Simula
Simula
Hindi kami makapag-focus ni Light sa paglalaro dahil binabantayan namin ang bawat kilos niya. I knew it! He was already panting heavily.
"Come on..." I whispered.
"Break muna!" Hinihingal na sigaw ni Led.
"Yes!" Humalakhak kami ni Light bago lumapit kay Ryde na nakangiwi. Ginulo ni Light ang buhok niya na mas lalong ikinainis nito.
Lumapit siya sa bag niya at kumuha ng pera roon para ibigay sa amin. Tumatawang inipit namin 'yon sa jersey shorts. We won! Hindi ko alam kung ano ang sumagi sa utak ni Ryde at pumayag siya sa pustahan na ito.
"Hoy! May pustahan kayo?" Tanong ni Led na nagpupunas ng pawis. "Bakit hindi ako kasali?"
Mabilis naman na tumalikod ako at naglakad palayo. Pigil na pigil ako sa pagtawa dahil baka masapak kami kay Led kapag nalaman niya kung ano ang pinagpustahan namin.
"Si Jude!" Napatingin ako kay Light nang ituro niya ako. "Nakipagpustahan siya kay Ryde!"
"Hoy gago! Kasama ka!" Hindi ko napigilang sigawan din siya.
Napangiwi ako nang makita ang naguguluhang mukha ni Led. Mabilis naman na dumistasya na ako dahil mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari. Ayoko namang pumunta sa birthday niya na may pasa sa mukha.
"Natalo ako! Kasalanan mong matanda ka!" Humagalpak ako ng tawa dahil sa sinabi ni Ryde. "Sayang ang 2 thousand!" Naiilang na wika niya pa.
Mukhang naintindihan naman ni Led kung ano ang pinag-uusapan namin base sa pagningkit ng kanyang dalawang mata.
"Pinagpustahan niyo si Led?" Nakangising epal ni Blaze. "Ang sakit no'n! Kawawa naman si birthday boy." Mahina siyang tumatawa habang hinahagod ang likod ni Led.
"Matanda ka na raw, Led. Nanalo sina Light at Jude dahil tama sila na ikaw ang unang mapapagod sa atin!" sumbong ni Jux.
Mabilis naman na kumaripas kami ng takbo ni Light nang habulin kami ni Led. Mabilis din kaming napagod sa kakatakbo. Tawa lang kami nang tawa ni Light.
Ngayon lang ulit nakauwi si Light dahil matapos ng graduation niya ay nag-ibang bansa na siya.
"Mga ulol! Nasa'n ang tubig natin?" Tanong ni Ryde.
Napatingin naman kami kay Blaze na nakangiwi. Siya kasi ang nakatoka ngayon na magdala ng tubig.
"Next time na lang... I forgot. Sorry."
"Sorry your ass..." Ryde mumbled.
Mukhang hindi naman narinig iyon ni Blaze na kausap si Light.
"Papapuntahin ko na lang sina Chelsea dito para magdala ng tubig." Mabilis na kinuha ni Led ang kanyang phone sa loob ng bag.
Umupo ako sa tabi ni Ryde na nagpupunas ng pawis. Gusto kong matawa nang may maalala na naman ako.
"Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" Kunot-noong tanong ni Ryde. "Fuck off, dude..."
Mas lumapit pa ako sa kanya. "Pupunta rito si Chelsea. May dala ka bang pabango---Aray!" Napanguso ako nang batukan niya ako.
Lumayo na ako nang bahagya sa kanya bago siya hinampas ng towel. Sinubukan niya rin akong hampasin pero lumayo na ako.
"Ayan na si Chels! Magpapabango na niyan si Ryde!" Sigaw ni Light.
"Oo nga! Nahiya pa ang gago! Maligo ka na ng pabango!" Lumapit ako kay Light at nakipag-apir.
Natahimik kami nang makita ang nanlilisik na mata ni Led. Mayamaya rin ay dumating na si Chelsea na may dalang tubig at may kasama rin siyang babae na ngayon lang namin nakita.
Mabilis naman na kumilos si Ryde at kinuha ang tubig mula kay Chelsea. Lumapit din ako sa kanila para kumuha dahil uhaw na uhaw na rin ako. Nagsunuran naman ang iba pa.
"Whoa! Totoo ba 'to?" Naibuga ko kay Blaze ang iniinom ko nang makitang hinawakan ng babaeng kasama ni Chelsea ang katawan ni Jux. "Astig..." Dugtong pa nito.
Napaatras ako nang bugahan din ako ni Blaze.
"I'm Trisha..." Pagpapakilala niya.
Inabot ko ang kanyang kamay at bahagyang hinaplos 'yon. "Jude... Nice to meet you, Trisha." Kinindatan ko pa siya. Dumiretso lang ito kay Blaze.
Hindi man lang siya naapektuhan sa kagwapuhan ko? Sus! Kunwari pa. Tss.
Pinakilala siya ni Chelsea na anak pala ni Manang Lory na kasambahay nila. Hindi ko maiwasang purihin ang hugis ng katawan nito at ang kanyang height. Nice... Pwede. Pwedeng-pwede.
"Pwede ba tayong maglaro?" Tanong sa amin ni Trisha na hawak ang bola. Mahina niya itong dinidribble.
Bahagyang bumali ang leeg ko nang makitang umaalog din ang kanyang dibdib.
"You know how to play?" Blaze asked her.
She nodded her head.
Mabilis naman na binitawan ko ang bote ng mineral water at lumapit sa kanya. Pumasok kami sa loob ng court, nakisama si Blaze.
Na kay Trisha ang bola kaya pinipigilan ko siyang makalapit sa ring. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko nang dumikit siya sa akin.
"Ang bango ah..." Bulong ko.
"Shit!" Napakamot ako sa ulo ko nang itulak ako ni Blaze at siya na ang pumigil kay Trisha.
"Gago..." bulong ko. Nakita ko ang pagdikit ng katawan nila na mas lalo kong ikinainis. "Gago talaga..." Bulong ko pa.
Sinubukan kong makipaglaro pa sa kanila. Pasimple kong niyakap si Trisha pero wala man lang 'yon sa kanya. Mas lalo akong ginanahan sa paglalaro. Matapos maka-shoot ni Trisha ay umayaw na rin ito.
"Sana pala hindi ko siya hinayaang maka-shoot..." Bulong ko kay Blaze na tumawa lang.
Kahit na hindi ako naka-score sa ring ay worth it naman. Tumabi ako kay Light na umiinom ng tubig.
"Huwag kang umasang tatamaan 'yan sa charm mo..." Bulong niya sa akin. "Una, wala kang charm. Pangalawa, ibang charm ang gusto niya."
"Pakialam ko sa 'yo..." Bulong ko.
"Ulol! Kung makayakap ka sa kanya---"
"That's life, Light." I snapped.
Napatingin ako kina Chelsea at Ryde na paalis na. Mukhang nagtatalo pa ang dalawa. Halata ang inis sa mukha ni Ryde habang kausap si Chelsea. Si Ryde 'yong kaibigang lagi naming iniinis pero hindi siya kailanman nagalit, pero pagdating kay Chelsea... Isang salita niya lang ay nauulol na ang gago. Ibang klase.
"Wala tayong regalo kay Led..." Bulong sa akin ni Jux nang pauwi na kami para mag-ayos bago pumunta sa bahay nila Led.
Hawak-hawak ko ang bola habang naglalakad. Napaisip naman ako sa sinabi ni Jux dahil wala rin akong regalo.
"Hindi raw pwedeng magdala ng babae. Mapapagalitan si Led..." Bulong ko. "May regalo ka ba last year sa kanya?" Tanong ko.
Umiling ito kaya binatukan ko siya.
"Kung makapag-react ka parang hindi ka sanay na walang regalo ah!" singhal ko sa kanya.
Pagkarating ko sa bahay ay mabilis na nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ang isang babae na nakaupo sa sofa. Napatingin siya sa akin. Mabilis na naman na nakaramdam ako ng inis.
Binitawan ko ang bolang hawak ko. Tumalbog 'yon sa ibang bahagi ng salas. Mabilis naman na tumayo si Irene para kunin 'yon at itabi sa gilid. Hinubad ko rin ang jersey shirt ko at tinapon sa sofa. Kinuha niya rin 'yon at itinabi.
Mukhang tanga lang.
"K-Kumain ka muna..." sabi niya.
Mas lalo akong nainis nang makita ang ngiti niya. What's with that melancholic smile? I've been hating that kind of smile from her since the day she got in here. I mean... Bakit ba parang parati siyang malungkot kahit na nakangiti na?
Hindi ko siya pinansin at dumiretso lang ako sa loob ng kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko at naglaro na lang ro'n habang nagpapahinga.
Hindi mawala-wala sa isipan ko ang ngiti niya. Damn it! I hate that kind of smile!
Natigilan ako sa paglalaro nang makita ang pangalan ni dad sa screen ng phone ko. I cleared my throat before I answered his call.
"Hey, dad!"
"Where are you?"
Tumayo ako para kumuha na ng damit sa closet. Nakahanda naman na ang long sleeve na isusuot ko.
"Home... Why?"
Matapos kong makapili ay kinuha ko na ang towel bago muling umupo sa kama.
"Hindi ka na ba aalis dyan?"
"Birthday ni Led, dad..." Walang ganang sabi ko.
Mukhang alam ko na kung bakit siya nagtatanong ng ganito. It's obviously because of her.
"Walang kasama si Irene dyan. Baka mamaya pang gabi umuwi ang kasambahay natin. Isama mo siya..."
I knew it!
"Mabo-bored lang siya ro'n, dad... Baka mapagod pa siya." Gumawa ako ng alibi.
Ayoko naman na isama siya dahil hindi rin ako makakapag saya kung may babantayan pa ako. Baka kung ano pang mangyari sa babaeng 'yon.
"Come on, Jude. Isang linggo na siya sa bahay. Ni hindi pa nga ata siya nakalabas matapos niyang makapasok diyan."
"That's great, dad! Isama mo siya bukas sa office mo!"
"Judeus..." Nagbabantang tawag sa akin ni dad.
Damn it! Mukhang wala na akong choice.
"Okay, dad... Isasama ko siya."
"Good. May dagdag kang allowance sa akin."
"Gusto mo bang isama ko na rin siya sa school dad? Para araw-araw siyang lumalabas!"
"Shut up, Jude..." And he ended the call.
Napabuga na lang ako ng hangin. Iniwan ko na muna sa kwarto ang damit ko at towel bago lumabas. Naabutan ko sa kusina si Irene.
Nang makita niya ako ay napatayo siya. I could even see how nervous she was!
"Kakain ka na ba?" Bakas sa kanyang boses ang pagkailang. "I prepared you---"
"No. Dad told me to bring you with me. Magbihis ka na... It's a party. Pero mas ayos kung hindi ka gaanong mag-aayos."
Magsasalita pa sana siya ngunit tinalikuran ko na siya at muli na akong umakyat sa kwarto ko. Kinuha ko na ang towel at damit bago pumasok sa loob ng shower room.
Matapos kong maligo at mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Saktong kakalabas lang din ni Irene sa kanyang kwarto. Nagkasalubong ang tingin namin pero agad din siyang umiwas ng tingin.
"You ready?" I asked her.
She looked at me again. "Y-Yes..." She answered.
Kinuha ko na ang sasakyan ko. Kumunot ang noo ko nang pumasok si Irene sa likod. Sinundan ko siya ng tingin.
"What are you doing there?"
Natigilan naman ito bago lumabas. Mas lalong kumunot ang noo ko nang kumatok siya sa gilid na bintana ko. Inis na binuksan ko naman iyon.
"Saan ba 'yong party?" Pamungad na tanong niya.
"Why?"
"Magta-taxi na lang ako..."
Napapikit ako sa inis. Kinalma ko ang sarili ko bago muling tumingin sa kanya.
"Pumasok ka na rito. Dito sa tabi ko. Beside the driver's seat. Sa bakanteng upuan sa gilid ko. May hindi ka pa ba naintindihan do'n?"
Namula ang mukha niya bago mahinang tumango. Umikot ito papunta sa kabila at sumakay. Napailing na lang ako dahil halos nakasandal na siya sa pinto. Mukha bang gagawan ko siya ng masama?
Habang nagbibyahe kami ay pareho kaming tahimik. Napansin ko na hindi ko gaanong natuklip ang sa kanang bahagi ng long sleeve ko kaya inabot ko 'yon. Pero dahil hawak ko ang manibela ay pahirapang ayusin 'yon.
Natigilan ako nang makita ang mapuputing kamay ni Irene na nasa long sleeve ko. Mahinhin ang kilos nito habang inaayos 'yon. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. She has a wavy hair. Makinis ang balat at maputi. Medyo brown ang mata.
She caught me looking at her so I immediately looked away.
Pagkarating namin sa bahay nila Led at mabilis na hininto ko ang sasakyan. Halos magkasabay lang kaming lumabas ni Irene. Pagkapasok namin ay sinalubong kami ni Led.
"Happy birthday, Mr. Alled Eras Vellarde," I greeted him.
"Bakit ngayon ka lang bumati? Kanina pa kita kasama, 'di ba?"
"Ngayon ang birthday party, Led..." Tumatawang sabi ko.
Napatingin naman siya kay Irene.
"Oh, Irene..." Ngumiti ito sa kanya. "I didn't know you would be here."
"Happy birthday..." Bati sa kanya ni Irene.
Hindi naman na lingid sa mga kaibigan ko ang tungkol kay Irene. Isang linggo na rin matapos ko siyang makilala at tumira sa bahay kaya naikwento ko na rin siya sa kanila.
Bumati rin kami kina Tita Sandra at Tito Rich na parents nila Chelsea at Led. Nagulat sila nang ipakilala ko si Irene pero hindi naman sila nagtanong pa. Nakangiti lang si Irene na halatang hindi sanay sa maraming tao.
Dumiretso na kami ni Irene sa mga kaibigan ko na nasa iisang table. Bumati sila kay Irene na mukhang nahihiya.
"Can I get her phone number?" Tanong ng isa sa mga classmate namin ni Ryde.
I looked at Irene.
"No..." I said.
Kumain na kami dahil mamaya ay pupunta na kami sa roof deck. Nagpaalam na pupuntang CR si Irene kaya tumayo ako para samahan siya. Nahihiya ito base sa kanyang kilos---Kailan pa ba siya hindi nahiya?
Naghintay ako sa labas ng CR. Ilang minuto ang lumipas bago siya lumabas. Kumunot ang noo ko nang makita ang namumula niyang mukha.
"Hey... You okay?" Hindi ko maiwasang mag-alala. Patay ako kay dad kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya.
"I... I'm just cold," bulong niya.
Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Hinila ko siya palapit sa akin at inakbayan. Nagulat siya sa ginawa ko.
"Better?" I asked her. "Lagot ako kay dad..."
Bumalik na kami. Ipinakilala ko na rin si Irene kina Chelsea na mukhang hindi naman naging interesado dahil hindi ko nasabing kapatid ko siya. Baka ang akala niya ay babae ko lang.
Inalis ni Irene ang pagkakaakbay ko sa kanya. I saw in her eyes... Hurt. Damn it!
Matapos no'n ay pumunta na kami sa roof deck. May dalawang table ro'n. Isa para sa aming lalaki at isa para sa mga babae. Hinatid ko si Irene sa table ng mga babae kung nasaan si Jean.
"Ang akala ko ay bawal magdala ng babae?" Tanong niya sa akin.
Napansin ko naman na nahiya si Irene dahil sa sinabi ni Jean. Shit! Stop being shy all the time!
"Bakit ikaw? Hindi ka ba babae?" Tanong ko sa kanya. "She is my sister, Jean..." Pagpapakilala ko.
Umawang ang bibig nito sa pagkabigla. Napatingin siya kay Irene na ngayon ay nakangiti na.
"Hi... I'm Irene. Jude's half sister." She introduced herself.
Nagpakilala naman si Jean. Baka mamaya rin ay darating na sina Chelsea at may kasama na rin sila.
"You good here?" Tanong ko sa kanya kaya tumango siya. "Tawagin mo lang ako..." Itinuro ko ang table namin. Muli siyang tumango kaya pumunta na ako sa table namin.
Hindi lumilipas ang isang minuto nang hindi ko tinitignan si Irene na nakikipag-usap sa mga babaeng kasama niya.
"Ilang taon ka na, Led?" Tanong ni Ryde sa kanya.
Kinuha ko ang nakatagay na alak at ako ang uninom doon.
"18," sagot ni Led.
"Times 2!" Sigaw ko.
"Plus 20!" sigaw ni Jux.
"Ulol!" sigaw naman ni Ryde.
Humalakhak kami nang samaan niya kami ng tingin. Napansin ko ang mga masamang titig ni Jux kay Ryde. Napatikhim ako bago nakipagpalit ng pwesto kay Ryde. Sa una ay ayaw niya pero pumayag din.
"Kailan ka ba mag-aasawa, Led?" Tanong ni Light. "Gayahin mo ako... Kahit walang asawa, gwapo pa rin!"
"Pareho lang kayong matanda na..." Bulong ko.
Nasa kalagitnaan na kami ng pag-inom nang magsalita si Jux. Napatingin ako kay Ryde na hawak ang kanyang phone.
"Wala namang agawan!" Tumatawang sabi ni Jux. "Para ka namang mauubusan eh..."
"Jux..." Light shook his head.
Kung anu-ano pa ang sinabi nito pero nakatuon ang atensyon ni Ryde sa kanyang phone at paminsan-minsan ay nginingisian si Jux.
May gusto kasi ang girlfriend ni Jux kay Ryde na alam kong wala namang pakialam do'n. Isa lang naman ang mahal ni Ryde eh. Sa isang babaeng may mahal na iba. Sakit.
Napamura ako sa gulat nang hampasin niya ang lamesa. Mabilis naman na lumapit si Light para pakalmahin si Jux. Napailing na lang ako nang makitang nasa phone pa rin ang atensyon ni Ryde.
Tinulungan ko na ring pigilan si Jux na nagpupumiglas.
"I don't need your girlfriend, Jux... I am in love with someone else," walang ganang bulong ni Ryde.
Nagulat kami nang biglang sumulpot si Chelsea. Hinawakan nito sa Ryde at parang aso naman ang gago na nagpatianod. Napansin ko ang ngiti sa kanyang labi bago sila nakaalis.
Matapos ilayo ni Chelsea si Ryde ay pinakalma na namin si Jux na mukhang natauhan naman. Nag-sorry ito kay Led na naiiling na lang.
Napapikot ako nang umikot ang paningin ko. Damn! Mukhang nasobrahan ako. Napatingin ako kay Irene na nakatingin sa akin.
Nagpaalam na ako kay Led na aalis na dahil baka kapag nagtagal pa ako ay hindi na ako makauwi. Nakaakbay ako kay Irene na siyang umaalalay sa akin.
"Can you drive?" I asked her.
Mukhang hindi ko na kasi kayang magmaneho at baka maaksidente lang kami kapag ako pa ang nagmaneho. Mas lalo akong lagot kay dad. Wala na ngang allowance, baka pati sasakyan ko kunin niya pa.
"Y-Yes..." Pagkapasok ko sa gilid ng driver's seat ay umikot si Irene sa kabila.
Sumandal ako sa upuan para mapigilan ang hilo at baka marumihan ko pa ang sasakyan. Dad will surely scold at me for drinking too much! Agh! Sana lang ay hindi kami ipahamak ni Irene.
"Don't tell dad about this..." Bulong ko habang nakapikit.
"Y-Yes..."
"Can't you talk without stuttering? It's annoying..." I tried to open my eyes but I failed.
Ramdam ko ang hangin mula sa nakabukas na bintana na mas nakakadagdag sa antok na nararamdaman ko.
"Thank you for accepting me in your family..." I heard her, mumbled.
I nodded my head.
"Hindi ka ba babalik sa inyo?" Tanong ko. "Hindi naman sa ipinagtutulakan na kita... Pero I am honestly not comfortable when you are around."
Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. "I was suffocated that's why I chose to be here. Lagi silang nakabantay sa akin na animo'y may sakit ako na malapit ng mamatay..." I could see her melancholic smile again even my eyes were closed.
Para siyang bata na nagsusumbong sa akin dahil masyadong mahigpit ang mga magulang niya sa kanya.
"You really are sick, Irene... Bawal kang mapagod. Bawal ka sa mataong lugar. Bawak ka masyadong lumabas."
Damn, Jude! Stop saying insensitive words! I mentally scold myself.
"Yes. Pero ayokong mabuhay nang limitado dahil sa sakit na ito."
I opened my eyes. Mg vision was blurry so I struggle to look at her. She was not looking at me. Diretso ang tingin nito sa daan. I scrutinized what she's feeling just by looking at her. Limitation... She hates the limits she always has to put above.
"Gusto kong maranasan ang normal na buhay bago bumalik... I'm sorry pero hindi pa ako maaaring bumalik."
"You can't have a normal life when your shadow has a curse. Susundan ka nito kahit saan ka pumunta... You chose the wrong way, Irene. Do not escape from reality..."
Napatingin siya sa akin pero panandalian lang. Halata ang pagkagulo sa kanyang mata.
"I felt discouraged with those words..." She laughed.
She smiled again.... A melancholic smile!
"I hate you..." I mumbled. No... That's not what I meant to say. What I meant was her smile!
"I know... But I will still be selfish enough to use you as a reason of staying here... Ayokong umuwi. Ayokong makulong muli sa kwarto ko."
Tamad na ipinikit ko na lang muli ang mga mata ko. Ayokong makita ang malungkot niyang ngiti.
"When will I see a genuine smile from you?" I asked under my breath.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro