Kabanata 5
Apologize
"Paano ka uuwi niyan?" tanong sa akin ni Liam habang palabas na kami ng hall.
Panay ang hikab ko. Alas dos na natapos ang party at kinailangan pa naming maglinis sa kitchen. Ngayon alas tres na ng madaling araw, ang gusto ko na lang ay humilata at matulog.
"Sa Taytay lang ako, pero pwede kitang ihatid kung wala ka nang masakyan. Sobrang delikado kung mag-isa ka lang sa mga ganitong oras."
We were walking along with the other crews towards the elevator. Ang iba ay nasa loob pa lalo ang caterers.
Isa si Liam sa mga waiters. Sa loob ng halos anim na oras, siya ang madalas kong kausap lalo na pag break nito. Sa kusina siya tumatambay at katulad ko'y bago lang din. It was supposed to be his cousin who'll be attending tonight but since an emergency happened at their home, Liam came on his behalf.
"Ilang oras na lang din naman at sisikat na ang araw. Guess I have to wait?" ani ko sa mahinang boses.
Muli akong humikab. Unang araw pa lang para nang babagsak ang katawan ko. I was not used to being up this late. Sanay akong magtrabaho buong maghapon pero itong aabutin ng umaga..
"What?" tumawa si Liam.
"That's the only time when vehicles are available. Sa mga oras na ito, wala."
"Ihahatid kita. Malapit lang naman ang Taytay sa Cali,"
Napanguso ako. Bumukas ang elevator at sabay kaming pumasok.
"Hindi kita hahayaang abutin ng bukang liwayway sa daan, Crecia. At huwag kang mag-alala, wala akong masamang intensyon sa'yo. Gwapo rin ang hanap ko." dagdag ni Liam nang ilang minuto akong nakatulala at hindi siya nasagot.
Mahina akong natawa sa tinuran niya.
"Hindi naman 'yon ang iniisip ko, sorry. Pagod lang talaga ako, eh. Gusto ko nang matulog." parang batang reklamo ko.
Unang beses pa lang ito, paano pa kaya iyong ibang tao na halos wala nang tulog sa kakatrabaho? Puyat at pagod ang kalaban masiguro lang na may pangtustos sa araw-araw na pamumuhay.
I salute those people who fight everyday in hopes for a better tomorrow. The breadwinners, working students, and all struggling to make ends meet.
"I'll drive you home. I can't sleep knowing you're just around the street." ngumiti si Liam.
Tumango na lang din ako saka ngumiti pabalik. Magkasing tangkad lang kami ni Liam. He has a curly hair and a physique like that of a Korean idol. May pagkasingkit din ang kaniyang mga mata pero hindi iyon ganoong halata kung hindi mo sa malapitan tititigan.
"Dito ka lang muna, kunin ko lang ang motor ko." si Liam nang makalabas kami.
Tumango ako. Umalis din agad siya at naiwan akong kasama ang ilan sa mga katrabaho. I don't know any of them aside from Liam so I stayed on my place waiting for him. The cold wind brush against my skin making me shiver. Mas lalo akong inatake ng antok.
"Moren!"
I blinked my eyes as I heard someone shouted my second name. Nagpalingon ako sa gilid at nang muling may sumigaw, doon ko napagtantong mula iyon sa likod.
"Man, wait up!"
Gulat ang rumihestro sa mukha ko nang makita si Orrin na patakbong lumalapit sa akin. Sa likod nito ay si Adones na humahabol kasama si Raymond.
I heard the group of girls beside me whispers. Hindi ko marinig lalo pa't ang hina no'n. My attention is also drawn to Orrin's approaching step that even from a distance, his annoyed and irritated expression are visible.
"B-Bakit?" utal kong tanong nang tuluyan itong makalapit sa akin.
Namaywang siya sa harapan ko, nakaawang ang mapupulang labi at naghahabol ng hininga.
"Hinanap kita sa loob," aniya sabay hinga nang malalim.
"Ah," I caressed my brows. "Hindi na ako nakapagpaalam, kausap mo pa si Ma'am Flores kaya umalis na lang ako."
"Oy, Crecia hi!" nakalapit sa amin si Adones at Raymond.
Ngumiti ako kay Adones at binati din siya pabalik.
"Pauwi ka na?" tanong niya saka umakbay kay Orrin. "Di kita nakita sa loob, ah. Tinago ka lang nitong kaibigan ko?"
Orrin snapped his head to Adones direction, now glaring.
"Sa kitchen ako naka assign, hindi ka naman pumasok doon. Nagulat nga ako't narito ka rin pala,"
Ngumisi si Adones. "Kaya pala atat umuwi itong isang 'to kanina, ikaw pala ang hinahabol. Ba't mo ba kasi iniwan? Muntik nang 'di ibigay ang sweldo, mabuti na lang at malakas 'to kay Ma'am Flores."
Adones laughed when Orrin elbowed him, trying to free himself from his hold. Adones withdraws his arm and raise it in the air as if surrendering.
"Para ka talagang babae, nasobrahan sa daldal." si Orrin saka binaling sa akin ang tingin. "We're going home now. Sa amin ka na sumabay."
Kumunot ang noo ko sa kaniya.
"Wala ka nang masasakyan ngayon. Wala nang tricycle o jeep na papuntang Cali sa mga oras na ito. Aabutin ka nang umaga kung maghi—"
"Hindi ba dapat pabor iyon sa'yo?" I cut him off, eyeing him like I just heard the ridiculous phrase all my life.
"I still remember your words, Orrin and I would rather have my sleep in the street than joining you."
I saw him stilled while the two were quiet.
"Maraming salamat at kinuha mo ako sa trabahong ito pero hindi mo ako responsibilidad. Kaya kong umuwi mag-isa at kung wala na talaga akong masasakyan, ano naman sa'yo?"
I tilted my head, our gaze still locked with each other. His lips forming into a thin line.
"Concerned lang siya at gustong tumu—"
"Tulong pa ba ang tawag kung isusumbat din naman sa'yo pagkatapos ng ilang araw?" putol ko kay Adones.
Umawang ang labi niya. Nagpalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Orrin. While the latter grow silent and remained watching me under his heavy stares.
I don't want to sound bitter but it's the truth. Our conversation was still vivid in my mind. Ayaw kong magkaroon ulit siya ng rason para sumbatan at laiitin ako. Although, he's nice sometimes. Thinking about our heated argument..
"Saka may kasama rin ako, sa kaniya ako sasabay. Salamat pa rin sa offer," ani ko na lang.
Orrin's brow arched.
"Hindi ka dapat sumasama kung kani-kanino lang. It's dangerous," he sounded annoyed.
"He's a new friend, Orrin. Liam is harmless,"
"He?" mariing tanong niya.
Sumipol si Adones habang si Raymond ay mahinang humalakhak.
"Lalaki pala, Liam ang pangalan." komento ni Adones.
Magsasalita na sana ako nang may humintong motor sa harapan namin. Napahinga ako nang malalim nang makitang si Liam iyon. Tinalikuran ko ang tatlo at akma nang sasakay ng muling magsalita si Orrin.
"May helmet ba 'yan?"
"Nasa bahay ang helmet ko per—"
"Anong silbi ng helmet mo kung hindi mo rin pala gagamitin?" Orrin interrupted him in a sarcastic tone of voice.
"Nakalimutan ko lang, pre. Don't worry, I'm not a reckless driver. Mag-iingat ako." si Liam saka tipid na ngumiti.
I glanced at Orrin and give a warning look. I can feel that he's about to say something. But when our gaze lock, he just clenched his jaw.
"Paano, mauna na kami sa inyo. Ingat kayo, ah.." I waived my hand in the air.
"Kayo rin, ingat." si Adones ang sumagot.
"Sandali,"
"Ano na naman?!" hindi ko napigilan ang inis nang muling sumingit si Orrin.
"I'll get my helmet. You use it—"
"Hindi na kailangan, ikaw na lang ang gumamit no'n!" putol ko sa kaniya.
His piercing eyes bore into me like a sharp knives. Galit na naman. Wala na yata akong karapatang tanggihan ang lahat ng offer niya.
"Hayaan mo na. I know him. She's in good hands." bumaling si Raymond sa akin saka ngumiti.
Orrin stared at me. His heavy stares penetrating my soul. Inirapan ko siya saka tumalikod. I smiled at Liam who's patiently waiting. I took a step towards him. Nasa akma na akong pagsampa sa motor nang may kung anong bagay ang lumapat sa likod ko.
"Wear this at least."
I felt the hair on my nape rose when I felt his presence behind me. He knows I'm about to protest. He perfectly has an idea I will decline as his next move rendered me speechless.
With my back on, his face advances to the point that he's only few inches away from my cheeks. I can already see his side profile from my peripheral vision. Ramdam ko na ang init ng katawan niya at ang mabango nitong amoy na nagpapatunay ang lapit nito sa akin.
"Don't make it even harder for me, Moren. For my peace of mind, fucking wear this."
I swallowed hard when his voice appeared to be domineering despite its softness. Kung hindi pa nasagi nang paningin ko si Liam na may kursyusong mga mata, baka hindi pa ako matatauhan!
"A-Ah.." dinaan ko sa tawa ang mabilis na pagkalabog ng dibdib ko. "S-Sige," I licked my lower lip as I advances a step.
Tumayo nang tuwid si Orrin habang inayos ko ang kaniyang jacket sa katawan.
"Bukas ko na lang ito isasauli. S-Salamat," I awkwardly smile.
Adones was grinning from ear to ear watching us, while Raymond was already fidgeting on his phone.
"You have my number, text me once you reach home."
Tinanguan ko si Orrin bilang pagsang-ayon. The rapid thumping of my heart makes me mute for a moment that I hastily turn my back on them. Sumampa na ako sa motor ni Liam, ramdam ang mabilis na kalabog ng dibdib at hindi man lang sila nagawang tignan sa huling pagkakataon bago pinasibad paalis ang motor sa harap ng hotel.
I released a shaky breath soon as we leave the place. Pumikit ako at pinakalma ang sarili.
"Kaibigan mo pala si Adones at Archibad?!" sigaw ni Liam sa gitna ng biyahe.
"Kakilala lang, iyong kapatid niya ang kaibigan ko!" I answered, tying my hair.
My eyes narrowed at the white jacket I'm wearing. Sa lahat ng pagkakataon, palagi na lang involved ang mahiwagang jacket ni Orrin. This is actually an advantage of me at this point. His jacket feels good at this rate. Kung wala ito, baka yakap ko na ang sarili sa lamig.
Dahil madaling araw na, hindi naging mahirap ang biyahe pauwi. Walang masiyadong sasakyan at hindi rin naman mabilis ang naging pagmaneho ni Liam.
"Thank you sa paghatid. Babawi ako next time," pahayag ko nang marating namin ang labas ng bahay.
"'Yon ay kung magkikita pa tayo?" natawa siya sa sariling sinabi.
"Oo naman, bakit ayaw mo ba?"
"Next time then. Chat mo na lang ako sa messenger,"
Dahil abala kami kanina, ngayon pa lang kami nag exchange ng account. Hindi rin nagtagal ang pag-uusap namin at anong oras na. Liam left right after I accepted his friend request. Muli akong nagpasalamat sa pamamagitan ng pag chat sa messenger.
Kahit na nag offer si Orrin, hindi ako sasama roon. Remembering him, I immediately sent him a simple text saying I've arrived. Wala na rin akong oras mag half bath o kahit magpalit ma lang at agad akong bagsak sa kama pagdating sa kwarto.
Kinabukasan, biyernes, kahit puyat at gusto pang matulog bumangon ako at naghanda sa pagpasok sa eskwela.
"Mabuti naman, anak. May duty ka ngayon? Huwag mong kalilimutang magbaon.."
Kausap ni Mama si Ate nang lumabas ako ng kwarto. Nasa bungad siya ng pinto, nakatanaw sa labas at nasa kausap ang buong atensyon.
Dumiretso ako sa likod ng bahay at sinampay ang jacket ni Orrin. Pagbalik ko, wala na si Mama sa pinto. Tinungo ko ang hapagkainan at wala rin doon. Afraid to be late at school, I eat alone. Hindi ko alam kung kumain na ba si Mama habang si Papa tulog pa naman ng tignan ko sa kwarto.
"Ma, ito po pala ang sahod ko kagabi."
I was ready to leave when I spotted her entering the house. Bumili siya ng gamot ni Papa batay sa hawak. Nakangiti si Mama na tinaggap ang perang nakalahad. My heart ached. I wanted to see that smile everyday.. her smiling for me.
"Hindi po 'yan buo, tinago ko po iyong kahati para sa ipon.." ani ko saka nag-iwas ng tingin.
"Tama 'yan, mag-ipon ka at hindi sa lahat ng pagkatataon mabibigyan kita ng pera. Kapag may naitago ka, may magagamit ka kung nagkagipitan man."
Gusto kong sabihin na pang kolehiyo ko ang iniipunan ko. Pero may pakiramdam akong hindi niya magugustuhan iyon. I don't want to ruin her mood—our mood. It's not everday that she would give me a smile that will reach her eyes. I want to treasure it, and not spoil the moment.
Pagdating sa school, dumaan muna ako sa canteen para bumili ng kape. May coffee vending machine na siyang pasok sa budget ko. Namataan ko ang grupo ni Orrin na nakaupo sa isang lamesa. He wasn't one of them though, and when I glanced in front, his built welcomed my vision. Nasa harap ng nagtitinda at mukhang bibili kasama si Eira.
I ignored them and proceeded to the vending machine. Hinulog ko ang limang peso na barya at naghintay. I caressed my nape, sighing as I realize how badly I want to just close my eyes and sleep the day off.
Tangina. Isang beses pa nga lang, para na akong binugbog ng sampung tao sa pagod.
"Moren,"
Napalingon ako sa gilid at nakita si Orrin. I peered at his previous position and only saw Eira talking to the cashier. Binalik ko ang tingin sa kaniya, kuruyuso sa kung ano ang pakay niya. He's not on his uniform. Biyernes naman kaya ayos lang na hindi naka uniporme, iyon nga lang, wala rin siyang suot na ID.
"Mabuti at pinapasok ka lang kahit wala kang suot na ID," wala sa sariling puna ko.
"Nasa bag ko ang akin. But I'll wear it."
Nagkibit balikat ako at binaling ang tingin sa harap. Lumabas na ang cup na naglalaman ng kape ko kaya mabilis ko itong kinuha. I waited for him to leave, or at least blurted out his intention kaya hindi na muna ako umalis at nanatili sa kinatatayuan pero lumipas na lang ang ilang sandali, nanatili itong walang imik.
"May kailangan ka?" nilingon kong muli si Orrin, hinipan ang kape bago sumipsip.
"Archi,"
Pareho kaming napatingin kay Eira nang tawagin nito ang lalaki. Eira smiled at me, while she tilted her head to where the rest of her friends are as if nonverbally telling him something.
Nang tumango si Orrin, nagpatuloy si Eira sa paglalakad. Sumunod ang mga mata ko sa kaniya habang ramdam ko ang pagdapo ng tingin ni Orrin sa akin.
Nakarating si Eira sa mga kaibigan. She sat beside Adones. They converse shortly before Adones tilted his head to where we are, and immediately, a lopsided grin stretched on his lips. I was so lost with them that I didn't notice Orrin hand, extending the two-chocolate drink in the air.
"Hindi ito para sa'yo." Orrin was quick to say before I make conclusion.
I sipped on my coffee, watching him. Napaka imposible nga naman kung para sa akin 'yon. He will approach me, solely for his sister.
"Pwede bang pakibigay kay Sandara? You're on the same class anyway,"
Mariin ko siyang tinitigan, sinusuri kung bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin. Orrin being Orrin, stared back at me too. Hindi nagpapatalo. The arrogance on his voice seems so gone now. What happened?
"Anong silbi ng mga paa mo kung hindi mo gagamitin?" muli akong sumipsip sa kape habang hindi siya nilulubayan ng tingin.
"We're gifted with two legs for a reason. Hindi ka naman baldado, kaya bakit hindi na lang ikaw ang magbigay sa kaniya?"
I suppressed my smile by sipping on my cup when astonishment registered on his face. Nabigla ito at parang hindi makapaniwalang naririnig iyon mula sa akin.
"Mag kaklase kayo, hindi naman siguro malaking abala kung ibibigay mo 'to sa kaniya since you two belong on the same classroom." aniya nang makabawi.
"But it's fine—"
"Ako na lang ang magbibigay Archi, I'm heading to the building now for my first class."
Parang bulang basta na lang sumulpot si Vince. I guess I was too engrossed watching Orrin's reaction I didn't notice her approaching presence.
Napalingon ako sa kaniya samantalang hindi man lang pinansin ni Orrin ang bagong dating. Behind her were Joshua's circle of friends. Namataan ko pa si Vlanca na agad ngumiti. I smiled in return before bringing my gaze in front. Nanatili ang titig ni Orrin sa akin, nakababa na ang kamay kung nasaan ang inumin.
"I won't mind giving those to your sister.."
I advances a step and instantly get the two-chocolate drink from Orrin's hold. Nasagi pa ng daliri ko ang kaniya pero pinagsawalang bahala ko na lang iyon. His eyes grew intense as he watched my hands being in contact with his even for a split of second. I was sure I saw it, given the small distance of our faces.
"I can do it. I was just kidding around. Mahilig kasi itong si Orrin sa mga ganoong linyahan na akala mo boss na laging masusunod. I'm just trying to give him the taste of his own medicine. I'm not really serious rin," I chuckled.
Umawang ang labi ni Vince. Ngumiti lang ako sa kaniya.
"Una na ako, ah? Baka ma late pa ako sa klase, eh.."
Of course kaya kong ibigay kay Dara itong mga inumin niya, niloloko ko lang naman si Orrin. This is not really a bother. Kahit naman may hindi kami pagkakaunawan sa ibang bagay, hindi ako ganoon kasama para tanggihan ang simpleng pabor na hinihingi nito.
He also do me good anyway. Regardless of his reason, may kabutihang pinakita rin siya sa akin nang mga nakaraang gabi. It was also because of him why I got the job last night.
"Sa susunod, sabihan mo ako kung may raket ka at kailangan mo ng sundo. Paano na lang kung wala iyong Liam na 'yon, 'di sa kalsada ka pupulutin?" ani Brix, nasa mukha ang pag-aalala at determinasyon.
Vacant namin at lahat sila kuryuso tungkol sa naging trabaho ko kagabi. I was not planning to tell them the story but since Brix brought it up, I have no choice but to share.
"Doing a part time is really exhausting and risky, alright. Please don't think you're bothering us when we wanted to give a hand. Delikado nga talaga iyon lalo pa at gabi at mag-isa ka lang," segunda naman ni Angela.
Nagpangalumbaba ako sa lamesa. Si Brix ay nakaupo sa desk ni Cathy, habang nakapalibot sa akin ang dalawa ko pang kaibigan.
"I was hoping kay kuya siya sasabay, pero nang tinanong ko hindi nga raw. Mabuti na lang at ligtas kang nakauwi." si Dara na kasalukuyang kumakain ng chichirya.
"If you really need help, don't hesitate to reach out on us. Maaring hindi ganoon kalaki ang maibibigay namin pero kahit paano makakatulong din 'yon.." si Angela at kumuha ng chichirya ni Dara.
Kahit alas diez na, ramdam ko pa rin ang pagod at kagustuhang matulog na iyon lang ang pumapasok sa isip ko. Though I understand their sentiments, my mind is just too tired to give an argument. Kaya naman nang sa wakas matapos ang klase sa araw na iyon, tuwang-tuwa ako. Sabay-sabay kaming umuwi na magkakaibigan at hindi nawala ang bangayan ni Brix at Cathy.
Pagkarating sa bahay, nawala bigla ang antok ko nang makita si Mama na naglalaba. Pinagsawalang bahala ko ang kagustuhang matulog at tinulungan na lang si Mama na matapos.
Life...without money is really a struggle. Hindi ako naniniwala sa kasabihang hindi kayang bilhin ng pera ang kasiyahan. Money is everything. Kung may pera ka, magiging madali na lang sa'yo ang buhay. Kaya gusto kong maging successful para mabigyan ng maginhawang buhay sila Mama. Ang masuklian ang mga paghihirap nila ni Papa.
I guess they're right about me pursuing medicine. Baka, sa iba ako dapat..at hindi sa ganoong propesyon. Finding money is really hard. Maybe, becoming a nurse is not for me given our financial capability.
"Kahit si Orrin Archibad lang sa kanila, ang gwapo-gwapo no'n eh!"
"Mas gusto ko si Adones at friendly, iyong si Archibad sobrang sungit!"
It was the following Saturday night when I have a work again, this time in a resto bar. Maaga pa lang akong naroon sa takot na matulad sa naunang trabaho. Si Cathy ang nag rekomenda sa akin dito. Her cousin named, Rile is working here as a waitress regularly. Pumalit lang ako sa isang regular na nagkasakit.
"Eh boyfriend 'yon ni Eira Celeste, makikikabit ka rin?"
Binaba ko ang order ng tatlong babae. Pinag-uusapan nila ang banda nila Eira at batay sa pagkakarinig ko, tutugtog nga raw sila ngayong gabi. Kilala itong resto bar sa buong Nawig. Hindi nanakakapagtaka na kahit alas siete pa lang, halos mapuno na ang space.
Orrin is known by his second name, Archibad. Madalas siyang tawaging Archi pero nakasanayan ko na lang ang una niyang pangalan.
"That's just a rumor. Close friends lang talaga ang dalawa at hindi totoong magkasintahan."
Paalis na ako pero umabot pa rin iyon sa pandinig ko. Kilala ang banda nila Orrin sa Nawig lalo pa sa mga kababaihan. They've performed countless of times, kahit sa mga event ng pulitiko at sa tuwing eleksyon.
"Kapag talaga pupunta ang banda, asahan mong puno ang resto bar na 'to," Rile chuckled as both of us stared at the crowd.
Pasado alas otso na at may nag seset-up na sa stage para banda. The excitement is in the air as they anticipated for the band's performance. Dumagsa pa lalo ang tao nang sumapit ang alas nuebe, siguro dahil alam nilang mga ganitong oras ang pagtugtog nila Eira.
Rile and I barely had a conversation when the clock strikes 9 in the evening. Pareho na kaming abala lalo pa nang i-anunsyo ng host ang pagdating nila Orrin.
"Miss, dalawang beer nga at sisig."
Mabilis kong nilista ang order nila. My eyes roamed around too, looking for customers who might probably want to order new. Nang wala akong makita dumiretso ako sa kitchen at binigay ang lista.
Then as I wait in the counter, Mr. Leo appeared on the stage hyping the mood. Lea raw siya tuwing gabi, ayon kay Rile.
"And now, are you all ready to witness another incredible and mind-blowing performance of Isla Cali's most sought and finest musical band of all?!"
The crowd went wild. May nakita pa akong grupo ng kababaihan na may dalang tarpaulin o tarpapel? I'm not sure since the lights of the whole place makes it unable for me saw it in a distance.
Pero nag-uumapaw ang suportang pinapakita nila sa banda. They didn't even make it into the television and some sort like having an album for them to be this well known. But I understand the crowd, kahit nga naman hindi pa sila lumalabas sa telebisyon, may ibubuga na ang grupo nila Eira.
They started from scratch and now looking at them, daig pa ang ilang sikat na singer o banda. They have the potential to be known all over the country, and even the world, and I know they'll get there..one day.
A few moments on, the four of them appeared on the stage. Si Eira ang vocalist nila at sobrang ganda niya sa suot na white dress. Naka braid din ang kaniyang buhok at litaw na litaw ang dugong banyaga.
My eyes though, drifted to Orrin and it stayed there suddenly stunned by his appearance. His hair is fixed in a unruly way. His earing too didn't go unnoticed with the rouge features of his face. A group woman kept shouting for his name and his tilted that way before he smirked making them go even wilder.
Gwapo siya. Kaya nga kahit si Ma'am Flores nagkakagusto sa kaniya. Sa kabila ng mga sinasabi nilang komento sa pagiging masungit nito at snob, marami pa rin ang nagkakandarapa sa lalaki.
"Good evening, everyone." simula ni Eira. Her voice is so soft, para kang hinehele kahit tatlong salita palang iyon.
Someone raised his hand, calling for a waiter and I instantly went to him. Nagpatuloy ang pagsasalita ni Eira habang kinukuha ko ang order nila. Nang nagsimula silang tumugtog, tumahamik ang lahat na tila ninamnam ang bawat sandali. Bumalik ako sa pwesto kung nasaan si Rile at tahimik din na nakinig.
I can tell how Eira enjoyed being in the stage. It's written all over her face and how she's fit to be a singer. Mula naman kay Eira, napunta kay Orrin ang tingin ko. I crossed my arms over my chest as I watched him play.
He harbors a stern expression on the face. He looked so snob but wasn't a hindrance for his admirers and well..fans? Pareho lang sila ni Mark, parang hindi marunong ngumiti kung hindi mo pa pagsasabihan.
Matapos ang isang kanta, bumalik na rin ako sa trabaho. Tapos na rin ihanda ang order ng ilan. Bumalik din agad ako sa gilid kung nasaan ang ibang kasamahan ng masigurong naibigay na lahat ang mga orders ng customer.
"Uuwi ka pa pala, akala ko nangungupahan ka sa downtown." sabi sa akin ni Rile.
Tinanong niya kung may boarding house ako katulad niya at ako na lang daw ang kukunin niya sa tuwing may absent na crew.
"Hindi pero okay lang. Kailangan ko kasi ng trabaho, ayos lang kahit...dito sa Nawig."
Tumango si Rile. "Sige, akong bahala sa'yo. Kung magkataong wala kang masasakyan, pwede ka namang tumuloy sa amin. Tatlo lang kami sa apartment, pwede ka roon."
Tuwang-tuwa ako na malamang handa siyang tulungan ako. Tuloy mas ginanahan pa akong pagbutihin ang trabaho. This might not be permanent but it's already a big deal. Mas mabuti na ito kaysa wala. Sisiguraduhin ko namang hindi mapababayaan ang pag-aaral ko kahit pa nag tatrabaho ako sa gabi. Masasanay din ang katawan ko sa puyat. This is for my future...for my family.
The amount of happiness I felt for the rest of the night was over the moon. Walang mapaglagyan ang kasiyahan ko. Matutulungan ko na si Mama. Sana pala noon ko pa ito ginawa, 'di malaki na sana ang ipon ko ngayon?
"You're here,"
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Orrin sa gilid ko. Katatapos lang ng ika-lima nilang kanta at nasa bar counter ako, naghihintay ng order mula sa isang customer.
Sinipat ko si Orrin na naupo sa stool bago ko muling hinarap ang bartender.
"Hmm, part time," I stated the obvious. "Galing niyo kanina, ang ganda ng boses ni Eira.. hindi na ba kayo ulit tutugtog?"
"Tutugtog pa. We still have three more songs left."
I glanced at him. He ruffled his hair with his finger making it look even more messier. Orrin looked my way. Tumikhim ako saka nag-iwas ng tingin.
"Paano ka...uuwi niyan?" he seems to be reluctant asking.
Katulad nang madalas kong makita, naka denim jacket siya at putting t-shirt. Faded blue tattered pants din ang pang-ibaba.
"Baka may mga sasakyan pa mamaya," I murmured.
Kahit malakas ang pakiramam kong wala na sa ganitong oras, nanalangin pa rin ako na kahit isa lang mayroon.
"At kung wala?"
"No choice, sa daan matutulog." I chuckled.
"You have a choice, Moren."
Muli ko siyang nilingon. He was staring in front but probably he felt my stares that he dropped his gaze to mine.
"I'll wait for you later. Sabay na tayong umuwi," he licked his lower lip. "I'm sorry...for what I've said before. I genuinely want to help today, please don't think of anything. Hindi kita..susumbatan, I was just.." bumuntonghininga siya na tila malaki ang problema.
Tumaas ang kilay ko. We stared into each other eyes, mine were challenging him to continue while his was hooding...almost wary like he's taking all the time to pick the right words to say.
Muli itong bumuntonghinga saka pumikit. The bartender give me the drink, means I have to leave. Orrin saw it. Kinuha ko iyong inumin at handa nang umalis. Wala naman yata siyang sasabihin pa.
"I'm really sorry. I'm sorry I called you names. I'm sorry I have to make it sound like you owe me for the ride when it's not really the fucking case."
Natigilan ako. Para akong nag-ugat sa kinatatayuan at kahit anong kumbinsi kong umalis na at baka naghihintay na ang customer, hindi ko nagawa at awang ang labing nakatitig kay Orrin.
He's.. sorry? Orrin Archibad Silva is apologizing?
"Hindi totoong ginawa ko 'yon para kay Sandara. I did it out of my will and I'm willing to do it again, at any circumstances. I understand if you won't forgive me for being an asshole, but please allow me to give you a ride home, this time. Hindi ako mapapanatag kung...sa kalsada ka aabutin nang liwanag."
Napakurap-kurap ako, hindi makapaniwala sa mga naririnig.
"Ako, Moren. Hindi ang kung sino lang ang maghahatid sa'yo pauwi. Not Liam, or whoever random guy you meet tonight, and you call friend."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro