20: The Reunion
This is just a filler chapter so hindi masyadong mahaba. It is just so crucial to include this chap. Para malaman niyo ang family back ground ni Aly, malay niyo may makuha kayo.
Dedicated to corinthdevilla :) Thank you so much dahil nagbabasa ka pa rin nito :)
Aly's PoV
Still the same day
"This is for you my dear sister. To complete your 18 roses" Bigay sa'kin ni Elrik ng hinahawakan niyang bulaklak. I angrily snatch it at ipinukpok sa ulo niya. Walang hiya siya! Sira-ulo!
"Ikaw ang nagpapadala sa'kin ng mga bulaklak?" It doesn't sound like a question but more like an accusation. Sa mga hula ko isa lang ang nagtugma, isang adik ang stalker ko. But it doesn't make any sense. Ano ba kasing klaseng pesticide ang nilaklak niya at ginagawa niya 'to? Siguro nasobrahan na siya sa kakahithit ng cannabis. Wala naman siguro siyang hidden desire sa akin diba?
"The one and only" Sabi niya sabay kindat pa. Gusto ko siyang sugurin at sakalain pero buti na lang marunong akong mag hunos-dili. Isa pa ayaw ko pang makulong.
"Na sorpresa ba kita, sister?" Agad namang nagpantig ang tenga ko sa isang salita na iyon.
"Don't ever call me sister. Hindi tayo magkapatid!" I squeal as a matter-of-factly. Hindi naman talaga kami magkapatid. Hindi kami magkadugo. Anak ako ng nanay at tatay ko at anak siya ng nanay at tatay niya. Isa pa hindi ko matatanggap na isang adik, basagulero, babaero ang magiging step brother ko. Isa pa nakakatakot talaga siya. Marami pa siyang tattoo sa katawan niya. Para siyang reincarnation ni Satan.
Walang nakakaalam sa koneksyon naming dalawa. And I want to keep it that way. Kapag nagkataon pati ako kamumuhian na rin ng mga estudyante dahil isang dakilang badboy ang magiging step brother ko.
Pero alam kong malalaman din ng lahat once na magpapakasal na si mama kay Mr. Damaso.
"You are my sibling. Sister" Arhgh!! Napasabunot ako sa buhok ko sa humi. Hindi ko na namalayang nagsindi na pala siya ng sigarilyo. Agad akong napaatras.
"Ilayo mo nga yan" I said tersely swatting his hand away. Binaliwala niya lang ang sinabi ko at nagpatuloy sa pag yo-yosi na para bang wala siya sa isang pampublikong lugar.
"Ano ba kasing klaseng katol ang hinithit mo Elrik at naisip mo ang bagay na 'to ha? Adik ka ba? Mali, adik ka na pala." I paused as he look at me with stern expression.
"What I mean is that. Bakit mo 'to ginagawa? Lalago ba ang ekonomiya ng bansa sa ginagawa mo?" Hirit ko pa. Bumuga muna siya ng usok saka niya ako sinagot.
"I'm just making fun of you my dear sister. That's all" Saad niya. Making fun my foot! All this time pinaglalaruan niya lang pala ako. Nakakafrustrate ang buhay ko! Why is this happening to me? Hindi ko deserve 'to! I'm really going to kill him, or may be someone will.
Grrr! Can my life gets anymore pathetic?
"Teka...Paano mo 'ko nakita sa stock room Elrik?" I can see that his expression change. Iniiwasan niya ring tumingin ng derekta sa mga mata ko. What's wrong with him?
"Coincidence" He replied as he puff his cigarette.
"Sure ka?" I said skeptically.
"Bakit naman ako magsisinungaling sa'yo?" Defensive niyang sabi. Pero parang may mali. Paanong coincidence lang ang lahat?
"Hindi ako naniniwala"
"Wala akong pakialam kung hindi ka naniniwala sa sinasabi, sister"
"I told you stop calling me SISTER! Mahirap bang intindihin yun?" I bellowed at him. Ngumisi lang siya saka binugahan ako ng usok mula sa bumanganga niya. Ay ang bastos! At shemay...! Kapag mananatili ako dito baka magka lung cancer ako.
"Sister kita nanana sister, sister, sister nananana, sister, sister, nana" He chanted. Nababaliw na nga siya. Kailangan ko ng lumayo sa kanya bago pa siya maghasik ng lagim. Siguro kabilugan ng buwan ngayon kaya siya ganyan.
"Isusumbong kita kay Duterte!" Banat ko na lang sa kanya tapos nagmartsa na 'ko papalayo. Humanda yang adik na Elrik na 'yan. Ibabalik ko talaga siya sa rehab. Kung hindi lang naman major stock holder ang papa niya sa Lucullian high ay matagal na siyang na expel kaso nga may kapit kaya kahit anong gawing kabulastugan ay hindi na ki-kick out.
"Kapatid! Saan ka pupunta?" Magiliw na sigaw niya sabay hagikgik. Adik talaga.
"Sa lugar na wala ka!"
"Hoy pinapasundo ka ni Natasha sa'kin! Nandito ang kotse wala dyan!" Sabay turo niya sa kabilang dereksyon na nilalakaran ko.
"Wag na! Mag ta-taxi na lang ako! Baka madamay pa ko kapag tinugis ka na ng mga berdugo!"
At iyon pa ang maging dahilan ng kamatayan ko. Gusto kong idagdag pero hindi ko na sinabi sa adik na 'yon. Sa halip nagpatuloy lang ako sa paglalakad at pumara ng taxi.
*~*~*~
"Miss Alyssa welcome home po. Kanina pa po naghihitay ang mommy niyo sa inyo" Salubong agad sa'kin ng isang katulong sabay bow pa yan. Feeling ko tuloy nasa Buckingham palace ako. But no, I'm currently entering Satan's fortress. Isa pa, this is not home. This is hell.
"Na'san sila?" Tanong ko kay ateng katulong number one.
"Nandoon na po sa dining hall Miss" Nginitian ko yung katulong saka nagpatuloy na sa paglalakad sa magarang marble tiles nila. Kasing laki ng isang kastilyo ang bahay ng mga Damaso. Kung hindi mo kabisado ang lugar sigurado akong mawawala ka. Ito lang yata ang bahay na alam ko na may greenhouse sa loob. Ang dami pang mga antique na mga gamit.
Nagniningning ang kisame. Napuno rin ng maraming Christmas decors ang mansion.
Living here would make you feel like a princess pero mas pipiliin ko pang sa kalsada matulog kaysa dito. Just breathing inside this house in unbearable.
"Anak! Ikaw ba talaga 'yan? Goodness! Dumating ka!" Rinig ko ang pamilyar na boses ni mama na papababa na sa mahaba at engrandeng hagdanan. Sinalubong niya agad ako saka niyakap. Grabe naman parang ilang siglo naman kaming hindi nagkita. Eh, palagi nga niya akong nakikita sa school kasi doon siya nagtatrabaho.
Kagaya pa rin siya ng dati. Maganda pa rin. Hindi mo aakalaing nasa kwarenta na siya. She has a slender body and her petite face shows no signs of aging.
Para nga siyang bumabata.
"Hindi ma espirito ko lang 'to" I murmured to myself, rolling my eyes. Buti na lang hindi niya nakita ang hostility ko dahil niyayakap niya pa ako.
"Anong espirito ang sisasabi mo anak? At teka...bakit ka pumayat? Kumakain ka ba ng mabuti? Kulang pa ba ang allowance mo? Dadagdagan ko" Nag-aalalang sabi niya habang pinapasadahan ako ng tingin. Wala naman akong pakialam kung pumayat ako. Tell me, who the hell would care about their figure if they're going to die anyway?
At sino ba namang taong makakakain ng maayos kung malalaman niyang mamamatay na siya diba? Utak naman ma.
"Mom I'm fine" Walang ganang sabi ko. I don't hate my mom. I hate the idea of her marrying that ugly and old Mr. Damaso.
"Ma'am Natasha excuse me po. Pero hinahanap na po kayo ni Sir handa na po ang lahat" Saad ng ni katulong number two. Agad na rin kaming pumunta sa dining hall.
Napakalaki ng dining hall. Mas malaki pa nga ito sa apartment ko.
Nakalatag na ang maraming pagkain sa isang mahabang table. Hindi ko talaga maintindihan ang mga mayayaman. Bakit ba ang haba-haba ng mga hapag-kainin nila? Seryosong tanong.
Umupo na ako sa upuan katabi si Elrik. Sinipatan ko lang siya at hindi na pinansin.
"Alyssa my dear. How have you been?" Bigla akong napangiwi sa sumalubong sa'king bati. This fat, dwarf and disgusting Mr. Damaso! Just the sight of him makes me felt queasy. Para siyang isang malaking libag na tinubuan ng pisngi. He look like shit.
"Okay naman. Still breathing" I said curtly. Bigla naman akong pinandilatan ng mata ni mama. Pch. Come on I'm talking to Mr. Damaso who cares about manners?
"So anak, anong gusto mong theme sa debut mo?" Tanong sa'kin ni mama. Siguro ay nararamdaman niya ang tensyon kaya nilihis niya agad ang paksa bago pa may dumanak na dugo dito sa dining room.
"Mom. I've been meaning to tell you this. Ayaw ko na pong mag pa-party"
"What?/Ano?" Sabay nilang sabi.
Wala na akong time magpaparty gayung nanganganib ang buhay ko. Paano kung sa party ako kidnappin? Marami akong nababasang story na mga ganun.
"Gastos lang po yun" At isa pa po baka bangkay na ako sa oras na yun. Just use the money intended for my debut party to my funeral.
"Anak sure ka ba? Alam mo namang dalawang taon ka ng hindi nakakapag celebrate ng birth-day mo baka naman naguguluhan ka lang. Baka naman may sinat ka kaya ganyan ka---" Halos bente minutos ding naglitanya si mama. Nakakarindi ngang pakinggan. Ang daldal niya masyado. Pero mukhang nakumbinsi ko naman siya sa huli 'yun nga lang mag-di-dinner na lang daw kami. Pch. Kung buhay pa ko.
The dining hall fell into silence. Tanging kaluskos na lamang ng kubyertos at plato ang naririnig. So I decided to break the silence.
"Mr—Umm, Dad" Tumingin naman sa'kin si Mr. Damaso. Parang feel na feel niya talaga ang pagtawag ko sa kanya ng dad. Pch.
"Alam niyo po bang may patayan na nagaganap sa Lucullian high?" Kumalabog sa plato ang tinidor at kutsilyo niya. Nakita kong nag-iba ang timpla ng itsura ni Mr. Damaso. Tila nawalan siya ng dugo sa may parting mukha. He suddenly look so pale and angry.
Pinanusan muna niya ang kanyang baba saka nagsalita.
"Yes"
"Anong sinasabi mong patayan anak?" Takhang-takhang tanong ni mama. Tumingin muna ako sa kanya saka ulit binalik ang tingin kay Mr. Damaso.
"Bakit po parang walang ginagawa ang eskwelahan para maresolba ang problema?" Halos si Mr. Damaso na ang may-ari ng Lucullian high, dapat naghahanap na siya ng sulusyon sa laganap na patayan. Ang pinagtataka ko lang ni isang balita tungkol sa nangyari ay hindi lumabas sa medya. At alam kong may kinalaman dito si Mr. Damaso, alam kong binayaran niya ang media para hindi masira ang imahe ng paaralan.
"The police are trying to get to the bottom of this barbaric act. Sila na ang bahala sa lahat"
"The police, right" I said sarcastically. May mga pagkakataong hindi lahat ay kailangang iasa sa mga pulis. In the Philippines you can always bribe justice. With a chunk of money truth can be easily buried.
"Aly! Manners!" Singhal naman ni mama. Bumuntong hininga na lang ako. Hindi ko na pinansin ang mga kantyaw na binubulong ni Elrik. Then, something strike me.
"Mom? Paanong hindi niyo alam ang lahat ng mga krimen sa school? Diba guidance counselor kayo?" Naguguluhang turan ko. Hindi na tuloy naipagpatuloy ni mama na isubo ang pagkain niya.
"I didn't tell her. And she's on leave kaya hindi niya alam" Lumingon ako kay Mr. Damaso na sumagot.
Something's really not right. I can feel it. Pero kinimkim ko na lang ang mga kuru-kuro sa isip ko. Hindi na ulit ako kumibo.
*~*~
Iyon na yata ang pinakahabang dinner na nangyari sa buhay ko. Nanatili muna ako ng ilang oras saka napagpasyahang umuwi na.
I bid my mother goodbye. Pasakay na ako ng kotse nila ng bigla akong nilapitan ni Elrik.
"Ano na naman? Magmamakaawa ka sa'kin noh para hindi kita isumbong kay Duterte?" Patudyo kong sinabi. Tila hindi niya narinig ang sinabi ko o, baka hindi niya lang talaga iyon pinansin.
"Sister, stay out of this. 'Wag ka ng makialam" Sa unang magkakataon napakaseryoso ng boses ni Elrik. Sa sobrang seryoso tila pati lamok ay tumigil sa paglipad upang makinig sa kanya. Hindi ko na rin nagawang magalit dahil tinawag na niya naman akong 'sister'. Sa halip ay na intriga ako sa sinabi niya.
"Anong pinagsasabi mo Elrik? May alam ka ba?" May alam ba siya sa nangyayari sa Lucullian high? He leaned into my ears. Kinakabahan na 'ko sa sasabihin niya.
"Joke lang Bwahahaha"
What the hell?
*~*~*~
A/N:Shout out nga pala kina I'm Eyaa, Maurhyne Casaysayan, CrazyGirlYouLove, Crazy_Chen, Simple_T, Crizel Hanne, Gin-Rin, Manang_bertud, PinkUnicaHija, fallenwings at sa lahat ng mga taong nagbabasa pa na nito pati na rin pala sa sa kaklase kong napadpad dito na si SHandie girl:) At sa ahat ng hindi ko na mention na nagbabasa pa rin nito :) You guys are the coolest person in the whole wide world :)
Your Murderer Scribbler,
-Ms. G
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro