Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

Kiss

Orrin’s face turned deadly serious after. Binaba nito ang kamay kong nakahawak sa kwelyo niya at tiim bagang akong pinagmasdan. I smirked at his reaction.

“Paano na lang kung sagutin ka ng babaeng mahal mo, ma turn off ‘yon kasi hindi ka marunong humalik?” nakangising dagdag ko pa.

“Kumpara sa’yo, nagkaroon na ako ng boyfriend. May experience na kaya..“ ngumuso akong dinungaw siya.

His jaw is tightly clenched. I can even see some of the veins on his neck popped out. Para itong makikipag-away sa ekspresyon ng mukha.

“You think you’re better at it, and I am not for that reason?” he arched a brow.

“It’s not even something to be proud of, especially not with that boy.”

The annoyance on his voice is palpable.

“Sus, bitter ka lang kasi hindi ka pa nakahalik ng babae. Hayaan mo, tuturuan din kita. Gusto mo ngayon, na?”

He glared at me. I was smiling, finding his every reaction funny.

“Masarap din akong humalik, hindi ka mululugi..” I murmured, mimicking his words when he asked me to work for him. “Uso naman ‘yon ngayon, naghahalikan kahit wala namang label. In your case, practice lang para kapag nag ka-girlfriend ka na, alam mo na ang gagawin..”

Bigla ako nitong tinalikuran sanhi para matawa ako lalo. Kinuha niya ang paper bag saka nilahad sa akin. Nakangisi ko lang siyang tinignan, hindi tinanggap iyon.

“This is from Sandara,” seryosong aniya, hindi makatingin sa mga mata ko.

“Ilang buwan na rin akong walang nahahalika—"

“Stop it.” mariing putol niya sa pagsasalita ko.

“Hindi ka ba curious man lang? Ang sarap sa paki—“

Muli, hindi niya ako hinayaang matapos.

“Hindi,”

This time, our gaze finally met.

“I thought I already made myself clear to you, Moren. Hindi pa pala,” he shook his head. “You still think of me so low.” he added now smirking.

“I don’t just kiss anyone. Girlfriend ko lang ang hahalikan ko.” he said, emphasizing each word. “I have my ways to please my girl so save your lectures. I don’t need it.”

I froze. The teasing smile on my face slowly fading. Those cold stares made my stomach turn cold.

“I’ll respect your decision if you’re really eager to reject my offer. Hindi ko na ipipilit ang gusto ko, pero sana tanggapin mo pa rin ang regalo ko. I bought it with the intention of giving it to you, at least accept it.”

Nilingon nito ang gitarang nakapahinga sa center table nila habang hindi ko magawang mag-iwas ng tingin sa kaniyang mukha.

“Ikaw na ang bahala sa kung anong gusto mong gawin diyan. You can give it to someone else, or dispose it.”

Nilingon niya ulit ako. At dahil kanina pa ako nakatitig sa kaniya, nagsalubong ang aming mga tingin. The coldness on his gaze didn’t waiver. I swallowed hard. Those stares are making me feel uneasy!

“Uh..” I stuttered as I find it hard to construct a response.

Napakaseryoso naman niya! It was just a joke! Was it?

“S-Sige, oo.. a-alis na ako,”

Kung gaano ako kabilis nakarating sa bahay nila, ganoon din kabilis akong nakauwi. But I feel completely different. Earlier, I was looking forward to meet him. Hindi ko ipagkakailang masaya akong lumisan sa bahay pero ngayon, para akong binagsakan ng langit at lupa na umuwi.

Was it my ego? Or his pained expression that haunts me? Dahil tinanggihan ako?

I only had one boyfriend. Siya wala pang naging karelasyon ni isa. Hindi ko rin alam kung ano baa ng sumagi sa isip ko at nasabi iyon. I guess, I was caught in the moment? O, dahil matagal na akong walang nahahalikan?

Napapikit ako. Damn it. I feel fucking stupid. Nakakainis!

“Ano ‘yan, gitara?” usisa ni ate nang makita ang dala-dala ko.

“Kay Dara,” mahinang bulong ko at nilagpasan siya.

“Hindi ko tinanong kung kanino. Ang sabi ko, ano? Kahit kailan ang bobo mo,”

I was still thinking about Orrin that I let her words slipped. Sa kwarto nila Mama ko muna nilagay ang gitara habang ang regalo ni Dara ay hindi ko na muna binuksan.

Remembering his look earlier bothered me a lot. It was not my intention to make him feel bad. Hindi naman mababa ang tingin ko sa kaniya kagaya ng sinabi nito pero hindi ko rin magawang isa-boses iyon.
I was just there, frozen as if cat got my tongue.

Sa buong umaga, iyon ang bumabagabag sa isipan ko. Panay din ang check ko sa cellphone at baka mag text siya pero nag alas 3 na lang, wala akong natanggap.

“Kailan nga ang balik  nila?”

“Si Orrin narito, si Dara sa 29 pa raw..” sagot ko kay Angela.

Malapit sa dalampasigan ang bahay nila Angela at may nakatayong sariling cottage para sa katulad nitong mga okasyon. Kinukunan ni Brix ng litrato si Cathy at kaming dalawa lang ang nasa cottage.

“Balita ko, sa ibang bansa raw mag ko-kolehiyo si Orrin..”

I snapped my head to her direction, surprised.

“Sino nagsabi?” gulantang kong tanong.

“Kay Sandara, hindi niya sinabi sa’yo?”

“H-Hindi..” umiling ako.

“Pero hindi pa naman sigurado. Hindi pa raw pumapayag si Orrin, plano pa lang ng Mama niya kaya siguro hindi pa niya na ku-kwento sa’yo,” Angela smiled.

Natahimik ako. I glanced at the shore and thought about it. It’s a good opportunity. Matalino si Orrin at hindi rin nagpapabaya sa pag eskwela kaya magandang ideya kung doon siya mag-aaral.

“Ang pangit naman ng kuha mo rito! Hindi ko angle!”

“Anong pangit? Ang ganda kaya! Kita iyong sunset, oh!”

Palapit pa lang ang dalawa, nagbabangayan na.

“Sunset iyong kita, ang mukha ko kumusta naman?” hirit pa ni Cathy.

Sinundo nila akong tatlo para maligo sa dagat. Kahit tapos naman na akong maligo, sumama pa rin ako. Higit dalawang oras na kaming narito at papalubog na rin ang araw. May baon rin kaming pagkain mula sa mga sariling handa.

“Malapit na ang Career Day natin, naisipan niyo na ba kung ano ang gusto niyo?” tanong ni Brix saka kumagat sa shanghai.

“I want to be an engineer,” sagot naman ni Cathy habang abala sa pagtingin sa cellphone.

“Sus, sa algebra pa nga lang, bagsak ka na.” segunda ni Brix, natatawa.

Cathy glared at him. “Nakakahiya sa score mong 1 over 10 sa algebra. Mabuti pa nga ang akin 3!”

Brix laughed loudly. Nabilaukan pa ito at mabilis na uminom ng tubig.

“Kung hindi pumasa sa engineering, simple lang. Maghahanap na lang ako ng a-asawahing Registered Engineer!”

“Alam mo sa college, hindi baling mababa ang score mo sa quizzes basta pasado—"

“Tanga, paano ka papasa kung mababa ang mga scores mo?” putol sa ni Cathy kay Brix.

Tahimik lang kaming nakikinig sa kanilang dalawa. Paminsan-minsan kong nilalantakan ang cake na dala ni Brix habang si Angela ay ang carbonara.

“May mga exams pa naman! Doon na lang ako babawi, iyong uno na score ko sa algebra, tataas pa ‘yan! Magugulat ka na lang, may Engineer na si Mama!”

Umirap lang si Cathy sa kaibigan. Mahina naman akong natawa sa sagot ni Brix.

“Ako siguro teacher. Gusto ko kasing magturo,” Angela butted in.

Nilingon nila akong tatlo na parang naghihintay sa sasabihin ko.

“Hindi ko pa alam, e. Pag-iisipan ko pa,”

Deep down, I know what I wanted to pursue in college. Pero hindi naman kaya ng budget. Lalo pa at buntis si ate na inaasahan kong kahit paano makakatulong. Naalala ko ring ayaw nila sa gusto kong kurso. They showed objection when I plotted my dreams. Kaya ngayon, hindi pa ako sigurado sa tatahakin sa kolehiyo.

“Ate, baka pwedeng ikaw na muna ang maghugas ng mga plato, may inuutos pa kasi si Mama.” I told her when I saw her sitting on the sofa the following day.

Nasa likod si Mama, naglalaba. Bibili ako ng Surf Fabcon at tutulungan na rin si Mama. Naalala ko kasing hindi pa pala ako nakapaghugas at nang tingnan ko sa kusina, nakatambak pa rin ang hugasin.

“Gawain mo ‘yon, ah? Bakit mo sa akin iniuutos?”

“Tutulungan ko kasi si Mama sa paglalaba. Tutal wala ka namang ginagawa at nakaupo lang,”

Si Renz, sumama kay Papa sa construction. Mainam na rin iyon kaysa kung uupo lang siya buong mahapon.

“Ayaw ko. Mabilis akong mapagod. Pagkatapos mong maglaba, ‘di maghugas ka.” aniya, hindi man lang ako nilingon.

Kumunot ang noo ko. Hindi naman iyon mabigat na gawain. Mabuti nga ‘yon at nang makapag exercise siya.

“Kung ganoon magwalis ka na lang ate. Ang kalat, oh..”

Sa pagkakataong ito, nilingon na niya ako. Matalim ang tingin at mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

“Bakit mo ba ako inuutasan? Matanda ako sa’yo, oy! May pa ate-ate ka pa, nang-uutos ka lang naman,”

“Wala ka naman kasing ginagawa, tinutulu—"

“Pwede ba, Crecia?! Alam ko ang dapat kong gawin, hindi mo ‘ko kailangang diktahan!” bulyaw niya, pinutol ang sasabihin ko.

“Ano ba ‘yan?! Ang aga-aga, kung magsigawan kayo daig pa ang barangay tanod! Tigilan niyo ‘yan,” malakas na boses ni Mama ang umalingawngaw sa buong bahay.

Inirapan ako ni ate, pero hindi pa rin tumayo. Bumuntonghininga na lang ako at tinungo ang sadya.

Hindi sa nagrereklamo ako. Kung tutuusin kaya kong gawin iyon ng kusa pero narito naman kasi siya. Pasaan ba kung tutulong siya sa gawaing bahay. Tutal hindi rin naman iyon mabigat na gawain.

Buong araw lang akong nasa bahay. I was strumming the guitar as if I know how to play it. Sa kwarto lang ako nila Mama naglagi at ang alam nila kay Dara ang gitarang ‘to, pinahiram lang sa akin.

Hanggang ngayon, hindi ko pa nakakausap si Orrin. Galit pa kaya ‘yon? Parang oo, pero para ring hindi?

Dapat din bang ikagalit iyon?

I stared at my phone. Inikot-ikot ko iyon sa sariling kamay. Nilingon ko ang gitara at binalik din sa cellphone ang mga mata. May balance pa ako sa binigay na load worth 100 pesos ni Orrin. Hindi ko pa nagagamit..

Muli kong nilingon ang gitara at bumuntonghininga.

To: Orrin
Saan ka? Boring, paturo naman

Kagat labi kong binasa ang mensaheng pinadala sa numero niya. Hindi ako kumurap habang pinagmamasdan iyon na nang mabilis itong tumunog dahil nag reply siya, halos mapasigaw ako!

From: Orrin
You mean, now?

To: Orrin
Oo sana

I stomped my feet on the ground. Wala bang ginagawa ‘to? Parang ang bilis lagi ng reply. Minu-minuto yatang hawak ang cellphone.

From: Orrin
Let’s meet at the coffee shop

To: Orrin
Sa inyo na lang!

Tumayo ako at mabilis na binalik sa lagayan ang gitara. Orrin already replied once I was done.

From: Orrin
Hindi pa sila umuuwi. I’ll teach you somewhere but not there

Nagtitipa na ako nang sagot nang mag text ulit ito.

From: Orrin
I’ll fetch you. We’ll do it at Eira’s house

Nakontento ako roon. Kaya naman mabilis akong nagpalit ng damit at lumabas ng kwarto. I was only wearing a jogger pants and shirt. Hindi ko nakita si ate sa sala at baka nasa kwarto. Maging si Mama ay wala roon.

I checked my sister’s room and truth to be told, she was there sleeping. Tinawagan ko na lang si Mama at nagpaalam. I was glad she agreed. Thankfully.

Palabas pa lang ako ng kanto, namataan ko na si Orrin na nakasandal sa motor. Mabuti na lang at dapit hapon na. Hindi na ganoong mainit sa balat ang sikat ng araw. Umayos ito nang tayo nang makita akong papalapit.

Sinuklay nito ang buhok gamit ang daliri at pinagmasdan akong unti-unting nawawala ang distansya sa pagitan namin. My chest hammered. Sana naman hindi na ito galit..

“H-Hindi pa pala nauwi sila tita?” I probed when I finally got near him.

“They’ll stay until 29,”

Kinuha nito ang dala kong gitara at akma na akong papalag nang mabilis pa sa alas kwatro nitong sinukbit sa likod. Napahinga ako nang malalim. Mabuti na lang hindi galit.

“Paano ikaw? Naroon sila at nandito ka..”

“Kababalik ko lang kaninang umaga. May gig kami, we need to practice our piece.”

Sumakay ito sa motor pero hindi pa pinaandar. Umangkas na rin ako kalaunan. Not long after, he started the engine and both of us are heading to Eira’s house.

Hindi ako nagsalita sa buong biyahe at sinikop na lang ang buhok. Lumilipad sa hangin ang buhok ko lalo pa at wala akong tali. Kalaunan, narating namin ang magarang bahay ng mga Fuentes.

“Wala rito ang parents ni Eira?” tanong ko habang naglalakad kami papasok.

“They’re here,” Orrin immediately responded.

Hindi naman ito ang unang beses na nakapunta ako rito pero para pa rin akong bago ng bago. Napakaganda, na tipong bawat sulok hindi napapalampas ng mga mata ko.

“Archi! Crecia!”

Mula sa kung saan, sumulpot si Eira. Hinanda ko na ang ngiti ko. She’s already smiling, very welcoming.

“It’s nice to meet you, again!” Eira beamed.

She glanced at Orrin but quickly darted her eyes on me.

“Grabe, you’re so pretty! Did you eat na ba? What do you want? I’ll have it prepared,”

“Ah,” Natawa ako. “Hindi na, busog pa naman ako..” pagtanggi ko.

“No, it’s okay. Huwag kang mahiya, you can tell me..” Eira said softly.

“Busog pa talaga ako, Eira.. kaya salamat,” tanggi ko ulit.

Ngumuso siya. Nilingon ulit si Orrin na hindi nagsasalita at nakikinig lang sa amin.

“They’re still at my room, mauna na muna kayo. I’ll just prepare some snacks,”

Tumango si Orrin dito. Eira glanced at me again, smiling.

“Feel at home, okay? Anyway my friends are here, if you need anything just tell me.”

“S-Sige,”

Katulad nga ng sinabi ni Eira, nauna kami sa kwarto niya. Nagulat ako nang makita si Vince kasama sila Adones at Mark. Nagku-kwentuhan ang tatlo. They stopped once they saw entering the room. Nakangising kumaway si Adones habang si Mark ay hindi nagbago ang pagiging seryoso ng mukha.

“Let’s go,”

Hinawakan ni Orrin ang siko ko. Hindi ko namalayang napahinto na pala ako sa paglalakad kakatitig sa kanila. Akala ko silang magkakaibigan lang. Well, I guess Vince is also one of their friends now.

Tumango ako kay Orrin at tahimik na naglakad. The three are situated at the couch. Akala ko didiretso roon si Orrin pero hindi. He went to the veranda of Eira’s room and so I followed him.

Mayroon ding sofa roon. Orrin offered me the long couch and I sat comfortably. Sa harap ko naman siya naupo. I glanced inside. Hindi naman naririnig ang mga boses nila mula rito. Bukas lang din ang sliding door.

“Ayos lang ba talagang dito tayo, Orrin?” panimula ko.

He was already removing the cover.

“Ayaw mo naman sa ibang lugar,”

“Pero hindi kaya nakakahiya kay Eira? At may ginagawa pala kayo, e. Sana sa ibang araw na lang!”

He lifted his gaze at me and instantly dropped it.

“We’re already done and Eira offered. Mas mabuting dito kaysa sa bahay namin,” umiling siya.

Napanguso ako.

“Mas mabuti nga kung sa inyo..” bulong-bulong ko.

The corner of his lips twitch. He successfully removed the guitar from its cover and put it at his lap.

“Next time, when Mom or Sandara’s around, we can stay there. For the meantime, we’ll find a place for this. Hindi pwede roon,” he affirmed.

Hindi na lang ako nagsalita. I watched him intently. Isang beses na pinadaan ang daliri sa string ng gitara at lumikha iyon ng tunog. My eyes narrowed at his look holding it.

“Gustong-gusto mo talaga ang pag gigitara ano?” hindi ko maiwasang itanong.

He seemed so passionate about it.

“Just a hobby,”

“Kapag mag college ka, itutuloy mo ‘yan?” tanong ko ulit.

He just shook his head.

“Bakit naman? Sayang, ah.”

Sinulyapan niya ulit ako. Saka ang espasyo sa gilid ko.

“Is it fine if I sit beside you? I thin—"

“Oo!” agad kong putol sa kaniya. “Dito ka na para mas maayos ang pagtuturo mo,”

Tumango si Orrin at mabilis na lumipat sa tabi ko. There was still a space between us but his familiar manly scent attacked my nostrils.

“So bakit nga? Sayang naman kung hihinto ka,” I asked again.

He stared at me for a while as if contemplating if he should answer or not.

“May future ang banda niyo, malayo ang mararating niyo kung sakali..”

“We’re planning to disband and focus on college, Moren.”

Mahina akong napasinghap sa naging sagot niya. Orrin’s eyes narrowed but there was a ghost of smile on his lips.

“We’re going separate ways. We cannot keep the band intact. The previous years are enough,”

Nakakalungkot. Pero wala naman kaming magagawa kung iyon ang gusto nila. Naalala ko ang kwento ni Angela. Posibleng isa iyon sa mga rason kung bakit..

“Nga naman, aalis ka pala pag ka graduate mo.” I whispered.

“What do you mean?”

Nilingon ko siya. Tila narinig nito ang bulong ko.

“Sabi ni Angela sa Canada ka na raw, diba?”

Kumunot ang noo niya. Ngumiti naman ako rito. Ipapahamak ko pa yata ang kaibigan ko.

“Na kwento raw ni Dara,” dugtong ko pa.

Orrin looked away.

“Pero magandang plano naman ‘yan, good luck na lang sa’yo..” I whispered again.

“I haven’t decided on that one yet. Baka dito lang ako,”

“Ano?!” bulalas ko. “Sayang naman ang oportunidad, Orrin! Kung ako sa’yo, kunin mo na!”

“We’ll see, but most probably I’ll be taking my college here,” anito saka ako mabilis na tinignan.

Napasimangot ako. “Kung ako ang bibigyan ng ganiyang offer, nako walang kurap kong tatanggapin!”

He chuckled. “Gusto mo ikaw na lang?”

Umirap ako. Sumandal sa sofa at tinitigan ang langit.

“Ang swerte mo nga, e. May sumusuporta sa pangarap mo,”

Natahimik si Orrin pero alam kong nakikinig ito.

“Alam mo bang gusto kong maging doctor o kahit nurse? Kaso hindi naman kaya ng budget kaya..” mapakla akong natawa.

Pero nakaya ni Ate..

“Kaya ikaw, huwag mong sayangin ang oportunidad na ‘yon. Baka sa huli pagsisihan mo pa,”

That dream.. is an impossible dream. Mas naging malabo pa ngayong nabuntis si ate. Hindi naman lingid sa kaalaman kong marami nang utang si Mama. Ayaw kong dumagdag doon.

Sa loob ng halos dalawang oras, tinuruan ako ni Orrin kung paano gamitin ang regalong bigay niya. At sa kabila ng bilin ko kay Eira na huwag na kaming bigyan ng meryenda, nagdala pa rin ito. Habang nagtuturo si Orrin, nasa loob lang silang apat.

I can’t help but to be amaze at how good Orrin is on this aspect. Hindi naman sa mahirap akong turuan pero may mga bagay na hindi ko madaling makuha at walang reklamo niya itong inuulit. He’s gentle.. and considerate.

Naulit ang ganoong tagpo nang sumunod na araw bago siya bumalik sa Bohol. Pagkatapos kong tulungan si Mama sa paglalaba at sa iba pang gawain, sa bahay ako ni Eira dumiretso.

Sa huling araw ng taon, may dalawang labada si Mama. Isa sa mga Sy at sa mga Collins. Naiwan sila ate sa bahay habang tinulungan ko siya. Natapos namin ang sa mga Sy nang umaga kaya naman pagkatapos naming mananghalian, dumiretso na kami sa bahay ng mga Collins.

Kilala ko lang si Vince sa pangalan, kaya naman nang makita ito sa puder ng mga Collins nagulat talaga ako. Iyon pala, anak siya ng mag-asawang Collins.

“Crecia, here’s your snack..”

Hindi pa man kami nagtatagal sa ginagawa ay dinalhan na kami ni Vince ng meryenda. Napatingin si Mama sa akin, nasa mukha ang pagtataka.

“Ah, sige.. thank you,” sagot ko, sabay bawi ng tingin kay Mama.

Nang makaalis si Vince, hindi na napigilan ni Mama at nagtanong na.

“Schoolmate Ma,” I simply stated. “Kaibigan ni Joshua..” I added.

Namilog ang kaniyang mga mata. Tinigil pa ang ginagawang pagbanlaw at hinawakan ang kamay ko.

“Kung ganoon, pwede mo bang pakiusapan ang kaibigan mo, anak?” nagsusumamong aniya.

Natigilan akong napatitig sa mukha niya.

“Balita ko, naghahanap daw sila ng katulong. Iyong permanente, umalis daw iyong isa sa mga kasambahay nila. Kaya pakiusapan mo iyong kaibigan mo, anak. Ipasok kamo ako, tiyak akong matutulungan niya tayo..”

I looked away, biting my lower lip.

“Malaking bagay kung matatanggap ako rito, kada buwan sasahod ako. Balita ko, maganda rin mag pa sweldo ang mga Collins kaya sabihan mo, huh?”

“Ma, hindi ko po kaibigan si Vince..”

Sa sinabi kong iyon, mabilis na binawi ni Mama ang paghahawak sa kamay ko.

“Sila Joshua po ang kaibigan niya, nagkakasalubong lang kami minsan sa eskwelahan. Pero limitado lang ang pag—"

“Gawan mo ng paraan! May mga utang pa akong kailangan bayaran, saka iyong ate mo! Kailangan nating makaipon para sa panganganak niya!”

I dropped my gaze, my heart wrenching. Ate.. si ate na naman.

“Alam mo naman ang sitwasyon natin ngayon, Crecia. Kung sakali mang matanggap ako, hindi na tayo gaanong mahihirapan.”

Suminghap ako, hindi pa rin nagsasalita.

“Kakausapin mo lang naman ang kaklase mo, mahirap bang gawin iyon?” dismayadong dagdag ni Mama.

Mariin kong kinagat ang pang-ibabang labi. She’s not even my classmate, Mama.

Gusto kong isaboses iyon, pero piniling manahimik na lang. I don’t want to feel jealous of my own sister but I can’t help it. The circumstances aren’t helping at all.

“Susubukan ko po,” sagot ko na lang.

Kahit hindi ko alam kung paanong subok ba ang dapat gawin. Vince and I aren’t close. Mabibilang sa daliri ang naging pag-uusap namin. Kung mayroon mang mas nakakausap siya nang matagal, si Orrin iyon.

Hapon na nang matapos kami sa paglalaba. Pagod na pagod ako kaya nang makapagpalit ng damit, humilata ako sa sala at natulog. Nagising lang nang may malakas na yumugyog sa balikat ko kasabay ng nakakarinding boses ni ate.

“Puro ka tulog! Tulungan mo nga kaming maghanda para mamaya!” si ate nang tuluyan akong magising.

Nanghihinga akong naupo. Still groggy from sleep, she appeared in my line of sight. May hawak siyang supot na hindi ko alam kung ano ang laman. I glanced at the door and saw that it’s already dark.

“Anong oras na ate?” tanong ko saka tumayo.

“Alas sais! Kita mo nang maraming gawain, panay lang ang tulog mo!” bulyaw nito na nagpakunot ng aking noo.

“Nagpahinga lang ako, nakakapagod maglaba buong araw.” I said trying to explain.

She scoffed. “Si Mama nga nagawa nang makaluto ng fried chicken, pareho lang naman kayong naglaba!”

Nilahad nito ang supot. Tinitigan ko lang iyon, naguguluhan.

“Anong gagawin ko riyan?”

Ate Rowena rolled her eyes.

“Bobo mo talaga, malamang lutuin mo! Alangan namang titigan mo lang?”

Parang nagpanting ang tainga ko sa narinig. I cannot help my glare at her. She saw it, her expression told me she’s offended.

“Aba’t!” gigil nitong saad. “Hoy, ayusin mo ‘yang tingin mo, ah? Tatamaan ka sa akin!”

“Bakit ba lagi mo akong tinatawag na bobo?” tanong ko, mariing nakatitig sa kaniya. “Pwede ba ate, magdahan-dahan ka naman sa mga salita mo. Choose your words wisely, I’m still your sister.”

“Wala kang pakialam kahit anong itawag ko sa’yo. Nagagalit ka sa bobo, e totoo naman?”

I gritted my teeth. My glares intensify reason why she pointed her finger at me.

“Sa ating dalawa, di ba ikaw ang bobo?”

Before I know it, my mouth voice out my thoughts.

“Naturingang matalino, nag-aral sa Cebu, pero umuwing…buntis.” I trailed off, smirking at her. “Sino kaya sa ating dalawa ang hindi ginagamit ang utak, Ate? Alam mo nang nahihirapan sila Mama mapaaral ka lang, pero ito ang isuksukli mo?”

Gumuhit ang galit sa mukha niya. Matalim ang tinging ginawad sa akin, mabilis ang ginagawang paghinga.

“Ang daming pangarap ni Mama sa’yo na binalewala mo. Hindi na ba talaga makapaghintay ‘yang kati sa katawan—"

May kung sino ang humawak sa braso ko at pinihit ako paharap sa kaniya. The next thing I know, a hand landed on my face. It was strong that it sting. Someone just slapped me.

“Bastos ka!” umalingawngaw ang malakas na boses ni Mama.

Hinawakan ko ang pisnging sinampal niya. Her slap hurt, but more importantly, my insides are dying.

“Wala kang respeto! Hindi mo na ginalang ang kapatid mo, at talagang sa harapan ko pa!” galit na sigaw niya pa sa mukha ko.   

“S-Siya po ang nagsimula, Ma—"

“Anong ako? Ginising lang kita at para tumulong sa pagluluto! Ikaw itong nagalit at nagmalaking tinulangan si Mama sa paglalaba!”

I glanced at her, dumbfounded.

“Iyan siguro ang nakukuha sa pagsama kay Archibad! Akala mo hindi namin malalaman?” mapang-insultong ngumisi si ate. “Napakalandi mo talaga, ‘no? Imbes na tumulong dito, lalaki ang inaatupag mo!”

Nalukot ang puso ko. Nilingon ko si Mama, umaasang susuwayin si ate at magagalit din ngunit hindi iyon nangyari. Sa akin pa rin nakatuon ang galit niya at si ate ang kinakampihan.
Habang pinagmamasdan ko silang dalawa, unti-unting nadurog ang puso ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko at parang anong oras tutulo ang luha mula rito.

Parang, kasalanan ko na lang lahat.

Iyong mga salitang binitawan ni ate, pambabastos din iyon sa akin. Pero walang imik na hinayaan ni Mama iyon, samantalang noong ako na ang nagsalita.. sampal ang inabot ko.

Saan ba ang lugar ko sa pamilyang ito?

I’m also a part of this family but my voice are always unheard. Sinaboses ko lang ang saloobin ko pero ako pa ang mali sa huli. Ako pa ang walang respeto.. ako pa ang nagmamalaki.

Bago pa may masabi ulit ako na tiyak kong ikalalaki ng galit nila, lalo na ni Mama.. umalis ako ng bahay.
Napakabigat sa dibdib. Anak din naman ako, ah. Pero parating si ate Rowena ang tama. Palaging siya ang kinakampihan ni Mama kahit mali naman.

Kung ako kaya ang nabuntis, taos puso din niya akong tatanggpin?

I highly doubt it. Kahit nga itong simpleng pagpapaturo ko kay Orrin nabibigyan ng malisya. Sa kabila ng katotohanang kahit paano natutulungan kami ng lalaki, siya pa ang lumalabas na masama.

“Orrin,” I mumbled softly.

Siya ang sumalubong sa akin nang buksan ang pinto. Their gate is open. Kusa akong pumasok at kumatok sa pinto nila nang bumungad ang lalaki.

I stared at his confused face. Palagi na lang nila pinagbibintangan ang lalaking ito na wala naman ginagawang masama. Iniiwasan ngang makasama ako sa bahay na mag-isa. He always asked for my permission. He respect my personal space, but for them.. for my own family, it is completely the opposite.

Pinagbintangan nila akong nilalandi ang lalaking ito na walang ibang hangad kung ‘di ang kabutihan ko. How fuck up is that?

“Moren,” his soft voice echoed in my head.

“Sila tita?” napapaos kong tanong.

Titig na titig si Orrin sa mukha na parang binasaba ang nasa isip ko.

“Wala rit—"

I didn’t let him finish his sentence. I pushed their door using my feet and advances a step. Pinadaan ko ang kaliwang kamay sa dibdib ni Orrin habang ang kanan ay pumalibot sa leeg niya saka mabilis na pinagdapo ang labi naming dalawa. I feel his shocked. His whole body froze while my lips move to kiss him fully.

Tutal iyon naman ang nasa isip nila, mabuti nang totohanin na lang.

His minty breath fanned my nose when I distanced myself after for about a minute. Pero nanatili akong nasa ganoong posisyon. My right hand on his nape, while the left resting on his chest. My gaze were labeled at his lips, red from my kissing. My eyes travelled until our gaze locked.

I can say, he doesn’t looked pleased at all. Madilim ang tingin at magkasalubong ang kilay! Napalunok ako. Damn it.

“Ahm,” I licked my lip.

Parang napapaso kong tinanggal ang pagkakahawak sa dibdib niya at isang beses na umatras. I was about to remove my hand that was holding his nape when this time, his firm hand enveloped my waist!

Hinapit ako papalapit! Too close that our chest are already touching each other! My eyes rounded a fraction. Lalo pa nang hinawakan din nito ang leeg ko. His warm hand touching my skin makes me shiver.

“Pasaway ka talaga, Prado..”

I heard him say before he crouched down for another kiss.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro