Isa, Dalawa Tayo'y Maglakbay
Isa.
Dalawa.
Tayo'y maglakbay.
Patungo sa nakaraan.
Na hindi ka nagtagumpay.
Nangarap.
Nabigo.
Ika'y bumagsak.
Umiyak.
Nagmukmok.
Mundo'y nawasak.
Isa.
Dalawa.
Tayo'y maglakbay.
Patungo sa panahon.
Na ika'y namukadkad.
Umibig.
Iniwan.
Ika'y umasa.
Bumigay.
Naghintay.
Pero ika'y namali ng basa.
Isa.
Dalawa.
Tayo'y maglakbay.
Patungo sa panahon.
Na ika'y umahon.
Linimot.
Pinalis.
Ang luhang naaksaya.
Bumangon.
Napagtanto.
Na mayroon pang pag-asa.
Isa.
Dalawa.
Kaibigan, ika'y narito na.
Sa panahon ngayon.
Na ika'y malaya.
Patuloy.
Na mangangarap.
Magiging matatag.
Sa pagsubok.
Hindi na aatras.
Ngayo'y mas naging matatag.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro