Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

32: The Awakening of Deborah (Third Blood)

A/N: Enjoy reading a.nd please vote and comment. *Gun pointing at your head* Vote or die? This is a threat. LMAO.

Aly's PoV
December 11, 2016
7 days before Alyssa's Death

"Your head is harder than I expected Aly. Wala naman akong nakitang skull fracture, and about your hand, try not to use it for the mean time. Pero malayo lang naman sa bituka ang sugat mo kaya maaari ka nang lumayas sa hospital na ito ano mang oras. At sana hindi na ulit kita makita rito"

Sabi ni Doc Michael matapos niyang palibutan ng gauze ang ulo ko at lagyan ng dressing ang kanang kamay ko na nasugatan sa biak na salamin kanina.

"Ang harsh mo naman doc" Komento ko na lang. Kahit kailan talaga palaging ginagawang biro ni Doc Michael lahat. Nandito pala ako sa hospital kung hindi niyo naitatanong. The same hospital where Doctor Michael is working. Dito rin ako nagpa check-up sa utak ko noon. Oo, utak talaga. Naalala niyo 'non noong akala ko may tumor ako sa utak?

Wala rin akong ka ide-ideya kung bakit kailangan pa akong isugod ni Sirius dito na mabilis lang ding nawala na parang bola. At sa dinami-rami ng ospital nakapagtatakang dito pa ako dinala ng magaling na si Sirius.

Hanggang ngayon hindi pa rin nahahanap si Patricia, Josh at Vanessa. Sana naman hindi pa patay si Josh dahil talagang hindi ko patatawarin ang sarili ko 'pag nagkataon. Kapag nakalabas na ako rito I will really find Josh.

"I still don't know how did you got into this big mess"

"Sabi ko naman sa'yo Doc di ba na biglang may tumawid na pusa kaya nabangga ako?"

"I don't believe your hopeless alibi Aly. Especially because you're with his son"
Hindi ko na gets 'yong sinabi ni Doc. Sino bang 'his' ang tinutukoy niya? Kaya naman inilihis ko na lamang ang usapan

"Doc napansin mo ba 'yong lalaking nagdala sa'kin kanina?"
Ang walang-hiyang lalaking inabanduna lang ako rito. Wala talagang sense of sympathy and apathy ang taong 'yon.

"Ah, you mean si Logan?" Tila napukaw ang tulog kong kaluluwa sa sinabing iyon ni Doc Michael.

How the hell did he knew his name? As much as I can remember, Sirius is not the type of person who introduces himself to anyone.

"Kilala mo siya Doc? Hindi ko naman sinabi ang pangalan niya ah" Pag-uusisa ko. Dagling nag-iba ang timpla ng mukha ni Doc Mike. Mukhang saka lang niya na realize ang sinabi niya.

"Of course I knew him. He's the son of your late father's old friend" Lumuwa ang mata ko mula sa kinalalagyan nito dahil sa tinuran ni Doc Mike. Seriously?! Nagpapatawa lang siya diba? April fool's day na ba?

"Wait, WHAT?!" Parang hindi ko yata narinig ng maayos ang sinabi ni Doc Mike. May be I heard it wrong. Baka naman nagkakaroon na ako ng auditory hallucination uso pa naman 'yon ngayon.

"We're talking about the same Logan right? As in Logan Sirius?" said I, with emphasize.

"Ofcourse The Logan Sirius. He's the son of the most brilliant pathologist in this hospital who happened to be the wife of your father's bestfriend. At 'yong ama ni Logan ay isang kilala at matalinong Detective who died a few months ago. They said it's a car accident but it is his own son who exposed that it was murder, 'yon nga lang hindi pa nila nahahanap ang suspect."

Pareho pala ang sinapit ng kamatayan ng daddy ni Sirius at ni Papa.

Pero bakit hindi ko man lang alam na may matalik na kaibigan ang papa ko noon na isang detective? How could I be so cluecless? Kung ganon nga, ibig sabihin 'non matinong tao nga si Sirius.

Kaya pala malapit at pinagkakatiwalaan na ng mga pulis si Sirius. At kaya pala ganon si Sirius. Naapektuhan ang upbringing niya dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Isang Pathologist at Detective pala kasi ang mama at papa niya.

Pero kung sikat pala parehas 'yong magulang niya bakit wala man lang information na lumantad noong nanggagalugad ako sa internet?

"Doc, kung kaibigan po siya ni papa bakit ni minsan hindi ko sila nakitang pumunta sa bahay?"

"Because they're the type of family who go against the norms of the society. They have their own unique ideology. Malimit mo lang talaga silang makitang dumalo sa mga kasiyahan"
So that explains why Sirius act like a cave-man who was not aware of the civilization outside his fortress.

"Enough with the chit-chatting, you should rest now, at dapat mo nga palang tawagan ang mama mo baka nag-aalala na 'yon sa'yo" I nodded pero wala naman talaga akong balak tawagan ang mama ko. Ayokong mag-alala pa 'yon. Ni wala nga akong sinabihan na nandito ako sa hospital eh. Tanging si Sirius lang ang nakakaalam.

It's pass midnight and my eyelids are giving-up. What good does staying awake does to me? I will just face my problems tomorrow.

So I let myself succumbed to sleep.

*~*~*~*~*~*~*~

A sudden bareable tinge of pain in my stomache forced me to open my eyes.

Nang magising na ako ay isang Logan Sirius agad ang tumambad sa aking mata na nakaupo sa monobloc chair malapit sa aking paanan. Nagbabasa siya ng isang dyaryo habang umiinom ng kape na nasa isang to-go-cup. Pansin ang pagbabago ng kanyang damit. Hindi na siya nakapolo, napalitan na ito ng isang sweater skirt.

Napaupo ako sa higaan habang siya'y hindi pa rin iniwawaglit ang paningin sa binabasa.

"You're awake" Wika niya habang nakatingin pa rin sa dyaryo. Ni hindi nga niya ako tiningnan pero alam pa rin niyang gising na 'ko.

Perhaps his reading the news about the incident.
I wonder what happened to the investigation last night. Sana naman nahabol nina inspector 'yong kotse.

"No. We did not" Out of the blue he muttered while taking a sip of his coffee. Na 'pano siya?

"Anyare sa'yo? Sinong kausap mo?"

"You. The incident must have bugged you that much. Seems like you have thousands of questions in your injured head. So no, we did not catch the car considering this investigation leads to nothing further. Except ofcourse if Deborah will still follow the story line and commit her third crime"

Ofcourse, she will kill herself. Iyon 'yong huling ginawa niya. Pero sa kaso ng nawawalang si Vanessa, marahil na hindi naman talaga siya si Deborah pero siya ang papatayin para madiin na siya ang may gawa ng lahat ng iyon.

"Ano 'yon maghihintay na lang tayo na may isang buhay ulit na kikitilin?"

Kung totoo nga na kinidnap lang naman si Vanessa ay talagang nanganganib na ang buhay niya.

"As a matter of fact, yes"

There's nothing I could do at the moment which is really frustrating.

"Bakit nga pala sa dyaryo ka nagbabasa? Hindi ba uso ang cellphone sa bukid niyo?" Biro ko. Kasi naman pwede naman siyang sa cellphone na lang magbasa ng news. Mas madali pa at iwas gastos.

"The source is more reliable and I'm against citizen journalism. Besides, I don't want to murder my brain cells for the radiation that I can glean by using my phone"

Inirapan ko na lang ang siya. Sus! Ang dami talagang kadramahang nalalaman ni Sirius. Iniiwasan niya kunong gumamit ng cellphone pero palagi namang gumagamit ng laptop. Hayss...ang gulo niyang tao.

"Bakit ka nga pala nandito? Dinalhan mo ba 'ko ng pagkain?" Agad niya namang tinoklop ang binabasa niya at seryosong tumingin ng deretso sa akin.

"Why would I bring you food?"
Minsan talaga umiiral ang pagkabobo nitong si Sirius. Bakit siya naman ngayon ang nagtatanong ng obvious?

"Dahil nasa ospital ako at kailangan kong kumain para hindi ako matuluyan?"

"What's the use of the ration in this hospital?"

Aish! Hayaan na nga!

"Eh, mga damit? May dala ka ba?"

Mas lalong nagtagpo ang kilay niya.

"You should know that it's not my habit to bring somebody else's closet with me when I go to a hospital. At ano bang akala mo sa'kin Laurel? Yaya mo?"

Aish! Bakit ba ganyan siya? Ano bang ginawa kong kasalanan sa kanya? Parang kagabi lang ah may pa 'I might kiss you right now' pa siyang nalalaman.

God Aly! Control your raging hormones! This is not a freaking romantic novel!

"Sorry naman!" Singhal ko sabay irap. Gusto ko na talagang sabihin na kilala ko na siya, na kilala ko na kung sino ang mama at papa niya pero hindi ko ito natuloy dahil sa isang katok ng pinto.

Noong una akala ko ay isang nurse o isang doctor pero ang nakapagtatakha lang ay kumatok lang ito pero hindi pumasok.

"Are you expecting someone?"
Umiling ako. Kaagad namang tumayo si Sirius sa upuan niya at binuksan ang pinto.

Nang bumukas na ang pinto ay wala kami ni isang taong nakita sa labas. Sinuri pa ni Sirius ang hallway subalit mukhang wala siyang nakitang kahina-hinalang tao.

Ang mas lalong nakapagtatakha ay may isang iniwang bouquet ng bulaklak sa may paanan nito at isang maliit na pulang kahon na may itim na ribbon.

Kinuha agad ito ni Sirius saka dinala patungo sa'kin.

"Nyahhh! Ang thoughtful naman ng nagbigay niyan!" Pero kahinahinala naman. Kasi wala naman akong nasabihan na nandito ako sa hospital.

"A flower from a criminal, that's touching" Matagal bago ko pa man maintindihan ang sinabing iyon ni Sirius. Teka...Ang nakakaalam lang naman na nandito ako sa hospital ay si Sirius, ang mga pulis, si Doc Mike at syempre ang kriminal. Kung ganon sa kriminal galing ang bulaklak at pulang kahon. Nyaaaahhh!

Ang card ng bulaklak ay may nakasulat pang,

"Stop meddling on somebody's business. Next time that I will send you flowers it will not be on the hospital but on your funeral. No pressure. Lots of love.

-D

Tumuyo ang lalamunan ko.

And this is how thoughtful she is.

Dumako naman ang mata ko sa isang pulang kahon. Kasing laki lang ito ng lalagyan ng wallet.
I look a bit surprise when I read the attach card.

To: Logan Sirius

From: D

"Sirius, this box is for you" He was appalled. Inabot ko agad ito sa kanya. Binuksan niya ito ng walang kakaba-kaba sa mukha niya.

Tumayo ako upang tingnan kung ano ang laman. Dalawa lang ang laman nito, una isang puting nakatuping card at pangalawa isang susi. Grabe naman. Ganoon na ba ka yaman si Deborah para mamigay ng house and lot? Baka kasi susi 'yon ng isang bahay na iniregalo ni Deborah kay Sirius.

Bago pa man ma buksan ni Sirius ang tarheta ay agad na nag-ring ang cellphone niya.

Isa itong unknown number pero sinagot niya pa rin ito.

Must be Deborah.

"Did you two like my presents?" The voice is so deep. Kasing lalim ng Mariana Trench. Parang tunog higante na tunog ogre na hindi ko maintindihan.

"Who are you? Why did you call? Are you expecting a thank you card? Sorry to dissappoint you but you wouldn't get one."

Maanghang na sabi ng kasama ko.

The man on another line just chuckled evilly. That's the only laugh in the history of laughter in which you would rather felt scared for your life. Darn! The voice is terrifying. I bet gumamit siya ng voice changer.

"That's a shame. By the way, someone would like to greet you. Come on honey. Don't be shy. You can talk"

"H-hello? Help meee! P-pleeeease Kung sino man ang nandyan please tulungan niyo koooo! Papatayin nila kooo!!! No, no, no, Uhmmm, hmmm!"

It was a a cry of agony from a familliar girl. I knew that voice. Tinig iyon ni Vanessa.

"I have a little game just for you. Nasa kamay mo ang kaligtasan ng babaeng 'to. Find her and follow the directions if you don't want to see an actual girl on fire"

Napasinghap ako. Susunugin niya ba si Vanessa?

"Why are you doing this?"

Imbes na sagutin ay binabaan na ng caller si Sirius.

Hindi pa man kami nakapagsalita ay tumunog ulit ang cellphone ni Sirius. This time it is not a call but a message fron the same number.

The number sent a video to Sirius. Ang video ay naglalaman ng isang babaeng nakagapos sa isang upuan na nakablindfold at may takip na duct tape sa bibig.

Vanessa was soaked in wet. Napapalibutan siya ng mga kandila. One would think that she had been soak from her sweat pero para sa akin isa itong gasolina. Pinaliguan siya ng gasolina. At kapag naubos na iyong kandila na nasa basang sahig ay kakalat ang apoy papunta sa kanya. Too much for girl on fire expression.

"Sirius. Sa tingin ko totoo ito"

"Me too"

Mabilis pa sa kidlat niyang binuksan ang tarheta kanina. My eyebrow furrowed as I look into the gibberish writings on it.

It was a note written in a black pen.

The words are as follows:

"Sometimes I go right, sometimes I go left. Connect 2 with 6 and the letters will be fix.
Locate my direction to find the next station."

Y- Left
G- Right
W- Right
S- Left
R- Right
R- Left
E- Right

G- Right
S- Left
K- Right
K- Right

PS: The clue is inside, lets see if you survive

Kunti na lang lalabas na ang puso ko sa aking lalamunan. My head stirred to confusion.

Ano na naman bang pakulo 'to?

"Sirius?" He looked distant. Nakatingin lang siya sa kawalan.

"Sirius alam mo ba kung ano 'to?" Still he gave me no words. Tahimik pa rin siya. If only Maggie's here. Perhaps she could solve this incomprehensible cipher.

Upang may maiambag naman ako sa kabutihang panlahat ay nag-isip na rin ako. Aish! Kapag talaga nandyan si Sirius palaging na tu-turtore ang utak ko.

I can only come up with one thing which is the answer to the statement,
'connect 2 and 6'

I guess it is pertaining to number 26. Pero ano namang kinalaman ng numerong iyon?
It could be anything. Pwede rin namang ang tinutukoy 'non ay ang alphabet. Which leads to my brilliant conclusion.

"Sirius hindi kaya ang meaning ng left ay umatras ka ng isang letra at ang meaning ng right ay umabante ng isang letra?"

Halimbawa 'yong letrang 'Y' kailangan mong umisog ng isang letra pakaliwa kaya ito ay magiging letrang 'X'.

Grabe ang talino ko talaga!

However, Sirius grimaced at my suggestion as if it was the dumbest thing that he had ever heard in his entire life.

"And what would the last sentence make? If it is that easy, surely the criminal wouldn't give as a clue"

I think for a moment. Tama rin naman siya. Kung susundin ko ang way of decoding ko kuno ay walang mabubuong salita o direksyon. It will just create another nonsense combination of letters.

Sa kabilang banda ano na lang ang silbi ng clue? Teka, ano nga ulit ang tinutukoy niyang clue?

Sabi sa papel
The clue is inside.

Ibig sabihin ba noon ay ang susi? Pero ano namang kinalaman ng susi sa mga letrang iyon?

"Anong kinalaman ng keys sa cipher na 'yan?!"

"Key. 26. Ofcourse!" He murmured with amusement.

Agad niyang kinuha ang cellphone niya at may tiningnan. I peered over his shoulder, just then, I realize what the cipher meant. Blimey! It pertains to the keypad! The QWERT type of keypad!
At tama ang hinala ko sa left and right na iyon na sinabi ko kanina kay Sirius.

Ibig sabihin lang noon ay ang
'Y'-Left na tinutukoy ay kailangan mong umatras pakaliwa which gives us the letter 'T'. And so on.

Kaagad na sinagutan ni Sirius ang papel na para bang excited na excited siya. He's pretty much amused with his little brain work.

When he was finished it revealed the next station.

Y-Left------T
G-Right----H
W-Right---E
S-Left------A
R-Right----T
R-Left------E
E-Right----R

G-Right----H
S-Left-------A
K-Right-----L
K-Right-----L

"Theater hall!" We both exclaimed. Excitement is dancing in his eyes. Ewan ko ba kung matino pa ba ang utak ng taong 'to.

"I need to go!" He mused.

"Sirius! Sama ako!" Wait, did I just said that?

Okay I just did.

Walang pag-aalinlangan kong hinablot ang nakaturok na dextrose sa kamay ko. It bleed a little pero wala na akong pakialam.

"We dont know what's waiting for us in the theater hall. It could be a trap. Going with me means signing your own death warrant. I will just put your life on the line."

Believe me Sirius, my death warrant had already been signed. Besides, I knew when I am going to die and today is not the right time"

I wanted to say but surely the last part would freak him out.

Besides theater hall doesn't look much of a forest, is it?

I bit my lips. Alam kong binalaan na ako ng caller na iyon na huwag nang mangialam. Pero kailangan kong gawin 'to. Baka nandoon din sina Josh at Patricia. The more reason which I needed to go.

"That sounds fun. I think? At ika nga nila Sirius. Two brains is better than one!" I fake my enthusiasm.

"One and a half" He corrected. Teka anong one and a half? Sa tingin ba niya kalahati lang ng utak niya ang utak ko? Aba!

Nang-aasar ba ang isang 'to? Before I could think of a witty comeback ay nagsalita na siya ulit. He throw a paper bag in my direction which he pick-up beneath my bed.

"Get a decent dress first. I don't want to tag along someone who look like a nutcase who runaway from the asylum"

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili ko at saka ko lang napagtanto na para nga akong isang baliw na takas sa mental institution. Pch. Pero teka, damit? Dinalhan ako ni Sirius ng damit?

Binuksan ko ang paper bag at tumambad ang isang bagong t-shirt at pantalon. May kasama pang tsinelas. Well, better than nothing.

"Sabi mo hindi mo habit ang magdala ng closet sa hospi---"

"Just shut-up ang get dress Laurel. And please do hurry up"

Great! Tinikom ko na lamang ang aking bibig. I still have no idea what awaits us in the theater hall. But perhaps it wouldn't be as bad as what happened last night, right?

Or may be not.

*~*~*~*~*~*

A/N: If you have time, please check out my other story entitled
School for Detectives and Criminals.

TY.

-Gie



















Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro