Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 1

Ice cream

From: Sandara
Daanan mo 'ko

Iyon ang bumungad sa akin Lunes ng umaga. Isang araw na ang nakakalipas simula nang gabing hinatid ako ni Orrin at hanggang ngayon hindi ko pa rin naibabalik ang hoodie ng lalaki. Bagong laba na 'yon. Dalhin ko na lang pagpasok at si Dara na ang pagbibigyan ko tutal sa isang bahay lang naman silang dalawa nakatira.

"May pasok kayo ngayon?"

Naabutan ko si Mama na tinutupi ang mga bagong labang damit sa sala. Si Papa ay nanonood ng tv habang nagkakape.

"Opo, Ma.." tugon ko saka dumiretso sa hapagkainan para mag-almusal.

"Sa susunod na linggo wala? Balita ko sem-break niyo na." ani pa ni Mama.

"Walang pang official announcement pero baka nga ganoon."

"Samahan mo ako sa susunod na linggo sa paglalaba. Mainam nang makarami tayo at madami tayong bayarin, santisima!" si Mama. "Nako Hulyo, wag mong sabihing buong magdamag ka lang tutungga riyan?!"

Nagsimula akong kumain. Ngayong linggo ang exam namin at ni isa sa mga subject ko, wala pa akong inaral. Madaan pa kaya 'to sa dasal?

Pagkatapos kong mag-almusal, gumayak na rin ako para magpunta na sa eskwelahan. Nilagay ko sa selopin ang jacket ni Orrin saka iyon sinilid sa bag. I glance at my phone, hoping to hear from Joshua, but to my dismay hindi pa ito nagpaparamdam. Puntahan ko na lang mamayang uwian.

Katulad nang gusto ni Dara, dumaan nga ako sa kanila. They live in a concrete house. Two storey iyon at silang dalawa lang ni Orrin ang narito. Their Mom work's overseas, OFW samantalang wala ang papa nila. Namatay sa atake sa puso dalawang taon na ang nakakalipas.

"Si Dara?" agad na hanap ko sa babae nang si Orrin ang nagbukas ng pinto.

His snob face welcoming me.

"Sandara!" sigaw nito, sa halip na sagutin ang tanong ko.

Tinalikuran niya ako, pinanatiling nakabukas ang pinto. Kahit hindi niya sinabi, nagkusa na akong pumasok.

"Sandara Haven!" he shouted again.

"Yes, kuya! Almost done, wait lang!"

Narinig kong sagot n Dara mula sa nakabukas na pinto ng kwarto nito sa itaas. Si Orrin ay nawala sa paningin ko, nagpunta sa kusina.

I welcomed myself and sat on their sofa. Nasa kandungan ko ang bag habang hinihintay ang pagdating ng kaibigan.

"Kuya, hintayin lang natin si Crecia-oh andito ka na pala!"

After a while, Dara went out of her room and ascended the stairs.

"Kadarating ko lang din," I said, smiling at her.

"Sabay na tayo kay Kuya. Isang school lang naman ang pupuntahan natin."

Tumango ako. Tuluyang nakalapit sa gawi ko si Dara, kinuha ko iyong pagkakataon para ibigay ang jacket ng kaniyang kapatid.

"Ano 'to?" usisa niya nang ilahad ko ang gamit na balot ng selopin.

"Pakisuyo na lang ako sa kuya mo.."

Mula sa nakakunot na noo, unti-unting sumilay ang ngiti sa labi ng kaibigan ko.

"Kayo huh.. may lihi-"

"Gaga, hindi! Wala na kasing jeep at tricycle noong isang gabi, nagkataon namang naroon sila ng kaniyang mga kabanda. He.. offered to drive me home, 'yan pinahiram sa akin ang suot na jacket."

Tumawa siya.

"Kung wala ka talagang jowa, eh. Ship ko kayo ni Kuya." she said, looking at me teasingly. "Basta kapag nag break kayo, huwag ka nang lumayo, si kuy-"

"Sasabay kayo, o hindi?"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang umalingawngaw ang boses ni Orrin mula sa likod. Nagkatinginan kami ni Dara bago sabay na nilingon ang pinto.

"Geez kuya! Ang lapit lang namin, oh! Kailangan talagang sumigaw?"

Orrin glance at me for a moment before looking at his sister.

"I'm getting late. Are you coming with me or not?" supladong tanong nito.

"Sasabay! Ikaw na nga lang ang hinihintay namin, eh!" si Dara. "Halika na nga, Crecia."

Basta na lang na tinapon ni Dara ang supot sa kanilang sofa saka ako inakay palabas. I noticed how Orrin peered at the cellophane but immediately turn his back on us.

Dahil dalawa lang ang helmet niya, palaging kami ni Dara ang gumagamit no'n. At sa tuwing nagbibiyahe kami, palagi itong tahimik at limitado lang ang salitang maririnig.

"Salamat," ani ko nang marating paaralan.

Tumango lang siya at hindi nag-abalang sagutin ako.

"Kuya, mamaya kahit mauna ka na. Maglalakad na lang kami pauwi." si Dara bago namin iwan ang kapatid.

Pumasok na kami sa gate ni Dara, nakalingkis ang kamay niya sa aking braso habang nagsimula itong mag kwento sa nangyari nang birthday ni Angela.

"Sayang nga at hindi ka nakapunta. Alam mo bang naroon din sila Joshua? Hinanap ka nga sa akin!"

"Nagpunta nga 'yon sa bahay, inimbita ako para sa outing nilang magkakaibigan pero dahil nauna ang plano nating magpunta sa ilog, tinanggihan ko." buntonghininga ko.

Hanggang ngayon, hindi niya pa rin ako pinapansin. Nagpunta ako sa kanila kahapon pero wala roon ang lalaki. Panay ang text at tawag ko pero hindi naman ito sumasagot.

"May bago ngang salta sa grupo nila, eh. Si Vince, galing Maynila yata pagkakarinig ko." kwento pa niya. "Mukhang model, makinis ang balat, saka kulot."

Napatingin ako sa kaniya, kunot ang noo. Hindi ko alam..

"Maganda naman sana kaso ewan ko, hindi ko bet sa unang tingin. Not being judgmental ha, pero kasi basta!" Dara grimaced. "Nakita ko rin 'yon sa bahay kahapon, eh. Kausap si kuya,"

"Baka magkakilala lang o kaibigan.."

Palapit na kami sa senior high building, kita ko na ang grupo nila Angela sa may hagdan.

"Anong kaibigan? Sa tingin mo friendly si kuya? Hitsura no'n?" umirap siya.

I chuckled. Yeah, he's really not the friendly type. Sila Eira, Mark at Adones nga lang ang kaibigan no'n.

Natuon kay Angela ang atensyon ni Dara nang tuluyan kaming makalapit sa pwesto nila. Kasama ni Angela si Brix at Cathy na parehong mga kaibigan ko.

"Shit lang, exam week na pala ngayon! Hindi pa ako handa, nasa ilog pa ang utak ko." untag ni Brix.

Nasa unahan ko si Angela at Dara habang magkahanay kaming tatlo sa paglalakad, nila Brix at Cathy.

"Hindi pwedeng tamarin ngayon nako, wala kang aasahan sa akin! Kahit kumandong ka pa sa araw ng exam, wala kang makokopya!" si Cathy.

"Sus akala mo naman nagpapa-kopya, damot-damot mo nga. Mabuti pa 'tong si Crecia kahit mali-mali ang sagot nagbibigay." tumawa si Brix.

Napasimangot ako.

"Basta ang mahalaga may sagot, kaysa namang blanko ang papel na ipapasa mo kay Ma'am?" depinsa ko.

"Pambabae lang kasi ang alam mong gago ka." singhal ni Cathy.

"Guys, 'wag niyo munang pag-usapan ang exam please. Sa Thursday at Friday pa 'yon, matagal pa." lumingon si Angela sa amin.

"Ito na lang ang motivation natin, sa sabado mag outing tayo! Punta tayong Monhon!" si Dara bakas ang tuwa sa mukha.

"Ay bet ko 'yan, Sandara! Noong isang taon pa ang last na punta natin doon."

Sunod-sunod na ang usap nila tungkol sa bakasyon samantalang nasa paparating na exam ang isip ko.
I need to review. I don't need any distraction. Gusto kong magkaroon ng mataas na marka para makapasok sa gusto kong university.

Pangarap kong maging isang doctor din. Ngayon na magtatapos na si Ate, kampanti akong susupurtahan din ni Mama ang pangarap ko katulad nang binigay niyang suporta kay Ate. Isa pa, makakapag trabaho na rin si ate no'n. Makakatulong na siya, at may ipon din naman ako.

"Grabe ang ganda talaga ni Eira," ani bigla ni Brix nang marating namin ang hallway sa second floor ng building.

Nakakasalubong namin ni Eira kasama si Adones. Nakasimangot siya at mukhang tinutukso ni Adones na panay ang tawa. Nasa third floor ang room ng mga Grade 12 students habang sa second floor ang amin.

"Huwag ka nang mangarap, Brix. Hindi ka niyan papatulan." tugon ni Cathy.

"Bakit naman hindi? Pogi naman 'tong manok natin ah? Tamad nga lang," si Dara sabay halakhak.

Natawa ako. Ilang hakbang na lang ang pagitan ng grupo namin at nang dalawa nang matuon ang tingin ni Eira sa akin.

Her lips stretched for a smile. I smiled too. Can't blame Brix for having a crush on her. Lahat yata ng studyante sa CSU ay may paghanga sa babae.

"Kahit ilang paligo pa yata ang gawin mo, hindi ka papasa diyan." bulong muli ni Cathy.

Adones looked our way too. Una nitong napansin si Dara at Angela bago napunta sa akin ang tingin. His lips twisted and he saluted his forefinger and middle finger.

"Ay talaga naman, ngiti pa lang 'yon para na akong dinala sa langit!" singhap ni Brix nang tuluyang makalampas ang dalawa. "Sandara, ilakad mo naman ako. Ikaw naman parang di kaibigan."

Dahil may oras pa, napag-desisyunan nilang tumambay muna sa labas ng classroom namin habang ako ay dumiretso sa loob. Pagkaupo ko, agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa. Ganoon na lang ang buntonghininga ko nang wala pa ring matanggap na text kay Joshua sa halip ay may isa galing kay Papa.

From: Papa
Pagkatapos mo sa eskwela, punta kang Nawig bilhan mo 'ko ng medisina. Nasa aparador ang pera, baka hindi tayo mag pang-abot.

To: Papa
Sige po.

Nag text din ako kay Joshua. Gusto ko sanang mag kaayos na kami. Nangungulit na rin si Mama at nararamdamang hindi pa kami okay ng lalaki.

To: Joshua
Babe, usap naman tayo. Sorry talaga, babawi ako. I'll do everything that you want. Please.. let's stop this fight.

I focused my attention to the lecture when the professor came. Dalawang subject lang ang mayroon kami sa umaga at tatlo sa hapon. Marami akong kailangan i-review. Hindi ako pwedeng bumagsak o magkaroon lang ng mababang marka. Doon na lang ako umaasa.. naniniwala akong edukasyon ang natatanging susi para maahon ko sa hirap ang pamilya ko.

"Bakit may pupuntahan ka?" puna ni Dara nang sabihin kong hindi ako makakasabay sa kanila.

"Kay Joshua lang, magpapasama na rin ako sa Nawig bibili ng gamot ni Papa."

Napatango siya. Ang tatlo pa naming kaibigan ay nasa labas na, kami na lang ang hinihintay. After bidding my goodbyes to them, we separated ways.

Sa third floor si Joshua dahil tulad nila Eira, grade 12 na rin ang boyfriend ko. General Academic Strand ang kinuha habang sila Orrin at ang tatlo pa nitong kaibigan ay parehong STEM.

Hindi pa tapos ang klase nila Joshua nang dumating ako sa room nila. I waited for another minutes until finally the teacher dismissed them.

"Oh Crecia, hi!" unang lumabas ang kaibigan ni Joshua na si Vlanca.

"Si Joshua?" nakangiti kong tanong.

Nilingon nito ang loob ng classroom at sinigaw ang pangalan ng lalaki.

"Josh, your girlfriend's here! Sinusundo ka!"

Narinig kong naghiwayan ang mga classmate niya, nangununa ang tukso ng mga kaibigan.

"Pasok ka muna, he's with the boys pa." baling ni Vlanca sa akin.

Nakangiti akong umiling.

"Hindi na, rito na lang."

Maya-maya lang din, lumabas na ang pakay ko sabay ng dalawa pa nitong kaibigang lalaki. Sa likod nila ay si Maureen na sinusuklay pa ang buhok gamit lamang ang daliri.

"Hi, Crecia! Ganda mo naman," ani Allan saka kumindat.

Mabilis na siniko ni Joshua ang lalaki saka ang mga ito pinagtabuyan.

"O'o na, para namang may aagaw diyan sa'yo." si Anthony na nanatawang kinaway ang kamay sa akin.

"Tss, gago!" singhal naman ni Joshua.

Magkasabay na umalis ang apat habang nanatili si Joshua sa tabi ko. I glanced at him who was brushing his hair with his finger. He was looking at his friend, like he wanted to be with them, kung wala lang ako rito.

"Nag text ako." I started, in case he didn't receive any of it.

This time, Joshua peered at me, arching a brow.

"So?"

"You didn't even reply, Joshua. Ilang beses akong nag text sa'yo, I even tried calling you but you're not answering. Kahit sa messenger, nag chat din ako pero hindi mo pinansin." I said calmly.

Umismid siya.

"Hindi ko alam na kailagan ko palang replayan lahat ng messages mo. I'm busy, Crecia. I don't just sit and brows my phone all the time."

Nagsimula itong maglakad, iniwan akong nakatayo roon. Napapikit ako bago siya hinabol.

"You were online when I chatted you. It was delivered. I texted you several times, can't you just spare at least 1 minute for me? Naghihintay ako!"

"What now? You went here to nag just because I didn't reply to you?" he scoffed. "Kasalanan mo rin naman!"

"Hindi 'yon ang pinunta ko rito!"

Hinablot ko siya sa braso sanhi para tumigil sa paglalakad. Magkasalubong na ang kilay niya, bakas ang iritasyon sa mukha.

I licked my lower lip and sighed heavily.

"Look, I'm sorry okay? Hindi rin naman ako natuloy sa gala ng mga kaibigan ko. May inutos si Mama sa akin na importante, hindi ako nakapunta.." I tried to explain.

"Please, babe. Let's stop this. Bati na tayo hmm?"

I caressed his cheeks, hoping to soothes him. Nanatiling magkasalubong ang kilay niya, mariin ang titig sa akin.

"Come on, Joshua. I missed you. Alam mo namang hindi ko kayang nag-aaway tayo nang matagal.." ani ko pa sa malambing na boses.

"Ginagalit mo ko. You know what I hate, and I told you right? Stay away from that circle of friends! Lalo na ang kapatid ng lalaking 'yon!"

"Let's stop involving other person here. Forgive me babe. Babawi ako, promise!" I said, changing the topic.

I don't like his demand of distancing myself from Dara. Baka sa halip na maayos namin 'to, magdulot na naman ng away.

"I read your text, you'll do everything?"

I nodded my head.

"Yes. Babawi ako." I said and smiled.

Joshua smirked. Kinabig ako nito ng yakap saka ko naramdaman ang paghalik niya sa noo ko.

"Pinapatawad na kita, babe." he murmured on my hair. "How about a date?"

Napahinga ako nang maluwag saka siya yinakap pabalik.

"Yes, please. But before that, I have to buy something at the pharmacy."

Nakaakbay sa akin si Joshua habang pababa kami ng building nila. Kapag may makakasalubong kaming kakilala niya ay ngingisi lang ito sa tuwing tatawagin ang pangalan niya. Maya't maya rin ang paghalik nito sa buhok ko na binalewala ko.

Ganito talaga siya. Sweet kahit nasa public place. Huwag lang talaga itong galitin at katulad nga nang nangyari, hindi ako pinapansin hanggang sa ako mismo ang lalapit at hihingi ng tawad.

Maswerte ako sa kaniya katulad nga ng laging sinasabi ni Mama. Tumutulong siya sa bahay. Nagbibigay ng grocery kung minsan at kahit anong tanggi ang ginagawa ko, hindi ito nagpapaawat.

"Ma, may lakad lang kami ni Joshua."

Paalam ko kay Mama nang makita itong naglalaba sa likod ng bahay pagkauwi. Nagliwanag ang mukha niya. Mabilis pa itong tumayo at nagpunas ng kamay sa suot na damit.

"Nasaan siya? Sa loob ba? Kasama mo?" aligagang tanong nito.

"Opo, nasa sa-"

I wasn't able to finish my sentence as she hurriedly went inside, leaving me. Sinundan ko na lang siya na agad aktibong inusisa si Joshua.

"Pasensiya ka na, hijo! Hindi ako nakapaghanda, hindi man lang sinabi nitong si Crecia na dadalaw ka!"

Joshua laughed.

"Nako tita ayos lang po. Ako nga dapat humingi ng sorry sa inyo. Last time, I didn't treat you well. Sorry po kung nabastusan kayo sa inasta ko."

Mabilis ang ginawang pag-iling ni Mama.

"Hindi, hindi! Naintindihan ko ang naramdaman mo. Pagpasensiyahan mo na lang itong anak ko at kung minsan ay hindi pinapairal ang isip. Pero pinagsabihan ko na 'yon, tiyak na hindi na gagawa ng bagay na ikasasama ng loob mo."

"Ma!" I interrupted.

Si Joshua lang ang lumingon sa gawi ko at si Mama ay parang walang narinig na nagpatuloy sa pakikipag-usap sa kaniya.

"Kahit hindi mo na iuwi itong si Crecia. Kahit sa guestroom o sa kwarto mo lang ito magpalipas ng gabi. May-"

"Mama, ano bang sinasabi mo?!"

Ako na ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya. Kulang na lang ipagtabuyan niya ako sa sarili naming pamamahay at ibigay sa pamilya nila.

Tumawa si Mama.

"Biro lang. Pero enjoy kayo, ha? Huwag niyong iisipin ang oras, kahit abutin pa kayo ng umaga ayos lang.."

I sighed heavily. Nangingiti si Joshua pero hindi ko na alam kung anong tumatakbo sa isip no'n. Hindi naman na bago ang eksenang ito but still... nakakahiya.

"Sandali lang, Joshua magpapalit lang ako."

Lumingon si Mama sa gawi ko, magkasalubong na ang kilay.

"Mamaya ka na magpalit, huwag mong papaghintayin 'tong nobyo mo mahiya ka naman Crecia! Saka maayos naman 'yang itsura mo," she eyed me from head to toe. "Ang ganda-ganda mo anak, diba hijo?" baling niya kay Joshua.

"Uh.. yeah, yeah.. it's fine babe. You look fabulous." si Joshua sabay ngiti.

Sa huli, hindi na nga ako nakapag palit ng uniporme at tumulak na kami papuntang Nawig. Kinuha ko na rin ang perang sinasabi ni Papa para pangbili ng medisina.

Joshua used their pick up going to the town. Treinta minutos lang ang biyahe mula Isla Cali papuntang Nawig. Nang makarating kami'y kumakagat na ang dilim sa paligid.

"Gusto mong sumama?" tanong ko nang huminto ang pick up sa tapat ng pharmacy.

"Go ahead. Hintayin na lang kita rito." anito saka hinagilap ang cellphone.

I stared at him for a moment before I nodded my head. Lumabas na ako ng kotse at mabilis na pumasok sa look ng pharmacy para bilhin ang gamot ni Papa. Mabuti na lang at hindi ganoong maraming namimili kaya hindi ako natagalan.

"Pambihira kayo hindi man lang nang imbenta."

I heard Joshua when I open the passenger seat. He was talking to someone over the phone, he didn't even bother looking at me engrossed at whoever the caller is.

"Pagkatapos ko, susugod ako riyan. Oh si Maureen, huwag niyong lasingin, bilis pa naman matingga ng babaeng 'yan!" halakhak niya.

Tahimik kong sinilid sa bag ang binili saka binaling ang tingin sa bintana.

"Ano lasing na? Gago ka Allan, wala pa naman ako riyan para ihatid 'yan! Ewan ko na lang sa'yo.."

Joshua glanced at me. May ngiting nakapaskil sa labi niya saka pinaandar ang makina. He didn't asked me where I wanted to go. He decided on almost all of our date. Siya rin naman ang gumagastos kaya ayos lang.

We usually had our dates on a fancy restaurant. Mahilig siya roon, at kung minsan inaya kong sa karinderya kami kumain, umayaw siya at hindi raw sanay ang tiyan niya sa mga ganoong pagkain.

Makes sense since he's born rich. Sa Manila rin ito lumaki at ng high school lang naparito sa Cali. Habang nagbibiyahe'y kausap nito ang kaibigan sa telepono. Tinuon ko na lang ang tingin sa kalsada.

"Pagkatapos nating kumain, let's rest first babe." si Joshua habang naghihintay sa order namin.

Katulad ng inaasahan ko, sa isang restaurant kami sa downtown nag dinner. I felt so out of place with my school uniform on. Mabuti pa si Joshua at nakapagpalit pa ng damit nang dumaan kami sa bahay nila para kunin ang pick up.

"Alright. Nakakapagod ding mag drive. Kung sana marunong lang ako, salitan sana tayo."

"I won't let you. Maayos lang kung ako ang mapapagod, huwag lang ikaw.." ginagap niya ang kamay kong nasa ibabaw ng mesa saka ito pinisil.

He smiled. I smiled too. Nang dumating ang pagkain namin, agad din namin itong linantakan. Hindi sa nag iinarte ako, pero hindi talaga ako nabubusog sa mga pagkaing pangmayaman.

I'm grateful I get to the taste these cuisines. Pero ibang-iba pa rin sa aking panlasa ang mga lutong bahay o kahit ang nasa mga karinderya.

We would usually spent hours on a hotel after eating on our date to kill the time and rest. Minsan naghahalikan kami pero hindi iyon nagtatagal lalo pa at mas gustong magpahinga talaga nitong si Joshua.

But tonight is different, the moment he opened the door of the room where we checked in, he immediately attacked my lips for a savage kiss. May rahas at gigil iyon na sa tingin ko'y mamaga ang labi ko kinabukasan.

I guess he just miss me that much?

"Joshua, wait-"

Words died on my mouth when he kissed me again. Akala ko mapipigilan ko na ito nang bumaba ang halik niya sa leeg ko pero muli ako nitong hinalikan! His hands were everywhere. Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba nang mapagtantong, iba ang tinutumbok ng mga halik at haplos niya.

"Shit, Joshua!" singhap ko nang walang kung anu-ano'y pinasok nito ang kamay sa loob ng blusa ko't hinaplos ang dibdib ko.

I was not even aware he managed to unbutton my blouse! I was already sweating bullets. My chest hammered. I am not yet prepared for this!

"S-Sandali lang naman, Joshua.." sa sobrang kaba, pumiyok ang boses ko.

Ang rahas ng bawat galaw niya at mukhang hindi magpapapigil!

"Sssh, babe. I miss you." rinig kong bulong niya habang hinahalikan ang leeg ko.

I bit my lower lip, shaking my head.

"Gawin na natin, babe. Tang ina, libog na libog ako."

Nangilabot ako nang gumalaw ito at may kung anong kiniskis sa may bandang puson ko. Kailangan kong makawala!

Think, Crecia. Fucking use your brain!

I closed my eyes as the cold on my stomach intensified when his hand palmed my breast again. Patuloy nitong kinikiskis ang kaniya na halos manginig ang buong katawan ko sa kilabot.

Goodness! Ni hindi man lang pinaabot sa higaan at talagang pininid lang ako sa likod ng pinto! This is not how I picture myself doing this. At lalong hindi sa ngayon.

"Uh.. c-condom," napulunok ako.

Sa kabilala ng panginginig, buong lakas kong siyang tinulak. I guess he was too weak and unguarded that I managed to push him and make a distance between us. Hindi man ganoon kalaki pero sapat lang para matigil siya sa kababalaghan ginagawa sa katawan ko.

Ang tila lasing nitong mukha ay agad napalitan ng iritasyon nang mapagtanto nito ang ginawa ko.

"Condom, Joshua! B-Bibili lang ako ng condom sa baba!" I said, breathing heavily.

Lahat ng santo na ang tinawag ko para tulungan akong maisagawa ang nasa plano at hayaan akong makawala.

"Hindi na kailangan, sa labas ko na ipuputok. You won't get pregnant with one round."

Sinubukan nitong lumapit muli pero agad akong umiling.

"One round lang?" I asked and smirked at him.

Kunot ang noo niya nang ako naman ang lumapit.

"Huwag na lang nating simulan kung one round lang naman ang maibibigay mo, babe.." I run my forefinger on his face, sensually looking at him.

His lips parted. Lust danced on his eyes, pleased with what I said.

"Stay here. Wait for me. Bibili ako ng dalawang box. It's gonna be a long night for us, Joshua. Let see who has a better stamina," I murmured before leaning in to kiss his cheeks.

Nag-aalab na ang tingin nito sa akin. I smiled more, and step back. I cursed in my head when I felt him touching my waist again.

"Bab-"

"Be fast. I'll jack off for the mean time. You make me so damn horny. Ang sakit na ng puson ko." aniya pa saka muling pinaramdam sa akin ang kaniya.

I grimaced but didn't let it appear on my face.

"I will, babe."

Ngumisi ito at mabilis akong kinantalan ng halik sa labi bago ito tumalikod at patakbong nagpunta ng banyo. I released a heavy sighe and look for my bag that fell on the floor.
Walang lingon-lingon akong lumabas ng kwarto, mabilis na kumakabog ang dibdib sa kaba. Tangina muntik na 'yon!

Maaring mag kasintahan kami at pwede nang gawin iyon pero hindi ko pa kaya. I don't see myself having sex at this early age. Ni hindi pa nga ako nakakapagtapos ng senior high, marami pa akong dapat gawin. At kahit pa sabihing may mga proteksyon, hindi pa rin ako kampante roon.

Paano kung mabutis ako?

Yes, Joshua is rich but those are from his parents. He can support us but still... hindi ko pa kayang mag-alaga ng bata.

I was breathing heavily as I went in the elevator. Inayos ko ang nagulo kong buhok, panay ang buntonghininga. When the lift opened, only then I realized the button of my blouse were opened. Nanginginig ang kamay kong inisa-isa itong binalik. Naka uniporme pa man din!

Malapit na ako sa bungad ng hotel nang maaninag ko ang pamilyar na bulto ng lalaki. My steps slowed down. He was talking to the guard.

I checked the time and it's almost nine. Anong ginagawa ng lalaking 'to rito?

Pinilig ko ang ulo nang muling maalala ang nangyari kanina. Mabilis ang ginawa kong paghakbang hanggang sa makalabas ako ng hotel. I didn't even bother looking back as I felt Orrin glancing my way.

Halos lakad takbo na ang ginawa ko makalayo lang sa hotel na 'yon. Nang sa wakas pakiramdam ko'y malayo-layo na ang narating ko at hindi na mahahabol ni Joshua, saka lang ako huminto.

To: Joshua
Biglang sumakit ang tiyan ko, babe. Tinignan ko at may regla na pala ako. Nauna na akong umuwi. Ingat ka.

Iyon ang laman ng text ko sa kaniya. Matagal-tagal bago siya nag reply. Nakarating na ako sa 7-Eleven, sa labas lang ng gusali nang basahin ko ang sagot nito.

From: Joshua
Damn it! Bad trip ka naman Crecia!

Napapikit ako. Galit na naman. Kababati lang namin, at heto kasalanan ko na naman. Siguro, palilipasin ko muna ang exam bago ko simulang suyuin ulit. I don't think I can face him tomorrow. Bumabalik sa isip ko ang ginawa niya. Nakakakilabot!

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may bumusina sa likod ko. Paglingon ko, si Orrin pala. He's wearing a white shirt under his denim jacket and tattered pants. Pansin ko ring may hikaw itong suot sa kaliwang tainga.

"Ano?!" singhal ko sa lalaki.

Magkasalubong ang kilay nito. Pumasada ang mga mata sa kabuuan ko na lalong nagpakunot ng noo. Lumapit pa ito hanggang sa nasa tabi ko na mismo ang motor ng lalaki.

"You're ruining the reputation of the school, wearing that uniform for a date. Haven't heard of dress etiquette?" he said arrogantly.

"Walang teacher na nakakita, at saka pauwi na rin ako 'no!" dipensa ko.

Orrin tilted his head, still with that smug on the face.

"Ano bang ginagawa mo rito? Sinusundan mo 'ko?" pinaningkitan ko siya ng mata.

Nilingon niya ang 7-Eleven sa likod ko saka binalik ang tingin sa akin.

"Nakita kita kanina palabas ng hotel. I thought maybe I could give you a ride home? Pauwi na rin naman ako." he said boldly.

Hindi man lang nag-atubiling anyayahan ako.

"Wala ka nang masasakyan sa mga oras na ito. Where's your boy anyway? Hinayaan kang mag palaboy-laboy sa kalsada?" he asked again, the corner of his lips twitching.

Muli kong naalala si Joshua. Kailangan kong makauwi na! Delikado at baka mang pang-abot pa kami rito.

I hate this feeling. Scared of my own boyfriend..

"May bibilhin lang ako, dito ka lang." Orrin said as he detached himself away from his motorbike. "O gusto mong sumama sa loob?"

Umiling ako. He just looked at me, the coldness of his stare didn't miss me. Walang sabi-sabi, iniwan niya ako sa labas at dumiretso na sa loob ng convenience store. I would glance at the road, checking if Johua's car would appear. Kilala ko naman 'yon, at mabilis lang magtago sa likod ng basurahan kung sakali man.

After some time though, Orrin returned. Nagulat ako nang bigyan ako nito ng ice cream na may cookies and cream flavor. Awang ang labi ko siyang pinagmasdan. Nilagay nito sa ilalim ng upuan ang binili saka muling sumampa sa motor. Wala siyang dalang helmet ngayon, pansin ko.

"Sa akin 'to?" I asked dumbfounded because he's not saying a thing.

Nang tumango siya'y umawang ang labi ko sa gulat.

"Bakit? I mean, why would you give me one? Hindi ko naman sinabing gusto ko.."

"Stop asking questions. Just eat it. It's your favorite."

Bagamat parang napipilatan lang, nakatutuwang malamang alam niya ang paborito ko.

"Panay ang kwento ni Sandara, kaya alam ko. Do you want to eat that here, or.." he trailed off.

"Hindi na! Habang nagbibiyahe na lang!" mabilis kong putol tugon.

Tumango itong muli saka ini-start ang makina ng motor. I hurriedly went to him. Sumampa sa motor, nangingiti.
Medyo, may tinatagong bait din naman pala ng lalaking 'to.

On the way, I was taking my time consuming the ice cream. Mabuti na lang at hindi mabilis ang pagmamaneho niya. Somehow, the tasty ice cream comforted me. This really works whenever I'm feeling bad, like a magic.

"Ano pa lang ginagawa mo roon?" I asked when I finished eating the food.

Nagkatinginan kami sa side mirror. His gaze remained on me for some time until it drifted on the road. Then all of a sudden, he stopped on the side. Magtatanong na sana ako kung bakit nang bigla nitong hinubad ang suot na jacket.

"Huwag na-"

Hindi ko natapos ang dapat sabihin ng basta na lang nitong hinagis ang jacket sa ulo ko. Napasimangot ako. Sa huli, sinuot pa rin.

"So ano nga? Bakit ka naroon?" I asked again.

Ang bango ng jacket niya. Parang hindi pinagpapawisan at preskong-presko pa rin ang amoy.

"Part time,"

Halos hindi ko marinig ang sinabi niya kaya umusog pa ako ng kaunti. I want to at least strike a conversation while he's driving. To keep him entertained.

"Saan sa hotel?" linakasan ko ang boses ko sa takot na hindi niya rin marinig.

Matagal bago siya nakasagot.

"Sa katabing resto."

Kumunot ang noo ko. One answer at a time ang trip ng lalaking 'to!

"Anong ginawa mo roon?" usisa ko pa.

"There was an event, I'm one of the crew on the catering service."

"Palagi ba 'yan? Hindi kaya maapektuhan ang pag-aaral mo? Nagbabanda ka pa diba?" sunod-sunod kong tanong.

I always know he's hardworking. Sa ilang taon naming magkaibigan ng kapatid niya, masipag talaga si Orrin. Kahit nasa abroad ang Mommy niya at nagpapadala naman ng pera, kumakayod pa rin siya at hindi inaasa ang lahat sa ina.

"Stop being nosy or I'll stop this and leave you here."

Napairap ako sa kawalan. Napaka suplado talaga niya! Mabuti pa si Dara hindi katulad ng ugali niya,

"Palagi mo na lang iniiwan si Dara tuwing gabi. Wala 'yong kasama sa inyo kapag wala ka."

Hindi na siya sumagot kaya tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa Isla Cali. Sa may kanto lang ako nagpababa sa kaniya at hindi na pinatuloy sa bahay.

"Lalabhan ko muna itong jacket mo ha? Iuuwi ko na lang bukas o sa makalawa."

Mabuti na lang at walang tao sa pwestong ito. Madalas ang tambayan ng mga tao roon sa may nagtitinda ng barbeque at sa labas lang ng bahay namin. May tindahan kasi, madalas tambakan ng mga ginang.

"Uh, s-sige salamat. Ingat ka pauwi.."

I thought he was going to leave right away, but I was surprised when he responded with his raspy voice this time. Na kung hindi lang kami magkalapit, hindi ko pa yata maririnig.

"You too. Take care."

I smiled at him. Orrin stared at my face. Nagsalubong na naman ang mapal na kilay saka ito nag-iwas ng tingin. I didn't know, that a simple and quick interaction with him alleviated the ugly feeling I had back on the hotel.

He's not bad at all.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro