Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 8

Kabanata 8: Life

"Then... Mix it," Irene mumbled.

Pinanuod ko siyang paghaluhaluin ang mga sangkap na hinanda niya para sa pag-bake ng cookies. Napatingin ako sa maputi niyang kamay. Masyadong mahinhin ang paggalaw ng mga iyon.

"Why cookies?" I asked. "I mean... Out of all... You know?" I couldn't help but to be curious too about that.

Sumandal ako sa lababo at nakaharap sa kanya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at inabot 'yon sa kanya. Medyo pawis na kasi siya.

Huminto siya sa paghalo para punasan ang kanyang noo. I watched her while waiting for the response.

"Why not? I love cookies and I think... so as you, right?"

I shook my head. "I'm not into cookies honestly."

Mabilis na naglaho ang ngiti sa kanyang labi at natigilan siya sa sinabi ko. Napatikhim naman ako. Mukhang may iba na namang ideya ang pumasok sa kanya.

"But I think..." I gulped. "I'm starting to like it." I grinned, tensed.

"It's okay, Jude. Hindi mo naman kailangang tanggapin lahat ng inaalok sa 'yo."

Pinagpatuloy niya ang paghalo sa bowl. Kumunot ang noo ko nang mapansin na naging mabigat ang paghalo niya roon. Mukhang nabago ko ang mood niya.

"But anything that comes from you..." I gasped for air. "I like it. Everything about you, Irene."

She looked at me. Napangiti ako nang makitang ngumiti na rin siya. She is already an angel with her usual face but damn even more than that when she smiles. She could light up moods when she does that... I am included, I won't deny it.

"Paki-abot na lang 'yung tray," turo niya sa likod ko.

Ibinigay ko 'yon sa kanya.

Napatingin ako kay Aara na kakapasok lang ng kusina. Hindi niya kami nilingon. Dumiretso siya sa ref at kumuha ng tubig do'n at uminom.

Matapos niyang uminom ay mabilis na umalis din siya. Natulala na lang ako sa bungad ng kusina kung saan siya lumabas.

"8 to 10 minutes..."

Napatingin akong muli kay Irene na nag-aalis na ng apron. Nanatili ang ngiti sa kanyang labi. Wala sa sariling napangiti na lang din ako.

I hope you will have the same smile when you are no longer with me or even when you are already with someone else.

"Coffee?" Irene offered.

I nodded my head. Inabot niya sa akin ang kapeng itinimpla niya bago siya umupo. Nanatili akong nakasandal sa lababo at nakatingin sa kanya.

She gently took a sip from her coffee.

"Wait... May kukunin lang ako ah?" Pagpapaalam ko. "Sandali lang. Ipaghanda mo na ako ah?" Nginuso ko ang mga nasa oven.

She chuckled with her head nodding gently.

Ipinatong ko sa lababo ang tasa ng kape bago lumabas. Sa halip na sa kwarto ang bagsak ko ay dumiretso ako sa likod ng bahay namin.

Naabutan kong nakaupo sa bench si Aara, hawak ang kanyang sketch pad. Nakayuko ito kaya hindi niya ako napansin. Seryoso ito sa kanyang ginagawa.

I couldn't help but to stare at her. Inayos niya ang kumawalang buhok sa kanyang tainga. I took my phone out of my pocket. Kinunan ko siya ng picture.

I kept my phone again before I approached her. Mabilis na umangat ang tingin niya nang maramdaman ang presensya ko.

"H-Hey..." She greeted me, tensed.

"What's that?" Sinubukan kong sulyapan ang kanyang ginagawa pero inilayo niya agad 'yon.

"Just a flower. Come on, Jude! Don't interrupt me!"

I sat beside her.

Dumapo ang tingin ko sa kanyang phone. Kumunot ang noo ko nang mapansin doon ang picture naming dalawa ni Irene. We were both smiling at each other.

"Ginuguhit mo kami?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Irene and I?"

Hindi siya kumibo. Muli siyang bumalik sa pagguhit. Namilog ang mata ko nang makitang tama nga ako, kami ni Irene ang kanyang ginuguhit.

Napalunok ako sa nakita ko. Imbes na matuwa ay bumigat ang nararamdaman ko. Hindi ko rin maramdaman na masaya siya sa ginagawa niya.

"Stop right there, Aara..." I tried to stop her but she didn't.

"Look at yourself, Jude. Your smile was priceless... Out of this world."

Napansin ko na medyo nag-iba ang paggalaw ng kanyang kamay at medyo namamali ang guhit niya. Kumuyom ang kamao ko.

"Shit..." She softly cursed. Mabilis na binura niya nang lumiko ang lapis. "Don't give me that stare, I am getting goosebumps."

"Aara..." I put my arms on her shoulder but she flinched it.

Bahagya siyang dumistansya sa akin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa ginawa niya. Hindi pa rin niya ako nililingon.

Her eyes still remained on the sketch pad but I knew her attention was not there. I am hurting her again.

"I wish I could also see you smile that way while staring at me," she murmured. "Damn..."

Parang kinurot ang dibdib ko nang tumingin siya sa akin. Walang luha sa kanyang mata pero sobrang lungkot no'n.

"Malapit na. Just give me more time, please."

"Gusto kong tapatin mo ako, Jude..." Lumunok siya bago ngumiti. "Gusto mo pa bang ituloy natin ito?"

Napanganga ako sa tanong niya.

"I made a promise to you!"

Natawa siya sa isinagot ko. Itinupi na niya ang sketch pad na hawak niya at maging ang kanyang phone. She was ready to leave.

"I love you, Jude..." bulong niya habang nakayuko.

"Aara---"

"Ssshhh..." Idinikit niya ang kamay niya sa labi ko bago umiling. "That's not a question so I don't need a response."

I pulled her closer to me and encaged her with my arms. Hinagod ko ang kanyang likod at ang kanyang buhok.

"I am going to marry you... Calm down. You have me no matter what happens."

She pushed me away. Nakita ko ang galit sa kanyang mga mata. Inayos niya ang kanyang buhok bago tumayo.

"Of course, Jude. You will marry me. Why?" She laughed. "Because you can't marry your sister."

Napanganga ako sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako nang mabilis na siyang pumasok muli sa loob. Naiwan akong tulala.

I shook my head. Ano bang sinasabi niya?

Pagkabalik ko sa kusina ay palabas na sana si Irene. Natigilan siya nang makita ako. Bitbit na niya ang tray na may cookies.

"Cookies?" She offered. "Mas masarap 'to habang mainit."

I nodded my head. Pinagsaluhan namin ang cookies na binake niya. Nagkukwento siya kung paano niya natutunan 'yon ngunit hindi ko siya mabigyan pansin. I was just nodding my head.

My mind was filled with looming clouds of guilt. In the process of making Irene happy, Aara was hurting.

Maybe Ryde was right... I have to choose.

Habang palapit nang palapit ang graduation namin ay mas gumugulo ang isipan ko.

"Damn! Focus on your shit, Judeus!" Ryde kicked me. Saka ko lang napansin na hindi pala ako kumikilos sa nilalaro namin.

Napapikit ako sa inis nang mamatay ang character ko at hindi nagtagal ay ang kay Ryde na naman. Binitawan ko ang joy stick bago humiga sa kama niya.

"Mr. Confused!" Hinambalos ako ni Ryde ng unan sa mukha. "Hindi ka naman gwapo pero pinag-aagawan ka ng mga babae."

"Ulol! Sa akin mo nakuha ang pinagmamalaki mong mukha!"

"Baliw. Ba't ka nga pala andito?" Natawa ako sa tanong niya. Kanina pa kami naglalaro pero ngayon niya lang na tanong.

"What to do?" I asked out of nowhere. "Do I really have to choose?"

Humiga rin siya sa tabi ko at sabay kaming tumulala sa kisame.

"Kung hindi ka makapili, sila ang pipili para sa 'yo. What do you think?" Humarap siya sa akin na malawak ang ngisi.

Kumunot naman ang noo ko dahil nalabuan ako sa sinabi niya.

"I don't get it."

"They won't bear the pain longer for an ass like you, Jude." Tinawanan niya ako. "It is either Aara would give up on you or Irene would give way. Either of the two... Still, At the end,  one of them would be hurt. That's life, right, Judeus 'The Confused Guy' Clavez?"

Wala sa sariling napatango ako. Bigla kong naisip ang mga naging usapan namin ni Aara nung isang araw. Pinanghahawakan niya ang mga pangakong binitawan ko, siya ang humahawak sa akin... Kung gugustuhin niya ay siya rin ang may kayang bumitaw. But... I won't let that. I know. I can't let go of her.

Naramdaman kong gumalaw ang kama. Umupo si Ryde habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

"Hindi rin kasi kita maintindihan. Why do have to make your sister happy? I mean... Is it really necessary?"

"That's how a brother should do to his sister, right?"

"Ain't it enough that you accepted her?"

Napabuntong-hininga ako. "Because she is a dream come true to me."

"Whoa. That's deep, bruh." Humalakhak siya. "It cringes that shit out of me."

Napailing na lang ako habang nakangiti.

"I always wanted to have a sister. Someone I can call sister... Someone I can protect from any harm. Kung alam mo lang kung paano ko binulabog sina mommy at daddy sa gabi dati para lang mangulit na bigyan ako ng kapatid," natatawa kong sabi.

Naiingit ako dati kapag nakikita ang mga kaklase ko na kasama ang kanilang kapatid. Kahit na marami akong kaibigan ay iba pa rin ang pakiramdam ang kapatid mo. Pero habang tumatagal ay natatanggap ko na.... Hanggang sa nataggap ko na talaga na ako lang ang nag-iisang anak nila mommy at daddy.

"But when Irene appeared... Kulang na lang ay itakwil mo siya."

"That happens when you already stopped hoping for something then it suddenly appears... I was shocked. It felt surreal. You know? Darating siya kung kailan hindi mo na kailangan."

Natawa ako nang makita ang masaya niyang mukha. Parang alam ko na kung ano ang iniisip niya.

"That also happened to me," he grinned. "But hope never faded. It just gotten thin. Hope don't just fade like that, Jude."

"Noted, Mr. Leibniz."

"I have to tell you something. It will help you when you think life is cheating on you."

"Then?" I furrowed my eyebrows. "Tell me something I should keep to myself, Ryde." I grinned.

He cleared his throat.

"That is life! Hear me? That is fucking life!" Humalakhak kami matapos niyang sabihin 'yon.

Natigilan kami sa paghalakhak nang may kumatok sa pinto.

"Ryde?" Napatayo si Ryde nang marinig kung sino ang nasa labas.

Pinanuod ko siya kung paano siya matarantang tumingin sa salamin para ayusin ang kanyang buhok.

"Pabango, Ryde..." sabi ko. Napatango naman siya at mabilis na nag-spray ng pabango.

"Leibniz?" Muling tawag ni Chelsea sa labas.

"Coming, Love!" Mabilis na pinagbuksan ni Ryde si Chelsea na nakakunot ang noo.

"Hi, Love!" bati ko kay Chelsea. Sinamaan ako ng tingin ni Ryde. "Chelsea pala. Akala ko Love pangalan mo."

"Busy ata kayo?" tanong ni Chelsea.

"Actually, paalis na si Jude..." Nakangiting sabi ni Ryde. "Hindi ba, Jude?"

Umiling ako habang nakatingin. "Hindi," sagot ko.

"Hindi ka pa ba aalis, Jude? Na-install ko na ang NBA sa phone ko."

"Oo nga pala. Aalis na ako," mabilis na bumangon ako sa kama at tumayo. "Bukas ah? Share mo sa akin."

Mabilis na lumabas ako ng kwarto nila at siya namang pagsara ni Ryde sa pinto.

Nakayukong naglalakad ako habang iniisip ang gagawin. Pagkauwi ko sa bahay ay si Aara ang bumungad sa akin.

"Jude!" Kumunot ang noo ko dahil sa pagsigaw niya. "N-Nakauwi ka na pala? Akala ko gagabihin ka?" Natataranta niyang tanong.

Umupo ako sa couch sa salas at binuksan ang TV. Nilipat-lipat ko ang channel pero wala akong makitang magandang panuorin.

"You seem tired, Jude. Malapit naman na graduation mo. You can chill... Sleep?"

I looked her, she looked pale and nervous at the same time. I started to doubt there is something wrong.

"You okay?" I asked, suspiciously.

"Yes."

I nodded my head. "Where is Irene?"

Napaiwas siya ng tingin. "Nasa kwarto niya. She just got in. Nagpaaalam na maliligo."

Tumango ako bago tumayo. "Where are you going?"

"Maliligo lang," pagpapaalam ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay mabilis na kumuha ako ng damit at pumasok sa bathroom. Hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung bakit gano'n ang reaksyon ni Aara.

She seemed tensed.

Nakatapos akong maligo pero nagdududa pa rin ako sa mga sagot ni Aara. Habang nagsusuklay ako ay natigilan ako.

Sa umaga naliligo si Irene. Hindi ko pa siya naabutang basa ang buhok sa tanghali o hapon.

Mabilis na lumabas ako ng kwarto at halos mapamura nang tumambad sa akin si Aara na may kausap sa phone.

Mabilis na ibinaba niya ang kanyang phone. "Where is Irene?"

"Nasa kwarto---"

Mabilis na naglakad ako papasok sa kwarto ni Irene. Wala akong naabutan na tao ro'n, kahit na sa loob ng CR.

Napapikit ako sa inis. Huminga ako nang malalim bago hinarap si Aara na halatang natatakot na sa akin.

"I didn't know you are no longer that good when it comes on lying, Aara," I chuckled as I brushed my hair in frustration. "Now. Where is Irene?"

I looked at her, she avoided my gaze.

"I am going to ask this once... What did you do to Irene?"

"You think I killed her?" Her eyes became wattery.

I shook my head. "No, please. J-Just answer my fucking question."

She looked straight into my eyes, I could see how afraid she was to answer.

"Wala na kasing laman 'yung sketch pad ko---"

"Saan mo siya inutusan?"

"I don't know. Hindi naman niya sinasabi sa akin kung saan siya pumupunta kapag bumibili siya."

Natawa ako sa isinagot niya. "Hindi ito ang unang beses na inutusan mo siya."

Mabilis na nilagpasan ko siya at muling pumunta sa kwarto ko para kunin ang susi ng sasakyan.

"May problema ba?" Tanong ni Aling Soreng nang maabutan ko siya sa kusina.

Pumunta ako sa ref para uminom ng tubig.

"Hindi ko inakalang babaliin niyo na naman po ang bilin ko, Aling Soreng."

Kumunot ang noo niya. "Ano'ng sinasabi mo?"

Napailing na lang ako bago lumabas ng bahay. Naabutan kong nakatayo sa gilid ng sasakyan ko si Aara.

"You can't come with me." Pinatunog ko na ang sasakyan kaya mabilis siyang nakapasok.

Napailing na lang ako.

"I'm sorry, Jude..."

Hindi ko siya pinansin hanggang sa makalabas kami ng subdivision. Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa manibela ng sasakyan.

"I can't believe it, Aara. Ang akala ko ay nagkaintindihan na tayo."

"Should I explain myself?"

"Keep it to yourself, Aara. Huwag mo nang dagdagan ang inis na nararamdaman ko."

"That hurts..."

"It will hurt even more when something bad happens to my sister."

Fuck, Jude... Stop yourself.

"I'm sorry for that..." I mumbled. "I-I'm just frustrated."

"It's okay. I understand. Well. Your sister is involved."

Napapikit ako sa inis. Sinasabi ko na nga bang hindi dapat siya sumama.

Napatingin kami sa isang babae na nasa labas ng isang store. May hawak itong plastic sa kanyang isang kamay at sa isa naman ay may hawak siyang ice cream.

Hininto ko ang sasakyan sa harapan niya. Ibinaba ko ang bintana. Nanlaki ang mata niya nang makita ako.

"Jude! Ba't andito ka?" tanong niya.

"Ikaw? Ba't nasa labas ka? Pasok." Naglakad siya papunta sa likod ng sasakyan at nang hahawak na niya ang pinto ay pinigilan ko siya. "Beside me..."

Natigilan si Irene at napatingin naman sa akin si Aara na katabi ko. Dumiretso ako ng tingin habang naghihintay kung sino sa dalawa ang unang kikilos.

"Dito ka na..." Lumabas ng sasakyan si Aara at lumipat sa likod. Pumalit sa kanya si Irene.

Mabilis na umalis kami ro'n nang makasakay na sila. Nagmaneho na ako pabalik.

"Who said you can go out?"

"I just bought sketch pad for Aara. She promised to do a sketch of me."

Tumingin ako sa rear-view mirror. Nagkasalubong ang mga tingin namin ni Aara.

"If you want I could whole-heartedly dedicate every page of that sketch pad for you, Irene..." Aara said.

I shook my head in disbelief. Bakit ba niya ginagawa sa akin ito?

"Jude... Don't get mad at her, please," bulong ni Irene.

"I am not mad at her." I gave her a look. "You just made me so damn nervous. Don't do it again..."

"I won't..." Si Aara ang sumagot.

Hinila ko si Irene palapit sa akin at inakbayan siya gamit ang isa kong kamay habang nakatingin sa rear-view mirror kung saan nakatitig kami ni Aara sa isa't-isa. Mabilis na umiwas siya ng tingin.

"Jude... I'm sorry," Irene mumbled.

"No need for sorry, Irene..." Huminga ako nang malalim bago inalis ang pagkakaakbay sa kanya at itinuon ang buong atensyon sa pagmamaneho. "Galit ako sa sarili ko."

"J-Jude..."

"Ginagawa ko ang lahat para maprotektahan ka, Irene..." Bulong ko habang nakatingin sa daan. "Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa 'yo habang nandito ka."

"W-What do you mean, Jude?"

"Alam mong gagawin ko ang lahat para sa ikabubuti mo..."

"Jude..."

"Alam mong dalawa lang ang pagpipilian, Irene. I already made my decision. I chose you to be here. Please... Don't make me choose again."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance