fifth hour of the Day
— ✽ —
F E B R U A R Y 14
"UUBUSIN MO pa ba 'yan?" mahinang tanong ni Karim kay Kara, nakaturo sa hawak niyang bote ng beer. Sa kabilang kamay ay hawak nito ang phone.
Pang-apat na niyang bote iyon. "Kaya pa." Mariin siyang pumikit at sumandal.
Umayos ito ng upo. Napakurap siya nang maramdamang inihilig nito ang ulo niya at sinandal sa kaliwa nitong balikat.
Ipinikit niya ang mga mata.
Mahina itong tumawa, pinigilang lumakas. "Sorry," bulong nito sa kanya.
"Ba't ka tumawa?" tanong niyang parang bata.
Pinakita nito sa kanya ang nasa screen ng phone – iyong Instagram story niya. "I actually prefer being called an enigma instead of a 'person.' It doesn't seem too special."
Bumuga siya ng hangin. "It isn't. . . kaya nga tayo may pangalan."
"How would people with same names feel? Hindi na ba sila special?" Maliit itong ngumiti.
"The names don't matter. 'Yong personality, 'yong memories kasama 'yong tao." Mariin siyang pumikit. "'Yon ang importante."
Nangingiti itong umiling. "You're such a hopeless romantic."
Umihip ang malamig na hangin, parang karayom na tumagos sa suot niyang hoodie. "Is that bad?" Suminghot siya. "Lagi din kasi akong sinisita ni Remi."
"No." Pinatong nito ang kanang kamay sa tuktok ng ulo niya. "You're a breath of fresh air in my world, Kara."
Umayos siya ng upo. Tinitigan niya ito nang diretso, saglit niyang naramdaman ang pagkahilo. "I don't know how to respond to that, sorry."
Akmang tutunggain niya ang bote nang hawakan ni Karim ang kamay niya, pinipigilan siya. "That's enough alcohol for tonight, Miss."
Tuluyan nitong inagaw mula sa kanya ang bote at saka iyon ininom nang tuloy-tuloy.
Pinagkrus niya ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. "Akin 'yan, e." Matalim niya itong tiningnan. "Kumuha ka ng sa 'yo."
Sinubukan niyang agawin ang bote, tumayo ito at tuluyang inubos ang beer. "Are you sure you're fine?"
Ngumuso siyang parang bata. "Hindi naman ako lasing."
Natawa ito nang mahina. "Wala naman akong sinabi." Hinawakan nito ang kanang kamay niya, hinila siya patayo. "Let's just go."
Nanatili siyang nakaupo. "Ayoko, dito lang tayo," ungot niya.
Umiling ito, pinigil na ang tawa. "Let's get you sobered up. Gusto mo ba ng kape?"
Hinawakan niya ang laylayan ng hoodie ni Karim. Naningkit ang mga mata nito, nagtataka sa kinikilos niya.
Hinila niya ang laylayan nito pababa, pinauupo niya at pinababalik sa kaninang puwesto. "Dito ka lang, dito lang tayo."
Kitang-kita ang pagpigil nito sa paglawak ng ngiti. "Let's go back inside. Ayaw mo bang kumain? I'm sure gutom ka na."
"Gusto ko ng pancake. . . o kaya fries." Nanatiling nakahawak ang kaliwa niyang kamay sa laylayan nito.
"Tara na sa loob. I'll buy you iced coffee." Hinawakan nito ang kaliwa niyang kamay. "Come on, Kara. Help me here."
Inalalayan siya nito patayo. Pagkatapos ay ikinawit nito ang kaliwa niyang kamay sa batok nito.
"Kaya ko namang maglakad," bulong niya rito.
"Okay." Inalis nito ang pagkakawit ng kamay niya. "If you say so."
Pinauna siyang lumakad ni Karim. Pinanood nito ang dahan-dahan niyang paghakbang pababa sa lumang bleachers.
Napalingon siya nang marinig ang babasaging bote – sinilid nito ang mga bote sa plastic bag. Nang matapos magligpit ay tahimik itong sumunod sa kanya.
Sa huling baitang ay bigla siyang sinumpong ng hilo, muntik siyang matumba. "Amputa naman."
"Let me help." Muli nitong hinawakan ang kaliwa niyang kamay at sinabit sa batok. "Ang kulit mo pala 'pag lasing."
Tumigil siya sa paglakad, diretso niya itong tinitigan sa mata. "Turned off ka na ba?"
Lumabi ito, hindi yata inasahan ang tanong. "No." Malakas itong tumikhim. "Tara na sa loob."
Binitiwan siya nito nang makapasok sila ng coffee shop. Nanatili siyang nakatayo sa tapat ng mga magazine at naka-frame na artwork.
"Saan ka?" mahina niyang tanong kay Karim nang magpamulsa ito.
Tinuro nito ang counter. "Take out. Stay here, okay?"
Tumango siya. Bumaling siya sa naka-display na artwork. Kahit nahihilo ay pilit niyang binasa ang mga description niyon. Nilingon niya ang kasama niyang nakatayo sa counter at umo-order.
Nagpamulsa siya, bumuntonghininga. Ipinikit niya ang mga mata, mariin. Baka mawala 'yong epekto ng tatlong bote ng alak.
Ilang minuto siyang nakatayo roon – nahihilo, nasusuka, inaantok. Napalingon siya nang makarinig ng papalapit na mga hakbang.
Maraming beses siyang kumurap nang dumoble ang paningin niya. Nang mahimasmasan ay napansin niyang natatawang nakatingin sa kanya si Karim. Nakalabas pa ang phone nito, nakatutok sa kanya ang camera.
"Bakit mo 'ko pinicturan?" inis niyang tanong. "I look like shit."
Mahina itong natawa. "Hindi ka pala lasing, a?"
Nakasimangot niyang pinalo ang braso nito. "'Wag mo 'kong asarin. . ."
"Oo na, hindi na." Dinoble nito ang pagpigil sa tawa. "Tara na sa kotse."
Muli siya nitong inalalayan maglakad pabalik sa sasakyan kahit pa hawak nito sa isang kamay ang take-out bag.
Habang lumalakad, hindi niya namalayang sa mukha nito siya nakatitig at hindi sa dinaraanan. Hindi niya sigurado kung epekto ng alak pero. . . nababasa niya ang mata nito.
"You're nice," bulong niya rito.
Pinanatili nito ang mga mata sa nilalakaran. "I'm not."
Hirap man ay nakalabas sila ng coffee shop. Malamig ang hangin ng madaling araw, nakatutusok. At mainit ang paghinga ni Karim, nakapagpapakalma.
Kumurap-kurap siya. "You are."
Lumabi ito, bumuga ng hangin. Pinagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. Maingat nitong sinara iyon pagkatapos siyang alalayan umupo sa passenger seat.
Nang makaupo ito sa driver seat, binuksan nito ang take-out bag. Isa-isa nitong nilabas ang mga laman niyon.
Nilapag nito sa ibabaw ng hita niya ang nakabalot pang iced coffee. "Drink up—" Muli nitong pinigilan ang ngiti. "—para mahimasmasan ka."
Nilabas niya ang baso mula sa plastic bag. Tinanggal niya ang takip niyon at nagsimulang uminom, malalaking lagok. "Thank you."
"Kailangan mo pa ba ng straw?" Kinuha nito ang straw mula sa plastic bag ng kape.
Umiling siya. "Bakit ka nila binigyan ng straw? 'Di ba, bawal na 'yan?"
Doon nito hindi napigilan ang pagtawa. "I don't know if you're still drunk or. . ." Pinakalma nito ang sarili. "Bawal na nga pero humingi ako ng straw kasi baka matapon mo."
"Okay." Sumimsim siya mula sa baso. "Thank you."
Nilabas nito ang French fries mula sa take-out bag. Agad na kumalat ang mabangong amoy niyon sa loob ng kotse. "Gusto mo?"
Bigla siyang nakaramdam ng gutom. "Mamaya na."
Sumubo ito ng dalawang piraso. "Sure ka?"
Kumalam ang tiyan niya, senyales na gutom na siya. Hindi niya napigilan ang pagpula ng mga pisngi. Tumikhim siya. "Okay, sige."
Binigay nito sa kanya ang lalagyanan ng fries. Sunod-sunod siyang sumubo, halos hindi na ngumunguya.
"I also bought pancakes." Nilabas nito mula sa take-out bag ang tatlong box. Binuksan nito ang isa sa mga iyon. Nangamoy ang mabangong aroma ng pancakes sa loob ng sasakyan.
Natigilan siya sa pagkain ng fries. Pinanood niya si Karim.
Kinalkal nito ang take-out bag, kinuha at binuksan ang butter. Nilagyan nito ng butter ang ibabaw na pancake gamit ang plastic knife na nasa loob ng box. Binuhos nito sa pancake ang kasamang syrup ng butter.
Pagkatapos ay inabot nito sa kanya ang box na iyon. Napalunok siya. "Salamat." Pinatong niya iyon sa ibabaw ng hita niya.
Nagkibitbalikat ito bago buksan ang isa pang box ng pancakes. Tiningnan lang niya ito habang naglalagay ng butter.
Hinalungkat nito ang take-out bag, naghanap ng tissue. Natigilan ito sa paglinis ng mga daliri nang mapansing nakatingin siya. "Why? What is it?"
Nangingiti siyang umiling. "You're nice."
Umiling ito sa kanya, nagtataka ang mga mata. "No, you're just drunk."
"Right." Napatango siya. "Dapat ko nang samantalahin 'yong lakas ng loob ko."
Binuhos niya ang French fries sa loob ng box.
Saglit itong tumigil sa paghiwa ng pancake. "Ha?"
Matipid siyang ngumiti. "You're nice, Karim. 'Di ko alam kung bakit hindi mo nakikita 'yon." Humiwa siya ng kapirasong pancake at sinubo iyon.
Lumabi ito. "Just eat your food, Kara." Mabilis itong yumuko, ipinokus ang mga mata sa box ng pancakes.
Uminom siya ng kape. "You are aware that it's okay to show emotions, right?" Muli siyang sumubo ng pancake.
"Of course, I am." Humiwa ito ng kapirasong pancake. "I'm not that stupid to know that."
Sumubo siya ng isang French fry. "Then, why do you keep on changing the topic when I tell you that you're nice?"
Bigla itong nasamid sa tanong niya, agad niyang inabot dito ang baso ng iced coffee. Nang kumalma ang paghinga ay tumikhim ito. "Sorry."
Napakurap siya sa narinig. "Para saan?"
"Hindi ko kasi alam kung anong dapat sabihin," pag-amin nito. Mababa lang ang boses, hindi sigurado at nahihiya.
"P'wede kang mag-thank you." Lumabi siya. "Or you can just smile."
"I mean, I know how I'm supposed to react." Lumagok ito ng kape mula sa baso. "You just caught me off guard. Ayon lang."
Sumubo siya ng pancake. "Well. . ." Lumunok siya. "You don't have to be on your guard all the time."
Tipid itong ngumiti. "Okay, then, thank you for saying I'm nice."
Lalong lumawak ang ngiti niya nang mapansing namumula ang magkabilang tainga nito. "Salamat din sa pagkain."
Binalik nito sa kanya ang kape. "Nahimasmasan ka na ba?" tanong nito sa kanya sa mababang boses.
Natatawa siyang tumango. "Medyo." Uminom siya mula sa baso. "Salamat sa kape."
"Do you remember everything you told me?" Pinigil nito ang pagtawa ng malakas, tumaas-baba pa ang mga balikat.
Kumain siya ng French fries. "Sorry, bigla akong nagiging bata 'pag nalalasing."
"When you asked if I'm turned off." Magaan itong ngumiti. "I quickly changed the topic."
Itinaas niya ang mga kamay. "Hala, sorry talaga. Gano'n lang talaga akong malasing."
Mahina itong tumawa. "Hindi naman nakaka-turn off 'yon. . . lalo na no'ng ayaw mo 'kong paalisin." Lalong lumakas ang pagtawa nito, nang-aasar.
Pinigilan niya ang kagustuhang magtakip ng mukha sa kahihiyan. "Sorry pa rin, ang weird ko, e."
"Don't say sorry, Kara." Kinuha nito ang baso ng kape mula sa kamay niya. "I'm not turned off, by the way."
Nangunot ang noo niya. "Ha?"
"If anything, I'm actually turned on." Kaswal itong uminom mula sa baso. "I like feeling needed."
Lalong nangamatis ang mga pisngi niya nang ibalik nito sa kanya ang baso ng kape. "Hindi ka ba bumili ng sarili mong iced coffee?" paglilihis niya ng usapan.
Kinuha nito mula sa take-out bag ang isa pang naka-plastic na baso ng iced coffee, pinakita sa kanya. "Would it be inappropriate if I tell you that I like all kinds of kisses?"
Maluwang itong ngumiti sa kanya. Umiwas siya ng tingin nang maramdamang umiinit ang magkabila niyang pisngi. Sunod-sunod siyang lumagok ng kape.
Nilunok niya ang nararamdamang kaba kasama ng malamig na kape, hinayaan niya ang tuwa.##
— ✽ —
— ✽ —
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro