Kabanata 6
Work
Years of being friends with Sandara, I perceive Orrin Arhibad being the snob of all snob born in this island. Iyong tipong kakausapin ka lang kung may mahalagang pakay o kung hindi mo uunahan. Unless you initiate the conversation, that's the only time where you'd hear a word from him.
He's not friendly at all. You will see him with his four closest friends, whom his bandmates. Wala rin akong nabalitaang nasangkot sa gulo ang lalaki. But those years I've been with Dara, are enough validation that he's somewhat..kind. Yes, he exudes arrogance sometimes but the way he treat his sister, and Eira is something.
Siguro, dahil sa naging pag-uusap namin noon, na pinamukha niya sa akin ang ginawang pagtulong kaya nag-iba ang tingin ko sa lalaki. And now he's apologizing. Owning up to his mistakes. Admitting he have done wrong...
I don't know his side of story, but hearing him tonight is already enough. What matters is he knew to himself that his actions, or previous reaction is uncalled.
"Sigurado kang makakauwi ka ngayon, ah?" si Rile nang matapos ang shift namin. "Pwede ka naman sa apartment namin, alam mo naman ang address punta ka lang kapag wala na."
"Oo, maraming salamat ulit. Ingat kayo pauwi,"
Kasama ni Rile si Mae na aalis ng resto. Magkaibigan sila at panatag akong uuwi siya na may kasama. Naunang lumabas ang banda nila Orrin, dahil kinailangan pa naming mag-ayos at maglinis sa buong lugar.
Orrin saw me approaching and he straightened his back. Nakasandal siya kanina sa sariling motor, katabi si Mark at may kung anong pinag-uusapan. Habang si Adones at Eira ay parehong nag seselpon. Mark glanced at me when he sensed that Orrin is not paying attention to him as his gaze is drawn by me.
Tinapik niya ang braso ni Orrin saka ito umalis. I licked my lower lip, suddenly feeling cold. Ni hindi man lang nag-iwas ng tingin si Orrin at nagawa pa akong salubungin!
"We will eat first. We'll stop by at a—"
"Hala hindi na ako sasama! Kahit kayo na lang, hintayin ko na lang kayong matapos." putol ko sa sasabihin niya.
"Kasama ka. Hindi kita iiwan dito." he said, determined.
I shook my head. "Busog pa naman ako. Ayos lang kung.. kayo na lang ang kumain."
His eyes squinted. May pakiramdam akong hindi na naman ito papayag at ipipilit ang gusto. Nag snack naman kami kanina at sapat na iyon. Oo may parte sa aking nagugutom lalo pa at alas diez na. Malapit nang mag alas onse at ang huling kain ko ay 'yong sa bahay pa.
"You've work a lot today, it's better if you'll have something to fill your stomach before we head home." Orrin said before he looked away. "Para rin...agad kang makapagpahinga pagkauwi."
"Really, I'm fine. Huwag niyo na akong alalahanin at dumiretso na lang kayo sa plano niyo. Habang wala kayo, susubukan kong maghanap ng sasakyan baka mayroon pa."
Sa puntong ito, alam kong wala na at tanging mga pa special na lang. Hindi rin naman ako sasakay doon at baka iyon lang ang magdala sa sweldo ko ngayon gabi.
"Ihahatid kita pauwi. Hindi mo kailangang maghanap ng sasakyan." he peered at me again, looking unpleased.
Siya nga, pero itong isasama pa akong kumain, hindi pwede! Mas gugustuhin ko pang maghintay dito kaysa saluhan sila.
"It's my treat, Crecia don't worry."
Lumapit na rin si Eira at Adones sa amin.
"Nagugutom kasi ako. I'm craving for samgyup. I'd be glad if you will join us. Nakakasawa kasi seeing their faces always, gusto ko namang bago. And you're here!"
Napakagat labi ako. Nilingon ko si Orrin na pinag-aaralan ang mukha ko, nag-aabang sa magiging sagot ko.
"I always see you around the school and we've been together during the Monhin trip, right? Gusto kong makasama ka at makilala ka, like we're friend too. Kaya sama ka na, hmm?" Eira was smiling widely.
"Nakakahiya kasi...maayos lang naman kung iwan niyo na lang ako rito at kumain na muna kayo. Dito ko na lang kayo hihintayin."
"What?" she chuckled. "There's nothing to be embrass, Crecia. Please don't think of us differently. We know each other, and like I said, I wanted to be friend's with you. I'm certain naman we will see each other more often." aniya pa saka nilingon si Orrin.
I swallowed hard. Torn between agreeing or not.
"We didn't eat proper food din kasi before going here. Katatapos lang naming mag work sa research and we just ate snack. Naubos ang energy namin sa performance and now all of us are hungry."
"Huwag ka nang mahiya, Crecia. May ipapakilala ako sa'yong—"
"Shut up." Orrin snapped his head to Adones, cutting his words.
Humalakhak si Adones. Pabirong hinampas ni Eira ang lalaki sa dibdib, nangingiti. Bumuntonghininga ako. Eira si patiently waiting. Nakakahiya talagang sumama pero nakakahiya ring tumanggi kay Eira. Minsan lang kaming magkita at totoong mabait siya.
"S-Sige..sasama ako."
It's just a dinner right? Saka hindi pa rin sila kumakain. Naantala ang pagkain nila ngayong panay ang pagtanggi ko. Idagdag pang hinintay nila akong matapos.
May kotse si Eira at doon silang tatlo sumakay habang kasama ko si Orrin sa motor. He urged me wear his helmet. Wala siyang suot ngayon at kahit anong tanggi ko, hindi ito nagpatinag.
"Dalawa naman ang helmet mo, bakit palagi mong iniiwan ang isa?" tinanggap ko iyon sa huli.
"I didn't know I'll see you here. Di sana dinala ko na,"
I wore the helmet. He was watching me from the rearview mirror and would sometimes glanced at his back.
"Next time, better to bring the other one. Hindi pwedeng ako lang ang may suot.."
I saw his lips stretched for a smile.
"I'd better do that, huh? Para pareho tayong may helmet na." aniya, ngayon may nakapaskil na ngiti sa labi.
"Mas safe pa rin kung may suot na helmet kapag nagbibiyahe." I said, confused at his sudden smile.
"Yeah, especially if you're with me. I don't want to risk it. For now, settle for it. Huwag mo na akong isipin.."
Tumango ako sa gitna nang pag-aayos ng helmet.
"Alright. Sa susunod na lang.." pag-uulit niya, hindi mabura ang ngisi sa labi.
Naunang nakaalis ang kotse ni Eira. Humabol na lang kami at mukhang alam naman na ni Orrin kung saan. The drive took us only fifteen minutes before reaching the only Korean inspired restaurant in downtown. Isang beses na kaming kumain ni Joshua sa restaurant na ito at hindi na iyon naulit pa. Sa iba na pinili ng lalaking kumain kapag may date kami.
"Do you want to eat somewhere else?"
Katatanggal ko lang ng helmet nang itanong iyon ni Orrin.
"It's past 10 now. Kaunti na lang ang bukas na kainan pero baka may ibang lugar ka na gustong kainan? We can go there, they might still be open."
I stilled for a moment. Nabibigla na tinatanong niya ang opinyon ko gayong sinama lang naman ako. And it was Eira who's wanting to have samgyup, sampid lang naman ako kung tutuusin.
"Ah, hindi na kahit dito na lang." I said after a while.
Binigay ko sa kaniya ang helmet pabalik. Lumabas na rin sila Eira sa kotse. Siya ang driver. Iniwan ko si Orrin na inaayos pa ang helmet at sinalubong sila. Iba talaga kung may pera ka, makakain mo lahat ng gusto mo.
Nag crave din ako ng spaghetti nang isang araw, eh. Pero Lucky Me noodles lang ang na afford ko.
"You're not a regular on that resto, right? Ngayon pa lang kita nakita." si Eira.
Nasa loob na kami, nakaupo at naghihintay na maluto ang mga karne at iba pang pagkain. It was the boys grilling at kami ni Eira ay nakaupo lang, nag-uusap. Though, we have appetizer. Si Eira ang nag-order para sa aming dalawa at baka gutom na raw ako.
"Ngayong gabi lang, absent kasi ang isang crew nila at nagkataong tutugtog kayo. Kailangan daw ng maraming waitress." sagot ko naman, nasa niluluto ang mga mata.
"Syempre kami na 'yon, Crecia. Walang tatangging panoorin kami." si Adones saka binaliktad ang isang hiwa ng karne.
"Ang galing niyo nga kanina. Kung magtuloy-tuloy kayo, sigurado marami pang tatangkilik sa banda niyo."
"We're not after the fame. We play for a reason deeper than that. But yeah, you got a point. Ngayon pa nga lang, the girls are going crazy everytime Adi would wink at them." ani Eira.
"Wow, ako na naman ang nakita mo! Hindi ko namang kasalanan na sobrang gwapo ko, ikaw talaga." Adones shook his head.
"It's because you're a flirt. Sumbong kita, eh." pabirong umirap si Eira sa kaibigan.
Tumawa lang si Adones. Orrin was serious flipping the meat to check if it's already cooked or not. Si Mark ay paminsan-minsang pumapalit kay Adones lalo pa kapag nag seselpon ito.
Eira's group is known in the school. Maraming kaibigan si Eira given that she's friendly, sila ni Adones. Ang makasama sila sa isang lamesa, kakain at ilibre pa ni Eira...Brix would freak out if he hears this. Crush na crush no'n si Eira at kahit nang magkasama kami sa Monhon, hindi na iyon mapalagay.
"Uh.. s-salamat," I said when Orrin put pieces of cooked pork belly on my plate.
Wala siyang sinabi at naglagay na lang ng pagkain sa sariling plato nito. Si Adones ay naglagay din sa plato Eira at nag-usap na ang dalawa. While Mark instantly eat in silence. They are already eating but I can't seem to lift a finger. I was still overwhelmed with the fact that I'm on the same table with them. Nilibre pa at nakausap sila na ganito kalapit.
"You don't like it?" biglang tanong ni Orrin.
Palipat-lipat ang tingin niya sa plato ko at sa mukha ko na tila pinag-aaralan ang reaksyon ko.
"Hindi! G-Gusto ko. G-Gustong gusto, Orrin.." nauutal kong sagot.
"You're not eating. Maybe you like something else?" he probed more.
I shook my head. My eyes wandered around and my face heated when the three of them are observing us. Kahit si Mark ay nasa akin na rin ang paningin!
"Tell us, Crecia. We can order your desired foods if these doesn't appeal to your appetite." ani Eira sa akin, nawala na sa kausap ang atensyon.
I shook my head again. Hindi lang naman ako kumakain dahil nahihiya pa ako, hindi sa hindi ko gusto ang ulam.
"Okay lang talaga. Huwag niyo na akong alalahanin, kumakain naman ako nito! Hindi na kailangan mag order ng bago.."
I glanced at Orrin who's watching me critically. Binasa ko ang pang-ibabang labi, nag-isip ng magandang dahilan para hindi na sila mag-alala pa.
"Minsan lang akong makakain dito kaya naninibago lang ako, at medyo nahihiya rin sa inyo." I admittedly added.
"As what I've said, you have nothing to be ashamed of, Crecia. If there's anyone who should be feeling that, it's us. We're even grateful having you here, and I hope this won't be the last. I'm really looking forward to bond with you in the following days." Eira smiled.
My heart warmed. No wonder a lot of people are admiring her. She's the epitome of kindness. Pakiramdam ko nga hindi siya marunong magalit. Does it even appeared on her vocabulary?
"Sabihin mo lang kung may iba kang gusto. Huwag kang mahihiya. There's no room for it if you're with us." Orrin said in calm tone.
I smiled. Adones on the other hand was grinning from ear to ear. Naubos nito ang tubig sa baso saka humilig sa lamesa, nakangisi.
"Bilib na talaga ako sa'yo, Crecia. Palaging maraming sinasabi ang kaibigan ko kapag kasama ka, 'no? Akala mo makata kung makatu—"
"Adi!"
Adones stopped midway, laughing when Eira slapped his arm. Kumunot ang noo ko. Natatawa ito at kumindat lang nang makita ang reaksyon ko sa mukha. Eira smiled though. I peered at Orrin who's throwing daggers at his friend. His jaw is tightly clenched, obviously not getting his supposedly joke.
"Ikaw naman ang tinutukoy ko. Hindi si Archi, diba bro?" baling ni Adones sa kaniya, hindi mabura ang ngisi sa labi.
"Why don't you eat na lang, Adi? Dami mong sinasabi." ani Eira dito.
Mahina akong natawa. The kept on teasing each other. Nakakatuwa silang pagmasdan. Naibaling lang sa iba ang mga mata ko nang maramdaman ang paggalaw ni Orrin.
"Focus on your food. Hindi ka mabubusog kung papanoorin mo lang sila." aniya sa mababang boses.
He didn't bother lifting his gaze from me and faced the table again after putting another meat on my plate.
Tumango ako saka tinuon nga ang atensyon sa kinakain.
Hindi natigil ang sagutan ni Adones at Eira. Minsan sinasali pa si Mark. Orrin and Mark seemed so used at the two. Natapos na lang kami at papauwi na, silang dalawa ang mag-usap at mag bangayan. Na kahit si Mark napapadalas na rin ang pagsasalita.
I was even flabbergasted when I heard him laugh. Hindi lang simpleng ngisi, tawa 'yon na may tunog. It was so unusual for me. Parang ang hirap niyang pasayahin sa pagiging seryoso, pero ang dalawa napakadali lang.
"Hanggang ngayon wala ka pa ring balita sa jowa mo?" Naupo si Mama sa kama ko at pinagmasdan ang ginagawa ko.
"Ma, hindi ko na po boyfriend si Joshua." apila ko sa sinabi niya.
Noong biyernes, kasama pa sila Eira nang hinatid ako ni Orrin. Lumipas ang sabado at tinulungan ko lang si Mama sa paglalaba. Ngayong linggo na, naabutan niya akong naglilinis sa kwarto at iyon ang binungad niya sa akin.
"Anong hindi? Bakit sinabi ba niya sayong hiwalay na kayo? Hindi pa diba?!"
From my peripheral vision, I saw her stood. Nakatayo ako sa bintana, pinupunasan ang jalousie nang lumapit siya.
"Hanga't hindi niya sinasabing hiwalay na kayo, boyfriend mo pa rin ang batang 'yon. May karapatan ka pa, bilang ikaw ang girlfriend."
Bumuntonghininga ako.
"Siguro naman ginagawa mo ang lahat para mag-kaayos kayo't balikan ka? Nako, babalik 'yon! Hindi 'yon magtatagal sa Maynila at hindi ka no'n matitiis!"
Hearing my mother say those words, feels ridiculous. Matagal na nang umalis si Joshua. Akala ko rin pagkatapos ng pag-uusap namin, maliliwanagan na si Mama sa nangyari sa amin. Bakit inuungkut na naman niya lalaking iyon?
He doesn't even cross my mind these past few days. I was too preoccupied with work and other stuff that I forgot about him.
"Gawin mo ang lahat para balikan ka niya, anak.."
I felt her caressing my back making me stilled. Nilingon ko si Mama na ngayon ay nakangiti na. My heart warmed seeing it again. But it was only shortlived with her following statement.
"Kailangan ng ate mo ng pera. Kung sana jowa mo pa ang batang 'yon matutulungan niya tayo katulad noon. Pero hindi bale, sumama ka na lang sa akin mamaya sa mga Sy at uutang muna tayo."
"Ma, ang dami na nating utang sa kanila! Mababaon na tayo kung magpapatuloy 'to!"
The smile on her face faded and her face turned murderous.
"Kung sana pinagbutihan mo ang pagiging girlfriend sa batang Sy, wala sana tayong problema! Madali tayong makakahingi ng tulong sa kaniya. Pero anong ginawa mo? Sa halip na makatulong, dumagdag ka pa!"
I groaned, frustrated. Naibaba ko ang pamunas at tuluyan siyang hinarap.
"Hindi naman po mabuti na lagi tayong aasa kay Joshua at sa pamilya niya, Mama. Nakakahiyang palagi na lang tayong uutang sa kanila kapag kai—"
"Uunahin mo pa talaga 'yang hiya kaysa sa ate mo? Kakasabi ko lang diba? Kailangan niya ng pera at walang-wala tayo ngayon! Mabuti sana kung malaki 'yong naibibigay mo, ni hindi nga 'yon makakabili ng limang kilong bigas!"
Umawang ang labi ko, hindi makapaniwala sa mga naririnig sa kaniya.
"I've worked hard to earn that money, Mama.. kahit maliit at pipiranggot, mabuti na po 'yon kaysa sa wala.." I whispered, feeling hurt that she have to belittle my earnings.
"Oo nga pero hindi pa rin 'yon sapat! Kaya nga sasama ka sa akin para mangutang mamaya. Kilala ka ng pamilya ng jowa mo, hindi sila mag-aatubiling mag-abot ng tulong!"
I looked away. My chest tightening.
"Eh, 'yong si Aseng, mas inuna pa ang lakwatsa kaysa magbigay ng suporta sa anak. Binalita sa akin ng ate mo na nakita raw niya sa Cebu ang mag pamilya, ni hindi man lang siya inimbita at ngayong hinihingan ng pera, walang maibigay!" gigil niyang tinuran.
"Kailangan ng pera ng ate mo, hindi pwedeng wala tayong maibigay at napakalayo no'n! Pasaan pa't ngayong taon na lang naman ang gastos niya. Magtatapos na siya at makakatulong na sa atin.."
That seems to be the only consolation we have. Ilang buwan na lang, graduate na siya at matatapos din ang paghihirap namin sa pera.
"Magkano po ba ang kailangan ni ate?" napapaos kong bulong.
Maybe there could be another way. Marami nang utang si Mama sa mga Sy at hindi pa nga sumasapat ang ginawang paglalaba namin. Ayaw kong madagdagan na naman ang lista niya kung magagawan naman nang paraan.
"Limang libo, may proyekto daw sila na kailangan ipasa ngayong linggo."
Napapikit ako. Limang libo... napakalaking halaga naman.
"Rush po ba 'yan? Baka pwede hanggang martes, Mama? May ipon ako riyan, ibibigay ko lang muna at maghahanap ako ng trabaho mamaya saka bukas.."
I licked my lower lip. Ni hindi ko pa alam kung may trabaho bang naghihintay sa akin. Bahala na.
"Huwag na po tayong mangutang sa kanila, Ma. Gagawa po ako ng paraan. Makakalipon din tayo ng limang libo. Kahit hanggang sa Martes lang...ibibigay ko sa inyo ang pera agad."
I have no idea where to find the money except for part time job. Ngayon at bukas na lang din ang panahong mayroon ako para makalipon ng ganoong kalaking halaga ng pera.
Mabuti na lang at pumayag si Ate Rowena na sa martes na lang magpapadala ng pera. The rest of the morning, I contacted my friends for a possible job they might know. Nag tanong-tanong din ako sa ilang mga kakilala kung mayroon ba silang alam na pwede kong pasukan.
"Here,"
Katatapos ko lang magtanghalian at agad akong dumiretso sa bahay nila Dara. She knows my problem and is helping me to find solution.
"Hindi—"
"Hindi 'yan libre. Bayaran mo ako pag makaluwag-luwag ka na. Maliit lang 'to but this will help. Magbibigay din sila Angela baka mamaya o bukas sa school."
I sighed. Three hundred pesos din ang nilalahad ni Dara sa akin.
"Sige na, tanggapin mo na. Para na kitang kapatid at ayaw kong nakikita kang nahihirapan diyan. May pera pa naman din ako, huwag kang mag-alala at hindi pa ako mamumulubi." she chuckled.
Huminga ulit ako nang malalim bago tinanggap ang pera.
"Salamat, Dara. Babayaran ko rin 'to. Patutubuan ko na rin, nakakahiya.."
Natatawa siyang pasalampak na naupo sa tabi ko.
"Hayaan mo na muna 'yan, sa ngayon mag-isip muna tayo ng paraan paano hahanap ng pera."
Kaharap na niya ngayon ang cellphone at may kung anong pinipindot doon.
"Itong pinsan ko, naghahanap daw ng tutor si tita para sa kapatid pero malayo, eh. Hindi kaya," she whispered, shaking her head.
I let my eyes surveyed the whole house and saw no trace of Orrin. Simula nang dumating ako, hindi ko pa nakita o narinig man lang ang boses ng kapatid niya.
"Marami nang nag reply sa post at message ko, pero nasa malalayong lugar naman.."
"Uh, Dara si Orrin?" I reluctantly asked.
Dara immediately fixed her gaze at me.
"Huh?" tanong niya na tila hindi ako narinig.
"Iyong kuya mo, wala rito?" ulit ko.
"Ah, yes! Kasama niya sila Eira ngayon, ay shoot! Tama!"
Nagulat ako nang bigla itong pumalakpak. Binaba niya cellphone sa lamesa saka ako niyakap.
"Alam ko na kung saan tayo kukuha ng pera! Si Eira, matutulungan niya tayo!" she withdraw herself from the hug, grinning.
Hindi ko pa makuha ang ibig niyang sabihin nang tumaya ito. She held my wrist and dragged me towards the door.
"I know where we can find the money. Mabuti na lang talaga at tinanong mo 'yan!"
Lumabas kami ng bahay at mabilis nag nagpara sa tricycle. She never elaborated where we're heading. Sobra rin ang saya sa mukha niya at nakakahawa iyon. I too, was too overwhelmed that finally we're going to end my misery. Despite the lack of information for as long as we now have ways to earn the money, it's alright.
"Anong ginagawa natin dito?"
Nagbayad si Dara ng pamasahe saka tiningala ang gate. Nakangiti pa rin siya na tila masayang-masaya na matatapos na ang problema ko.
"I already texted kuya. Siya ang susundo sa atin dito."
"Ano?" gulat kong usal.
Patingin-tingin ito sa loob, naghihintay sa kapatid. I heard her mentioning Eira's name but it didn't occurred to me that we are going to practically barged in their house.
"Tutulungan tayo ni Eira, mabilis lang at mag kakapera ka na." she said, not even glancing at me. "This is not for free. You'll still going to work, in exchange of money."
Naguguluhan man, tumango na lang din ako. Panatag sa narinig na pag tatrabahuan ko naman ang perang makukuha. I'm up to anything for the name of money. Mag iinarte pa ba ako? Basta naman legal 'to at walang ma-agrabyadong tao.
Hindi din nagtagal pinagbuksan kami ng guard at pinapasok. Seems like they're already informed about us. Ilang minuto lang din ang hinintay namin at dumating si Orrin lulan ng kaniyang motor.
Nagkatinginan kami. He was not wearing a helmet, making his face visible under the ray of the sun. Ala-una na at tirik na tirik ang araw. Sobrang init pero tila wala lang 'yon sa kaniya. His rouge features is on full display. The earring on his left ear is just impossible to miss. Simpleng plain white shirt at black pants ang suot niya na pinaresan ng Nike na sapatos.
"Hindi ka man lang nagdala ng payong, Kuya! Napakainit, gusto mo yatang masunog ang balat namin." reklamo ni Dara habang palapit kami.
"Arte mo, hindi ka naman nagrereklamo sa tuwing nasa beach kayo at halos wala nang matakpan 'yang katawan mo."
Dara laughed. Nauna siyang sumampa sa motor at sumunod ako.
"Kahit kailan talaga napaka supportive mo, kuya. Eh, syempre magkaiba 'yon. How do you expect us to dress when we're on a beach? Ano mag ja-jacket?"
Tahimik lang ako. Habang si Orrin ay hindi na nagsalita sa halip ay muling pinasibad ang motor patungo sa tanggapan ng bahay nila Eira. They have a long pathway before we could reach the main door. May fountain pa sa gitna.
Binusog ko na lang ang mata sa pagmamasid sa paligid. This is my first time going here. Nakakamangha ang lawak ng bahay nila. Para kang malulula sa laki at garbo. Here in Isla Cali, this is considered as one of the oldest and massive mansion. Matagal na ito at palaging ni-rerenovate na lang.
Nakakalungkot lang na sa laki ng bahay, iilan lang ang nakatira.
"Iyon lang ang gagawin ko?" I asked in disbelief.
Nasa library na kami. Naroon si, Eira, Orrin at dalawa pang kaklase nila na ka-grupo sa research. Iyon ang inaasikaso nila at sinisigurong matatapos bago pa man ang funding anniversary ng school.
"Hindi 'yan lang only. Printing and arranging the paper is hard, plus you have to make sure the margins and paragraphs were properly aligned. That's not an easy task." Eira elaborated more.
Nasa coffee table na si Dara at kumakain ng snack nila. Orrin is busy with his book, the other two are both facing their laptop while Eira is now setting the printer.
Ang gagawin ko lang daw ay mag print ng final manuscript nila, i-double check ang margin at posibleng errors kapag ma-print na kapalit ng dalawang libo. That's an easy money! Parang napaka unrealistic ng trabaho at pa-sweldo.
"We're almost done. References na lang ang lacking namin and we're good. We'll be finish early so you can rest na." sabi sa akin ni Eira at naupo sa sofa katabi si Orrin.
"Pero masiyado namang mahal ang ibabayad niyo sa akin kung ganito lang naman ang gagawin ko, Eira. Unfair 'yon,"
Eira chuckled. Nilingon nito si Orrin sa tabi pero hindi man lang siya tiningnan ng lalaki. She lifted her gaze at me, smiling.
"Assist Archi na lang. He's doing academic commissions. It's just the same but ako ang babayad sa'yo."
Orrin snapped his head to her. Eira smiled at him sweetly.
"She's complaining with the workload, Archi. Kulang pa raw, that's why she'll help you. Just the minor, say Crecia will be like your assistant. How's that?"
Tinanong niya iyon pero sa akin na nakatingin na parang sa aking humihingi ng permeso hindi kay Orrin. I tilted my head, thinking. Maayos na rin 'yon. Hindi na lugi sa dalawang libo na bayad kung isasama ang pagtulong kay Orrin.
"And oh, it's just an easy task. Before five pm, you'll be dismiss naman na. You have no obligation to us anymore." dagdag pa ni Eira.
"S-Sige, iyon na lang.." sagot ko saka ngumiti.
"Okay, for now you can take your snack while I prepare the files. I'll call you na lang ulit."
Iniwan ko sila sa at dinaluhan si Dara. I didn't eat though. Katatapos ko lang kumain sa bahay. Pinagmasdan ko na lang ang grupo habang naghihintay na muli akong tawagin ni Eira. Dara is busy munching the food. She would sometimes converse with me. Mabuti na lang at kasama siya, may nakakausap ako.
We're seated on the far corner of the library. Nasa gitna sila, sa tanggapan habang kami ay malapit lang sa may bintana. There are another set of sofa situated here, near the gigantic glass window with a coffee table.
"Ang sipag ng kuya mo, ano? Bukod sa pagbabanda, part time caterer sa ilang event, may pa academic commission pa pala." wala sa sariling untag ko, nakatingin kay Orrin na seryosong nagbabasa sa libro.
"Minsan nga binibiro ko 'yan baka may tinatagong panganay na. He's working his ass off, when he doesn't need to. Buwan-buwan naman nagpapadala si Mama at sumasapat iyon sa gastusin namin, sobra pa nga."
Iyon nga rin ang nakakapagtaka, hindi naman niya kailangan mag trabaho pero kabaliktaran ang nangyayari. Daig niya pa ako na mas nangangailangan ng pera.
"Perhaps for future plans? Or for his girlfriend? I don't know. Hindi na lang ako nangingialam basta't masaya naman siya sa ginagawa. Hindi rin naman naapektuhan ang pag-aaral niya kaya sumusupurta na lang ako."
I leaned on my seat, my gaze still fixated on him. Gwapo naman siya. Maganda rin ang katawan at matalino. He belongs to the top ten, even top five of their class. Masipag din at kung sa ugali, mabait naman. Minsan may pagkamasungit pero minsan lang.
He already apologize for the rude behavior before, and it's alright. Marunong siyang tumanaw ng pagkakamali, kay ang swerte ng magiging girlfriend niya kapag nagktaon.
"Bakit nahuhulog ka na?"
Napakurap-kurap ako nang maramdaman ang pagsundot ni Dara sa tagiliran ko.
"Huh?" I asked confused.
Hindi ko narinig ang sinabi niya. Her lips stretched for a menacing smile. Dara poked my cheeks, grinning.
"Sabi sa'yo si Kuya na lang. Full package na 'yan, sis. Wala ka nang hahanapin pa. Marunong 'yan magluto, saka maglaba. Magaling din sumayaw, nakita ko 'yan isang beses sumasayaw sa kwarto, eh. Gago ang swabe ng giling, parang babae!" humalakhak siya.
Hindi ko rin maiwasang mapangiti. I can already imagine him dancing, with that toned body and muscles. Damn, laughtrip siguro!
"Pero maiba ako, iyong ex mo 'di pa rin nagpaparamdam?"
I quickly ended the topic about him and it shifted to the up coming Founding Anniversary of the School. She has plans already. May naisip na rin siyang i-rerekomenda na booth para sa aming section. Iyon ang pinag-usapan namin hanggang sa tawagin na ako ni Eira.
My work is piece of cake and it became even more feasible with Dara. Tinulungan niya ako kaya mas lalong naging madali. When the clock strikes three in the afternoon, we're already done. At dahil kailangan ko pang tulungan si Orrin sa ginagawa, hindi pa ako agad nakauwi kumpara kay Dara.
I found myself sitting inside the only coffee shop in the island. Kaharap no'n ang CSU at madalas itong dumugin ng mga estudyante lalo na pag weekdays. But since it's weekend, there are only few people around.
Dito pinili ni Orrin na gawin ang natitirang commissions na kailangan niyang tapusin. It ranges from reflection paper, position paper, and some sort of activities. May thesis pa nga at slam book! Napakadali ng slam book pero hindi man lang magawa ng may-ari.
"Ano bang maitutulong ko?" tanong ko nang lumipas ang kinse minutos at nanatili pa rin akong nakaupo sa harap niya.
Abala siya sa pagsusulat at pagbabasa ng kung ano sa libro habang ako wala man lang ginagawa. Nag-angat siya ng tingin pero mabilis ding binalik sa binabasa.
"You can order us some snacks."
Binaba nito ang ballpen saka hinagilap ang wallet sa loob ng bag. Nagbigay siya ng limang daan. Tinaggap ko iyon bago tumayo.
"Ano bang o-orderon ko?" tanong kong muli.
He didn't clarify what to get and resumed on reading so I'd have to asked again. Ayaw ko mang isturbuhin siya pero kailangan.
"Ikaw ang bahala."
"Hindi pwede 'yan. Ano bang gusto mo at iyon ang bibilhin ko? Wala akong alam sa gusto mong pagkain o inumin. Sabihin mo na lang at iyon na."
I saw how his finger stopped from moving. Titig na titig ako sa kaniya na pati iyon napansin ko. After some time though, it move again like a robot controlled by a remote. Mabilis at parang hindi nagkakamali.
"Black coffee na lang, no sugar. You get whatever you want. Iyon lang ang akin."
Napatango ako. Akma na akong aalis nang may idagdag ito.
"Two slices of caramel cake. Make sure you bought something for yourself. Pababalikin kita kung wala."
This time, Orrin was staring at me. The heaviness of his orbs and the authority of his voice are hard to miss. Like a law one should abide. He doesn't sound bossy and arrogant. Pero may kung ano sa pagsasalita na niya na hindi mo gugustuhing suwayin.
Iyon naman talaga ang gagawin ko. Hindi ako kumain sa bahay nila Eira at nagugutom na rin ako. Caramel Cake is my favorite pero dahil order niya iyon at ayaw ko namang masabihan na ginagaya ko siya, strawberry na lang ang in-order ko. Lemon juice din ang akin habang black coffee ang kaniya.
When I returned, he was still writing on his paper. I urged him to take a break. Paminsan-minsan siyang sumisimsim sa kape at hindi ginagalaw ang cake. Samantalang halos maubos na ang akin.
"So, anong maitutulong ko?" I asked again when I finished devouring the food.
He drank on his cup, looking at me sternly. Orrin put the cup down an licked the remnants of coffee on his lips.
"Kanina pa tayo rito, pero wala man lang akong naambag para mapadali ang trabaho mo. I'm here to help, not a display kaya sabihin mo na kung anong magagawa ko."
Kumunot ang noo niya. "Anong wala? You ordere—"
"Except doon, and dali lang no'n! Gusto ko iyong totoong trabaho naman." putol ko sa kaniya.
Orrin pursed his lips. He bowed his head and pick his pen again.
"I have none for now." he uttered before he began stroking the pen again. "Kumain ka lang muna," aniya pa.
"Mamaya na katatapos ko lang mag meryenda. Ikaw nga dapat ang kumain na, hindi mo pa nababawasan ang cake mo."
I was looking at his paper. Out of curiosity, I dragged my chair to his side, about to look at what he's writing. His eyes narrowed at my movement. Hindi naman niya ako sinuway kaya pinagpatuloy ko ang paglipat ng stool hanggang sa magkatabi na kami. I leaned on the table, watching his pen make the magic.
"Gusto mo ako na riyan? Mag snack ka muna. Ako muna ang magsusulat."
His penmanship is clean. Cursive iyon at mas maganda pa nga ang kaniya kaysa sa penmanship ko.
"It's yours. Ubusin mo na 'yan."
Mabilis akong nag-angat ng tingin sa lalaki. Gulat ang bumaha sa mukha ko. Seryoso lang ito sa sinusulat at hindi man lang ako binalingan ng tingin.
"Don't give me that look. Ayaw ko lang na magugutom ka lalo pa kapag ako ang kasama mo."
I heard the sound of the page of the book being flipped.
"Yeah, eat that now. Or buy another one. I don't like sweets, I'm fine with coffee."
Kahit sinabi naman niyang akin iyon, pinilit ko pa rin siyang tumikim man lang kahit kaunti. It was on my fifth attempt that I give-up and eat the cake instead. Busog na busog ako at wala man lang akong ginagawa maliban sa pagbili ng kape niya.
"Bakit hindi ka gumagamit ng laptop? May laptop naman kayo. Mas mapapadali kung doon ka mag tatrabaho." I said, concerned.
Kanina pa siya nagsusulat, mas maganda kung may laptop siya. Unless required na handwritten, kailangan talagang isulat.
"You got a point," tumatango ito, na tila sang-ayon.
I smiled, proud at myself.
"Kaya next time, mag laptop ka na. Kawawa 'yang kamay mo kakasulat."
Orrin stopped writing. He lifted his head and our gaze instantly meet.
"Kawawa nga, marami pa naman 'to.." he whispered.
Ako naman ang napatango. Ilang oras din siyang puro sulat ang ginagawa. Kung hindi magbabasa, magsusulat ulit.
"You still need money?" he suddenly asked, arching a brow.
"I like your suggestions, but since I'm used to writing and I rarely use my laptop. Maybe, you could give me hand, hmm?"
His arched brow remained. He didn't withdraw his gaze from me, serious without a trace of humor. My lips parted as her words registered in my head.
"I'll pay for the hours you'd spend working with me, with a reasonable amount. We're not going to jeopardize our studies here. It will be a win-win, you got your money while I have my papers done."
Orrin licked his lower lip, weighing my reaction.
"Hindi naman kailangan araw-araw. Say once or twice a week only. It's not everyday I have commissions anyway. May mga gigs din ako so we won't spend the whole day or week." paliwanag pa niya.
Natahimik ako at muling binalikan ang mga salita niya sa isip. Kailangan ko nga ng pera at trabaho, pero di ba parang mali dahil nag tatrabaho din naman siya?
"Two or three hours would be enough. Also, I can help you find extra work. Hindi ka malulugi.."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro