Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 11

Commission

"Salamat sa paghatid.."

Kabibigay ko lang ng helmet sa kaniya at katulad nga ng gusto ko, ginamit namin ang motor niya pauwi. Nagpababa ulit ako sa may kanto at heto na nga kami.

"Uh.." Huminga ako nang malalim bago siya lakas ng loob na tiningnan.

Orrin was holding the two helmet on his hand as he watched me stood beside him. Naka sampa pa siya sa motor.

"H-Hindi ka na pala nag text tungkol sa paggawa mo ng commissions... naisip ko lang, na.." I looked away as I caress the bridge of my nose.

Nakakapanghinayang din ang kikitain ko sa pag encode lang ng mga academic papers niya. Limang daan din 'yon!

"Tumatanggap ka pa rin ba? O, hindi na?" dugtong ko na lang.

We were at the side of the street. Hapon, at may mga taong dumadaan. Ilang mga kakilala. I was sure they know Orrin. Hindi gaanong kalaki ang Isla Cali para hindi nila makilala ang taong kasama ko.

"Mayroon pa naman,"

Napatango ako sa naging sagot niya. I looked at the road to our house and back to him who's still sitting on his motorcycle.

"Why? Do you want one?"

I chuckled. Sino ba ang a-ayaw sa pera? Of course gusto! Ilang araw ko ngang hinintay ang text niya para doon. Akala ko wala nang nagpapagawa sa kaniya, mayroon naman pala.

"Oo naman.. pera na rin 'yon," ani ko, nangingiti. "Iyong tungkol kay Mama.. huwag mo nang isipin ang sinabi ko.."

I licked my lower lip. Orrin was staring at me. Seryoso at parang hindi ako pwedeng magkamali!

"Malaking tulong din naman sa amin ang nakukuha ko mula sa mga commissions mo. Saka, wala naman tayong ginagawang masama.."

"But won't she get mad at you?"

"Hindi 'yan! Basta ako nang bahala sa kaniya." I immediately responded.

Orrin stared at me for a while before nodding his head.

"Alright then. This Saturday, are you free?"

"May gagawin ako sa umaga. Sa hapon, baka pwede?"

Tatangap ako ng labada sa sabado pero hindi rin naman aabutin ng buong araw 'yon. Pwede siya sa hapon o gabi. Dito lang naman sa Isla Cali.

"Okay, saturday afternoon then."

Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang ngiti. Nilingon ko ulit ang daan saka binalik sa kaniya. Orrin arched a brow.

"I think, I should go.." I said, coughing a bit.

"You go ahead. I'll watch you from here."

Tumango akong muli. I took a step backward, my body still facing his direction. I waved my hand before I turn around completely. Habang palayo ako sa kaniya, hindi na ako naglakas loob na lumingon ulit. I know he's still there, watching.

I caressed the part of my chest as I felt it beating loudly. Lagot ako neto kay Mama. Paniguradong aabot sa kaniya ang balitang may kasama akong lalaki sa kanto at si Orrin pa. Hindi ko rin alam kung ano bang sumagi sa utak ko at nasabi 'yon kay Orrin.

I wasn't thinking rationally! Weeks ago, I was determined to distance myself from him because my own mother doesn't like me going out with him. Kahit wala naman talaga kaming ginagawang masama. Ayaw ko magalit sa akin si Mama kaya ko pinagsabihan si Orrin at ngayo..

I groaned inwardly. But.. it honestly felt good. Now what I told him not to worry about her, I guess we will return to normal. Orrin won't ignore me anymore and I'd help him to his work! Mabuti na rin 'yon. Saka ko na pro-problemahin si Mama.

Pagkarating ko sa bahay, si Papa lang ang naroon. Nagsaing na muna ako at saka pumanhik sa kwarto para magpahinga. Bukas ay pareho lang din ang ganap sa eskwela. Pero sa gabi ay may sayawan. Hindi naman ako mahilig sa mga ganoon pero dahil mandatory ang attendance, pupunta na rin ako.

"Kailan ba 'yan? Hindi ba pwedeng sa sabado, anak?"

Inabot ko ang pitsel nang maubos ni Mama ang tubig sa sariling baso para Salinan ulit ito. Naghahapunan kami at biglang tumawag si ate. Naririnig ko ang mga sinasabi ni Mama pero ang kay ate ang hindi. Kahit ganoon, may ideya pa rin ako kung tungkol saan iyon batay na rin sa mga sagot niya.

I just eat my food in silence. Mabuti na lang talaga at hindi ako nasermonan ni Mama. I guess walang nag kwento sa kaniya sa mga nakakita sa akin kahapon.

"Humihingi na naman ng pera 'yang anak mo?" tanong ni Papa nang ibaba ni Mama telepono at malalim na bumuntonghininga. "Pagsabihan mo 'yan, kung maka waldas akala mo pinupulot lang natin ang pera dito. Ni hindi na nga tayo makabili ng ulam-"

"Anong akala mo sa anak ko, Hulyo?"

Hindi pa man natatapos si Papa ay agad na sumabat si Mama. Iritado at matalim ang tingin sa kaniya.

"Alam no'n ang sitwasyon natin dito! Matalinong bata si Rowena at hindi 'yon basta-basta nagwawaldas kung hindi naman importante!"

"Kakapadala lang natin noong lunes, ah? Katatapos lang din ng exam-"

Again, he was cut off with my mother's loud voice.

"Ilan lang naman 'yon? Tatlong libo?!" singhal niya. "Nasa syudad ang anak mo, Hulyo! Kakapiranggot lang ang mabibili ng perang 'yon! Nasa malayo si Rowena, aba hindi naman pwedeng magutom iyon doon at mawalan gayong wala tayo!"

Binaba ni Papa ang kubyertos saka ito malalim na bumuntonghininga.

"Ang sa akin lang, ang hirap kumita ng pera. Marami rin tayong babayarin at kung maari, iwasan niya ang pag waldas sa mga bagay na hindi naman kailangan. Nang lunes pa lang ang padala mo, huwebes pa lang ngayon, ano ubos na 'yon?"

Napakagat labi ako. Malumay lang ang boses ni Papa, kalmado pero si Mama ay nakatikwas na ang kilay. Bakas ang galit sa mukha at alam kong hindi nagugustuhan ang mga naririnig.

"Huwag mong itutulad ang anak ko sa'yo, Hulyo! Ikaw kahit walang okasyon panay ang inom! Isang tawag ng barkada agad magkakandarapa dahil ano? Inuman!"

Nagpatuloy ang mga salita ni Mama habang si Papa ay tumahimik na lang. Nang mapansing wala nang balak sumagot ang huli'y, umalis na lang si Mama na hindi pa nauubos ang pagkain sa plato.

"Kain ka pa Papa," I croaked when we were left.

"Iyang Mama mo talaga, kapag ang ate mo ang usapan hindi nagpapatalo. Palaging tama ang Ate mo kahit minsan sumusobra na." dismayado siyang umiling.

I understand him. Madalas nga ganoon si Mama pero natural lang naman siguro iyon sa isang ina lalo pa at wala nga dito si ate. Nasa malayo at mahirap nga naman maubusan gayong siya lang mag-isa. Pero may punto rin si papa, sana naman isipin ni ate na may mga pangangailangan din kami.

Because of what happened, I become even more motivated to do part time jobs. Mabuti na lang at nakausap ko na si Orrin tungkol sa trabaho ko sa kaniya at mabuti na lang din hindi nakaabot kay Mama ang paghatid ni Orrin sa akin kahapon.

Sa eskwelahan ay nasa booth lang din ako maghapon. Hindi ako umalis kahit nang mag lunch. Hindi ko rin nakita si Orrin o kahit ni isa sa mga kaibigan niya. My friends are excited for the party. Kung hindi lang dahil sa attendance at plus point na rin kay Ma'am Chaves, hindi talaga ako dadalo.

When the clock strikes five in the afternoon, we cleaned up our booth. Ang iba sa mga kaklase namin ay nasa gymnasium para mag-ayos ng lamesa namin para mamaya sa party at naiwan kami para maglinis ng booth.
Dala-dala ko ang telang ginamit sa pag skirting ng lamesa paakyat sa room kasama si Brix.

"Ang duga talaga nila, hindi man lang tayo sinamahan! Talagang tayo lang ang pinagbitbit!" reklamo niya.

May dala itong karton na puno ng mga ginamit na pang desinyo na pwede pang magamit sa susunod at sa room lang muna ilalagay.

"Mayroon pa naman doon, sila ang magdadala ng iba paakyat."

Binuksan ko ang classroom namin at naunang pumasok. Sa cabinet namin nilagay ang mga dala saka muling lumabas.

"Si Katya, mukhang bibig ang party mamaya. Akala mo sumasayaw, sa upuan lang naman tumatambay."

I chuckled. "Ako nga hindi rin. Masaya rin namang manood, hindi ka lang maka relate dahil hindi ka naman mahagilap sa mga ganoong okasyon. Kung saang sulok ka lang naman tumatambay at kasama ang babae mo,"

"Oy hindi, ah! Wala na nga akong babae ngayon. Nagbabagong buhay na ako, Crecia."

Umakbay siya sa akin habang sabay kaming bumaba ng hagdan. Nasa ilang baitan pa lang kami nang makasalubong namin sila Maureen at Allan. Allan called my name, reason why I stopped on my track and so Brix.

"Kumusta ka na? Tagal kitang hindi nakita!" bibong salubong ni Allan.

Tipid akong ngumiti sa dalawa. "Maayos lang naman.."

"Tamang-tama at nakasulubong kita. Ano G, ka bukas sa ilog? Kahit wala naman si Joshua, kaibigan mo din naman kami. Kaya ayos lang kung sumama ka sa amin."

Naramdaman ko ang pag pisil ni Brix sa braso ko at maging ang mahinang tikhim nito'y hindi nakatakas sa aking pandinig.

"Allan, hindi magugustuhang makita ni Joshua kung kasama natin siya sa picture. Especially that he's not here,"

"Ano ka ba hindi 'yan. Maayos naman ang paghiwalay niyo diba?"

I tilted my head as I watched them. Si Maureen ay nakataas pa ang kilay habang nag-aabang ng sagot habang si Allan ay may nakapaskil na ngiti sa labi.

"'Di ko nga maintindihan ang taong 'yon, sa kalagitnaan pa talaga ng semester naisipang lumipat ng school. Hindi man lang pinatapos ang taon!"

"There's a lot of opportunity waiting for him there, Allan. Mabuti na rin 'yong lumipat siya kaysa ditong.."

Maureen paused, now smirking without breaking her gaze on me.

"Kayo na lang, Allan. May gagawin kasi ako bukas," ani ko bago pa siya muling makapagsalita. "Mauna na kami. Kailangan pa kasi kami sa booth namin,"

I timidly smiled at them before I started walking. Sumunod lang si Brix at nang nakalayo na kami saka lang ito nagsalita.

"Mabuti na lang at tumanggi ka. Nagbabalak kaming magpa Monhon ulit, sama ka naman diba?"

I glanced at him, his hands still on my shoulder.

"Kailan ba 'yan? Bukas?"

Nilingon din ako ni Brix, nakangisi.

"Yes, po. Bukas, like tomorrow!"

"Kakasabi ko lang na may gagawin ako, diba? Kaya baka hindi rin, enjoy na lang kayo.."

Brix groaned. I chuckled.

"Eh, kasi nag pa-plano kayo ng hindi ako kasama. At saka, baka tulungan ko lang din si Mama sa bahay. Alam mo naman.."

"Napag-usapan lang namin ni Cathy 'yon kagabi. Hindi pa nga alam ng dalawa, pero sigurado namang papayag ang mga 'yon."

"Oh, 'di kayong apat na lang. Masaya naman ako sa isipang nagsasaya na kayo," I said, beaming at him.

Napakamot sa leeg si Brix, nakasimangot. Lalo akong natawa. Totoo naman 'yon. Kahit hindi ako makasama basta't alam kong nag enjoy sila, sapat na sa akin.

Hindi naman kasi lahat ng pagkatataon palagi akong nakakasama sa mga gala ng barkada. They never failed to invite me, but that's just it.. duty's first.

Bandang alas sais na ako nakauwi ng bahay. Alas-otso naman ang simula nang program at baka nga alas nuebe pa ako magpunta para lang sa attendance. I was looking for something to wear when I received a text from Orrin. Tapos na akong kumain at maliligo pa lang.

From: Orrin
Hindi na nakapaghintay si Sandara sa'yo. Susunduin na lang kita pagkatapos ko siyang ihatid

Namilog ang mga mata ko sa nabasa. Nakakabwesit lang at wala akong load para masagot siya. Pinagsabihan ko na si Dara na mauna na sa school at huwag akong hintayin.

Gusto kasi niyang sabay kaming magpunta roon pero alam kong maaga siya. Hindi nga ako nagkamali, at talagang ipapasundo niya ako sa kapatid niya?!

Sapo ang noo, napaupo ako sa kama. I was still processing Orrin's text when Dara texted me.

From: Sandara
Girrrl, I'm here na sa school. But Kuya's going to fetch u. He's otw, I told him to wait for your text

Mabilis akong napatayo. Damn! Hind pa nga ako nakakaligo!

From: Sandara
I told kuya na bigyan ka ng load so you can text, cuz I know wala ka na namang load. See you, sister in law!

Napailing na lang ako sa sumunod nitong text. I put my phone on my bed and rushed to the comfort room to take a bath. Nasa sala pa sila Papa at Mama nanood ng tv nang lumabas ako para magpunta ng banyo.

It feels like it was the fastest bath I've ever had in my life. Hindi na rin ako nagkaroon ng pagkakataong mamili ng maisusuot at agad na lang na hinablot ang kung anong naroon. A denim skirt and a white off-shoulder top.

I combed my wet hair in a hurry. Put on lip gloss on my lips and I'm all done! Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko. Hindi na ako nag-abalang magdala ng bag at nilagay na lang sa likod ng cellphone ang pera ko. Singkwenta lang naman 'yon, papel kaya pwede sa likod ng phone case ko.

From: Orrin
Nasa tindahan ako sa tapat lang ng bahay niyo. Iniwan ko ang motor sa kanto. You can walk first and I'll follow you.

The text was sent fifteen minutes ago. Hindi na ako nag reply pa at lumabas na lang ng kwarto. Naroon pa rin sila Mama.

"Umuwi ka kaagad pagkatapos. Huwag kang kung saan-saan magpunta." Bilin ni Mama nang magpaalam akong aalis na.

"Opo, Ma.." I said in low voice.

She returned her attention to the television. I take that as a cue to leave. True enough, Orrin was already there. Nakatayo habang nakatitig sa bahay namin. Siya lang mag-isa pero kita ko ang mukha ni Aling Lea sa loob ng tindahan nito.

Orrin saw me reason why he straightened his back. May kung ano itong kinakain batay na rin sa galaw ng bibig. Instead of walking, I stopped for a moment as I stared at him. He was just wearing a plain white shirt beneath his denim jacket and a black pants. His hair is still unruly. Ang ilang tikwas ng buhok ay tumatama sa noo. Even from a distance, I can see his earrings. Silver 'yon at kumikinang lalo na sa tuwing natatamaan ng ilaw.

I glanced at the store. Nakita kong sumisilip si Aling Lea sa butas nang chicken wire sa gitna. Napanguso ako. I looked at Orrin again before turning my heels around, leaving the house.

Dalawang minuto ang nakalipas at nilingon ko si Orrin kung sumunod ba. He's indeed tailing me. I looked at the road again and resumed on walking.

"Hindi mo naman kailangang pumunta pa rito. May tricycle pa naman," I started when I felt his presence behind me.

Tumigil ako sa gilid ng motor niya. Kinuha ni Orrin ang helmet na madalas kong ginagamit. Tahimik at walang mga tao. The usual scenario in this specific spot. Kapag ganitong oras, mas matao sa simbahan, doon sa mga hotel at maging sa CSU.

"I know that you can. I just want to." aniya sabay lahad ng helmet sa akin.

"Baka hinahanap ka na nila Eira, at.. Vince?"

I accepted the helmet and held it close to my stomach.

"Hindi naman ako kailangan doon. They can handle it,"

Orrin tilted his head. Nakatingala ako habang nakatungo siya para lang magtagpo ang aming mga mata.

"Pero baka naabala kita? Kaya ko naman kasi talagang pumunta sa school ng mag-isa. Makulit ang si Dara, at sana kahit sinabihan ka niyang sunduin ako hindi ka na pumayag."

"Kaya ko rin namang magpunta rito at sunduin ka." he was quick to reply, his voice sounded strained. "This is nothing, Moren don't worry."

I bowed my head, caressing the cover his helmet.

"Besides, may...pinuntahan din naman ako kaya ayos lang na dumiretso dito."

I sighed in relief. "Okay, thanks!"

I tilted my head to smile at him. He doesn't smile though. Orrin looked suddenly stiffed and a simple nod was only his response.

This is damn awkward than yesterday and even our previous interactions. He really feels different. It's just been what? More than a week or roughly two weeks since we hadn't talk or had a conversation. Umiiwas siya katulad ng gusto ko at ngayong binawi ko 'yon, parang may nag-iba sa kaniya.

Pagkarating sa school, sinamahan pa rin ako ni Orrin patungo sa table namin kung nasaan ang mga kaibigan ko. He left and went to their class table also just a three tables away from us. Maingay na ang mga kaklase ko at kahit alas otso na, hindi pa rin nagsisimula ang program.

"Nagugutom na ako, tagal naman ng pagkain." bulong ng katabi kong si John.

He's one of my classmates. Sa kanan ko si Angela na tutok ang mukha sa cellphone habang ang tatlo ay panay ang pag selfie.

"Dapat nagtanghalian ka na muna sa inyo. Burger lang naman ang sa atin at tubig," I answered him.

"Walang ulam sa bahay, e. Kaya nagmadali akong magpunta rito," nagkamot sa batok si John.

I chuckled. Binaling ko ang tingin sa harap ng biglang tumigil ang tugtog at umakyat sa stage si Sir Mikey ang host ngayong gabi. Nagsibalikan ang mga estudyante sa kani-kanilang pwesto. Maging si Dara ay nasa lamesa na rin.

I glanced to where the grade 12 is and immediately spotted Orrin's group of friends. Their long table is filled with most of their classmates but their group stand out. Lalo pa at ang ganda-ganda ni Eira sa suot na kulay pulang body hugging dress. Katabi nito si Adones na katabi naman si Orrin. On Eira's right is Mark. Habang sa sumunod na lamesa ay ang section nila Allan. Sa malayo pa lang ay kita na ang pagiging maingay ng grupo nila na kahit nagsisimula na sa pagsasalita si Sir Mikey, hindi sila nagpaawat.

"Pres nasaan na ang attendance sheet? Kanina pa kami rito, ah!" banat ni Brix nang bumalik sila Princess dala na ang burgers.

Kasalukuyang nagbibigay ng mensahe ang president ng GPTA Officers. Ayon sa program na pinakita sa akin ni Angela, magsasalita pa ang guest na siyang kapitan ng barangay at awarding na. Katapos naman ng awarding, sayawan na.

"Mamaya pa 'yon at alam kong tatakas ka na naman pagkatapos mong mag attendance! Alam ko na 'yang mga style niyo. Mahigpit na bilin ni Ma'am na saka na ako mag papa-attendance katapos ng awarding kaya maghintay kayo!"

"Anak ng!" reklamo ni Diane.

"Princess naman, may anak pa akong kailangang dumede kaya kailangan kong umalis!" si Kristel na kinantyawan ng mga kakalse ko.

"Oh, matanda naman 'yang dumudede sa'yo. Mani-"

"Inggit ka lang kasi walang nag papadede sa'yo." putol ni Kristel sa sinasabi ni Ben.

Umani ng tukso ang pahayag niyang 'yon. Sinuway sila ni Princess lalo pa at napatingin sa gawi namin ang nagsasalita sa harap.

"Baka pwedeng substitute kami? Baby rin naman ang tawag mo sa akin dati," nakangising dugtong pabalik ni Ben.

I can only shook my head at them.

"Basta talaga usapang kabastusan, aktibo silang lahat.." bulong ni Angela.

"Kita mo naman ang ngisi ni Brix, halatang enjoy na enjoy, e." ani ko naman.

"Alam mo naman 'yang kaibigan mo, hayok sa babae. Hindi na ako magtataka kung mamaya mawala na naman 'yan dito at sa dilim na naman gumawa ng milagro."

"Magbabago na nga raw siya, Angela." natatawa kong ani.

Angela scoffed. "Bago niya mukha niya. Irita na si Cathy sa ilang beses na pagbabago niya. Titino lang 'yan kapag seryosohin ng kaibigan natin."

We shared a meaningful look, smiling. Pareho pa kaming bumaling sa dalawa. Kunot ang noo ni Cathy, matalim ang tingin kay Brix habang malawak na nakangisi ang huli. Pinag tri-tripan na naman.

The snack were then distributed. Kahit kumain naman ako sa bahay, inubos ko pa rin at sayang naman ang ambag kong fifty. Maya-maya ay lumipat sa gawi namin si Dara. Nakipag picture at nang makita iyon ni Brix at Cathy, tumayo rin ang mga ito at nakisali.

I was drinking on my bottled water when my eyes flew to the grade 12 students again. Kumunot ang noo ko nang mapansin ang bagong mukha sa lamesa nila Orrin. Vince is with them, again. She's talking to Adones. Magkatabi si Adi at Orrin at nasa likod ng dalawa si Vince.

"Mamaya mag papa picture ako kay Mark! Samahan mo ako Brix, huh! Hindi ko papalampasin 'to,"

Binaba ko ang bote saka nagpunas ng labi. Nakikinig ako sa usapan ng mga kaibigan ko pero nanatili ang tingin ko sa tatlo. Panay ang tango ni Adones sa kung ano mang sinasabi ni Vince. He pointed at Orrin and Vince looked at him.

"Aba, paawat ka nga Katya. Taon-taon ka na lang nagpapa picture sa kaniya, hindi rin naman nagbabago ang hitsura mo. Mukha pa rin kayong aso at pusa,"

"Wow, Brix! Kung makapagsalita ka parang ang gwapo mo, ah?"

I withdrew my eyes away from them and looked at my friends. Inakbayan ni Brix si Cathy.

"Bakit gwapo naman talaga? Iyong Mark kasali lang naman sa banda. Kung tutuusin mas magaling pa akong kumanta sa lalaking 'yon."

"Teka, teka.. sino ba ang aso at pusa sa kanilang dalawa?" singit ni Angela.

Brix smirked. Ginulo nito ang buhok ni Cathy na umani ng reklamo ng huli.

"Syempre si Mark ang aso, mukha namang asong ligaw 'yon."

"Hindi ba parang kayong dalawa naman ang parang aso't pusa kung magbangayan. Dinadamay niyo pa ang si Mark, sumbong kaya kita?" Dara seconded.

Nilingon ko ulit ang grupo nila Orrin. Even from a distance, I saw how Vince patted his back before walking away. Tumayo naman si Orrin at sumunod dito. Si Adones ay bumaling kay Eira. Mark though glanced at the two who just left and jerked his head back to his remaining friends on the table.

I grab the water bottle and drank the water straight. Naubos ko ang natitira at parang kulang pa.

"Ayos ka lang, Crecia?"

Napakurap-kurap kong nilingon si Dara nang magsalita ito. Her brows furrowed.

"Para kang nanghahamon ng away, ah." she laughed. "Hindi man tayo manalo, at least marami tayong naibenta. At bukas nga, maliligo tayo sa dagat! Bawal humindi, whole class outing 'to!"

I nodded my head, still bothered with her brother and Vince. Saan naman pupunta ang dalawang 'yon? Hindi pa naman tapos ang program, ah. At malapit na rin ang awarding.

Palabas sila ng gymnasium. May CR naman dito, ano naman kaya ang gagawain ng dalawang 'yon sa labas gayong narito ang kasiyahan?

"Oh, saan ka pupunta?" agad na tanong ni Brix nang makita akong tumayo.

"Bibili lang ng tubig," I said and smiled.

"Hetong akin, oh. Hindi pa naman bukas, 'di ko pa 'yan nababawasan."

Nilahad ni Brix ang kaniyang bottled mineral water. Sealed pa nga 'yon. Doon naman siya nakikiinom sa tubig ni Cathy kaya hindi pa nagagalaw.

"Ah," I chuckled. "Sa labas na lang, bibili din naman ako ng biscuit."

"Ikaw lang mag-isa?" si Angela, nakatingala sa akin.

Tumango ako.

"Samahan na kita-"

"No..no.. ako na lang. Dito lang muna kayo at kapag nag pa attendance na si Princess, sabihin niyong may binili lang ako at babalik din agad." Muli akong ngumiti sa kanila bago tuluyang nilisan ang pwesto.

I went straight to the door. Maraming tao sa loob ng gymnasium pero katulad nang mga naunang taon, mayroon pa rin sa labas. Mga tumatambay at lalo pa sa kiosk.

I looked around as I walked. Hindi ko sila makita. Malayo ang building ng senior high at imposible namang doon sila nagpunta. No one will stay there as it is dark. Only those who will do nasty things will consider going into the classrooms.

I stopped beside the bench, just outside the room of Civil Engineering department. Kinapa ko ang cellphone at nakitang mag aalas dyes na. I sighed. Kailangan ko nang umuwi.
Hindi naman talaga ako bibili ng tubig. It was just an alibi because..

"What are you doing here?"

Napatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa likod ko. I quickly turn around and my lips parted when I saw him. His thick bows met in the middle as he watched me, flabbergasted with his sudden appearance. Nilingon ko ang likod niya at hindi nakita si Vince. Tumikhim ako at saka siya nginitian.

"Nagpapahangin lang. Ikaw? Bakit ka nandito? Nasa loob ang mga kaibigan mo, ah.."

"Hinatid ko lang si Vince palabas. Pero pabalik na rin ako,"

Napatango ako. I stomped my feet on the ground as I observed him. Nawala na ang pagkakakunot ng kaniyang mga kilay at katulad ko'y pinagmamasdan din ako.

Damn it.

He's really handsome, huh. Pogi naman si Joshua pero aaminin kong mas nakakalamang siya. Siguro kasi noon hindi pa naman kami ganoong nakakapag-usap at hindi pa nagiging malapit. Isama pa, minsan ang sama ng ugali niya sa akin. Snob at masungit kaya hindi ko na appreciate ang hitsura niya.

But now.. he's fine.

"Iyong commission.. pwede bang ngayon na lang?"

Mariin akong napapikit. Halos matampal ang sariling noo sa walang preno kong bibig. It came out of nowhere.

"It's becoming late. The event is not yet over too. We can do it tomorrow like what is planned."

I opened my eyes and smile was the first thing I see. Hindi iyon nanunukso, katulad nang madalas kong makita sa paraan ng pagngisi niya.

"Boring naman kasi, pagkatapos kong makapag attendance uuwi na rin ako. Kahit isang oras lang.." dagdag ko pa.

"Then you should take the time to rest. May trabaho ka pa bukas, mabuti nang kompleto ang oras ng tulog mo. The commission can wait. It's not rush."

I nibbled the inside of my cheeks. Gusto ko pang ipilit na gawin na 'yon pero mukhang pursigido na siya. At ano man ang sabihin ko'y hindi na magbabago ang isip niya.

"Okay.." I whispered.

Orrin smiled again. My eyes focused on his jaw. I cleared my throat and looked away.

"P-Pasok na ako," ani ko pa saka siya mabilis na tinalikuran.

I started walking as I felt his presence behind me. Hindi na ako nag-abalang tumingin sa likod at nag dire-diretso ng lakad.

Pagkabalik ko sa lamesa namin, mabuti na lang at nag attendance na. I instantly listed my name. I was planning to leave right away after it. However, I waited for another thirty minutes. Nagsayawan na sila pero nanatili ako sa upuan. Tapos na rin ang awarding at hindi nga kami ang nanalo. The winner was Grade 9 and like what Dara have said, it's perfectly fine.

Enjoy na enjoy ni Dara ang party na naiwan silang tatlo nila Cathy at Brix habang nauna kami ni Angela. Maraming nag-aabang na tricycle sa labas kaya hindi kami nahirapan makauwi. Panay ang hikab ko pauwi pa lang. At talagang ang lakas ng loob kong mag-aya kay Orrin na ngayon gawin ang trabaho gayong gusto ko nang matulog!

Nang makauwi nga ay agad sa higaan ang bagsak ko. Kinabukasan, maaga akong nagising. Alam ni Mama ang tungkol sa paglalaba ko. Alas nuebe pa lang nagsisimula na ako sa paglalaba. Mabuti at pang gabi si Rile sa resto at nasamahan pa niya ako rito sa bahay ng mga Servano.

"Huwag na tayo sa coffee shop, Orrin! Napapa gastos ka pa, pwede naman tayo dito!"

I was already done with the laundry after lunch and I went immediately to Orrin's house. Nakalimutan ko siyang i-text na papunta na ako na pagdating ko sa bahay nila'y nabigla ito sa biglaan kong sulpot.

"No, Moren. Sa coffee shop tayo." mariin nitong tugon.

"Wala naman dito si Dara, mamaya pa 'yon uuwi kaya ayos lang! Hassle pa kung aalis tayo at magbibiyahe gayong pwede naman gawin ang trabaho dito."

I sat comfortably on their couch. Pinapasok nito ang laptop sa bag. May ginagawa siya sa sala nila ayon na rin sa mga papel na nasa lamesa.

Outing ng whole class namin at dahil may gagawin nga ako. Hindi ako nakasama. Naipaliwanag ko naman ng maayos sa tawag kanina at alam kong naintindihan nila.

"Malapit lang naman 'yon. At saka maaga pa, matatapos natin ito hindi pa lulubog ang araw.*

"Bahala ka, hindi ako aalis dito." I uttered in conviction.

He successfully put the laptop and the rest of the paper on the bag. Umayos ito ng tayo at seryoso ring binalingan ako.

"We cannot do this here. Don't worry about the money. I won't deduct it on your-"

"Pareho lang tayong esudyanteng naghahanap ng mapagkakakitaan. At sa halip na maipon mo ang perang ibinabayad sa'yo nababawasan pa nga ng parte ko, nababawasan pa sa mga pagkaing binibili mo. Kaya dito na lang. Hindi mo naman siguro ipagkakait ang tubig niyo?" I arched him a brow.

He shook his head, determined not to agree with me.

"I won't allow it. We can work efficiently if we're at another place, not here."

"Ang arte mo naman. Tayong dalawa lang naman ang nandito kaya mas makakapag trabaho nga tayo nang maayos. Walang isturbo." umirap ako.

He glared at me, looking annoyed.

"Siguro kaya ayaw mong dito tayo kasi ayaw mong may makakita sa atin magkasama. Someone will get jealous, huh?" I narrowed my eyes at him

"Ayos lang sana kung nandito si Sandara but she's not home. It's not advisable to stay here with just the two of us."

I scoffed. "May magseselos nga? Alam mo, sabihin mo sa kaniya na walang malisya 'to. You're more likely my employer. Ang kitid ng utak niya kung pagseselosan pa ako."

Orrin closed his eyes, as if stressed. He didn't deny my statement so I assumed there is!

"No one will fucking get jealous. I am simply saying-"

"Whatever you fucking say, Orrin Archibad." I stopped him, annoyed.

"Watch your mouth, Moren. I don't like you cursing."

"Ikaw, hindi pa nagmumura, hindi na kita gusto." umirap ulit ako.

Tumayo ako hinagilap ang cellphone sa center table nila. I heard him groaned but I didn't bother glancing at him.

"Fine. Let's do it here. Pero sa susunod, hindi na pwede kapag wala ang kapatid ko."

Kahit pabor naman sa aking pumayag na siya, naiinis pa rin ako!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro