꧁ ҳҳı | ʋıєŋɬıųŋơ
ꜱᴀ ɪʏᴏɴɢ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴡ ꧁
𝟸 𝟶 𝟷 𝟹 , 𝙾 𝙲 𝚃 𝙾 𝙱 𝙴 𝚁 ? ?
? ? ? ?
"Ang ngalan ko ay Maria Sol," pagpapakilala ng misteryosong binibini sa binatang ilustrado.
Ang mga hibla ng buhok ng binibini na naiwan mula sa pagkakatali nito ay nililipad ng malamig na hangin. Ito'y palihim na pinagmamasdan ng ginoo dahil sa kahanga-hangang tanawin sa ilalim ng nakangiting buwan.
"Ako'y nagpakilala na kanina ngunit ibig kong personal na sabihin ang aking ngalan sa iyo, Binibining Maria," huminto sa pagsasalita ang ginoo at yumuko, "Ang ngalan ko'y Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin."
Nagpatuloy ang malugod ngunit talusalang pag-uusap ng dalawa. Wari'y may ibig iparating ang kanilang mga mata na nakatunghay sa isa't isa. Ang kanilang mga dila na namamaluktot pagkaraang sumambit ng ilang salita. Lahat ng ito'y kalituhan para sa kanila.
(Until we meet again, Crisostomo.)
"Hasta que nos encontremos otra vez, Crisostomo," ang huling salita ng binibini para sa ilustradong binata.
Ang pangungusap na iyon ay nag-iwan ng marka sa isipan ng ginoo. Tanda ng kanilang hindi mapagkakailang ugnayan...
Sa pagbuklat niya sa susunod na pahina ay wala na itong nilalaman. Tanging ang liwanag lang ng buwan ang kanyang nagsisilbing ilaw sa gitna ng dilim.
Noong una ay hindi pa siya naniniwalang wala nang kasunod ang kanyang nabasa. Inulit-ulit niyang basahin ang huling pangungusap kahit na ito'y hindi niya mahinuha.
Isa, dalawa, tatlo, ngunit blangko pa rin ang kapiling nitong papel. Inulit niya ito nang inulit hanggang sa halos mapunit na ang malulutong na pahina ng librong kanyang natagpuan.
Wala pa rin at hindi nagbabago ang blangkong pahina matapos ng huling pangungusap na iyon. Hindi niya napansin ang panginginig ng kanyang mga kamay hanggang sa mapadako ang mga mata niya rito.
Hindi siya makapaniwala sa nabasa. Naniniwala siyang hindi ito totoo ngunit parang nangyayari talaga sa realidad ang mga lumilitaw na sulat sa bawat pahinang nabubuklat niya.
Ano na nga ba ang nangyari mula nang mawala si Aria sa mundo ng kasalukuyan?
What actually took place after her transmigration? When she first discovered the book in the library, the magic has begun.
Hindi lamang isang araw, dalawang linggo, tatlong buwan o apat na taon ang simula't hangganan ng mahika'ng isinambit pa noong unang panahon.
Marami nang nangyari kay Maria Sol sa loob ng isang buwan.
Hindi, isa itong pagkakamali.
Dahil ngayon pa lamang umaandar ang oras at nagsisimula pa lamang ang tunay na kuwento.
Nalilito na ba kayo sa mga pangyayaring taliwas sa inaakala ninyong katotohanan? Hindi pa kayo nahihibang tulad ng inaakala ni Maria Sol.
Hindi ito isang biro at walang halong kasinungalingan ang mga nabasa ninyo. Sapagkat hindi nagsimula ang kuwento sa Noli Me Tangere at hindi rin magtatapos ang kanilang pagmamahalan sa El Filibusterismo.
Siya'y magbabalik sa pagtatapos ng kanilang simula.
Volveré al final de nuestra partida...
Hindi si Aria ang sanhi ng kanyang pagpunta sa mundo ng imahinasyon kung hindi ang pagbigkas ninyo sa katagang ito.
Hindi? Isa ba itong pagkakamali dahil hindi ninyo binasa ang pangungusap na iyon?
Maniwala ka dahil nagkakamali kayo.
Ang kahulugan ng mga salita ay hindi lamang nananatili sa lengwaheng naiintindihan ng isang tao.
Nakasisiguro akong binasa ninyo ang katagang iyan. Sa wikang Espanyol, Ingles o maging sa wikang Filipino.
Binigkas n'yo man o isina-isip lamang ang pangungusap na iyon. Nang oras na naglapat ang inyong mga mata sa mga salitang ito ay binuhay ninyo ang mga enggranahe ng tadhana.
「Enggranahe : Gears」
Didn't they tell you that they need your help?
You, the one who revealed the star-crossed lovers and is brave enough to unravel the biggest conspiracy of time, are the key of their existence.
It was you who drove the three distinct places and times of life to align and made the magic begun.
You are the one who is rewriting the actual tale to be known.
When the gears of fate turn, all the individuals involved will interweave their ripped strings of fate.
Nakalathala na ang dapat na mangyayari noon pa man ngunit ngayon pa lamang magaganap ng dahil sa iyo.
Before we shift the next pages and disclose what's next, I should confess to you what went on in her present. What transpire to others while she was on the stage.
I will inform you how things came like these so be leery, you might read things you shouldn't have seen.
But can you deal with the truth?
Are you ready for the aftermaths of learning the existence of this biggest conspiracy of time?
Kung oo, humanda kayo sa mga mababasa dahil nagsisimula pa lang ang susunod na yugto ng kanilang kuwento.
Magsisimula uli tayo sa unang yugto, kung saan muling natagpuan ni Aria ang kakatwang talaarawan ng kanyang ninuno sa Kijin Manor ng kanyang pamilya sa bansang Japan.
° ° °
𝟸𝟶𝟷𝟹, 𝙾𝙲𝚃𝙾𝙱𝙴𝚁 𝟷𝟷
𝙲𝙰𝙼𝙿 𝙰𝙶𝚄𝙸𝙽𝙰𝙻𝙳𝙾
𝚀𝚄𝙴𝚉𝙾𝙽 𝙲𝙸𝚃𝚈, 𝙼𝙰𝙽𝙸𝙻𝙰
𝟻:𝟹𝟾 𝙿𝙼
"Moo, what happened? Anong masakit sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Yuan kay Aria na nasa kabilang linya.
Kagagaling niya lang sa training at pagod na pagod ang binata. Ngunit nang makita niya ang pangalan ni Aria sa Caller ID ay agad napawi ang anumang hapong nananalaytay sa kanyang katawan.
"Yung puso ko, ang bagal ng tibok kasi wala ka rito," malungkot ang tono ng pagkakasagot ni Aria ngunit sobrang tamis ng sinabi niyang iyon para kay Yuan.
Kaya kahit mukhang nagda-drama ang kanyang minamahal ay hindi niya mapigilang tumawa.
Hindi dahil sa kadramahan ni Aria kung hindi dahil sa kasiyahan nang mapagtanto ni Yuan na siya ang iniisip ng dalaga palagi.
"Huwag kang mag-alala, ang bagal din ng tibok ng puso ko rito dahil nami-miss ka rin niya. Ilang buwan na lang naman, baka payagan na akong umalis pansamantala," pagpapagaan ng loob ni Yuan kay Aria.
Hindi sana sa ganitong paraan nais sabihin ni Yuan na maaari na siyang mag-apply ng temporary leave sa kanyang military training. Gusto niyang surpresahin ang dalaga sa araw mismo ng kanyang pagdating sa Japan. Ngunit hindi niya maatim na malumbay ng husto si Aria kaya't nagpasya na si Yuan na umamin.
"Miss na kita, moo," ilang beses na niya itong narinig ngunit iba ang dulot ng mga salitang iyon kay Yuan ngayon.
Halata sa tono ni Aria na may problema siyang dinadala. Bagay na ikinabahala ni Yuan.
"Ano bang nangyari? May problema ba? Kuwento mo sa akin. Nangako tayong walang iwanan, diba? Sa hirap at ginhawa," seryoso ngunit mababahidan ng pag-aalala ang pangungumbinsi ni Yuan.
May nakasalubong siyang ka-buddy niya at inaya si Yuan upang kumain ng tanghalian. Late na natapos ang morning revelie nila kaninang umaga. Ilang oras na lang din ang nalalabi bago magsimula ang kanilang late afternoon self-defense training.
Kailangan nilang mag-ipon ng lakas para sa susunod na pag-eensayo ngunit wala nang pakialam dito si Yuan. Gusto niyang alalahanin si Aria.
Kumaway na lamang si Yuan sa kanyang ka-buddy at itinuro ang hawak niyang telepono para iparating na siya'y may kausap.
Narinig ni Yuan ang pagbuntong hininga ni Aria kaya muling nalipat dito ang kanyang buong atensyon.
Nagsimulang magkuwento si Aria sa nangyari. Ang buong nangyari dahil nangako sila sa isa't isa na magiging open sa lahat ng problemang darating. Personal man at lalo na kapag tungkol sa relasyon nilang dalawa.
"This sounds serious. Thank you for telling me, moo," Yuan said after Aria tell him what happened.
"Gusto ko na talagang pumunta riyan ng maaga. Kung pwede lang ngayon, gagawin ko na. I don't want you to take this problem alone. We are in this together, papatunayan kong karapat-dapat ako para sa'yo. I won't give us up, would you, Aria?" Yuan asked Aria the most absurd question.
Of course, Yuan would never allow Aria to let go. Unless she says so.
Hinding hindi bibitaw si Yuan sa kanilang dalawa hangga't hindi sinasabi mismo ni Aria na layuan siya nito. Ganoon niya kamahal si Aria. Handa siyang masaktan mag-isa kung gugustuhin ito ng mahal niya.
"You know that I always say I do to you, right?" Aria asked back.
Kahit na alam ni Yuan ang magiging sagot ni Aria ay hindi niya pa rin maiwasang magulat. Magaling magpakilig si Yuan ngunit nahihigitan nito ang kilig na nadarama niya sa tuwing nagsasalita ng ganito si Aria.
'Yung mga sinasabi ni Aria na hindi naman intensyong magpakilig pero napapakilig si Yuan ng husto. Kaya nag-iisa lang si Aria sa buhay ni Yuan. Wala nang makahihigit pa sa kanya.
Aria is his one and only love.
"What?" nagkunwaring nagulat si Yuan upang hindi mahalata ni Aria na kinikilig siya.
"You mean na you can give us up?" ginalingan niya pa ang pag-arte na umepekto naman kay Aria.
"You know that I always say I do to you, right?" Aria repeated and stopped.
Hindi alam ni Yuan ang ginagawa ni Aria ngunit natagpuan niya ang kanyang sariling nakatingin sa singsing na nakasuot sa left ring finger niya.
Unaware na nakatingin din si Aria sa singsing na bigay niya one year ago.
"Except for that question, Yuan. You can ask me that question again but I can't guarantee that I will answer I do to you. I cannot undo your mark on me," she clarified that led a beam on his face.
Hindi na naman mapigilan ni Yuan na kiligin kaya hinawakan niya ang kanilang singsing gamit ang kanyang kaliwang hinlalaki.
Gusto lamang niya magbiro ngunit siya pa rin ang mas kinilig sa kanilang dalawa. Hindi tuloy mapigilan ni Yuan na magpakawala ng malalim na hininga.
"Huwag mo akong tinatakot ng ganyan, moo. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko," pangongonsensya ni Yuan na may halong katotohanan.
Tumawa si Aria at humingi ng tawad.
"Sorry. Alam mo namang mahal kita, diba?" lambing niya kay Yuan.
Hanggang kailan ba balak magpakilig ni Aria? Pulang pula na ang tainga ni Yuan. Sa pagkakataong ito ay tumawa siya at halata nang kinikilig.
May narinig si Yuan na mahinang katok mula sa kabilang linya.
"Moo, wait for me there. Huwag kang mag-alala, nandito ako. Hindi kita iiwanan hangga't hindi mo sinasabi sa akin," paninigurado ni Yuan.
"Pinapatibok mo na naman puso ko," biro naman ni Aria sa kanya.
Gusto pa sanang gatungan ni Yuan ang pagbibiro ni Aria. Ngunit nakarinig na naman ang binata ng katok kaya napatawa na lang ito.
"Pinapatibok mo rin kasi ang puso ko," balik niya kay Aria.
Isa na namang katok ang narinig ni Yuan.
"Usap na lang tayo mamaya, moo. Kanina pa may kumakatok dito. Higugma ko ikaw," pagpapaalam ni Aria na nakapagpatawa't nakapagpakilig na naman kay Yuan.
"Pagmalungkot ka, isipin mo lang ako at alalahanin mo ang sasabihin kong ito... Kaluguran daka, Aria," pamamaalam din ni Yuan bago niya binaba ang tawag.
° ° °
Kung alam lang ni Yuan noon na ito na ang huling maayos na pag-uusap nila ng dalaga, hindi niya ito ibaba at pagsisisihan sa susunod na araw.
Kinabukasa'y bagamat nababahala siya sa nangyayari kay Aria, minabuti ni Yuan na tumuloy na sa training ground nila matapos itong magbilis at kumain ng agahan sa canteen ng kanilang kampo.
Las tres na ng hapon nang matapos ang unang parte ng kanilang pagsasanay. Sa kabila ng pag-aalala ni Yuan kay Aria ay naging masigasig naman ang binata sa kanilang ensayo.
"Good afternoon, Karl! Tapos na kayo sa training n'yo?" masayang bati ng dati niyang fiancee nang magkasalubong sila sa catwalk.
Isang panuntunan na tawaging "sir" ang bawat ka-buddy nila sa kampo. Ngunit isinagsawalang-bahala ito ni Bella dahil malapit naman siya sa binata.
Hindi gaya ng dati ay matikas na ang tindig ng dalaga. Hindi na rin ito mahiyain at palaging nakasunod lang sa idinidikta sa kanya. Talagang nag-matured na ang dalaga na ikinatuwa naman ni Yuan.
"Bella, ikaw pala," wala sa sariling bati ni Yuan kay Bella na masayang nakangiti naman sa kanya.
Abala si Yuan sa pagpindot sa kanyang telepono upang hanapin sa contacts niya ang number ng kanyang ama.
"Are you free this afternoon? Baka pwede tayong mag-merienda. Don't worry, sagot ko," pag-anyaya ni Bella sa kanyang fiance.
Although one year na ang nakalipas nang mapawalang bisa ang kanilang engagement, nananatili pa ring si Yuan ang nasa puso ni Bella. Nirerespeto niya ang relasyon nila ni Aria. Ngunit may parte sa puso ni Bella na umaasa pa ring mahuhulog sa kanya si Yuan. Lalo na ngayong malayo ang magkasintahan sa isa't isa.
Hindi naman gumagawa ng paraan si Bella para maagaw si Yuan. Sapat na sa kanya ang mapalapit muli sa binata. Coincidence lang din ang magkita silang muli rito sa kampo dahil trainee rin si Bella bilang field medic sa militar.
"Sorry but there's something I need to do," pagtanggi ni Yuan na kanina pa nakatingin sa telepono ngunit sa huli'y bumaling din kay Bella, "But thanks for inviting me, Sir Valderama."
Dismayado man si Bella sa pagtanggi ni Yuan ay hindi niya ito ipinahalata at ngumiti na lamang. Sinundan na lang ng tingin ng dalaga at papalayong binata.
"Dad, I called you because there's something I must talk to you about," tumigil si Yuan upang hintayin ang tugon ng kanyang ama.
"What? May problema ba?" takang tanong ng kanyang ama sa kabilang linya.
Huminga si Yuan nang malalim bago nagpatuloy.
"Dad," muli siyang huminto upang salain ang kanyang dapat sabihin, "Aalis ako ng bansa at baka hindi ko matapos ang required na oras para sa military training."
"Why? Are you going to disappoint me again this time, son?" may halong pagbabala ang tono ng kanyang ama ngunit hindi ito pinansin ni Yuan.
"Don't worry, Dad. I won't be a failure this time. Kailangan ko lang gawin 'to," matapos niyang sabihin iyon ay agad ibinaba ni Yuan ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad.
Dumiretso siya sa Head Office upang ipaalam ang kanyang desisyon. Tulad ng nangyari kanina ay hindi rin hinintay ni Yuan ang tugon ng nakatataas sa kanya bago nagmadaling umalis.
Alam niya ang maaaring mangyari sa kanyang ginawa. Maaari siyang matanggal sa kampo at hindi na makapagserbisyo sa bayan. Ngunit mas importante ngayon kay Yuan ang kalagayan ni Aria.
Nagpatuloy siya sa parking lot at sumakay sa kanyang kotse. Bago paandarin ni Yuan ang makina ng sasakyan ay mabilis siyang nag-type sa kanyang phone.
Wala siyang sinayang na oras at mabilis na pinaandar ang kanyang sasakyan tungo sa isang cafe. Ito ang tambayan nilang magkakatropa noong nasa kolehiyo pa lang sila.
Nang marating ni Yuan ang cafe ay dali-dali siyang bumaba ng sasakyan at pumasok sa cafe.
"Long time no see, 'tol. Anong meron?" bungad sa kanya ng isa niyang kaibigan na may koneksyon sa Philippine Embassy.
"I need your help," straight to the point na saad ni Yuan at sabay silang naupo ng kaibigan.
He knew that Aria's family is very strict pero hindi inaasahan ni Yuan na mangyayari ito agad-agad.
Akala ni Yuan magaganap lang ito sa oras na mamanhikan na siya ng kasal sa mga magulang ni Aria. He is already planning a marriage proposal in two to three years after they finished their college degrees.
But it doesn't matter at all, Yuan is ready to meet Aria's family. Sigurado naman si Yuan na si Aria na ang babaeng papangakuan niya ng habambuhay kasama siya.
He met with his colleague and sought his help to rapidly run his papers para maka-schedule na agad si Yuan ng flight papuntang Kyoto, Japan.
And after a few days, nakatanggap na naman ng tawag si Yuan mula kay Aria. Ang huling tawag na matatanggap niya mula sa dalaga.
Kakatapos lang ng training ni Yuan sa Camp Aguinaldo at kasalukuyang naliligo siya nang unang tumawag si Aria. Nang matapos siya sa paliligo ay napansin nito na nag-missed call si Aria. Tinawagan niya ito agad ngunit walang sumasagot.
After a while, Yuan planned to call Aria again but she called him first.
He promptly answers the call but no one responded.
"Aria!" tawag ni Yuan sa pangalan ng kanyang mahal. Mababakas ang pag-aalala ng binata sa boses nito.
"Moo... Naandyan ka ba? What happened? Aria..." tawag niya ulit pero walang sumasagot.
Magsasalita uli sana ang binata nang makarinig siya ng malakas na kalampag sa kabilang linya. Kasunod nito ang isang boses ng lalaki.
Napadiin ang hawak ni Yuan sa kanyang telepono at natigilan sa pagpapatuyo ng buhok gamit ang puting tuwalya.
"Aria, what happened?! Who is—" malakas at puno ng pag-aalalang tanong ni Yuan pero natigilan siya nang marinig ang boses ng dalaga.
"Yuan, tulong please! Natatakot na ako. He did something... please! Yuan... mahal na mahal kita, Yuan," then Yuan heard Aria's heartbreaking cry.
Yuan never felt too startled, too anxious before. Something is happening with her girlfriend but he isn't there by her side.
He overlooked that he is topless. Yuan immediately went out the shower room while keeping the phone near his ear and praying that Aria is nevertheless safe.
"Yuan, tawagan mo si Dad... Or my brother. Please, hindi ko na kaya, natatakot na ako... Yuan—" huminto sa pagsasalita si Aria kaya naman lalong kumabog ang puso ni Yuan sa kaba.
Ilang beses pang tinawag ni Yuan ang pangalan ni Aria habang natakbo papunta sa locker room.
"Yuan—"
Aria lastly called Yuan. Then there was stifling after that.
Nang hindi na nagre-response si Aria sa kahit anong tawag niya ay lalong kinabahan si Yuan.
(Where is she? If I don't have her, no one will.)
"Dokoni iruno? Moshi watashiga kanojoga inakereba daremo imasen," nang subukan niyang tawagin uli si Aria, isang boses ng lalaki na nagni-Nihonggo ang sumagot.
"Who are yo—" bago pa man matapos ni Yuan ang kanyang itatanong ay nag-static na ang call dahil tinapakan ni Fujiwara Seiji ang phone ni Aria.
"Aria..." tanging pangalan na lamang ng babaeng mahal niya ang nagawang sambitin ni Yuan habang tiimbagang tinititigan ang kanyang telepono.
Kinabahan si Yuan nang matindi dahil sigurado siyang may hindi magandang nangyayari kay Aria.
Balisang binuksan ni Yuan ang locker niya. Hindi na siya nag-abalang tignan pa kung anong isusuot. Agad niyang dinampot ang unang damit na nahagip ng kanyang mata.
Mabuti na lang at naka-schedule na si Yuan the day after tomorrow para sa kanyang flight. Tumawag siya sa airline upang i-reschedule ang kanyang flight bukas ng gabi at gawing ngayong madaling araw.
Hindi rin naman nahirapan si Yuan dahil malakas ang koneksyon ng mga Crisostomo sa iba't ibang industriya sa Pilipinas.
Yuan didn't pick up too much luggage when he came home because he was in a haste to get Aria. Oblivious that she was already transmigrated into the 19th century.
Of course, they would never find her. What happened to Aria goes beyond their imagination.
𝟸 𝟶 𝟷 𝟹 , 𝙾 𝙲 𝚃 𝙾 𝙱 𝙴 𝚁 𝟷 𝟹
𝙺 𝙸 𝙹 𝙸 𝙽 𝙼 𝙰 𝙽 𝙾 𝚁
𝙾 𝚂 𝙰 𝙺 𝙰 , 𝙹 𝙰 𝙿 𝙰 𝙽
Namamaga ang mga mata ng dati niyang kaibigan at halatang balisa ito. Kaya naman kinutuban na ng masama si Yuan pagdating niya sa Kijin Manor ng mga Marqueza sa bansang Japan.
"'Tol..." alanganing bati ni Yuan kay Levy.
"Come in," tila wala sa sariling paanyaya ni Levy matapos buksan nang malaki ang pintuan ng Kijin Manor.
May nangyari ngang hindi maganda dahil madalas mariing itatanggi ni Levy ang pagtawag sa kanya ng utol ni Yuan.
Apat taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya mapatawad ni Levy. Hindi niya kasalanan ang nangyari sa kanila ni Bella. Tanggap man ngunit nanghihinayang si Yuan sa nasayang nilang pagkakaibigan.
Levy said that it's been four days nang mawala si Aria. The police already interrogated Fujiwara Seiji pero wala silang nakuhang lead kung nasaan ang dalaga.
Naantala ng tatlong araw ang pagpunta ni Yuan sa mansyon ng mga Marqueza dahil hindi agad ma-contact ni Yuan si Levy. Ito pa lang kasi ang unang pagkakataon na nakapunta siya sa Kijin Manor kaya naman hindi alam ni Yuan kung saang lugar at kung anong daan ang tatahakin.
"What does Tito say?" tanong ni Yuan habang nililibot ng tingin ang interior ng Kijin Manor, "What about Tita?"
"Hindi mo sila kamag-anak, Yuan Karlo," mas matalim ngayon ang tono ng pananalita ni Levy na hindi na napigilan dahil sa pagiging feeling close ni Yuan sa kanyang pamilya.
Levy will never condone Yuan for loving Aria. If it weren't because Levy and Aria are siblings, Levy had long cut ties with Yuan.
(Father)
"Chichiue will never face you. Mahigpit niyang tinututulan ang relasyon n'yo ni Aria kaya huwag kang umasa na makakausap mo siya," malalim na sagot ni Levy at binilisan pa ang paglalakad para maiwan si Yuan.
Naiinis si Levy sa katotohanang ibang tao pa talaga na hindi kadugo nila ang tunay na nag-aalala sa kanyang kapatid.
Parang wala lang nangyari at normal pa rin ang ikinikilos ng kanyang ama. Si Ana naman na kanyang ina ay tila nananabik sa isang bagay mula nang mawala si Aria.
Alam ni Levy ang dahilan kaya hindi niya masumbatan ang kanyang mga magulang. Wala siyang karapatang magalit sa kanila dahil pare-parehas nilang alam ang katotohanan.
Pero mahal niya ang kanyang kapatid. Si Levy ang unang taong naging sandigan ni Aria nang mawalan ito ng alaala. At gusto niyang siya uli ang unang makahanap sa kanyang kapatid.
Hindi man natutuwa si Yuan sa inaakto ni Levy ay hinayaan na lamang niya ito. Naiintindihan niya ang pinagmumulan ng sama ng loob ni Levy para sa kanya.
They went through every inch of the Kijin Manor, but there was no shadow of Aria. Until two days later, Yuan passed on the restricted door one destined night.
Tila naririnig ni Yuan ang pagtawag sa kanya ni Aria. Nagmumula ang nagdadalamhating tinig na iyon sa isang kuwarto na hindi raw nila maaaring buksan ayon kay Ana.
Hindi kasama ni Yuan si Levy ng gabing iyon dahil may isa pang tao ang biglang pumunta sa Kijin Manor ng walang pasabi.
° ° °
𝟸𝟶𝟷𝟹, 𝙾𝙲𝚃𝙾𝙱𝙴𝚁 𝟷𝟻
𝙾𝚂𝙰𝙺𝙰, 𝙹𝙰𝙿𝙰𝙽
𝚃𝚆𝙾 𝙷𝙾𝚄𝚁𝚂 𝙰𝙶𝙾
"Yuan Karlo Crisostomo! How could you leave me?! Hindi lang ikaw ang kaibigan ni Aria!" pagalit na sigaw ni Roanne nang pagbuksan siya ng pinto ni Levy.
Nabigla ang dalawang binata sa paglitaw ni Roanne na isa pa nilang kaibigan. May dala-dala itong dalawang malalaking maleta. Walang nagawa si Levy kung hindi tanggapin si Roanne at kunin ang kanyang mga maleta upang ipasok sa mansyon nila.
"Anong ginagawa mo rito?" hindi makapaniwalang tanong ni Yuan. Wala siyang pinagsabihan kung hindi ang kanyang ama na aalis siya ng Pilipinas.
"Naandito ako dahil sa'yo," nakakunot noo namang sagot ni Roanne saka humalukipkip sa kanilang dalawa ni Levy.
° ° °
Umiling-iling na lamang si Yuan upang maalis sa kanyang isipan ang pangyayaring iyon. Hindi naman niya masisisi si Roanne dahil kaibigan din niya si Aria. Marahil ay nag-aalala rin ito para sa kanyang kaibigan.
Madilim at hindi gumagana ang switch ng ilaw nang subukan niyang buksan. Hinawi na lang ni Yuan ang mahabang kurtina at binuksan ang sliding window ng kuwarto.
From there, Yuan saw the portrait of a Japanese woman bathing in the moonlight. Below it was a journal with the name of Aria inscribed to its cover.
Nang makita ni Yuan ang pangalan ni Aria ay may nagtulak sa kanya upang lapitan ito at kunin.
Tulad nang tagpo kung saan muling nakita ni Aria ang kakatwang libro nito, binasa rin ni Yuan ang pangungusap na nilalaman ng unang pahina.
Volveré al final de nuestra partida...
Ngunit hindi tulad ng naranasan ni Aria, walang malalakas na hangin at hindi nagngalis ang mga letra sa pahina.
Hindi naiintindihan ni Yuan ang ibig sabihin ng pangungusap na iyon. Kaya naman ipiniling niya ang sumunod na pahina sa pag-aakalang may Ingles o Filipino man lang sa kapiling na papel.
Hindi siya nabigo dahil may nilalaman ang ikalawang pahina. Ngunit ito ay nasa wikang Espanyol na naman.
Yuan was curious why this Spanish book is in the Kijin Manor. This mansion holds no relation to any Spanish finery and such. Only this peculiar book he was holding is the odd one.
Sinubukan niya uling basahin ng may kalakasang tinig ang nilalaman ng ikalawang pahina.
Napabuntong hininga si Yuan matapos siyang magbasa.
"I cannot understand anything," naibulong niya sa hangin.
He felt baffled and drained at the same time. Five days na siyang nasa Japan. Hinahagilap nila si Aria rito sa Kijin Manor at sa malalapit pang lugar. Ngunit wala silang Aria na nakita.
Inaakala ni Yuan na ang librong ito ang magbibigay ng tanda kung nasaan marahil ang dalaga.
Muli siyang nagpakawala ng malalim na hininga. Isasara na dapat ng binata ang libro ngunit natigilan siya nang may mapansing kakaiba.
Under the shimmering moonlight, an extraordinary sight manifest before Yuan's immense eyes.
He cannot understand Spanish but the letters itself shuffles and build up its Filipino meaning.
Babalik ako sa pagtatapos ng ating simula...
Natagpuan na kita, aking sisero.
∙∙·▫▫ ≍ ⋟⋟۵ ⋟⋟۵⋞⋞ ▫≼≽▫ ⋟⋟۵⋞⋞ ۵⋞⋞ ≍ ▫▫·∙∙
Updates will be once a month with no exact date.
Dapat talaga ipu-publish ko ito noong linggo. Pero dahil nagsabay-sabay ang mga gawain ay nakalimot ako.
Ang late update na ito ay para sa buwan ng Pebrero so asahan ninyo na may update uli sa latter part ng March.
And ito na nga! Na-miss kayo ni Yuan! Sinimulan ko na rin ang balangkas ng second story ng series na ito. Excited na rin ako sa love story ng ating imperial princess.
Ang kuwentong ito ay hindi pulido at maaaring makakita ng wrong spelling of words, wrong grammar in a sentence at typographical errors. Maaari akong itama sa bawat pagkakamaling makikita ninyo. Salamat sa pag-unawa.
Paalala na ang iba ay maaaring taliwas sa katotohanan. Sinasadya iyon ng manunulat dahil sa napakatinding rason.
彡Exrineance
𝘈𝘙𝘊 𝘐╹𝘜𝘯𝘭𝘰𝘤𝘬╻𝘐𝘧 𝘴𝘩𝘦 𝘵𝘶𝘳𝘯𝘴 𝘪𝘯𝘵𝘰 𝘢 𝘭𝘪𝘦
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro