30: The Awakening of Deborah (Remnants of the First Blood )
Aly's PoV
Isang nakahihindik na sigaw ang lumagom sa buong theater hall. The terrifying screams chilled my every bones. Para akong na istatwa. Ito ang unang pagkakataon na makakasaksi ako ng isang murder na live.
I knew we failed. Nahuli kami ng dating ni Sirius, and now Patricia's dead.
"Lock the doors! No one leave this premise!" Malakas na sigaw ni Sirius pero hindi siya pinakinggan ng mga tao sa loob. Bagkus ay nag-uunhan pa silang lumabas na aakalain mong magkakaroon na ng stampede.
"Shit!" Napamura na lang siya. Kahit talaga kailan mas uunahin ni Sirius na madakip ang salarin kaysa ang kapakanan ng lahat.
Hindi ko na napansin ang dilim na bumalot sa buong paligid maging ang mga taong bumubangga sa'kin dahil nag-uunahang makalabas sa theater hall.
"'Wag kayong mag panic!" May isang boses na sumigaw. Gusto ko sanang sagutin 'yong nagsabi 'non kasi naman talagang magpapanic ka kung may eksena kang masasaksihan na ganon pero waring naumid ang dila ko.
"Waaaaahhhh! Padaanin n'yo kami!!!!!"
"Ahhhhh!!!! Ayoko na!!!"
"Papatayin tayong lahat ni Deboraaaaaah!!!!!"
Hindi rin nagawang isarado ang pinto dahil pilit itong binubuksan ng mga tao.
Hindi ko na namalayang hinihila na pala ako ni Sirius pababa. Nakahagdan kasi sa ayos ang theater hall. Naka-on na ang flashlight ng cellphone niya at papunta na kami ngayon sa stage.
Marami akong nakabanggaan pero wala na akong pakialam.
Nang maulingan na namin ang stage ay mas lalo akong nahintakutan sa nakita ko. I froze for a while.
"Na'san si Patricia?"
"I'll be damn" Wika naman ng hindi rin makapaniwalang si Sirius. Nakatitig lang kami sa napakaraming dugo sa wooden stage subalit wala ang kanyang katawan. Kagaya ng inaasahan wala na rin si Deborah. Tanging ang Katana lang na ginamit sa pagpatay ang naiwan.
"Aly! Aly!" Isang flashlight ang tumutok sa mukha ko dahilan para mapapikit ako.
"Dave? Lester?"
"Whats happening?! Did Vanessa just killed Patricia? Is that the reason why you want the play to stop Aly?" Puno ng pagkakahulugang tanong ni Dave. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang mga tanong niya sa sitwasyong 'to.
"Aly!" Isa na namang pamilyar na boses ang lumapit sa akin.
"Maggie!" Bigla niya akong niyakap at biglang umiyak. At dahil hindi kumportable ang kasama ko kapag may taong umiiyak ay biglang umalis si Sirius at umakyat sa may stage.
Una muna siyang pumunta sa backstage at pagkatapos bumalik na sa lugar kung saan mismo ginilitan ng leeg si Patricia.
Nahagip ko siyang seryosong sinusuri ang dugo at hinawakan pa niya ito tapos kumunot ang noo. Nyaaah! Bakit ba hindi siya natatakot o nandidiri man lang? Napatingala rin siya sa kisame. Teka...iniisip ba niya na sa kisame dumaan si Deborah bitbit ang katawan ni Patricia? Ano siya si Spider man ganon?
Hindi rin nakaligtaang tingnan ng mga mata ko ang dalawang pamilyar na pigura sa may backstage na nag-uusap. Ang lalaki ay nakasuot ng bull cap. I knew I saw him somewhere. Parang siya 'yong isa sa suspects sa pagkamatay ng librarian namin. Evans yata ang pangalan. Pero bakit sila nag-uusap ni Tina?
"Teka na'san si Patricia?" Takhang tanong ni Lester dahilan para mapakli ang tingin ko mula sa kanilang dalawa.
Kumawala muna ako sa yakap ni Maggie sa siya sinagot.
"'Yan din ang tanong ko Les."
"Anak?" Did I hear it right? Someone just called me anak?
Lumingon naman ako at...
"MOM?!" The word rolled out from my tounge in disbelief. Why on earth is my mother here?
*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na rin ang pulisya. Bumalik na rin ang kuryenteng napag-alamang pinutol pala ang wirings. Kinordunan na rin ang theater hall.
Nagsimula nang mag-imbistiga ang mga polisya. Isa-isang tinanong ang mga staff ng play pati na rin sina Dave at Lester na nakasaksi sa pangyayari. At kagaya ng inaasahan ito ang naging reaksyon ni inspector Petrina nang makita na naman niya ang magaling na si Sirius.
"LOGAN????!!!!! IKAW NA NAMAN?!!!! ANAK NG! ANONG KLASENG SUMPA BA ANG MERON KA HA?! NAGPATINGIN KA NA BA SA ALBULARYO? BAKA NAMAN NA ENGKANTO KA NA!!!" Nice questions inspector, 'yan rin ang gusto kong malaman sa taong yelo na 'yan.
"Get use to it inspector" Sabi lang niya sabay isog ng eyeglasses niya palapit sa kanyang mata. Napailing na lamang si inspector sa kausap niya.
"So what did you guys found?" Tanong nito kay inspector.
"Nothing. Wala pang lead since walang listahan ng mga taong nanuod ng play. Wala ring CCTV sa loob at labas ng hall na ito. Walang fingerprints sa Katana. At wala pa rin kaming ideya kung paanong biglang nawala na parang bola ang kriminal at ang biktima. Just thinking about it is impossible." Tama si inspector, napakaimposibleng bigla na lamang naglaho si Patricia at Vanessa. Imposible ring sa pintuan sila dumaan.
"No its not. Improbable may be but not impossible."
"Are you thinking na meron siyang accomplice?" I fired a query, syempre para hindi naman ako magmukhang ewan kakatayo sa harap nilang dalawa.
"Yup. No one can cut the wirings while being on stage killing someone. No one can be in two places at once so it is most likely that the culprit have accomplice that can help Deborah or whoever the culprit is to pull out her plan."
I nodded. I knew this is the work of the seven shadows. Kapag talaga nalaman ko kung sino ang nasa likod ng mga kabaduyang grupo na iyon talagang pagbabayarin ko.
"May lead na rin po ba kayo sa salarin?" Tanong ko kay inspector.
"Sa ngayon, hinahanap na namin si Vanessa Geraga na siyang pangunahing suspect. Siya lang ang biglang nawala sa staff ng play na siya ring gumanap sa role na Deborah"
Agad ko namang nakita ang pagkunot ng noo ni Sirius na waring hindi siya sumasang-ayon sa sinabi ni inspector.
"I beg to differ inspector. No one saw the face of the culprit while committing the crime nor hear her voice. And if she is really the killer wouldn't it appear so obvious in her side?" Tama si Sirius, walang nakakita na si Vanessa nga ito dahil nga nakasuot siya ng itim na cloak at nakamaskara pa. If I would lay down my foundation I cannot even recognize if Deborah is a female or male.
"Your point Logan?"
"I'll say someone had frame her up. Meaning, we're not only dealing with homicide persay, but also abduction"
Ibig sabihin tinago rin ng salarin si Vanessa?
"However, I must admit that it is hard to narrow down the suspects. I suggest we wait for the culprits second move"
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan na talaga ako kay Sirius. Anong second move ang pinagsasabi niya? Pinaningkitan naman ako ng mata nitong Sirius. 'Yong klase ng tingin na nagsasabing bakit ko pa tinatanong ang 'obvious'.
"The slashing of Recoletti's head with a sword, the victim's disappearance. The suspect can just leave the body but why did, lets say Deborah trouble herself too much to take it with her? Furthermore, the culprit have all the time to kill Patricia but why did she need to kill her in front of everyone which is too risky? The only explanation is that the culprit is following the story line."
My heart took a giant leap. Parang lumabas ito sa katawan ko. Agad naman akong napatingin sa dereksyon ni Josh na ngayo'y iniinterrogate pa ng mga pulis.
Kung ganon si Josh ang susunod? Sa pagkakaalala ko pagkatapos patayin ni Deborah si Recoletti at i-dispose ang bangkay, pinatay din niya si Rebentor na siyang papel na ginagampanan ni Josh saka niya pinatay ang sarili niya!
"Teka...How did you know the story line Sirius?"
"I did some sleuthing" Tumango ako. Typical Sirius. Always one step ahead from everything.
"So whats your plan?" I asked.
"Perhaps we will discuss that matter later. For now please excuse me, I need to talk to the second prospect victim first" Hindi man lang nagpapigil si Sirius at naglakad na papunta sa mga iniinterrogate.
Aalis na rin sana si inspector Petrina nang hinawakan ko ang braso niya. Her eyebrow creased as she look at me curiously.
"May kailangan ka?"
"I just want to ask something inspector in which I expect and need an honest answer." Tiningnan muna niya ako ng mariin saglit. Sinuri ko rin kung malayo na ba si Sirius sa amin. Nang malayo na nga siya saka ako nagpatuloy.
"Gaano niyo po ba ka kilala si Sirius?" Ang totoo kasi nyan hindi ko pa nalilimutan ang confession ni Sirius na siya raw mismo ang tangang magnanakaw na nanloob sa bahay ni Mr. and Mrs. Emerson.
"You mean si Logan? I knew him just enough to prove that he is not a criminal or a serial killer" She jested sabay tawa ng kaunti. Aish, akala ko pa naman matinong kausap 'tong si inspector.
"Pero inspector. Naalala n'yo po ba 'yong gabi na may iniimbistigahan kayong kasong burglary sa isang apartment isang linggo nang nakakalipas?" Iyon rin 'yong gabi na una kong nakita si inspector Petrina. Dagli naman siyang nag-isip.
"Oo naman. Bakit?"
"Sabi kasi ni Sirius siya ang may gawa 'non" Pagpapatuloy ko. Imbes na magulat siya ay ngumiti lang si inspector. Seryoso? Anong nakakatawa sa sinabi ko? Nahawaan na rin ba siya ng pagiging baliw ni Sirius?
"Ah, 'yon ba? Ginawa lang niya 'yon para takutin ang mag-asawa at para umalis na sa apartment na 'yon." Tama nga ako. Hindi coincidence and pagiging magkabit-bahay namin ni Sirius. Talagang sinadya at plinano niya ang lahat. Ang sama talaga niya! Siguro obsessed siya masyado sa apartment na 'yon.
"Anong dahilan niya?"
"Hintayin mo na lang na si Logan ang magsabi sa'yo. May be it's not the right time for you to know. But believe me, you can trust him, more than anyone."
"Pero inspector Petrina kasi..."
"Sorry for interrupting, pero pwede ko bang makausap ang anak ko?" Great mom! Just great You're timing is just perfect! *insert sarcasm*
"It's fine, tapos na rin naman kaming mag-usap" Pagkasabi 'non ni inspector ay agad na siyang umalis.
Hinarap ko si mama na tapos na palang makipag-usap kay Mr. Romano na siyang guro namin sa english at ang may pasimuno nitong play.
"Bakit mo 'ko gustong makausap ma?"
"Narinig ko kina Mr. Ponce at Mr. Suarez na madalas ka raw sumama sa lalaking nag aala-detective na 'yon!" Sabi niya sabay turo kay Sirius.
"At?"
"Alyssa anak baka mapahamak ka dahil sa pagsama sa isang taong hindi mo lubos na kilala. Mabuti pa layuan mo siya."
"'Yon lang ba ang sasabihin mo ma? Ako may sasabihin din sa inyo. Ano bang ginagawa niyo rito?" Kanina kasi hindi na niya nagawang sagutin ang tanong ko dahil biglang dumating ang mga pulis.
"Sinusuportahan ko lang ang kapatid mo" Right. Si Elrik. Kaya naman pala nandito siya. Nang mahagip ng mata ko si Sirius at Josh na biglang lumabas ng theater hall ay agad na akong nagpaalam kay mama at sumunod na rin. She was saying something pero hindi ko na ito binigyang pansin.
"Ano bang gusto mong sabihin?"
Paninimula ni Josh.
"I will go straight to the point--"
"Sirius! Josh!"
"Love?! I've missed you!" I was caught off guard ng bigla na lamang akong yakapin ni Josh. Inaamin kong napaka awkward at sa harapan pa talaga ng isang I-Don't-Engage-In-Romance na tao ako niyakap ng kumag. I heard someone who bitterly scoff kaya agad akong kumawala.
"Love? Tsk. What a joke! You have a boyfriend Laurel?" Defensive naman akong hinawakan sa kamay ni Josh at hinala papalapit sa kanya saka inakbayan.
"Oo, Bakit?" Umaksyon pa si Josh na parang naghahamon. Ano bang meron sa kanya? Ano bang meron sa kanila?
"I'm just surprised, I thought no one would give an eye to someone who is so...
unattractive."
Aba! Nahiya naman daw ang kagandahan ko sa kanya. At ako pa talaga ang sinabihang unattractive?!
"What did you just said to my girlfriend?"
"Well I'm just saying that you wouldn't be her boyfriend for long because Deborah would kill you anyway so--" At bago pa man matapos ng isang insensitive na si Sirius ang sinasabi niya ay isang kamao na ang lumanding sa pagmumukha niya.
"Who do you think you are huh?!" Galit na sabi ni Josh sabay na kwenilyohan si Sirius.
The latter just smiled.
"Don't make me punch you too, because you wouldn't really like it" Puno ng pagbabantang usal ni Sirius. Napakaseryoso ng mukha niya.
"Josh! Bitawan mo siya! Ano ba!" Pilit ko silang pinaghihiwalay. Mabuti na lang at hindi naman masyadong matigas ang ulo ni Josh kaya binitawan na niya ito.
Mabilis namang inayos ni Sirius ang kanyang nagulong damit at ang eyeglasses nito.
"Lets just talk with our hands kept unto ourselves, okay? By the way you punch like a girl."
"Sirius!" Sita ko sa kanya. Bakit ba hindi marunong ang taong 'to na makipag-usap ng matino. Kailangan na niya sigurong mag-aral ng oral communication. Akma ng hahambalusin ni Josh ulit ang pagmumukha niya subalit napigilan ko ito. Pch. Para silang mga bata!
"As I was saying, it is most likely that you will be the next target. So it is best to save your fist to someone who will come and kill you or better yet hide into your mother's skirt. Ciao" Tapos naglakad na siya papalayo habang nakapamulsa pa. Hindi ko pa rin matikom ang bibig sa maanghang na salitang sinabi ni Sirius. Ano bang nakain niya?
And a million dollar question is, what am I going to do to save Josh?
~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
Third Person's PoV
Everyone was oblivious to the two unknown figure who were standing somewhere at the theater hall. Walang ideya ang lahat na nag-uusap lang pala sa tabi-tabi ang dalawa sa mga aninong nasa likod ng krimeng nagaganap.
"Did you like the play Mistress?" The seventh shadow in question just smiled evilly.
"More than I could say yes, Asmodeus" Puno ng kasakiman ang boses ng nagsalitang anino.
"Send my congratualations to Deborah and Cerberus, I'll be looking forward with their next move" She continued.
"I will" Wika naman ng isang lalaking napakalalim ng boses na si Asmodeus.
"One more thing, I will hold a council meeting Asmodeus, Frankenstein and Amon were already dead. We need to strenghten our plan and cut the loose ends and find the lost memory chip. Especially, someone like him is trying dismantle everything."
The evil mistress said with conviction while taking a piercing look to the man with an eyeglasses who's not that far from her. Her look is so venomous that everyone wouldn't even want to meet her eyes.
Tumango naman ang lalaking kausap niya. Tila naiintindihan kung sino ang tinutukoy ng kanyang Mistress.
"Do you want me to kill him?"
"Kill him? Don't be too excited, Asmodeus. Playing with him will be very entertaining. Keep him alive until I order otherwise. I don't want to lose a playmate, yet"
"As you wish, Mistress" The two ended the conversation as if they were just talking about their well-beings.
*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~
A/N: Hey! Sirius and Aly's date will be on the next chap, sorry pinaasa ko na naman kayo. It would be too long if I will include it in this chapter so I decided to cut it into two.
I drop a not-so-subtle hint of Asmodeus and the Mistress. Hahaha....Alam niyo na ba kung sino?
If you like this chap click vote if you don't, still click it. Hahahaha
BTW, I just started a new story entitled School for Detectives and Criminals. Join my new criminal and detective heroine, Ceres and Elba as they enter the obscure academy. It is packed with mystery, actions (lots of it), romance, sci-fi, fantasy and more. Unfold their story and click the link. :)
https://www.wattpad.com/story/94343764-school-for-detectives-and-criminals/parts
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro