Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 13

Teach

“Alam mo, noong una nasusungitan ako sa’yo, e. Snob ka rin at parating ang tipid magsalita. Pero ngayon, nabibigla na lang ako sa mga lumalabas diyan sa bibig mo.” himutok ko. “Mapagpanggap ka talaga,”

“You’re just good at ignoring me. Hindi mo nga ako pinapansin kung hindi dahil sa kapatid ko,”

“At ako pa talaga ang hindi namamansin, ah? E, ang suplado mo! Kay Dara ka nga lang mabait,” I said defensively.

Tumawa siya. “You’re the one who’s always mean, Moren. Parati nga kitang pinagbibigyan,”

I tilted my head, my eyes turning into slits. He’s smirking. Aliw na aliw sa usapan namin gayong hindi naman totoo ang mga binabatong salita nito.

“Your attention is set to someone else that when it comes to me, I’m always on the bad side. Wala pa nga akong ginagawa, para mo na akong papatayin sa titig.”

“Hoy, excuse me?! Ikaw kaya itong grabe kong makatitig! Wala naman akong ginagawang masama pero ikaw,” umirap ako.

Muli kong narinig ang mababang boses na tawa nito.

“You practically ruined my guitar. Hanggang ngayon nga nasa kwarto ko pa rin iyon. I kept as an evidence and maybe someday, I can get my revenge?”

Nanlaki ang mata kong nilingon siya. Nakangisi si Orrin. Mukha namang hindi seryoso pero dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang gitarang iyon at kung paano sinabi sa akin ni Dara na nagalit ang kuya niya, alam kong hindi niya talaga iyon papalampasin!

“I-I.. was a kid! Hindi ko naman din ‘yon sinasadya at nag sorry na ako, ‘no!”

“It doesn’t change the fact that you  barged in room without my consent. Pinakilaman pa ang gamit ko at sinira.”

“Sinusubukan lang namin matuto. Ikaw itong ayaw kaming turuan kaya nagkusa na lang kami.” umirap ako.

Sa totoo lang, simula nang aksidenting iyon doon lang siya mas naging masungit. Humingi na rin naman ako ng patawad at ilang taon na rin ang lumipas. Hindi ko inaasahang uungkatin niya iyon.

“Well I can teach you now. Do you want to?”

Orrin tilted his head, his stares become serious.

“Sigurado ka ba riyan?” pinaningkitan ko siya ng mata. “Kakasabi mo pa nga lang na maghihiganti ka.”

Ngumisi siya. Hindi nagsalita at nanatili ang titig sa akin.

“Huwag na lang ‘no. Saka busy din ako, wala akong time para sa ganoon.”

“Pero iyon ang gusto mo. I mean,” he licked his lower lip. “You wanted to learn how to play guitar. I am willing to help.”

“Curious lang naman ako noon pero ngayon,” umiling ako.

“I can feed your curiosity. It was what the little Moren wanted.”

I froze at his words.

“It was once your dream. Even if it just picked your curiosity.”

Muli ko siyang sinulyapan. Namumungay ang kaniyang mga mata at umuukit ang ngiti sa labi.

“I know you genuinely wanted it and I’ll support you in that. Beside, you still owe me one for what you've done before.”

Napasimangot ako nang muli nitong banggitin iyon.

“Maybe if you’ll allow me to teach you, I’ll call it quits.” bulong pa ni Orrin.

Noon, gustong-gusto ko talagang matotoong maggitara. Pero nawala na lang din iyon sa isip ko habang lumalaki. Napunta sa ibang bagay ang attention ko. Kailangan kong unahin ang responsibilidad sa pamilya at pag-aaral na binaon ko na sa limot ang simpleng pangarap na iyon.

Now that Orrin is mentioning it again.. maybe, it’s still no yet to late, huh?

“Aba, gabing-gabi na. Buti naisipan mo pang umuwi?”

Nakapamaywang si Ate na sinalubong ako papasok. Wala sila Mama sa sala tanging si Renz lang na may kung anong pinanood. Nilagpasan ko lang siya at dumiretso sa kusina.
Naramdaman ko ang pagsunod niya Rowena pero hindi ko ito nilingon. Kumuha ako ng baso saka ito sinalinan ng tubig.

“Alam mo bang kanina pa naghihintay sa’yo si Mama? Ang paalam mo hindi ka lang magtatagal pero dalawang oras kang nawala! Hindi mo lang naisip ang trabaho mo—"

“Iyong ano ba? Paghugas?” putol ko. “Maghuhugas naman ako ng pinggan pagkauwi. Bago ako umalis, may panghapunan naman tayo. Ano pa bang obligasyon ang sinasabi mo, ate?”

“Maghuhugas? Sa tagal mong dumating, ako na lang ang naghugas! Inuuna mo kasi ang lakwatsa kaysa tumulong sa gawaing bahay!”

“Ayon naman pala. Nahugasan na, tapos na. Ano pa ba?” may bahid ng inis kong tanong.

“Nagpaalam ako kay Mama na kay Dara pupunta. Alam niya ‘yon at pinayagan ako. Tapos na rin naman kami sa paglalaba bago ako umalis. Baki—"

“Ah, so totoo nga?”

Huminto ako sa biglaan niyang pagsabat. Kumunot ang noo ko lalo pa nang tumawa siya.

“Nakikipagmabutihan ka na riyan sa kapatid ng kaibigan mo. Tama nga ang chismis, huh.” natatawa nitong dugtong. “Kahit sukdulan ng gwapo si Archibad, hindi ‘yan papasa kay Mama kaya tigilan mo ‘yang kahibangan mo. Ang mabuti pa, gumawa ka nang paraan para magkabalikan kayo ni Joshua at nang magkasilbi ka naman!” huling sinabi ni ate bago ako iwan sa kusina.

Hinabol ko siya ng tingin, dismayado sa mga narinig. Ganito na lang palagi. Noon si Mama, ngayon dumagdag siya.

Dalawang oras lang ang hiningi kong pahinga pero parang pati iyon bawal na. I left the house as if felt suffocated with everything. Gusto kong makalimot kahit panandalian lang at nanangyari nga pero nang bumalik ako, ito agad ang binungad sa akin.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin sila maintindihan kung bakit palaging damay si Orrin sa mga ginagawa ko. My explanation were futile as they chose to believe hearsays instead of their own family. Wala namang ginagawang masama iyong tao at ako na nga itong nahihiya sa mga paratang nila.

“Crecia, may naghahanap sa’yo sa labas.”

Kasalukuyan akong nagbabalot ng lumpia nang i-anunsyo iyon ni Papa. Kasama ko si Mama at ate sa kusina at naghahanda para sa Nuche Buena. Sila ate ang namili ng panghanda namin. Hindi ko alam kung saan sila kumuha ng pera. Renz is still a student according to her. Babalik nga raw sa Cebu katapos ng bagong taon at maiiwan si ate.

Ang nakakalungkot lang ay hindi na siya magpapatuloy sa pag-aaral. Sa isang iglap, biglang nabasura ang pangarap niya.. ang mga pangarap ni Mama para sa kaniya.

“Sige po, tapusin ko lang ‘to.”

Nirolyo ko muna ang wrapper. Nang matapos, iniwan ko na muna sila para tignan kung sino ba ang may sadya sa akin.

Pagkarating ko sa labas ng gate, kumunot ang noo ko nang makitang ang isang lalaking ayon sa suot at dala, parang rider yata?

“Magandang hapon, Ma’am. Kayo po ba si Crecia Moren Prado?”

Lumapit ito sa kinatatayuan ko. Naguguluhan man ay tumango pa rin ako.

“Delivery po, Ma’am.” ngumiti si Kuya saka nilahad ang isang box.

“Ho? Baka nagkakamali po kayo, wala po akong order..”

“Nagtanong-tanong po ako sa pangalan niyo at nag-iisa lang naman kayo. Tama rin po ang address na nakalagay,”

I furrowed my brows more.

“Bali papirma na lang po ako rito, Ma’am para patunay na na-receive niyo na ‘yong package..”

Kahit naguguluhan man, pinirmahan ko pa rin iyon lalo pa at parang pursigido si kuya. Nang matapos nagpasalamat ito at umalis din agad.

I then carried the box, confusion eating me up. Binasa ko ang nakasulat na impormasyon sa delivery receipt at tama nga. Buong pangalan ko ang nakalagay pero iyong sender ay blanko.

Pumasok ako sa loob ng bahay na dala-dala iyon. Nakita ako ni Papa at katulad ko’y nagtatanong ang mga mata nitong pinagmasdan ako.

“Padala daw Pa, hindi ko lang alam kung kanino..” I explained and sat across to him.

“Hindi mo alam? Di sana hindi mo tinanggap, baka kung ano lang ang laman niyan!” bulalas nito.

“Iyon na nga po, kaso desidido si kuya na para sa akin daw, e. Tama rin ang address ng bahay natin at kompletong pangalan ko ang nakalagay,”

Sinuri kong maigi ang kahon. Wala talagang pangalan ng kung sino man ang nagpadala. Kanino naman kaya galing ito?

“Huwag mong buksan ‘yan! Isasauli natin,"

“Ano ‘yan?”

Pareho kaming napatingin ni Papa kay Mama na kakalabas lang sa kusina. Kuryuso itong nakadungaw sa amin at hindi pa nakontento, linapitan pa kami.

“Uh, a-ano lang Ma..” I licked my lower when she just grabbed the box.

“Kanino galing ‘to?”

Her eyes looked doubtful as she examined the box too.

“Sa manliligaw mo?” mula sa kahon, napunta sa akin ang mapanuring mata ni Mama.

Umiling ako. “Wala po akong manliligaw. Hindi ko nga rin alam kung sinong nagpadala niya,”

“Sinasabi ko nga sa kaniyang isauli. Baka mamaya bomba ‘yan,” si Papa.

“Pa, anong bomba? Baka kay Joshua galing, regalo sa kaniya!”

Out of nowhere, ate Rowena appeared. Sinilip din nito ang kahon at dahil sa sinabi niya, nag-iba ang anyo ni Mama. She’s now smiling from ear to ear, pleased with my sister’s assumption.

“Buksan na natin! Sabi ko sa’yo, e. Hindi ka matitiis no’n,” nakangising ani ate.

Tumayo ako at akmang kukunin ang kahon ng muling magsalita si Mama.

“Kumuha ka ng gunting Rowena,” utos niya at aligaga namang sumunod si ate.

My lips parted.

“Iba talaga ang batang ‘yon. Napakagalante, kahit wala rito hindi pa rin nakakalimot magbigay ng regalo.”

“Mama, akin na po—"

“Pasalamat ka talaga at maganda ka. Kaya gamitin mo ‘yang ganda mo sa tama. Siguraduhin mong magkakabalikan kayo ni Joshua, hindi ka na makakahanap ng lalaking katulad niya.”

Nakabalik si ate na may dalang gunting. Hindi nila ako pinansin at basta na lang binuksan ang kahon. The excitement were written all over their face while I can’t seem to have the same. Si Papa ay nakaabang din sa laman ng kahon.

I just stood there, watched them open the package.

“Wow, chocolates!” bulalas ni ate nang tuluyan itong mabuksan.

Dalawa silang hinalungkat ang laman. Mga chocolates, marami at iba-ibang brand. Iyong mga napapanood ko lang sa tv at ang ilan ay katulad pa ng dala ni tita Marianne. Akala ko puro chocolates lang pero nagulat ako nang may itaas si ate na kahon.

“Shit, Ma! Tiffany and Co? Ang mahal-mahal nito!”

As if they just saw a gold, they abandoned the chocolates and attended to the smaller box. Nagniningning ang mata nilang dalawa na pinagmasdan ang sa tingin ko’y bracelet.

“Akin na lang ‘to! Mas bagay sa kin ‘to,” agad na deklara ni ate Rowena.

She was smiling widely, caressing the bracelet.

“Kay Crecia ‘yan! Paano kung hanapin ni Joshua sa kaniya?” ani naman ni Mama.

“Ma, wala naman dito si Joshua! Saka pwede namang gumawa ng kwento si Crecia par—“

“Tigilan mo ‘yan, Rowena! Mabuti nga itong nagpaparamdam na ulit ang batang ‘yon. Paano kung maging sanhi ‘yan ng paghihiwalay nila?”

Napailing akong tinalikuran sila. Hindi pa naman sigurado na kay Joshua galing iyon. At oo mayaman si Joshua pero kahit kailan hindi pa ako nabigyan ng regaling ganoon ka mahal ang halaga.

“Benta kaya natin..”

Hindi ko narinig ang kabuuan ng sinabi ni ate. Binalikan ko ang ginagawa kanina. Wala naman akong interes sa bagay na iyon. Ang gusto kong malaman ay kung kanino galing iyon.

Joshua literally abandoned me. It’s impossible those are from him. He just left me. He vanished like a thin air and there is not fucking way he’d give me such.

“Nasa lamesa ang bracelet. Ingatan mo ‘yan at huwag mong walain.”

Hindi rin nagtagal pumasok din silang dalawa sa kusina. Tumango ako rito

“Kapag magkagipitan, pwede nating ibenta o kahit sangla ‘yan—"

“Rowena!”

I am not into fancy thing. May bracelet din naman akong ginagamit. Iyong bigay ni Orrin at wala talaga akong balak isuot iyon. Baka itago na lang lalo pa at hindi ko kilala kung kanino galing iyon. Baka balikan ako at bawiin.

From: Dara

Merry Christmas, sister in law! Enjoy kayooooo

Bukod kay Dara, binati din ako ng mga kaibigan ko sa text kahit nagkita naman kami sa simbahan kanina. Si Dara lang ang wala sa Isla Cali sa aming magkakaibigan.

I was only expecting a text from her that when I saw another message coming from her brother surprised me. Dahil wala na naman akong load, hindi ko sila na replayan.

From: Orrin

Hope you’re having a Merry Christmas

I was staring into his text that I didn’t notice I was already smiling like an idiot. Tumikhim ako at akma nang ibubulsa ang telepono nang muli itong tumunog. Dalawang text iyon galing pa rin sa kaniya at ang isa ay text na nagsasabing nakatanggap ako ng load!

From: Orrin
Can I call?

Napanguso ako. Dahil regular load naman iyon, ni register ko muna sa promo. Pagkatapos, saka ko lang sila nireplayan. I greeted Dara back before I texted him.

To: Orrin
Katatapos lang namin magsimba, kakain pa kami

He was quick to send a response!

From: Orrin
Alright then. I’ll call when you’re free, just text me

To: Orrin
Pwede namang ako na lang ang tumawag mamaya

Sumandal ako sa nakasarang pinto habang hinihintay ang reply niya. Nasa kwarto ako nila Mama at kakatapos lang magpalit ng damit. Kababalik lang namin mula sa simbahan.

To: Orrin
Ikaw ba ang nag send ng load sa akin?

From: Orrin
Yes, so I can get a reply. Pasko pa naman. Araw pa ng pagbibigayan

I chuckled reading it.

To: Orrin
Okay, mister Santa Clause. Para naman hindi masayang itong bigay mo, ako na lang ang tatawag mamaya

From: Orrin
It would be my pleasure, Moren

Binasa ko na lang iyon at hindi na nag reply. Bumaba na ako para kumain. Nakakatuwang pagmasdan ang lamesa naming puno  ng masasarap na pagkain. Sa tuwing pasko at bagong taon lang nangyayari ito. Minsan din kapag fiesta. Ang mga chocolates na bigay ng kung sino man iyon ay naroon din.

Sabay-sabay kaming dumulog sa hapagkainan. Tahimik lang ako habang nag-uusap sila. Nagpaalam si Papa kay Mama na pupunta sa bahay ng kumpadre at bago pumayag ang huli, nakatikim muna si Papa ng sermon. Pero dahil pasko naman daw, hahayaan niya ito.

“Ikaw Mama? Hind ka ba magpupunta sa mga kaibigan mo? Taon-taon naman kayong nag-iinuman di po ba?” sabat ko dahil mukhang walang balak si Mama.

“Hayaan mo silang magsunog ng atay. Matutulog ako!”

Napatango ako sa narinig. Hindi ako pwede sa kwarto ni Mama mamaya kapag tawagan ko si Orrin. Bawal din ako sa sala habang sa kwarto ko…

“E, kayo ate? Hindi ba kayo.. aalis?” baling ko sa kanilang dalawa.

“Ah, oo nga pala Ma. Sa kaibigan ko na muna kami. Nang nakaraan pa sila atat akong makita, gustong makilala si Renz..” hinawakan ni ate ang kamay ni Renz, nakangiti.

Napansin kong natigilan si Mama. Her stares stayed on my sister. I sighed. Kahit hindi niya sabihin, alam kong nasasaktan ito sa nangyari kay ate. Halata naman sa mga mata niya.

“Bahala ka, matanda ka naman na!”

Binalingan ko ulit ang kinakain. That means I can stay at the room after eating.

Naghugas na muna ako sa pinagkainan nang matapos kami habang nagsialisan sila. Si Mama ay dumiretso sa kwarto. Pagkatapos dumiretso na ako sa kwartong ginagamit nila ate. Hindi na ako nag-abalang magbukas ng ilaw at basta na lang nahiga. I opened my phone and searched for his contact.
Nasa dalawang ring pa lang ay sinagot na niya agad.

“Merry Christmas!” I immediately started. “Si Dara?”

Kumuha ako ng unan saka ito niyakap habang nakatigilid na nakahiga. My back is facing the door while in front of me is our window.

“Merry Christmas, Moren..”

His voice sounded so low, like a whisper.

“It’s Orrin you’re  talking to, why are you looking for her?”

Natawa ako sa sunod nitong sinabi.

“Bakit bawal ba? E, magkasama naman kayo ngayon.”

“Then might as well call her instead of me, huh?”

“Sungit naman, nagtatanong lang kung nasaan, eh..”

Rinig ko ang malalim nitong buntonghininga.

Sandara’s inside the house,” huminto siya bago muling nagsalita. “How are you? I hope you’re having fun celebrating the holiday with your family.”

May kung anong mainit na bagay ang humaplos sa puso ko sa mga salitang narinig mula sa kaniya. Remembering our past encounter, he’s naturally good at this.

Orrin is just.. so kind.

“So far, enjoy naman..” bulong ko na lang.

"That's good to know. I have a gift for you by the way,”

Nanlaki ang mata ko sinabi niya. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya!

“I’ll give it to you tomorrow. Hindi pa naman tapos ang pasko kaya pwede pa..”

“Nagbigay ka na ng regalo, ah? Tama na ‘yon! Hindi ko tatanggapin ‘yan!” I hissed.

That was a monetary gift, like a bonus.” his raspy chuckled echoed in my ears. “This one is different. Kaya nga bukas ko ibibigay. Christmas isn’t over yet, still fine to give you one.”

Umawang ang labi ko.

“Minsan lang ako maging mapagbigay kaya kung abusuhin mo na,” natatawang dagdag niya nang ilang sandali akong hindi nagsalita.

I’ll go home tomorrow. Inform me when you’ll be available, I’ll wait..”

May sinasabi pa si Orrin pero nawala ang atensyon ko roon nang biglang bumukas ang pinto. My eyes rounded a fraction. In the state of panic, I instantly ended the call and glanced at the door.

Dahil madilim ang buong kwarto hindi ako napansin ng kung sino man ang pumasok. Naningkit ang mata ko at kumalma rin nang makilala ang mga ito. Sila ate lang pala! My eyes narrowed when I realize what they’re actually doing.

Batay na rin sa tunog na nililikha nila at galaw ng kanilang mga ulo, naghahalikan! Mabilis akong tumayo saka tinawag si ate. Tumigil sila sa ginagawa at narinig ko pa ang mahinang mura ni Renz. 

“Crecia!” gigil na saad na ni Ate Rowena nang buksan ang ilaw at nakita ako.

Parang binagsakan ng langit at lupa si Renz, halatang bitin habang si ate ay matalim na nakatingin sa akin.

“Sorry, dapat kasi kumatok muna ka’yo—"

“At bakit ka nandito?!” pinutol ni ate ang sasabihin ko.

“Nakahiga lang ako ate. Wala akong ginalaw sa mga gamit niyo,”

She's glaring at me. Si Renz ay lumapit na sa higaan habang nanatili siya sa may pinto.

"Aalis na ako," paalam ko bago tuluyang lumabas.

Naalala ko si Orrin at napabuntonghininga nang maalala ang pagpatay sa tawag. There was a text from him. I instantly read the content as I made my way to the other room.

From: Orrin
Thank you for the time, Moren. Merry Christmas again

Napangisi akong nagtipa ng mensahe pabalik.

To: Orrin
Sorry pinatay ko, dumating sila ate

From: Orrin
I understand

Pagkarating sa kwarto, mahimbing nang natutulog si Mama. I carefully lay on my spot as I continue to construct a message for him.

To: Orrin
Iyong gift na sinasabi mo! Huwag na, hindi ko rin naman tatanggapin!

Sobra na iyon. Hindi ko nga sana tatanggapin ang perang bigay niya pero dahil nagpumilit ito at kailangan nga namin, tinanggap ko na lang. Pero ito! This is another story!


Kahit late na akong natulog, maaga pa rin akong nagising. Nagsaing na muna ako at nagwalis. Ininit ko na rin ang tirang ulam kagabi para sa pang-umagahan namin. Kaninang madaling araw, hindi agad ako natulog at kinumbensi pa si Orrin tungkol sa regalo. I convinced him through text but it was useless!

"Ma, may labada ka po ba ngayon?"

Kasalukuyan kaming kumakain. Wala pa sila ate Rowena at kaming tatlo lang nila Papa ang nasa hapag.

"Wala,"

I hide the smile that formed in my lips by drinking water. Wala rin akong gagawin ngayon. Pwedeng ngayon na lang ako makipagkita kay Orrin para kunin ang regalong sinasabi niya. Tutal nagpupumilit siya at mayroon din daw regalo si Dara para sa akin.

Kaya naman pagkatapos kong maligo at magbihis, natagpuan ko ang sarili sa labas ng bahay nila Orrin. Nag text siya kanina pa na nasa Isla Cali na ito. He told me to sent him a message so we can meet somewhere. Saka lang ako nag text sa kaniya nang nasa labas na ako ng bahay. Not long after, their gate opened and it revealed his physique.

"Hello!" I beamed, waiving my hand in the air.

The looked of surprise is written all over his face. Tinulak ko ang gate nila at pumasok.

"Dito na lang tayo, ibibigay mo lang naman ang regalo ko." I said as I walk passed him.

He's alone. Nasa Bohol pa sila tita at Dara. Siya lang ang umuwi mag-isa.

"Moren," he called when I continued walking.

Ako na rin ang nagbukas ng pinto para pumasok. I sat comfortably on their couch. Si Orrin ay nasa bungad pa ng pinto, awang ang labing pinagmamasdan ako.

"What? Tatayo ka na lang ba riyan?" tumaas ang kilay ko.

"I told you to text me—"

"I did! Nag text naman ako sa'yo, ah?"

"Pero nasa labas ka na. Wala rito sila Mama at Sandar—"

"Obviously, ikaw lang mag-isa rito." I cut him again.

Orrin pressed his lips together. He looked annoyed. Lumapit siya sa gawi ko, nakapamaywang. Nakatingala ako sa kaniya habang nakatungo ito.

"Hindi rin naman ako magtatagal, kukunin ko lang ang regalo.."

Naalala kong ayaw niya palang makasama ako rito nang kami lang dalawa.

"Imbes na tumunganga ka riyan, kunin mo na ang dapat mong ibigay. Dito lang ako," I smiled at him.

Nanatili ito sa kinatatayuan, pinagmasadan ako. He looked tormented. Kunot ang noo at mariing nakapukol ang tingin sa akin.

"Come on, Orrin. Mabuti nga at sinipot kita. Alalahanin mong hindi ko sana tatanggapin yan—"

"Fine! You wait here,"

This time, it was his turn to stopped me from saying my litany. Natawa ako. Katulad ng sinabi niya, naghintay nga ako. He went upstairs, probably to his room and when he came back, my jaw literally dropped. May hawak siyang gitara. Sa kabilang kamay ay paper bag.

Dumiretso siya sa gawi ko. Nilagay sa center table ang paper bag saka nilahad sa akin ang gitara. A gasped escaped from my lips.

"You want to learn how to play?"

"A-Anong.. bakit ito?" I asked, stunned at his present.

"Bakit hindi 'yan?" he asked too, smirking playfully.

I glared at him. He chuckled immediately.

"Damn, don't look at me like that."

"Umayos ka nga! Ang mahal nito, ah?" I said seriously. "Oo gusto kong matutunan kung paano 'to gamitin, noon. Kaya hindi ko.."

Umiling ako. Muli kong nilahad sa kaniya ang gitara at nang hindi nito tinanggap, sa center table ko na lang ito nilagay.

"Hindi ko 'yan tatanggapin,"

Tumayo ako, naiiling. Nawala ang ngisi sa labi niya at bigla itong sumeryoso. I closed our distance, making him see my point.

"It's a gift, Moren. Hindi ako—"

"Kahit na! Hindi ko pa rin 'yan tatanggapin!"

I bite my lower lip as I stared at him painfully.

"You don't get it, Orrin. That was just out of curiosity! Natutuwa lang akong makita kayong naggigitara. Iyon lang 'yon, nothing serious!"

"Even so, I still want you to pursue it. It's not yet too late. Tuturuan naman kita," he whispered softly.

"Ayaw ko pa rin,"

Due to our distance, I can clearly see how his gaze softened. My eyes narrowed at his jaw. I gritted my teeth. I settled my vision to his eyes to avoid any distraction but it even worsen!

"Bakit? Wala namang masama kung matututo ka. You can make it as a hobby."

I narrowed my eyes, following the movement of his lips.

"You're a genius. It won't be hard for you to familiarize the concept." he trailed off, smiling a bit. "Tuturuan kita hanggang sa matuto ka. Kahit gaano pa katagal 'yan. I'll offer you my expertise."

I dragged my gaze upward. Dahil kanina pa siya nakatitig sa akin, agad nagtagpo ang aming mga tingin. His words, are making me feel unnecessary emotions. I really hate how even the simple act of kindness from him is sending me to the edge.

"I wonder.."

I lifted my hand and it went directly to his collar. His eyes narrowed.

"Since wala ka pang naging girlfriend, do you even know how to kiss?"

Natigilan siya, hindi inaasahang lalabas iyon sa bibig ko. I pulled his collar and his body moved with it.

"Parang ikaw yata ang dapat kong turuan. Right, Orrin Archibad?"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro