Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

7: Her Mysterious Neighbor



Aly's PoV


Still the same day



Aly's PoV


We all run to where the voice is coming from. Halo-halo na ang mga eksenang na vi-visualize sa utak ko. Baka kung ano nang nangyari sa kanya?

Sa pagkakataong ito hindi na sigaw ang sinusundan namin kundi ang tuloy-tuloy na pag-whistle nang kung sino man.

Nagkumpulan na rin ang mga kaklase namin doon.

Sa wakas nakalapit na rin kami sa nagkukumpulan kong mga kaklase. I sighed in relief when I saw Riz still in one piece. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya.

"Why the fvck is Morrisa creaming?" Unang nagsalita si Elrik. Halata sa boses niyang nag-aalala siya. Sa aming lahat si Keem lang ang tinatawag niya sa unang pangalan nito. The rest it will be last-name basis.


Teka, why is she crying?

Sinuri ko kung saan nakatutok ang mga mata ng mg kaklase ko pati na rin si Morissa. I follow their stares. I gape as I saw the tree before me.

Yung malaking puno ay may nakasulat. I'm sure as hell dugo ang ginamit sa pagsusulat nito. Ang mga salita ay upper case at nakasulat pababa. May salitang 'GO' at arrow na nakaturo sa kaliwa.

G

O

<---


"Does anyone knows what the hell this means?" Ma-awtoridad na sabi ni Josh. Tumahimik ang lahat. Pati ako napa-isip. Tinuturo ba nito ang daan kung na'san si Exel?


"It means go back" Wala sa sariling sabi ni Maggie. Does this message is intended to us?


I knew we all felt the same. Takot. Takot ang naghahari sa aming lahat. This is very creepy.


"G-guys alis na tayo" Nanginginig pa na sabi ng isa naming kaklase. Kung sino naman siguro kakabahan sa mga nangyayari. Samahan pa ng patuloy na pagkagat ng maitim na ulap sa kalangitan.

"Si Exel kaya may gawa nito? Baka naman pinag-lalaruan niya lang tayo." Morrisa muttered, her voice is still shaky.

Sa paningin ko hindi naman siguro ito magagawa ni Exel. Isa pa bakit niya naman gagawin 'to?

Hindi ko alam kung anong nakain ko. But I took a step forward closing the gap from me and the tree. I run my fingers to the writing. Tuyo na ito.

"We need to report this to the police, like now! Right now!" Saad naman ni Vanessa.


"NO!" Paula burst out with a resounding voice. Lahat ng atensyon nabaling sa kanya. "Huwag muna nating sabihin sa mga pulis. Hindi natin alam kung para sa'tin ba talaga ang mensahe na 'yan. The best thing we could do is to follow what was written. We'll go back"


"Are you nuts? What if this is more serious than it looks? Hindi pa rin ba natin i-rereport?" Pangangatwiran naman ni Patricia. Halatang kinakabahan siya base sa tuno ng boses niya.


"Bakit? Takot ka na ba Patricia?" Biglang natahimik si Patricia sa sinabi ni Paula.


She's right, we need to go back. We don't know whose were dealing with.

"Let's go guys. Bukas na natin i-resume ang paghahanap" Dagdag pa nito at saka una nang nag-lakad. Why is Paula acting like that?

*~*~*~*~*~

"Thanks for the ride Dave" Malumbay ang mga ngiting pinakawalan ko habang bumababa na sa sasakyan ni Dave. Huli na niya akong hinatid. Kanina pa nakauwi sina Maggie at Lester at ang iba pa naming mga kaklase. Mga alas-syete na rin ng gabi.

"No problem. Ingat ka" He said as he mockingly salute me. Tumango lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

Papunta na akong elevator ng biglang mag vibrate ang cellphone ko.

1 message received

"Why didn't you help me?"

-someone

Napalunok ako ng biglaan sa nabasa ko. Agad ko naman itong binura. Wala akong panahon para patulan ang text na 'yun. Hanggang ngayon nababagabag pa rin ako sa nakasulat sa puno.

Para sa amin ba talaga 'yun? O, baka naman nagkataon lang?

Nagpalamon agad ako pagkabukas ng elevator. I heard my phone ring.

Mom calling

I knew exactly why she called. Magtatanong lang naman 'to sa nangyari kay Exel.

"Mom" Tipid na usal ko.

"I heard what happened to Congress man Golem's son. Are you okay?"

"I'm okay. Yun lang ba ang sasabihin mo?" I said as I press my apartment room's floor number.

"Anak pag-usapan natin ang debut mo umuwi ka dito sa Wednesday okay? Ipapasundo kita dyan"

Para matapos na ang usapan ay pumayag na lang ako. Although I hate the idea I still can't resist my mother. The purpose of visiting there is merely for my debut so there's nothing that I can be bothered of.

"Okay. Bye" Then I hung up the phone.

Pagod na pagod na ang katawan ko na ang gusto ko na lang ay magpahinga sa tabi ni Dog.

I leaned my body in the steel wall. I tightened the grip of my pack bag strap. Gusto ko na talagang matulog.

"Must be a tiring day" I literary jump a foot or two in the air as I heard someone muttering those words. Tama ba ang narinig ko? May kasama ako sa elevator?

Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko nga ang lalaki na nakasandal sa may likuran ko. Nakahalukipkip ang isang kamay sa bulsa niya habang ang isa nakahawak sa dyaryo. Hindi ko makita ang mukha niya kasi natatabunan ito ng kanyang binabasa.

Pero base sa suot niya mukhang kasing edad ko lang siya. Nakasuot siya ng maong na pantalon at hood jacket na kulay grey na may nakaprint na 'I'm the brightest star'.

"P-Pardon?" After it seems like ages I finally found my voice.

"You know..." Pagsisimula niya habang tinitiklop ang dyaryo dahilan para makita ko ang mukha niya. Nakasuot siya ng isang round rim glasses. Pero sa halip na magmukha siyang geek ay nagmukha siyang isang misteryosong tao.

His black orbs were very intimidating. His face has chiseled delicately for his own good. May earing siya sa kaliwang tenga. Natatabunan ang kanyang noo ng kanyang buhok. He look harmless and kind.

"I'm not fond of restating anything that has been uttered. Playing not to hear what I said must be a sign of a stagnant mind. Once is enough for a wise man" His words were like a knife, stabbing me square to my head. Now I want to get back what I just said. He's totally not kind, his a complete idiot who rubs people in the wrong way. His remarks were below the belt!

Naghihintay akong bumukas ang elevator para makalayo ako sa taong ito pero wala. Gaano ba katagal ang byahe papuntang third floor at bakit ang tagal?

"Oh you must be wondering why. I made the elevator stop" Is he a mind reader or something?

Literal na napanganga ako sa sinabi niya. Napailing-iling pa 'ko. I pressed 3 again pero hindi ito umiilaw indicating na huminto nga. What the hell is happening? Sino ang lalaking 'to? Papatayin niya ba 'ko dito?

Kinuyom ko na ang cellphone ko. 'Pag may ginawa siyang hindi maganda talagang tatawag ako ng pulis.

"Don't worry I just want to have a brief conversation with my new neighbor. Finally we've met...Alyssa Laurel"

Disbelief was written all over my face. How on the polluted Earth did he know my name? Don't tell me he really trouble himself doing a background check on me? 'Wag niya akong niloloko!


"P-paano mo n-nalaman ang p-pangalan k-ko?" I stammered taking a few step away from him. Nakasandal na ako ngayon sa pintuan ng elevator. At teka siya ba ang bagong kapit-bahay ko? Paano niya rin nalaman na magkapit-bahay kami? Wait, maybe he saw the floor number that I pressed.


"Am I really going to answer that obvious question?" Anong sabi niya, obvious?


"Sagutin mo ang tanong ko kung hindi tatawag ako ng pulis!" I knew tatapalan na niya ang bibig ko ng panyo na may chloroform at ki-kidnap-in tapos papatayin. Waaa!


Sa halip na sagutin niya ko ay ngumisi lang siya at lumapit sa'kin. Parang 'yun lang ang sinabi ko papatayin na niya kaagad ako? Ito na ba ang katapusan ng buhay ko? Hanggang chapter 7 lang ba talaga ako?


"I'm warning you! Huwag kang lalapit" I abruptly said making a hand gesture. Tila hindi niya ko narinig dahil lumapit pa rin siya sa'kin. His now a foot away from me when he stop dead on his track. Mas lalo akong napakapit sa strap ng bag pack ko ng bigla niyang nilapit ang mukha niya malapit sa balikat ko.


He looked intently into eyes as if his sending me a message. Tapos bigla niya na lang inangat ang kamay niya sa mukha ko na may hawak ng name tag na nakasabit lang kanina sa bag ko. I abruptly snatched it from his hand.


How did he get my nametag in my bag? I turn my head sideways para tingnan kung name tag ko ba talaga 'to. And yes, it is.


"The answer is just under your nose, don't be so ridiculous and think" He said brusquely as he took a step back.

I can't find the rightful comeback for his offensive remarks. Parang kahit na anong sabihin ko ay mababara niya.


Who is he anyway? Why is he acting so high and mighty?

"Asshole!" I finally snapped at him.


"If your asshole means being sharp and perceptive, then I'll take that as a compliment" This guy is really getting on my every nerves.


"Ano ba talagang kailangan mo sa'kin?" Huwag mong sabihing ang katawan ko....Huwag mong sabihing ang katawan ko.


"Now that you'd ask. How is the search going?" Lahat na yata ng synonyms ng salitang gulat ay nagamit ko na. Paano niya nalaman ang tungkol kay Exel? He's a creep! He's a freaking psycho! Kailangan ko ng lumabas sa elevator na 'to!


"Oh please, don't give me that dumb look. I know that you knew Exel Laurence Golem, son of a renowned politician. He was missing and now you're cooperating on searching him, right?"


"H-how c-could you p-possibly know that? Sinong nagsabi sayo niyan? P-Paano mo nalamang magkakilala kami ni Exel?"


I just saw him rolling his eyes as if my questions bored him so much. Hindi naman siguro siya manghuhula diba para malaman niya ang mga bagay na 'yun?


"It's all over the newspaper. Just so you know it's not a crime to use your common sense sometimes" He said plainly waving the rolled newspaper in front of my face. Now he must be silently laughing on how stupid I really am. He has a pretty thick face!


"Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan. You don't know me!" I spat scrunching my face in irritation.


"I do. I just told you you're Alyssa Laurel" He deadpanned. This time I'm the one who rolled my eyes. I wanted to say a snide comment but he raised his left hand for him to continue.

"From the moment I saw you I knew exactly who you are. A rich spoiled brat who wanted to live independently by herself. Why? Clearly you don't want to be in touch with your mother whom by the way is creating a new family. I heard your conversation earlier and she wouldn't be asking about you're well-being if you live together" Walang habas na pagpapaliwanag niya.

"I also accidentally saw the picture of your father and you in your cellphone's lock screen wallpaper. You must be very sentimental after losing him, ah, ah don't interrupt me yet" Sabi niya pa nang muli ko na namang ibuka ang bibig ko para magsalita. Why is he talking too much? Gusto ko na lang tapalan 'yung bibig niya. Teka nga...paano niya nalaman ang mga bagay-bagay na 'to?

"How did I know about your father? He's all over the news two years ago. That tragic car accident that killed 9 lives in the eastbound of Hampton's Avenue. And how did I know about your mother having a new husband? Well you won't be living by yourself if she isn't am I right?"

I gritted my teeth in exasperation as he continued to show off.

Kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanya. Why does he need to bring up the subject concerning my father? Gusto ko siyang suntukin sa bibig niya para matahimik. Ano bang akala niya sa sarili niya? Halata namang research lang ang lahat.

"Tapos ka na? Pwede mo na ba akong palabasin?" I said curtly tugging my hands under my chest.

"I haven't told you how did I knew about you knowing Exel Golem yet" Talaga namang! May isang bahagi ng utak ko na gusto nang lumabas at lumayo sa lalaking 'to pero may parte rin ng utak kong gustong malaman kung paano niya nalaman.

"Fine, you have my ears" The side of his lips form a curve in satisfaction.

"You better be. Anyway, I knew you're from an elite family and elites is for the elites so clearly without a doubt you attended the same prestigious school with him. How did I know about you engaging for the search? The mud from your rubber shoes tells it all" Tuloy-tuloy na litanya niya na para bang seguradong-segurado siya sa pinagsasabi niya.

"The edge of your jeans were filthy too proving that you have tripped with your own foot many times dahil alam naman nating masukal ang gubat at hindi masyadong nakikita ang daan and your conversation earlier with your mother had somehow prove my deductions" Napatingin naman ako sa sapatos ko at sa jeans ko. Totoo nga ang sinasabi niya. How can he be so observant and nosy at the same time? Nakinig pa talaga siya sa usapan namin ni mama.

Wait, I'm not falling for this. Halatang minamanmanan niya ang kilos ko kaya niya alam ang lahat ng 'to. O, hindi kaya ay nagtanong siya sa kung sino mang kakilala ko. Pwede ring may kinalaman siya sa mga pangyayaring ito.

"Sure enough you didn't find him, so my question will be---" He squelch in his words, frowning, as the elevator sprang to life.

Tumingin naman siya sa relo niya at narinig ko siyang nagmura. Bumukas na ang elevator at lumabas na 'ko. Ngayon lang yata ako naglakad ng ganito ka bilis. Kailangan akong mag-ingat sa kanya baka mamaya serial killer pala siya.

"Hey!" He called out. Para matahimik na siya ay lumingon ako sa kanya.

"Hindi ko sasagutin ang tanong mo! At isa pa hindi kita kilala!" Bigla namang kumunot ang noo niya na para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.

"All this time I've been telling you my name" My eyebrows knitted in confusion as I eye him incredulously. Ano bang pinagsasabi niya? Sigurado akong hindi siya nagpakilala o bumanggit man lang ng pangalan.

He parted his hands sideways as if he's been wanting to tell me something. Pero hindi ko talaga ma-gets kung anong gusto niyang sabihin.

"My name was imprinted on me" Nagtaka naman ako bigla. Wala naman siyang tattoo pero ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang nakaprint sa hood jacket niya.

I'm the brightest star?

I'm the brightest star ang pangalan niya? Ang haba naman ng pangalan na 'yun. Ay tanga hindi pala.

Dagli kong ni-review ang lesson namin sa science noon. Bakit ba kasi ayaw na lang niyang sabihin? May pa thrill-thrill pang nalalaman. Bago pa mamatay lahat ng brain cells ko ay naalala ko na ito.

"You're Sirius?" Binaba na niya ang kamay niyang kanina pa nakadipa. He just smirk at me.

"Finally! The brightest star in the night sky. Sirius. I'm Logan Sirius" With that he left me dumbfounded.

*~*~

A/N: Ang hangin ni Sirius. Anyway, ang taas ng chapter na 'to. Salamat talaga sa nagbabasa.

Comment what you think and don't forget to click that star okay? It would be very much appreciated.

-Love Gie



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro