22: Bathtub Can Be Fatal
"Life is real. Life is earnest. And the grave is not its goal"
-Henry Longfellow
Aly's PoV
Still the same day
1 hour earlier
Naglalakad ako ngayon papunta sa theater hall para hanapin ang tatlo kong kaibigan. Ilang araw na rin kasing hindi ko sila nakakasabay sa pag-uwi. Busy-busyhan kasi ang peg nung tatlo. Wala naman akong ideya kung bakit napaka-busy ng buhay nila. Siguro nag pa-plano sila kung papaano iligtas ang mundo. Ay ewan basta.
Uwian na at makikilibre lang naman ako ng ride. Ayaw ko rin namang makisabay sa Sirius na iyon. Baka mamaya niyan mapagkamalan pa kaming may ano sa isa't-isa. At isa pa magnet ng kamalasan ang taong yun eh.
Agad kong sinuyod ang buong theater hall para hanapin sila. May practice daw kasi sila ng play.
"Padaan"Agad akong napatabi. Nasa may aisle kasi ako at malamang nahaharangan ko ang daanan. Pagtingin ko sa nagsalita ay nakita ko ang pamilyar na mukha ng babae. Natatabunan ang noo niya ng bangs niya.
Si Tina? Nagdadala siya ng box na may lamang maraming kartolina at kung anu-ano pang gamit. Siguro para yun sa props ng play nila. May contest kasi na gaganapin ang lahat ng section ng grade11 at kasama ang section namin doon. Pero teka...nandito pa pala siya? Akala ko simula nung nag attempt siya ng suicide ay nag-dropout na siya.
"Aly!" Isang masayang bati ang sumalubong sa'kin. Ngiting-ngiti akong nilapitan ni Maggie. Nandoon na rin pala ang mga kaklase ko sa stage nag-rerehearse.
"Bakit ka napunta dito Aly?" Malamang Maggie alam ko ang daan at may mga paa ako. Pero joke lang naman yun. Hindi ko talaga yun sinabi.
"Uuwi ka na ba? Sabay na tayo" Paanyaya ko sa kanya.
"Naku mamaya pa ang uwi ko Aly. Marami pa akong dapat asikasuhin. Ako kasi ang naatasan ni Mr. Romano ng contest na 'to" Hayy. Si Maggie nga pala ang president ng drama club. So ibig sabihin ako na naman mag-isa ang uuwi. Kung sumali nalang kaya ako sa play nila no? Pero wag nalang wala kasi talaga akong balak sumabak ngayon sa aktingan. Sa lahat ba naman ng nangyari sa buhay ko. Hindi ko feel ang sumali sa play.
"Si Dave at si Lester pala?"
"Naku ewan ko kay Dave. Siguro nandoon na naman yun sa opisina niya. Si Lester naman busy kakaprepare ng mga sound effects sa play" Wow. Ako lang yata ang hindi busy sa mundong ito. Uso na pala ang pagiging busy no? Bakit hindi ako na-inform? Kainis naman!
"Sige alis na lang ako patuloy niyo lang ang pagiging busy niyo" Syempre emote-emote ko yang sabi para may awa effect. At hindi nga ako nagkakamali dahil hindi pa ako nakakahakbang nang pinigilan ako ni Maggie.
"Aly sandali!" Nakangisi ko siyang nilingon.
"May ibibigay ako sa'yo. Heto" Tiningnan ko yung dalawang pirasong papel at kinuha sa kamay niya. Binibigyan niya ako ng ticket? Para saan naman kaya 'to?
"Anong gagawin ko sa dalawang ticket na 'to?" Timang ka Aly! Malamang gagamitin mo yan para makapasok ka sa theater hall! Tange!
Grabe tong subconscious ko nahahawaan na kay Sirius ah. Buti nalang talaga hindi si Sirius ang kausap ko ngayon dahil kung hindi baka kung ano na naman ang sasabihin niya.
Buti nalang hindi na pinansin ni Maggie ang tanong ko.
"Manood ka ng play ah? At ibigay mo na rin ang isang ticket kay Dave"
"Syempre! Pero teka ano ba kasi yung play niyo?"At tumingin ako sa may stage. Nakakatakot naman yung suot ng mga kaklase ko. Mukhang horror yata yung napili nilang genre ng play.
"Awakening of Deborah yung title ng play" Waaahh!!! Napakahorror nga! Navi-visualise ko nang babangon si Deborah sa isang kabaong. Oh pwede ring part2 ng snow white ang gagawin nila. Awakening daw eh.
Tapos nagsimula ng magkwento si Maggie tungkol sa story ng play nila. Sabi niya si Deborah ay ang nakakaawang babae na palaging inaalipusta ng asawa niyang si Rebentor. Pinagtaksilan din siya ng asawa nito at ipinagpalit sa isang babaeng nagngangalang Recoletti kaya ganun na lamang ang hinanakit ni Deborah. Dahil doon binenta ni Deborah ang kanyang kaluluwa sa demonyo upang maghiganti. Pinatay niya ang kabit na si Recoletti at pati na rin ang asawa niya saka siya nagpakamatay.
Grabe nung marinig ko yun sobrang tumayo ang balahibo ko. Ang tragic. Dinaig pa ang titanic.
"Huwag mo talagang papalampasin yan Aly gayun pang ang mga mortal mong kaaway ang main character" Eh? Tapos sinabi sa akin ni Maggie na si Deborah ay si Vanessa, si Rebentor ay si Josh at si Recoletti ay walang iba kundi si Patricia. So papatayin si Patricia sa play na 'to? Parang excited yata akong makita kung papaano siya magmakaawa ah. Excited akong patayin siya, syempre sa play lang naman. Hindi naman sa totoong buhay.
Pero papatayin rin pala si Josh. Ang sama lang ng Deborah na yan.
"Love, what brought you here?" Ay potek! Speaking of papatayin. Nandito sa harap ko ang asungot na si Rebentor este si Josh na papatayin din pala ni Deborah. Mukhang break pa nila.
"Ganun mo na ba ako ka miss Love? At naisipan mo akong dalawin dito?" The hell! Miss daw? Miss niyang mukha niya! Kung may tao man akong nami-miss ngayon hindi siya yun no! Ay potek! Ano ulet sinabi ko? Erase. Erase. Wala akong nami-miss ngayon ah.
"Kapal din ng mukha mo no?"
"Oo naman kasing kapal ng pagmamahal ko sa'yo" Talaga namang! Akala naman niya umeepek yung mga sinasabi niya. Pero kung kami pa siguro mamamatay na siguro ako sa kilig. Pero wala eh. Mukhang nalaos na yung charm niya.
"Eheem. OP na ko dito eh. Sige maglandian muna kayo" Deklara ni Maggie saka umalis. Hala! Grabe siya! Maglandian talaga ang term?
That was actually the last thing that I wanted her to do. Leaving me with Josh is really a bad idea.
"Una na rin pala ako. Landiin mo na lang ang sarili mo" Tinalikuran ko na siya pero bigla niyang hinablot ang pulsuhan ko at inilapit ako sa katawan niya. The hell with this guy!
"Not so fast Aly. You can't go without my goodbye kiss" At bago pa man ako nakapagreact bigla nalang niyang nilapit ang mukha niya at huli nang malaman kong dumampi na ang labi niya sa pisngi ko. Holy crazy cow! Agad ko siyang tinulak. Ang laswa talaga ng lalaking 'to kahit kelan! Ang dami pang taong nakakita. Nakakahiya! Bwisit!
"What the hell Josh!" Nanggagalaiti kong sabi sa kanya sabay punas ng pisngi ko. Malay niyo nadapuan na pala ako ng germs nitong si Josh. Sabi ko na nga ba pagsasamantalahan niya ang usapan naming dalawa!
"Come on Aly. It's not like we've never than that before" Waaahhh! Ang landi niya talaga. Eww!
"Kadiri ka!"
"Dapat masanay ka na. Next time I will make sure it will be on your lips, just like old times" He said while running his tongue on his lips and then he wink at me. How dare he said those things?
"If you do that I swear I'm going to kill you!" Pagbabanta ko sa kanya. Nag-iba naman ang itsura niya. Nawala ang mapang-asar na ngiti at napalitan ito ng seryosong mukha.
"I must admit you're not the first person who threatened to kill me today love" Natigilan ako. Threatened? May nagbabanta sa buhay niya? Sabagay kung ganyan naman siya kalaswa talagang maraming gustong pumatay sa kanya.
"Hindi na ako magtataka no kung bangkay ka na bukas! Sa landi mo ba namang yan?!" Biro ko pero hindi nagbago ang timpla ng mukha niya.
"Be careful what you wish for love. It might just come true" Seryosong sabi niya. Bakit ganun? Bakit biglang ganun yung atmosphere? Bakit parang may nararamdaman akong kakaiba? At mali ang iniisip niyo ha. Hindi kilig yung nararamdaman ko kundi...pagkabagabag. Bakit sinabi yun ni Josh? Hayy...Hayaan na nga!
"Alis na talaga ko. Sige"
"Okay. Be careful" Inirapan ko lang si Josh.
Nag-wave muna ako kay Maggie bago ako lumabas. Nasa labas na ako ng campus. Sobrang swerte ko naman kasi hindi ko na kailangang maghintay ng matagal ng taxi kasi agad itong huminto sa tapat ko. Weird. Weird kasi marami namang estudyanteng kanina pa naghihitay pero sa akin talaga huminto. Siguro nahalina lang ang driver sa ganda ko no?
Agad akong pumasok at napansin ang driver.
Ang weird ni kuya. Bakit siya naka cap? Hindi ko na lang siya pinansin at sinabi na yung address ng apartment ko. Pinaharurot na niya ang sasakyan subalit bigla akong nagtakha ng lumihis ito ng daan. Waaaah!!!! Bakit iba na yung dinaraanan namin? Kikidnapin ba 'ko ni kuyang driver? Uso pa naman ngayon ang human trafficking!
Tumingin ako sa mirror ng sasakyan upang tingnan kung sino ang nagda-drive at---
"BRANDON?!" Bakit si Brandon Salazar yung driver ng taxi na 'to? Huminto na ba talaga siya ng pag-aaral at napagpasyahang maghanap-buhay na lang? Akala ko nagtatago siya dahil natakot siya sa banta ni Casandra yun pala nagtatrabaho lang siya. Kawawa naman siya, siguro nung napagkamalan siyang suspect sa pag-sunog ng library ay itinakwil na siya ng pamilya niya. Dumulog na lang sana siya sa DSWD baka sakaling matulungan siya.
"Huwag kang matakot Alyssa kailangan ko lang makipag-usap sa'yo" Tugon niya sabay tingin sa rear view mirror ng sasakyan upang doon ako tingnan.
Ano bang dahilan ko para matakot sa kanya? Loko rin 'tong si Brandon eh. Nag-fefeeling multo lang.
"Ano bang pag-uusapan natin? At teka bakit ka naging driver? Naghihirap na ba ang pamilya niyo? Gusto mo hanapan kita ng trabaho? Marami akong kilalang pwedeng tumulong sa---"
"Tama nga talaga ang usap-usapan. Maganda ka lang pero wala kang utak. Disguise ko lang 'to" Hala! Grabe siya! Kung makapanghusga 'to! Close na ba kami? Natuwa na sana ako dun sa maganda eh kaso dinugtungan pa ng walang utak? Bobo rin tong si Brandon eh. Kung wala akong utak edi patay na ako nun. Pch.
"Disguise mo? Bakit? Sino ba ang pinagtataguan mo?"
"Marami" Seryosong wika niya. Napansin ko namang huminto na ang taxi. Wala masyadong tao sa pinaghintuan namin ng sasakyan. Ano bang pinaplano ng lalaking'to? Lumingon agad siya sa'kin.
"Makinig kang maigi sa sasabihin ko" Pahiwatig niya. Nilapit ko naman ng kunti ang mukha ko dahil dun naklaro ko yung sugat sa may noo niya. Mukhang isang claw mark.
"Alam ko kung nasaan si Casandra" Waaaahh! Si Casandra? Alam niya kung nasaan si Casandra?
Pauli-ulit lang Aly?
"Na'san siya?" Tapos sinabi na sa'kin ni Brandon ang address. Nagtatago pala si Casandra sa isang condo unit na malapit lang dito. Ang sosyal naman niyang kriminal. Condo talaga?
Pero paano niya nalaman? Samantalang yung mga pulis ilang araw ng naghahanap kay Casandra hindi man lang siya nahagilap?
"Sabi niya susuko na raw siya sa mga pulis pero bago yun gusto ka niyang makausap" Huwaaaat!!!? Napakademanding naman yata niyang kriminal.
"Bakit daw?"
"Hindi ko alam"
Tama ba tong desisyon ko na makipag-usap sa isang killer? Paano kung papatayin niya rin ako?
Okay lang yan Aly. Para 'to sa hustisya ng mga biktima.
Huminga muna ako ng malalim.
"Okay. Kakausapin ko siya" Bababa na sana ako ng may bigla akong maalala.
"Teka Brandon paano mo nalaman kung na'san si Casandra?" Nag-aalangan pa siyang sumagot pero sa huli ay nagsalita naman siya.
"Sinabi niya sa'kin kung na'san siya" Huh? Pero bakit? Ang gulo.
Hindi na lang ako nagsalita pa at lumabas na sa taxi niya.
*~*~*~~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang naghihintay akong makarating sa floor ng condo ni Casandra. Hundreds of things can go wrong tonight. Marami akong naiisip na pwedeng mangyari.
Nasa tapat na ako ng condo niya ng may mapansin ako.
"Bakit bukas?" Naitanong ko sa sarili ko. Bukas kasi ito ng kalahating dangkal. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Madilim ito.
"Casandra? Nandyan ka ba?"
Kahit sobrang kabado ko na ay pumasok na ko sa loob. Bakit ba kasi sobrang dilim dito? Naputulan ba siya ng kuryente o ano?
"Casandra wala akong panahon para magtaguan" Banta ko habang kinakapa yung switch ng ilaw. Ang tanga ko hindi ko dapat kinakausap ng ganito ang killer.
"Bwisit na'san na ba kasi yung swi---" Napatigil ako nang may maapakan ako. Bubog? Bakit may bubog?
Hindi rin nagtagal, nahanap ko na ang switch ng ilaw at---
"Oh my God!" Napasinghap ako sa gulat. May basag na vase sa paanan ko at mukhang nagulo na yung condo. Naglakbay pa lalo ang mga paa ko sa kabuoan ng bahay.
Bakit may mga claw marks ang dingding? Parang na-iimagine kong may pilit na kinaladkad at yung kinaladkad ay pilit na humawak sa dingding kaya nagkaroon ng ganoong marka.
Bigla akong natuyuan ng lalamunan. Hindi maganda 'tong pakiramdam ko.
"C-Casandra?" Sambit ko sa pangalan niya habang nakadungaw sa bukas na kwarto pero wala siya doon.
Baka wala siya dito? Pero imposible yun, nagpaorder pa nga siya ng pizza. Nakakita kasi ako ng pizza sa may lamesa kanina.
Nawawalan na ako ng pag-asang mahahanap pa siya ng biglang may maalala pa akong lugar na hindi ko napuntahan. Yung banyo.
Lalo akong kinabahan. Unti-unti ko nang hinahawi ang shower curtain at---
N0....no.....no...!
Nanginig ako sa takot at napatakip ng bibig. Nakalutang ang kanyang hindi gumagalaw na katawan.Bakit siya...pinatay?
Ang walang buhay na katawan niya ay nakasilid sa bathtub. Nakataob ang posisyon niya. She was drowned to death! Pero sino ang may gawa nito?
*~*~*~*~*~
A/N: Obvious na ba ang sagot? Sure ka? We'll see. BTW, Josh deserves some bashing in this chapter. Ipabugbog na'tin siya kay Sirius. Who's with me? Huwag kang bumitaw kasi manonood pa tayo ng play kasama si Aly. Papanoorin pa natin ang paghihiganti ni Deborah diba?
Thank you soo much sa nagbabasa. Lalong-lalo na sa nagvo-vote at nagco-comment. You guys are the reason why I'm still writing *insert teary eyes*
Your Emotional Scribbler
-Miss G
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro