorry."

        "Ha?" Muntik pang masamid si Remi.

        Tumango siya, pinipigilang sumimangot na parang bata. "Oo nga. . . gano'n ba talaga 'yon?"

        "I keep telling him to check his boundaries," bulong nito. "Masungit 'yon pero hindi gano'n kasungit. To think, 'hi' pa lang ang sinasabi mo."

        Sumimsim siya ng kape. "Star sign?"

        "Ha? 'Yong zodiac sign niya?" wala sa sariling sabi ni Remi.

        "Bawal bang itanong? Para kang nagulat d'yan, e."

        "E, kasi naman, baka ma-stereotype mo siya." Alanganin itong ngumiti.

        Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Ano nga?"

        Lumabi ito. "Uhm, Scorpio siya. . ."

        "Remi naman!" may kalakasan niyang sabi. Saglit na lumingon sa kanya ang mga tao sa coffee shop.

        "See? Sabi sa 'yo, baka ma-stereotype mo, e." Sumimangot pa ito pagkatapos.

        "E, bakit naman kasi Scorpio? Alam mo namang Scorpio 'yong—"

        "He-who-must-be-named," pagtapos nito sa balak niyang sabihin. "Don't worry, hindi naman letter J ang first name niya." Itinaas-baba nito ang magkabilang kilay.

        Mataman niya itong tinitigan, baka kasi nagsisinungaling. "Kahit na, ang sungit pa rin niya. Nag-sorry na nga ako, ang dami pang sinabi."

        "P'wede ko naman siyang palitan kung gusto mo." Sumubo ito ng kapirasong cake.

        Nalukot ang noo niya nang marinig iyon. "Ha?"

        Nagkibitbalikat si Remi. "You heard me. P'wedeng-p'wede ko siyang palitan, sabihin mo lang."

        "Wow naman." Mahina siyang natawa. "Gano'n kadali?"

        "Oo naman." Sumimsim ito mula sa biniling caramel frappé. "Marami naman kasing pupunta sa party."

        Uminom siya ng kape, halos nakalahati niya iyon. Nangingiti siyang tiningnan ni Remi. Muli itong pumangalumbaba, hinihintay ang sagot niya.

        "Pag-iisipan ko."

        Napangiti ito sa kanya, may kaunting kislap sa mga mata. "Aba. . . text pa lang 'yan, hirap ka nang mag-decide. Pa'no pa kaya kung magkita kayo?"

        Inismiran niya ito kasabay ng pagtaas niya ng gitnang daliri. "Amputa, pag-iisipan lang, e. Bawal na ba mag-isip?"

        "P'wede pero iba kasi 'pag ikaw na 'yong nahihirapan mag-decide." Mahina itong tumawa. "Bihira kang mag-isip pagdating sa ganito, e. No offense meant."

        Pinagtaasan niya lang ito ng kilay. Muling tumawa si Remi. At saka siya umiwas ng tingin.

        Amputa kasi, ang daming napapansin.##

— ✽ —

— ✽ —

[note : kara's wallpaper is from @ChesleighNofiel on twitter!!]

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro