16: The Felony Murder Case Pt.3
A/N: I'm such a major procrastinator, my apology. I'm so engulf in watching this amazing movies and reading loads of sci-fi stories that I don't want to get interrupted to. Hahaha BTW, Laurel is pronounce as LAWREL and yes I got her name from one of the Keating 5 in How To Get Away With Murder. So yeah. Enjoy reading.
Aly's PoV
"No. Please, nagmamakaawa ako"
"You're sick! Ang dapat sa'yo mamatay!"
"P-pag-usapan naman natin to oh. Please"
"Ha! It's so ironic na akala mo ako ang mamatay pero ang totoo ikaw. Magpaalam ka na"
"No, no, Noooooooo!"
*Bang!*
"Laurel! Laurel! Laurel!" Napabalikwas ako sa pagkakahiga habang tuloy-tuloy na nagpapalabas ng buntong hininga. Nanginginig ang buong kalamnan ko. Tumatagaktak ang pawis mula sa noo ko. What the hell just happened? And where the hell am I?
Nagpalinga-linga ako sa buong paligid. Teka....bakit nandito ako sa infirmary? Paano ako napunta rito? At teka...bakit ang sakit ng ulo ko?
"Laurel, look at me" Naramdaman ko na lang ang dalawang malambot na palad na nakadapo sa magkabilang pisngi ko. Our eyes locked into each other. Nakatingin ako ng blangko sa mga mata niya. Feeling ko wala pa rin ako sa sarili kong pag-iisip.
"Sirius? A-anong nangyari?" Nagtagpo ang kilay niya saka niya ako pinasadahan ng tingin. Bakit kami nandito? Kanina lang nag-iimbestiga kami ng isang Murder Case ah.
"Hindi mo maalala?" Umiling ako. Nadisgrasya ba ko at nagka-amnesya? Naku naman! Kaya ba parang ang sakit ng ulo ko? Ayokong magka amnesia! Mawawala lahat ng memories ko!
"The culprit injected you with an injectable sleeping sedatives" Napaawang ang bibig ko. Biglang bumalik yung pangyayaring yun. Kaya pala ako nandito. Hinanap ko kasi ang suspect at...
"Hinahanap na ng pulisya si Brandon Salazar"
"S-sino?" Ako naman ngayon ay napakunot ang noo. Bakit niya pinapahanap si Brandon Salazar? Naging missing na rin ba si Brandon? Nahulog rin ba ang kotse niya sa cliff?
"Brandon Salazar. The culprit Laurel" Si Brandon Salazar ang criminal? Pero base sa pagkakaalala ko hindi siya.
"P-pero hindi siya ang criminal Sirius" Pagpapaliwanag ko. Tiningnan niya ko sa mata. Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko.
"What? Then who?" I then manage to tell him everything.
*~*~*
2 hours earlier
"Maggie sorry talaga" Maluha-luhang sabi ko kay Maggie habang hinahabol siya sa paglalakad niya. Pagkatapos ng interrogation na ginawa ni Sirius ay agad na naman niyang pinauwi ang apat. Siguro ay napagtanto na niyang wala sa kanilang apat ang salarin. Habang siya ay nag-iimbestiga sa nasunog na library. Naghahanap kung meron bang mahalagang impormasyon na makukuha.
Napagkamalan ko pa si Maggie na sinungaling. Ang totoo daw kasi niyan nag research si Maggie ng cipher na ginamit at tumpak naman na nakita niya ito.
Agad namang hguminto si Maggie at tumingin sa'kin. "Naiintindihan ko naman Aly eh. Nag hindi ko lang maintindihan eh kung bakit ka sumasama sa lalaking 'yon"
Napakagat ako ng labi sa katanungan niya. Bakit nga ba ako sumasama kay Sirius? Kung tutuusin wala naman akong makukuha sa kanya. Pero nangako ako kay Sirius. Hindi ko na maaaring bawiin yun. Baka mamaya patayin niya 'ko.
"A-ano kasi Maggie eh. Kahit sabihin ko sa iyo hindi mo rin maiintindihan"
"Ewan ko sa'yo Aly" Nagsimula na naman siyang maglakad ng mabilis. Hindi na ako sumunod. Siguro kailangan muna niyang mapag-isa. Ganyan kasi ang napapanood ko sa teleserye kung galit ang tao sa'yo.
I turn on my heels para bumalik sa dinaraanan ko pero nabigla ako nung mabangga ko yung lalaking paubo-ubo kanina.
"Aray!"
"Sorry *cough*" Sabi niya sabay hawak sa magkabilang braso ko. Agad naman akong umatras ng kaunti. Ang weird ng taong 'to. Mag so-sorry na nga lang manghahawak pa ng braso.
"Ok lang ako. Sige"
Bumalik agad ako sa may bench habang pinapanuod sina Sirius at inspector Petrina at ang ibang mga police na nag-iimbestiga. Sino kaya ang gumawa ng krimeng 'yon? Posible kayang si Brandon? Malaki ang posibilidad na siya ang gumawa pero ang tanong paano niya na lock ang pinto mula sa labas? Ano kayang trick ang ginamit niya?
Baka naman si Evans? Masama talaga ang kutob ko sa taong 'yon eh. Parang may mali sa katauhan niya. At ito pa ha diba nandoon siya sa broadcasting room edi posibleng siya ang nagpatunog nung countdown.
Ano ba yan Aly. Ano ka si Sirius? Hayaan mo na siyang maglutas ng kaso no! Hindi sapat ang I.Q mo sa ganitong bagay.
"Hi" Napaangat ang ulo ko upang tingnan ang nagsalita. Nakita ko yung isa sa mga suspect kanina na babae. Casandra yata yung pangalan niya.
"May maitutulong ba 'ko?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa'kin. Anyare sa kanya? Bakit niya ko nginingitian?
"Ikaw yung kasama nung lalaking mala detective diba?" Tumango ako. Kung titingnan mo sa aura ng babaeng 'to para siyang napaka-jolly. Palangiti siya at mukhang wala siyang problema.
"Bakit?"
"Wala naman. Ang cool niyo lang dalawa tingnan. Good luck sa inyo" Pagkasabi niya 'nun agad na siyang naglakad. Anong nakain niya at sinabi niya yun? Weird. At kami daw ni Sirius cool tingnan? Pch. Baka siya lang. Wala naman akong ginagawa kundi manuod eh.
After a minute or so ay nakita ko ng papalakad na si Sirius patungo sa dereksyon ko.
"Ano? Alam mo na ba kung sino?" Tumungo siya sa katabing bench. Akala ko uupo lang siya pero nagulat ako ng bigla siyang humiga. Seryoso ba siya? Tinutulugan niya lang ang kasong 'to? Saang bar ba siya galing kagabi at mukhang puyat na puyat yata.
"Hoy! Sirius! Kinakausap kita"
"I think that Brandon Salazar did it" Walang halong pag-aalinlangan sa boses niya. Sa tuno ng pananalita niya mukhang seguradong-segurado siya. Sabi ko na nga ba eh. Tama ang hula ko.
"Bakit mo naman nasabi?" Tumayo ako at tumungo sa bench na hinihigaan niya. Ngayon natatabunan na ng anino ko ang mukha niya.
"Brandon is really suspicious and he's right handed" What the hell is wrong with him? Dahil lang sa katotohanang right handed si Brandon ay siya na ang kriminal? Pero teka sabi sa'kin ni inspector Petrina kanina ay posibleng left handed ang salarin. Ano ba yan. Bakit pabago-bago ang mga konklusyon nila?
"Diba sabi mo kanina na---"
"I was wrong. I thought the culprit stab her from the back and the culprit put the paper from that position. Pero mali ako. God. I can't believe my deductions were wrong" Ngayon ko lang nakitang mukhang nanliliit si Sirius sa sarili niya. Minsan kasi sobrang hangin na niya eh.
So ibig sabihin pala nun ay magkaharap ang biktima at ang suspect. Pero kung sa harap pinatay ng criminal ang bittima posible kayang kilala niya ito?
"Posible kayang kilala ng biktima ang suspect? Kaya niya ito pinatay?" Iminulat niya ang isa niyang mata tapos pininid ito ulit.
"May be. I can't believe you're thinking Laurel" Anak ng baliw na pusa! Anong akala niya sa'kin? Ay grabe siya. Sarap kalbuhin at lagyan ang ulo ng gasolina tapos sisilaban.
"Wala ba kayong nakuhang kahit na ano sa loob?"
"It was all burnt by the fire. Except for the blood in the floor. Which the forensic presume that Miss Susan died through suffocation rather than her stab. Hindi naman kasi masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya " Tumahimik na lamang ako bigla. Ano ba namang klaseng kaso 'to. At ano ba namang klaseng detective 'tong si Sirius. Ang tagal niya namang ma solve ang kaso. Inip na inip na ang mga readers.
Bigla na lamang nabasag ang katahimikan ng biglang mag ring yung cellphone ni Sirius.
"Inspector" Pagkasabi niya nun ay lumingon siya sa gawi kung saan kitang-kita si inspector Petrina na nakatayo sa harap ng library. Ang lapit lang naman nilang dalawa ah. Kailangan talagang tumawag?
"I knew it!" Biglang napabangon si Sirius saka niya binaba ang cellphone. Ako naman nanatiling nakatagpo ang kilay with my sabihin-mo-na-kung-ano-ang-sinabi-niya look.
"Brandon Salazar's finger prints are all over the crumpled paper" So si Brandon nga ang killer. Kaya niya ba nilagay ang papel na yun upang iba ang mapagbintangan sa kaso?
"But something's wrong"
"Ano?"
"Let me ask you Laurel. Kung may sunog sinong una mong tatawagan?" Bakit niya naman natanong? Obvious naman ang sagot.
"Bombero, syempre"
"Right. The unknown caller called the ambulance first. It means he's inside and he knows exactly what's happening. Sabi rin ng napagtanungan ni inspector lalaki raw ang tumawag. That only means one thing. Brandon is the culprit. Pero bakit niya tatawagan ang ambulansya when his motive is to kill?"
Dumurugo na ang ulo ko sa pinagsasabi ni Sirius. Ano daw? Pero kung siya nga bakit niya naman I ri-risk ang buhay niya? Pwede naman siyang lumabas. At bakit niya pa tatawagan ang ambulansya kung in the first place ang sadya naman talaga niya ay pumatay. Iyan ang nakasulat doon sa blog.
"Wala kang kongkretong ebidensiya Sirius" Sabi ko na lang habang nakapamulsa. Agad akong napangiwi. Bakit may nararamdaman akong papel sa kaliwang bulsa ng coat ko? Agad ko naman itong nilabas. Isa lang itong maliit na piraso ng papel.
I read the words that says, "Stock Room. Now"
"Ano yan?" Tiningnan ako ng mariin ni Sirius.
Aly, mag-isip ka ng alibi. Come on. You're good at this.
"Ahh, wala ano lang listahan ng utang ko. Oo. Tama! May utang kasi ako eh. Due date na pala. Hehe"
He just rolled his eye. Maniwala ka. Maniwala ka. Crossed finger.
"Tsk"
"Mauna na pala 'ko. Kailangan ko munang magbayad. Sige." Dali-dali akong tumakbo papuntang stock room. Gosh. Sino kaya ang naglagay nito sa bulsa ko? Wala naman to kanina ah. Then something flashes.
"Aray!"
"Sorry"
Si Brandon? Bakit niya ko pinapapunta sa stock room? Ano ang kailangan niya? Ako na ba ang susunod niyang papatayin? Kahit kunin niya na lang ang puri ko huwag niya lang kunin ang buhay ko.
Aly, relax hindi ka pa mamamatay. Inhale. Exhale
Pumasok agad akong gymnasium dahil nandoon ang stock room ng school. Walang tao dahil pinauwi na ng maaga ang mga estudyante dahil sa nangyari.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pinto. Bubuksan ko na sana ng bigla akong makarinig ng ingay mula sa loob. Dinikit ko ang tenga ko sa pinto upang makinig.
"I already gave you my word Brandon. Kung wala kang pagsasabihan sa nangyari you'll live. Pero kung hindi mo magawang itikom ang bibig mo. You'll die"
Nangatog ang binti ko sa mga naririnig ko. Kilala ko ang boses na 'yun. Boses yun ni Casandra. Siya ang killer? So totoo palang kilala talaga ng biktima ang suspect. Agad kong kinuha ang cellphone ko at ini-record ang sinasabi nila.
"Alam mo Brandon kung bakit hindi kita pinatay? Dahil alam kong ikaw ang paghihinalaan nilang kriminal. I set you up. Mas maganda 'yun kaysa halungkatin pa ng mga tangang police kung sino ang salarin. Brilliant right?"
"Fvck you bitch!" Nakarinig ako ng isang malakas na sampal.
"Fvck you too. At itong tatandaan mo ha. Minsan mo ng gustong idiin ako sa paglagay mo ng letcheng papel na yun sa bulsa ni Susan. You've also ruined my plan. You're the one who called the ambulance right? Sa oras na ilaglag mo ulit ako. Papatayin na kita"
Tila isang makamandag na lason ang mga salita niya. Hindi ko mawari na ang isang palangiting babae na katulad niya ay isa palang demonyo.
"Babae ka lang *cough* mas malakas ako sa'yo"
"Mas malakas kami sa'yo. Alam mo ba kung ano ang mangyayari kung trinaydor mo 'ko? Papatayin ka nila." Nila? Sinong nila? Ibig bang sabihin may grupong killer 'tong si Casandra?
"Pati ikaw"
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto dahilan para mapasalampak ako sa sahig. The devil smirk at me. Before I knew it she prick my nape with her syringe. Napahikab ako. Naging blurry ang buong paligid at bigla na lamang akong nakatulog.
*~*~
Present
"I really thought its Brandon" Iling-iling na usal ni Sirius sa sarili niya. Nandito na kami sa loob ng building ng apartment. Mabuti na naman ang pakiramdam ko kaya umuwi na kami. Tinawagan na rin ni Sirius si inspector Petrina. Pinaghahanap na raw nila si Casandra. Si Brandon naman ay hindi na rin mahagilap. Siguro dahil sa pagbabanta ni Casandra ay natakot siya't napagpasyahang magpakalayo-layo na.
In all honesty, I'm frightened by Casandra's threat. She said she will kill me. That they will kill me.
What if she's telling the truth? Paano kung nagsumbong na siya sa mga ka grupo niya? Paano kung ako na ang susunod? Sabi ko na nga ba. Ito ang magiging dahilan ng kamatayan ko. Ang pagsama ko kay Sirius ang dahilan ng kamatayan ko.
"Laurel, you okay?" I lazily nodded my head. I should get used in sleeping with an eye open from now on. Marami ng banta sa buhay ko.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. He stopped at the front of his door step.
"Laurel?" Lumingon ako upang tingnan siya. "You did a great job" He said as he smiled. The kind of smile that I didn't knew he was capable of. The kind of smile that can lit up the whole vicinity of Makati city.
"Sirius?" I called him. He turn his head to look at me as if on cue I fire a query to him.
"How did I ended up in the infirmary Sirius? Ikaw ba ang nakakita sa'kin" Sirius look at me with a baffled expression. Sa pagkakaalala ko napaka deserted ng gym. Walang tao sa loob maliban na lamang kay Brandon at Casandra.
"No. It's not me" Kung hindi siya sino? At paano ako nakita ng naghatid sa'kin sa infirmary? Itatanong ko nalang bukas sa nurse.
Tinanguan ko lang siya tapos dumiretso na sa loob ng apartment ko. I hate to admit this but since Sirius occupied the room next door I felt a little bit secure. Wala akong ideya kung bakit. May be I'm starting to trust him.
Pagkapasok ko sa loob ay agad akong napasalampak sa sofa. Tinatamad akong magbihis. Agad ring humiga si Dog sa may tiyan ko.
Did I just jeopardized my safety by going with Sirius? But to be honest it's fun to be with him. Although maraming kakilakilabot na mga nangyayari. Sana lang hindi maging dahilan ng pagsama ko sa kanya ang pagkasira ng pagkakaibigan namin ni Maggie. God, Aly. Kailan ka pa naging emosyonal?
Speaking of Maggie, kailangan ko siyang tawagan. I need to talk to her. Agad akong bumangon at kinuha ang cellphone sa loob ng bag ko. Pero bago ko pa man mahagilap ang cellphone ko ay tumambad na naman sa'kin ang itim na tinuping papel. Alam kong pareho ang papel na ito sa papel na ginamit sa paggawa ng itim na oras na binibigay ng stalker ko.
Napalunok ako. I unfolded the paper. Kung hindi ko lang alam na mamatay ako kikiligin na sana ako eh. But the words that were written sounded really creepy to me. It says,
"Wake up soon -E"
Siya na naman. Pero paano niya nalamang tinurukan ako ng pampatulog? Posible kayang that freaking stalker is the one who sent me to the infirmary? Now I'm freaking out!
I need to find who this bloody E is! Before he might do something stupid and heedless to me!
*~*~
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro