Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

epilogue

nakapikit ang 'yong mata
sigurado sa ginagawa. . .

abot-tainga ang ngiti
sa mabagal na sandali.

iyong, ang bandang shirley

— ✽ —

M A R C H  17

        KASINGTUNOG NA ng patak ng ulan ang tunog ng keyboard ni Kara sa bilis ng pagtipa niya. Hindi pa naman kinabukasan kailangan ang ipinasusulat na blurbs ni Julian (para sa book previews sa website) pero gusto na niyang simulan.

        Ayaw na niyang maghabol – kahit pa paborito niya 'yong pakiramdam ng may tinatakasang deadline.

        Saglit siyang tumigil, nag-isip ng kasunod na salita. Hinila niya pababa ang kanang manggas ng suot na itim na long sleeves. Siniksik niya ang tela niyon sa ilalim ng wristwatch.

        Nilibot niya ng tingin ang coffee shop. Nailigpit na 'yong mga dekorasyon noong Valentine's Day – wala nang mga bulaklak o kahit anong kulay pula sa loob. Kaunti lang din ang tao.

        Amputa, buti naman.

        Gusto niya sanang maging normal na araw iyon pero kilala niya ang mga kaibigan. Kahit anong tanggi niyang mag-celebrate, gusto ng mga itong magsaya sa kaarawan niya.

        Ang idinahilan sa kanya ni Remi: dapat na ipagdiwang ang pagkabuhay niya sa mundo.

        Natawag pa nga siya nitong killjoy nang sabihin niyang mas gusto niyang matulog buong araw sa unit.

        Kinutuban siya sa pakanang selebrasyon ni Remi nang tanungin siya nito kung anong paborito niyang kanta. Malamang ay para iyon sa tema ng magiging party.

        Halos isang buwan na mula no'ng nabangga ang kotseng sinasakyan ni Karim.

        Malalim ang pinakawalan niyang buntonghininga sa naalala, saglit siyang nagdalawang-isip na tawagan ang phone number ni Karim. Bago pa siya makapagdesisyon ay nag-vibrate ang phone niya.

        Sa halip na sagutin ang tawag, tumipa siya ng isang text message.

        Maliit siyang ngumiti nang hindi ito nag-reply. "Marunong naman palang makinig," bulong niya bago uminom ng espresso.

        Pinatay niya ang laptop at saka iyon sinilid sa bag na nakapatong sa katabi niyang upuan. Sa apatang mesa kasi siya pumuwesto dahil katabi iyon ng bintana.

        Napangiwi siya nang malakas na bumuhos ang ulan, tumama ang mga patak sa salamin ng bintana. Sinara niya ang bag. Nangunot ang noo niya nang makitang pumaparada ang isang pamilyar na sasakyan sa tapat ng coffee shop.

        Mariin siyang napapikit nang makitang pababa ng sasakyan si Karim. Ginamit pa nitong payong at panangga sa ulan ang hawak na itim na jacket.

        Sa mga mata niya, bumagal ang oras. Kitang-kita niya ang bawat hakbang ni Karim, ang paggalaw ng bitbit nitong satchel bag, at ang pagtama ng mga patak ng ulan sa may pagkamahaba nitong buhok.

        Naging mala-watawat ang paglipad ng hawak nitong jacket sa kaliwang kamay – may ritmong sinusundan, nangunguha ng atensyon. . . sumasabay sa ihip ng malamig na hangin.

        Napalunok siya. Ilang minuto na siyang nakatitig sa bintana. Putlang-putla ang mukha niya, ilang ulit pa siyang lumunok.

        "I'm here already. Ano pang tinitingnan mo d'yan?"

        Nahigit niya ang paghinga nang maramdaman ang presensya nito sa tabi niya. Nanatili itong nakatayo, ni hindi kumuha ng upuan. Muli siyang lumunok, mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi. "Nagulat lang akong nag-drive ka."

        Doon ito pumuwesto sa katapat niyang upuan. "I can drive with both of my hands, Kara," natatawang sabi ni Karim, bahagya pang itinaas ang kanang brasong nababalot ng bandage. Mayroon din itong arm sling support na bahagyang tumatakip sa suot nitong puting shirt.

        "Kahit na." Bumuga siya ng hangin. "You even tried to call me. Parang gusto mong maoperahan din 'yang kaliwa mo, a?"

        Nilapag nito ang basang jacket at ang dalang bag sa ibabaw ng mesa. "Sorry, hindi na. Magbu-book na lang ako ng Grab." Kinuha nito ang phone mula sa bulsa ng pantalon.

        "Sige, tapos balikan na lang natin dito 'yong kotse mo mamaya."

        Umupo ito sa kaharap niyang upuan. Napamaang siya nang mapansing nakatitig ang singkit nitong mga mata sa kanya. Inobserbahan siya nito mula ulo – sinilip pa nito ang mga paa niya sa ilalim ng mesa – hanggang paa.

        "What's with you?" Nilapag nito ang phone sa ibabaw ng mesa, katabi ng kanya.

        Sinulyapan niya ang suot niyang long sleeves, pati ang highwaisted niyang pantalon at puting rubber shoes sa ilalim ng mesa. "Ha?" Nalukot ang noo niya. "Bakit? Anong mayro'n?"

        "Why are you wearing black when I'm still alive—" Pumangalumbaba ito at ngumiti nang maliit. "—and very much in love with you?"

        Namilog ang mga mata niya nang marinig iyon. Pasimple niyang kinamot ang ilong – nakuha niya ang mannerism na iyon mula mismo kay Karim – para itago ang pamumula ng mga pisngi. "'Wag mo nga 'kong iligaw." Sa kanya naman nito natutuhan ang paglilihis ng usapan.

        Mahina itong natawa. "What? Didn't you confess your feelings just as you stormed in the emergency room?"

        Napaawang ang mga labi niya. "Kailan ka pa natutong asar-asarin ako?" nagtataka niyang tanong.

        "Back when you apologized for using your responsibilities as an excuse instead of admitting that you were scared of having a relationship with me." Malawak ang ngiti nito pagkatapos maglitanya.

        Napasapo siya sa noo. "Why are you telling me this? Hindi naman ako galit na nag-drive ka, stop embarassing me."

        Natigilan ito, dumiretso ng upo. Mukhang nasaktan sa sinabi niya. "I'm not trying to humiliate you." Napalabi ito. "I just wanted to ask you something."

        Nag-unat siya ng mga binti. Huminga siya nang malalim. "Ano?" Sumimsim siya ng kape, bahagya niyang dinilaan ang mga labi nang maramdaman ang pagkapait niyon.

        Napalunok si Karim, eksperto nitong iniwasan ang mga mata niya. Mariin nitong ipinikit ang mga mata bago sinalubong ang titig niya. Ilang segundo pa ang pinalipas nito, bumuwelo. "Takot ka pa rin ba?" may pag-aalinlangan sa tono, parang kinakapa kung anong gustong marinig na sagot.

        Hindi niya napigilan ang pagngiti. "Sobra." Napayuko siya. "Pero mas lamang 'yong takot ko no'ng nalaman kong nasa ospital ka."

        "That is a 'yes,' right?"

        Dahan-dahan siyang tumango. Ngumiti siya nang magaan nang nanlumo ito. "But now—" Huminga siya nang malalim. "—the more I get scared, the more I want to be with you."

        "Does this mean you're finally my girlfriend?"

        Nangingiti siyang umiling. "Don't push your luck."

        Mahina itong tumawa. "I'm sorry, I just wanted to give it a shot." Walang malay nitong naitukod ang kanang siko sa mesa, bigla itong namilipit sa sakit. "Fuck, ang sakit!" Parang reflex nitong inabot ang kanan niyang kamay bilang suporta.

        Natataranta man ay dali-dali siyang lumipat sa katabi nitong upuan. "Tatawagan ko na ba 'yong PT mo?"

        Umiling ito, nanatiling nakayuko. "No need, okay na sa 'kin 'yong hawak ko kamay mo."

        Nang akmang bibitiwan niya ang kamay nito ay umangal si Karim, muling dumaing sa sakit. "Para kang bata," natatawa niyang sabi nang mapagtantong nagkunwari lang itong masakit ang braso.

        Pumalatak ito nang pakawalan niya ang kaliwa nitong kamay. "The doctor said I'm not allowed to remove this—" Sinubukan nitong itaas ang kanang braso. "—for at least a month."

        Tumango-tango siya. "And why are you telling me this? Paano kita matutulungan?"

        Sinulyapan nito ang baso ng espresso. "I want to have some coffee before leaving."

        "Puwede ka namang uminom gamit kaliwa mong kamay." Nang magkibitbalikat ito bilang sagot, bumuntonghininga siya at saka niya kinuha ang espresso.

        Nag-iingat niyang nilapit ang baso sa mukha ni Karim. Bahagya siyang nanginig at nanlamig nang dumampi ang labi nito sa daliri niyang nakaalalay sa napakaliit na baso ng espresso.

        Malakas siyang napasinghap nang sumulyap ito sa kanya – seryoso at nanunudyo ang mga mata – habang sumisimsim ng kape. Lalo siyang nabato sa kinauupuan nang hawakan nito ang baso gamit ang kaliwang kamay, dahilan upang dumiin ang pang-ibabang labi nito sa daliri niya.

        Saka lang niya naramdaman ang namuong pawis sa noo nang kaswal nitong kinuha mula sa kanya ang baso para ilapag iyon sa mesa.

        Malaki ang ngiti ni Karim, mukhang natuwa sa pamumula ng buong mukha niya. "How about now?"

        "Ha?" ang tangi niyang nasabi.

        "Would you be my girlfriend now?" Gumaan ang ngiti nito sa kanya kahit may halo pa ring pang-aasar sa tono.

        Wala sa sarili siyang napangiti. Bago pa man siya makasagot, nag-vibrate ang phone ni Karim. May isang message doon galing sa Grab driver. Bumaling siya sa katabi. "Tara na, nasa labas na raw siya."

        Tumayo siya para maisabit na niya sa balikat ang strap ng bag. Ibinulsa niya ang phone bago siya sumilip sa bintana. Tipid siyang ngumiti nang makitang tumila na pala ang ulan.

        Paglingon niya kay Karim ay hirap nitong sinubukang suotin ang dalang jacket. Inalalayan niya ito, tinulungan niyang ipasok ang mga braso nito sa loob ng mga manggas. "Thank you," nakangiti nitong sabi.

        Pasimple nitong hinawakan ang kanan niyang kamay at saka sinabit sa balikat ang strap ng bag. Magkasabay lang ang mga hakbang nila habang lumalakad palabas sa coffee shop.

        Pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng kotse, pinauna siyang pumasok.

        "Sandal ka muna sa balikat ko," bulong nito sa kanya.

        Hindi na siya kumontra. Nakararamdam na rin naman siya ng antok at pagkainip.

        Kahit halos isang oras na silang nasa biyahe, hindi niya tinanong kung saan sila pupunta; kung saan ang party. Alam naman niyang hindi iyon sasabihin ni Karim.

        Nagising siya nang bahagyang umuga ang sasakyan. Pagdungaw niya sa bintana, agad niyang nakita ang umiilaw na establishment sign:

Katipunan
Route 196

IV of Spades
Autotelic
Orange & Lemons
Munimuni

        Nawalang bigla ang antok niya. Bumaling siya kay Karim. "Pa'no niyo nalamang matagal na 'kong 'di nakakapanood ng gig?"

        Ngumiti lang ito sa kanya. "Tara na." Iginiya siya nito pababa ng kotse, mukhang nabayaran na nito 'yong driver habang natutulog siya. Bago umalis ang sasakyan ay kinatok nito ang bintana niyon na agad namang binaba ng driver. "Ingat po kayo sa biyahe, sir."

        Wala sa sarili siyang napangiti habang nakatingin kay Karim. "May entrance fee dito, 'di ba?"

        Akmang magbubukas siya ng bag nang pigilan siya nito. Nangingiti itong umiling sa kanya. "It's your birthday, Kara. It's on me."

        Matapos nilang magbayad ng entrance fee, inakbayan siya nito gamit ang kaliwang braso – marahan siyang hinila papasok ng bar.

"Lamunin man ng alon,
la-la-la-languyin, la-la-la-languyin!"

        "Sayang naman, patapos na yata set ng Autotelic," nanghihinayang niyang sabi kay Karim kahit likod lang nito ang kita niya. Nagpatuloy sila sa paglakad.

        Pagpasok nila ay kaagad nilang nakita ang magkatabing sina Remi at Julian sa hindi kalayuan – parehong naka-long sleeves at slacks, mukhang kagagaling lang sa opisina. Nakapuwesto ang dalawa sa apatang mesa. Kahit marami ang mga taong nakatayo sa harap ng stage, kitang-kita nila mula roon ang tumutugtog na banda.

        Saglit na kumalas si Karim mula sa pagkakaakbay, lumipat naman ang hawak sa kanan niyang kamay. Nagtataka niya itong tiningnan, nakapagtataka naman kasi talaga ang pakikitungo nito sa kanya.

        Agad silang pinagbuksan at inabutan ni Remi ng tig-isang bote ng malamig na Smirnoff mule. "We still have work tomorrow, hindi tayo p'wedeng magpakalasing," nakangiwing sabi nito.

        Umupo siya katapat ni Remi. Tinanggap niya ang nakabukas nang bote. "Sige, susunod na lang ako kasi ikaw na nagsabi, e." Mahina siyang tumawa nang ngumuso si Remi.

        Nanatiling tahimik si Julian – seryoso pa rin ang mukha habang okasyunal na tumutungga at tumatango, sinasabayan ang ritmo ng tinutugtog na kanta.

        Saglit na yumuko ang katabi niyang si Karim, nilapag nito ang sling bag sa ilalim ng mesa. "Sorry nga pala ulit, Remi." Tuloy-tuloy itong uminom mula sa bote, hindi alintana ang bigat sa tiyan ng beer.

        Pinagtaasan ito ng kilay ni Remi. "Anong sorry? Alam mo bang nag-away pa kami ni Kaf kasi inakala niyang nangti-trip ako? Nag-away pa kami tapos nabalian ka lang pala."

        Napatawa siya. Binaling niya ang atensyon sa Autotelic na nagliligpit na ng instrumento. Tipid siyang ngumiti nang mabasa ang nakasulat sa puting pader sa gilid ng entablado:

Play with heart,
Drink with care.

        Malalaki ang letra niyon, parang naninigaw at nagpapaalala sa mga naroon sa bar.

        "I didn't even know the nurses called the office." Muli itong tumungga. "Hindi ko nga dapat sasabihin sa inyo kasi hindi naman malala."

        "Don't bullshit me with that. Alam mo namang gugustuhin namin malaman 'yon kahit hindi malala. And thank God, hindi malala."

        Itinaas ni Karim ang hawak na bote. "So, truce?" Nang makitang magkasalubong pa rin ang mga kilay ni Remi ay sumulyap ito sa kanya. "Birthday naman ni Kara."

        "Okay, fine. Truce."

        Lumikha ng mahinang tunog – bagaman medyo natabunan ng ingay ng mga tao, pati ng musika – ang pagtama ng mga bote.

"Spending my days with you
is like living in a world of fancy
with all the beautiful people I know,
makin' love in a world of vivid colours."

        Orange & Lemons na pala ang tumutugtog. Hindi na niya namalayan ang takbo ng oras. Nasa pangatlong bote na siya pero antok pa lang ang nararamdaman niyang epekto niyon. Tuloy lang siya sa pagtungga.

        "Kaya ba ayaw ni Kara sa mga may 'J' sa pangalan?" kunot-noong tanong ni Karim kay Remi. Nabawasan na ang pagsasalita nito sa Ingles, naging madaldal na rin dahil sa alak.

        "Oo, dahil do'n kay Jerome na niloko siya!" Mukhang may tama na rin si Remi, nilalaglag na kasi siya. Napansin niyang namumula na ang magkabilang pisngi nito nang tapatan ang mga iyon ng malilikot na ilaw.

        Napalabi siya nang mapansing sa kanya na nakatingin si Karim, naghihintay ng paliwanag. "I don't really consider him as my first boyfriend. Bata pa ako no'n, e, saka ano. . . ang pathetic," pagsagot niya sa mga mata nitong nagtatanong.

        "My second name is James. Lalayuan mo na ba ako?" kaswal lang ang pagkakasabi nito niyon, prente lang na nakasandal.

        "No," mabilis niyang sabi. "You're probably the exception to my rule," pag-amin niya. Sigurado siyang iyon ang totoo dahil nakainom na siya.

        Sabay silang napatingin kina Julian at Remi. Bigla kasing suminghap ang dalawa, parang naalimpungatan kaya nagising; parehong napahilamos sa mukha.

        Natawa na lang sila ni Karim. Matagal-tagal na rin kasi mula no'ng huli nilang selebrasyon kaya medyo humina 'yong dalawa sa epekto ng alak.

        Saglit na yumuko si Julian, may inabot mula sa bag na nakatago sa ilalim ng mesa. Inurong muna nito sa gilid mga bote bago pinatong ang isang box sa mesa. "Happy birthday, Kara." Inabot nito sa kanya ang kahon. "Regalo namin ni Remi 'yan."

        Maliit siyang ngumiti bago iyon tinanggap. Alanganin pa siyang tumingin doon sa dalawa. Inalis niya ang wrapper.

        "Mahal 'to, 'di ba?" Sinubukan niyang basahin ang nakaukit na salita sa mga fountain pen, ginto ang kulay ng metal na nakakabit sa tuktok ng mga iyon. "Hala, set pa binili niyo, okay na 'ko kahit isa lang," nahihiya niyang sabi.

        "Happy birthday, Kaf! Bibigyan sana kita ng film camera kaso mayro'n ka na no'n," Natatawang tinuro ni Remi si Karim. "Saka, ayan na regalo ko, e."

        Umiling lang ang katabi niya, hindi pinansin ang biro ng kaibigan.

        Napalingon sila sa entablado nang tumigil ang tugtugan. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto kung sino ang sunod na banda.

        Umakyat ang isang payat na lalaking abo ang kulay ng buhok. "Para po sa unang kanta namin, si Owen po muna ang papalit kay Miss Clara," anunsyo ng bokalista ng bandang Munimuni. Sumenyas ito sa isang kulot at nakasalaming lalaki, may hawak itong orchestral flute.

        Hiyawan.

        "Amputa, si Owen kakanta," wala sa sarili niyang sabi.

        Mahinang natawa ang katabi niya. Nilapag nito ang kanina pang hawak na bote sa ibabaw ng mesa. Yumuko ito, may kung anong kinuha sa bag bago bumaling kina Remi. "Alis kami saglit, mukhang gusto kasing lumapit ni Kara sa stage."

        Ibinulsa niya ang phone.

        Nang hawakan nito ang kamay niya para alalayan siyang tumayo, nagpatianod siya. Iginiya siya nito papunta sa bandang likuran ng kumpol ng mga tao. Saka lang niya naaninag ang hawak nitong paper bag nang tamaan sila ng ilaw.

        Inabot nito sa kanya ang brown paper bag bago nagpamulsa. Tinanggap niya iyon, agad niyang kinalkal ang laman. "Thank you, nag-abala ka pa," natatawa niyang sabi habang hawak ang isang itim jacket. Walang duda, iyon 'yong jacket na suot niya no'ng pinuntahan nila ito sa ospital.

        "It smells like me—" Malawak itong ngumiti. "—kaya sana, magustuhan mo."

        Agad siyang pinamulahan ng mukha. "I was joking kaya 'wag mong seryosohin."

        "Tatawagan ko nga sana parents mo ngayon kaso baka natutulog na, e."

        "Nakausap ko naman na sila kaninang umaga. Okay na sa 'kin 'tong jacket, sobra-sobra pa nga, e." Matipid niya itong nginitian.

        Sabay silang napatingin sa unahan nang marinig ang intro ng isang pamilyar na kanta.

"Noong ika'y dumaan,
anong nakita ko?
Hindi ko alam."

        Napalunok siya. Bigla siyang nakaramdam ng lamig, niyakap niya ang sarili. Pinanatili niya ang mga mata sa bokalista ng banda.

"Basta naramdaman,
basta natuklasan."

        Naramdaman niyang kinuha ni Karim ang jacket mula sa kanya. Pinatong nito iyon sa mga balikat niya. Napabuntonghininga siya nang nanatili sa kaliwa niyang balikat ang kaliwa nitong kamay.

"Ang boses mo'y waring
bulong ng puno sa umagang
kay tahimik."

        Malakas siyang napasinghap nang maramdaman ang pagyakap nito sa kanya. Magaan siya nitong niyapos gamit ang kaliwang braso. Hindi pa ito nakuntento sa pagkamalapit nilang dalawa.

"At do'n ko narinig
ang awit ng pag-ibig."

        Napalabi siya nang maramdamang ipinatong nito ang baba sa kanan niyang balikat. Muli siyang suminghap nang tumama ang mainit nitong paghinga sa balat niya. Biglang nawala 'yong atensyon niya sa bandang tumutugtog. "Kailan ka pa naging clingy?"

        "I'm not clingy and romantic, but when I saw that car approaching, I realized I haven't hugged you like this," bulong nito.

        Bahagya siyang nanginig nang dumaplis ang mga labi nito sa kanan niyang tainga. "So, bumabawi ka? Is that what you're saying?" Lumayo siya nang kaunti, hinarap ito.

        Ngumiti lang sa kanya si Karim bago tawirin ang pagitan ng mga labi nilang dalawa.

        Nahigit niya ang paghinga. Lalo nitong diniin ang pagdampi ng mga labi sa kanya. Muli siyang suminghap nang maramdaman ang kamay nito sa batok niya.

"Ang hiraya mo
sa araw-araw ko."

        Para siyang nilunod sa sobrang lambot ng mga labi ni Karim. Sumabay pa roon ang pagkaliyo niya dahil sa ininom na alak.

        Tatlong segundo. Nakaramdam siya ng hilo kaya ikinawit na niya ang mga kamay sa batok nito.

        Apat na segundo, para siyang natutunaw. . . o lumilipad sa alapaap. Lalo siyang napapikit nang mariin. Naramdaman niya kasi ang unti-unting pagbaba ng mga kamay nito sa likod niya.

        Limang segundo. Tumigil ang kamay nito sa baywang niya. Napasinghap siya nang mahawakan nito ang balat niya, nalilis kasi pataas ang suot niyang cropped na long sleeves.

        Sabay silang bumitaw. Sabay din silang naghabol ng paghinga. Pati yata ang pagkapula ng mga mukha nila ay pareho lang din ang tinta. Nakagat niya ang pang-ibaba niyang labi.

        "And I haven't kissed you like that," dugtong ni Karim sa kaninang pinatutunayang argumento.

        Mahina siyang natawa, mainit pa rin ang magkabilang pisngi. "Hindi pa rin kita sasagutin, a?" nang-aasar niyang sabi. "Ayoko namang maging anniversary natin 'yong birthday ko. Ang saklap no'n kapag nag-break tayo, maaalala kita taon-taon."

        Natawa ito sa sinabi niya, hindi naman nasaktan sa biro niya. "Hindi naman na kita papakawalan." Malalim ang pinakawalan nitong buntonghininga, kuntento. "Kailan mo ba 'ko planong sagutin, hmm?"

"O, irog, dinig mo ba?"

        Natigilan siya nang mag-vibrate ang phone niya sa bulsa ng pantalon. Kinuha niya iyon. Napangiti siya nang mabasa ang nakalagay sa notification. Yumuko siya.

        Ilang segundo ang pinalipas niya, humihinga nang malalim, bumubuwelo. Tumunghay siya, nakakunot ang mukha ng kaharap. "Ngayon."

        Nanatili ang pagkalito sa mukha nito, hindi alam kung anong tinutukoy niya. "Are you serious?" Sinubukan siya nitong basahin.

        Tumango siya. "Yes," mahina niyang sabi bago iharap ang phone kay Karim. Ipinakita niya rito ang nasa notification.

        Nahihiya itong ngumiti, mapula pa rin ang mga pisngi. "Happy birthday—" Sinulyapan nito ang oras na nasa lockscreen ng phone. "—Cinderella."

        Napatawa siya nang mahina. Hinawakan niya ang laylayan ng jacket na nakapatong sa mga balikat para hindi iyon mahulog. "I just turned 24. Hindi na 'ko bata." Dahan-dahan siyang tumingkayad para abutin ang mga labi ni Karim.

        Parang pinaghalong bulak, tubig, at ulap na sa pakiramdam ang pangalawang halik na iyon.

        Biglang huminto ang pagkanta ng bokalista. "Hello po kina ate at kuya sa likod!" mapang-asar na sabi nito. Naghiyawan ang mga tao.

        Siya na mismo ang humawak sa batok nito para palalimin ang halik; para makalimutan niya ang mga taong nakatingin sa direksyon nila.

        Malambot. Sobrang lambot. Sabay-sabay niyang naranasan ang pagkalunod, paglipad, at pagkaliyo nang laruin nito ang dulo ng buhok niya.

        Bumitaw siya rito nang maramdaman niya ang pamumuo ng pawis sa noo. Nagpatuloy ang kaninang naudlot na tugtugan.

"At kahit mawala ka pa
hinding-hindi mawawala."

        Bumuntonghininga si Karim. "You should really learn how to finish what you started," naiiling nitong sabi sa kanya.

        Nangunot ang noo niya. "Ha?"

        Yumuko ito sa kanya. Magaan ang paghawak nito sa palapulsuhan niya, marahan ang paghatak. Wala siyang nagawa, napapikit na lang siya nang muling dumampi ang mga labi nito sa kanya.

        Wala pang isang segundo ang halik na iyon – parang daplis lang pero maihahalintulad na sa limang segundo nitong paghalik sa kanya.

        Nang humiwalay ito sa kanya sa pangatlong pagkakataon, malawak itong ngumiti. "Sorry." Pinatong nito ang kamay sa tuktok ng ulo niya, tinapik iyon. "I just can't let this moment pass without kissing you again."

        Doon lang nila tuluyang napansin ang mga taong nakatitig at nakangiti sa kanilang dalawa. Kumapit siya sa kaliwa nitong braso, gusto niya sanang magtago mula sa atensyon ng mga tao.

"Ang damdamin ko'y
sa 'yong sa 'yo."

        Natigilan siya nang ngumiti ito sa kanya bago hawakan ang kanan niyang kamay.

        Bigla siyang nahirapang huminga nang pinagsalikop nito ang mga daliri nila, pinunan ang bawat espasyo. Sa halip na mahiya ay itinaas nito ang magkahawak nilang mga kamay. Naghiyawan ang mga tao – pati sina Remi at Julian ay nakangiti sa kanila – kasabay ng adlib ng bokalista.

"O, irog, dinig mo ba?"

        Makalipas ang ilang segundo ay ibinaba na nito ang mga kamay nila. Huminga siya nang malalim.

        Itinuon niya ang atensyon sa maaliwalas nitong ngiti. Lumipat ang mga mata niya sa kamay nilang dalawa. Maliit siyang napangiti nang higpitan nito ang hawak sa kanya.

"O, irog, dinig mo ba?"

        Inangat ni Karim ang mga kamay nila. Maluwang itong ngumiti bago idikit ang kamay niya sa dibdib nito. "Dinig mo ba?"

"Ang pagtibok ng ating puso."

        Unti-unting humupa ang kaninang nabuong hiya sa dibdib niya. Pinakiramdaman niya ang puso ni Karim. Kasabay ng pagtibok niyon ang malakas na pagpalo ng drums. Bahagya pa ngang yumanig ang sahig kaya tuluyan siyang dumantay sa dibdib nito para hindi siya mabuwal at mawalan ng balanse.

        Tumingala siya, sinalubong niya ang mga mata nitong naghihintay ng sagot. "Sobrang linaw."##

— ✽ —

— ✽ —

— ✽ —

please read the final note on the next part. . . 😌

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro