Kabanata 3
Kabanata 3: Comfortable
I was staring out of the windows of her room where I could see her silhouette moving. Lights were still on and so I think she's not yet done. I pulled my black jacket for a better grip on my body. The night breeze was lingering on my face.
I let a heavy sigh before I leaned my back on the wall beside our gate. We are going to do our first escape tonight.
I slid my hand inside my pocket and got my phone out. I immediately went in the message and shot her a message.
"Yes, I am ready. Give me a second," she replied after a few seconds.
Tumingin ako sa bintana ng kwarto nila mommy sa ibaba. Patay na ang mga ilaw kaya malamang na tulog na rin sila. It's almost 12 midnight. Sinigurado ko munang tulog sila para sa planong ito.
Mayamaya rin ay namatay na ang ilaw mula sa kwarto ni Irene at ilang minuto lang ang lumipas ay ang front door na ang bumukas. She was wearing a purple jacket.
Umayos ako ng tayo nang lumapit siya sa akin. Mabilis na napatingin siya sa bisikletang nasa tabi ko.
"Gagamitin natin 'yan?" manghang tanong niya.
Inalis ko ang tingin ko sa kanya para ayusin ang bisikleta.
"You afraid?" I asked without looking at her.
Pinunasan ko ang upuan no'n dahil medyo maalikabok na rin. Matagal-tagal na rin nung huli ko itong inilabas ng garahe namin.
"Kind of. But you are the driver so I think there's nothing to be afraid of." That made me turned my look to her.
Tinaasan ko siya ng dalawang kilay ngunit hindi natinag ang ngiti sa kanyang labi na parang kahit na anong sabihin ko ay mananatili ang gano'n sa mukha niya.
"Do not trust that quick, Irene."
That's fucking scary! I am a scary person and I don't think I deserve that.
"But you are worthy..." she whispered.
Napabuntong-hininga na lang ako bago siya sinenyasan na sumakay na sa likuran ko. Inayos ko ang mga binti ko nang maramdaman na ang pwersa niya sa likod ng bisikleta.
Naghintay pa ako ng ilang segundo at nung wala pa rin akong maramdaman na yakap mula sa kanya ay binalingan ko siya ng tingin.
Ang kamay niya ay nakahawak sa gilid na bakal na kanyang inuupuan. That's not enough to protect her from falling down.
"I am better than that metal, Irene. Sa akin ka humawak..." I glared at her.
She nodded her head. Mahinhin na yumakap siya sa aking bewang. Napailing na lang ako bago inumpisahang galawin ang pedal ng bisikleta.
The street was empty and the only sound that we could hear was coming from the force I was exerting to the pedals of the bicycle to keep us moving forward.
"It seems like the world is sleeping..." She muttered, amazed.
Hindi ko pa rin maiwasang hindi isipin ang mga sinabi niya kanina. She is too vulnerable to trust quickly... And I am afraid that I might be the first reason of her breakdown.
"Thanks for this, Jude."
I wonder how many 'thanks' would I hear from her tonight?
I took a glimpse of her. She was looking up, smiling at the scattered stars around the dark sky.
Mas lalong lumakas ang ihip ng hangin kaya napansin ko na gumagalaw ang buhok niya.
"Wear your hood, please..."
Mabilis naman na isinuot niya iyon gamit ang isa niyang kamay habang ang isa ay ang nakayakap sa akin. Matapos niyang ayusin 'yon ay ibinalik na niya ang kanyang isang kamay sa akin. Mas humigpit ang yakap niya habang mas bumibilis ng konti ang pagpapatakbo ko sa bisikleta.
"Where are we going?" That question made me laughed a bit. "We have no destination. I can feel it..." She laughed too but hers was just as solemn as this silent night.
"This is for you..." I whispered.
"This world? But seriously, where do you plan to take me?" Biro niya.
Kanina pa kami gumagalaw ngunit ngayon niya lang napansin na wala nga kaming pupuntahan.
"This is your first escape, Irene. Just open your eyes... The world is getting more beautiful at night where people are asleep."
Humalakhak siya dahil sa sinabi ko at mukhang naintindihan niya ang ipinupunto ko sa mga salitang 'yon.
"You are maybe right, Jude... Tayo ang sumisira sa ganda ng mundong ito."
I smiled with my head, nodding gently.
"That's my point. People are scary, Irene. We are scary..." I said.
"And so as you?"
Tumango ako. "So as you..." I said.
"I'll put that in my mind..." She chuckled.
"You should."
Ilang minuto ang lumipas. Tahimik lang kami sa gilid ng kalsada.
Kumunot ang noo ko nang makita ko ang dalawang tao na nasa tabi ng ilaw ng poste. Nung mapansin ko kung ano ang ginagawa nila ay binilisan ko ang pagpadyak sa pedal.
"Close your eyes..." I ordered Irene.
"What are they doi---"
"Just close your eyes, Irene. Matured content..."
I took a glance at her. Napangiti ako nang makita ang nakapikit niyang mata. Tumingin ako sa babae at lalaki na naghahalikan na dadaanan namin. Nasaloob ng pantalon ng babae ang kamay ng lalaki.
"Gay..." I uttered to the guy. Dito pa talaga niya nagawa sa babae 'yon.
Nang makalayo na kami ro'n ay pinabukas ko na rin ang mata ni Irene. Narinig ko ang halakhak niya.
"They were kissing!" She laughed.
"You opened your eyes?" Walang ganang tanong ko kahit na alam ko na ang sagot.
"I was curious..."
Napailing na lang ako sa sagot niya.
"Curiosity sometimes lead to trouble... You should control it. It also sometimes lead to hell..."
"Yes, Sir!"
I shook my head. Matapos no'n ay tumahimik na si Irene Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming nag-iikot-ikot sa subdivision na ito nang mapagpasyahan kong lumabas.
Haharangin sana kami ng guard nang mas binilisan ko ang pagpadyak sa pedal. Iniliko ko ang bisikleta nang tangkain niya kaming harangin.
"Hey!" He shouted at us.
"Hey too!" Irene mocked him.
Malakas ang halakhak ni Irene dahil sa nangyaring 'yon. Ramdam ko rin ang paglikot ng pagkakayakap niya sa akin.
This is my reason for this escape.... To hear her voice that has been kept inside. To see her like this. To make her feel what freedom feels like. To get her out of her suffocating world.
"Did he recognize us?" I asked her. Medyo binagalan ko na rin ang pagpapatakbo sa bisikleta.
Baka kasi nakilala niya kami at magsumbong siya kina Mommy na lumabas pa kami nang ganitong oras.
"I don't think so," she mumbled. "But what if he did?"
"Mom and dad will get mad at me for sure..." I laughed. "I just took you out without their consent."
Hindi siya sumagot. Hindi na siya kumibo matapos no'n kaya napaisip naman ako kung may nasabi ba akong hindi maganda.
Naging insensitive na naman ba ako?
Now... I am getting conscious with my words.
Hininto ko saglit ang bisikleta nang mapadaan kami sa isang parke. Bumaba si Irene at pinanuod akong ayusin ang pagkakatayo ng bisikleta.
Umupo kami sa isang bench. May mangilanngilan pang tao rito at malamang karamihan ay nagpapalamig lang din. May ibang tulala at may iba rin na kasama ang kanilang girlfriend at boyfriend.
I rest my back and slightly massage my hand. Medyo humapdi ito dahil sa tagal din namin na pag-ikot. Namumula rin ito.
"Ba't tumahimik ka ata?" tanong ko nang hindi man lang tumingin sa kanya. Nanatili ang aking mata sa aking mga kamay.
Kanina pa kasi siya tahimik.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.
"I don't want this escape anymore..."
"Because I might get in trouble if we get caught?" Nakaramdam ako ng bahagyang pagkainis.
She didn't respond. Tumingin ako sa kanya. Nakasuot pa rin ang hood niya kaya hindi ko gaanong makita ang kanyang mukha. Kinailangan ko pang umabante para masilayan ito.
"Look at me..." Utos ko sa kanya na mabilis naman niyang sinunod.
Humaba ang kamay ko para alisin ang hood na nakasuot sa kanyang ulo. Medyo nagulo ang buhok niya.
"Are you happy, Irene?"
Tumingin siya sa aking mata bago bahagyang tumango nang nakangiti.
"Sobra..." bulong niya. "Thank you for this experience, Mr. Clavez."
"Good."
"Pero kapag nahuli tayo?"
"Hindi pa tayo nahuhuli..."
"Paano kung pigilan ka nila? Paano kung hindi na nila hayaang mangyari ito?" Ramdam ko ang pagkabahala sa kanyang mukha.
"Stop over-thinking, Miss Irene Brande. Do you know what matters at this moment?" I asked her.
She didn't bother to open her mouth for a guess but instead, she remained silent while looking straight at my gaze.
"You are happy... That's what matters to me the most." I stood up in front of her. "So... If you wouldn't mind. Shall we?" I offered my right hand for her.
Nakatitig lang siya sa kamay ko kaya ako na ang kumilos. Hinawakan ko ang kamay niya at itinayo siya. Mabilis naman na binawi niya ang pagkakahawak ko.
Sumakay na kaming muli sa bisikleta. Tahimik na pumunta kami sa drive Thru ng isang fast food chain nang makaramdam kami ng gutom.
"Hala! Pwede ba itong bisikleta?" Natatawang tanong ni Irene dahil halos mga kotse ang nasa pila.
"It is still a vehicle..." I laughed too.
Hindi sinasadyang mapatingin ako sa kanya. She was biting her bottom lip and the embarassed look was flashed in her face. Palingon-lingon ito sa mga kotseng nakapila.
"Nahihiya ka?" tanong ko sa kanya.
"Not really..."
Nung kami na ang nasa unahan ng pila ay tumingin ako kay Irene para sabihin niya ang gusto niya.
"Fries..." bulong niya.
Tinanguan ko naman ang babaeng naroon sa drive thru para ilista niya ang sinabi ni Irene.
"Burger..." She added.
Muli kong tinanguan ang babae.
"Lasagna..."
Ngumisi ako.
"Ice cream..."
"No..." Putol ko sa babaeng ililista na sana ang ice cream na sinabi ni Irene. "Exept that... Please." Tumango naman sa amin ang babae at inumpisahan ng kunin ang order namin.
Narinig ko ang mahinang pagreklamo ni Irene na iyon daw ang pinakapaborito niya sa lahat at 'yon pa ang tinutulan ko.
"Bawal 'yon, gabi na..." I frowned. "You might get cold!"
"Gusto ko nga no'n eh," pagpupumilit niya.
"Bawal..." Walang ganang sagot ko sa pagpupumilit niya.
"E 'di, bawal kase." Sumimangot ito. "Parang ikaw ang mas matanda sa atin ah?"
Matapos naming makuha ang order namin ay inilagay ko na 'yon sa harap ng bisikleta na may basket at umalis na roon.
"Uuwi na tayo?" Tanong ni Irene nang mapansin na pabalik na ang tinatahak naming destinasyon.
Nang nasa bungad na kami ng subdivision ay itinigil ko ang bisikleta. Mabilis naman na lumapit sa amin ang guard na humabol sa amin kanina na may hawak na flashlight.
"Kayo 'yong tumakas kanina ah?" Pinaningkitan niya kami. Inilayo ko ang flashlight na hawak niya nang tumama iyon sa mata namin.
"Kami nga po, Kuya," sagot ko.
Bumaba kami ni Irene sa bisikleta. Kinuha ko ang binili namin at ipinakita 'yon sa guard.
"Nagutom kami... Kain tayo, Kuya?" Aya ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa dala ko. Ngumisi ako nang makita ang gutom sa kanyang mata.
"So... Nagpaalam naman kayo?" tanong niya sa amin habang kumakain ng fries.
Nakaupo kami ngayon sa tabi ng gate. Tahimik lang na kumakain ng burger si Irene. Muli kong binalingan ng tingin ang guard.
"Hindi naman namin kailangang magpaalam. Gutom lang kami. Saka sandali lang naman e," sagot ko.
Kinuha ko ang bottle ng mineral water na nasa plastic pa at binuksan 'yon bago inabot kay Irene. Binigyan ko rin si Kuya Guard.
"Kapatid mo?" Natigilan ako sa pagsubo ng fries dahil sa tanong niya sa akin.
"Yes... Ate niya po ako," si Irene ang sumagot para sa akin.
Kumunot naman ang noo ni Kuya Guard pero agad din namang tumango. Napainom ako ng tubig.
I took a glace at my wrist watch. It's already 1:24 AM.
"Akala ko ay girlfriend ka niya..."
Nanatili akong nakatingin sa kinakain ko habang nakikinig sa kanila. Hindi ito ang unang pagkakataon na napagkamalan kaming gano'n. Lalo na sa school. Minsan ay tinatamad na rin akong ipaliwanag na anak siya ni Daddy sa unang babae bago si Mommy.
Tumawa lang si Irene.
"Kadalasan kasi ay gano'n ang mga tumatakas dito. Buti na lang hindi kayo gano'n..."
Nagpalipas pa kami ng ilang minuto bago napagpasyahan na umuwi na. Nagpaalam kami kay Kuya Guard at sinabihan niya pa kami na sa susunod ay magpaalam kami sa mga magulang namin.
"Sa atin na muna ito, Kuya Guard ah?" Nakangiting sabi ka kay Kuya Guard.
"Hanggat walang nagtatanong ay mananatiling tikom ang aking bibig..." Tumawa siya bago kumaway. "Salamat sa pagkain."
Nagsimula na ulit kaming magbisikleta ni Irene pabalik.
Naramdaman kong sumandal sa akin si Irene. Malamang na inaantok na siya at napagod dahil sa mga nangyari ngayong gabi. Maging ako ay pagod na at ramdam na ang pangangawit sa mga binti ko.
Binagalan ko ang pagpadyak sa pedal ng bisikleta.
"Thank you..." She mumbled.
I remained silent.
"Next week na darating ang fiance mo, hindi ba?" tanong niya.
"Bakit?"
"Mawawalan ka na ng oras sa akin..."
Medyo wrong timing nga ang pagdating ni Aara. Ngayon ko pa lang naumpisahan ang ipinangako kay Irene. Siguro ay kakausapin ko na lang si Aara tungkol dito. Alam kong medyo mahihirapan akong papayagin siya dahil matigas din ang ulo ng babaeng 'yon pero alam kong papayag din siya.
Tahimik na ibinalik ko sa loob ng garahe ang bisikleta. Sinugurado kong kasing ayos no'n kung paano ko siya kinuha para hindi maghinala si Daddy.
Pagkalabas ko ay naghihintay pa rin si Irene. Halata na ang antok sa kanyang mga mata.
"Kaya pa ba? Masyado ka na atang inaantok?" pabirong tanong ko sa kanya.
Pumungay ang kanyang mata pero umiling siya. Mahina akong natawa. Hindi talaga siya marunong nagsinungaling dahil agad mong nababasa ang totoo sa kanyang kilos.
"How was your first escape?" I asked her.
"My first escape with you?" She corrected me. Napatango na lang ako. Hindi ito ang unang pagkakataon na tumakas siya sa gabi.
"Yes? How was it?"
"It was cool! You are such a cool man, Jude," she said. "One of the traits of my dream man."
Napaiwas ako ng tingin nang maramdaman ang hiya.
"No need for sugarcoating, Irene."
"I am serious here, Jude. Aara is so lucky... I must say."
Napatingin ako sa kanya. She was smiling and for the first time... It was a genuine smile... It was a real smile. How I wish I could see that often.
"Bukas ulit?" tanong ko sa kanya.
She nodded her head. "The world is really beautiful at night..." she whispered.
"But quite dangerous too..." I added.
"For me?"
"For us..." I smiled.
Matapos no'n ay tahimik na pumasok na kami sa aming kanya-kanyang kwarto. Hinubad ko ang jacket ko bago humiga sa kama. Nakangiting tumitig ako sa madilim na kisame. Ayokong buksan ang ilaw dahil baka nagising sina mommy at maghinala.
Nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa aking bulsa.
"Thank you for this. Good night, Lilbro..." Irene texted me.
Tumango na lang ako bago ipinatong sa malapit na lamesa ang phone ko. Pero sinigurado ko munang naka-alarm 'yon. Muli akong humiga sa kama.
"Good night..." I whispered.
Kinabukasan ay halos hindi ako makabangon sa kama. Halos nakapikit pa ang mata ko pagkapasok sa paliguan. Para magising ang tulog kong katawan ay normal na lamig ng tubig ang pinanligo ko.
Matapos kong makapag-ayos ay bumaba na rin ako. As usual ay naroon na sina Mommy at Daddy ngunit wala si Irene.
"Good morning, Jude..." Bati nila mommy.
Umupo ako sa tabi ni Daddy. "Anong plano mo, Jude? Malapit na graduation mo," tanong ni dad.
Kumuha na ako ng pagkain. Hindi ko mapigilang sulyapan ang bakanteng upuan sa gilid ni mommy. Natutulog pa ba siya? Mukhang napagod nga siya kagabi.
"Anong plano, dad?" tanong ko pabalik.
"Tuloy ba ang plano niyo ni Ryde na magtatayo ng negosyo?"
Umiling ako dahil nagbago na ang isip ko. Baka si Ryde na lang ang magtayo ng business. Biglang naguluhan ako sa gusto ko.
"So... Magtatrabaho ka na lang sa mga restaurant?" tanong naman ni Mommy.
Nanatili akong tahimik na kumakain.
"Jude..." Uminom ako ng tubig nang marinig na naman si Daddy.
Alam kong ibang plano ang tinutukoy niya.
"Hindi naman siguro kailangang madaliin ang kasal, dad..." Tamad na sinabi ko.
Napatingin kami kay Irene na kakapasok lang ng kusina. Bagong ligo ito.
"Good morning..." Humalik ito sa pisngi nila mommy at daddy bago ngumiti sa akin.
I smiled back.
"Good mood, huh?" Bati sa kanya ni Mommy nang umupo ito sa kanyang tabi.
Napatingin sa akin si Mommy. Bumagsak ang tingin ko sa walang lamang baso na nasa harapan ko.
"Baka kunin na rin si Irene ng kanyang mommy..." Nagulat ako sa sinabi ni Daddy.
Nagkatinginan kami ni Irene. Mabilis na lumitaw ang takot mula sa kanyang mga mata.
"Why?" Tanong ko kay Dad.
"Jude... Ikakasal ka na. Baka hindi na natin gaanong maasikaso si Irene. Mas makakabuti ito sa kanya."
"She can handle herself..." sagot ko. "Hindi niyo rin naman siya inaalagaan dito hindi ba? Naalagaan niya ang sarili niya!"
"Jude..."
Napatingin kami kay Irene nang mahulog niya ang kutsara sa sahig. Mabilis naman na yumuko siya para pulutin iyon.
"I'm sorry..." nakangiwing bulong niya.
Tumingin akong muli kay Daddy.
"Anak mo rin siya, dad... Ayaw mo ba siyang makasama rito?"
Napalunok ako nang sumama ang tingin sa akin ni Daddy ngunit nagmatigas ako na huwag putulin ang titig ko sa kanya.
"Mas maaalagaan siya roon... And, we can still visit her there," sagot niya. "Come on, Jude."
I shook my head.
"They are going to suffocate her again! Ikukulong na parang preso..."
Tumawa si Daddy. "Bigla atang nagbago ang trato mo sa kanya..." ngumisi siya sa akin.
"Nasasanay na kasi ako..." bulong ko. "Pero ngayon niyo pa siya ilalayo."
Tumaas ang dalawang kilay ni Daddy na parang naghahamon.
"Nice to hear that, son..." He smiled.
"Baka naman pwede pang magtagal si Irene dito..." Napatingin ako kay mom nang magsalita na rin siya.
Ngumiti ako sa kanya. Nakayuko lang si Irene.
"Fine..." Napangiti ako sa sinabi ni Dad. "Pero kapag may nangyaring masama sa kanya. I am sorry, Jude..."
I nodded my head. Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag.
They can't just take her away from me. I haven't fulfill my promise to her yet. We are just starting... I still want her here.
"But it really feels good that you and Irene are getting comfortable with each other," dad said.
I looked at Irene.
"Yes, dad... I am now comfortable with my sister."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro