12: Let's Play Deductions
This chapter is dedicated to her kasi na nakakaiyak angg feedbacks niya sa story
Aly's PoV
Marami ang nangyari sa araw na 'to. Una may nagtangkang magpakamatay tapos pangalawa may pinatay. Idagdag pa natin ang pagiging audience (Sirius's terminology) ko sa imbestigasyong naganap. Pero sa mga panahong nandoon ako sa imbestigasyon ay nakalimutan ko ang lahat ng problema ko.
Hindi ko na nga rin naisip na baka 14 days from now ang pagkamatay ko na naman ang imbistigahan nila. Sana lang kung saang lupalop man ako pinatay ay mahanap ako. Sana magawa akong hanapin ni Sirius.
Hinihipan ng malamig na hangin ang nakalugay kong buhok. Malapit nang mag pasko kaya malamig na ang hangin. Mabuti na lang nakasuot ako ng sweater at may nakapulupot na scarf sa leeg ko kaya hindi ako masyadong nilalamig. Nakakalungkot lang isipin na hindi na ako makakaabot pa ng pasko. May expiration date na ang buhay ko.
'You only die once you need to make it a little bit dramatic'
Nag-echo na naman iyong tinig ni Frances.
Naglalakad lang ako dito sa park habang hila-hila si Dog. Dito kasi ako minsan tumatambay. Umiilaw ang mga puno rito dahil sa mga nakalambitin na mga Christmas lights. Marami ring umiilaw na mga parol na nakasabit sa mga sanga.
Ang ganda lang pagmasdan ng mga kumukutikutitap at bumubusibusilak na mga lights. Marami-rami ring mga tao rito na nag bo-bonding at nag de-date.
Naglalakad ako malapit sa may swing na paborito kong pwesto ng biglang may makita akong pamilyar na tao na nakakubli sa jacket niya. His hood was pulled off in his head. No way! His here? I'm still a bit reluctant to recognize him or ask him if his really the man who's sitting a few feet away from me. Nakaupo siya sa may swing habang nakahalukipkip ang dalawang kamay sa bulsa ng jacket niya.
"Sirius?" I muttered his name dubiously. Bigla niya naman akong tiningnan. Those familiar black orbs behind his thick eye glasses stared back at me.
"Bakit ka nandito?" I fired a query at him.
"I should ask you the same thing" Naglakad ako papalapit sa kanya at umupo sa bakanting swing na katabi ng inupuan niya. Binuhat ko naman si Dog ay pinaupo sa hita ko.
"Namamasyal lang. Ikaw?"
"Thinking. Can I?" He extended his hands as if his asking to hand my cat to him. Agad ko namang binigay si Dog sa kanya. Inakay niya ito na parang sanggol tapos kinikiliti ang tiyan.
"What's his name?"
"Ahhh, D—"
"WAIT! Don't tell me! Huhulaan ko" He abruptly said as he raises his hand to make me squelch. Ano na naman ba itong pauso niya? Teka...may lahi nga siyang manghuhula! Kaya pala ang galing niyang maglutas ng kaso. Hinuhulaan niya lang ito!
"Okay, pero promise hindi mo 'yan mahuhulaan" Ang unique kaya ng pangalan ng pusa ko. Sino ba naman ang magpapangalan sa pusa niya ng Dog? Ako lang yata.
"Hmmm...It's obviously not Justin Bieber" Hala! Ang sama niya kay Justin Bieber! At sino namang magpapangalan sa pusa nila ng Justin Bieber?
"What's your favorite movie or book?" I know where this is heading. Kahit sabihin ko mamamali pa rin siya sa panghuhula niya.
"Hmmm...Walking Dead" He eyed me suspiciously. He might be thinking that I'm feeding him a lie. Eh, sa walking dead talaga ang paborito kong movie. Bahala siya kung ayaw niyang maniwala.
"Well, you might name him before your favorite movie's main character so...I guess his name is Ricky?"
A/N: Rick po kasi ang pangalan sa lead actor ng Walking dead.
Umiling ako na siya namang ikinadismaya ng mukha niya. Ipinagpatuloy niya lang ang pag kiliti kay Dog.
"Sabi na 'sayo hindi mo mahuhulaan eh"
"You're a bit sentimental so maybe you name him before your late father?" Bakit niya ba parating inuungkat ang nakaraan? Why is he targeting my weakest spot?
"Hindi rin. His name is Dog" Nakita kong namilog ang mata niya. He didn't saw that coming, I know.
Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon tama ka! I really wanted to say straight to his face but I bit it back.
"Dog?" He let out a little titter. Did he think that naming my cat Dog is so absurd? 'Cause if it is I'm going to knock him off right now, right here.
"Cool name. Anyways, do you know that most of the cat's owner tend to have a higher IQ?" I looked at him with a baffled expression. Weee? Does that mean my intelligence quotient is high? Kaya pala malaki ang score ko sa mga exam.
"But now I'm starting to doubt that" My face turned in the shade of a lobster. My jaw hit the ground as the insinuating words came out from his bloody mouth. He's joking, right? I mentally plead to every god that he would take what he said and say it was just a jibe to make me peeved. But hell, the universe would explode first before this jerk make a joke.
"Wow ha. Nahiya naman ako sa'yo" Out of the corner of my eye I saw him rolled his eye. Talaga lang? Siya pa ang may ganang mag-inarte. Ako na nga ang ininsulto.
Silence hang in the air for it seems like ages when he suddenly tried to break the deafening silence.
"Do you want to play?" Eh? Maglalaro kami? Ano kami mga bata? Balak niya bang maghabulan dito sa park? O, magtaguan? Pero ang pangit namang laro 'yun. Gusto ko Chinese garter laruin namin.
"Anong laro?"
"Let's deduce. Okay? Game!" Huh? Wala naman akong sinabing makikipaglaro ako ah? Lalo pa't mag de-deduce daw kami eh halata namang talo na 'ko nito. Wala ba siyang alam na ibang laro?
"Kita mo ba 'yung lalaking 'yun?" Sabi niya sabay turo sa matikas na lalaking mukhang nasa late twenties na nakaupo malapit sa may fountain. Nakasuot ito ng dark green na shirt na may short sleeves na kita ang malaki niyang braso at nakapantalon. Naka-army cut iyong buhok niya. Mukhang may hinihintay siya. May bouquet ng bulaklak din at isang pink na stuff toy siyang dala.
Kinakalikot ng lalaki iyong cellphone niya.
"Let's deduce him. Ikaw mauna" Seryoso ba talaga siya? Hindi ba siya nagbibiro? I bit my lips. Pinasadahan ko ang lalaki ng tingin. Dahil sobra namang maliwanag dito sa park at hindi naman siya ganuon kalayo sa'min ay klarong klaro ko ang itsura ng lalaki.
"Okay...Isa siyang tao, tapos--"
"Nagpapatawa ka ba?" Kita mo na! Alam kung ganito talaga i-rereact niya eh.
I took a deep breathe.
"Seryoso na 'to. Okay, so...feeling ko mayaman si kuya dahil iPhone ang cellphone niya. Nandito siya sa park para hintayin ang date niya dahil kung titingnan mo ang pustora niya mukhang may date siya. At iyong bulaklak at stuff toy ay ibibigay niya sa babaeng nililigawan niya. Take note hindi pa niya girlfriend ang hinihintay niya ha kasi bakit bibigyan pa niya ng bulaklak at stuff toy?"
Wow. Ang galing ko naman. Hindi ko akalaing naisip ko 'yon. Siguro totoo nga iyong fun facts na sinabi ni Sirius kanina tungkol sa mga cat owner.
"You're right hindi niya girlfriend" Gatong naman ni Sirius. Pinupuri niya ba ako? Pwede na ba akong maging detective nito? But I just realize I can't be a detective. Mamatay na pala ako.
"Ikaw naman!" Ipinasa niya sa'kin si Dog at agad ko naman siyang kinuha. He clears his throat.
"Judging by himself he seems to be a professional. Apparently he works in the field, judging by the change of shade in his skin. He might be a soldier base on his body's composure, built, his hair cut and his low sense in fashion. Left handed, obviously, he uses his left hand in texting. He is not waiting for he's girlfriend because his waiting for his wife" Pinatahimik ko siya sa pagkakabanggit niya sa linyang iyon.
"Teka lang ha...may asawa na siya?"
"You didn't notice his ring don't you?" Tiningnan ko naman ang daliri ng lalaki at may singsing nga ito. Tsk. Bakit hindi ko napansin 'yon? Ang talas naman ng paningin nitong si Sirius.
"He is not just waiting for his wife he's also waiting for his daughter. Hypothetically, the roses is for his wife. Since he is already married don't you think it sounded so ridiculous to give a stuff toy to his wife? So technically his going to give that pink stuff toy to his daughter. He is not waiting for his mistress either. This place is too public for his secret affair."
Siya na. Siya na ang observant. Hindi na ako nagsalita pa kasi baka lumaki pa lalo ang ulo nitong si Sirius. Ilang minuto rin ang nakalipas ay nakita nga naming dumating ang kanyang asawa at anak na mukhang five years old pa yata. Binigay ng lalaki ang bulaklad sa kanyang asawa at ang stuff toy sa kanyang anak at hinalikan sila nito pareho.
I can see through my peripheral vision that he has this smug grin on his face.
Sumilay ako kay Sirius giving him may Edi-ikaw-na-ang-magaling look.
Ngayon alam ko na kung bakit siya pumupunta sa park. Pumupunta lang siya dito para husgahan ang mga tao. Grabe talaga! Ang sama niya!
Bagay sa kanya maging judge. Trip niya kasing manghusga ng tao.
Kailangan ko ng umalis dito bago ko pa siya masuntok. Akma na akong tatayo nang bigla ulit siyang magsalita.
"Hey... do you want to bet?" I just rolled my eyes to him. Napansin ko lang, bakit nagagawa ko pa ring magtaray kahit mamatay na 'ko?
"What bet?"
"Let's bet kung sino ang tutulong sa matandang 'yun" Turo niya sa matandang naglalakad na may dala-dalang maraming gamit patungo sa dereksyon namin. Nakakaawa talagang tingnan si lola. Kung hindi lang siya subject ng bet namin kanina ko pa siya tinulungan. Sa rami ng gamit na dinadala ni lola ay nahuhulog na 'yong ilan.
"Kapag nanalo ka you can ask any favor from me, likewise kung ako ang mananalo" He sounded really persuasive that you couldn't dare to resist.
"Paano kapag walang tumulong?"
"Then you win" Tumango na lang ako. Nasa akin ang maraming alas. Titiisin ko muna ang lalaking 'to kahit ngayong gabi lang. Malay natin kapag namatay ako pupunta siya sa lamay ko dahil sa pumayag ako sa mga kalukohan niya.
Lumingon-lingon naman ako kung sino-sino ang madadaanan ng matanda. Then I spotted a girl sitting solely at the bench. Siya 'yung unang taong madadaanan ng matanda maliban sa aming dalawa ni Sirius kaya malamang tutulong siya. Wala rin naman siyang ginagawa kaya hindi magiging isang perwisyo sa kanya ang pagtulong sa matanda.
Pero bakit napakalungkot naman yata ng babae na 'yon?
"Sa tingin ko tutulungan ng babaeng 'yon ang matanda" Sabi ko kay Sirius habang tinuturo ang babae na nakaupo mag-isa sa bench.
Tumango naman si Sirius.
"Nakita mo 'yang magkasintahang naglalakad? Isa sa kanila ang tutulong" Turo niya sa dalawang magkasintahang naglalakad habang naghahawakan pa ng kamay papunta sa dereksyon ng matanda.
Hindi ako kinabahan kasi naman alam kung unang madadaanan ni lola ang babaeng tinuro ko kanina.
Nagkanda hulog-hulog na 'yong gamit ni lola. Talagang sinundan namin siya ng tingin hanggang sa makalagpas siya sa'min ni Sirius. Now...she's heading to the lonely girl's direction.
Ayan na nasa tapat na siya. Mukhang nagdilang anghel ako dahil nahulog 'yung gamit ni lola sa tapat ng babae. Nadagdagan ang awa effect. Mas lalo akong napangiti dahil tumayo ang babae at biglang naglakad palayo.
The hell? Bakit hindi niya tinulungan? Ganito na ba talaga ka walang manners ang mga kabataan ngayon?
Di bale kung hindi tutulungan nang naglalakad na happy couple si lola ay panalo pa rin naman ako.
Biglang tumagaktak ang baba ko sa lupa nang lakad-patakbong tumungo sa matanda ang babaeng kasintahan ng lalaking tinuro ni Sirius kanina.
"No way! Paano nangyari 'yon?" My jaw was still nailed in the ground. I smack Sirius mockingly as we both watch how the girl lend her hand to the old woman to carry her baggage.
"The mind of the girl is clearly flooded with dopamine, serotonin, norepinephrine and oxytocin which prompted her to help the old lady. Those hormones secretes rapidly when you're in love. Love has a power to alter human mind and human personality. Helping the poor lady is not her selfless act. It's the girl's way to convey a message and impress her prey that she's compassionate and kind. Humans can be so predictable sometimes."
I froze for a moment. Para akong nakipagtitigan kay medusa at bigla na lamang na istatwa. Dumugo ang ilong ko sa mga pinagsasabi niya. Ano daw? Wala akong naintindihan.
"Saan mo nakukuha 'yan?" I asked still amused by his remarks.
"My mother. She force me to read every work of Sigmund Freud and the works of some famous Psychoanalyst. Kaya siguro ganito ako" There was a hint of remorse in his voice.
Ang boring siguro ng childhood niya. There was a genuine smile that flickered on my lips. I didn't know he would share something to me today.
"Paano ba 'yan? Talo ka" Bigla namang nagbago ang ekspresyon sa mukha ko. Sana pala hindi na lang ako pumayag. I should remind myself not to gamble again to this asshole.
"So anong favor mo?"
"Nothing that can trouble you so much. Just be my John Watson"
Then everything went to hell.
A/N: Sa tingin niyo may motibo ba si Sirius? I decided to add a pinch of romance- well that's what my idea of romance. Aly requested it though. That's her dying wish.
BTW, John Watson is Sherlock Holmes's partner.
Don't forget to vote and please do keep on reading. Next chapter would be 'Felony Murder case'
-Love Gie
.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro