Kabanata 30
Kabanata 30: Gardenia
I couldn't stay calm while sitting on the couch and waiting for them to arrive. Ngayon na kasi ang dating ng mga magulang ni Aara, kasama ang parents ko. Bukas na ang kasal namin kaya mas doble ang kaba sa dibdib ko. The feeling was overflowing and I couldn't contain it.
Nilingon ko ang babaeng kalalabas lang ng kusina.
"Cool down..." Nakangising inabutan ako ni Aara ng tubig. Kinuha ko 'yon at diretsong nilagok at nang maubos ay ipinatong ko sa gilid. Binalingan ko ng tingin si Aara na nakangisi. "Nervous, boy?" Panunukso pa niya.
I nodded my head. "Hindi naman ako susuntukin ng Daddy mo, hindi ba?" paninigurado ko na mas lalo niyang ikinatawa. "I know my fault. He loves me too, right?"
"I am not sure," she grinned.
"You wouldn't let me be punched, would you?" Pinaningkitan ko siya ng mata.
Inikutan niya ako ng tingin. Ipinahinga niya ang isang kamay sa ibabaw ng hita ko. Umiling siya sa akin na aking ikinangiti. "But I wouldn't catch the punch if ever..." She laughed.
Natawa na lang ako sa bahagyang pagkaasar. Sumandal ako sa couch at hinila rin siya pasandal sa dibdib ko. Pinaglaruan ko ang buhok niya. Napangiti na lang ako dahil hindi pa rin siya nagpapalit ng pabango. I used to smell her hair, I missed this.
"Malapit na raw sila," sabi ni Aara.
"Sana pala binuntis na kita para may dahilan ako para hindi ako suntukin ng Daddy mo," bulong ko. "Sayang. Mukhang magkakapasa ako bago ikasal."
Napaawang ang bibig ko nang sikmuraan niya ako. Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako. Naglalaro ang mapang-asar na labi niya.
"You intended to but you failed! Palusot ka pa!" Tinawanan pa niya ako.
Bahagya akong namula sa pagkapahiya niya. "If I really intended to, you wouldn't step your feet anymore that night!" I snickered.
Damn it! Is she not pregnant yet?
Tinawanan lang niya ako habang naiiling. Nakagat ko ang labi ko nang marinig na ang sunud-sunod na busina sa labas. Nanlaki naman ang mata ni Aara at aktong tatayo na nang pigilan ko siya.
Lumunok ako nang may bumara sa lalamunan ko.
"P-Protect me..." I begged.
"Hindi ba dapat ako ang protektahan mo?" Naguguluhang tanong niya saka ako sapilitang hinila patayo. "Tara na! Mas lalo kang masasaktan kapag pinaghintay mo pa sila!"
Lumunok ako bago nagpabatak sa kanya patayo. Huminga ako nang malalim bago binuksan ang pinto. Dalawang sasakyan ang inabutan namin na nakaparada sa labas. Lumabas sa isa sina Mommy at Daddy, sa isa naman ay ang mga magulang ni Aara.
Napalunok sa kaba nang makita si Tito Elizar. He was wearing a shade and he got bigger. Halos pumutok na ang kulay asul na polo shirt niya, masyado ring bakat ang biceps niya. Sa gilid niya ay si Tita Lineth. She was wearing a pink dress paired with a floral hat, her eyes were covered by shades too.
"Mom, Dad!" Masayang sinalubong ni Aara ang mga magulang niya. She hugged her Mom. Nakita ko ang panunubig ng mata ni Tita Lineth nang mayakap na muli ang anak.
Lumapit naman ako kina Mommy at Daddy. Nakangiting yumakap ako sa kanilang dalawa.
"Hindi mo ba inimbitahan si Ryde?" tanong agad ni Mommy.
Umiling ako. "Baka si Jux lang po," sagot ko naman.
Napatingin ako kay Dad nang tumikhim siya. Nginuso niya ang tao sa likod ko. Napangiwi ako nang makita si Tito Elizar na nakatingin sa akin. I couldn't see the expression of his eyes until he took off the shades, I saw no difference.
"T-Tito..." I gulped. Lumapit ako sa kanya at nagmano. Aktong ibababa ko na ang kamay niya nang hilahin ako at niyakap. Umawang ang bibig ko nang hampasin niya ang balikat ko habang tumatawa.
"I didn't know you could be this matured!" Humalakhak siya. Hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya at pagpalo sa balikat ko. Damn it! Didn't he know his hands were as heavy as metals?
Matapos ang ilang segundo bago niya ako pinakawalan. Hinarap ko si Tito, malawak pa rin ang ngiti sa kanyang labi. Nahihiyang sinabayan ko na lang ang ngiti niya.
"Nice to see you again po," sabi ko kay Tito bago hinarap si Tita Lineth. Aktong lalapit na ako para bumati nang tumalikod siya sa akin at humarap sa bahay. Natigilan ako. Ngumiwi naman si Aara dahil sa ginawa ng Mommy niya.
"So... you are going to live here?" Pinasadahan ni Tita Lineth ng tingin ang bahay.
I cleared my throat. "Y-Yes po... It is a good place. May malapit na dagat---"
"I didn't ask..." she cut me out. Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago inalis agad iyon.
"Mom..." Ngumuso si Aara.
"Pumasok na muna tayo, mainit na rito," suhestyon ni Mommy.
Nauna silang pumasok. Naiwan kaming dalawa ni Daddy. I gave him a help-your-son look but he just smiled. Bumagsak ang mga balikat ko sa pagkadismaya.
"It is your problem, Son..." pang-aasar pa niya.
"She doesn't like me anymore, right?" I asked. "Ayaw na ba niyang pakasalan ko ang anak niya?"
Dad shrugged his shoulders. "You hurt her daughter, I can't blame her," Dad teased. "But she wouldn't be here if she doesn't like you anymore. Try harder, Jude..."
Walang ganang sumunod na ako sa loob. Naabutan kong nakaupo sa couch sina Mommy at Tita Lineth. Nagtatawanan ang dalawa at mukhang ang kasal ang pinag-uusapan nila. Hindi pa rin ako pinapansin ni Tita Lineth.
Sa isa pang couch ay si Tito Elizar naman ang nakapwesto. Umupo ako sa tabi niya. Naramdaman kong umakbay sa akin ang mabigat niyang braso, parang pasan ko ang mundo dahil sa laki ng braso niya.
"You look pale, child..." he said. Nagulat niya ako nang itaas niya ang damit ko. Kumunot ang noo niya bago ibinaba iyon. "You don't work out?" tanong niya. He seemed disappointed. Sabagay, addict sa pag-work out si Tito.
I shook my head. "Baka pagkatapos na po ng kasal, balik alindog na ako," biro ko na ikinahalakhak niya.
Napatingin ako kay Aara nang tawagin niya ako. Sinenyasan niya akong sumunod. Pumunta kami sa kusina. Kumuha siya ng tubig sa ref at nagsalin no'n sa dalawang baso, inabot niya sa akin ang isa.
"A-Ayaw na niya sa akin..." bulong ko habang nakatingin sa hawak kong baso.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Aara kaya binalingan ko siya. "Did you see her earlier? She was so excited about the wedding, Jude! Kakausapin ka rin niyan..." Pagpapalakas niya ng loob ko.
Napatitig ako sa kanya at wala sa sariling napangiti. Ipinatong ko sa lamesa ang baso na hindi man lang nagalaw ang laman at lumapit ako kay Aara. Hinila ko siya at kinulong sa aking mga braso.
"I-I can't wait to marry you..." I whispered.
"This is it, Jude. Sa wakas ay hindi ka na isang paasa..." narinig ko pa ang pagtawa niya. "This is for you, Jude... I am just here."
Naguluhan ako sa sinabi niya kaya hinarap ko siya. I gave him a confused look. Hinaplos niya ang mukha ko at nakita ko na naman ang pangingilid ng luha sa kanyang mga mata.
"D-Do you still doubt me?" I asked.
She shook her head. "You know the truth... I am going to marry you."
"W-What?"
"A-Ako pa rin... Ako lang ang pwede."
Napatingin kami sa likod ko nang may tumikhim. Nakita ko ang nakangising labi ni Daddy. "H-Hindi pa ba kayo nagluto? Gutom na kami," pang-aasar niya.
Tumango kami bago nag-umpisa ng kumilos. Nakatingin ako kay Aara, pasimple ko siyang sinusulyapan... Hindi maalis ang ngiti sa kanyang labi. That's it... This is contentment.
Kinagabihan din ay dumating na ang iba naming bisita. Mga kamag-anak namin at ilang mga kakilala. May ibang nagpa-book sa hotel na malapit. May iba naman na dito matutulog, gaya ni Jux.
Nasa labas kami ni Jux at nakatingin sa madilim na langit.
"B-Buti ka pa ikakasal na..." bulong ni Jux.
Napatingin ako sa kanya. "How about you and Klaren?" I asked.
Nagkibit-balik ito. "We are still together... But she can't get over of..."
"Ryde?" Panunukso ko.
"Damn it! Ako ang kasama niya pero si Ryde ang hinahanap niya. Hanggang ngayon! Ang tagal ko nang naghihintay na ako naman!"
"Some things are worth the wait while some are just a waste of time." I laughed. "Wait... We need something to drink." Tumayo na ako at pumasok.
Naabutan ko sa salas sina Aara at ang kanyang mga pinsan. Ngumiti ako sa kanila bago dumiretso sa kusina. Natigilan ako nang makita si Tita Lineth, babalik na sana ako nang makita na niya ako. Natigilan ako sa paggalaw.
She raised her eyebrows. "I've been waiting for you to come here..."
Napalunok ako.
"S-Sorry po..." Kinakabahan ako.
"I'm sorry for treating you that way," she finally smiled. "I-It's just... I can't stop myself. May sama ako ng loob sa 'yo dahil sa mga ginawa mo sa anak ko." Napayuko ako. "This grief will just subside until two you got married. Please... Don't hurt my daughter anymore... It hurts watching my daughter crying."
Napatingin ako sa kanya. Umiiyak na pala siya. The love of a mother... Wala sa sariling nahiya ako. Sinasaktan ko ang tanging yaman na hindi nila kayang mawala.
"I will make her happy..." I said.
She nodded her head. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanya. Napangiti ako nang yakapin niya ako. It felt acceptance... This is it. Everything is settled.
"I trust you my daughter... Take care of our precious little girl," she whispered.
Nakangiting bumalik ako sa labas. Inabot ko ang isang beer kay Jux. Kinunutan niya ako ng noo nang makita ang kakaiba sa ngiti ko. Napailing na lang ito. Hindi kami nagsasalita hanggang sa maubos namin ang alak.
"Jude?" Napatingin ako kay Aara na tumawag sa akin.
Binalingan ko ng tingin si Jux, tumango naman siya sa akin kaya sumunod ako kay Aara.
Pumunta kami ni Aara sa bandang gilid ng bahay, medyo madilim sa parteng ito. Hinarap niya ako kaya nakita ko ang nakangiwi niyang labi. Mukha siyang may problema.
"S-Si Mommy... She showed my gown design to a fashion designer and now, she wants me to have a little talk with that person."
"Job? That's nice!" masaya kong sabi.
"Kaya lang..." She stopped for a bit. "Naka-set ang meeting kinabukasan, matapos ng kasal natin..."
Mahina akong napatango, kaya pala ganito ang reaksyon niya. Hindi ko inalis ang ngiti sa aking mukha.
"That's totally fine! Basta umuwi ka rin agad, huh?"
Mabilis na tumango siya at kinagat ang kanyang labi. Wala sa sariling hinigit ko siya palapit sa akin ay siniil ng halik. Mabilis naman na pumulupot sa katawan ko ang kanyang mga braso at idiniin ang halik ko.
Naramdaman kong bumagsak ang mga luha sa mata ko... Why does it feel this way?
I could still remember the first time I saw her in the cafeteria, she was walking as if she owned the world. I was sitting with my friends while sipping a drink. Pumila siya pero halata ang masyadong pagkainip sa kanyang mga paa na pumipitik. Masyado ring malikot ang kanyang mga mata. And the moment she laid her eyes on me... I ran out of air. Sa sobrang pagkabigla ko ay naisaboy ko kay Ryde ang iniinom ko.
I didn't know she would be a huge part of my life...
I could still remember the first time I kissed her... Hindi ako nakatulog nung gabing iyon. I was silently punching my pillows, jumping on the bed and reminiscing the scene. But now... It feels... Something is missing.
I cried even more when I realized... I lost it. I lost her... I lost the feeling. Hindi ko na mahahanap ang hinahanap ko kasi nawala ko na ito.
We got married the next day, everyone was in their maximum energy. I was smiling and making myself occupied by the people around. And the moment I saw her walking down the aisle, I couldn't help but to cry. She knew it. Alam niyang nawala na ang kapit ko sa kanya pero pinili niya pa rin ako. She still chose to be with me even if it hurts.
And this is for her too... I will give this faded love a chance.
Minsan ay mas matimbang kung ano ang tama kaysa sa kung ano ang totoo. Ito ang tama... Siya ang tama sa akin. My feelings will get back... She is my wife now. This is the life I chose and I will live for this.
Nag-inuman kami nila Tito. Binibiro pa nila ako at ibinabalik ang mga alaala na dati ay nagmamakaawa pa lang ako ng kasal, ngayon ay kasal na kami. Nakangiti lang ako sa kanila.
"Can I borrow my husband?" Napatingin ako kay Aara. Sinenyasan naman niya akong sumunod.
Sumunud ako sa kanya. Dinala niya ako sa dalampasigan. Ang kasal kasi ay dito rin. Nakatingin lang ako sa likod niya hanggang sa humarap na siya sa akin. She was smiling... She was happy.
"You are no longer the confused jerk," she laughed. Napatitig ako sa kanya. Kumawala na naman ang mga luha sa aking mga mata. "It's okay, Jude..."
"I-I'm sorry..."
"It's okay... Mamahalin mo rin ako ulit, tutulungan kita." Pumatak na rin ang luha sa kanyang mga mata. "Masakit, oo. Kung iisipin ay katangahan ang pagpayag na ikasal sa isang taong hindi ka na mahal pero para sa 'yo... Handa akong maging ang pinakatangang tao sa buong mundo."
She was smiling while the tears were flowing like a pouring rain on her eyes.
"Thank you, Aara... I am tied with you now."
"Not yet..." Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. "You have to untie yourself first from her... You have to admit and let go."
Hinalikan niya ako sa labi bago kumawala at naglakad pabalik. Naiwan ako sa dalampasigan. Tanging ang tunog ng paghampas ng alon lang ang naririnig ko. Humarap ako sa malawak na dagat.
The sky was dark but full of sparkling lights.
I closed my eyes...
Wherever you are now, my angel... I wish you nothing but happiness. Thank you for being part of my life. But I have to accept it... You are the star above the dark sky and I am the man looking at you from a far, we will never reach each other. Until again... I am letting you go, my Gardenia.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro