Kabanata 7
Kabanata 7: Sketch
"Nice..." I murmured.
Pinagmasdan ko ang lugar na sinasabi ni Ryde. Napatango na lang ako dahil malawak at tamang-tama para sa business na matagal na niyang binabalak.
Kalalabas lang namin sa school at dito agad kami pumunta para ipakita niya sa akin ang lugar na ito. I suddenly felt melancholic because I can't be with him anymore just like what I've promised. My future plans suddenly messed up.
"Yume..." he said.
"Stand for Yummy and Me," I grinned.
"Gago. Akala ko ba kasi business partner na tayo?" tanong niya. "Nang-iiwan ka bigla sa ere e."
Napaiwas ako ng tingin. I looked again outside the window. Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ko.
"May iba na kasi akong plano..." bulong ko. "And... I know you can do it alone."
"What's going on, bro? You seemed lost. You okay?"
I nodded my head without looking at him. I hate to admit that my plans had been ruined when she came in.
Inalis ko ang ilang butones sa itaas ng polo shirt ko nang maramdaman ang init. Tumingin ako kay Ryde na nakakunot ang kilay.
"Seriously, Judeus? I am all ears for that. Come on..."
I gulped hard as I grasped for words. Ibinaba ko ang bintana ng sasakyan para may pumasok na hangin. Nanatiling nakasunod ang tingin sa akin si Ryde.
"I hate waiting..." Tamad na sabi ni Ryde. "Spill it out."
Sumandal ako sa upuan bago nagpakawala ng isang mabigat na hininga.
"I don't know, Ryde. You are right. I am lost," I admitted.
"Is it about your fiancé?" He started to ask. "Are you pressured?"
I remained silent but I nodded my head gently. I hate to admit that! Pakiramdam ko ay nahihiya ako sa sarili ko.
"You are pressured?"
"Hindi naman ako ganito dati. I already accepted it. Planado ko na lahat."
"Irene..."
Napatingin ako sa kanya nang marinig ang pangalan na 'yon. Hindi siya nakatingin sa akin. Nanatiling diretso ang kanyang ulo.
"Irene?" I asked, confused.
"You've been escaping with her every night..." He grinned. "I know... Jude."
"Stalker!"
"Gago. Hindi ka babae para i-stalk ko!" singhal niya.
"Paano mo nalaman?"
"Nakita ko lang kayo minsan sa night market. I was there... I saw how worried you were when she got suffocated. I saw how frustrated you were. I saw how much you cared for her..." He looked straight into my eyes "I saw it all, Jude." Then, he gave me a smile.
Natahimik ako dahil sa sinabi niya. Naalala ko na naman ang gabing naging pabaya ako sa kanya. I didn't know he was there but it was not surprising at all.
"Then?" I asked.
He shrugged his shoulders. "Maybe you made a promise to her. Are you doing her a favor?"
Tumango ako. "She is my sister, Ryde. I want her to be happy. I want her to experience things she never felt before."
"And that's what made you confused..." Tumawa siya nang mahina. "Alam mo kung ano ang mali mo?"
I shook my head.
"You planned a future where Irene was not a part. Hindi mo inakalang darating siya. Now that she came... You messed up everything."
That's it! I didn't see it coming. Hindi ko inakalang darating siya sa buhay ko. Damn it! I was not prepared.
"What to do?"
"Choose..."
"What?"
"You are torn between the two promises you made, Numbnuts!" He glowered. "The happiness you promised to Irene and the marriage you promised to Aara."
"Fuck!" I brushed my hair in frustration. "This is insane!" I laughed a bit.
Ryde laughed with a bit of mocking with it. I glared at him that made him burst out into laughter even more.
"You are not helping!" I shouted at him.
"But I enlightened you, Mr. Clavez. Choose... You have to choose." Hinawakan niya ang balikat ko at iniharap sa kanya. "If I were you, I would choose to stop the wedding."
Kumunot ang noo ko bago hinawi ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit hindi nagpatinag ang seryoso niyang tingin.
"I-I can't..."
"Do you still love her? Or is it just your ego?"
A bulge of flashback started to play inside my head. When I saw the pain in her eyes... When I saw when she was hurt... I was hurting too. Everytime we are having arguments... I always put myself in limit. I don't want to hurt her feelings.
"You suck! Don't marry someone you don't love!"
"Do not tell me what to do!"
"That was my opinion! I don't like Aara for you though..."
Tumalim ang tingin ko kay Ryde na nakangisi. "I don't need your opinion, Mr. Leibniz," I said.
I shook my head.
He gave me a mocking smile. "But good choice. She seem good in bed."
Hindi ko napigilan ang sarili kong hablutin ang kwelyo ng kanyang polo. He was not bothered and his mocking smile has gotten wide.
"Do not insult her in front of me..." I whispered. "Don't you dare."
"Damn... You still have feelings for her." Humalakhak siya. "You are doomed!"
Nabitawan ko ang pagkakahawak ko sa kwelyo niya nang maintindihan kung bakit niya sinabi 'yon. Mabilis na hinablot ko ang bag ko at binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan.
"Fuck you!"
Pagkalabas ko ng sasakyan niya ay umalingawngaw ang kanyang halakhak. Mas binilisan ko ang paglalakad. Narinig ko ang pagbusina niya ngunit hindi na ako nag-abalang lumingon pa.
Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin. Habang nasa sasakyan ako ay hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi ni Ryde.
Do I really have to choose? I can marry Aara when I am already done with Irene. But... I know it will not be that easy. Ngayon pa nga lang ay may nasasaktan na ako.
"Hey!" Salubong sa akin ni Irene pagkapasok ko ng bahay. "How was school?" she asked.
I put my bag on the sofa and went in the kitchen. I could feel Irene following me. Uminom ako ng tubig sa ref bago humarap sa kanya.
"I baked you some cookies again!" she said, thrilled. Kinuha niya ang isang tray na may naglalaman na cookies at inabot sa akin. "Hope you like it again."
Kumuha ako ng isa at kumagat doon. Namilog ang mata ni Irene habang naghihintay ng reaction mula sa akin.
"Where is Aara?" I asked.
Mabilis na naglaho ang malawak na ngiti sa kanyang labi. Ipinatong ko ang tray sa lamesa habang naghihintay ng sagot sa kanya.
"Ayos lang ba ang lasa?"
"Good," I answered. "Umalis na naman si Aara?"
She shook her head. "Nasa kwarto. Hindi pa nga ata siya nag-lunch eh."
Napatingin ako kay Aling Soreng na kakapasok lang din. May dala itong tray na may pagkain. Lumamig na ang sabaw doon at halatang kanina pa nakahain.
"Hindi ka pa rin ba pinagbuksan, Ate?" Tanong sa kanya ni Irene habang tinutulungan siya sa pagbitbit.
Napabuntong-hininga na lang si Aling Soreng bago umiling.
"Hindi na nga nag-almusal, hindi pa rin nananghalian."
Mabilis na lumabas ako ng kusina at dumiretso sa kwarto ni Aara. I knocked three times but there was no response. Mas binigatan ko ang pagkatok sa pinto nung mga sumunod.
"I am not hungry!" Aara screamed from inside. "Come on! Do not disturb me please!"
"It's me..." I said.
Tumahimik siya at mayamaya'y pinagbuksan ako ng pinto. Namilog ang kanyang mata habang nakatingin sa akin. Bagong ligo lang siya base sa basa niyang buhok. Mabilis na nahagip ng mata ko ang pen na hawak niya.
What was she doing?
"You just got home? Kumain ka na?" Pamungad na tanong niya.
Tumamad ang tingin ko sa kanya. "Hindi ka pa raw kumakain magsimula kaninang umaga."
Napatingin siya kay Irene na nasa tabi ko bago umikot ang kanyang mga mata.
"I baked some cookies, gusto mo?" tanong sa kanya ni Irene.
"No thanks, Ms. Good Girl."
"Let's eat..." I said to her. "That's not a request, Miss Aara Limpio."
Ngumiwi ang kanyang labi ngunit wala siyang nagawa. Pumasok siya sandali sa loob at lumabas din agad. Sabay kaming pumunta sa kusina.
"Sumabay ka na rin sa amin..." aya ko kay Irene.
Silang dalawa ni Aara ang naghain sa mesa dahil umalis si Aling Soreng para mamalengke. Nakita ko ang pag-uunahan nila sa pag-aayos.
"Ako na, umupo ka na..." sabi ni Irene kay Aara.
"You've been working since you woke up this morning, Ms. Good Girl. I wouldn't really mind seeing you seating and doing nothing."
Napayuko ako para itago ang bahagya kong pagtawa lalo na nung umikot ang mga mata ni Aara.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang tumayo si Irene at kinuha muli ang mga cookies na binake niya at inilagay 'yon sa harapan namin.
"Ugh! Here we go again..." Aara mumbled.
"Gusto niyo bang initin ko?" Hindi ko maiwasang mapatitig sa mga inosenteng mata ni Irene.
"Ano ba'ng meron sa mga cookies na 'yan bukod sa luto mo? Lagi mong binibida e."
I gulped water before eating some cookies. Aara watched me as I chewed it slowly then swallowed it.
"Masarap ba ang cookies ko?" tanong ni Irene.
"What the shit?" Napatingin kami kay Aara nang humalakhak ito. "Seriously, Irene?"
Lumobo ang pisngi ko dahil sa pagpigil na matawa. Halata namang naguguluhan si Irene sa nangyayari.
"What? I want some feedback so I can improve!"
"Ow... You didn't get it, did you?" Aara rolled her eyes. Kumuha rin siya ng cookies at pinagmasdan 'yon. "Irene's cookies..." Natatawa niyang sabi.
"Eat it, Aara..." I smirked at her.
"You are so dirty, Judeus." She mocked me.
"What?" Natatawa kong tanong.
I looked at Irene who was currently wondering what was happening. I wanted to laugh again but I stopped myself. Why does she has to be this innocent when it comes to things like this?
"Tikman mo na ang cookies ko..." pagpupumilit sa kanya ni Irene nang nanatiling hawak lang 'yon ni Aara.
"Drop the 'ko', Irene. It doesn't sound good."
"Huh?"
"Nothing, Miss Good Girl," Aara said. She took a bit of cookies and chewed it suspiciously.
I couldn't stop but to look at them. Nasa kanan akong bahagi ng table habang silang dalawa ay nasa harapan ko at magkatabi.
"How was it?" Irene asked, still thrilled. "Can you describe its taste?"
"Binili mo lang ba ito sa store?" Aara asked her. "Oh well... It tastes cookies naman."
Napatango naman si Irene. A sudden idea pop out in my mind. Napangisi ako habang nakatingin kina Irene at Aara na nagtutulong sa paghuhugas ng mga pinagkainan.
"Wait..." Irene stopped Aara when she was about to get the plate. "Una ang baso tapos kutsara tapos tinidor..."
"Share mo lang?" Pagsusungit sa kanya ni Aara.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa. Kahit na hindi sila magkasundo ay hindi naman sila nagkakasakitan. I am looking forward for more improvement. Sana ay magkasundo rin sila.
"Movie marathon?" I asked them when they already finished the dishes.
"Sure!" Si Irene ang agad na sumang-ayon. "I'd love that!"
Napatingin ako kay Aara. "I'm in too. Sa kwarto ko..."
Nagkasundo kami na mag-movie marathon sa kwarto ni Aara. Pumunta muna sa kusina sina Aara at Irene para magluto ng pop corn habang ako naman ay pumunta sa kwarto ko para kunin ang flash drive.
Naabutan kong umiilaw ang phone ko kaya kinuha ko ito sa taas ng lamesa.
One message from Ryde.
"There is another choice for you... You don't have to choose anymore, Jude. Just wait..."
Kumunot ang noo ko nang wala akong maintindihan sa sinabi niya. Ibinulsa ko ang phone ko bago lumabas.
Napamura ako nang makita sina Aara at Irene na pinagtutulungang buhatin ang isang bowl na may pop corn.
"Ako na lang kasi!" singhal ni Aara.
"Masyado bang mabigat? Do you need my help, girls?" I asked them.
Pagkapasok namin sa kwarto ay pumunta na silang dalawa sa kama. Lumapit naman ako sa TV para ilagay ang flashdrive.
I took a glimpse of them. They were both looking at each other and I could even see the invisible looming clouds between them.
I like how Irene behaves now. Medyo hindi niya na rin hinahayaan na basta na lang siyang tapakan ni Aara. Pero minsan ay nasa gitna ng mga salita ang panlalait ni Aara na hindi napapansin ni Irene.
Mabilis na kinuha ko ang remote control ng TV at pumagitna sa kanilang dalawa. Kinuha ko ang bowl na pop corn at ako ang humawak no'n.
"Can someone turn the lights off?" Pagpaparinig ni Aara.
Tumayo naman si Irene para patayin ang ilaw. Mabilis na bumalik din siya sa tabi namin pagkatapos.
"Genre?" I asked.
"Horror!" They both said in unison.
I gulped hard. "Horror is boring. How about action?"
"Oh, I remember! Jude is not into horror movies!" Mahinang tumawa si Aara. "It is either hindi siya makakapunta sa CR or hindi siya makakatulog."
Sinamaan ko ng tingin si Aara. Nagkibit-balikat lang ito bago muling kumuha sa bowl na hawak ko at kumain.
"I didn't know you are afraid of horror movies, Jude," Irene mumbled.
"That was a long time ago! Iba na ngayon!" Did I sound defensive? I hope not.
I clicked the horror genre. Si Aara ang pumili ng movie at ang palabas na napili niya ay Lights Out. I had no idea about the movie.
"Napanuod ko na 'yan eh..." bulong ni Irene. "Can we choose another movie?"
"I haven't watched it..." I said. "It sounds interesting."
"Me too..." Pagsang-ayon ni Aara.
"Mamamatay ang---"
"TV kapag hindi mo itinikom ang bibig mo..." putol ni Aara kay Irene.
Sumiksik sa akin si Aara habang si Irene naman ay may malaking puwang sa pagitan namin. She was hugging a pillow while eyes on the movie.
Muli kong binalingan ng tingin ang movie na pinapanuod namin. Napatingin ako sa wall clock. It's already 6 in the evening.
Mabilis na inalis ko ang tingin ko sa TV nang mamatay ang ilaw sa pinapanuod namin hudyat na may mangyayari na. Damn! The sound effect was even thrilling than the ghosts.
"Takot ka pa rin..." bulong ni Aara na nakatingin pala sa akin. "You are cute though."
Hinubad ko ang damit ko nang pagpawisan. Yumakap sa akin si Aara matapos no'n. Napatingin ako kay Irene na nakatutok ang tingin sa TV ngunit bakas na ang antok sa kanyang mata.
Sumandal sa akin si Aara. Nanatiling nakayakap siya sa katawan ko. Nakahilig naman ako sa headboard ng kama.
"Bakit 'di ka kumain kanina?" pabulong na tanong ko kay Aara.
"I was doing something important..." she whispered without looking at me. She remained her eyes watching the movie.
Umayos ako ng upo nang hindi naalis ang braso sa akin ni Aara.
Medyo madilim ang kwarto dahil bukod sa nakapatay ang mga ilaw ay nakasarado rin ang mga bintana.
"Important than your health?" I asked, sarcastically.
"Do not talk to me, Jude. I am watching..."
Napailing na lang ako. Tumingin ako kay Irene na bagsak na ang mga talukap ng mata. Inilayo ko muna si Aara sa akin para ayusin ang pagkakahiga ni Irene.
"She fell asleep that quick... Is it because of her condition?" Aara asked.
Muli siyang yumakap sa hubad kong katawan nang matapos ko ng maiayos ang pagkakahiga ni Irene.
"No, Aara. Wala siyang sakit. Kailangan lang niyang limitahan ang kanyang mga kilos kasi mabilis siyang mapagod o hingalin. Pero wala siyang sakit..."
"Really?" Sinalubong ko ang kanyang tingin. "Pero ba't gusto niya pa ring magpagod?"
"She maybe wants to live her life without any hindrance. She doesn't want people to pitty her like what you always do..."
Napaigtad ako nang makiliti ako sa pagkakayakap ni Aara.
"I am not the one who pitty her... It is you."
Kumunot ang noo ko. "I don't pitty her."
"Lagi mo siyang nilalabas sa gabi. Hindi mo siya pinapayagang lumabas ng bahay tuwing may sikat ang araw. You pitty her silently..."
"Shut up, Aara. That's not it..."
"Well that's what I see..." She chuckled.
After that, silence took over us. Bakit gano'n ang labas ng ginagawa ko? Gusto ko lang naman na mapasaya si Irene. If Aara sees it like that, I hope Irene doesn't see it that way.
Naramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap sa akin ni Aara at ang bahagya niyang pagdausdos pababa. Saka ko lang napansin na nakapikit na rin pala ang mata niya.
"Look who's talking..." I mumbled.
Inalalayan ko siyang makahiga. Tumayo ako at pinatay ang TV at binuksan ang ilaw. Lumapit akong muli sa kanila at inayos ang kanilang pwesto.
Pinagmasdan ko ang mga maaamo nilang mukha. I took my phone out of my pocket. I clicked the camera. Kinunan ko sila ng picture.
Napangiti ako sa kuha ko.
Napansin ko ang pen na hawak kanina ni Aara. Nasa lapag na ito. Mukhang nahulog mula sa table.
Pinulot ko 'yon at ibinalik sa lamesa. Naagaw ng tingin ko ang isang sketch pad na nakapatong din do'n. Alam kong mahilig siya sa mga ganito.
Kinuha ko ito at pinagmasdan. Mga sketches ni Aara. She really loves to draw things. Halos bulaklak at mga damit ang drawing niya at ang laman ng sketch pad na iyon. May mga note pa sa pinakataas.
Nalibang ako sa mga guhit niya na hindi ko namalayan na nasa bandang dulo na pala ako ng pages.
Pinagmasdan ko ang isang kasuotan ng lalaki. Pangkasal 'yon. Wala sa sariling napangiti ako nang mabasa ang note sa pinakataas.
"I can already picture you wearing this... You asked me to wait... I am still waiting."
It was for me...
I turned to the next page.
Napatitig ako sa sketch niya. It was a wedding gown. Maraming design at hindi ko maiwasang purihin ang pagkakaguhit niya rito.
I read the note at the top of the sketch.
"I can't wait to wear this while walking down the aisle with you waiting at the altar..."
I took my phone again from my pocket. Kinunan ko ng litrato ang mga guhit niya.
Nilipat ko ulit ang pages. Walang nakaguhit do'n. Malinis ang buong paligid ngunit may napakaliit na sulat sa bandang dulo ng pahina.
Binasa ko ang sulat niya roon.
"May hinihintay pa kaya ako?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro