Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

first hour of the Day

— ✽ —

F E B R U A R Y  14

        "MAUNA KA nang pumasok sa loob. Magpa-park lang ako." Biglang pinatay ni Karim ang makina ng kotse.

        Saglit na natigilan si Kara. "Akala ko ba, magpa-park ka?"

        "Wait for a bit." Ngumiti muna ito sa kanya bago buksan ang pinto ng kotse. Sinundan niya lang ito ng tingin kahit pa bigla itong bumaba ng sasakyan.

        Napalingon siya sa katabing pintuan nang makita ang nakangiting si Karim sa bintana niyon. "Ano na naman bang trip mo?"

        Narinig niya itong tumawa mula sa labas. "You are so impatient." Hinila nito ang pinto mula sa labas, pinagbuksan siya. "Here you go, miss."

        Hinawakan pa nito ang kanan niyang kamay, inalalayan siya pababa ng kotse. Napailing siya. "Bumabawi ka pa rin ba?"

        Nangingiti itong umiling. "Pinapatunayan ko lang na gentleman ako."

        Natatawa niya itong tinitigan. "No, I think you just like acting like a douche."

        Nang marinig niya ang malakas na pagtawa ni Karim, agad siyang tumalikod. Mabilis siyang lumakad papunta sa katapat nilang gusali.

        "I'll meet you inside, Miss Kara!" malakas nitong sigaw kahit hindi pa siya kalayuan. Nang lumingon siya ay pabiro pa itong sumaludo.

        Tumuloy siya sa loob ng gusali. Pinagbuksan pa siya ng pinto ng guwardya. Nang sinabi niyang sa function room lang ang punta niya ay hinayaan na siya nito.

        Sinundan lang niya ang malakas na tugtog. Habang papalapit siya ay lalong umiingay. Paghila niya ng glass door, bumungad sa kanya ang matapang na amoy ng alak.

        Iba talaga 'pag si Remi ang nagpa-party.

        Napailing siya sa nakita. May naghahalikan na sa bawat sulok ng function room. Ang daming sumasayaw habang may hawak na baso o bote ng alak.

        P'wede niyang tawagan na lang si Remi para mas madali niya itong mahanap pero kilala niya ang kaibigan. Malamang ay tinago at iniwan nito ang phone sa kung saan.

        Dumiretso siya sa bar. Umupo siya sa isa sa mga stool. Limang taon na ang lumipas mula no'ng huli niyang pagtapak sa function room na iyon. Debut noon ni Remi, ngayon naman, Valentine's Day party.

        Dekorasyon lang naman ang nag-iba. Ganoon pa rin ang ingay; ang gulo.

        Nilibot niya ng tingin ang paligid. Alam niyang imposibleng makita si Remi.

        Masyadong marami ang tao sa dance floor, masakit pa sa mata 'yong kumikislap-kislap na neon lights.

         Mariin siyang pumikit. Medyo naliyo siya sa amoy ng hangin. Huminga siya nang malalim paulit-ulit. Niyakap niya ang sarili. May kanipisan kasi ang suot niyang pang-itaas, nakaramdam siya ng ginaw.

        Balak na niyang i-text si Karim nang may tumabi sa kanyang lalaki. Pamilyar ang mukha, nakasalamuha na niya yata noon sa debut ni Remi.

        Umaliwalas ang mukha ng lalaki nang mapansing nakatingin siya. "Uy, hi!" Kumaway pa itong parang bata. "Nagkita na tayo dati!" Malakas ang pagkakasabi nito pero mas malakas ang tugtog.

        "Ha? Saan?" Dumikit siya nang kaunti para hindi niya kailanganing sumigaw.

        Umayos ito ng upo sa katabi niyang stool. Bahagya itong dumikit sa kanya. "Can I buy you a drink?"

        Alanganin siyang ngumiti. "Sorry, may hinihintay kasi ako."

        "Sino bang hinihintay mo? Hindi na dadating 'yon!" Sumenyas ito sa bartender. "One strawberry daiquiri for the lady, please." Pabiro pa itong kumindat sa bartender.

        Nangunot ang noo niya. Malaki ang ngiti ng lalaki, hindi niya maaninag ang mata pero may pagkasingkit iyon. Maikli lang ang gupit ng buhok nito. Hindi niya maalala kung saan sila nagkakilala.

        "Saan nga ulit tayo nagkita dati?" Sinubukan niyang ngumiti kahit pa naiilang na siya.

        Ngumisi ang lalaki bago kunin ang kalalapag lang na baso ng daiquiri. "Drink up, baka sakaling maalala mo," biro nito sa kanya.

        Tinulak nito ang baso papunta sa direksyon niya. "Sorry, hindi kasi ako puwedeng uninom ngayon. May hinihintay ako."

        Pasimple niyang kinuha ang phone mula sa bulsa. Nang hindi makakuha ng tiyempo para mag-text o tumawag ng kung sino, inis siyang bumuga ng hangin.

        "Hala, sige na, isa lang. It's Valentine's Day." Inangat nito ang baso. "Maiintindihan ka naman siguro no'ng hinihintay mo." Idinikit nito sa kanya ang baso, muntik pang matapon.

        Umiling siya. "Hindi talaga puwede, sorry."

        "Hala, sayang naman 'to!" Muli nitong inabot sa kanya ang baso, halos katapat na ng mukha niya ang kamay nito.

        Natigilan siya nang maramdamang may humawak sa kanan niyang balikat. Bahagya siyang tumalikod nang tuluyan siyang inakbayan ng lalaki.

        Ilang beses siyang kumurap – hindi makapaniwala – nang makitang si Karim ang lalaking umakbay sa kanya.

        Malakas itong tumikhim. "Jay naman, pare, kung ayaw ng babae, 'wag mong pilitin." Sinadya nitong palalimin at palakasin ang boses.

       "What the fuck, Guzman? I haven't seen you in so long!" Tumayo si Jay. "Ito naman parang hindi tayo magkaibigan no'n."

        Inis na suminghap si Karim. "We were never friends, asshole." Maingat siya nitong hinila palikod.

        Halos hindi na niya maaninag ang mukha ni Jay. Nagsilbing pader ang malapad na balikat ni Karim. Kumurap siya, pinakalma ang paghinga.

        Nang-iinsultong tumawa si Jay. "Sa 'yo pala 'yan?" Nakangisi siya nitong tinuro. "Oh, come on! Parang wala tayong pinagsamahan, a? Share mo naman 'yan!"

        Biglang sumeryoso ang mukha ni Karim. "Fuck, I really wish you hadn't just said that," mariin nitong sabi bago suminghap.

        Bago pa niya mahulaan ang sunod na balak ni Karim ay naitulak na nito si Jay. Agad na nawalan ng balanse ang huli, napaupo sa sahig.

        Pumikit siya nang mariin. Pagdilat niya ay akmang susuntok na si Karim. Mabuti na lang at hinawakan niya ang kanan nitong kamao, nakaamba na sa nakangising si Jay.

        Napayuko siya. "Amputa." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamao ni Karim. "Tara na. Tama na 'yan."

        "Anong tama na? I can't just stand here and watch him. . ." Ramdam niyang nakatitig na ito sa kanya.

        Lumunok siya. Hinawakan niya ang laylayan ng manggas ni Karim. "Tara na. . ."

        "Fuck." Matalim nitong tiningnan si Jay na nanatiling nakasalampak sa sahig ng function room. Lumambot ang mga mata nito nang bumaling sa kanya. "Fine, let's go."

        Mahigpit ang hawak ni Karim sa kaliwa niyang kamay habang naglalakad sila palabas ng gusali. Nanatiling malambot ang mga tuhod niya hanggang sa makarating sila sa kotse.

        Hindi sila sumakay sa sasakyan. Sumandal lang siya sa pinto niyon. Palakad-lakad si Karim – ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya – pinakakalma ang sarili.

        "Sorry," wala sa sarili niyang sabi. "Hindi ko alam na gano'n 'yong mangyayari."

        Tumigil sa paglakad si Karim. "Fuck it, fuck him," malakas nitong sabi bago lumakad papunta sa kinatatayuan kanya.

        "Sorry nga." Nag-angat siya ng tingin.

        Mataman siya nitong tinitigan, bakas pa rin ang pagkainis. "Apologizing constantly is not a personality, Kara. Didn't I tell you that?"

        Napalunok siya. "Sorry nga, hindi ko alam."

        "Okay, sige." Huminga ito nang malalim. "What are you sorry for?"

        Nakagat niya ang pang-ibabang labi, hindi rin niya sigurado. "Sorry kasi hindi ko alam na gano'n 'yong mangyayari. Hindi ko naman alam na kaaway mo 'yon noon pa."

        Nangunot ang noo nito. "What?"

        "Hindi ko nga alam," pag-uulit niya. Pasimple niyang iginalaw ang mga kamay na halos hindi na niya maramdaman. Masyado kasing nanlamig dahil sa kaba.

        Mabilis na sinuklay ni Karim ang buhok. "Akala mo ba, gano'n ako kababaw?" Lumabi ito at huminga nang malalim. "Okay ka lang ba? Nainom mo ba?" Lumambot ang ekspresyon ng mukha nito.

        Umiling siya. "Bakit? May nilagay ba siya?"

        "Sigurado akong mayro'n. Kalat sa batch namin 'yang gawain nila Jay," kalmado nitong sagot. "We tried to tell the admin but he always got away. Kumpare kasi ng tatay niya 'yong nakaupong vice dean no'n."

        Niyakap niya ang sarili. Naghalo na 'yong kaba niya sa malamig na hangin. "Kung sesermunan mo ako, okay lang ba kung mamaya na?"

        Bumuga ito ng hangin. "Wala naman akong balak. And besides, why am I going to scold you? It's his fault. Why would I be mad at you?"

        Umiwas siya ng tingin. "Sorry pa rin," bulong niya.

        Malalim itong bumuntonghininga. "Please stop apologizing. . . lalo na kung hindi mo naman kasalanan."

        Napalunok siya. "Okay." Pinigil niya ang paghikbi.

        "It's. . . okay." Alanganin nitong binanggit ang huling salita, parang hindi sigurado sa kahulugan. "Kung gusto mo nang umuwi, ayos lang. Ihahatid kita."

        "Okay lang ba? I mean, pumayag na kasi akong—"

        "It's fine," pagputol nito sa sasabihin niya. "Ako na'ng bahalang magsabi kay Remi. Ihahatid na kita."

        Maingat nitong hinawakan ang kamay niya bago siya pinagbuksan ng pinto ng kotse.

        Muli silang nag-usap no'ng sinabi niya rito ang address ng condominium building niya. Pagkatapos niyon ay nanahimik na sila buong biyahe.

        Nang makarating sila sa tapat ng gusali, sinukbit niya sa balikat ang bag niya. Mabilis na bumaba ng kotse si Karim para pagbuksan siya ng pinto.

        Inayos niya muna ang damit bago ito harapin. "Sorry ulit, hindi nasunod 'yong plano."

        Marahan itong umiling. "'Wag mong isipin 'yon. Please get some rest."

        Muli niyang niyakap ang sarili. "Salamat." Tumalikod siya at tuluyang pumasok sa gusali. Pagpasok niya sa pinto ay saglit niyang nilingon si Karim.

        Sa pangalawang pagkakataon ay muli itong sumaludo sa kanya, magaan lang ang ngiti.#

— ✽ —

"If you're going to let one stupid prick ruin your life. . . you're not the girl I thought you were."
Legally Blonde (2001)

— ✽ —

        HUMINGA SIYA nang malalim. Ilang minuto rin niyang pinag-isipan kung ano bang kailangan niya.

        Kailangan niya ng hangin; ang makahinga.

        Isang gabi lang naman ng pahinga mula sa mga responsibilidad ang kailangan niya pagkatapos, wala na siyang pakialam kung mawalang parang bula si Karim.

        Muli niyang inayos ang suot na pullover. Hinila niya ang laylayan niyon, inayos niya ang pagkaka-tuck sa pantalon. Kinuha niya ang phone mula sa bulsa.

        Babalik din naman siya sa sarili niyang reyalidad kaya  kahit isang gabi lang ang ibalato sa kanya, ayos na.

        Nagsimula siyang tumipa.

        Napalingon siya sa may bintana nang may malakas na bumusina mula sa labas. Napangiti siya – maliit lang – may kalakip pang katiting na konsensya.##

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro