Kabanata 15
Like
I have kissed someone already. Pinagyayabang ko pa iyon kay Orrin at sa aming dalawa, ako itong may karanasan sa paghalik. I thought I am already good at this. But right at this moment, I looked like an innocent kid. Parang walang-wala ang karanasanan ko sa halikan sa paraan ng paggalaw ng labi niya! I have already an experience, but this one with him feels so fucking foreign.
Orrin firmly held my waist while his mouth devour mine. Kinagat nito ang pang-ibabang labi ko sanhi para mahina akong mapasinghap. He then took that as an opportunity to enter my mouth with his tongue, as if digging for mines.
Naramdaman ko ang paggalaw niya sanhi para gumalaw din ako. I then felt him closing the door behind me, pinning me on it afterwards. I groaned when Orrin bite my lip again and attacked me with hungry kisses. Hindi ko masabayan ang galaw ng labi niya!
Tangina. Parang hayok kung makahalik!
“W-Wait..”
I breath heavily as I tried to distance my head but to my horror, he grabbed my nape again. Naramdaman ko ang mga daliri nito sa buhok ko habang ina-angulo ang ulo ko para sa mas agresibo nitong halik. To my frustration, both of my hand held unto his neck too. Sinabunutan ko rin siya at mas naging mapusok sa halikan.
We exchanged saliva’s. The sound of our kissing was the only thing that resonated in the whole damn abode. Mapangahas ang halik niya at hindi ako nagpatalo. I equally give him fervor kisses that I know will haunt his sleep. Undeniably, the butterflies in my stomach have gone wild. Mabilis ding tumitibok ang puso ko at para akong nalililo sa kakaibang pakiramdam na bumabalot sa buong sistema ko habang kahalikan siya.
Damn this man and his lips..
Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay niya sa aking baywang habang nakapirme pa rin ang isa sa leeg ko. I catched my breath when his mouth leave mine and kissed my jaw instead. Nakakakiliti ang bawat tama ng labi niya sa balat ko na kinailangan kong kagatin ang pang-ibabang labi ko para maiwasang makalikha ng hindi kaaya-ayang tunog.
“My patience are hanging by a thread, and you..”
A slow gasped erupted in my mouth when I felt his tongue near my ear. Hinalikan nito ang tainga ko. His hot breath fanned that sensitive part of me making me shiver.
“You’re just so good at provoking me. Di mo ba alam na delikado ‘yan?”
Napapikit ako. Nakikiliti sa bawat tama nang mainit nitong hininga sa balat ko.
“Hindi, e..” I murmured weakly.
Dumilat ako. I saw his hooded eyes, looking so lost and weak.
“I don’t know what to do with you..” he sighed heavily.
“Kiss me?” I probed more, staring into his lips.
Those luscious and addicting lips of him. Dahil nakatingin ako banda roon, kitang-kita ko kung paano umigting ang kaniyang panga. I unconsciously lifted my hand to touch his jaw. Hindi ko mapigilang mapasinghap habang pinaparaan ang daliri sa panga niya.
“This is an art of perfection..” I softly whispered, literally drowned to it.
I really find this certain part of him attractive. It looked so fucking sexy that I could stare at it forever.
“Huwag kang paasa, Prado..”
Orrin held my chin and lifted making our gaze meet. His eyes were dark, deeply staring into me as if penetrating my soul.
“I am already having a hard time, huwag mo namang sagarin..” he chuckled dryly.
Sa pagkakataong ito, hinaplos ng daliri niya ang pang-ibabang labi ko. I smirked. A playful I idea crossed my mind as I stared at him, looking painfully tormented. Because his finger is still on my lips, I used my tongue to licked it. Mad dumilim ang titig ni Orrin dahil doon. He uttered low curses and the nest thing I know, we’re back at ravishing each other’s mouth.
Sa pagkakataong ito, nasasabayan ko na ang galaw ng labi niya. Mariin at agresibo. My back is on the door and my hands were both on his head, raking his head as every seconds passes.
May narinig akong mahinang boses mula sa labas at dahil lunod pa rin ako sa halikang nagaganap, inignora ko iyon. I bite his lower lip and it automatically parted making my tongue dwelled on it. He didn’t back down though. Orrin did the same, both of our tongue flicked each other.
“Bakit naka lock ‘to?”
Dara’s confused voice at the back made my eyes rounded a fraction. Sinubukan kong itulak sa dibdib si Orrin ngunit ang huli ay abala sa paghalik!
“Kuya! Pabukas naman ng pinto!” Dara shouted followed by a knock.
Halos mapatalon ako dahil doon. Tila narinig din iyon ni Orrin dahil sa wakas huminto ito, pero nanatili sa posisyon. His breathing were heavy so is mine. Nakayapos pa rin ang dalawang kamay nito sa baywang ko habang ang akin ay nasa leeg niya pa rin.
“Archibad, narito na kami!”
Sa pagkakataong ito, si tita na ang tumawag sa kaniya. I pushed his chest again but instead of distancing himself, he put his head on the hallow space of my neck. I heard him heavily sigh.
“I-Iyong.. Mama at kapatid mo nasa.. labas na,” mahinang bulong ko.
Halos makiliti ako nang isang beses paraanin ni Orrin ang tungki ng ilong niya sa leeg ko bago ito tuluyang nag-angat ng tingin. His eyes looked sleepy drunk. As if weak and vulnerable.
Nag-iwas ako nang tingin, unti-unting kumakalat ang init sa buong mukha nang mapagtanto ang lahat ng nangyari..
Mabilis akong umalis mula sa pagkakasandal sa pinto. Orrin followed my movement. The gentleness on his gaze linger. Binasa pa nito ang pang-ibabang labi.
“Uh.. dito lang muna ako..u-upo,” nauutal kong ani saka tinungo ang nag-iisahang sofa nila.
I quickly sat there. Nakatalikod ako sa gawi ng pinto at nakaharap sa telebisyon nila. I touched my chest, feeling its rapid breathing.
I closed my eyes as I remember the scene earlier. I kissed him, and he…kissed me back!
Narinig ko ang pagbukas ng pinto kasunod ay boses ni Dara. I glanced at them, smiling timidly. Gumuhit ang gulat sa mukha ni Sandara at Tita nang makita ako.
“Crecia?” Dara called, shocked. “Narito ka pala,”
Tumayo ako. Kinuha ni Orrin ang dalang supot ng Mama niya maging ang nasa kamay ni Dara. Nilapitan agad ako ng kaibigan at nilingkis ang kamay sa braso ko.
“Na miss kita! Mabuti naman at nakadalaw ka!” she exclaimed, beaming.
“Uh..oo, may tinanong lang kay Orrin.”
Nilingon ko ang lalaki at nakitang papasok ito sa kusina, dala ang pinamili nila Dara.
“Magandang gabi po, tita..” I greeted her.
Tita Marianne warmly smiled at me.
“Magandang gabi rin. Kumain ka na ba? Dito ka na maghapunan,”
“Tapos sabay tayong magsimba mamaya!” dugtong ni Dara.
I chuckled. Mabuti naman at hindi sila naghinala...
“Sa bahay na lang po ako kakain tita, salamat..”
Hinigit ako ni Dara paupo. Bumalik si Orrin at agad na dumapo ang tingin sa banda ko. Napanguso akong tinuon kay Dara ang mga mata, nangingiti nang magsimula itong mag kwento tungkol sa naging bakasyon nila.
“May cake kaming binili hijo, bigyan mo si Crecia. Buksan mo na rin iyong pizza, magpapalit lang ako at nang makapagsimula akong magluto..”
I was staring at Dara, listening to her but those statement still reached my ears. Natutuwa akong marinig na masaya si Dara sa mga pinuntahan. With her stories alone, I felt like I was there too. They visited a lot of places.
After a while, Orrin appeared in front of us, holding two plates with cake and pizza. Tinuon ko lang ang mga mata sa kapatid niya kahit ramdam ko ang titig nito sa akin.
“Si Kuya, panay ang uwi rito kaya hindi nakasama!” she ranted. “Nagduda na nga ako. Nitong nakaraan, aba halos hindi bitawan ang cellphone. Akala mo may jowang magagalit kapag hindi agad na replayan, eh!”
From my peripheral vision, Orrin sat on the long couch.
“Sinasabi ko na sa kaniyang ikaw na lang ang ligawan, tutal wala ka namang boyfriend kaysa sa kung sino lang na babae,” umirap siya.
Mahina akong natawa sa tinuran nito. Pasimple kong sinulyapan ang lalaki at hindi na nagulat nang makitang pinagmamasdan ako. His arms were crossed, staring at me with those deep orbs.
“Alam mo nang pasko? Nahuli kong may katawagan!”
Binalik ko kay Dara ang tingin. Dismayadong umiling ito sa kapatid. Hinawakan pa ang kamay ko at pinisil ito.
“Ilang beses kong tinanong kung sino, hindi naman ako sinasagot! Hindi pa nga kayo, nagtataksil na!”
Napanguso ako. Orrin and I are talking that night. Perhaps it could be me? Or maybe not...
“Hindi ko gusto si Vince, ha! Kung siya rin naman ang magiging girlfriend mo, huwag mong dadalhin dito at talagang papalayasin ko kayong dalawa!” himutok pa ni Dara.
Muli kong nilingon si Orrin. Sa kabila ng mga sinabi ng kapatid niya, nanatili itong tahimik. Sa pagkakataong ito, nasa kawalan na ang tingin na tila malalim ang iniisip.
“Nang isang araw pa ‘yang pino-problema ang girlfriend ng kuya niya,” ani tita na ngayon ay pababa na ng hagdan. “Sabi ko nga baka mauna pa siyang mag ka boyfriend. Baka nga mayroon na, tinatago lang sa amin.”
For the short time, I was able to forget the painful events from my own home. Thinking about it, my heart fall in despair. Masakit man pero kailangan kong tanggapin na sa mundong ito, hindi ako magagawang paboran ni Mama. She has her favorites and I’m the least. Umaasa lang ako n asana, dumating ang araw na pagbigyan niya rin ako.
Na sana.. dumating ang araw na ako naman ang mauna. I still hope that someday, she will consider my feelings and sentiments.
“Dito na lang ako,” pigil ko kay Orrin nang akma nitong i-didiretso ang motor papasok sa kanto.
He glanced at me shortly before stopping the engine. Bumaba ako sa motor niya at sumunod naman siya. Hindi muna ako naglakad at piniling tumayo, kaharap siya. The motor is separating our bodies, and like me, he also stared at my face.
I scratch the bridge of my nose, finding it difficult to say the words I want to say.
“Ihahatid kita,” aniya matapos ang ilang sandaling katahimikan.
Tumango ako. Alas otso na rin at hindi sa dilikado ang paglalakad nang mag-isa sa parteng ito, dahil kahit tumanggi naman ako, hindi siya papayag at ihahatid pa rin ako.
“Galit ka ba?” halos pabulong kong tanong.
He didn’t immediately respond. Instead continued to stare at my face like the answers are there.
Kahit hindi naman sabihin, alam kong alam niya kung ano ang pinupunto ko.
“Sorry—“
“Why are you sorry?” his firm voice interrupted me from talking.
Napakagat labi ako. Piniling pagmasdan ang dibdib niya at hindi magawang salubungin ang mga mata niya.
“You’re sorry for the kiss, is that it?”
He clearly tell me his perception about kissing. Ilang beses niyang inulit sa akin na hindi siya basta-basta nanghahalik kung hindi naman niya ito girlfriend pero ako…
“Do you regret it?”
I lifted my head at his next question. Orrin looked firm. No trace of humor on his face and it was like his life depends on whatever my answer is.
“Kasi diba sabi mo, hindi ka naman nanghahalik ng kung sino lang,“
“Do you regret kissing me?” pag-uulit niya sa tanong.
I pressed my lips together before shaking my head.
“Words, Moren.. I want words,” he demanded.
I quickly glared at him.
“Hindi kita maintindihan kaya gusto kong marinig,” his eyes narrowed at me.
I notice the sudden change of emotion on his face. Para na itong naaliw at may multo pa ng ngisi sa labi.
“Do you regret kissing me?” Orrin asked again, this time, sounding authoritative.
“Hindi,” nanghihinang bulong ko.
That’s precisely true. Kahit mali naman, wala akong makapang pagsisisi sa ginawa. The driving force of my action was my sister’s accusations. Naghalo ang galit at dismaya sa akin pero kung ibabalik ang oras, baka.. iyon pa rin ang gawin ko.
“Ikaw?” I trailed off. “Pinagsisihan mo ba ‘yon?”
The serene silence after it made the atmosphere awkward for me. Orrin was just staring at my face. Walang sinasabi.
"It's late, we should get going.."
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa naging sagot niya makalaan ang ilang sandali. Pero kahit ganoon nakakaintidi akong tumango at tinalikuran siya. I started walking, and I felt his presence from behind.
He avoided my question. Probably yes, since he made it clear to me that he doesn't just kiss anyone. At ako naman ang nauna, gumanti lang 'yon kaya ako hinalikan pabalik.
But I would be a hypocrite if I'd say it didn't hurt, because it is.
Again, it was another indirect rejection. Inamin ko sa kaniyang hindi ko pinagsisihan ang nangyari pero nang siya na, iniwasang sagutin ang tanong ko. I'm not a sucker for a kiss. Hindi rin ako mahilig maglaro. I'm too busy to help my family that flirting was the least of my concern. But now...
"Happy New Year!" malakas na sigaw ni Ate Rowena pagkapasok namin sa loob ng bahay.
Katatapos lang namin magsimba. Buong panahon ay tahimik lang ako. Nagsasalita lang kapag tinatanong. Kahit si Mama ay hindi pa ako nakakausap habang si ate ay parang walang nangyari. She acted casually.
Katulad ng pasko, sabay-sabay ulit kaming dumulog sa hapagkainan at pinagsaluhan ang lutong handa. Hindi umalis sila Ate at dumiretso sa silid kahit si Mama nang matapos kaming kumain ay natulog lang din. Si Papa ay nasa kaibigan na naman habang ako'y naiwan sa tahimik na sala.
Sumandal ako sa upuan, tinitigan ang kisame. The silence feels cold. This is the first time I'm celebrating the new year with nothing but a hollow feeling in my chest. Hindi naman ganito nang mga unang taon. Na kahit naiiwan akong mag-isa dahil may kaniya-kaniyang pinupuntahan sila Mama, hindi ganitong kabigat sa pakiramdam ang katahimikan. Pero ngayon ay ibang-iba.
Tumunog cellphone ko mula sa text galing sa mga kaibigan. Bumati at inimbitahan ako pero wala sa mga iyon ang sinagot ko. I will just ruin their family celebrations. Even Orrin texted a greeting and I just stared at it, unresponsive.
"Balik eskwela na naman! Nakakatamad nang mag-aral," reklamo ni Brix.
The days passed like a whirlwind and we're back at school again. Nasa labas kami ng room, naghihintay sa kaklase naming dala ang susi.
"Kailan ka pa hindi tinamad? Kahit naman wala kang ginagawa, palagi kang nagrereklamo." umirap si Cathy dito.
"Pero kapag mga babae ang usapan, parating ganado 'yan." nakangising dugtong ni Angela.
Brix exasperatedly gasped. Nakaakbay ito kay Cathy na kasalukuyang kinakain ang sandwich na dala ni niya.
"Heto na naman tayo, sabi nang nagbago na 'yong tao. Paulit-ulit lang?" depensa ni Brix.
Bumalik na sa Cebu si Renz habang si Ate Rowena ay nanatili. Ganoon pa rin ang naging takbo ng buhay namin sa bahay. Tumutulong ako kay Mama sa paglalaba. Hindi namin nito inungkat ang insedinte nang nakaraan at parang walang nangyari. I don't know if I'd be glad about it. A part of me wanted to apologize for the words I've said. I was hurt. But I'm completely aware I inflected them pain too.
"Pasok ka muna, mabilis lang ako." ani Dara nang makarating kami sa bahay nila.
I went in with her. Bumalik na sa Canada si tita kaya silang dalawa na lang ulit ni Orrin ang narito. Speaking of, I haven't seen him since the New Year's. Iyon ang huling kita ko sa kaniya na kahit iisang paaralan lang naman ang pinapasukan namin, hindi man lang nagtagpo ang landas naming dalawa. I was also waiting for his text for the commission update but for the past weeks, I received none.
Tahimik akong naupo sa sala habang si Dara ay dumiretso sa taas. Alas dos pa lang nang hapon. Wala kaming pasok dahil may meeting ang mga guro. Nag plano kaming maligo sa ilog na magkakaibigan. As I was waiting for her to get done, the door suddenly opened revealing the man who bothers my thoughts for quite some time.
Nagkatinginan kami ni Orrin. I just stared at him blankly while his was cold. No emotion laced on it. I quickly detached my gaze away from him and observed my nails. Narinig ko ang mga yabag nito. From my peripheral vision, I saw him taking the stairs. Iniwas ko roon ang tingin at tahimik ulit na hinintay si Dara. Nang bumalik siya, nakapagpalit na.
"Hindi ko alam kung kasya ba sa'yo 'to, pero hindi ko pa 'yan nagagamit." nilahad niya sa akin ang damit at short.
"Kasya 'to,"
I don't want to go home reason why I was borrowing some of her clothes.
"Magpalit ka muna sa kwarto ko," Dara motioned her hand upstairs.
Umiling ako. "Sa banyo niyo na lang,"
Tumango naman siya at giniya ako sa banyo nila na katabi lang ng kanilang kusina. Mabilis lang akong nagpalit at lumabas din. Nabungaran ko si Orrin na kausap si Dara sa sala. Dara glanced at me when she felt my presence.
"Crecia, sa ilog din ang punta ni kuya!"
I stared at Orrin but his was fixated on her. Unti-unti ko silang nilapitan hanggang sa nasa harapan na nila akong dalawa.
"Ikaw na lang ang sumabay sa kaniya. Dalhin mo na ang ibang pagkain natin." si Dara.
"I told you I'm with Vince and Mark. Sabay ko silan—"
"Balikan mo na lang sila kuya! Isa lang kasi ang motor namin, mabuting mauna si Crecia roon para isang beses na lang babalik si Brix!"
My eyes lingered on Orrin. He didn't even bother glancing at me while I cannot take my eyes off him. His jaw clenched, looking mad. I gritted my teeth at his reaction.
"Hayaan mo na, Dara. Huwag mong pilitin ang ayaw. May tricycle naman papunta roon," I said, getting annoyed.
Sumulyap si Orrin sa akin. Inirapan ko ito at tinungo ang pinto nila para lumabas. Nag reklamo si Dara sa kapatid pero hindi na ako lumingon pa sa kanila at tuloy-tuloy lang ang lakad palabas.
"You're coming with me."
Hindi ko pinansin ang seryosong boses ni Orrin sa likod. Binuksan ko ang gate nila at akma na itong itutulak pabukas ng may maugat na kamay ang humawak doon.
"Moren," he said in controlled voice.
"Puntahan mo na si Vince at kaya kong makarating sa ilog ng hindi ka kasama."
Sinubukan kong i-alis ang kamay niyang nakahawak sa gate nila pero gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang pagsalikupin niya ang kamay naming dalawa.
"Sa akin ka sasabay." ani pa nito at giniya ako papunta sa nakaparadang motor.
Sinubukan kong bawiin ang kamay mula sa pagkakahawak niya. Binitawan naman niya iyon. I glared at him but he just stared at me seriously.
“Galit ka pa? Sabing kaya kong magpunta roon nang hindi ka kasama!”
“Stop assuming things, will you?”
“Hindi naman ako mag a-assume kung hindi ko nakikita! See the look on your face?” I spat irritably. “Kung labag naman pala sa loob mo ito, mabuting hayaan mo na lang ako!”
Narinig ko ang pagbukas ng pinto nila, baka lumabas si Dara. Hindi ko binalingan ng tingin ang kaibigan maging si Orrin ay nanatili ang mariing titig sa akin. I was glaring at him, my breathing were uneven.
Nakakairita ang lalaking ito! His cold shoulder is unsettling. Wala naman akong maalalang ginawang masama sa kaniya. Pakiramdam ko nga iniiwasan niya ako at heto..
“Go to your damn, Vince and stop bothering me. Hindi kita kailangan, Orrin.”
It was too late to realize what I just said. Orri tilted his head. Hindi pa nakatakas sa paningin ko ang gumuhit na ngisi sa labi nito.
“Partida hindi pa nga nanliligaw si kuya, para na kayong nasa sabungan." Dara said from behind me. “Ano pa kaya kung maging kayo na?”
“Dara, ikaw na lang ang sumabay sa kuya mo. Sasabay na lang ako sa mga kaibigan natin.” ani ko saka siya nilingon.
“No, Sandara. She’s coming with me,”
Umiling ako, tanda nang pagsalungat sa sinabi ni Orrin. May nanunuksong ngisi sa labi ni Dara habang nakatingin sa aming dalawa.
“Vince and Mark will be joining Eira. I will inform them.”
Ramdam ko ang presensiya niya sa likod ko, ibig sabihin nasa malapit lang ang lalaki.
“Sandara will tag along with the rest of your friends, but you, Moren.. sa akin.”
I tilted my head, still shooting him daggers. Nakatungo siya. There was a ghost of smirk on his lips, staring at my face.
“Oo nga..sa kaniya ka na,” singit ni Dara. “Sandali at kukunin ko lang ang cellphone ko sa loob at punta muna tayo sa bahay ni Brix,”
Narinig ko ang papalayong yabag ni Dara pero hindi natinag ang matalim kong tingin sa kapatid niya.
“You know you’re right, it’s hard not to assume base on what we’re seeing,” Orrin whispered, smirking. “I will say this again and make sure it gets into your pretty head, Moren..”
Nagulat ako nang umangat sa ere ang kamay niya. Orrin tucked some strands of my hair behind my ear leaving me frozen in place.
“Vince and I are nothing. I don’t own her.”
Wala sa sarili akong napalunok sa intesidad ng kaniyang mga titig.
“Hindi ko siya kailan man magugustuhan. I like someone else, and that someone excel at provoking me. Lalo na ngayon,”
Umayos siya nang tayo, nagpamulsa pero hindi pa rin nagbabawi ng tingin sa akin.
“I’m already at my limits, Moren. I don’t want to bend my principles but you’re always pushing me at the edge.” he heavily sighed. “Hindi ko na alam ang gagawin ko sa’yo,”
My lips parted, surprised as his words registered in my head. Tinalikuran niya ako at ang sa motor tinuon ang pansin. Tinulak niya ito palabas. Huminto saglit para buksan ang gate bago tuloy-tuloy na nakalabas.
Nakatulala lang akong nakatitig sa kaniya hanggang sa bumalik si Dara.
“Tara na!”
Orrin's words rendered me speechless that I can only nod my head as response to my friend.
Hindi niya diretang sinabi pero ayon sa pagkakaintidi ko, gusto niya ako. Ako ang gusto niya at hindi si Vince! Pero bakit? Paano?
Habang nasa biyahe nakatitig lang ako kay Orrin na tila sa paraang iyon ay makakakuha ako ng sagot. Kaya ba.. hinayaan niya akong halikan siya dahil may tinatagong pagtingin pala ito sa akin? But when I asked him about it, he neglected the topic! Kaya baka pinaglalaruan niya lang ako!
Binaba namin si Dara sa bahay nila Brix. Naroon na si Angela at si Cathy na lang ang hinihintay. Katulad ng gusto ni Dara, sumabay ako kay Orrin papunta sa ilog dala ang nilutong pancit at soft drink.
Sa buong biyahe, tahimik lang ako. Maging si Orrin ay hindi rin nagsasalita. Narating namin ang ilog at wala pang tao roon. Gamit ang dalang blanket, nilatag ko ‘yon sa may damuhan saka binaba ang dalang pagkain.
Nilingon ko si Orrin na nakatungo sa sariling cellphone. I walked towards him. He might've felt my presence reason why he shifted his weight, fully facing me. Binaba nito ang cellphone at binigay ang buong atensyon sa akin.
"Iyong sinabi mo kanina, anong ibig sabihin no'n?" I started.
I couldn't make a peace about it. Kailangan kong maliwanagan.
"What about it?"
I gritted my teeth at his question instead of answering me.
"Gusto mo ako," I stated.
I waited for a violent reaction from him but instead he looked calm and compose. Ilang segundo rin akong naghintay na kontrahin niya ang sinabi ko pero hindi iyon nangyari.
"You like me, Orrin." I repeated with conviction.
"I do." he quickly replied, voice sounding hoarse. "It's you that I like, Moren. So spare me with your silly games. I'm not up for a fucking play."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro