Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

3: Friends and Bitches



"The fear of death follows from the fear of life. The man who lives fully is prepared to die at any time"

-Mark Twain


Aly's PoV


"I'm always watching you -E" Mariin kong tiningnan ang bestfriend kong si Maggie habang pinapabasa ko sa kanya ang nakasulat. Nandito kasi kami ngayon sa cafeteria para mag-lunch.


Maggie is a pretty lass. She's modest, jaunty and talkative. Nakalugay ang mahaba at matuwid niyang buhok na kulay kape.


Habang nakatingin siya sa papel wala akong nakitang kahit anong ekspresyon sa mukha niya.


Inangat niya ang ulo niya para tingnan ako sandali tapos binigay ang papel sa katabi niyang si Dave. Dave is also my best friend. He's cool, handsome, kind and all. Anak siya ng may-ari ng isang sikat na Shipping company at isang kilalang business tycoon ang Daddy niya. 


Ang daming mga babaeng nagkakandarapa sa atensyon niya. Lima kaming magkakabarkada actually, but Llay died on my seventeenth birth day and the other one? I don't want to talk about him. Mabuti na lang wala ang asungot na si Lester


"So...weird right? And creepy" sabi ko na may halong disgusto ang tuno. Nakita ko ang tingin nilang dalawa na nagpabalik-balik sa akin at sa papel. Alam kong nararamdaman din nila ang nararamdaman ko. Ramdam ng pagkabagabag. Alam kong marami na akong natatanggap na mga sulat pero pakiramdam ko iba ang isang 'to.


"Anong creepy? Ang sweet kaya" seryosong pagkakasabi ni Maggie habang nginunguya ang pancake niya. Muntik ko nang maibuga sa kanya ang iniinum kong shake. Ano daw? Sweet? She found that creepy message sweet?


"Ano?! Seryoso ka ba ha Maggie? Tingnan mo nga 'yan. Sino bang sira ulong magpapadala ngayon ng itim na rosas ha?" iritang singhal ko.


Nagkatinginan silang dalawa tapos bigla na lang humagalpak sa pagtawa dahilan upang lumingon ang lahat ng tao sa cafeteria sa dereksyon namin.


Seryoso? Tinawanan lang nila 'ko?


"Aly, you're just over reacting. Tingnan mo nga napaka caring pa nga nitong admirer mo, talagang binabantayan ka pa" pagdadahilan ni Maggie. Mockery is still in her voice. Ano bang nakakatawa sa sitwasyon kong 'to?


Mamatay na ko't lahat-lahat tapos ganito lang ang reaksyon nila? Papatayin ako ng isang psycho na stalker. Siya ang killer ko, hindi ba nila ma gets?


"Dave, you're in her side?" tiningnan ko si Dave sabay turo kay Maggie. Tumango siya. I can't believe this.


"Why not? Maggie is right, you're just over thinking things. And Aly, it's not your first time, marami pa ngang mas weird na note na natatanggap mo" mahabang litanya niya. Pero noon 'yun, 'nung wala pang taning ang buhay ko. Noong hindi ko pa nalamang may taong gusto akong patayin! Gusto ko sanang idahilan pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Para ano pa? I just keep this to myself.



Pero baka naman talagang tama si Dave. Na napaka-OA ko lang na binibigyan ko ng malisya ang mga bagay-bagay. May be I'm just paranoid. Dapat pa nga siguro akong matuwa dahil may stalker akong ganito ka sweet. Tama, 'yun na lang ang iisipin ko at hindi ang masasamang bagay.



"I guess you're right" I slumped my shoulder. Binalik ko na ang atensyon ko sa pagkain. Simula ngayon kakalimutan ko na ang panaginip na 'yun. Ayokong mabuhay palagi sa takot. That dream was just a dream at hindi 'yun kayang diktahan ang kapalaran ko.


 I'm Alyssa Divina Laurel and I'm not weak nor fragile. I'm stronger that those bunch of marvel super heroes. I won't let this premonition ruin my life. Nagpatuloy kami sa pagkain at pagkukwento nang may bigla akong maalala.



"Uhm, guys?" sabay nila akong tiningnan. "May bakante kasing apartment na katabi ng apartment ko baka gusto niyong kunin. It's nice though, serene and peaceful. Magugustuhan niyo 'yun"



Bakit ko nga ulit ina-advertise ang apartment na 'yun? Ahh, yes, dahil gusto ko lang na maging kapitbahay ang isa sa kanila. At hindi ito dahil takot akong may kapit-bahay na serial killer. Ganun lang talaga 'yun.



"Not interested. Mas gusto ko sa bahay. You know, there's no place like home" pangangatwiran ni Maggie. Lumipat ang tingin ko kay Dave. Tumigil siya sa pagsubo at tiningnan ako ng mariin na waring tinitimbang ng mabuti ang magiging sagot niya. Kahit ayaw ko I wear my pleading look.


"Don't give me that look Aly" pagbabanta niya, kapag ganito na kasi ang mukha ko masasabi kong lahat ng tao ay mapapa-OO na lang at hindi ako magawang tanggihan.



"Sige na, pag-isipan mong mabuti" parang bata kong sinabi habang niyuyogyog ang kamay niya na nakapatong sa mesa.



He stared at me intently. I knew this look.



"I'll try" Napangisi ako sa kanya pero bigla rin namang nawala nang may mahagip ang mga mata ko. Isang tanawing hindi kaaya-aya.



Patricia. Ang lakambini ng mga tae.



That b*tch again. Every Princess has its own villain, and there's mine. And Yeah, like a very typical villain, they're bullying some geek again. She and her own little rogue troop.



Namalayan siguro nina Maggie at Dave na nakapako lang ang tingin ko sa likuran nila kaya sinundan nila ito.



Tatayo na sana ako ng biglang hinawakan ni Dave ang kamay ko.


"I know what you're thinking Aly. Please don't" pakiusap niya pero hindi ko ito pinansin at naglakad patugpa sa kanila. Kasi sabi nga ng humanity professor ko kaya nagpapatuloy ang masamang gawain dahil hindi itinatama.



"Look who's here" Tinaasan niya ako ng kilay habang nakakibit pa ng balikat. Habang may hininga pa ako kailangan ko munang patinuin ang mga malditang 'to. Nakatayo silang lima sa isang mesa habang pinapalibutan ang nakaupong bullied.



"Hi Patricia and company" muntik na akong matawa sa sinabi ko. Did I just show courtesy to this walking shit? Napatingin ako sa lalaking binubully nila. 


Si Exel. 


He's my seatmate pero hindi kami close. Nakasuot siya ng round rim glasses at masama mang aminin ko 'to pero ayoko rin sa kanya. Hindi naman sa galit ako pero kapag nandyan siya sa paligid ko parang bumababa ang IQ ko. Mababa na nga ang IQ ko pinapababa pa niya. He has a perfect brain of a scientist and a mathematician combined. 


Gwapo sana, geek lang and I find it boring. I hate weak people. They can't even protect their selves.


"Why are you here? Interfering again, are we?" maarteng sabi niya sabay taas pa ng kilay na mukhang tatama na sa ceiling ng cafeteria. Kapag namatay ako hindi na ako magtatakang siya ang unang magiging suspect.



"I don't know how your mother raised you but why are you being a bitch? Bullying someone isn't fun"


I heard her scoff. Tumawa naman lahat ng mga kasamahan niya kasama na siya. Agad kong pinatayo si Exel sa kinauupuan niya pero bigla niyang winakli ang kamay ko. Agad siyang nagwalk-out. Napansin kong nakatutok na lahat ng mga mata sa amin pero paki ko ba.


"Don't make me laugh Aly. You're the bitch here. Pakialamera! Kung makaasta ka naman parang ikaw ang binubully" Akma na sana siyang hahakbang palapit sa'kin nang hinawakan niya sa braso si Patricia.


Bigla akong nawalan ng ganang makipag-away dahil sa presensya at ginawa niya. Sila na ba?


"Ano ngayon tameme ka?" sabat ng isang taeng nagngangalang Vanessa na alipores niya. Inalis ko ang tingin sa kamay niya na nasa may braso ni Patricia at tumingin sa kanila. Wearing my fierce look. Bakit ba kasi siya nandito?


Nasagi ng mga mata ko si Dave at Maggie na lalapit na sana pero pinigilan ko sila.


"I don't want to waste my energy to you Patricia. You're not worth my time" gagawa na sana ako ng isang engrandeng walk-out scene ng may maalala pa 'ko. Bumalik ako sa harapan niya at ngumiti ng patudyo. Sa pagkakataong ito ay nakaupo na sila.


"Forgetting something?"


I smile from ear-to-ear. "Yes" Kinuha ko ang baso sa upuan nila na may lamang sofdrinks na may yelo tapos binuhos sa kanya. I saw horror in her eyes. Buti nga.


"Enjoy your lunch" Then I walked out.


Now that's quit a scene. I bet I just gave someone an excuse to kill me. Great. I'm so stupid.

*~*~*~*~*~*~*~**~


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro