Kabanata 27
Kabanata 27: Final Escape
Natulala ako sa kanilang dalawa. Sobrang bagsak ng pakiramdam ko. Medyo pigil din ang paghinga ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, lumapit sa kanila at pigilan o umalis na lang.
I bit my bottom lip and skedaddled the house as fast as I could. Para akong sinasakal hanggang sa makalabas ako. Sinalubong ako ng malakas na hangin. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa matapat ako sa isang puno at walang pag-aalinlangan na pinadapo ko roon ang kamao ko.
"Tangina! Ayoko na!" Muli kong sinuntok ang puno, ang magaspang na balat nito ay rumagasa sa kamao ko. Pumikit ako at muling sinuntok iyon. Hindi ko alam kung ilang beses hanggang sa marinig ko ang tinig ni Irene sa likod ko.
Gamit ang dumudugo kong kamao ay sinenyasan ko siyang huwag lalapit. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang dugo sa kamao ko.
Dumapo ang tingin ko sa babaeng nasa likod niya, hindi ito makatingin sa akin. Bahagya akong natawa bago mariin na pinunasan ang luha sa mata ko.
"Did you prove your assumptions? Come on, Aara! Tell me!" Bahagyang pumaos ang boses ko dahil na rin sa pagod.
She looked up at me. Tears started to loom around her weary eyes. And again, it felt like I was at fault, or maybe, yes, this is all my fault, everything is because of me.
"Y-You don't understand..." she said that I could almost hear.
I faked a laugh.
"Ang gago ko naman siguro para hindi maintindihan na ginawa mo 'yon para makumpirma na may pagtingin din ako sa kapatid ko. Tangina. Ayoko na. Sawang-sawa na akong napagbibintangan sa mga akala na kailanman ay hindi ko naisip." Napailing na lang ako.
"Calm down, Jude!" Irene screamed, that was the first time I've heard her scream with full of anger. "You don't talk to your girl that way." May diing sabi pa niya.
Kumunot ang noo ko. Naalala ko na naman ang mga natuklasan ko sa kanya at hindi mo maiwasang patulan iyon.
"Babae ka, babae siya... Paano mo nasabing mahal mo siya?" tanong ko sa isang mapanuyang boses.
Mas lalong napuno ang galit ang kanyang mga mata.
"Paano mo rin nasabi na mahal mo Aara?" balik na tanong niya. Hindi ako nakasagot, masyado akong hiningal at mabibigat ang paghinga ko. "You can't just ask that question to someone, Jude. It is the same as invalidating their feelings just because you have a different perspective about that thing. Never, Jude! Never!" She screeched, making sure I heard it right.
"But you know what is right from wrong!" I screamed back.
"You don't! Sometimes what's wrong from other is right for you and sometimes right can also be wrong. So, no, Jude! It is not fixed that way!"
Bahagya akong natawa. "Sa mga sinasabi mo ay parang may ipinapahiwatig ka. Bakit, Ate? Kaya mo bang ilayo sa akin ang mahal ko para sa kasiyahan mo?" Nawala ang ngiti sa labi ko nang maramdaman ang pagdapo ng palad niya sa pisngi ko. That was a quick move that I just felt it.
Lumapit si Aara sa kanya para pigilan siya ngunit nanatiling diretso sa akin ang tingin niya. Ang kaninang galit ay napalitan ng sakit. Nakita ko ang pagbabago ng paghinga niya base sa pagtaas-baba ng kanyang balikat. She was panting heavily.
"Kung kaya ko ay dati ko pa ginawa. Do you want to know the history of the evolution of my feelings for her?"
I gulped and shook my head. "N-No..."
"Because I've never seen a woman like her, she was all I ever wanted to be. Brave, firm, independent, a fighter. I thought I was just admiring how independent she was but little did I know... I already crossed the line of admiring a woman and out of the line was a hole where I fell."
"Don't you think it is just a crush?" I asked her. Bahagyang bumali ang leeg ko. "Based on what you just said, you are still just admiring her. That's it."
She laughed a bit. "That was what I thought too... I thought I was not into her but..." She gulped. "When I tried to kiss you... It confirmed the nightmare I had been denying. T-There was nothing."
"Did you also try to kiss her to prove something?"
"Enough," Aara interrupted.
Namilog ang mata ko. "Y-You tried..." bahagya akong natawa. "So how was it, Ate? Did you find the feeling you didn't feel with me? Was it felt like a fucking flickered of shitty lightning crawling in your suffocating lungs up to your rapidly-beating heart?"
She gulped. "It doesn't matter..."
"It does. And you felt it. Damn it. Why?" Kumunot ang noo ko. May parte sa akin na ayaw nang pag-usapan ito pero may isang parte pa rin na gustong malinawan.
"I am leaving and I will be bringing this feeling. It doesn't matter anymore."
Napansin ko ang bahagyang pagkuyom ng kamao niya at pagbigat ng kanyang hininga, mas naging malala ito ngayon kesa sa kanina. Napansin din iyon ni Aara kaya mabilis niya itong inalalayan.
Sinabayan ko ang titig ni Irene. Walang pagbabago sa reaksyon niya.
"D-Do you know how hurt am I that I can't give up what should be for your happiness?" I asked in a low and hoarse voice. "I promised to myself that I would give everything that will make you happy and I failed."
Napansandal ako sa puno at napatingin sa kamao ko. Bahagya ng natuyo ang mga dugo roon at masyado ko na ring ramdam ang hapdi nito.
Irene shook her head and smiled. "Do you think I will also take your happiness if ever you offer it to me? No, Jude. Kung gusto mo akong maging masaya, mas lalo na ako na ako sa 'yo."
"I love you, Irene... You are a dream come true to me." I finally said it, right in front of her face. "Hear me, Ate? Mahal kita, ate, at kapag nagmahal ako, ibibigay ko ang lahat ng kaya ko mapasaya ko lang siya."
She laughed. "So sweet, Lil bro. I love you too. But..." Tumingin siya kay Aara na hanggang ngayon ay tahimik pa rin. "I know Aara was your wish and that is far better than a dream. Not everyone's wishes can come true."
"J-Jude... Parang nahihirapang huminga si Irene," biglang sabi ni Aara.
Hinawi ni Irene ang pagkakahawak sa kanya ni Aara. "We are done in this issue, Jude. Malinaw na tayo. Siguro ay kailangan ninyo na ring malinawagan." Lumipat ang tingin niya kay Aara. "Come on, Aara... Tame this confused guy."
"H-Hey..." I grabbed Irene's arm when she was about to get back. I pulled her for a hug. "I am sorry... Pinapangako ko... Mamahalin at aalagaan ko ang babaeng pareho nating mahal."
Bahagya siyang tumawa bago hinaplos ang aking kamay na nakayakap sa kanya.
"That's right, lil bro... Now, let me go. Nasa loob ang inhaler ko."
I let her go. Binigyan niya kami ng mahinang ngiti bago siya tumalikod at naglakad na papasok.
Naiwan kaming dalawa ni Aara. Sa sobrang tahimik namin ay ngayon ko lang nabigyan pansin ang paligid. Tahimik. Medyo madilim. Puno ng bituin sa langit. Malamig ang simoy ng hangin. Everything was in serenity until Aara broke the silence.
"I admire how much you love your sister," she chuckled. "I am sorry if I didn't see how much you care for her. Kung sanang mas malinaw lang sa akin ay hindi na kita pinag-isipan nang masama."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamao kong may sugat. Ngumiwi ako nang higpitan niya ang hawak doon.
"Masakit..." mahina kong angal.
Mahina siyang tumawa. "You still love to punch innocent trees," bulong niya bago bahagyang inilapit sa kanyang labi ang kamao ko. Mahina niya iyong hinipan habang nakatingin sa mata ko.
I swallowed hard and pulled her for a tight hug. Ibinaon ko ang mukha ko sa kanyang leeg. Nanginig muli ang labi ko at hindi na napigilang umiyak. Tumawa siya pero hindi nagsalita. Hinagod niya ang likod ko at hinayaan akong umiyak.
"W-We did it, Jude..." Aara whispered. Hinarap niya ako sa kanya. Pinunasan ko ang luha sa mata ko. "Don't cry, baby boy. We are finally having our happy ending. We stayed, risked, shed tears and it is all worth it."
Lumunok ako. "Stop being this bold, Aara. Masyado mo akong pinapahiya sa sarili ko."
Natawa siya sa sinabi ko, kuminang ang kanyang mga mata sa aking paningin. Bahagyang ginulo ng hangin ang kanyang buhok kaya mabilis niya iyong inayos sa likod ng kanyang tainga.
"We can't be weak together at the same time, that will be too risky. I will be your man when you feel gay."
"Not funny..."
"We are almost there, right?" she asked.
"Still, here we are... Together. This is love, isn't it?"
She bit her bottom when her face blushed.
"This is not love," she said. "This is life."
I nodded my head. We stayed a few more minutes outside before deciding to go in.
Naabutan namin si Irene na palabas sa kanyang kwarto. Masyadong namamaga ang kanyang mga mata. Ngumiti siya sa amin bago dumiretso papunta sa kusina.
Napatingin ako kay Aara nang hawakan niya ang kamay ko. Binigyan niya ako ng makahulugang ngiti na bahagya kong ikinalito.
"Final escape..." she whispered.
Bahagyang umawang ang bibig ko nang maintindihan kung ano ang ipinapahiwatig ng kanyang mga ngiti.
"S-She's tired..." I mumbled.
"Yeah, that's why she needs to escape. Come on, Jude... Don't worry about me."
She gave me a peck before getting in her room. Lumunok ako bago sinundan si Irene. Naabutan ko siyang umiinom ng tubig. Mabilis na inubos niya ang laman ng baso nang makita ako.
"You still mad at me?" she asked.
"Yes," mabilis na sagot ko.
Sinubukan kong itago ang ngiti ko nang makita ang bahagyang pagkabahala sa kanyang mga mata.
"I understand."
"You don't."
She arched her brows. "Pinagloloko mo na lang ako." Ngumuso siya.
Hindi ko na napigilan ang ngiti ko. Bahagya akong lumapit sa kanya at nang ilang pulgada na lang ang layo ko ay inilahad ko ang kanan kong kamay sa harap niya.
"W-What?" she asked, confused.
"Let's do the final escape, shall we?" I smirked.
She smiled, widely. Tinanggap niya ang kamay ko.
Sumakay kami sa sasakyan ko at mahina iyong pinatakbo. Binuksan ko ang bintana at hinayaang makapasok ang hangin sa loob. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at hindi ko rin naman kabisado ang lugar na ito.
"Anong oras ka susunduin ng Kuya mo?" bigla kong tanong.
"Maaga?"
"Gaano kaaga? I want to meet him."
Tinigil ko sa gilid ng kalsada ang sasakyan ko. Hindi pa rin naman kami nakalayo pero mula rito ay tanaw ang dagat. Ibinaling ko ang aking tingin kay Irene. Diretso ang tingin nito.
"I wonder what he looks like."
"Guess..." She turned her gaze at me.
"A jerk with a blonde hair, foreign accent, piercing all over his ears, tattoos on his arms, unusual hued eyes, devilish grin and sharp words. Did I miss something?" I smirked.
She laughed hard but I remained with my stern face.
"You're describing a gangster, aren't you?" Natatawa pa rin siya.
"Isn't he?"
"He is and yeah, you forgot his smoking mouth."
Doon ako tuluyang natigilan. Bahagyang bumali ang leeg ko.
"Naninigarilyo rin siya sa harapan mo?" tanong ko.
"When our parents are not around?"
"I really want to meet him," I smirked.
"You don't want to see him."
"I do, says by my wounded fists."
Sinapak niya ang balikat ko dahil doon. Ngumuso siya. "He is not your usual person."
"Oh, damn! I am going to meet an alien then?"
"Let's not talk about him."
"And why not?" I arched my brows. Tumamad ang tingin niya sa akin kaya nagkibit-balikat na ako. "Okay..."
"Dito lang ba tayo?" tanong niya nang mapagtanto na wala na rin ako balak na magmaneho pa. "Come on, Jude..."
"Tinatamad na ako..." Humikab pa ako.
"Then let me drive!" she said, thrilled.
"Can you?"
She frowned. "I drove you when you were drunk, remember?"
"I don't."
"Please..."
Nagpa-cute pa ang kanyang mga mata habang nakalapat sa isa't-isa ang kanyang mga palad. Ngumiti siya nang mapansin na unti-unti na akong pumapayag.
"Careful."
Lumabas ako para lumipat sa kabila. Pagkapasok ko ay nasa driver's seat na siya. Tumingin siya sa akin. "Ready?" tanong niya.
"Whoa. Are we in a race car competition? Don't give me that look."
She started the engine. Napasandal ako nang bigla niya itong pinatakbo. I cursed under my breathe. Napatakbo ko na rin ang sasakyan nang ganito kabilis pero iba ang nagmamaneho ngayon. Tama nga sila, mas nakakaba ang maging pasahero kesa sa nagmamaneho.
"Slow down," I said.
"We have the road alone, I can't."
Para ngang sarili namin ang daan dahil wala man lang kaming kasabayan. Napatingin na lang ako sa orasan. Natawa na lang ako dahil 2 A.M na rin pala. Kaya pala medyo inaantok na ako.
Mayamaya rin ay humina na ang pagpapatakbo niya.
"Should we get back?" she asked.
"Malayo na ba tayo?"
"Medyo," sagot niya bago iniliko ang sasakyan.
Parehong diretso ang tingin namin.
"I will miss you," she whispered.
Napatingin ako sa kanya. "We will visit you there..."
Payak na ngumiti siya. "Can you do me a favor?"
"I really hate favors because it sounds like something horrendous will happen."
"Please?"
I let out a heavy sigh.
"What?"
She cleared her throat. "I have paid that house for almost a year..." She took a glimpse of me. "And I want you to stay there..."
"Okay," maikli kong sagot.
"And don't visit me..."
"Why not?" I frowned.
"Let me refresh my mind. It will take months, years... Let me regain myself."
"B-Bakit?"
Tumingin siya sa akin bago ibinalik sa kalsada ang tingin. Hindi na siya sumagot hanggang sa makauwi kami. Naabutan naming tulog na si Aara sa sofa. Pareho kaming natawa.
"Good night, Lil bro..." sabi ni Irene bago pumasok sa kanyang kwarto.
Lumapit ako kay Aara at maingat na binuhat siya papasok sa kanyang kwarto. Maingat din na ibinaba ko siya sa kama, hindi pa man ako nakakatayo nang yakapin niya ako.
"Sleep with me..." she mumbled without opening her eyes.
Wala akong nagawa kung hindi ang humiga sa tabi niya. Magkaharap kami, nakayakap siya sa akin. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
"Ssshhh..." I hushed her.
I closed my eyes and let myself to rest. Nagising ako na wala na si Irene. Hinanap ko siya sa kung saan-saan. Halos mahalughog ko na ang buong lugar ngunit hindi ko siya nahanap. Pagod na pagod ako pagkabalik sa bahay.
Sinalubong ako ni Aara.
"Bumalik na ba siya?" hinihingal na tanong ko.
She shook her head. "Umalis na siya, Jude..."
"Nang hindi man lang nagpapaalam?!" bahagyang tumaas ang boses ko. Lumapit sa akin si Aara at niyakap ako. "Umalis siya nang hindi nagpapaalam."
"That's her final escape, Jude..." Aara whispered and I just found myself weeping on her arms.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro