Kabanata 29
Kabanata 29: Flowers
Hindi nakasagot sina Mommy at Daddy at sa tingin ko ay hindi na rin naman nila kailangan pa. Hinawakan ko ang kamay ni Aara at hinila na siya palayo roon. Narinig ko pa ang mahinang pagtawag sa akin ni Mommy pero hindi ko na sila nilingon pa.
Pagkapasok namin sa kwarto ko ay binitawan ko rin ang braso ni Aara.
"Damn it!" I cursed.
Kinuha ko ang phone sa aking bulsa at hinanap ang pangalan ni Irene sa contacts. Dahil din sa pagmamadali ay naging malikot ang mga daliri ko at nagkakamali ako ng pindot. Masyado ring mabibigat ang paghinga ko.
"You are going to break your promise," I heard Aara said. "Ang sabi niya ay kailangan niyang lumayo sa atin at heto ka na naman..."
I took a glimpse of her, she was staring at me with her cold eyes.
Umiling ako bago itinapat sa tainga ko ang phone. Sandali akong napapikit sa inis nang mapagtanto na mukhang nagpalit na siya ng simcard. Binitawan ko agad ang phone ko dahil baka maihagis ko ito kapag hindi ako nakapagpigil.
"What's wrong with her?!" I asked in disbelief. "Why is she doing this? I don't fucking understand!" The frustration made me languid.
"There's nothing wrong with her, Jude," Aara said.
Napatitig ako sa kanya. "D-Don't tell me..." I gulped. "You knew?" Pumungay ang mga mata ko.
She bit her bottom lip and averted her gaze away. Natawa ako sa bahagyang pagkainsulto. Mukhang ako na nga lang ang hindi nakakaalam. Umupo ako sa kama at hinilamos ang palad ko sa aking mukha.
"Nung umalis kayo nung gabi, I went in her room," dinig kong pagkukwento niya. "Nakita ko ang mga papeles na paalis na siya."
Inangat ko ang mukha ko sa kanya. "Why didn't you tell me?"
"Sa 'yo na rin nanggaling, Jude. Ang sabi niya ay huwag na natin siyang guluhin. That's why I didn't bother to tell you."
I swallowed hard again.
"D-Do you know where is she?" I asked. She shook her head. "Why don't you tell me? Baka kung ano na ang nangyari sa kanya!"
"Nabuhay siya nang wala ka at mabubuhay siya nang wala ka!" sigaw ni Aara. "Huwag mo siyang gawin na parang batang naliligaw!" may diing dugtong pa niya.
"W-Where is she now? I just want to know."
Sandali siyang napatitig bago umiling. Umupo ito sa tabi ko. Itinukod ko ang aking siko sa mga hita ko at isinubsob ang aking mukha sa mga palad ko.
"A-Ayoko nang magkaproblema pa," dinig kong bulong ni Aara. Nanatili akong nakasubsob sa mga palad ko. "N-Natatakot kasi akong baka... baka kakailanganin mo na namang pumili."
That's the moment I looked at her. Namumula na naman nang bahagya ang gilid ng kanyang mga mata. Umiwas siya ng tingin at pinahid ang mga namuo roon.
"I-I just care." Bahagyang bumaba ang boses ko.
"Is this another problem that we should fix?" tanong niya. I could smell how tired she was. Napatitig ako sa kanya. "Is this, huh?" Her eyes were already teary.
"A-Aara..."
"H-Hindi ko na alam ang gagawin ko, Jude. I am honestly exhausted."
Gusto ko lang naman malaman kung nasa'n si Irene. Pero siguro nga tama si Aara. This should not be a problem to us anymore. I did my part as Irene's brother and I had showed how I care for her. This is her choice of life and I must choose mine.
Lumunok akong muli.
"Y-You are right..." Muli siyang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko. Pinakawalan ko ang sikip ng dibdib ko at binigyan siya ng isang ngiti. "I've done my part to her... It is you now."
Napatulala siya sa akin at ilan pang segundo ang lumipas, nag-unahan na ang pagdulas ng mga luha sa kanyang mga mata.
"T-This is the first time you put me first..." Her voice trembled. "Ang sarap palang pakinggan..."
Ikinulong ko ang mga kamay niya sa kamay ko nang hindi pinuputol ang aking tingin.
"I'm sorry for over reacting again..."
Pinakawalan ko ang isa kong kamay para punasan ang kanyang mga mata.
"I-Ito na ba talaga?" tanong niya. Nakangiti habang lumuluha. "Ako na ba talaga?"
Bahagya akong natawa.
"Mag-impake ka na... Gusto ko munang pumasyal bago tayo bumalik sa Zambales."
Mahigpit na niyakap niya ako. Hindi ko nabilang kung ilang beses niyang sinabi na mahal niya ako. Kumawala siya sa pagkakayakap sa akin at mabilis na lumabas ng kwarto ko.
Lumabas din ako ng kwarto para puntahan sina Mommy at Daddy. Naabutan ko sila sa sala. Napatayo sila nang makita ako. Mabilis na lumapit sa akin si Mommy at binalot ako ng yakap.
"I am so proud of you, Jude," she whispered. Hinarap niya ako. Nakangiti na siya. "Mahal na mahal mo ang kapatid mo kaya alam kong mas hihigitan mo pa 'yon para kay Aara at sa mga magiging anak ninyo."
Nakangiting tumango ako at nilingon si Daddy.
"H-Hindi namin alam kung nasa'n si Irene. Nag-iwan lang daw siya ng mensahe sa mga magulang niya na magpapakalayo muna siya..." Ramdam ko ang bahagyang sakit sa boses ni Daddy. "Alam kong gumagawa na rin sila ng hakbang para mahanap si Irene."
"She will be alright, Dad. After all, I've taught her many things," pagmamayabang ko pa.
Napangiti si Daddy sa sinabi ko. "Good to hear, son," saad niya.
"Mayamaya rin ay aalis na kami ni Aara, kukunin lang namin ang mga gamit namin." Binalingan ko ng tingin si Mommy. "Baka sa makalawa rin ay andito na sina Tito Elizar at Tita Lineth. Sabay-sabay na lang kayo pumunta ro'n."
Lumapit si Mommy kay Daddy. "Tignan mo ang anak mo, dati ang liit pa lang tapos ngayon ikakasal na..." Ngumuso si Mommy. Inakbayan siya ni Daddy.
"Dati bata pa lang, ngayon ay marunong na ring gumawa ng bata," natatawang sabi naman ni Daddy.
"Ikakasal na ang anak natin..." maluha-luhang sabi ni Mommy.
Napangiwi ako nang makaramdam ng pagkahiya na pinag-uusapan nila ako sa harapan ko mismo. Sinenyasan nila akong lumapit at sabay nila akong niyakap. Narinig ko na ang pigil na iyak ni Mommy.
"I'm going to miss my baby boy..." Mom whispered.
"I'm going to miss being your baby boy too," I chuckled.
Habang nag-aayos ako ng mga gamit ay hindi ko maiwasang balikan ng alaala ang mga nangyari. Hindi ako 'yung klase ng tao na mabilis mapalapit sa mga alaala, mabilis ako kasing makalimot. Pero lahat ng nangyari mula sa umpisa, hanggang dito... Halos ng detalye ay parang nakamarka na sa isipan ko.
It seem like no matter how painful these memories were or how the sea of tears drowned me, I would still hug every single details it has. I would bring the lesson together with the pain with me.
Tinulungan ako ni Daddy na ilagay sa loob ng sasakyan ang mga gamit namin. Halos ilang bagahe din ang dala ni Aara at halos mapuno nito ang sasakyan.
"Tara na?" aya ko kay Aara na kausap si Mommy. Nilingon niya ako at sinenyasan na sandali lang. Tumango ako.
Napatingin ako kay Daddy nang sikuin niya ako. May nakakalokong ngisi sa kanyang labi.
"Score?" tanong niya.
"Isa pa lang, Dad." Ngumuso ako.
"Ang hina mo naman," humalakhak siya.
"Slowly but surely, Dad," I grinned.
Mayamaya rin ay natapos na ang usapan nila Mommy at Aara. Sinabi rin ni Mommy na ipadadala na lang do'n ang wedding gown at ang susuotin ko. Sila na rin daw ang bahalang sumundo sa mga magulang ni Aara.
"Where do you want to go?" I asked Aara. Binuhay ko na ang makina ng sasakyan. Kumaway kami kina Mommy at Daddy bago tuluyang nakalayo.
"Kahit saan, basta kasama ka..."
"Sweet." I laughed.
"But can we visit a flower shop? Gusto kong bumili."
"Sure. May nadaanan tayong flower shop kanina."
Pinuntahan namin ang flower shop. Nang makapasok kami sa loob ay bumungad sa amin ang iba't-ibang uri ng bulaklak. May mga label ang mga 'yon kung saan nakalagay ang mga pangalan.
Daisy, Lavender, Poppy, Dianthus, Canna, Rose, Daisy, Aster--- Iilan lamang iyan sa mga nabasa kong pangalan ng bulaklak. Pero ang pinakanakaakit ng mga mata ko ay ang Calla Lily. It has a pure white color.
"Gusto ninyo, Sir?" tanong sa akin ng babae, napansin ata niya ang paninitig ko roon. Minataan ko si Aara na may kausap din bago tinignan ang babae sa tabi ko. "Alam ninyo po ba ang simbolo ng puting Calla Lily?" tanong niya.
I shook my head. "Not into flowers. But... What?" Curiosity hit me.
"Purity and innocence," she simply said but the impact made me stun a bit. "Maganda ito sa mga kasal," malawak na ngiting dugtong pa niya.
Nung narinig ko ang simbolo nito ay may isang babae ang pumasok sa isipan ko. This flower perfectly described her. She was like an angel to me. Umiling ako. Mabilis ko 'yong iwinaksi. Binalikan ko ng tingin ang kulay puting bulaklak. I couldn't help but to be astonished by its beauty.
"I love it," I whispered, unconsciously.
"Itong Gladiolus naman, sir..." Turo niya sa isa pang bulaklak. "It symbolizes strength of character and faithfulness."
And I just found my girl... I chuckled.
Napatingin ako kay Aara nang tawagin niya ako. Tumingin ako sa babaeng nasa tabi ko. "I will buy both of them," sabi ko bago lumapit kay Aara.
"What can you say?" turo niya sa kanyang mga napili. Anim na klase ng bulaklak iyon. Tumango naman ako habang nakatingin sa mga ito.
"Nice choice," I smiled.
"Ay, ikaw pala 'yong tinutukoy ni Ma'am Aara sa Tulip," sabi sa akin ng babaeng kausap ni Aara kanina.
Bahagya akong naguluhan. Tumawa lang si Aara bago tinanguan ang babae. Pinaayos na nila ang mga binili namin ni Aara. Kinuha ko ang wallet sa bulsa ko at binayaran ang mga pinamili namin.
"Mahilig ka pala sa bulaklak?" Natatawang sabi ni Aara habang nakatingin sa dalawang bulaklak na binili ko. "Calla lily and Gladiolus huh? Ano meaning nila?"
I just shrugged my shoulder.
Nagtagal pa kami ng ilang minuto roon dahil nanguha pa ng picture si Aara. Pinapanuod ko siya habang nakangiting pinagmamasdan ang mga bulaklak. She captured multiple shots on each flower.
She loves the flowers but based on what I've observed, she is more into their meaning. Hindi niya binili ang mga bulaklak na iyon dahil sa nagandahan siya sa itsura kung hindi sa simbolo ng mga 'yon.
"Mapupuno ko na naman ang sketch pad ko," tumatawang sabi ni Aara nang nasa sasakyan na kami.
"Mapupuno mo rin ng bulaklak ang bahay," sagot ko naman.
Hindi siya kumibo kaya sandali ko siyang nilingon. Nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Tinanong ko siya kung bakit pero umiling lang siya. Hanggang sa makauwi kami ay tahimik lang siya.
May nasabi na naman ba akong hindi maganda? Binalikan ko ang mga salita ko pero wala akong maalala na masama sa aking mga sinabi.
"Ako na," pigil ko kay Aara nang aktong tutulong na siya sa pagpasok ng mga gamit namin. "Iyong mga bulaklak na lang ang ipasok mo. Ako na sa mga bagahe."
Simpleng tumango lang ito bago ginawa ang sinabi ko. Napabuga na lang ako ng hangin. Nakailang balik ako bago naipasok lahat ng gamit namin. Siya ang pupuna sa ikalawang kwarto at ako naman sa una.
Habang nakahiga ako sa kama sa loob ng kwarto ko ay inalala ko ang biglaang pagbabago ng mood ni Aara. Hindi ko alam kung may nasabi na naman ba akong hindi niya nagustuhan o baka napagod lang siya.
Should I just ask her?
Hindi ako mapakali kaya lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ang kwarto ni Aara. Naabutan ko siyang nag-aayos ng mga gamit niya. Alam kong alam niyang nandito ako pero hindi niya ako nilingon.
"Can we have a walk?" I asked her.
Tumingin siya sa akin. "May ginagawa pa ako."
"Please?" I pleaded.
Nakipagtitigan muna siya sa akin bago mahinang tumango. Tumayo siya. Pinagbuksan ko siya ng pinto. Hanggang sa paglabas namin ay tahimik lang siya.
We made our way to the sea. Hapon na rin kaya wala na rin gaanong tao. Hindi na rin maaraw kaya magaan na sa pakiramdam ang hangin. Pasimple kong sinulyapan si Aara na tahimik pa rin.
"Pure love," she suddenly said. Tumingin ako sa kanya, sinalubong niya ang tingin ko. "You are my Tulip... You are my pure love."
Napangiti ako sa sinabi niya. Inakbayan ko siya at inilapit pa sa akin. Kumawit naman ang isa niyang braso sa likod ng bewang ko. Humampas ang malamig na hangin sa katawan namin.
"I am not a perfect love," I whispered.
"But for me, you are," she answered. "How about me? I'm sure I am one of those two flowers," she said, thrilled.
"You are my Gladiolus, my strength and faithful girl," I said.
Humigpit ang kapit niya sa bewang ko. Huminto kami sa paglalakad at tinanaw na lang ang malawak na dagat. Kapag hindi kami nagsasalita ay ang tunog ng alon lang ang naririnig namin.
"How about Irene?" biglang tanong niya.
"Huh?" naguguluhang tanong ko.
"Alam kong isa siya sa mga 'yon, Jude," natatawa niyang sabi. Humiwalay siya sa pagkakaakbay ko at humarap sa akin, nanatili ang ngiti sa kanyang mga pulang labi. "Tell me..."
Lumunok ako at kumuha ng hangin. "The Cally Lily, purity and innocence," bulong ko.
"Perfect for her," she commented. "But there is one flower suits for her."
"And... What is that?" tanong ko.
"Gardenia..."
"It symbolizes?"
. Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan, sa sobrang bilis no'n ay parang namalik-mata lang ako. Namilog ang mata ko dahil doon.
"We are getting married, finally," she said.
"Are you ready?" I asked when I finally got to recover.
Mabilis na tumango siya. "I do!" she exclaimed.
Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko na hahayaan pang mawala ang ngiti sa kanyang labi. Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakayakap sa kanya. This is the life I chose to live.
"I love you, Jude."
"I am all yours," I whispered.
Naramdaman kong may pumatak na tubig sa balikat ko. Hihiwalay na sana ako sa kanya ngunit hinigpitan niya ang yakap. Nagsunud-sunod ang patak sa balikat ko.
"Hug me until these tears subside," she whispered.
Nanatili kami sa gano'ng posisyon hanggang sa siya na mismo ang kumawala sa pagkakayakap. Hinarap niya ako. May mga luha pa rin sa kanyang mga mata.
"Are you good?" I asked.
She nodded her head. "Tears of joy. Magluluto pa pala ako. Tara?" aya niya sa akin.
Tumango ako pero duda ako sa unang tatlong salitang binitawan niya.
Tinulungan ko siya sa pagluluto. Pinag-usapan namin ang mga gagawin sa kasal at ang mga imbitado. Bigla kong naisip si Ryde. Damn it! I almost forgot him. I will give him a call later.
"Do you need raincoat?" I mocked her. Masyado kasi siyang malayo sa piniprito niya.
"Can you be my shield instead?" Sinamaan niya ako ng tingin.
"I can, but not against the boiling oil." I laughed.
Sabay kaming kumain at sabay din kaming naghugas ng mga plato. Biniro ko pa nga siya na sabay kaming maligo pero sinamaan niya ako ng tingin. Habang hinihintay ko siyang matapos na maligo ay inabala ko ang sarili ko sa phone.
Napagpasyahan kong tawagan na lang si Ryde. Sinabi ko sa kanya ang kasal namin ni Aara at minura pa ako ng gago dahil sa dami raw ng nangyari roon din ang bagsak namin. Per bahagya akong nalungkot dahil hindi raw siya makakadalo. Pero ayos naman 'yon sa akin, gusto ko lang makasal kay Aara... Saka na ang marangyang kasal.
Napabuntong-hininga ako habang nakatitig sa phone ko.
Bigla kong naisip ang sinabi kanina ni Aara tungkol sa bulaklak. I immediately opened my browser and searched the meaning of Gardenia. Why did she label Irene as one?
Sumikip ang dibdib ko habang nakatingin sa dalawang salita. Paulit-ulit ko iyong binasa at inintindi. Kumalabog ang dibdib ko. Sinubukan kong humanap ng iba pa pero gano'n din ang sinasabi.
"Shit!" Nabitawan ko ang phone ko sa sobrang panginginig ng kamay ko. Mabilis na pinulot koi 'yon at ipinatong sa couch.
"What's wrong?" Umangat ang tingin ko kay Aara na kalalabas lang ng CR. Nakabalot pa sa kanyang buhok ang kulay puting towel.
"T-The meaning of Gardenia... That's not it!"
Sa halip na magalit siya ay ngumiti siya. "She is your Gardenia, right?"
"Damn! Ngayon pa ba?! Stop this shit!"
Humalakhak siya. "Okay... Ako na ang mali. Hindi mo na ba ako mapatatawad?"
"Ewan ko sa 'yo!" Napasigaw ako dahil sa kanya pero tinatawanan niya lang ako.
Kinuha ko na ang mga damit ko sa couch at pumasok sa CR. Nanginginig ang buo kong katawan hanggang sa makapasok ako sa loob. Hinubad ko lahat ng aking saplot sa katawan bago binuksan ang shower at binabad ang sarili roon.
I closed my eyes... Damn it!
That flower symbolizes a secret love.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro