Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

Kabanata 6: Enraged

Her eyes were confused and I could even see how fuzzy was her thoughts were. She heard us and denying was futile.

"What's with the celebration later?!"

"Fuck! Lower your voice, please." I tried to cover her mouth with my hand but she flinched her head.

I could feel my energy draining rapidly. Hindi pa pwedeng malaman nila mommy at daddy ang tungkol dito. Just by thinking how would they react and how would they become a hindrance was making me more languid.

"Why?" Her brows arched. "Oh! You want it be a secret!" she snapped her fingers.

I grabbed her arms and pulled her closer to me. She gasped because of that. I glued my eyes at her.

"She needs me, Aara. You know what life she has. It was unfair and I am just doing this for her sake."

"Because she is vulnerable like a glass at the egde of the cliff?" she asked in a low voice.

I nodded my head gently.

"But anyone that falls down will crash. No one is indestructible once fallen down the cliff."

Hinabol ko ang hinanga ko. I hate how she flinched my reason then turned it into a futile one.

"Come on, Aara. You have me for the rest of your life," I said straight into her eyes. "While she has me for temporary only."

She pushed me away from her. Inayos niya ang buhok niya sa likod habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. I could see how frustrated she was just be watching her brush her hair and bit her bottom lip.

"Aara, please. She needs me more than you do."

"Why? I couldn't scrutinize your reason. Why, Jude? Except that she is vulnerable to you."

I gulped hard as I gasped for enough air.

"You can't give me a reason? Then... I am sorry." I grabbed her arm again when she was about to leave.

She looked at me with disgust written on her face.

"I will also stay away from her when we already get married," I mumbled. "You will have all my time then." I pulled her even closer to me. "This I promise you." I whispered on her ears.

Napatitig siya sa akin. Ngumiti ako bago tumango. That's my plan. But for  now... I will make her happy.

"I believe in you, Jude..." Aara said, gently nodding her head.

"I trust you, Aara..." I replied.

Napatingin ako sa kamay kong nasa braso niya nang hawakan niya 'yon. Mahina niya hinaplos 'yon bago dahan-dahang inalis at tuluyan ng lumabas ng kwarto ko.

Natulala ako sa pinto. Mahina kong nakagat ang labi ko.

We had dinner together. Aara and Irene were just silent the whole time so I tried to talk about random stuff to break the awkward silence. I caught dad looking at me but he also flinched his head away from me.

Tinulungan namin ni Irene si Aleng Soreng sa paglilinis sa kusina. Nauna ng pumasok sa kwarto sina Mommy at Daddy na maaga pa ang pasok bukas. Habang si Aara naman ay nanatiling nakaupo at nakatingin sa amin.

"Ako na lang dito..." Sinubukan akong itulak ni Irene ngunit hindi ako nagpatinag. "Sige na, Jude."

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Aling Soreng.

"Ang tigas ng ulo mo," natatawang sabi ni Irene. Binigay niya sa akin ang isang tela. "Punasan mo na lang ang mga nahugasan na," utos niya.

Napatingin kami nang marinig ang paggalaw ng upuan at ang mabibigat na hakbang ni Aara palabas ng kusina.

Ngumiwi sa akin si Irene kaya nagkibit-balikat na lang ako. I haven't told her about what happened earlier. Sigurado akong siya mismo ang pipigil sa akin. Alam kong mas inaalala niya ang ibang tao kesa sa kanyang sarili.

"Mauna ka na sa kwarto mo. Take a rest," sabi ko kay Irene na tinanguan naman ako. "I'll just send you a message."

I watched her as she made her way inside her room. Naiwan ako sa salas. Sumilip ako sa kwarto ni Aara at wala siya roon.

Napailing na lang ako bago lumabas. Naabutan ko siyang nakaupo sa bench sa gilid at hawak ang kanyang phone.

I sat beside her but she didn't bother to look at me. I took a glimpse on her phone. Kumunot ang noo ko nang makita ang pangalan ng taong ka-text niya.

"Who is Zac?" I asked. Mas lalong kumunot ang noo ko nang may maamoy na kakaiba sa kanya. "Did you smoke again?"

Tinigilan niya ang paggalaw sa keyboard ng kanyang phone bago tamad na tumingin sa akin.

"You are so loud," she glowered at me.

I laughed a bit annoyed.

"Who is Zac?" Inilayo niya sa akin ang phone niya nung tinangka kong sumilip muli. "Fling?"

She snickered as she shook head.

Lumapit pa ako sa kanya at tinangkang kunin ang phone niya ngunit itinulak niya ako palayo.

"Hey! You're breaching my privacy." She rolled her damn eyes.

"Breaching your privacy?" I mocked her. "Are you fucking kidding me? I am your fiance."

Bumuga siya ng hangin bago nagpatuloy sa paggamit ng kanyang phone.

"Matulog ka na..."

"Come on, Jude..." She groaned.

I shook my head. "Masyado ng gabi. Tigilan mo na ang paggamit ng phone. Go inside your room and sleep."

"Jude---"

"Now..."

Inis na tumayo siya at tumingin sa akin bago umikot ang kanyang mata at padabog na pumasok. Napailing na lang ako sa inasta niya.

Who the hell is Zac?

Pagpatak ng 11:40 PM ay nagkita kami ni Irene sa ikalimang poste ng ilaw mula sa bahay namin.

"Hey!" I greeted her.

Ngumiti siya sa akin pagkalapit niya. "Gwapo ah?" Puri niya sa buhok ko.

Dinala ko siya sa isang night market. Gising na gising ang lugar na ito kahit gabi. Kahit saan ka lumingon ay may nagtitinda.

"What a magical place..." She murmured.

"You are being sarcastic." I glared at her.

"No.... It really is a magical place."

Napatango na lang ako. Tumikim kami ng iba't-ibang pagkain na tinitinda at bumili ng mga damit sa murang halaga. Tuwang-tuwa si Irene habang naglalakad.

Hinila ko siya palapit sa akin nang maging mabilis ang paglalakad niya. Maraming tao at baka mahiwalay siya sa akin.

Matapos do'n ay pumunta kami sa perya kung saan mas maraming tao. Naglaro lang kami at hindi sumakay sa kahit na anong rides dahil pareho kaming takot sa mga 'yon.

"Kailangan niyo lang pong maitayo ang bote para manalo..." Pagpapaliwanag sa amin ng babaeng nagbabantay sa isang laro.

Si Irene ang unang sumubok. May hawak siyang stick na may tali at palawit na bilog sa dulo kung saan ipapasok sa ulo ng nakahigang bote at itatayo 'yon. Napasigaw si Irene nang mahulog ang bote at gumulong pababa.

"Ba't pa-slant ang platform?" Tanong ni Irene.

"That's the twist, Irene. What is a game without twist?" Pang-aasar ko sa kanya.

Inikutan naman niya ako ng mata bago inabot sa akin ang stick.

"Ang yabang mo..." bulong niya.

I also tried the game and unluckily, I failed too. Humalakhak si Irene nang gumulong pababa ang bote.

"Naitayo ko na ah?" Tanong ko sa babae.

"Medyo hindi pa stable sir ang pagkakatayo pero binitawan niyo na."

"Just like life, Jude. You have to stand firmly in a slant world," Irene whispered with a bit of mocking on her voice.

Naglakad kami papunta sa isang bench at pinanuod ang pag-ikot ng mataas na ferris wheel. Sumandal ako sa upuan.

"Life is like a ferris wheel..." She mumbled. "It is so thrilling going up and scary going down."

I looked at her. "But life has no stop and pause. You can't stop and pause if you want to stay at the top," I said. "Keep moving..."

Tumingin din siya sa akin. "And you can't reach the top just by sitting..." Tumawa siya.

Sumandal din siya at ibinalin muli ang tingin sa mataas na ferris wheel.

Napatingin ako sa lalaking umupo sa tabi ni Irene. Nakatutok ito sa kanyang phone. Mabilis ko ring inalis ang tingin ko sa kanya.

I closed my eyes.

"I hope you can give Aara more time," I heard her whispered. "Okay na ako sa gabi. Kahit na hindi mo na ako pansinin sa umaga."

Nanatiling nakapikit ang mata ko. Naalala ko na naman ang nangyari kanina. Alam niya na wala kami ngayon sa bahay at kung gugustuhin niya ay maaari niya kaming isumbong. Pero alam kong hindi niya iyon gagawin.

She's a clever girl. Malamang na gagamitin niya ang nalaman niya sa akin. Hindi na ako magugulat kung gagamitin niya 'yong pang blackmail sa akin.

Napamulat ako nang mata nang marinig ang pag-ubo ni Irene. Mabilis na hinila ko siya patayo mula sa tabi ng lalaking nagsisigarilyo.

"You okay?" I asked her.

Hindi siya nakasagot. Tumingin ako sa lalaking nanatiling nakaupo at nakatutok sa phone ang atensyon. Bumuga itong muli ng usok.

Mabilis na lumapit ako sa kanya at inagaw ang sigarilyo. Itinapon ko 'yon at inapakan.

"Gago ka ba?!"

Ngumisi ako habang nakaturo ang daliri ko sa karatulang may nakalagay na 'No Smoking.'

"Marunong ka bang magbasa?"

"Ano bang pakialam mo?!"

"Wala akong pakialam sa 'yo pero dinamay mo ang kasama ko. Sinong mas gago sa ating dalawa?"

Naramdaman ko ang paghila ni Irene sa damit ko. Nginisian ko ang gagong lalaki na mukhang binasa lang ang karatula at hindi inintindi.

"Baka mahuli ka pa at pagmultahin. I saved you, dude."

Hinila ko na si Irene palayo roon. Hinarap ko siya pagkalabas namin ng peryahan. Mabilis na kinuha niya ang inhaler mula sa kanyang bag at ginamit iyon.

"Damn!" I bit my bottom lip as I watched her gasped for air. "I-I'm sorry..."

Napasabunot ako sa buhok ko. Matapos niyang umayos ay ibinalik na niya sa loob ng kanyang bag ang inhaler.

"Okay ka na?" tanong ko sa kanya.

"Sanay na ako..." tumawa siya.

"I'm sorry for that." Hindi pa rin ako makapaniwala na naging pabaya ako sa kanya.

"I'm good..." she gave me a smile.

Nakahinga naman ako ng maluwag habang nakatingin sa kanya. Bumuga ako ng hangin bago tumango.

Matapos no'n ay umuwi na kami. Tahimik lang kami habang papasok sa loob ng gate.

"I'm really good, Jude."

"I know... It's just--- I was so stupid. I should have not closed my fucking eyes even just for a second. I'm sorry..."

Napatingin ako sa kamay niya nang humawak ito sa aking balikat. Umiling siya sa akin habang nakangiti.

"I'm scared you will be afraid to do this again," she mumbled.

"No." I shook my head. "It is a lesson learned to me. I will keep an eye on you next time."

Napansin kong medyo nawala ang ngiti sa kanyang labi habang tumatango.

Pagkapasok namin sa loob ay tahimik na. Dahan-dahan kaming pumasok sa mga kwarto namin. Nagpalit ako ng damit at hinubad ang pants ko at nagsuot na lang ng boxer shorts.

Napatingin ako sa phone kong nakalapag sa kama nang umilaw ito.

"Hush, Lilbro. Sleep now... Thank you for this new experience," Irene texted me.

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Naramdaman kong Nag-vibrate muli ang phone ko kaya kumunot ang noo ko.

I opened the message that came from Aara.

"Rest now..." she said.

Natulala ako sa kanyang text message. I just found myself typing a reply to her.

"You too... Don't text the asshole again." After I sent that I locked my phone.

Time flies so fast. Hindi ko namalayan na ilang linggo na lang pala at ga-graduate na kami. I should be happy but I found it suffocating.

Alam kong pagnaka-graduate na ako ay pwede na nilang ayusin ang kasal namin.

We had our three days retreat at Tagaytay. Naging malayo ako sa bahay at dahil bawal gumamit ng phone ay wala akong balita. Sana lang ay hindi sila nagtatalo ro'n.

Gabi nung last day namin ay kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si Irene.

"Hey!" Bati ko.

"How's your retreat?" Tanong niya.

Humiga ako sa kama at tumingin kay Ryde na nakahiga rin at tulala sa kisame. Kasama ko siya sa room.

"Fun... How about you?"

"You mean... We?"

Napatikhim ako sa sinabi niya. "Yes. Kumusta kayo riyan?"

"You are so loud, Jude!" Asik sa akin ni Ryde.

Hindi ko siya pinansin.

"We are good. Pero si Aara..."

Kumunot ang noo ko. "What about her? May ginawa ba siyang masama sa 'yo?"

"No..." Narinig ko ang pagbigat ng hininga niya. "Hindi pa rin kasi siya umuuwi pagkaalis mo."

Mas lalong kumunot ang noo ko. Saan na naman kaya siya pumunta?

"Gano'n ba?"

"I have this feeling that she's avoiding me..."

"No. Uuwi na rin ako riyan bukas."

Napangiwi ako nang umupo si Ryde mula sa pagkakahiga at pinagsusuntok ang unan.

"Okay... See you tomorrow?"

"See you." Then I ended the call.

Hinampas ko ng unan si Ryde pero tinawanan niya lang ako. Kanina ko pa pansin ang pagngiti niya.

"You crazy? Insane?" I asked him. "Yes, Ryde! You are crazy insane! Problema mo?"

"What? Damn. No!" He hissed. "Si Chelsea kasi..."

Tumaas ang dalawang kilay ko. What about the love of his love who wring his heart?

"She said..." He teased me. "The most romantic place here in Earth is beside me." Namilog pa ang mata niya bago muling pinagsusuntok ang unan.

Napatango na lang ako.

"She even said that she love me... Just... What the fuck?"

Hindi ako nakatulog ata buong magdamag dahil sa maya't-mayang pagbangon ni Ryde at paghiga sa kama. Wala akong ibang narinig mula sa kanya kung hindi ang pangalan ni Chelsea.

It is insane what love can do to a person, I must say. Enchanting.

Pagkauwi ko ay nagulat ako dahil sa pagsalubong sa akin ni Irene. Natigilan ako dahil sa pagyakap niya at mahinang pagtili.

"I missed you, Lilbro!"

Napailing na lang ako bago umupo sa sofa.

"Inom ka muna," inabutan ako ni Aling Soreng ng isang baso ng tubig.

"Salamat po..." nakangiting sabi ko.

Umupo sa tabi ko si Irene. "Did you really miss me?" I teased her.

Pabirong inikutan niya ako ng mata.

"You've been gone for three days! Who wouldn't miss you?" She chuckled.

"Aara?"

Nawala ang ngiti sa kanyang labi dahil sa sinabi ko. Ipinatong ko sa gilid ang baso ng tubig bago sumandal sa sofa.

"Actually, umuwi siya rito kagabi pero umalis din."

"Wala ba siyang sinabi kung saan siya pupunta?"

Tanging iling lang ang naisagot ni Irene. Nagpaalam ako na papasok muna sa kwarto para magpalit.

Matapos kong magpalit ay kinuha ko ang phone ko at binuksan ang aking Facebook Account. I searched Aara's account.

Mabilis na umakyat ang dugo sa ulo ko nang makita ang mga photos na naka-tag sa kanya. These photos were taken in a bar. What caught my attention was the guy beside her. Nakaakbay ito sa kanya.

Isang pangalan lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. This guy must be Zac?

I look at the time when it was uploaded. Nine minutes ago. Mabilis na kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at lumabas ng kwarto.

Natigilan ako nang makita si Irene na may hawak na tray na naglalaman ng mga cookies.

"Aalis ka?" tanong niya.

"Sandali lang..." sagot ko habang nagsusuot ng sapatos.

"But I baked you some cookies---"

"Come on. Makakapaghintay naman 'yan..." Matapos kong sabihin 'yon ay lumabas na rin ako.

I put my car on ignition as soon as I got in. I maneuvered my car out in a snap.

Muli kong binasa ang pangalan ng bar kung nasa'n siya. I turned on my GPS and seached it in google app. Nang makita ko na ang lugar ay mabilis kong pinatakbo ang sasakyan.

She's been gone for three days. And what enraged me the most was to see her in a place like that. What's wrong with her? Gano'n ba dapat ang gawin ng isang babaeng ikakasal na?

"Take care," Irene shot me a message.

As soon as I reached that place, I made my way inside. Hindi naman ako nahirapang hanapin sila. I found her with the bunch of girls and guys in one table.

Mabilis na tinulak ko ang lalaking nakaakbay sa kanya. Mabilis naman na natumba ito dahil sa nakainom na siya. Napatayo naman si Aara na nanlalaki ang mata.

"Don't touch her..." I warned him.

"Oh? You must be Aara's fiance?" Dinig kong tanong ng isa sa kanila.

"Jude!" Tinulak ako palayo ni Aara at lumapit sa lalaking tumatayo. "Hey, Zac. You okay?"

My first were clenched firmly when I saw how she cares for that guy. She even helped him to stand.

"The boring guy is here..." Zac mocked me.

"Boring?" I laughed at him. "And what are you? A cool man who goes to bar and flirt with random girls? That's so gay."

He tried to punch me but I flinched my head and punched him on his ugly face.

Napangiwi ako nang may yumakap sa likod ko at pinigilan ako sa paggalaw. I tried to move but I could not.

Napangiwi ako nang sikmuraan ako niya ako. Bago pa man dumapo muli ang kamao ni Zac sa akin ay humarang na si Aara.

Hindi ata agad napigilan ni Zac ang kanyang kamao kaya bagagyang tinamaan sa sikmura si Aara.

I just found myself enraging with fire. I took all the energy and freed myself. I punched Zac on his face damn hard. Napaatras ito at napaupo.

"Stop!" Aara screamed when I was about to punch him again.

Tumigil ako at hinila na siya palabas sa bar na 'yon. Ramdam ko ang sakit sa sikmura ko dahil sa sakit ng suntok niya. Pero alam kong mas napuruhan ko siya.

Inalis niya ang pagkakahawak ko sa braso niya nung nasa tapat na kami ng sasakyan ko.

Bumali ang leeg ko nang makita ang hapdi sa kanyang mata ang paghaplos niya sa kanyang sikmura.

Damn... I want to punch him to death.

"I'm sorry..." Aara whispered.

In a snap, her eyes became watery. Parang kahit isang hawak lang sa kanya ay babagsak na ang mga luhang 'yon.

"What are you doing in a place like this?" I asked her.

Napasandal siya sa sasakyan na nasa gilid niya. Napanganga ako at sinubukan kong lumapit pero mabilis din akong natigilan.

Damn... She's hurt.

"I was flirting if that's what you want to hear," she whispered.

Pain registered on her watery eyes and I knew that I was already blured on her vision.

"Don't go here again..." I warned her.

She nodded her head. "It's just... I was celebrating with them."

"What?"

Galit na tumingin siya sa akin. "Nagsasaya lang kami sa muling pagbalik ko rito sa Pinas!"

"Celebrating with them?" I asked her.

"Kanino pa ba? Sila lang naman ang masaya sa pagbabalik ko, 'di ba?"

Natigilan ako dahil sa sinabi niya at parang kidlat 'yon na tumagos sa dibdib ko.

"Let's go home, Aara."

I guide her inside my car. Sumandal siya at ipinikit ang kanyang mata. Pumasok ako sa kabila. Tumingin ako sa kanya.

"You okay?" Come on, Jude! Of course she's not! I mentally scold myself.

I put my car in ignition.

"I'm sorry..." I whispered.

"I'm good," she mumbled.

She tried to open her eyes to have a look at me. She barely opened it but she flashed a smile on her lips.

"Jude... I'm jealous of your sister. Can I have your time too? Even just a bit of it?" I remained my eyes on her. "Ah... Kidding. Go and make her happy. Take your time."

"We have talked about this."

"You know that I am an impatient person. I hate waiting... But, sure. Jude... My love can wait."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance