18: Sirius And His Frustrating Attitude
Aly's PoV
Still the same day
"Hey Sirius" Bati ko kay Sirius saka umupo sa kabilang upuan na opposite sa kinauupuan niya. Pumunta akong infirmary kanina pero hindi nakilala ng nurse kung sino ang nagdala sa'kin doon kaya si Sirius na lamang ang huling pag-asa ko. Matapos kasi naming mag lunch sa cafeteria kasama si Josh syempre ay agad kong hinanap si Sirius. Mabuti na lang panatag na ang loob ko sa maaring pagbulgar ni Josh sa sekreto ko.
Ilang minuto rin akong naghanap sa kanya. And he turned out he was sitting at the study table that nestled at the nuke of a tree near the school canteen. Wala masyadong nagpupupunta dito pag lunch kasi sa cafeteria naman kumakain ang halos lahat ng mga estudyante.
"What now Laurel?" Hindi man lang siya tumungin sa'kin habang sinasabi niya 'yan. Nakapako lang ang tingin niya sa mga papel na nakalatag sa harap niya. Mukhang seryosong seryoso siya sa ginagawa niya. Kulang na lang maglagay siya ng 'do not disturb' sign sa noo niya. Bakit ba palaging busy ang buhay niya?
"Kamusta ka na?" I swear that came out wrong. Para akong tanga. Bakit ko ba siya kinakamusta? Para naman kaming isang dekadang hindi nagkita. Sheemz. Ang tanga mo Aly. Bakit mo kinakamusta ang seatmate slash kabitbahay mo? Loka-loka na siguro ako. Siguro dala lang 'to sa dami ng nangyayari sa panahon ngayon.
"Pch. Seriously? Where's Laurel and what did you do to her carcass?" Napatawa ako sa sinabi ni Sirius. Did he just joke? Oh my God! Nag joke nga siya! At hindi pa end of the world ha? Anong mabuting espirito ang sumapi sa kanya?
"Okay. Iibahin ko ang tanong. Kumusta araw mo?" Aish! Mali pa rin Aly eh. Sirius looked at me intently.
"You mean rather than torturing myself to listen about those pointless and irrational argument of our classmates to their so called debate? I would say it's incredibly tormenting"
"Are you going to go sarcastic on me every time?" I said as I rolled ay eyes. Wala na bang katapusan itong pagiging pilosopo ni Sirius? Malapit na talaga akong maniwala sa forever ha. Kunti na lang.
"May be. Anyway, what are you doing here?"
"Wala naman. Napadaan lang. hehehe" Tama yan Aly. Maging mabait ka sa kanya dahil may pabor ka na hihingin. Agad namang naplantsa ang kunot sa noo niya. Buti naman naniwala siya.
"Ano yang ginagawa mo?" Tanong ko. I should start to fake some small talk before I get straight to my purpose. 'Yan ang tinuro ko sa sarili ko kanina.
"Nothing that concerns you" Ang hanep ng sagot. Pwede bang maging mabait naman siya sa'kin kahit ilang segundo lang? Ako nga eh pinipilit kong maging mabait sa kanya kahit sobrang makakasakit ito sa dibdib ko. Bagsak seguro siya sa GMRC noong elementary pa siya no?
"Sirius about doon sa debate anong stand mo?" Hindi kasi nag-participate si Sirius kanina at imposible namang wala siyang opinion tungkol sa kasong 'yun. Sirius will forever be Sirius.
"Do you really need to ask that?" Tumango ako. Mukha naman siyang nagkaroon ng interest sa topic. He leaned sabay krus ng mga daliri at nilagay ito sa ilalim ng baba niya.
"Well, it's clearly fair and square for Dante to be convicted. In any perspective you look the blame will always fall to him. I mean Harper is unarmed and he shows no threat to Levi when Dante killed him. You cannot consider it a self-defense either, obviously. I think there's no need for me to explain it further. It was a dick move to top it all off" Walang putol na litanya niya. Dahil sa bilis 'Off' lang yung naintindihan ko. Bakit para siyang nag ra-rap?
"Kailagan talaga englishen mo Sirius? Marunong ka pa bang magsalita ng Filipino? Nosebleed na ko dito ha" Patudyong sabi ko sabay lapat ng daliri ko sa aking ilong. Hindi nag bago ang expression niya. Kung ibang tao ngayon ang kausap ko siguro tumatawa na.
"Pch. Enough with this stupid conversation. Let's go straight to the point, what do you want Laurel?" natigilan ako bigla. Nawala ang ngiti ko at napalitan ito ng kunot sa noo.
"Excuse me?"
"Alam kong may kailangan ka kaya ka nandito. Otherwise you wouldn't be here. So what is it? Do you need my help, again?"
I bit my lips. I should get used to his mind-reading power. Tandaan mo Aly, siya si Sirius. Ang dakilang manghuhula kaya 'wag ka nang magtaka pa. Pero saan niya kaya tinatago ang mahiwagang bolang crystal niya?
"Ano kasi...kailangan ko ng tulong mo" Sabi ko sabay kamot ng ulo.
"I figure that one out earlier. Just tell me what kind of help do you want"
"W-with my... s-stalker" I said lowly. Nakailang kagat na rin ako sa labi ko.
"What do you think I am? A relationship consultant?!" Galit na sabi niya. Parang razor iyong mata niyang nakatingin sa'kin. Grabe naman siya. React agad? Hindi pa nga ako tapos mag-explain.
"Hindi ako nandito para sa advice mo Sirius no!" Feeling naman nito na siya si manang bertud para hingan ko ng advice.
"Then what?" Tapos sinabi ko sa kanya lahat ng tungkol doon sa stalker ko. Mula sa mga itim na bulaklak na pinapadala niya hanggang doon sa black card.
Nilapag niya iyong hinahawakan niyang papel saka pinag-cross ang dalawang kamay.
"So you want me to lure your stalker out?" Tumango ako. Kahit nakakahiya itong ginagawa ko ay kailangan kong kapalan ang mukha ko. Buhay ko ang nakasalalay dito. Bigla kaming binalot ng katahimikan.
"So...Tutulungan mo ba 'ko?" Usal ko. Nakatingin ako ng mariin sa mga mata niya. Binalik naman ni Sirius ang atensyon niya sa mga papel. May sinusulat na siya ngayon sa yellow na post it note niya. Ano ba yan nakikinig ba talaga siya sa'kin o, ano?
Say yes, say yes. Say yes. Please. Kapag hindi ka pumayag Sirius mawawalan ka ng Audience, sige ka.
"Tell me one good convincing reason why I should help you" Anak ng! Rinding-rindi na ako dito sa kanya ha. Kunti na lang talaga mauubos na ang tinitipigan kong pasensya.
Focus Aly. Don't let this annoying son of a crap get into your nerves.
"Dahil...um...dahil...ahhh...dahil ano" Shit! Bakit ako na bubulol? Hindi ko naman pwedeng sabihing mamatay ako kung hindi niya ako tutulungan. What would I say? 'Hey Sirius, if you don't help me I'll probably die. Believe me I saw it in my dreams, so yeah. Do you wanna save my ass or what?' Magmumukha lang akong baliw kung ganun.
What the hell is wrong with you Aly? Just make-up a pretty good convincing lie, for Pete's sake!
"Ahhh...Dahil friends tayo? Diba nagtutulungan ang mga magkakaibigan?" I swear I heard him scoff. What the hell is his problem? At yung mga tingin na binabato niya ay parang isang kutsilyong unti-unting hinihiwa ang kaluluwa ko. Wala namang mali sa sinabi ko diba?
"Just to be clear. I am no friend to anyone Miss Laurel. Especially not to you. I hope you will avoid this misconception in the future" Bigla na lang siyang tumayo at niligpit ang mga gamit niya habang ako nakatulala sa sinabi niya. Ang kapal din naman ng mukha niya no! Ilang inches ba ang thickness ng mukha niya? Ang daming tao nga diyang nangangarap na maging kaibigan ako tapos siya! Aish! Ang sarap niyang sabunutan! Maganda naman ako at sikat pa.
Relax Aly. Alalahanin mo kailangan mo ng tulong niya.
"Sorry naman hindi pala tayo friends. Akala ko kasi--Hoy, hoy teka lang saan ka pupunta? Hoy! Psst! Sirius! Aish!"
Dali-dali akong tumayo at sinundan siya. Bakit bigla-bigla na lang siyang nang-iiwan? Buti na lang mabilis akong maglakad kaya naabutan ko siya agad. Hinapit ko siya sa balikat at pinaharap sa'kin.
"Sirius naman eh"
"Your reason is dull and undeniably inconvincible Miss Laurel. Thus I'm afraid I can't help you. I hope this ends our conversation."
"WHAT?!" Huhuhu! Wala bang kahit isang pirasong awa sa puso niya? Saan ba gawa ang puso niya? Sa ice? Siguro sa Antarctica siya pinanganak. Kawawa naman ang nanay niya, nagsilang ng isang taong yelo.
Hindi na niya ako pinansin pa at naglakad na papalayo.
*~*~
"Aish! Kairita. Napakasuplado kala mo naman sinong gwapo. Ano bang akala niya sa sarili niya ha? Arggh! Kainis!"
"Love, sinong kausap mo?" Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Josh. Aish! Bakit ba siya nandito?
Kayo na ulit diba, Aly? Remember?
"Sarili ko" Mataray na sabi ko. Kung mamamatay talaga ako si Sirius talaga ang unang mumultuhin ko. Tapos isusunod ko 'tong asungot na si Josh. Napadahilig na lamang ako sa locker ko. Uwian na kasi at kailangan ko na lamang ibalik ang libro sa locker ko. Kaso nagdadalawang isip pa ko kung bubuksan ko ba o, hindi. Baka may tumambad na naman na itim na rosas.
"Love hindi pa ba tayo uuwi?" Malambing na sabi ni Josh. Mas lalaong nag-init ang dugo ko sa sinabi niya. Parang umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko.
"Stop calling me with that disgusting endearment! Nasusuka ako. At pwede ba Josh tapos na ang drama kaya makakaalis ka na!" Agad kong sinilid ang susi ko upang bukasan ang locker. Kagaya ng inaasahan ko may rosas na namang nakapaloob. Pang pitong rosas na ito. Isasarado ko na sana ng may mahagip ang mata ko na kulay yellow na note. I swear nakita ko na 'to dati.
Think Aly, Think!
Tama! Ito 'yung post it note ng taong yelo na si Sirius. Pero bakit siya mag-iiwan ng note sa loob ng locker ko? At teka? Paano niya nabuksan ang locker ko?
Binasa ko agad iyong note.
Dear E,
If you're reading this then it must be you. With my deepest gratitude I thank you sincerely for the wonderful roses. If I could just thank you personally, I would. I desperately want to see the brave young man behind this remarkable persuasion of my heart. Meet me tonight at the park. Seven sharp. I'll be waiting
Yours truly,
Aly
WHAT THE HECK! Wala naman akong naaalalang nagsulat ako nito ah? Ano ba ang ibig sabihin nito? Para sa stalker ko ba ang letter na 'to?
Lumingon muna ako sa paligid baka makita ko si Sirius. At hindi nga ako nagkamali nakita ko siya sa di kalayuan na nakasandal sa pader. Nakatingin siya sa'kin tapos bigla na lang naglakad papalayo.
"Love ano yan?" Hirit ni Josh. Kaagad kong ipininid ang pinto ng locker ko, hindi ko pa rin inaalis ang mga tingin sa dereksyon ni Sirius.
"Wala! Mind your own business" Hindi ko na narinig pa ang sinabi niya dahil agad na akong tumakbo.
"Psst! Sirius! Hintay!" Hindi man lang siya lumingon o huminto sa paglalakad. Tsk. Pa hard to reach pa ang 'yelo na 'to.
"Teka lang sabi eh" I forcefully make him turn to me. He gave me his usual scrutinizing gaze. Napaatras ako ng ilang yapak. Shit! Bakit ba gusto niya akong patayin sa mga tingin niya? Lumunok muna ako ng laway saka naglakas loob na magsalita.
"I-ikaw ba ang may gawa nun?" Tanong ko.
"Yeah" Tipid na sabi niya saka isinilid ang dalawang kamay sa bulsa niya at tumalikod sa'kin. Aish! Hindi talaga makausap ng matino ang taong 'to. Kainis!
"Bakit?" Ngayon, sumasabay na 'ko sa paglalakad niya.
"You said you want to know your stalker. That's the simplest way to lure him out" Tuloy-tuloy na sabi niya, ni hindi man lang ako tinitingnan. Pero kanina lang ayaw niya akong tulungan. Paiba-iba rin itong utak ni Sirius eh.
"Akala ko ba hindi convincing ang rason ko. Bakit ngayon tinutulungan mo na 'ko?" Dagli siyang napasilay sa dereksyon ko saka itinuon ulit ang tingin sa harapan niya. Hindi na niya naman ako sinagot. Bingi ba siya o pipi? Hindi ko alam kung anong mas nakakainis eh. Iyong madaldal na Sirius o 'yung tahimik.
"Sirius...Yohooo! Naririnig mo ba 'ko?" Sabi ko sabay harang sa dinaraanan niya dahilan para mapahinto siya.
"You're in my way. Move!"
"Sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit nga? Concern ka sa'kin no?" Biro ko sa kanya. Of course alam ko namang hindi siya concern sa'kin. Hindi nga raw kami friends diba. Ginagalit ko lang naman siya.
"I'm concern with the locker Miss Laurel not you. If your stalker will continue to open your locker in that unconventional manner, damage in your locker's bolt might be inevitable. I hope that answer your stupid question. Now, if you may" He said coldly as he continued to saunter on his way nudging my shoulder in the process. Mabuti pala ang locker ko may nag-aalala.
"Teka lang...paano mo nabuksan ang locker ko?" I asked him suspiciously. Mabuti na lang nagawa ko itong tanungin.
"I have my discreet ways Laurel" Nandiyan na naman siya sa mga patagong pangungusap niya. Bakit ba hindi niya na lang ako deretsyuhin?
Si Sirius 'yang kinakausap mo Aly. Matalinghagang tao 'yan.
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Teka...Paano kung hindi gumana ang plano mo? Paano ka nakakasiguro na mababasa 'yun ng stalker ko?"
"Trust me. He will. Base on your statement mukhang gabi nilalagay ng stalker mo ang bulaklak. May be when Lucullian high is deserted at wala ng mga estudyante. But if my deductions are wrong bukas sa gabi mo na siya makikita. That's if, if my deductions aren't accurate" Salaysay niya. Base sa tuno ng pananalita niya mukhang makikilala ko na talaga ang stalker ko ngayong gabi. Pero mukhang may loophole sa plano niya.
"Teka lang...Paano kung makilala ng stalker ko na hindi ako ang nagsulat 'nun? Baka kabisado niya ang penmanship ko!" Tama! Baka dahil doon ay masira ang plano at malaman ng stalker ko na isa lang malaking pain ang lahat. Sirius stopped on his tract as he fixed his gaze on me.
"There's a huge chance that he will recognized that the penmanship isn't yours. But he's your stalker after all. He won't just turn down a great opportunity to meet you just by his suspicion. Wouldn't he?"
Napatango ako.
"You're right" Then silence hang on the both of us. Sabay kaming naglakad hanggang makarating na kami sa gate.
"Salamat nga pala" I said to broke the silence.
"Don't thank me. I'm not doing this for you. I'm doing this for your locker's sake, remember?"
"Okay. Sabi mo eh" I then murmured to myself.
Tonight is going to be a long night. I'm really going to know who my stalker is. For real. At kapag nakilala ko na siya maaaring mag-iba ang tadhana ko. Marahil ay hindi na ako mamamatay. Sana nga.
*~*~*~
A/N: Hi there! Thank you for those few people who's still reading this. Please don't forget to vote and comment para naman malaman ko na may nagbabasa pa pala nito. Any comment will do. Thank you :)
Yours Truly
-Gie
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro