Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 26

Kabanata 26: Happy

She nodded her head as she wiped away the tears from her fatigued eyes. Parang natunaw ang mga hinanakit ko sa kanya dahil sa mga salitang kanyang binitawan. I suddenly felt shocked even though I've long decided to do the same thing.

"Y-You are leaving?" I stuttered. Hindi ko alam pero gusto kong marinig muli iyon, gusto kong malinawan.

"Y-Yes, I am..." she mumbled in between of heavy sobs. "This is for the best, isn't it?"

"But... W-Why all of a sudden? We haven't fixed this mess yet," I muttered. I tried to not to look like I was trying to stop her decision. "Y-You can't just leave us in this mess."

Umiling siya at bahagyang tumagilid na para umalis. "Some mess cannot be fixed." She gave a dry smile bofore getting in her room.

Aara and I were both left dumbfounded. Binalingan ko ng tingin si Aara. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero nakita ko ang ibang reaksyon sa kanyang mata. She slowly bit her bottom lip as she shook her head and walked in her room.

Then... I was left alone in silence. I gulped, tyring not to think worse things.

I lay my body down the couch, I suddenly felt exhausted when my back perched on it. I closed my eyes and without trying too hard, I fell in the deep hole of darkness. Nagising ako nang marinig ang mga tawanan sa kusina. Tumayo ako at nag-inat ng katawan. Naabutan kong nag-uusap sina Aara at Irene habang humihigop sa tasa ng kape.

"Hey... Good morning," Irene greeted me, there was this gleaming smile flashed on her lips. "Nakatulog ka ba nang mabuti?" tanong pa niya.

I nodded my head without throwing any words. Tumingin ako kay Aara na nakatingin lang sa akin. Nilagpasan ko sila at dumiretso sa CR para maghilamos. Mula sa loob ay naririnig ko ang usapan nilang dalawa.

"Maligo ka na rin kasi!" dinig kong pilit ni Irene.

Tumawa si Aara. "Okay, okay... Buti na lang may dala akong bathing suit," narinig ko pa pagtawa nito nang marahan.

Pinagtuonan ko ang paghihilamos at isinatabi ang mga naririnig ko. Pagkalabas ko ay may nakatimpla na ring kape para sa akin. Tumabi ako kay Aara, si Irene naman ay nakaupo, nakaharap sa amin.

Bahagya akong naguluhan sa mga kinikilos nila. Sa pagkakaalam ko ay hindi maganda ang nangyari kagabi, pero bakit ganito?

"Jude?" tawag sa akin ni Irene. Nilingon ko siya, hindi nawawala ang ngiti sa kanyang labi. "Gusto mo bang mamalengke? May balak kasi kami ni Aara na maligo mamaya sa dagat, para na rin may pagkain tayo," sabi niya.

Humigop ako sa kape habang naghihintay ng mga salita pa.

"Para may ihaw tayong pagkain, hindi pa kasi ako nakabili ng karne," dagdag na sabi pa ni Irene.

"Wait... Working pa ba ang DVD player dito?" tanong ni Aara.

Bahagyang nanlaki ang mata ni Irene. "Oh, yes, please! Movie marathon mamayang gabi!" Napailing ako nang mag-apir pa sila at sabay na humagikgik.

Girls and their connected minds.

"Come on, Jude..." Kumawit pa sa braso ko si Aara.

"Yes, why not?" I gave up. "Sagot ko na rin ang gastos." Ngumisi ako.

"So... It is settled then?" Irene raised her eyebrows. I nodded my head as a sign of agreement. "Yes! Gonna prepare my bathing suit. Can you help me?" Irene asked Aara.

"Susunod ako," sabi ni Aara sa kanya.

Tumango si Irene bago nagmadaling lumabas ng kusina. Naiwan kaming dalawa ni Aara rito kaya mabilis ko siyang minataan. Ngumisi siya bago kumawit muli sa braso ko.

"What's that?" I asked, confused. She giggled without saying any words. "Come on, Aara... What are you planning?"

She pouted her lips. "Nothing. I just remember last night..." She winked.

Ngumisi ako. "Blame your naughty personality," I pinched the bridge of her nose. Mabilis na tinampal niya ang kamay ko. Mahina akong tumawa nang makita ang namumula niyang ilong.

"Tama ako... Zac is nothing compared to yours."

"Did he also make you see his?" I arched my brows.

She shook her head. "No. Just the bulge..." She laughed.

"Do you also do this to other guys?" I asked.

Bahagya siyang naguluhan. "What?"

"I mean..." I cleared my throat as I searched for words. "Hmmm... This side of you."

"You mean... this naughty side?" Bahagya siyang natawa.

"Did you?" Bumali ang leeg ko habang naghihintay ng sagot.

"I haven't..." Lumobo ang pisngi niya dahil sa pagpipigil na tumawa.

"Aara..." I warned her.

"And no plan to." She stood up and gave me a peck on my lips. "Hinihintay na ako ni Irene."

HInawakan ko ang kamay niya nang aktong aalis na siya. "W-What are you doing?"

Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya, hinaplos niya iyon.

"Doing her a favor?" She answered, hesitant. "I do not want her to leave like this. I am granting my promise to help your sister. Just gonna extricate her from this misery. Always, for you..." She smiled.

"T-Thank you..." I whispered.

She rolled her eyes. "Always, for you..." And she walked out.

Inubos ko lang ang kape ko bago pumasok sa kwarto ni Aara dahil nando'n ang gamit ko. Wala siya sa kwarto pagkapasok ko, malamang na nasa kwarto pa ni Irene. Kumuha ako ng damit sa bagahe ko bago lumabas ng kwarto at pumasok sa CR. Iisa lang kasi ang CR sa bahay na ito. Kumpleto naman ang gamit sa loob.

Pagkatapos kong maligo ay saka ko lang napansin na mukhang nahulog ko sa labas ang damit ko. Sinuot ko na lang ang shorts ko at inayos ang towel sa balikat ko bago lumabas. Pinihit ko ang busol ng pinto.

"Putik!" Napapikit ako nang tumambad sa harapan ko si Irene. Tumawa siya dahil sa naging reaksyon ko. Muli kong inimulat ang mata ko. "Ang hilig niyong manggulat."

"Daig mo pa ang babae sa tagal maligo," panunukso niya sa akin. Bigla siyang umiwas ng tingin nang mapatingin sa kawatan ko. "B-Baka gusto mo nang umalis sa daan? Maliligo na rin ako."

Ngumisi ako bago ginulo ang buhok niya. Umangil siya at hinampas ako ng towel sa mukha bago niya ako tinulak pagilid at pabagsak na isinara ang pinto.

"Lakas..." Natatawa kong bulong.

Napailing na lang ako bago naglakad papunta sa kwarto.

"Nahulog mo," salubong sa akin ni Aara nang maabutan akong naglalakad, saktong kalalabas lang din niya ng kwarto. "Burara ka talaga..." Hinagis niya sa akin ang t-shirt niya.

"Thanks..." Ngumisi ako. Inikutan niya ako ng mata bago tumalikod pero maagap na hinawakan ko ang kamay niya at iniharap siya sa akin.

Inis na sinabayan niya ang tingin ko. "Ano ba ang problema mo at ang hilig mong manghablot ng braso?" Padabog na tanong niya.

"Sungit..."

"Ano nga?"

Lumunok ako. Bigla akong napakapa ng sasabihin.

"W-Wala ka bang nararamdaman?" tanong ko.

Bahagya siyang naguluhan, maging ako ay nalabuan sa pagkakagawa ko ng tanong. Tumikhim ako para alisin ang pagbabara ng lalamunan ko.

"Y-You mean... horny?" she asked, amused.

Mabilis na umiling ako. "No that. I mean... Don't you feel vomiting?"

Nagsalubong ang kanyang mga kilay na animo'y nag-uusap kung ano ba ang ibig sabihin ng tanong ko na 'yon.

"W-Why would I vomit?"

"Or... Mood swings?" I gulped.

Pinanliitan niya ako ng mata. "D-Don't tell me..." Tumawa siya bago ako hinampas sa braso. "Gago ka. Ang akala mo ba ay kaya mo akong buntisin sa loob lang ng isang araw?"

Bahagya akong nakaramdam ng pagkainsulto. "Kulang pa ba ang ginawa ko?! Tell me!"

"Damn... You don't know anything about pregnancy?" she asked in disbelief.

"I am not going to get pregnant so why would I bother to know a thing about it?" I said, mocking her.

"But you are a master when it comes on the process..." She winced. Hinampas niyang muli ang braso ko na aking ikinangiwi. Masyado nang lumalakas ang hampas niya sa balikat ko, lalo na't balat ko na ang tinatamaan niya. "Try to do a research about it, dude..."

"Just tell me you are not pregnant!"

"I am not... Well, not yet... Let's see..." Kinindatan niya ako bago pumasok sa kanyang kwarto.

Inis na ginulo ko ang buhok ko bago nagsuot ng damit. Pumasok ako sa kwarto ni Aara at naabutan ko siyang naghahanap ng damit sa mga gamit niya. Hindi niya ako pinansin. Lumapit ako sa salamin at nag-ayos ng buhok.

Ilang segundo ang nakalipas bago ako nakabuo ng tanong.

"May nasabi ba sa 'yo si Irene kung kailan siya susunduin ng kuya niya?" tanong ko habang patuloy sa pag-aayos ng buhok sa salamin.

Hindi ko nilingon si Aara kaya hindi ko rin alam kung nakatingin siya sa akin.

"Soon?" Hindi siguradong sagot niya. "Iyon ang sagot niya sa tuwing tatanungin ko siya. Parang ayaw niya ring pag-usapan kaya hindi ko siya pinilit."

Nilingon ko si Aara. Naabutan ko siyang patayo na, hawak ang mga gamit niya.

"Wala na ba siyang iba pang nasabi sa 'yo?" tanong ko pa.

Napatingin naman siya sa itaas na animo'y inaalala pa ang mga naging-usapan nila. "Maliban sa katangahan ni Zac... Wala na."

"Katangahan? Ano'ng ginawa ng lalaking 'yon?"

"Nakwento sa akin ni Irene ang nangyaring pagpasok sa kwarto niya," umpisa niya. Nanatili akong tahimik, nakikinig sa kung ano pa ang ihahayag niya. "That was Zac and his stupidity. Dala ni Zac no'n ang envelope na may laman ng mga... Alam mo na."

Tumango ako. "A-Alam kong hindi talaga 'yon magnanakaw, pero hindi ko inakalang..." Suminghap ako at hindi na rin nag-abalang dugtungan 'yon, alam kong alam na rin ni Aara ang ibig kong sabihin.

Siya naman ang tumango. "Though expected na rin ni Irene na papasok si Zac sa kwarto niya, dala ang envelope. Sinadya ni Irene na iwang nakabukas ang bintana, pero ang gago... Masyadong napaaga ang pagpasok niya." She grimaced.

"Wait... Nakita ko rin ang takot sa mata ni Irene nung nangyari ang pagpasok ni Zac. What's that then? Pretending to be shocked?"

"That's because she freaked out, ang akala niya ay mahuhuli mo si Zac at malalaman mo kung ano ang rason niya. Masyado siyang binulabog ng kaba."

Mahina akong napatango. Kaya pala gano'n na lang ang takot sa mga mata ni Irene nang mangyari 'yon. Hindi ko rin siguro alam ang gagawin ko kung nalaman ko lang no'n ang pakay ni Zac.

"K-Kailan mo nakita ang envelope na 'yon?" tanong ko.

"Hindi ba nakitulog ako sa kwarto niya pagkabalik ko sa inyo? Hindi niya ata naitabi ang envelope... Iyon ang unang pagkakataon na naghinala ako sa kanya. That's also the reason why I confronter her... At inamin nga niya na... Alam mo na."

"Ano pa ang inamin niya no'n?"

"Y-Yung pulang rosas... sa kanya rin nanggaling."

Bumuntung-hininga ako. Bigla na naman sumakit ang ulo ko. Damn that Zac. Hindi na talaga ako magdadalawang-isip na paputukin ang mukha niya kapag nakita ko siya ulit.

"I wonder why Zac helped Irene..." I mumbled.

"Dahil malamang na galit pa rin siya sa akin... dahil sa ginawa kong paggamit sa kanya. He will do everything to ruin me."

"Your reaction..." Napatitig ako sa kanya nang may maalala. "Masyado kang naging kabado nung nalaman mo kay Klaus na nakikipagkita si Irene kay Zac. Alam mo na palang kay Zac galing ang envelope pero bakit parang masyado ka pa ring nag-react nung araw na 'yon?"

Napaiwas siya ng tingin. Pakiramdam ako ay may itinatago pa siya sa akin.

"Dahil..." She gulped when I caught her sight. "Hindi naman nakikipagkita si Zac nang madalas sa mga taong pinatatrabauhan niya."

"Wait... Why?"

"Ang alam ko ay kahit sa phone lang ay magagawa niya na agad ang trabaho. Pero ang kay Irene... There were secret rendezvous. I don't know why... What's the reason?"

I gulped. "You mean..."

She nodded her head. "There must be more than that..."

Habang nasa grocery store ako ay hindi ko mapigilang isipin ang mga sinabi ni Aara. Ayon sa pagkakakwento ni Klaus ay kapag nakikipagkita si Irene kay Zac, kung tama ang hinala ni Aara ay may mabigat pang dahilan ito.

"Shit... Sorry, Sir." Ngumiwi ako nang may mabunggo ang cart na tinutulak ko. Tumingin lang sa akin ang lalaki bago nagpatuloy sa paglalakad.

Napabuga na lang ako ng hangin. Matapos kong makapamalengke ay inuwi ko na sa bahay ang mga 'yon. Tinulungan ako nila Irene at Aara sa pagbubuhat ng mga gamit. Inarkila namin ang isang cottage, ako na ang nag-ayos sa ihawan dahil lumusong na sa tubig sina Irene at Aara. They were both wearing their favorite color of bathing suit.

Habang nag-iihaw ako ay binabantayan ko rin ang kilos nila. Nagtatakbuhan sila sa dalampasigan at mukhang may laro silang paramihan ng shells dahil sa mga hawak nila.

Kumuha ako ng tatlong stick mula sa iniihaw ko at lumapit sa kanila.

"Girls!" I called their name.

Sabay silang napalingon sa akin at lumapit. Nakangiting inabot ko sa kanila ang mga stick.

"Hindi ka maliligo?" tanong sa akin ni Irene habang ngumunguya.

"No. Walang magbabantay sa gamit natin," biglang sabi ni Aara.

Naintindihan ko naman ang gusto niyang mangyari kaya sumang-ayon na ako. Nasa cottage lang ako at pinagmamasdan ang paligid. Pinanuod ko kung paano umalon ang dagat, ang paghalik ng tubig sa dalampasigan at ang paghila nito sa ilang butil.

I could hear from here the laughs of two girls. Pinagtripan nila ang isang lalaking naliligo rin. Natawa ako nang pahigain nila ito sa mapinong lupa at inumpisahang lagyan ng lupa ang katawan.

Hapon na rin nung sa wakas ay napagpasyahan na nilang umuwi. Habang nagbabanlaw sila ay nagluto na ako ng hapunan. Natatawa na lang din ako dahil parang naging katulong ako ng dalawang laki sa layaw na babae.

"Ang bango ah..." Naramdaman kong inamoy ni Aara ang batok ko.

"Ang ulam ba o ako?" tanong ko.

Niyakap niya ako mula sa likod kaya naging limitado ang galaw ko sa paghihiwa. Nararamdaman ko rin ang mga mahina niyang halik sa batok ko na bahagya kong ikinakatawa.

"Napapasaya ko ang kapatid mo... Ako ba, kaya mo ring pasayahin?"

Hinarap ko siya. "Hindi pa ba sapat ang nangyari kagabi?" biro ko sa kanya.

"Biro lang... Alam mo naman kung ano ang motto ko para sa 'yo, hindi ba?"

"Hmmm... Hindi ata?"

"Always, for you..."

Mayamaya rin ay dumatin na rin si Irene. Tahimik na kumain lang ako habang nakikinig sa usapan nila. Kung titignan ay parang simpleng magkaibigan lang sila, nagbibiruan at tawanan, sana nga ay gano'n na lang.

Pagkatapos naming kumain at mahugasan ang mga pinagkainan ay pumunta na kami sa salas para sa movie marathon na plano nila. Pagod na nakasandal ako sa sofa habang pinapanuod si Irene na ayusin ang panunuorin namin. Napatingin ako sa labas. Madilim na rin pala.

"Hmmm..." Sumandal sa akin si Aara. "I am so tired," bahagyang reklamo niya.

"Had fun?" I asked her in a low voice.

She looked up at me. "I'm sorry... Gusto ko lang mabigyan ng oras si Irene. Sorry kung hindi kita naaasikaso."

"Thank you..." I kissed her forehead.

Mayamaya rin ay tumabi na rin sa amin sa couch si Irene. Nasa gitna ako, nasa kaliwa si Irene at sa kanan si Aara. The movie started, I was just staring at the screen. Hindi ko masundan ang pinapanuod namin dahil hindi mawala-wala sa isipan ko ang mga nangyari.

Tumingin ako kay Irene, nakatutok ito sa panipanuod namin. Napalingon siya sa akin. Kumislap ang ilaw sa kanyang mga mata.

"Had fun?" I asked her.

She nodded her head. "Sobra... Pakiramdam ko nga ay kahit na sunduin na ako ngayon ni Kuya Alex ay okay na. I've had enough fun."

Tumamad ang tingin ko sa kanya. "Huwag mong isipin na pinipilit ka naming umalis. Hindi mo rin kailangang pilitin ang sarili mo."

Umiling siya. "Hindi. Gusto ko na rin namang umuwi eh."

"You sure?"

"R-Really..."

Tumaas ang dalawa kong kilay. "You seem hesitant..." I mocked her.

Naramdaman kong naging magulo si Aara mula sa mga braso ko. Nilingon ko siya. Nakanguso ang kanyang labi. Tumikhim ako bago muling tumingin kay Irene.

"Don't force me, I might deflect my decision." She chuckled.

"It's your choice, I just don't want you to make feel we are better off without you."

"But..." Bumuntung-hininga siya. "Baka bukas din ng hapon ay andito na rin si Kuya Alex."

Nawala ang ngiti sa aking labi. Napatingin ako kay Aara nang bigla siyang bumangon at diretsong naglakad papunta sa kusina. Nagpaalam ako kay Irene na pupunta lang din sa CR. Sinundan ko si Aara.

Naabutan ko siyang nakaharap sa ref.

"Bumili ka pala ng alak?" tanong niya habang kumukuha ng beer doon.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mabuksan niya iyon at tinungga sa kanyang bibig. Sumandal siya sa lababo, nakatingin sa akin. Lumunok ako nang mapagtanto kung bakit ganito ang kilos niya.

"Look... Just like you, I want her too to be happy," I said.

Kumunot ang noo niya. "Gago ka ba?" May diing tanong niya. Muli siyang tumungga sa bote. "Akala mo ba ay ginagawa ko ito para mapasaya si Irene? No. Jude... Para sa 'yo ito."

"Para kasing napipilitan lang siyang umalis..."

"Paano kung sasabihin ko sa 'yong napipilitan lang talaga siya, ano ang gagawin mo?" diretsong tanong niya. Hindi ako nakasagot dahilan ng pagtawa niya. "I knew it... Fuck, I knew it!"

"Aara..."

"K-Kapatid lang ba talaga ang turing mo sa kanya?"

"What? Of couse..."

Tumawa siya bago unti-unting naglakad palapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang kamay.

"Really, Jude?"

"Huwag mong gawan ng malisiya ang mga ginagawa ko para sa kanya?"

Mahina siyang tumawa. "Gano'n ba? Sige... Huwag mo ring gawan ng malisiya ang gagawin ko."

Binitawan niya ako at nagmadaling lumabas ng kusina. Mabilis na sumunod ko rin ako. Bumagsak ang luha ko, hindi nakakilos, napapikit. I felt something strange inside of me when I saw how Aara kissed Irene.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro

Tags: #romance