Kabanata 24
Kabanata 24: Favor
It felt as if I was in a nightmare, dark and full of unexpected turn of events, and if it was not, I wished it were. Those scream from Irene made an echo in me and I wanted to shut it out. I didn’t see it coming.
“J-Jude…” Aara called me.
I felt numb at this moment, I couldn’t get up from my knees. I was froze in shock, still swallowing the intensity of realizations. The way Irene cared for Aara… The way she wanted to get away from me to give time for Aara… Her capture of our picture… Her simple gestures toward her… It all made sense now.
Why didn’t I see it? Am I really that insensitive or is it just Irene was too good at pretending? I was thinking… I think I had missed who really was the great pretender in this story.
I looked up at Aara. Wala pa ring tigil ang pagpatak ng luha sa kanyang mata.
I chuckled in an unpleasant way. “That’s why you were so disgust when I found you screaming at each other…” Bahagya pa akong tumango.
“I-I thought she was into you…”
“This should be a good news to you, right?” I smirked. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at inis na pinahid ang luha sa aking mata. “You don’t have any threat when it comes to me anymore.”
Natigilan siya sa pagsinghot at binigyan ako ng hindi makapaniwalang tingin.
“Y-You think… I am happy with all these?” Disbelief written all over her face.
Pinaningkitan ko siya ng mata.
“She is not in love with you…” That’s what I wanted to believe. Hindi ata kayang tanggapin ng utak ko ang katotohanan.
“I wish she was not…”
I shook my head, trying to be positive despite of all the negative thoughts.
“I am going to confront her…” Aara stopped me when I was about to walk out. Hinarang niya ang daan ko. “Why are you stopping me?”
“Pwede bang kumalma muna tayo?” pakiusap niya. “Maybe, yes. I am still hoping Irene is just confused about her feelings and what you are about to do would make her thoughts even more fuzzy.”
Natigilan ako sa sinabi niya. I understand her point, but I hate how she commanded me to calm down. Who would calm down if they found out something… Gross. Shit. I am being jerk again.
“I have a plan…” She gulped. Pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata. Nanatili akong nakatingin sa kanya at naghihintay kung ano ang planong sinasabi niya. “Let us pretend.”
Kumunot ang noo ko. “I am not good at pretending.”
“You don’t have to be good with it. You have to control your emotion. Let’s be with her in serenity. Pakisamahan natin siya na parang walang nangyari. Let’s avoid complicating it more.”
I stared at her eyes. She was smiling now but I could still see her slightly trembling lips. I let out a heavy sigh as I nodded my head.
“I can’t promise but I will try…”
“Try not to trigger her, Jude. Magpapanggap ka na ang alam mo lang ay ikaw ang mahal niya. Then try to do something with it… I will handle the rest.”
I nodded my head. “I don’t want to hurt her…”
“But if hurting her means waking her up from this, we have no choice.”
“Shit!” I cursed. “I didn’t know we would reach this far. If I had just known earlier…”
“Hey…” She patted my shoulder. “This should not be a regret to us. Let’s fix this…” Pumagod ang kanyang mga tingin sa akin. Payak din ang porma ng kanyang labi. “I am tired… I want to end this.” Humina ang boses niya.
I stared at her weary eyes. I smiled… I suddenly saw Irene in me. I felt like even I was smiling, it was just a melancholic one.
Bumagsak ang tingin ko sa kamay ni Aara na nakahawak sa aking mga kamay. Hinaplos niya ang mga kamay ko, ramdam ko ang panginginig sa mga ito. Muli kong sinabayan ang malalalim niyang tingin.
“You ready?” she asked.
I pulled her for a hug. “Help me save my sister from this misery…”
“For you, Jude… No hesitation.”
Pinanuod ko ang unti-unting paglapit ni Aara sa kinatatayuan ni Irene. Nanatiling nakatalikod sa amin si Irene, pinagmamasdan ang unti-unting pananaig ng kadiliman sa kalangitan.
Sumandaling tingin sa akin si Aara. She smiled before turning her back.
Nakita ko ang paglingon ni Irene, ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga mata at bahagyang pag-awang ng kanyang labi. Sumikip ang paghinga ko nang makita ang pagyakap niya kay Aara. Sa gitna ng mahigpit na yakap ni Irene ay nanatiling bagsak ang mga kamay ni Aara.
Are you really in love with my girl? Please… Don’t be.
I started to move my feet too. Ilang metro ang layo sa kanila bago ako natanaw ni Irene. Mabilis na naglaho ang ngiti sa kanyang labi, kumuyom ang kamao ko. Humiwalay siya sa pagkakayakap kay Aara.
“J-Jude…” she called my name.
“A-Aren’t you going to hug me too?” I stuttered.
She gulped. Bahagya siyang ngumiti bago naglakad palapit sa akin. Kumalabog ang dibdib ko nang yakapin niya ako. Pumikit ako at dinamdam ang kanyang katawan.
“I missed you…” I whispered. She didn’t say anything.
Kumawala siya sa pagkakayakap mula sa akin at pasimpleng sinulyapan si Aara. Bumagsak ang balikat ko nang makita ang kagustuhan niyang yakapin pa ito pero hindi niya magawa dahil sa akin.
“W-What are you doing here?” Irene suddenly asked me.
My chest hurt when I heard that. She was not expecting anyone here but Aara. Why did you come this far, my sister? Is it my fault? Or is it just love doesn’t know limitation? Nevertheless, I was hurt with her words.
“W-Why didn’t you text me?” I asked.
Bahagya ulit siyang napatingin kay Aara na nakatingin lang sa amin.
“I-I forgot…”
“Why Aara?” I questioned again.
Nakita ko ang paglunok niya. “A-Alam mo na?” Nakita ko ang pagguhit ng takot sa kanyang mga mata.
“It is maybe because Irene found my phone number first before you…” si Aara ang sumagot. Napatingin sa kanya si Irene. “After all, A is the first letter on the alphabet.”
Napayuko si Irene. I smiled bitterly. The last time I saw Irene’s contacts, there was no Aara in it.
“This is such a nice view…” Pagbasag ni Aara sa katahimikan. Pinagmasdan namin ang padilim na kalangitan. “I want to stay here…”
Mabilis na napaiwas ako ng tingin dahil napatitig si Irene kay Aara. Hindi ko kayang makita ang mga pasimpleng sulyap nito sa babaeng pakakasalan ko. Hindi ko matanggap… Hindi ko alam kung kaya kong tanggapin.
“Y-You can stay here if you want,” Irene said to her.
I chuckled. “So it is settled then?” Napatingin sila sa akin. Malawak na ngumiti ako. “We will stay here… Just the three of us.”
Tumawa si Aara kaya napilitang ngumiti si Irene. “M-May inuupahan akong bahay sa hindi kalayuan. We can stay there…” she said.
Bahagyang bumali ang leeg ko. “Ang laki ata ng kinita mo sa online business para maka-afford pa ng isang bahay…” Ngumisi ako. Magkano kaya ang binayad niya kay Zac?
Nakita ko ang pag-iba ang timpla ng mukha niya.
“Of course! Ang sarap kaya ng cookies na ibinebenta ni Irene kaya sure akong marami siyang customer!” muling sabi ni Aara at pasimple niya pa akong sinamaan ng tingin.
“Binigyan ka niya?” tanong ko.
Natigilan si Aara. Itinago ko ang pasimpleng pagngisi. Sabagay, baka nga binigyan pa ni Irene ng supply si Aara ng kanyang cookies. Hindi ko tuloy maisip kung sino ang naunang nakahanap kay Aara sa aming dalawa.
“Gusto niyo bang makita ang bahay?” tanong ni Irene.
Tumango si Aara. Muli akong napaiwas ng tingin nang makitang hinawakan ni Irene ang kamay ni Aara. Mabilis din akong napatingin nang hawakan naman ni Aara ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin. Nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Irene.
Naunang pumasok sa bahay si Aara at Irene dahil naghanap pa ako ng pwesto kung saan pwedeng iparada ang sasakyan ko. Nang matapos do’n ay sumunod na rin ako.
Naabutan kong inaabutan ni Irene ng tubig si Aara na nakaupo sa couch. Iginala ko ang mata ko sa bahay na ito. Ang pagkakaintindi ko ay dalawa lang ang kwarto.
“You occupy the other room, Jude,” sabi ni Irene. Tumingin siya kay Aara. “Kami na lang ni Aara sa isa pa.”
“I can sleep on this couch…” sabi ko.
“Baka mangawit ka lang…”
“Or Aara and I can occupy the other room,” putol ko sa kanya. Bahagya akong siniko ni Aara. “She is my fiancé and I don’t see any problem with that, right?” I grinned.
Ngumiti si Irene at nagpaalam na ikukuha ako ng tubig. Mabilis na sinamaan ako ng tingin ni Aara pagkawala ni Irene. Nagkibit-balikat na lang ako sa kanya dahil wala naman akong sinabing mali.
“Just kidding… Dito ako matutulog sa couch,” pagbawi ko kay Aara.
She rolled her eyes. “Babae naman kaming dalawa ni Irene. Doon ka na sa isang kwarto…” bulong pa niya sa akin.
I arched my eyebrows. “Gago ba ako para hayaan kang matulog sa kwarto niya?”
Mabilis na lumayo nang bahagya sa akin si Aara nang dumating si Irene. Inabot niya sa akin ang isang baso ng tubig. Diretso ko ‘yong nilagok. Umupo siya sa tabi ni Aara.
“Parang ang sarap atang makatanggap ng pulang rosas…” sabi ko habang pinagmamasdan ang pulang rosas na nasa gilid ng TV.
“Masarap talaga sa feeling, Jude… Pero hindi mo pa nagawa sa akin,” sabi ni Aara.
Bahagya akong natawa. “Sigurado naman akong nakatanggap ka na rin ng pulang rosas kahit hindi galing sa akin…”
“Uh, yeah. Pero iba pa rin pag galing sa ‘yo. Hindi ko hahayaang malanta…” Tumawa siya.
Napatingin kami kay Irene nang tumikhim siya. “Magluluto lang ako ng hapunan natin,” sabi niya.
“I will help…” sabay sila ni Aara na pumunta sa kusina.
Naiwan ako sa sala. Sumandal ako sa couch at kinalma ang sarili ko. Parang naninibago ako ngayon kay Irene. I used to be comfortable with her but now, it felt like we just met because of the awkward ambiance.
I heard laughs from the kitchen. Mabilis na tumayo ako at lumabas ng bahay dahil hindi ko kayang makinig sa tawanan nila. Sinalubong ako nang malamig na hangin. Mas malakas ang ihip ng hangin sa lugar na ito dahil na rin malapit ito sa dagat. Halos madilim na rin ang paligid.
Naglakad-lakad ako sa malawak na bakuran ng bahay na ito. Lumapit ako sa isang puno at umupo sa lilim nito. Niyakap ko ang tuhod ko habang nakatingin sa dumidilim na langit. Bigla kong naalala ang mga pinagsamahan namin ni Irene.
I suddenly missed our escape… I suddenly missed the feeling I used to feel with her. Pakiramdam ko ay naglaho ang lahat ng ‘yon sa isang iglap. Pakiramdam ko ay namatay ang pakiramdam na ‘yon at hindi ko matanggap.
Yumuko ako at pumikit. Pinakinggan ko ang pagaspas ng hangin sa mga puno, ang lamig na dulot nito sa katawan at ang haplos nito sa akin. Paano ko siya haharapin nang hindi naaalala kung ano talaga siya?
Hindi kailanman naging mahirap sa akin ang pagtanggap. Mabilis na natanggap ko ang kasalanan ni Dad kay Mommy, ang pang-iiwan ni Mommy kay Daddy, ang pagdating ni Irene… Lahat ng ‘yon ay mabilis kong natanggap.
But this one… How?
Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Daddy sa akin bago ako umalis kanina. How can I protect her from this? How can I make her happy if her happiness is tied in me? How can I be happy without hurting her?
“Jude…” Umangat ang tingin ko kay Aara. Nakatayo siya sa harapan ko. Nakahawak ang isa niyang kamay sa kanyang buhok dahil sa lakas ng hangin. “Kain na tayo…” aya niya sa akin.
“H-How is she?” I suddenly asked.
“Jude…”
“Is she happy without me?” Hindi siya nakasagot. Nanatili siyang nakatitig sa akin. “How about without you?”
“Pumasok na kayo, malamig na sa labas!” sigaw ni Irene na nakatayo sa gilid ng pinto.
Napatitig ako sa kanya. May bakas pa rin ng ngiti sa kanyang labi habang nakatingin kay Aara. Tumayo ako at hinawakan ang kamay ni Aara. Habang naglalakad papasok ay nakatingin ako kay Irene. Tumalikod na rin siya sa amin at pumasok.
Habang kumakain kami ay nagkukwento si Irene tungkol sa plano niyang permanenteng pagtira na rito. Ipagpapatuloy daw niya ang kanyang business.
“I love this place…” Irene said.
Pabagsak na ibinaba ko ang kutsara na hawak ko. “This is stupid. How can you run a business in this kind of place?” I arched my eyebrows. “Can’t you see? It is almost isolated. How can you deliver the orders?”
Naramdaman kong hinawakan ni Aara ang kamay ko sa ibaba ng lamesa. Hinaplos niya iyon na parang sinasabi na kumalma ako.
“I can get someone who will do the deliveries for me… Hindi ba ikaw na rin ang nag-suggest no’n?” Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay nanunumbat siya.
I chuckled. “You will put the burden to someone?”
“I will pay him!”
“Why don’t you do it yourself?” I dared her.
“Fine!”
Tumawa ako nang bahagya. “Aw, my dear sister is already an independent woman. I am so proud… Oh wait… Have you really treated me as a brother?”
Her lips slightly parted. Tumikhim si Aara at uminom ng tubig.
“A-Are you still thinking I am in love with you?” she asked.
“Well that’s my interpretation to what I saw.” Tumayo ako at tinukod ang kamay ko sa lamesa habang nakatingin sa kanya. “Hindi ko nga alam kung ilang beses mong sinabi sa akin na ako ang ideal love mo…”
Natawa siya sa sinabi ko pero alam kong dahil iyon sa inis. “Believe in what you want…” she mumbled.
“Nasa harapan tayo ng pagkain…” biglang sabi ni Aara.
Napatingin ako sa kanya. “Sorry…” Bumalik ako sa pagkakaupo at hinawakan ang kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. “Did I offend you?” I asked Aara.
She shook her head. Mabilis din na binawi niya ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ko.
“A-Ano ba talaga ang plano niyo sa pagpunta rito?” biglang tanong ni Irene.
“We want to make sure you are safe…” I simply said. “Why? Gusto mo na ba kaming umalis?” tanong ko pa.
“Jude…” babala ni Aara.
“What? Baka gusto na niyang umuwi ang isa sa atin. I wonder who she wants to be left here with her…” I smirked.
“I am not in love with you…” madiing sinabi ni Irene.
Bahagyang bumali ang leeg ko. “I can see love in your eyes… If not to me… To whom?” Bumagsak ang tingin niya sa lamesa. “Ah, of couse, you are in love with me. I am your ideal love after all…”
Narinig ko ang mahinang pagsinghap ni Irene. Parang bumaba ang emosyon ko nang makita ang pagpatak ng luha sa lamesa. Kumuyom ang kamao ko nang tumingin siya sa akin, puno ng luha ang kanyang mga mata.
“A-Are you pushing me to confess?” She trembled. Hindi ako nakasagot. Parang nanghihina ako habang nakatingin sa kanyang mata. “You are my ideal love because I love the way you love. I am in love in your way of showing love, not in you.”
“Fuck!” Mabilis na tumayo ako at lumabas.
Tumakbo ako palabas, narinig ko ang pagtawag sa akin ni Aara. Pumatak ang luha sa mata ko habang tumatakbo ako. Natagpuan ko ang sarili kong may kinuha sa loob ng sasakyan ko.
Using my shaking hands, I lit up a cigarette and put it in my mouth. Pinakawalan ko ang usok habang nakasandal sa sasakyan ko. Napaubo ako nang bumalik sa mukha ko ang usok dahil sa lakas ng hangin.
Pinunasan ko ang luha sa aking mata.
“Do you really smoke?” Aara asked.
Saka ko lang napansin na nakatayo na pala siya sa harapan ko.
“I just tried…” Itinapon ko sa lupa ang sigarilyo at inapakan ‘yon. “Sabi nila ay nagpapakalma raw ito. Fucking liars… Ang sakit sa lalamunan. Ang baho.”
Humalakhak si Aara dahil sa sinabi ko.
“Hindi ka lang sanay…” sabi pa niya.
Tumitig ako sa kanyang mga mata. Muling umihip ang hangin. Pinunasan ko ang natirang luha sa aking mga mata. Bakit ba ang iyakin ko ngayon? Daig ko pa ang babae kung umiyak.
“I-I can’t pretend anymore…” I said.
“We are just starting…”
“She seems really in love with you…” I said out of nowhere. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. “We can still fix this, right?” tanong ko pa.
Bumuntong-hininga siya. “Honestly… I have no idea. But there’s no harm in trying, right?”
“There is…”
“Come on, Jude…”
“I don’t know what to do anymore… Masaya siya sa ‘yo. This is shit but I can’t see her crying… I want the best for her.”
Kumunot ang noo niya. “Don’t you dare…” Tinaliman niya ako ng tingin.
Natawa ako bago siya hinila at ikinulong sa aking mga braso. Hinaplos ko ang kanyang buhok.
“Can you do me a favor?” I asked.
“I can’t…”
“Please?”
“Fuck you…” She bursted into tears. “D-Don’t you dare…” Hinampas pa niya ang likod ko.
I smiled and closed my eyes.
“I love you, Aara…”
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro