Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

La Feliciana

“Kailan ang balik mo?”

“Depende po kung kailan matatapos. Kung sa linggo baka kagabihin po ako. Magdadala na lang po ako ng susi para hindi na kayo magising.” I said as I put my shirt in the bag.

Last night was a success. Pagkatapos ng limang kanta nila Orrin ay siya namang pag-alis ni Ma’am Christene. Pero bago iyon, nagawa niya pa akong ipakilala sa ginang at sa kabutihang palad, pumayag itong kasali ako sa mga tutulong sa araw ng pyesta.

“Ilan daw ba ang ibibigay sa inyo?” tanong niya ulit.

I zipped the bag when I put all of clothes already. Tatlong pares lang iyon, sapat lang hangang bukas.

“Hindi ko pa alam, Mama. Hindi ko pa natanong kay Orrin.”

I stood up and attended my other essentials. Siniguro kong nasa loob ang toothbrush ko, deodorant, sabon, kahit shampoo nagdala na rin at iba pang kakailanganin ko.

“Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa batang ‘yan. Hindi ba’t kapatid siya ng kaibigan mo?” pang-uusisa pa ni Mama.

Narinig ko ang mga yabag niya palapit hanggang sa maupo ito sa kama ko.

“Si Dara nga po, mag kapatid silang dalawa.”

“Ayaw kong sumamasama ka sa lalaking iyon. Huli na ito, at huwag na huwag kong malalamang nakikipag mabutihan ka sa lalaking iyon.” mariin ang bawat bigkas niya sa mga salitang iyon.

Nag-angat ako nang tingin at nasa mukha ang matinding pagtutol.

“Walang ginagawang masama si Orrin, Mama. Tinutulungan niya po akong magkaroon ng trabah—"

“Ano na lang ang sasabihin ng mga Sy kapag umabot sa kanila ang balitang nakikipaglandian ka sa batang Silva na ‘yon? At ang jowa mo! Naisip mo man lang ba ang mararamdaman ni Joshua kung bumalik ito at malamang dikit ka ng dikit sa ibang lalaki?!” tumaas ang boses niya, nanlilisik ang mga mata.

Umawang ang labi ko, gulantang sa mga akusasyon niya.

“Sinasabi ko sa’yong bata ka. Makinig ka sa akin at para sa kapakanan mo ang lahat ng ito. Hindi pa nga kayo nagkakaayos ng jowa mo, mag dadagdag ka pa ng problema?”

I swallowed hard.

“Tapos na po kami, Mama at hindi po ako nakikipaglandian kay Orrin. He’s helping me find works. Kung tutuusin malaki po ang naging tulong niya sa perang naipadala natin kay Ate nang nakaraang linggo.”

My chest felt heavy. She just accused me, flirting with another man. Her words cuts like daggers but maintained a stoic face, making it appear like I'm not affected

“Huh!” she scoffs. “Wala akong pakialam kahit pa sa kaniya nanggaling ang pera. Ang gusto kong gawin mo ay layuan ang lalaking iyon! Si Joshua ang karapat-dapat sa’yo. Siya lang ang tatanggapin ko at hi—"

“Ma, hindi kami magkarelasyon! Tinutulungan lang ako ng tao at pwede po ba, sa halip na pagsalitaan niyo ng masama, mag pasalamat na lang po kayo. Kung hindi dahil sa kanila, wala sanang naipapadalang pera kay ate.” I said sternly, cutting her off.

My breathing labored. Orrin is innocent but she’s involving her when he doesn’t even lift a finger in me.

“Ano nagmamalaki ka na?”

Tumayo si Mama saka ako dinuro. Her flaring eyes never changed, instead it intensifies.

I looked at her painfully. She is not seeing my point. She’s making it look like I’m bragging when it doesn’t.
Simple lang naman ‘yon, pero hindi niya makuha at piniling paniwalaan ang sariling opinyon sa akin...sa amin.

“Pinapamukha mo sa akin ang kakarampot na perang naabot mo na kung tutuusin, kulang pa ‘yan sa lahat ng sakripisyo at paghihirap ko sa’yo!” she shouted, voice full of hatred.

I bit my lips. The corner of my eyes stung as I stared at her face with wrath. Wala.. na ba talaga akong nagawang tama para sa kaniya?

“Sinasabi ko sa’yo, huwag na huwag kong makikita na kasama mo ang batang ‘yon at talagang malilintikan ka sa akin!”

I don’t get it. She’s not like this to Ate Rowena. Ni minsan hindi ko narinig si Mama na pagtaasan si ate ng boses kahit pa may kasalanan itong nagawa. She was always soft towards her. Na kahit nang sinabi ni ate na gusto niya sa Cebu mag-aral, walang pagdadalawang isip si Mama na pinaunlakan ito. When clearly, we lack in financial aspect. Mama disregarded that dilemma and chose to support her. 

At heto ako, na kulang na lang pati ang paghinga ay maging mali sa kaniya.

Ang dami kong gustong sabihin kay Mama pero pinipili kong sarilihin na lang ang mga iyon at unawain siya..unawain ang sitwasyon.

Wala na si Mama pero binabagabag pa rin ako sa mga sinabi nito kanina. I texted Orrin to meet me at the waiting shed and here I am, an hour early, escaping home.

How ironic, it doesn’t feel like home at all.

“Ala una ang usapan natin, bakit narito ka na?”

I was staring at nowhere when a voice woke me up at my reverie. Dinungaw ko ang may-ari ng boses at hindi na nagulat nang makita si Orrin.

“It’s thirty minutes before the agreed time. Huwag mong sabihing kanina ka pa rito?” his brows furrowed.

I stared at him. Bakit lagi na lang akong napagbibintangan nakikipaglandian sa kaniya? Landi na ba ang simpleng pakikipag-usap? Is it already flirting, joining a ride with him in one motorcycle?

Iyon lang naman ang ganap kapag siya ang kasama ko. We don’t even talk much. We don’t even hold hands and do stuff like what they’re accusing me of. Una si Johsua, ngayon naman si Mama..

Bumuntonghininga ito nang walang nakuhang sagot sa akin. “You’re not in the mood again.” he concluded.

He sat beside me, making sure there’s enough space between us. Walang ibang tao sa waiting shed at kaming dalawa lang.

“I know you will not say a thing, but still..” he jerked his body to face me, his gentle eyes scanning my face.

“What happened, Moren? What’s making you upset?” Orrin smiled, like assuring me everything’s gonna be alright. “You can share it with me, I’m all ears.”

“Mas mabuti siguro kung magpunta na tayo sa terminal ngayon. Makakapagpahinga pa tayo habang naghihintay sa bus.”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at agad na tumayo. I started walking and I felt his presence beside me.

“It’s burdensome to go through it alone. I don’t intend to pry, but I fucking hate seeing the face you make when some things are bothering you. I don’t like it.”

I stopped on my track to peered at him. My thoughts were in haywire, and all I could think about is how my mother accused me of things with him.

Ako nalang lagi. Kahit wala na akong ibang ginagawa kung 'di ang masigurong makakatulong sa bahay,  pinapasama pa niya.

“Pwede mo—"

“I’m very grateful for your help, but there’s a line you should never cross, Orrin.” I said in a monotone, cutting him.

My words caught him off guard. Nanatiling awang ang labi niya at gulat sa pagtutol ko.

“Let’s set our boundaries here. Hindi porke nagkakasama tayo ng ilang oras sa isang araw, may karapatan ka nang alamin ang tungkol sa personal kong buhay.” mataman kong sinabi. “It doesn’t give you a free pass. Whatever my problem is, it’s mine to deal not yours.”

I licked my lower lip as I tell myself not to be affected with the change of emotion on his eyes.

“So please, Orrin let’s both mind our own business. Ang mahalaga nagagawa ko nang maayos ang trabaho ko. Kung hindi tungkol doon, mabuting huwag na lang bumoses.”

His eyes darkened. His jaw is tightly clenched. Iniwas ko ang tingin doon at nawawala ako sa dapat na sasabihin.

“I appreciate your concern but I don’t need it. I hope we’re clear.” huling sinabi ko bago siya muling tinalikuran.

I need to say it because Orrin seems so out of character this past few weeks. But I know those doesn't hold any water.

Yes, it feels great knowing someone is concerned with my well being. Siya ang bukod sa mga kaibigan ko na kinukumusta ang pakiramdam ko. He’s always asking if I’m comfortable or not.

Those are all platonic. Walang halong malisya pero dahil sa mga sinabi ni Mama, nabahiran no’n ang iniisip ko. Because apparently, I like the feeling of being comforted. I like how Orrin would ask for my comfort, what I like to eat, and the things that bothers me and all. Lahat ng iyon na hindi pinaramdam sa akin ni Joshua.

Hindi ko siya nilalandi. Walang paglalanding nagaganap at iyon ang dapat makita at malaman ni Mama.

Nang nasa bus kami, magkaiba kami ng upuan. Orrin settled himself behind me, not saying a word. Hindi ko pa siya muling narinig na magsalita simula nang dumating kami rito. The whole ride, my eyes were closed but sleep didn’t visit me.

Dumating kami sa La Feliciana. At kahit sa pagsakay ng tricycle tahimik pa rin si Orrin. Sagot ni Ma’am Christene ang pamasahe namin at nasa kaniya ang pera. He was the one paying the fare.

“Wala rito si Mama pero sinabihan na kaming dadating kayo,” si Irene, anak ni Ma’am Christene.

Nakarating kami sa tatlong palapag na bahay nila Ma'am Christene at siya ang sumalubong sa amin. Malawak ang sala at may chandelier pang nakasabit sa taas.

“Si ate Yohan, sinusundo ang kaibigan niya at si Papa nasa barangay hall pa. Kaya ako lang ang nakaharap sa inyo, Kuya.” she smiled, hugging her tablet.

Irene look cute. May headband pa sa ulo at maiksi ang buhok na umabot lang sa may leeg.

“Thanks, Irene..” Orrin’s low and baritone voice filled my ear.

Magkatabi kaming nakaharap sa bata. He isn’t talking to me. Para siyang bumalik sa mga panahong hindi ako pinapansin at parang hangin kung ituring.

“Ituro ko po sa inyo ang magiging kwarto niyo at nang makapagpahinga kayo kuya, ate..”

Tinalikuran niya kami at nagsimulang maglakad. Orrin followed her and I tailed them two. The whole place looks so busy. May mga batang naglalaro sa sala at mga matatandang nagtatawanan. Kahit sa labas ay marami na rin ang tao.

They have about five tent in the front yard and all of them are occupied with visitors probably or their relatives and extended families. Mayroon pa ngang kumakanta ng karaoke.

“Ang dami niyo nang bisita,” puna ko.

“Noong isang araw pa ‘yan sila Ate, mga kamag-anak lang. Hindi pa nga ‘yan kompleto, may mga paparating pa.” natatawa si Irene.

Nasa unang palapag lang ang maid’s quarter nila. We stopped in front of a white door.

“Apat po kayo diyan, wala sila ngayon at abala sa trabaho.” Irene opened the door and I murmured my thanks.

Hindi pa ako pumasok at hinintay kung nasaan ang magiging silid ni Orrin. Hindi pa rin sila umaalis at parang hinihintay akong makapasok muna.

“U-Uh,” I chuckled awkwardly. “Ikaw, Orrin? Saan ka?”

The expression in his face is cold, like how I often saw before. I averted my eyes away from him when it was Irene who answered.

“Sa taas po siya, Ate. Sa guestroom, bilin ni Mama.”

Napatango-tango ako. Akala ko dito lang din sa baba. There are two doors left, I thought he’ll occupy one of those. I face the open door and was about to step in when Orrin’s voice halted me.

“I’ll just put my things in the room and I’ll be back. Wait for me.”

Nilingon ko ulit sila pero ang papalayong bulto na lang ng dalawa ang nakita ko. Bumuntonghininga ako bago tuluyang pumasok sa loob. Bumungad sa akin ang dalawang double deck. I settled myself in the vacant one.

Nilagay ko lang ang bag ko sa kama at hinintay si Orrin. It was not long though when he returned. Katulad ko’y hindi na rin ito nagpalit ng damit.

“Kailangan kong umalis at magpunta ng palengke. You stay in the kitchen for now. Babalik agad ako.” Orrin informed me while both of us are walking.

“Sige pero hindi ko alam ang kusina..” I said because I thought he’ll leave immediately.

I was hoping a response from him but it didn’t came. Instead he lead the way towards the kitchen. May tatlong tao ang naroon, bawat abala at natigil lang nang makita kami sa bungad ng pinto.

“Dito kita babalikan mamaya.” he said, both of us stood in the doorway.

“Lalabas din naman ako, may ipapabili ka..” he paused, sighing. “Nevermind, just stay here. If you need anything, Irene is at the living room she’ll help you.”

Ngumiti ako sa babaeng nakatingin sa amin bago muling sumulyap kay Orrin.

“Sige, mag-iingat ka.”

He left without saying a word after it.  Pinagsawalang bahala ko ang mga iniisip at tinuon na lang ang atensyon sa mga dapat gawin. Nag presinta akong maghuhugas sa mga hugasin. Aling Nancy is the cook. Si Lea ay tiga hiwa ng mga rekados habang si Rose ay naghihiwa rin ng karne.

They’re accommodating. Kahit panay ang kwento hindi humihinto ang paggalaw ng mga kamay.

“Luto na kaya ang letchon nila sa likod? Anong oras na, baka dumating na sila Ma’am Tine.” ani Lea.

Tumulong din ako sa paghiwa ng mga karne. Tapos na akong maghugas at maging si Rose karne na rin ang hinihiwa.

“Mamayang alas sais pa ang uwi nila, sakto lang ‘yon at maluluto na ang letchon.” si Aling Nancy.

Dahil tatlo na kami, naging madali ang trabaho. Lea assisted Aling Nancy in cooking while Rose and I prepared the ingredients for desserts. Ayon sa kanila may mga nagluluto pa raw sa likod ng bahay. Kahit bukas pa naman ang araw ng pyesta, marami na raw ang nagpupuntang bisita sa besperas ng gabi.

“Unang beses mong magpunta rito, ano?” tanong sa akin ni Rose.

“Nakabisita na ako kagabi, sa plaza..”

“Ang saya kagabi ‘no? May artista at saka iyong banda.” she grinned. “Sa susunod ako naman ang dadayo sa inyo, siguraduhin niyo lang na maraming pogi!”

“Marami nga, ang tanong available pa ba?” singit ni Lea. “At papatulan ka ba?”

Rose pouted making me laugh.

“Kung ganoon, ipakilala mo na lang ako sa kasama mo kanina. Baka lang naman, maligaw ng tingin at mapunta sa akin?” nilingon ako nito, nangingiti.

I chuckled.

“Joke! Pero sa totoo lang sayang at hindi ka makakapamasyal. Hayaan mo, bisita ka ulit dito, iyong hindi dahil sa trabaho. Samahan ka namin,” Rose smiled widely.

“Kayo rin, kapag magpunta kayo ng Cali tawagan niyo na lang ako o kahit sa chat, i-to-tour namin kayo.” presinta ko.

Mukhang hindi nila namukhaan si Orrin kagabi. Sabagay, Orrin is wearing a cap last night. Sa huling kanta lang wala na itong suot at siguro dahil na rin sa ilaw kaya naging malabo sa kanilang makilala ito.

I spend the rest of the hours in the kitchen. Hanggang sa hindi ko namalayan ang oras at nakabalik si Orrin. He just checked on me though and leave right away. May iba itong ginagawa at hindi nagtagal sa kusina.

Around six, we’re filling the long table with foods for the dinner. Tahimik na rin ang sala at wala na roon ang mga batang naglalaro pero hindi nawalan ng tao ang harap ng bahay.

“Crecia?”

Pabalik na ako sa kusina nang matigilan sa boses na tumawag sa pangalan ko. I turned my heels around and to my surprise, Vince in a tube dress greeted me. May kasama itong dalawang babae.

“Vince,” ngumiti ako sa kaniya.

“Wow! What are you doing here?” she advances a step, leaving the two.

“Tumutulong sa kusina.” tipid kong sagot.

Nanlaki ang mata niya, kahit ang bibig ay napaawang na parang nagulat. Maya-maya lang ay tumango-tango ito.

“Oh, makes sense. I’ll see you around then.” Vince smiled.

Akma na akong sasagot nang mabilis itong tumalikod at binalikan ang mga kasama. Hindi ko pa muling nakita si Orrin simula kanina. Alam niya kayang narito rin si Vince?

Then I remember, they’re talking so of course he knows. Baka hindi lang na-kwento na kasama ako kaya ganoon na lang ang naging reaksyon ni Vince.

It was after thirty minutes when Ma’am Christene together with the guest arrived. Kasama na rin ang asawa nito na kapitan. Dahil wala naman na kaming gagawin nila Rose, tumambay na muna kami sa kwarto. May dalawang nakatoka sa hapagkainan at mamaya pa kami katapos nilang maghapunan.

We’re going to wash the used plates and will cook again. Aling Nancy just gave us a break for it will be a long night later.

Ilang minuto pa lang na nakahiga si Rose, nakatulog na ito. Siya ang kasama ko sa room at si Lea ay nasa kabila.

Gusto ko ring matulog at ipahinga ang katawan ngunit kabaliktaran ang nangyayari. I was wide awake, several thoughts rummaging in my mind. Nalala ko rin si Orrin, kumain na kaya iyon? Siguro naman tapos na. Kumain na kami, eh. Pagkatapos naming magluto mabilis kaming naghapunan.

I checked my phone and he didn’t text me all day. Tanungin ko kaya? I sighed heavily when I remember my words earlier. Right, boundaries. Kakasabi ko lang pero bakit ako pa mismo ang sumisira no’n.

On the other hand, it’s normal since I’m worried. Dinala niya ako rito. He helped me and the least I could do is to check if he’s eaten or not. Iyon lang!
Feeling contented, I stood up and ready to seek for him. Balak kong magpunta sa likod at hanapin si Orrin pero mukhang hindi na kailangan.

I saw him, sitting on one of the couches. Naroon si Vince at ilan pang hindi ko mga kilalang tao. They’re about seven of them. Iyong dalawang kasama ni Vince isa pang babae at dalawa pang lalaki.

My steps slowed down. I need to pass through the living room reason why I spotted them. Orrin’s back were on me, beside him is Vince. Nagkakatuwaan sila at may kung anong pinag-uusapan pero hindi ko man lang narinig ang boses ni Orrin.

“Tomorrow, alright! I won’t run!” natatawang sabi ng isang babae.

“It will be fun! You’re going, right Archi?” si Vince.

Napakagat labi ako. Mukhang hindi ko na kailangan lumabas pa, nagsasaya naman pala.

“Course he is! He can’t ditch us. Besides, I just came home. Babalik din akong Canada kaya kailangan kong masulit ang bakasyon.” segunda pa ng isa. “I need stories and photos to share with tita Sandra when I go back. I’m sure as hell tita will be happy.”

Siya siguro ang sinasabing kapatid ni Yohan. At nasa parehong bansa pala sila ng Mama ni Orrin. That’s nice..

Bumalik na lang ako sa kwarto at nanatili doon hanggang sa kinailangan na muli naming bumalik sa kusina. Nasa sala pa sila nang mapadaan kami. Magkatabi pa rin si Orrin at Vince at sa tingin ko nag-iinuman ang mga ito.

“Di ba iyong isa sa kasama nila Ma’am Yohan iyong kakilala mo, Crecia?” tanong ni Rose, kagagaling lang sa labas at may dalang hugasin.

I was washing the plates, Aling Nancy is making macaroons and Lea is helping her together with Cecil.

“Ah, oo..” I murmured.

“Oh, bakit narito ka at wala roon? Hindi ka inimbeta?” Lea probed more.

“Trabaho naman ang pinunta ko rito. Iyong si Orrin, kilala niya sila Ma’am Yohan kaya dapat lang na naroon siya.”

Kinuha ko ang nilahad ni Rose na maruming plato.

“I don’t belong with them, this is my place.” I added, smiling at Rose.

Napanguso siya. Naibaling din naman sa iba ang paksa nila. Tahimik na lang akong naghugas ng pinggan. Saktong kakatapos ko lang nang pumasok si Vince sa kusina.

“Wala na kaming yelo. Pwedeng makihingi?” she asked, directing at me.

Nilingon ko si Rose at lunod ito sa kung anong pinag-uusapan nila ni Lea. Wala rin si Aling Nancy, kakalabas lang. Si Cecil lang ang nakapansin kay Vince na pumasok.

“Ice cubes will be enough and can I get a glass of fresh lemonade?”

Binaling ko ulit ang tingin kay Vince nang muli itong magsalita. Her second question caught Rose and Lea’s attention. Katulad ko’y nasa kaniya na rin ang kanilang atensyon.

“Ice cubes po?” aligagang tanong ni Rose.

Vince smiled and nodded. Dumiretso si Rose sa ref at kumuha roon ng ice cubes.

“Ako na lang ang gagawa ng lemonada.” I volunteered.

Kanina pa kasi tingin ng tingin si Vince sa akin. Hindi lang naman agad ako nakagalaw para ihanda ang yelo niya dahil itatanong ko pa sana iyon kay Rose. But I have no time to ask since her second request was raised.

“Thanks, Crecia. Pakihatid na lang sa sala, magbabanyo lang ako.”

Napatango ako. Sinimulan kong gawin ang juice niya. Umalis naman si Rose para ihatid ang mga yelo. After doing her lemonade, I went out of the kitchen. Wala pa si Vince sa living room at hindi pa yata tapos mag banyo.

I hastily spotted Orrin’s broad shoulder. Nakatungo ito at parang natutulog. Habang ang mga kasamahan nito ay aktibo pa.

I neared them, and my hunch was right. Orrin’s eyes were closed as if sleep. But when my gaze dropped on his hands, I realized he’s not really sleeping. Pinapaikot-ikot nito ang cellphone sa dalawang daliri. Nakapikit lang ang mga mata pero hindi naman talaga tulog.

“Gusto ko rin ng juice, iyong orange juice sana.” untag ng babaeng kasama ni Vince kanina.

Kababa ko lang ng lemonada sa mesa nila. Kahit ang isang babae ay gusto rin yata batay sa ekspresyon ng mukha.

“Me too! Lemonade rin,” segunda nito. “How about you, Yohan? Juice?”

Nakatayo ako sa gilid ng sofa malapit sa pwesto ni Orrin. His eyes were still closed, the movements of his fingers continues. My eyes narrowed on the glass in front of him full of liquor. Hindi man lang nabawasan. He’s not drinking, or..

“No. I’m good.” sagot ng Yohan saka tinuon ang atensyon sa dalawang kausap na lalaki.

Ngumiti ako sa dalawang babae. Bumuka ang mga labi ko at magpapaalam na sana nang makabalik si Vince.

“Thanks again, Crecia. Pupunta na lang ako sa kusina kapag may kailangan pa,”

Vince walked passed me and sat on the space beside Orrin. Kakaupo niya lang nang mapansin ko ang pagmulat ng mga mata ni Orrin. Natigil din ang ginagawa nitong pagpapaikot sa sariling cellphone saka mabilis na nag-angat ng tingin.

Because I was staring at him, he immediately found my eyes. Bahagyang namumula ang sulok ng mga mata niya.

“Nagpagawa rin kami ng juice. Hindi mo sinabing iyon ang sadya mo kanina, ‘di sana mayroon na rin kaming maiinom ngayon.” The lady beside Vince said, the one asking for orange juice.

“Here, you can have mine. Magdadala na lang ulit ng para sa akin si Crecia.”

Natuwa ang babae at agad na kinuha ang baso.

“Stop ordering her around. Get it yourself.”

I was stunned when Orrin’s cold voice followed. Kahit sila Ma’am Yohan ay natigilan. Nabura ang ngiti sa labi ni Ma’am at ang dalawang lalaki ay natahimik. Iyong babaeng akmang iinom na ng lemonada ay natigil din sa ere.

Vince chuckled dryly. “Katulong siya rito, Archi. Tama lang na uutusan ko,”

Orrin snapped his head to her side. My heart throbbed. Lalo pa nang balingan ako ni Ma’am Yohan at pumasada ang tingin sa kabuuan ko.

“U-Uh, Orrin ayos lang. Trabaho ko naman ‘to..”

Pansin ko ang panliliit ng mga mata ni Ma’am Yohan habang si Vince ay nakangising nag dekwatro pa.

“Crecia came here as a helper. Hindi ba dapat lang na tugunan niya ang anumang gusto nating...mga bisita?” 

Tumango ako, sang-ayon doon dahil tama naman.

“See? She even agreed of her role being a maid—"

“Moren’s not a fucking maid, Vince.” Orrin interrupted, groaning.

“Bro, she is. She’s not related to the Castillo family.” sabi naman ng lalaking mahaba ang buhok.

Totoo naman iyon at walang masama sa katotohanang iyon. Pero sa paraan nang pag-igting ng panga ni Orrin at matalim na tingin, halatang hindi nagugustuhan ang mga binabatong salita sa akin.

“S-Sige.. b-babalik na lang ako para dalhin ang mga inumin niyo,” I said nervously.

Kalahati na ang bawas sa iniinom ng babae at mukhang nauuhaw na rin si Vince kaya kailangan ko nang magmadali. I was about to turn around and leave when Orrin spoke again.

“I should leave then and attend to your demands as we both came here for the same fucking reason." nag-amba itong tatayo nang pigilan ni Yohan.

“Dalawang baso pa lang ang nainom mo, lasing ka na. You’ve got a low tolerance in alcohol, huh.” nailing itong natatawa.

Orrin doesn’t find it funny though. Seryoso pa rin ito at walang bakas ng tuwa sa mukha. Yohan pouted  when she saw it. She look up to me and the playfulness in her eyes dissapered.

“Sa iba mo no lang ipagawa ang inuutos nila. Makaalis ka na,”

Napatango ako at mabilis na tumalikod. Lasing na ‘yon? Nalasing sa dalawang baso ng alak?

I didn’t remember asking Dara about him on this matter. Hindi ko rin matandaang nakita itong umiinom sa bahay nila, kaya baka nga mababa talaga ang tolerance nito sa alak at agad na lasing.

He just made a scene for Christ sake! Trabaho ko naman talaga iyon at malugod kong gagawin. It’s not as if it’s a heavy task, but Orrin made it appear like that! Nakakahiya tuloy. Baka kung anong isipin nang mga nakarinig.

Pagkabalik sa kusina, si Rose na lang ang sinabihan kong magdala ng juice sa sala. From then on, I didn’t dare walking out of the kitchen. Nakabalik si Aling Nancy at nagpatuloy kami sa pagluluto. We only cooked four dishes because someone from the backyard was cooking the rest. Gumawa na rin kami ng desserts kaya hindi nakakapagtakang naabutan kami ng alas dos nang umaga. It was exhausting. Pero sabi nila hindi naman magiging ganito kalala ang trabaho mamaya.

Wala na sila Orrin sa sala pero buhay na buhay pa rin ang nag-iinuman sa labas. Pagkarating sa silid, hindi agad ako natulog. Si Rose ay pagod na pagod na yata’t bagsak agad sa kama. I’m tired too but still have the energy to change my clothes into a comfortable one.

“A-Anong ginagawa mo rito?”

Hindi rin agad ako nagtagal sa banyo at agad bumalik nang makita si Orrin na nakahilig sa pader, malapit sa pinto ng kwarto namin. Orrin glanced at me as he stood firmly. I notice the weariness on the way he look. Magulo din ang buhok at parang kagigising lang.

“I was checking on you.” his voice came out to be husky as I neared him.

“You’re drunk, Orrin. Matulog ka na.” I said in a monotone. “Sa taas ang kwarto mo, kaya mo bang umakyat ng hagdan? Parang isang ihip na lang ng hangin, babagsak ka na.”

“I refuse to occupy the guest room, my room is there.”

Tinago ko ang gulat sa mukha nang ituro nito ang pangatlong pinto. Sumulyap siya sa akin, namumungay ang mga mata at halata talaga ang kalisangan!

“Drunk people cannot think rationally, and I am not.” he said sighing. “I’m sorry about earlier. It pissed me hearing someone ordering you around when you already got lots of work. Hindi ka pa nga nakakapagpahinga.”

“Pero trabaho ko rin naman ‘yon, hindi ka na sana nakialam pa.” mahinang bulong ko.

Orrin chuckled. Nailing ito na tila nakakatawa ang sinabi ko.

“Let’s just rest for now. Huwag muna natin pag-usapan iyon at matulog na lang, maaga pa tayo bukas.” bumuntonghininga ako.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto pero hindi pa rin ako pumasok at hinintay siyang makaalis. Seconds stretched and all he did is to stare at my face. Tumikhim ako at muling tinuro ang kwarto niya pero hindi man lang ito natinag.

“Tomorrow..” he started, not looking away. “Pagbalik natin sa Cali, hindi na ako makikialam katulad ng gusto mong mangyari.”

My heart thumped. His gaze were soft, gentle along with his voice. I couldn’t take the gentleness on his eyes that I leveled my eyes on his chest.

“Sa ngayon hayaan mo muna akong pakialaman ang buhay mo. After this, I’ll treat you like a ghost. I’ll ignore like I always do. I’ll stick to my place, and never would dare crossing the line you were saying.”

I bit the inside of my cheeks. My chest suddenly feeling heavy. Tama. Ganoon nga ang gawin mo..

“Trust me, I can do that. I’ve already done that before and it won’t be fucking hard. Just not this day. Not today.” Orrin said clearly, like an oath. "For the last time, allow me to break through  the boundary."

I convinced myself it’s for the better. Iyong ang tama. Ayaw kong isipin ni Mama na may nangyayari sa amin ni Orrin kahit wala naman talaga. Kung ang hindi ko pagkausap sa kaniya ay magpapatigil sa mga iniisip ni Mama, mabuti na rin ‘yon.

I slept for two hours only. I was having a hard time sleeping after the talk I had with Orrin but thankfully, I managed to get it off my mind. I was already up as early as six o’clock. Araw na ng pyesta at umagang-umaga abala na ang lahat ng kasambahay. Kahit ako ay hindi na mabakante. Paroon at parito, sinisigurong lahat ay nasa tamang ayos.

“Anong oras kaya ang simba nila rito?” tanong ko kay Lea.

“Mayroon mamaya, alas nuebe saka alas onse. Sa hapon din, last mass.”

Napatango ako. Balak kong magsimba pero mukhang hindi naman mangyayari sa daming trabaho. Baka bumisita na lang ako sa simbahan bago kami umuwi.

It was around nine in the morning when I saw Orrin. Nagdidiskarga siya ng mga case ng beer kasama ang dalawa pang lalaki. May truck na nakahinto sa tapat ng bahay at puno iyon ng mga inumin.

Pinagsawalang bahala ko iyon at nagpatuloy sa pagpapalit ng mantel. Ako lang ang nasa frontyard, iyong may mga tent at inuukupahan kahapon ng mga bisitang nag-iinuman at nagkakantahan. We already clean the whole area and just changing the table cloth.

“I’m going to the church later. You wanna come?”

Halos mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot si Orrin mula sa likod ko. Dinungaw ko ang harap at napansing hindi pa sila tapos sa pag didiskarga ng mga alak.

“Para ka talagang boss dito, kita mong hindi pa kayo tapos iiniwan mo lang ang mga kasamahan mo.” sikmat ko.

Orrin peered to where I was looking. It was only for a brief moment as he dropped his gaze on me again.

“Tutulong ulit ako.” anito sa kalmadong boses. “So? Sasama ka o hindi?”

I gathered the used table cloth in my hand. Isang lamesa na lang ang papalitan ko ng mantel at babalik na ulit ako sa loob.

“Hindi ba may pupuntahan kayo nila Ma’am Yohan?”

Narinig ko sila kahapon at kailangan daw kasama siya para na rin may ipakitang litrato si Ma’am sa Mama niya pagbalik ng Canada.

“I’m not here for a vacation. I’d rather took a nap.”

Napanguso ako. “Pero kailangan daw diba ng litrato para sa Mama mo,”

Orrin tilted his head, still eyeing me.

“Tumatawag si Mama at kung pictures lang naman, I can send her my own even yours.”

I glared at him. He smirked though, looking so amused.

“Bumalik ka na nga doon! Nag tatrabaho ako, isturbo ka.” pagtatabuyan ko rito.

“I need an answer first. Beside, I already told Tita we’ll be leaving early so we can catch the last trip of the bus. May pasok pa tayo bukas.”

“Pwede ba ‘yon? Eh, marami pang trabahong kailangang gawin.”

Kung aalis kami rito ng alas kwatro makakahabol kami, iyon ay kung hindi punuan. Pero pyesta ngayon, maraming tao at tiyak na agawan ang mga bus sa terminal pauwi.

“Naintindihan niya, Moren. Isa pa bago tayo magpunta rito, alam na niyang uuwi tayo ng alas-tres. They have people here to do the work. It’s not much unlike yesterday.”

“Anong oras ka ba pupunta ng simbahan?” tanong ko na lang.

Tumingin ito sa itaas na parang nag-iisip.

“O kaya mamaya na lang pag-uwi natin. Dumiretso tayo sa simbahan bago terminal.” I said before he could even say a word.

Orrin nodded his head, agreeing to it.

“Alright, then. Three PM and we'll head first to the church.” he confirmed.

Pinaalis ko na rin agad ito at muling tumulong sa pagdidiskarga. Sa buong umaga, nasa bahay lang ako ng mga Castillo. Pumatok ang mga bisita nang matapos ang mesa at walang tigil na ang pagdatingan nila.

We were so busy to even have our own lunch. Ang plano kong pagkain ay laging naantala sa tuwing may dumadating na bagong bisita. It was not surprising since the man of the house is a captain. Nalaman ko pang kapatid pala ng Mayor si Ma’am Christene kaya hindi na talaga nakakapagtakang halos mapuno ang loob at labas ng bahay nila.

“Pinabibigay sa’yo,”

Nasa harap ako ng lababo, naghuhugas ng kamay nang pumasok si Rose at may dalang platong puno ng pagkain.

“Sa akin?” naguguluhan kong tanong.

Nakangisi itong tumango.

“Kumain ka na raw sabi ng kaibigan mo. Siya ang pumili ng mga ‘yan,”

Confused, I still accepted the plate. Nagugutom na talaga ako at ala-una na. Mabuti na lang at kaunti na ang bisita at nagkaroon ako ng pagkakataong makaalis.

Isang tao lang ang naiisip kong magbibigay ng pagkain. Hindi nga ako nagkakamali ng sinabi nitong ang kasama ko na dumating kahapon ang nagbigay. Sana lang ay kumain na rin siya.

Nagpahinga muna ako ng ilang minuto nang matapos kumain bago bumalik ulit sa pag tatrabaho. May nag-iinuman na ulit sa labas ng bahay maging sa likod. Puno rin ang sala. Hindi ko pa nakikita sila Vince at mukhang wala rito. Baka tumuloy sa pinag-usapan nila kagabi.

“Maraming salamat po, Ma’am. Happy fiesta po ulit.” I said smiling at Ma’am Christene.

Dala ko na ang gamit, kasalakuyang nagpapaalam sa kaniya. Magkasama kami ni Orrin at binigay na rin ni Ma’am ang sweldo ko na nasa loob ng isang sobre.

“Mag-iingat kayo.” ngumiti siya.

Kamukha niya si Yohan, habang si Irene ay nagmana sa ama.

“Huwag kayong mag-atubiling bumisita sa kahit anong oras at panahon. Bukas ang tahanan namin,”

She’s welcoming, like Irene. We rarely interact but I can tell that she’s kind. Kahit sa mga kwento nila Rose, mabait daw silang mag-asawa. Ayon pa nga sa kanila, ika-tatlong termino na ng pagiging kapitan ni Sir Demetrio.

The people adore him as their captain. I guess he’s a good leader for being elected that three consecutive term.

Gusto ni Orrin na sumakay kami ng tricycle pero hindi ako pumayag. Malapit lang naman daw ang simbahan kaya ginusto ko nang maglakad. Kahit halos nakatayo lang ako buong maghapon, giniit kong lakarin na lang namin.

Katulad sa tuwing pyesta rin sa Isla Cali, maraming tao sa kalsada. Samo’t sari ang binibenta sa gilid ng daan. Mga batang naghahabulan, nagtatawanan at ang iba’y may dala pang mga baril na laruan.

“We have no umbrella, but this will do.”

I stopped from walking when Orrin put his cap over my head.

“Kahit alas tres na, mainit pa rin.” he whispered crouching, adjusting his cap ensuring it will fit.

My lips parted, stunned at his moves and the fact that our faces are only a few inch apart. His head is angle in my right side, his breath fanning my right cheek.

Sinisilip nito ang likod ng ulo ko kung nasaan ang pag adjust ng sombrero niya. Maya-maya lang ay natapos ito at umatras.

“I don’t remember seeing you wore a cap but it suits you.”

Pumasada ang mga mata nito sa buong mukha ko habang para akong natulos sa kinatatayuan at hindi man lang makagalaw.

“Parang lahat ng pag-aari ko, bumabagay sa’yo..” he trailed off, smirking. “Does it mean, bagay tayo?”

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro