24: The Interluding Case
Aly's PoV
Still the same day
"Hoy Sirius anong o-order-in na'tin?"
Tanong ko kay Sirius na tutok na tutok pa rin sa cellphone ni Casandra. Oo, kanina ko lang rin nalaman na dinekwat niya ang cellphone ni Casandra. Hindi man lang siya natakot na baka sampahan siya ng kasong obstruction of justice.
Kaya rin pala nakapag conclude agad si Sirius na si Brandon ang salarin kasi may history ito sa call logs at may message thread sila ni Brandon. Pero ang nakapagtataka lang wala ng ibang number ang nakaregister sa phone maliban kay Brandon at sa number ng pizza house na kinalulunan namin ngayon.
Malapit lang sa condo ni Casandra ang pizza house na ito.
Sakto naman ang pag-iimbistaga namin dito kasi gutom na rin ako. Pasado alas syete na rin kasi ng gabi.
Ilang minuto pa saka ko na-realize kung bakit kami nandito.
Mukhang dito kasi nagpaorder ng pizza si Casandra base na rin sa label ng box ng pizza na nasa condo niya.
Technically, we're not here to eat, we're here to start sleuthing or may be both.
"Sirius naman eh. Sumagot ka naman oi!" Pinisil ko siya sa gilid kaya para naman siyang bagong gising na naalimpungatan.
"Just pick what you want. Since I got my first payment today, it's my treat" Sabi niya sabay wave pa ng pera niya sa mukha ko. That was unexpected. Hindi ko akalaing may kakayahangang manlibre ang taong 'to. Akala ko nga ako pa ang pagbabayarin niya eh.
"Teka lang. Payment? Nagtatrabaho ka?"
"Nope. I want to see what's inside my client's wallet so I ask for her money as a payment for my help"
"Teka lang ha. May kliyente ka kanina? Sino?" Hindi naman kasi mahilig makipag-usap tong si Sirius sa ibang tao lalo na sa mga babae kaya nakapagtataka naman ang pinagsasabi niya. Tanga ka ba Aly? Client nga diba?
Imbes na sagutin ako ay binaling niya ang tingin sa babaeng nasa counter.
"4 croissants and 2 strudels. Dine in" Eh? Bakit niya biglang inilihis ang topic?
"Any drinks sir?" Tanong ng babae. Medyo kaedad lang namin ito. May katabaan ito at maputi ang balat.
"Fresh citrus juice and..." Tiningnan niya ako saglit. Nakuha ko naman kung bakit.
"Vanilla cream tea please" Dugtong ko.
"Tell the delivery boy that I want to speak with him when he get back. Okay?" Tumango naman yung babae.
Inabot na niya ang pera saka naglakad sa pinakacorner na table na malapit lang sa may glass wall.
"Sirius sino nga yung babaeng tinulungan mo?" Pilit kong tumingin sa mata niya kaso nakayuko pa rin ito at kinakalikot ang cellphone ni Casandra.
"She's the person who is dear to you"
Huh? Dear to me? Si Maggie ba? Pero isinumpa na siya ni Maggie sa kataastaasang, kagalang-galangang katipunan ng mga nilalang sa balat ng lupa na hindi na niya ito papansinin. Maggie hates his guts and brusque disposition. Pero sino?
"This phone is no use!" Frustrated niyang sabi na dahilan para mapukaw ako sa aking pagbubulay-bulay. Malakas na nilapag niya ang cellphone sa mesa.
"There's nothing we can use for a lead. This phone is more like a strong evidence that will pin Brandon into murdering Casandra. This is just full of nonsense stuff. I mean what is this stupid app for?" Duro niya sa isang pamilyar na application.
Waaaah!! Grabe! Hindi alam ni Sirius kung ano ang instagram! Saang kweba ba siya galing? Anong klaseng tao siya? Baka naman time-traveller 'tong si Sirius at galing pa siya sa kapanahunan ni Cleopatra kaya hindi niya alam ito! O, baka galing pa siya sa kabihasnang Mesopotamia.
"Hindi mo alam kung para saan ang instagram?" Bewilderment was still evident on my voice.
"Should I suppose to know?" Confirm! Hindi nga niya alam! Kawawang Sirius! Napag-iwanan na ng panahon. Pero grabe lang.
"Well, Sirius ang instagram para yan sa mga pictures mo, mga selfie na gusto mong i-post. Ganun!" I heard him tsked.
"Pero seryoso hindi mo talaga alam?" Hindi pa rin kasi ako makapaniwala.
"I don't exercise vanity and narcissism nor tolerate them Laurel. I'm not one of those fools who lavish their precious time over some selfie crap. I'm more civilized, rationalized and a logically thinker. Social media's are not my thing."
Oh ayan Aly! Tanong pa kasi ng tanong! Manahimik na lang kasi para hindi dumugo ang ilong.
"Oh my guley! You still work here piggy? You're so nakakaawa naman" Sabay kaming napalingon ni Sirius sa dalawang babaeng nakatayo sa counter. Pareho silang nakasuot ng mga damit sa sobrang iksi na para bang sa isang strip club ang punta nila.
Mukhang magkakilala sila nung tinderang babae. Naalala ko tuloy sa kanila si Patricia at Vanessa.
"Desente ang trabaho ko Beatriz kaya 'wag mo kong kaawaan"
Magkakilala nga sila. Ang sinasabi niyang Beatriz ay mahahalintulad ko talaga kay Patricia. Matangkad ito, may makinis na kutis at maganda.
"Oh really? College na kami. Eh ikaw? You're still a tindera. Poor little Jane"
"Beatriz tama na yan" Saway ng kasama niya. May kaitiman ang balat nito at may kulot na buhok na hanggang beywang.
"You know what Chelsa lets go somewhere else. Nakakasira ng ganda ang ambiance ng lugar" Hindi ko na mapigilang hindi makinig sa kanila. Kasi naman agaw atensyon talaga silang tatlo.
"Beatriz nandito na tayo. Saka sinabi mo na rin kay Kyle na dito kayo magtatagpo"
Umirap lang ang babaeng nagngangalang Beatriz saka umupo sa katabi ng inuupuan namin sumunod naman ang babaeng nagngangalang Chelsa.
Inirapan lang din sila ni Sirius mukhang kanina pa niya nililibak ang dalawang babae sa isip niya.
"You should refresh a bit Beatriz. Tsaka mag retouch ka na rin. Ito gamitin mo muna ang powder at lipstick ko. You're going to meet your crush kaya dapat blooming ka" Agad rin namang sinunod ng babaeng si Beatriz ang payo ng kaibigan niya.
Hindi ko alam kung bakit ko pa pinakikinggan ang usapan nila. Shemay! Ano ba yan. Napakatsismosa ko naman.
"This place is suffocating" Walang ka buhay-buhay na komento ni Sirius while tapping his fingers perceptibly at the table. Kung pwede lang sigurong paghahambalusin ng maaanghang na salita ang dalawa ginawa na niya.
Ilang sandali pa ay inabot na ng babae sa counter na nagngangalang Jane ang order namin. May halong kung ano sa mukha ng babae. Siguro dahil iyon sa nangyaring pagpapahiya sa kanya kanina. Agad rin naman siyang bumalik sa may counter, halatang iniiwasan niya ang dalawang babae kanina.
"Kyle! You're here na pala" Saad ni Chelsa sa dumating na gwapong lalaki. Para siyang artista sa kagwapuhan. Ngumiti ito ng matamis at sinalubong agad ito ni Chelsa at sakto rin namang lumabas na ng powder room si Beatriz.
"Those two ignorant girls both like that guy Kyle" Ano daw? Grabe tong si Sirius ah. Kung makapanghusga 'to!
"How did you know?" I whispered to him.
"You don't have to be a genius to notice that obvious fact" Walang ganang sabi niya sabay kagat nito ng croissant.
"Ako na ang mag o-order" Naglakad na iyong lalaki na Kyle yata ang pangalan sa may counter habang ang dalawa ay nakasunod ang tingin sa kanya. Tama nga si Sirius. They both like that guy. Eh sino ba naman kasing hindi hahanga sa kanya. Ang gwapo niya kaya.
Ilang minuto na rin kaming kumakain.
Tumahimik naman yung tatlo sa katabing table namin. Kumakain na rin sila.
Kailan ba kasi babalik yung delivery boy? Ang tagal naman niyang magdeliver. Balak lang naman talagang magtanong ni Sirius doon sa lalaking nag deliver ng pizza sa apartment ni Casandra.
"Sirius hindi mo pa sinabi sakin kung sino yung babaeng kliyente mo ah. Kila--" Pero kusa akong napahinto sa sinasabi ko.
"Beatriz okay ka lang? Beatriz? BEATRIZ!" Napako ang atensyon namin sa kabilang table. My face was livid with shock when I saw the wriggling body of Beatriz on the floor. Bumubula ang bibig nito na agad namang pinahiran ng kaibigan niyang si Chelsa. Anong nangyari? Parang kanina lang napakamaldita niya pa. Was she poisoned?
Mabilis pa sa alas kwatrong sumaklolo ang mga tao sa loob kasama na rin si Sirius.
"Tumawag kayo ng ambulansya!" Sigaw ng lalaking si Kyle.
"You! Ikaw ang may gawa nito! Nilason mo ang kaibigan ko!" Malakas na sinigawan ni Chelsa yung babaeng si Jane.
"Wa-wala akong k-kasalanan. Maniwala kayo" Mangiyak-ngiyak na niyang sabi.
"Laurel call the ambulance. And all of you back off! No one touches the food. Pulis ako" Napatutop ang labi ko ng ipakita ni Sirius ang isang pekeng ID. Waaah! Saan ba siya galing niyan?
Umatras naman ang useserong mga tao at walang lumapit sa table.
"She's still alive" Sirius said as he examine the victims pulse rate. Grabe pati ba naman dito may disgrasya? Kanina lang nag-iimbistiga pa kami ng isang murder case, hindi pa nga tapos yun. Ngayon, may daragdag na naman. Ano na bang nangyayari sa mundo? Bakit puro krimen?
Ilang sandali pa ay dumating na ang mga ambulansya pati ang mga pulis.
"LOGAN?!!!!!!!!!!"
Tagalang Caps lock at bold letters pa yan. Gulat na gulat kasi talaga si inspector Petrina. Her face was priceless. Kung nakita niyo lang ang expression ng mukha niya aakalain niyong nakakita siya ng baklang alien.
"Hold your horses inspector. Today is just my lucky day" Nakangiting sabi ng kasama ko. I can see that he's enjoying this.
Well, he's Sirius after all he can't live without brain work.
"This is unbelievable!" Nagpigil na lamang ako ng tawa sa itsura ngayon ni inspector Petrina.
"Isa kaya itong food poisoning?" Wala sa sariling nasambit ko habang nakatingin sa umiiyak na tindera na si Jane na tinutuligsa ngayon ng mga pulis. Siya kasi ang nag-serve ng order nila. Pati yung kaibigan ni Beatriz na si Chelsa at yung lalaking si Kyle ay ini-interrogate na rin.
Si Jane kaya ang suspect?
~*~*~*~*~*~*~*~
Nandito ako ngayon sa labas ng pizza house para abangan ang pagdating ng delivery boy kagaya na rin ng iniutos ni Sirius. Habang si Sirius naman ay nasa loob ng store nag-iimbistiga. The december breeze was nippy that makes me shuddered in my uncomfortable school uniform.
Nakasealed na rin ang tindahan at pinalabas muna lahat ng mga customer maliban na lamang sa kasama ni Beatriz kanina pati na rin si Jane na siyang nag-serve ng pagkain.
Ako na lang at ang ibang mga baker ang nasa labas.
Maya-maya pa ay nasilayan ko na ang isang pulang motor na huminto sa tapat ng pizza house. Ito na yata ang delivery boy. Agad akong tumakbo at lumapit sa kanya.
Nakatagpo naman ang kilay niyang nakatingin sa nangyayari sa loob. Papasok na sana siya nang hinarangan ko ang dinaraanan niya.
"Naku kuya bawal pa raw pumasok sa loob"
Kunot-noo niya akong tiningnan. Feeling ko nasa 20's pa si kuyang delivery boy. May stubble ito sa chin, may eyebags na nakapalibot sa mata at matangkad. He look so spindly and tired.
Posible kayang ang delivery boy na ito ang pumatay kay Casandra? Dahil sigurado akong bubuksan talaga ni Casandra ang pintuan. Pero bakit niya naman gagawin yun?
"Sino ka ba?" He surly said.
"Ah customer lang po ako. May nangyari kasi yatang food poisoning sa loob" Pagpapaliwanag ko. Isinalaysay ko sa kanya ang mga nangyari. He was shock to say the least especially when I cooed that his friend Jane is the primary suspect.
"Hindi magagawa ni Jane ang sinasabi mo. Mabait na tao si Jane at kahit pa nga palagi siyang pinapahiya nung dalawa ay hindi siya pumapatol" Seryoso niyang sinabi. Wala akong nagawa kundi ang tumango. Pero hindi ako naniniwalang ang mga mababait na tao ay walang tinatagong kulo.
"Teka lang po kuya pwede bang magtanong?" Sabi ko sabay kuha ng isang maliit na notebook sa bag ko at isang ballpen. Wow ha. Kinacareer ko na talaga ang pagiging imbestigador.
"Ano 'yon?"
"Kayo po ba ang nag deliver ng pizza sa room 417? Isa po itong condo unit."
Nag-isip muna siya at saka tumango.
"Oo. Naalala ko pa nga yung babaeng nagpaorder eh. Bakit mo naitanong?"
I bit my lips. Okay lang kayang sabihin ko sa kanya na patay na yung babaeng pinag-serbisyuhan niya lang kanina? No Aly! Don't be so stupid!
"Wala lang po hehe. Wala bang kahinahinala sa babae?" I could pull this off. Sana hindi siya maghinala sa mga tanong ko.
"Hmmmm...Ang naalala ko may kaaway siya nun. Ang tagal nga niyang binuksan ang pinto eh"
"Nakita niyo po ba kung sino ang kaaway niya?" Umiling ito tapos marahang napaisip. Nakahawak ang kanyang kamay sa baba niya.
"Ni hindi ko nga narinig ang boses ng kaaway niya eh. Pero alam ko yung pangalan kasi palaging sinisigaw nung babae. Parang Brolando, ay mali parang Bra....."
"Brandon ba?"
"Oo yan Brandon nga. Mukhang sinasaktan siya nung Brandon kasi may narinig nga akong kalabog ng mga gamit."
Hindi kaya tama naman talaga ang unang deductions ni Sirius? Paano kung si Brandon nga? Baka hindi lang talaga matanggap ng kasama ko na sobrang dali lang nung kaso kaya ginagawa niya lang kumplikado ang sitwasyon.
"Salamat po sa impormasyon kuya...." Tumingin ako sa may pin na nakasabit sa uniform niya. "Anthony" I shyly smiled at him. Pumunta naman siya agad sa mga kasama niya sa trabaho at naiwan naman akong mag-isa.
Ilang sandali pa'y iniluwa na ng pintuan si Sirius. Naglalakad na siya patungo sa akin.
"So did you interviewed him?" I bobbed my head.
"Good" Good daw ako? Waaah!!! First compliment yun na sinabi sa akin ni Sirius! Oh God! Sayang hindi ko na record.
"Ah Sirius yung nangyari kay Beatriz, alam mo na ba kung sino ang naglagay ng lason sa pagkain niya?" Tanong ko. Hindi ako tiningnan ni Sirius. Mariin lang siyang nakatingin sa mga bituin sa langit. Pch. Ano 'to? Sirius in sentimental mode?
"Not yet. There was no trace of poison in her food but there was a small trace of hemlock in her spoon" Sa kutsara? Sa kutsara ipinahid ang lason? But as far as I can remember that spoon was randomly pick by Beatriz herself. So si Beatriz ang lumason sa sarili niya, ganun?
At hemlock ang ginamit ng kriminal? Well, hemlock is one of the deadliest poison on earth. Buti na lang hindi namatay si Beatriz, swerte siya. Siguro hindi naman ganun karami ang pinahid ng kriminal sa kutsara niya.
"What about her softdrink?"
"She didn't touch her drink. But why?" He asked as he turn his head to peered at me. May be this is not one of his rhetorical question. May be he badly needed an answer.
"Aba malay ko Sirius no! Baka naman sa sobrang OA niya takot siyang matanggal yung lipstick niya." Ganyan kasi ang ibang mga babae. Kasi diba soft drink ang iinumin eh matatanggal ang lipstick niya kapag nagkataon.
"Say that again" Bigla akong nagulat sa ginawa ni Sirius. Nakatayo na siya sa harap ko. Magkalevel na ang mukha namin at nakakapit ang dalawang kamay niya sa magkabilang braso ko.
Anyare sa kanya?
"Laurel say that again"
"Ang alin?" Ano ba kasi ang sinabi ko? Ang gulo talaga nitong si Sirius. "Yun bang napaka-OA niya at takot siyang matanggal yung lipstick ka---"
Hindi na ko natapos pang magsalita. Bigla akong binitawan ni Sirius at parang baliw na nakangisi. He gape at me and smiled.
May nasabi ba akong mali?
Agad siyang bumalik sa loob at para naman akong aso na sumunod sa kanya. May kinalikot muna siya sa bag ng biktima saka nagtungo kay inspector. Ano kaya yung kinuha niya dun?
"Inspector, I already solve it" All heads whipped to Sirius' direction. Tumigil silang lahat sa ginagawa nila. Pati yata langaw tumigil na rin sa paglipad at tumingin kay Sirius. Sirius confidently stood there. Walang halong pangamba na makikita sa kanya. How can he manage to act so cool and reserve? Nakatayo naman ako sa may gilid niya.
"The poison is not on the spoon as what you all claim but it is in here" Tapos pinakita niya ang....lipstick!???!!!!! Nabaling agad ang atensyon ko kay Chelsa na napaawang ang bibig at nakaluwa ang dalawang mata. Naalala ko kanina na pinahiram niya pala ng lipstick at powder si Beatriz para daw blooming siyang tignan.
"You!" Turo niya sa babaeng nagngangalang Chelsa. "This is yours, right?" The girl who automatically turned very pale look at Sirius with horror. Lahat na yata ng dugo sa katawan ng babae ay nawala na.
"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo. Hindi ko alam na may l-lason ang l-lipstick ko!" She cried, anger radiating through her eyes. WHile Sirius remains impervious.
"You're wearing some make-up but how come that you didn't put some lipstick on? Simple. Because your lipstick is lethal." Napatingin ako sa lips ng babae. Hindi nga siya naglagay ng lipstick pero may make up naman.
"When your friend was wriggling on the floor you wipe the fume of her mouth, yes? But your real purpose is to wipe the lipstick on her lips" Inabot naman ni Sirius ang lipstick kay inspector at may binulong ito sa kanya.
Naalala ko rin yung pagpahid ng panyo ni Chelsa sa bibig ng biktima. So ganun pala yun? May be the girl did it because of jealousy. Sabi kasi ni Sirius kanina may gusto daw silang dalawa kay Kyle. Pero grabe naman kailangan pa talagang umabot sa patayan para lang sa iisang lalaki?
"Your plan was really clever. You chose a perfect spot. Too bad your timing was wrong"
Hindi na nag-react o nag deny ang babae. Hindi na rin ito nag explain. Instead the corner of her lips tugged into a smile. Anyare sa babaeng 'yon?
Nakaposas na ito at pilit nang pinalakad ng mga pulis papalabas pero huminto muna ito sa tapat ni Sirius.
"My timing was never wrong, Logan" My jaw suddenly dropped to the ground. Kilala niya si Sirius? Napatingin ako sa kasama ko at pareho rin kami ng ekspresyon-gulat.
"You know my name? This isn't just a coincidence, isn't it?"
The side of the girl's lips form a curve. Makahulugan ang binibigay niyang titig kay Sirius.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ko ginawa yun?"
"Oh please don't bore me. It's obvious that you're pathetically jealous to your friend. You two both like the same guy, yes? So you tried to kill her. Ah love is really a vicious motivation to kill. It drives you to insanity."
Tumawa ng mahina ang babae. Waaah!!! Bakit ba ganito ang mga kriminal? Anong nangyari sa kanya? Baliw ba siya?
"I'm not that shallow. Someone paid me to distract you."
Napaawang na naman ang baba ko. Habang kunot naman ang noo ni Sirius.
"Distract him?" Syempre para hindi naman ako mukhang tanga lang doon na nakatayo nagsalita na ako. Distract para saan?
May namutawing kung ano sa mukha ni Sirius na hindi ko maipaliwanag. Was it a realization?
"Yes Laurel. To distract me from Casandra's murder case. Ah! elegant! Marvelous!" Kunti na lang talaga eh mapagkakamalan ko ng baliw tong si Sirius. Halos tumalon na kasi siya sa galak.
So lahat nang ito hindi coincidence? Now, it makes sense.
"Who paid you?" May diin ang bawat salita ko. Hindi kaya ang pumatay kay Casandra at ang nagbayad sa kanya ay iisa?
"Do you really think na sasabihin ko?" Aba! Ang taray ng kriminal na 'to! Nagtatanong lang naman ako ng maayos ah.
"No. I don't expect you to spill the beans. That would be boring and dissapointing. I'm going to figure it out myself." Puno ng kumpyansang sabi ni Sirius at parang bagong kinurunahang hari ito na lumabas.
"Come along Laurel we've got a ghastly murderer on the loose"
Now this is going to be a long and tiring night.
~*~*~
A/N: The resolution about Casandra's death will be posted on sunday :) So balik ka ha?
Question of the day:
How would you like to die?
Share your answer in the comment section. Pati si Sirius at Aly ay sasagot din hehehe.
Don't forget to vote :)
Your's Truly,
Miss Gie
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro